Skip to content

Halatang panic sina Esperon

Pinipilit kong intindihin si AFP Chief Hermogenes Esperon sa kanyang pikon na pananaw sa pagkapanalo ni Lt(sg) Antonio Trillanes IV sa pagka-senador.

Napanood ko sa TV noong Biyernes ng gabin ang reaksyon niya sa pinakahihintay ng bayan na proklamasyon ni Trillanes bilang senador. Hindi maitago ni Esperon ang kanyang inis.

Sa halip na makinig sa boses ng 11 milyon na Pilipino na bumoto kay Trillanes, ang mga balakid pa rin ang kanyang pinagsasabi ni Esperon. Porke’t sinasabi raw ng Articles of War ito at ito.

Ngunit ito ang sinabi ni Esperon na nagpapahiwatig na nasa-panic mode sila sa military: “Sige gusto gumalaw, subukan nila.”

Natatakot ba si Esperon na magkaroon ng coup o paggalaw ang mga military? Bakit ganoon siya magsalita? Halatang insecure.

Dahil kaya sa damang-dama niya ang sampal sa kanya ng mga kasundaluhan na nagpanalo kay Trillanes kahit na nag-order siyang bomoto sa mga kandidato ng Team Unity ni Gloria Arroyo. Kahit na pinag-utos niya, sa pamamagitan ng kayang Army chief na si Gen. Romeo Tolentino na alisin ang mga posters ni Trillanes sa paligid ng military camps.

O baka naman nakita niya sa mga sagot sa survey na kanilang isinasagawa na walang respeto sa kanila ang karamihan sa mga batang opisyal.

Dapat lang talaga mag-alala si Esperon sa kalagayan niya ngayon sa nagising na sandatahang Pilipino.

Sabi nga ni Trillanes, ang armed forces o ang sandatahang hukbo ng Pilipinas ngayon ay kaanib na ng sambayanang Pilipino. Pinakita ng mga sundalo, sa pamamagitan ng pagboto sa kanya, kasama na ng kanilang mga pamilya, na dama nila ang damdamin at hinagpis ng sambayanang Pilipino.

Pinakita ng ating mga sundalo na panig sila sa katotohanan at sa hustisya. Ayaw nila ng dayaan, kurakutan at walang pankundangan pagpatay sa kapwa Pilipino.

Dapat lang talaga mag-alala si Esperon, ang isang ehemplo kung paano umakyat sa liderato ng AFP sa pamagitan ng pagsisipsip sa may kapangyarihan, kasama na ang pagbabastos sa sandatahang hukbo.

Ang hilig-hilig ni Esperon magbanggit ng batas at Articles of War. Mabuti naman. Ngunit hindi niya dapat piliin lang ang gusto niyang parte ng batas. Dapat intindihin niya ng mabuti ang buod.

Sinabi ng Constitution ang Armed Forces ay hindi naki-alam sa pulitika. Bakit niya tinulungan si Gloria Arroyo mandaya noong 2004 elections. Sinabi sa Constitution na ang Armed Forces ay tagapagtanggol ng sambayang Pilipino.

Pagkatapos mabuko ang pandaraya ni Gloria Arroyo noong 2004 election, lumabas sa survey na pito sa sampung Pilipino ay ayaw kay Arroyo. Bakit siya patuloy na nagtatanggol kay Gloria Arroyo?

Published inElection 2007MilitaryWeb Links

80 Comments

  1. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Isa lang ang ibig sabihin. Hindi hawak ni Heneral Esperon ang boung AFP. Tagilid siya. Bakit kailangan pa ang isang internal survey sa pagkanalo ni Senador Trillanes? Siguradong sabit siya sa Hello Garci politikal scam at ibang anomalya sa militar. Yanig to the bones talaga! Anong Articles of War? The Filipino people are at war with corrupt and abusive Gloria Arroyo government since 2001 power grab.

  2. rose rose

    When you have your back against the wall and your are haunted by the wrongs you did but won’t accept you did ay magpapanic ka nga. Dahil sa heneral siya kuno ang kanyang panakot ay- subukan ninyo. Ang dapat isagot sa kanya ay “do you think you can afraid us? Far, far away. (akala mo matatakot kami- malayong, malayo.) The wrongs that were done haunt him. Baka nakonsensiya na siya. Hayaan nalang magdusa siya sa sariling takot.

  3. joeseg joeseg

    While I have already bid goodbye, please allow me to post this.

    Sampal ng mahigit na labing isang milyong Pilipino ang umabot hindi lang kay Esperon pati na rin kay Gloria Macapagal Arroyo. Kitang kita ang ebidensya sa pamumula ng kanilang mukha sa matinding sampal na lumalapat at bawat isang araw na nagdaraan, may dagdag pang sampal. Ang hapdi ng sampal ay ramdam ng buong katawan.

    Hindi mapapasubalian ang lakas ng tsunaming dumating sa katauhan ni Sen. Trillanes sa buhay nating mga mamamayan. Bagaman at nakakulong ay sa kanya ipinagkatiwala ng labing isang milyong mamamayan ang kanilang boto bilang isang protest vote sa kasalukuyang administrasyon. Ang labing isang milyon sa average na apat sa isang pamilya ay nangangahulugan ng halos kalahati ng populasyon ng buong Pilipinas.

    Sa ganitong pangyayari, walang pasubaling magpanik si Esperon. Bakit nga ba hindi?

    Isang araw ay tatawagin siya sa Senado upang humarap sa mga pandinig ng mga kasong tiyak kasasangkutan ni Esperon. Pagdating niya sa Senado, ang kaharap niya ay si Sen. Trillanes na kanina lamang ay nasa kulungan. Bago pumasok ng session hall ay inalisan muna ng posas si Sen. Trillanes. Habang magkakaharap sila, halatang parang sinisilihan sa pwet si Esperon, pinagpapawisan ng malagkit. Lahat ng mata ay nakatuun sa kanila, buong bansa, sa oras na magtanong na si Sen. Trillanes. At dumating na ang oras ni Sen. Trillanes na magtanong at ang sagot ni Esperon: Yes, Your Honor! Nabaligtad ang mundo! Ang jailer ang siya ngayong nagsasabi ng Your Honor sa isa niyang sundalo na kanina lamang ay nakakulong! Sa isang taong may delicadeza, baka magpakamatay na gayung eksena. Pero hindi natin inaasam na gawin yon ni Esperon. Hayaan nating pagbayaran niya ang kanyang pagkakasangkot sa Hello Garci. Hayaan din natin siyang makulong. Hayaan natin maranasan niya ang dinanas pa hanggang ngayon ni Sen. Trillanes at marami nitong kasamahan na pinagkakaitan ng kanilang basic rights.

    Sadyang ganyan ang Gulong ng Palad.

  4. Etnad Etnad

    O, Bakit hindi natin subukan …. Parang Bata …. Napanood ko rin Ellen … Parang hindi siya Graduweyt ng PMA. Parang bata na naghahamon. Hilaw siyang General. Hindi siya gaya ng ating Senator Trillanes.

  5. Etnad Etnad

    Trillanes for PRESIDENT sa 2010. Sorry na lang sila Legarda, Villar, Lacson. Nasa kanya na ang mga katangian ng isang tapat na servant ng mga tao. At pag siya ang magiging Presidente natin sa 2010 …. heheheheeh parang nakikinita ko na, si Glorya at Esperon magkatabi ng kulungan …. saan ba yong pinagpapahingahan nila Querubin?

    Sila Querubin, Lim, Segumalian, Aquino ay tatakbo naman sila para sa Kongreso at Senado sa 2010. Parang nakikinita ko na na mawawala na ang mga trapong mga politisyan.

    Bansa natin ay uunlad after 2010.

  6. skip skip

    Ellen, I saw that one too.

    A most ungeneral-like histrionic, I must say.
    While real leaders handle such situations with aplomb, lesser personalities like Esperon get pissed off easily, their actions revealing to all and sundry how inferior of mind and character they are. Asar talo.

    “Sige gusto gumalaw, subukan nila.”

    Can there be any clearer indication that this fugly creature knows something? I bet he can feel the restiveness of the soldiers who have gone out of their way to disobey his order not to vote for Sonny. I bet he knows it’s just days away before something big happens.

    He thinks he’s scaring us. But how can he scare anyone when the newsclip showed his scrotum bulging out of his esophagus?

  7. Joeseg, it’s good to see you are still with us. Are you here in Manila? Did you get in touch with your son, Noli? Please do.

  8. Etnad, Sonny Trillanes is not qualified to run for president in 2010. Minimum age to be president is 40. Trillanes is just 35 now. Year 2016 pa siya pwede. So many things can still happen. Let’s pray that he lives up to the public’s expectations.

    Very important now is to keep him safe.

  9. From Loreto Balela:

    Hanga po ako dito sa dalawang senador natin.
    Lacon at Trillanes. Balita ko hindi rin yata tatanggap ng pork barrel itong si Trillanes.

    Napakamarangal pong mga mambabatas ang dalawang ito.
    Usok lalo ang puwet ni GMA, pati si miriam defensor
    lalong nabaliw sa pananalita. kesyo kumukuha lang daw
    ng pogi points sa taongbayan ang mga ito kaya ayaw
    tumanggap ng pork barrel. lalong lumutang ang
    kabaliwan ng babaing ito. talagang sanggang dikit ni
    GMA.

    Sa 2010 po ba ang eleksyon ng ng pangulo at ng pangalawang pangulo? Ngayon pa lang huwag nating kalimutan ang dalawang ito: Sen. lacson for president at Sen. Trillanes for vice president.

    Wala pong katalo talo yan. wag lang dadayain nila esperon, at mga tuta ni GMA.

    God bless.

  10. Loreto, si lacson pwede sa 2010. Hindi pwede si trillanes, 38 lang siya sa 2010. Dapat hindi mas bata sa 40 years old para qualified tumakbo sa pagka-president at vice president.

  11. Apparently, the pork barrel is one of the things that corrupt the lawmakers and what the greedy Malacanang squatters hold the neck with. This kind of system should therefore be abolished. No one should be getting any kind of payment even for public projects directly, and the money for such projects should not be left in the discretion, etc. of the possible to be corrupted politicians and even bureaucrats.

    Good for Lacson and Trillanes to start a trend! Trillanes, for his part, has started one—cheap political campaign that for him and the people who campaigned for him (my staff included) to be worth the sacrifice!

  12. Ellen: Very important now is to keep him safe.

    *****
    Sinabi mo pa, Ellen. Let’s not forget that being detained especially in a military camp is no safe place for one like Senator Trillanes, who can be a victim of extrajudicial killing. We have heard just recently of one in detention short by guards there and then prison authorities saying that the poor victim of such atrocity was trying to escape.

    With Senator Trillanes, no doubt nobody will believe them if they say so in case they try to harm him. The good senator has proved time and again that he is no idiot, nor is he as callous as his jailers who are looking more stupid and condemnable as they try their best to thwart the will of God and the people even with regard to the election of Senator Koko Pimentel who is No. 12 in the line-up of newly elected senators.

    with the greedy one erroneously thinking that as long as she does not do it directly, she is not guilty especially when she has someone like Esperon willing to take all blames that he, too, feels he can escape prosecution, go scotfree and continue to break the law, not just of men but also of God as they perpetrate all these evils that make God to curse a nation.

  13. Anong articles of war ang pinagsasabi ni Esperon, Ellen. Bakit nasa state of war ba ang Pilipinas? Baka sira na ang ulo ng taong iyan e puede ba irekomendang patignan sa psychiatrist ang ulo ng mamang iyan. What this guy is doing now is playing God. Mas delikado iyan!

    The guy is definitely insane. Isa pang may illusion of grandeur ang ungas! Golly, ano iyan, puro may sira sa ulo ang nagpapalakad ng bansa!

  14. joeseg joeseg

    Ate Ellen,

    I’m not in Manila at the moment and later on might not have easy access to internet anymore. I will just rely on Noli just as he forwarded your text message. I asked him to try his best to join and say hello to you coming from all the bloggers here. Magkikita rin naman tayo sa oras na may sked na uuwi sina Chi, Cocoy, Ystakei, Anna deBrux,Parasabayan, WWNL, Nelbar, Chabeli, Emilio, Elvira S, Rose, Luzviminda, Mrivera (pls wait for my reply) and the many who are abroad, pardoname if I can’t mention you all. Tongue T and Skip, I’m sure are just around.

    Guys, you may not have realized it but your heavy bombardment (thru blogging) pulverized the enemy lines and, in one or another, boosted the GO candidates particularly Sen. Trillanes. Thanks to Ellen Tordesillas’ hard hitting columns, we’re so motivated. God Bless us all.

  15. Joeseg:

    Pangako iyan. Sabi namin dito sa blog na kapag natanggal na si Glueria, et al, victory party sa Manila! Uwian lahat! Purpose is also to sit down with the new managers of the country and share our expertise plus discuss how we can help get fundings to help the country be run properly sans any utang from debtors who can now in fact slice the country among themselves.

    Good luck and God bless for what you are about to do for the land of our birth!

  16. alitaptap alitaptap

    Di ba noong pununta sa UP convocation si assperon pinagbabato siya ng itlog na bulok at putik sa lubluban ng baboy? Nagpanic siya noon at nagnigninig sa takot. Ngayon ay 11 milyon na pinoy ang bumato ng putik sa kanya – kahit saang sulok siya magtago, dama niya ang walang katapusang kahihiyan. Baka yayain niya si gloria na magbigti silang dalawa.

  17. Alitaptap: Baka yayain niya si gloria na magbigti silang dalawa.

    *****

    Sana nga, Manong, magbigti na lang sila, but I doubt if they can have the courage to do that para hindi na tayo ma-tempt na magmura. Come to think of it, I think I’ll do just that—less mura, more substance!

  18. nelbar nelbar

    ano ang naghihintay na post kay Assoperon pagkatapos ng CSAFP’ship nya?

    Buti pa si Victor Corpus may Liguasan Marsh na.

    Anong klaseng school of thought ang ituturo ni germ-o-gene sa future generation at bumabanggit pa sya ng articles of war.eh samantalang nakasaad sa konstitusyon ang pagrespeto at paggalang , pagbibigay daan ng civilian supremacy over the military.
    May bago na palang ibig sabihin ang nobility, gentleman, at professionalism ang kasundaluhan sa pamamahala ni Esperon.

  19. rose rose

    I agree with ystakei. Being detained in a military camp with Esperon still the Chief of Staff is not really safe for Sen. Trillanes. God forbid! baka pag gising natin isang umaga Sabihin nalang ni Esperon na nanawala si Trillanes. At pagtinanong kung nasaan ang sagot ay I don’t know, he was stolen. Stolen by whom? Maybe by people who are rallying. Who are they? The bloggers at ellenville.
    We have to keep Sen. Trillanes safe.

  20. Tiago Tiago

    “Sige gusto gumalaw. Subukan nila”. This Assperon is an idiot!
    How can he expect respect from the soldiers if he acts this way. Kase siguro napaka-insecure nito ngayon.

    Mabuhay ka Sen. Trillanes! The battle isn’t over, it has just begun. We’re expecting much from you. Masyado na kase kaming frustrated sa mga trapos in both branches of the government (executive and legislative). Keep safe and keep clean.

  21. skip skip

    “Sige gusto gumalaw. Subukan nila”.

    Talaga lang a.

  22. Mrivera Mrivera

    ba..bbbakkket? ssssi sino ti..ti..tinakot ninyo? akkkko ba? hhi..hindi akkko takkot, nnno? brrrrr. nnnggggihhhh!

  23. skip skip

    “Sige gusto gumalaw. Subukan nila”

    Hahahahahahaha! Pwe!

  24. Mrivera Mrivera

    gaya nang sinabi ko na sa naunang sinulid, sa paghaharap nina esperon at senador sonny trillanes, “your honor” i-a-address ng una ang huli at “sir” naman ang itutukoy na huli sa una.

    ‘yan ang habang buhay na military courtesy and respect na hindi kailanman mawawala at malilimutan ng sinumang disiplinadong naging opisyal o kawal na may pagpapahalaga at pakundangan sa dangal ng hukbong minsang pinaglingkuran.

    ewan nga lamang kung meron sa alinmang aking tinuran itong cheat-of staff ng kasalukuyang HUBONG sandatahan!

  25. Col. Bacarro said if he gets summoned to Senate hearings where Sen. Trillanes would be present, he will address him as “Mr. Senator.”

  26. At least, Ellen, may legitimate title si Senator Trillanes, walang duda, walang kulang. OK lang ang “Mr. Senator” kesa naman iyong Commander-in-Cheat nila Baka(ya)ro at Assperon. Never called the creep “President” because for as long as they cannot explain the additional 1M votes, and there is that doubt that she cheated, no way will I respect this woman-cheat y liar or call her “President of the Philippines.” Pwe!

    Sinong tinatakot ni Assperon? Baka someday hindi lang Philippine court ang haharapin niya. Baka makasama siya sa ICJ doon sa kaso laban doon sa amo niyang magnanakaw na sinungaling pa.

    Love that Susan Roces for her crispy description of this creep, “magnanakaw na sinungaling pa!”

  27. Ellen,

    I just emailed the translation of the June 8th Asahi article to you.

  28. Thanks, Yuko. I checked my email. Wala pa. Please resend.

  29. Yuko, Susan’s exact quote was, “Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw.”

    That led to a joke that Gloria and Mike Arroyo are brother and sister.

  30. From Manuel Abrenica:

    Sa mga pangigipit ni Esperon kay Senator Trillanes at a hindi niya pagtalima kaagad sa utos ng korte na makadalo si Trillanes sa proklamasyon, isa lang ang sagot na dapat initindihin ng naka uniporme:

    Section 3, Article II ng Philippine Constitution-

    Section 3. Civilian authority is, at all times, supreme over the military. The Armed Forces of the Philippines is the protector of the people and the State. Its goal is to secure the sovereignty of the State and the integrity of the national territory.

    Nagsalita na rin ang taong bayan sa pamamagitan ng balota para kay Trillanes. Sila ang supreme authority sa isang demokrasya.

  31. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Hi Joeseg!
    Good to hear from you again! Di ba, never ever say goodbye? Goodbye daw is always a standby! Pangako rin na oras na mag-packup kami ng hubby ko for Asia, I’ll communicate with Ellen and hopefully will meet you you with Ellen of course and the other bloggers here! Mapapabilis kami pag ang Unano ay matapilok kaagad at malitson kasama ng baboy na heneral ng AFP! He, he, he! Mag-breakfast muna tayo! Lubhang maaga pa dini sa amin!
    Ellen, nagpanic ba kamo si Esperon? No doubt, sa dami ng sampal na tinanggap niya (ll million plus) magang-maga pa siguro hanngang ngayon ang pisngi niya!
    Sa totoo lang, hindi safe si Senator Tillanes sa kinalalagyan niya. Dobleng ingat lang siya!

  32. Ellen,

    Will do. Lilipat lang ako doon sa kabilang computer sa isang kuwarto dahil doon naka-save ang translation.

    Iyong mga ginagawa ni Esperon ay pagpapakita lang ng taong ito na makapangyarihan siya. But in truth, kamote din siya. In fact, common sense na iyong mas mataas ang taumbayan sa mga militar dahil public servants din sila at bayaran ng mga taxpayers, at saka common sense na dapat siyang pailalim sa batas at korte ng bayan. Anong kaululan ang sinasabi niyang kailangan din ipairal ang military court. Gago pala siya e. Lalo na ngayong civilian na si Senator Trillanes. Iyong court martial sa totoo lang ang purpose mainly ay para i-determine kung idi-discharge honorably or dishonorably ang isang sundalong napapagbintangan o inaakusahang lumabag ng military and civilian rules kung meron man.

    Nagpasiya na ang mga taumbayan tungkol sa ginawa ni Senator Trillanes, dapat diyan ay bigyan na ng pardon ng hukuman!!! Nang payagan siyang tumakbo ay parang sinabi na rin ng korte na ibinibigay na ang kaso sa kamay ng taumbayan. Iyan lang naman ang interpretasyon diyan.

    Dito sa Japan, in fact, meron kaming unwritten law based on common sense. Dapat sa Pilipinas, kundi man iyan nakasulat sa papel ay puedeng ibatay sa unwritten laws based on common sense, customs and traditions considered as norms.

  33. Ellen,

    I just sent the translation to you again. The Asahi Shimbun journalist quoted you.

    Ang ganda ng sinabi sa huli. It’s actually how foreign journalists look at this victory of Senator Trillanes—a referendum on Gloria Macapagal-Arroyo, a.k.a. Mrs. Pidal!

  34. Ellen,

    This ruling “Its goal is to secure the sovereignty of the State and the integrity of the national territory” also proves that leaving the American soldiers to do the job of the police in Davao in investigating the bombing case there is a violation of the Philippine Constitution. Bakit ito pinapayagan?

  35. Yuko,

    Just for clarification: Articles of War mean the laws that govern a military, nothing to do with a nation being at war. That’s the technical term for military laws.

  36. BLACK KNIGHT BLACK KNIGHT

    Ellen,
    How was your trip to Antique? By the way, I found out that Tiolas is still a part of San Joaquin, Iloilo and looking westward, you don’t have any view of San Jose Buenavista, Antique! But the view of the mountains and the sea is really nice and relaxing.

  37. luzviminda luzviminda

    Kaya panic si Esperon ay dahil lalabas ang kanyang mga kabulastugan at kasalanan sa taong bayan pag trinabaho na ni Trillanes ang kanyang mga gawain bilang senador. And since Trillanes is making a phenomenal history in our country as a promising HERO, Arroyo-Pidal, Esperon, GUnggong Gonzales, N Gonzales, Ermita, Bunyeta, et al are the VILLAINS!!! And things will be written in the HISTORY of the PHILIPPINES!!!

  38. jay cynikho jay cynikho

    I was surprised. For a mammal who seems to know all the answers, why have I not thought of it , this gem of an idea. People racked their brains to find means to revive our sick country. I think you just said it, Etnad. These incarcerated patriots could be one of the last ten pieces to solve the million- piece puzzle troubling our ailing society.

    If I may say so, the last ultimate piece of the puzzle will be jail (reclusion perpetua) or death by musketry or by hanging (undeserved are lethal injections which is merciful and humane).
    After all how many lives (by murder) and how much in Billion dollars) Can be counted against these criminals? Certainly more than those killed by those now in Death Row, more than those stolen by all prisoners in all Philippine jails. Etnad, Let everybody read it again:

    Etnad Says:
    June 17th, 2007 at 3:06 am

    Trillanes for PRESIDENT sa 2010. Sorry na lang sila Legarda, Villar, Lacson. Nasa kanya na ang mga katangian ng isang tapat na servant ng mga tao. At pag siya ang magiging Presidente natin sa 2010 …. heheheheeh parang nakikinita ko na, si Glorya at Esperon magkatabi ng kulungan …. saan ba yong pinagpapahingahan nila Querubin?

    Sila Querubin, Lim, Segumalian, Aquino ay tatakbo naman sila para sa Kongreso at Senado sa 2010. Parang nakikinita ko na na mawawala na ang mga trapong mga politisyan. Bansa natin ay uunlad after 2010.

    A word from nobody like me means little. If the likes of AdB, Ystakei, Chi, Chabelli and Vic and the others will say AMEN to what you said Etnad, It’s not only you who can glean the emerging light at the end of the tunnel.

  39. vic vic

    Beware of a “puppy” that is cornered and nowhere to go, he’ll bite his way out. puppet he maybe, but Asperon, is very sneaky, and by now, may already be a very wealthy man and as we know in evey society, without exceptions, wealth can transform a little harmless puppy into a vicious pitbull and can lock his jaws against his enemies. so asperon a puppy or puppet that may turn into a pitbull…beware..

  40. jay cynikho jay cynikho

    Ellen

    Trillanes may be under age by 2010 to run for presidency,
    but let the people keep it in mind that they will remain waiting for him to be their president. It will also help Trillanes say NO to corruptions once he got a taste of the trappings of a political office.

  41. jay cynikho jay cynikho

    Bloggers are saying, Esperon had been slapped
    by 11 million voters. If you have been a frat
    neophyte before and will be slapped by at least
    25 masters during the final initiation, your
    face could balooned into an NBA basketball colored
    black, blue, red, and green.

    If in reality Esperon will be slapped by only
    a million people, what will remain might only be his skull.
    The painful part of these million sampals is that they are
    also felt by his parents, his wife, his children, his grandchildren, and all his friends that supported him.
    It’s like a slap to one man felt by all his loved ones.

  42. luzviminda luzviminda

    Joeseg,

    I know you have a good spirit! God Bless you in all your endeavors! Lahat ng munting ambag natin sa pamamagitan ng blog ni Ate Ellen ay pasasaan ba at mabubuwag din ang pahirap na pader ni Gloria EngEngkantada. Lalo na ngayon na nakakakita na tayo ng konting liwanag para sa ating mahal na inang bayan na pasisimulan ni Gat Antonio Trillanes IV! PATULOY TAYONG LALABAN PARA SA INANG BAYAN!!!

  43. From PDI – yet another reason to panic for Esperon. The AFP has never been as divided as it is now. Let’s see how this one plays out- who knows, Senator Trillanes may just hit the chords dead right with his opening salvo.

    Generals bare plot to kill militant activists

    By Christian V. Esguerra
    Inquirer
    Last updated 07:40pm (Mla time) 06/17/2007

    MANILA — Accused coup plotter-turned-senator Antonio Trillanes IV is not alone in his plan to resurrect the “Hello Garci” controversy and take the Arroyo administration to task for the unabated extrajudicial killings.

    A group of top military officials critical of President Macapagal-Arroyo has vowed to load the detained senator-elect with “ammunition” on these two issues once he begins work in the 14th Congress next month.

    Two of these officials, both generals, spoke with the Inquirer on Sunday on condition of anonymity.

    “We will send him all the ammunition, the pieces of evidence that we have in our possession,” one of the officials said in an interview. “He can use them as materials for Senate investigations or privilege speeches.”

    Trillanes could use as his opening salvo information on how another general “spoke openly” about liquidating militant activists in Luzon, according to the younger of the two generals.

  44. luzviminda luzviminda

    “Sige gusto gumalaw, subukan nila.”- Esperon

    Sagot ng mga magigiting na makabayang sundalo…
    “Hehehe! Isang maling hakabang nyo lang Gloria o Esperon, at GAGALAW KAMI PARA TAPUSIN KAYO”!!!

  45. Mrivera Mrivera

    ka enchong,

    umpisa na ng ……….kabi kabilang PAGHUHUDAS at PAGHUHUGAS ng maruruming mga kamay!

    abangan natin kung sino sino ang unang magbabaligtaran laban sa mga SALOT NG BAYAN!!

  46. Ka Magno,

    Sa pakilasa ko, hindi na aabot ng 2010 ang paghihintay natin. Ang mga palihim na pagbaligtad ng mga kasundaluhan ay maaaring sumalamin din sa pagbaligtad ng mga kapanalig ni Aling Gloria sa Mababang Kapulungan- sa simula, palihim… pasasaan ba at lalantad rin ang mga ‘yan kapag napagtanto nilang si Aling Gloria lang ang kasama nila sa bakuran? Liliban ang mga ‘yan sa kabilang bakuran upang makiisa sa sambayanang pinagmumulan ng lahat ng kanilang kapangyarihan.

    Maiba ako, kailan ka uuwi sa atin?

  47. Mrivera Mrivera

    ka enchong,

    ang mga opisyal na hindi dito hindi doon ay mapipilitan din ngang isalba ang kani kanilang mga sarili sa sandaling mapagtanto nilang hindi na makakatulong sa kanilang interest ang madyik ng itim na engkantada sa loob ng yungib ng malakanyang.

    maaaring makauwi ako, harinawa, kung ipahihintulot ng poong lumikha na makatapos ang bunso ko na nasa kanyang huling taon sa kanyang kurso.

    nakakahiya kung dito natinm pag-uusapan ang mga personal na bagay na walang gaanong kinalaman sa talakayan. narito ang aking abang tahanan, Mrivera@redseamallproject.com at kung mamarapatin mo, dito na lamang tayo (at sa bahay mo) mag-ugnayan.

    mabuhay ka, maas salamah

  48. Valdemar Valdemar

    The rank or title of a person when he was in a position his calling may not change according to the ethics columns, so once a Lieutenant Senior Grade it is disrespectful for the untutored to address him as Ex-LTSG TRILLANES. Same thing with a president, never good morning, Mrs. Ex-President ARROYO. But they may be informally referred to as the ex-navy officer, the ex-president or the ex-senator from the south. The only exception is for a liar, for that reputation sticks and will never be referred to as an ex-liar even long afterwards. Esperon’s pride is badly hurt. He cannot swallow it anymore to address Senator Trillanes properly. I note that interviews with civil authorities over the radio, there is a profuse respect of each other from both ends of the line with the universal sir or poh! I think that should be equally true with the military at interviews or senate hearings. I am sure his attention is called already and he will mellow down unless he calls the shots.

  49. xanadu xanadu

    Magandang basahin ang Analysis ni Tribune Columnist Alejandro Lichauco kung bakit nasa-panic mode sila sa military sa pagsasabi ni Esperon: “Sige gusto gumalaw, subukan nila.” Mere fighting words pero naninindig ang mga balahibo sa takot.

    Sa interprestasyon ni Lichauco sa survey na ginawa ng military sa mga kasundaluhan, mas ibayo pa sa pagkainis ni Esperon kay Sen. Trillanes ang kanyang pagpapanik. Lumalabas na ang nakaraang eleksiyon para sa mga senador ay laban ni Gloria at Erap. Natalo at laking kahihiyang sinapit ni Gloria. Baka imaniobra ni Gloria na convicted si Erap sa kasong plunder, malamang hindi ito matanggap ng mamamayan at magkaroon ng malawakang protesta. At bilang pakikiisa ng mga sundalo sa damdaming bayan, magsasagawa sila ng isang kudeta. Kapag nagtagumpay, ang unang makukulong ay si Esperon.

  50. Xanadu:

    Magdilang anghel ka sana. I have a feeling that if these crooks continue to utter those stupid statements and insist on oppressing the people, rebolusyon na talaga.

    Even foreign media sees Trillanes’ victory as a people’s victory, and that within the ranks there are now those willing to be in the open to support Trillanes and the people who voted for him. 11 million is no small number as a matter of fact.

    Anong gagawin ni Esperon? Patayin niya lahat sila para hindi matanggal ang amo niya?

  51. Iyong lawyer ng AFP, puede ba i-disbar kung magko-commit sila ng contempt of court kung ay court ruling naman na magsilbi si Senator Trillanes sa mga kababayan niya? Hindi naman sila ang masusunod sa totoo lang.

  52. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Re: Generals bare plot to kill militant activists

    It appears that some military officials are outspoken and speaking to their hearts against the AFP leadership’s abuses. They have found new trusted ally in the senate in the person of Sen. Antonio Trillanes IV. The revelation of active military generals in Luzon has confirmed Gloria Arroyo’s political persecution policy and military strategy against the so-called enemies of the state. The Melo Commission, the United Nations Special Rapporteur had accused the military of political killings. Mrs. Gloria Arroyo, NSC chief Norberto Gonzales and AFP chief General Esperon should be held responsible for political assassinations, extra-judicial killings and collateral damage as a result of govt.’s anti-insurgency campaign. The International Criminal Court has the jurisdiction on the crime against humanity. Unfortunately, the repressive Arroyo government is deliberately delaying the Rome Statute transmittal to the Philippine Senate for ratification. Matagal pa ang 2010. Patalsikin Na! Bitayin!

  53. luzviminda luzviminda

    Ka Enchong said:
    “Sa pakilasa ko, hindi na aabot ng 2010 ang paghihintay natin.”

    Ka Enchong, Xanadu,

    Parang yan din ang nalalalasahan ko at naaamoy pa! Mukhang hindi na aabot ng 2010. The decision on Erap’s case will greatly affect the rocking boat of Gloria EngEngkantada. With Trillanes’ win, the ranks of the patriotic military know now who to side with. And that is with the people who expressed dismay with the fake and illegal administration of Arroyo-Pidal. Maski unti-unti, mararamdaman natin ang tagumpay ng ating mga sakripisyo. GOD is making our VICTORY SWEETER!!! TULOY ANG LABAN PARA SA INANG BAYAN!!!

  54. Chabeli Chabeli

    Looking at the overwhelming win of GO in the Senate – not to mention the Trillanes phenomenon – the people gave a resounding WE DO NOT SUPPORT GLORIA.

    The same goes for The Ass. The 11 million who voted for Trillanes have spoken: WE DO NOT SUPPORT ESPERON.

    That should not be difficult for Gloria or Esperon to understand. However, should they refuse to accept this reality or will continue to defy the truth, then Gloria & Esperon will certainly have a big, big problem.

  55. mlm18_corpuz mlm18_corpuz

    chabeli,
    tama yang sinabi mo dapat talagang bumaba na sila (gloria,&esperon)dahil yong pagkaboto ng marami sa go lalo na kay trillanes yon ay palatandaan na ayaw na ng taong bayan sa kanila.napapansin ko di na natin naririnig ang mga salita ng mga abogado ni mike arroyo siguro nagsisisi na siya dahil para sa akin yong nangyari sa kanya ay BAD KARMA

  56. parasabayan parasabayan

    At long last, the patriots who are just sitting around waiting for some action finally woke up! I hope more generals will come out to expose the anomalies in the AFP. Trillianes was the booster for the military to wake up!

    I see Trillianes evolving into bigger force in our politics. Assperon though is doing all he can so Trillianes may not be able to serve the way he should and may be preceived as “inutil”. I hope that the three cavaliers in the senate will not allow this to happen. His comrades in the senate should equipt Trillianes with a state of the art communication system so he can function as a senator.

    Assperon is arrogant as ever when he commented “sige gusto gumalaw, subukan nila”. He is forgetting that our government is governed by the Executive, Legislative and Judiciary bodies and he is not even in the major league. And he should not forget that he only got his position by cheating for the tiyanak and incarcerating some of the best officers in the AFP. To the career officers, they know that this assperon rose to his rank by “cheating” his way to be the Cheat of Staff. Nothing to be proud of!

  57. rose rose

    parasaayan: ” I hope the three cavaliers will not allow this to happen.” Yong dalawa I am sure they will but Hodasan? I doubt it. I don’t see his interest for the people,
    BlackKnight: the lookout point I mentioned before, is not marked. And there are now many houses around the area- when you go up the winding road but the view is still very scenic. Have you been to Nogas Island? There is a road from Tiolas that would lead you to Aniniy where Nogas is.
    You have to leave your bike tho in the town to go to the island- If you not been there try to visit even just for half a day. For contact people re the island ask Ellen.. Bako bako lang ang aragyan pero breathtaking ang view..thus San Jose de Buena vista. Mauuli gid takon sa Antique

  58. nelbar nelbar

    Si Macapagal-Arroyo ang dahilan kung bakit nagkahati-hati ang AFP.

    Kung mag-resign kaya si GMA?Meron bang kokontra sa Noli Boy Presidency?

    Kung may papayag kay Noli De Castro, bakit hindi pinayagan na tapusin ni Erap ang panunungkulan nito hanggang 2004?

    Taumbayan ang nagpatibay ng pundasyon ng mga haligi ng AFP as an institution, taumbayan din dapat ang maghusga sa panunungkulan ni GMA.

    Hintayin ang 2010 o magkaroon ng SNAP election?
    Ang Senate election ay isang referendum para sa nakaupo sa Malakanyang.

    Speaking of meritocracy, Para sa CSAFP’ship, ano ang merits bakit nakaupo ang dalawang HERMOGENES ngayon at nagsisilbi kay GMA?Lalo na dun kay Esperon.

    Nakikita natin kung anu-anong kulay mayroon ang elite interest sa bansa.

     
    Samantala, sa ipinakita ni Sonny Trillanes 1V, bilang pagpugay sa aklat ni Gat Jose Rizal, buhay pala si Crispin.

    Hindi po si Crispin Tagamolila.

    Si Crispin na kapatid ni Basilio.

     
    MANO PO TATAY!

  59. Alam natin na maraming nagbabasa ng blog ni Ellen. Abaw, di ba kami ni Anna ang nag-umpisa ng mga “Cavaliers”? Remember, “All of one, One for all!” quotation. I understand the Unano’s speech writer used this quote in one of her recent speeches. OK lang iyong Cavaliers ni Lacson, but to be quoted by the Unano, yuck na yuck! Pwe!

  60. …”All for one, One for all!”…Alexandre Dumas pa.

  61. Elvira Sahara Elvira Sahara

    “There’s no such thing as bail in the military,” Esperon said. “If we disregard the Articles of War, then we might as well forget discipline in the Armed Forces. Let’s forget that we have an army.”
    If the kind of army Esperon is talking about is HIS kind of army…the people will gladly FORGET that they have an army!

    Sinong may gusto ng army na walang mga B…g?

  62. Mrivera Mrivera

    elvie,

    kung ganu’n, ang army pala natin ngayon ay army ni es-kapon?

  63. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Ay, talaga Magno! Di ba kitang-kita naman at pinatutunayan niya sa kanyang mga decisions?

  64. Chabeli Chabeli

    mlm18_corpuz,

    “..napapansin ko di na natin naririnig ang mga salita ng mga abogado ni mike arroyo siguro nagsisisi na siya dahil para sa akin yong nangyari sa kanya ay BAD KARMA”

    Talagang “BAD KARMA” ! Kaya nagkasakit sa puso si Mike Arroyo.

  65. Esperon said. “If we disregard the Articles of War, then we might as well forget discipline in the Armed Forces. Let’s forget that we have an army.”

    Esperon must be talking to himself. What discipline is he talking about? Are abductions, extra-judicial killings, and conspiring to cheat the people out of their sovereign will part of that discipline? If they are, let’s forget about discipline… even better, let’s forget that we have an army.

  66. Agree Ka Enchong!

    Esperon is ONLY THE CHIEF OF STAFF but he is NOT THE ARMED FORCES.

  67. luzviminda luzviminda

    Ka Enchong,

    Sa mga pangyayari ngayon, i believe Esperon doesn’t have an army! The troops are NOT behind him anymore! Mukhang MAG-IISA NA LANG SIYA! Mag-utuan sila ng kanyang Commander-in-Thief(Cheat)!!!

  68. Elvira Sahara:
    Ka Enchong
    The AFP due to the generals seen to be rewarded for their assistance in the corrupt ‘Garci’ 2004 elections and are now many are employed in government positions, together with the corrupt actions of Haemorrhoids Assperon arresting the gallant officers for wanting to tell the truth and therefore protecting his own corrupt skin.
    The 2007 election has revealed that at last the rank and file of the AFP have awoke to the fact that they no longer exist to defend the people of the republic but are now a private army protecting the Pidals and persecuting the people. Lets not forget, the families of the rank and file also suffer persecution!
    This is worrying Haemorrhoid Assperon that prompted him to conduct a survey of the pulse of the rank and file. He is in Panic Mode.
    The rank & file of the AFP’s only remedy is to confront Haemorrhoid Assperon head on if they don’t want their army to collapse totally. Haemorrhoid Assperon is destroying the AFP almost to a point of no return and all because officers such as Yano, who are in a position to stop Haemorrhoid Assperon illegal actions, have no balls.

  69. Mrivera Mrivera

    ka enchong, anna, elvie,

    kapag ang isang tao’y wala na sa sariling katinuan at hindi na alam ang mga sinasabi, nagpapatunay lamang ito na pinipilit niyang pagtakpan ang nagsusumigaw na katotohanang isang munting hibla na lamang ang pinanghahawakan niya para sa kanyang kaligtasan at sa malao’t madali ay tuloy tuloy na ang pagkabulid sa hinukay na sariling kapahamakan. ganito natin mapapansin ang mga lumalabas sa mabahong bunganga ni eskapon, ang walang bayag na tsip op istap ng HUBONG SANDATAHAN.

  70. Elvira Sahara Elvira Sahara

    WWNL:
    Haemorrhoid Assperon should really be worried. Ang lahat ay may katapusan and he knows that. Kaya lang, he doesn’t want to end it the people’s way but his OWN way! The way it looks now, it doesn’t point to his direction, kaya in panic mood siya. Very obvious, di ba? He also believes I’m sure with the saying, “Lintik lang ang walang Ganti”…this thought should be giving him nightmares!
    Yung survey-survey niya won’t give him a satisfactory result! Do you think soldiers would answer the questions truthfully? Hellow….I wasn’t born yesterday…Wais ang mga ‘yan, no?

  71. Mrivera Mrivera

    eskapon and his major sevice commander-classmates were the pretending idealistic young lieutenants yesterday who are CORRUPT AND INSENSITIVE GREEDY GENERALS today!

  72. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Parang sirang plaka si Esperon. Hindi puedeng invoke ang EO 464 sa budget hearing sa senado at doon siya igi-gisa ni Sen. Trillanes. Sabi ni Esperon malinis daw ang kanyang konsensya sa Hello Garci scandal, e’ bakit siya takot magisa sa senado?

    Esperon to invoke EO 464 vs Trillanes grilling
    INQUIRER.net
    06/19/2007
    MANILA, Philippines — Even before senator-elect Antonio Trillanes IV gets a chance to grill him in legislative inquiries, Armed Forces chief of staff General Hermogenes Esperon Jr. said he would not show up for Senate hearings without a clearance from Malacañang.
    Esperon said that as far as he knows, Executive Order (EO) 464 remains in effect even if the Supreme Court declared voided certain portions of it in a unanimous decision in April 2006.
    newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view_article.php?article_id=72135

  73. nelbar nelbar

    Re Antique:

     
    ellen,

    Isa sa mga early trading partners ng PANAY ay ang Romblon.

    Ang mga nabibiyayaan ng kalakalang ito ay ang mga taga-Antique at Aklan.
    Sa katunayan nga, nasa mga Akeanon ang may pinaka matandang probinsya dito sa Pilipinas.
    Wala pa ang mga Kastila ay nabuo na ang sibilisasyon nito.

    Kaya masasabi ko na ang bagong “politico-military district” dyan sa Kabisayaan(Cebu-Bohol-Negros-Panay), old school na ito.

    Kaya kung mabubuwag ang MIMAROPA, dapat ngayon pa lang malaman na kung kanino dapat mapunta ang nararapat.

  74. Mrivera Mrivera

    diego,

    kahit ako, kung alam kong maiipit ang aking leeg sa gagawin kong pagharap sa enquiry ng senado at nakapuwesto pa ako, bakit hindi ko gagawin ang lahat ng aking abot kaya upang huwag mangibabaw ang paggisa nila sa akin, di ba? ganyan ang kantang atungal ni esperon na meron pang second voice ni bacarro at binuntutan pa nitong si eltikol loi loi. (mga sipsep!)

  75. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Akala niya nasa batas militar ang buong bansa. Ayaw niyang irespeto ang Supreme Court ruling at Saligang Batas. Bastos at tuso si Esperon. Tingnan natin kung wala na siya sa serbisyo. Anim na taon siyang kalampagin ni Sen. Trillanes. Weather weather lang.

  76. luzviminda luzviminda

    DKG,

    Dapat lang na huwag tantanan ng kaso itong si Esperon hanggang hindi niya napagbabayaran ang kanyang mga kasalanan sa bayan. At sa laki na nga nakurakot niya ay dapat na huwag niyang makuha ang kanyang benepisyo bagkus ay dapat na makulong.

  77. nelbar nelbar

    luzviminda,

    Nakakulong na si Espasol.Nakakulong sya sa pagiging cheat este chief security guard ng nga Pidal.

    Kailangan na panindigan niya ang ginagawa niya hanggang sa katapusan ng pagiging chief security ng nasa palasyo na malakanyang.

  78. parasabayan parasabayan

    The real fight with assperon is after he is no longer the “CHEAT OF STAFF”. The military officers who know a lot but simply can not talk now because they know that this cheat is a “traitor” to his own men, will eventually bring out the “goods” on Assperon! He only knows one master and that is the tiyanak. He may as well go down with her! After he retires, he may think he can migrate to Australia and enjoy his ranch over there. I do not think so! The Senate can summon him back to the Philippines and face the charges. He deserves to retire in jail! Trillianes will not stop until he can reform the military through the Senate. The more cheats we put in jail for the crimes of corruption and alection cheating, the better are the chances of reforming not just the military but the nation as well. We have a long way to go but having Trillianes in the Senate is a start. Talagang dapat manginig itong si Assperon at hindi siya sasantohin ni Trillianes!

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.