Sa laki raw ng perang winidraw ni Manny Pacquiao pagkatapos ng eleksyon, halos naubusan raw ng pera ang tatlong bangko sa General Santos City.
Kamuntik lang daw mag-bank run sa dalawang bangko ng malaman ng ibang depositor na inalis na ni Pacquiao ang pera niya sa mga bangko na yun.
Sa balita na lumabas sa Business Mirror at ABS-CBN online, sinabi na kinuwenta ni Pacquiao ang kanyang ginastos sa election at umambot raw sa P140 milyon.
Kahit pinayuhan siya ng maraming kaibigan na huwag pumasok sa pulitika, tumakbo si Pacquiao para kongresista sa General Santos City sa South Cotabato noong nakaraang eleksyon laban kay Darlene Antonino. Talo.
Sinabi doon sa artikulo, naiinis raw si Pacquiao dahil ang usapan daw ay partido ang gagastos sa kanyang pagkakandidato laban kay Antonino na naging aktibo sa impeachment complaint laban kay Gloria Arroyo. Sinabihan siya na magpaluwal muna ng gastos sa kampanya at saka na siya bayaran.
Mga ilang araw daw bago mag-eleksyon at mukha na ngang tagilid siya kay Antonino, tumawag raw si Pacquiao sa Manila at hinihingi na ang pinangakong pera para sa kanyang kampanya. Bigla raw naputol ang linya. Tawag daw ng tawag si Pacquiao ngunit hindi na makontak ang kanyang kausap.
Nainis raw si Pacquaio kaya kinuha lahat na pera doon sa tatlong bangko pagkatapos ng eleksyon at pumunta sa Amerika para magmuni-muni sa kanyang kinabukasan.
Marami ngayong haka-haka kung sino yung kausap ni Pacquaio. Sabi ng isa sa aking blog, “Sige, Manny, suntukin mo yang si Gabby Claudio.”
Si Xanadu, isang bisita rin doon sa king blog ay naglista ng maraming pangalan ng mga taong nagbuyo kay Pacquaio tumakbo laban kay Darlene. Nandiyan si Gloria Arroyo, Mike Arroyo, Chavit Singson, Lito Atienza, Lito Lapid. At Oscar de la Hoya.
Sabi ni Xanadu, nagalit raw si de la Hoya sa hindi pagtupad ni Pacquaio sa pinirmahang kontrata kaya para makaganti, binola-bola niya si Pacquaio na pumasok sa pulitika. Siyempre biro lang yun.
Sigurado mas nasaktan si Pacquaio sa panloloko sa kanya kaysa yung pagkatalo niya.
Mayroon nga daw dalawang pa-lider lider na kinuntrata ni Pacquiao para sa kanyang kumpanya. Ang usapan, bayaran sila ng tig-kalahating milyon. Nang nabigay na ang down payment, hindi na nagtrabaho. Nalaman na lang ni Pacquiao kinalaunan nandoon pala sa kampo ni Antonino nagta-trabaho.
Mabuti lang marami pang milyones si Pacquaio.
Leksyon ito kay Pacquaio para huwag siyang basta maniniwala sa mga taong gustong gamitin siya sa mga bagay na masama. Binigyan siya ng Panginoon ng talento sa boksing. Sa pamamagitan nun, naging sikat at mayaman siya.
Gamitin niya yun para tulungan ang mahihirap at isulong ang katotohanan at hustisya. Huwag siya magpagamit sa mandaraya katulad ni Gloria Arroyo.
Ma’m Ellen
Salamat po for mentioning my post dito sa thread dahil sa pagbibigay ko ng mga pangalan kung sino sino ang mga nag-uto uto kay Pacquiao na pumasok sa pulitika. Nakita ko sa ibang forum na may kumopya na mula dito sa blog at umiikot na sa internet. Ibig sabihin, ang daming bumabasa nitong Ellen’s blog.
Totoo na joke lang ang pagsama ko ng pangalan ni Oscar dela Hoya.
Seguro naman natuto na siya. He may not have finished high school but it is said that “experience is the best teacher.” Ang ginastos niya sa experience na ito ay mas pa sa tuition fees na binabayad sa Ateneo.
Rose,
Tama ka. Ang experience ni Manny Pacquiao kay Blinky, Oinky at minions na humikayat sa kanya sa larangan ng pulitika na wala siyang nalalaman ay priceless!
Masaklap ang matalo, pero mas masaklap ang ipagkanulo ng itinuturing niyang “grupo”! Si Claudio pala, ha?! Nothing new!
Siguro naman nakatapak na uli sa lupa si Pacquiao. Napagisip-isip na rin niya sigurong kahit pa PHD ang ibinalato sa kanya ng DepEd, walang kaparis ang tunay na edukasyon na binubuno sa loob ng mahabang panahon ang makakapagsabi kung ang nalalaman ng isang tao ay sapat upang sumabak sa isang kumpetisyong talas ng pag-iisip ang puhunan. Walang puwang ang mangmang sa malupit na mundo ng mapang-gamit na pulitika. Lalo’t ang gumagamit sa iyo’y mga isinusuka ng taumbayan.
Muli pa napatunayan ang galing, hindi ng isang sikat na kampeong subok ang pusong palaban, kundi ang galing ng mga Pinoy na sa mahabang panahon ay pinagdududahan ang kakayanang pumili ng kaniyang iboboto. Kailangan lang pala ay may sapat na pagpipilian.
Kagaya ng madalas mong sabihin, Ellen, may pag-asa pa tayo!
Dapat mag-aral na talaga si Many ng abugasya at pag maging abugado siya ay balikan niya ng kaso ang mga nambuyo sa kanya na pumasok sa pulitika ng sila naman ang madisgrasya.
TT;
May pag-asa pa tayo,tama ka.Sobra sobra at may bonus pa,pirma na lang ni Abalos sana.Basta’t sama sama tayo together iyang wrong mistake na pinag-gagawa ng COMELEC ay peste yawa na.Tayo ngayon ang COCOLEC at ipaupo sila sa silyang electric.
cocoy, kahit balikan ni Manny ng mga taong yan, kung walang paperwork, it’s kinda hard to get back the money he lost…
Kahit may pera at kahit popular si Manny, it just goes to show, that the Filipino is getting wise to the antics of showbiz in politics, and that substance and knowledge in the issues is becoming the trend to which voters are looking at.
Pacquiao, for everything he has done for our nation’s pride, he may have just gotten too full of himself. Just because you think you can win, doesn’t mean you deserve to win.
Clearly, he didn’t deserve to win. And hopefully he really does learn his lesson, to not trust Gloria, and to be weary and watchful of politicians, especially the ones close to the current Administration…
Nick:
Tama ka kung walang paper trail,mas maganda sigurong gawin ni Pakyaw pag makita niya at masalubong ang nambuyo sa kanya ay bigwasan na lang niya ng upper-cut at si Jinky ang tiga bilang ng one to ten,pagdating ng sampu at hindi pa tumayo ay tumawag na lang sa 911.
Baka nga matuto na si Manny Pacquiao. He may decide to leave the Philippines for good.
May kutob ako na dahil sa matinding sama ng loob, Manny will decide kung itutuloy na ang alok sa kanyang mag-migrate na sa US. Kung ating matatandaan, noon pa ay may umalingasaw nang balita na Manny was contemplating to migrate, madali lang para sa katulad niya. Pero he denied it. Siempre naman, mas maganda ang trato sa kanya rito dahil tuwing mananalo siya, lahat ay di magkandaugaga sa pag welcome sa kanya as a hero lalo na ang mga taga Malakanyang. Sa US, he will be just one of the many named and famous pugilists there. Sa Pilipinas, nagiisa siyang sikat, but that was before elections. But everything has been changed after he suffered a very humiliating knockout in the hands of Little Darlene.
Ngayon alam na ni Manny Pacquiao kung sino-sino ang mga tunay na kaibigan. Huwag maniwala sa mga taong sanga-sangang dila katulad ni Aling Gloria. Sila ay mabuti sa harapan pero taksil sa likuran. Pakilimot ang politika at mag-boksing na lang.
140 million pesos is a lot of dough. Manny Pacquiao may have more but as we say, it’s easy to make money, loads of it but harder, much more difficult to keep it. Takes lots of brain to keep your money and just little brawn to lose it in no time at all. Pacquiao is an example.
Xanadu:
Possible na mag-stay na lang si Manny sa Amerika. Ang alam ko may green card na siya sa hinaba-haba ng panunuluyan niya doon para mag-training at saka may bahay na rin naman siya doon sabi ng asawa niya ng ini-interview ko sila nang ako ay ma-assign na interpreter niya nang minsan na pumunta siya sa Japan.
Pero tama ang sabi ko noon na ang pakay lang ng mga Pidal ay gatasan siya para may pera silang pangsuhol sa mga ungas na tutulong sa kanilang maging reyna enkangtada siya. Akala siguro ni Pandak ay maglalabas si Manny ng pera para pambayad sa mga kampanya nila pero dahil sa nakahalata na nga siya ay 140M pesos lang ang nakaltas sa kaniya, at tinanggal na niya ang pera niya dahil baka utusan ni Pandak na ipalimas ang natitira pa niyang pera gawa nang diyan sila magaling—sa pagnanakaw ng perang hindi naman kanila! Maraming paraan sa totoo lang para makuha ang milyon ni Manny. Sasabihin lang na tax evasion ang kaso niya kahit na sa totoo lang ay hindi siya dapat na tax-an ng doble gawa ng bayad na ang tax ng kinita niya sa Amerika.
Sana natuto na siyang kumilatis ng mga taong lumalapit sa kaniya. Religious siyang taong naturingan dapat lumalayo siya sa mga walanghiyang mamamataytaong tulad ni Chavit Singson na kilalang-kilalang berdugo sa Ilocos Sur!
Kawawa rin siya. But he is an adult. He should be able to choose teh company he makes. Maipagbarkada ka ba naman with the likes of Chavit Singson.
As I mentioned to you in a much earlier post, Mike Defensor told me that Pacquiao is getting tired of boxing. I can understand. He is not getting any younger. He knows one of these days, a younger and better skilled boxer will knock him out.
He is actually thinking of his retirement. Pero mali yata ang naisip nyang retirement prospect. Kaya ok lang magmuni-muni sya sa Amerika.
Sa totoo lang, Ellen, maraming boksingero ang nangangailangan ng tulong ni Manny pero iba ang tinulungan niya at ang masama ay ni-legitimate pa niya ang pekeng position ng kriminal na nakaupo sa trono. Kaya siya na-boo sa Cebu ng mga boksingerong dismayado sa kaniya dahil iyong 140M pesos na nilustay niya sa politika ay sapat-sapat nang pangtulong sa kanila.
Marami sa mga boksingero ay katulad ni Manny na walang pinag-aralan. Dapat iyan ang isa sa inaasikaso niya, ang pagtatayo ng paaralan para sa adult education nila, hindi iyong pekeng diploma mill na itinataguyod ng Department of Education na konting repaso, kuha ng test at presto, high school diploma daw!
Isang boksingero nga ang tutulungan ko sana pero nabalitaan kong namatay dahil sa pagkakabugbog ng sugat niya sa ulo na may lamat na palang dati dahil sa isang disgrasya sa pagsakay niya sa motorsiklo. Lumaban pa kasi na may lamat pala ang skull niya. Nang mabugbog sa suntok ay nawalan ng malay at nadala sa ospital.
Nagboluntaryo akong maging tapagsalin (interpreter), dumadalaw at nagdadala ng pagkain para sa kanila ng manager/trainer niya hanggang sa umuwi sila sa Pilipinas. Nabalitaan kong ilang buwan pagbalik sa kanila na yumao ang kawawang boksingero. Magandang lalaki at kung naging champion katulad ni Manny ay mas di hamak na magiging popular. Sayang!
Ako, Ellen, hindi naaawa kay Manny. Wala siyang masisisi kundi sarili niya. Dapat ginamit niya ang pagka-religious niya sa pagkilatis ng mga binabarkada niya. Akala niya sikat na siyang kasakasama ng mga kriminal dahil nakaupo sila!!! Yuck!!!
Ma’m Ellen & Ma’m Ystakei
If and when Manny Pacquiao decides to leave, I think we could say that the idea is first discussed in this blog. I have been reading on line all the pundits and even the sports columnists, nothing of this sort has been mentioned so far.
Our concern for Manny will prove that we are not really against him but his being fooled by the Malacanang occupant including Chavit Singson.
Ellen,
It has always been my belief that a thinking (normal) human being has always a choice, and he and he alone is responsible for whatever choice he makes.
Khalil Gibran said “Money! The source of insincere love; the spring of false light and fortune; the well of poisoned water; the desperation of old age!” (Naiintindihan kaya ito ni Manny???)
Sinabi mo pa, Xanadu. There is nothing personal in what we say about Manny here. Parang payong kapatid lang. Point is hindi ko matanggap ang ginawa ni Manny na ni-legitimize ang pamahalaan ni Pandak na alam naman niyang nandaya at dapat lang na makulong sa kasalanan nila ng asawa at mga kakurakutan niya. Ngayon ang tingin ko kay Manny ay isang kurakot din!
Ang sagwa ng sinabi niya sa totoo lang nang magyabang siyang kaya niyang maging kongresista gaya nang sabihin niyang babawiin niya ang mga nawalang pera niya kapag nakaupo na siya. Iyan siguro na naging dahilan kung bakit natakot ang mga kababayan niyang paupuin siya. Isa pa, iyong sinabi niyang ipapagawa niya sa abogado niya ang trabaho niya sa Kongreso. Iyan ang pinakagagong sinabi niya!
Ma’m Chi
Hope somebody translate to Manny Pacquiao your Khalil Gibran’s line on money. I may add another one, a simple one appplicable to him and can be easily translated:
Success is a public affair. Failure is a private funeral.
beh, buti nga kay pacquiao. nagpadala siya sa sulsol ng mga taga malacanang, at lumaki naman ulo niya, porke binibigyan palagi siya ng cake pag bumisita kay gasul. o hayan, nakuha niya!
what a hard way to learn his lesson. kasi eh! sumobra ang bilib sa sarili.
asan na ngayon yung gasul niyang patroness? singilin niya na, at kung hindi, di isang upper cut nga lang ibigay niya, siguradong taob si gasul pandak. mas lalo siyang maging hero sa mata ng masa.
People, listen. Teka lang ha? I have something very important to tell Pakyaw. Really, important.
Aherrmmm!!!
BWA HA HA HA! Har! Har! Har! *ROLF* BWA HA HA HA HA!!!
@#$%^&BLAG! HA HA HA! BWAAAAAAH HA HA HA HA HA!
Naawa rin akong naiinis kay Pakyaw dahil sa kabulastugan niya.Wala siyang ibang sisisihin kundi ang sarili niya.Mahirap talagang pumasok sa trabaho ng hindi linya,lalo na pag journeyman kaagad ang pinupuntirya,dapat magsimula muna sa apprentice.
Ang nangyari kay Pakyaw ay isang karma,una hindi na niya ata kinikilala ang Tatay niya.Ang tao para mabibiyayaan dapat magmahal sa magulang dahil pag wala ang magulang ay walang Many Pakyaw,kung may hinanakit man siya sa tatay niya ay dapat na niyang patawarin at magsimula sila ng magandang panibagong buhay.Huwag niyang sabihin na naging tao siya dahil sa kalibugan ng magulang niya,dahil mali ang ganyang pananaw.Kaya magandang aral ito ngayon kay Pakyaw dahil ang magulang ay hinahangad nila na mapaganda ang buhay ng anak.
Ngayon papano niya sasabihin na kaawaan siya ng tao kung ang tatay niya ay hindi niya kinakaawaan?
Myrna:;
Pinagtaguan siya agad. Ang yabang pa niyan na kinukuwento niya na may hotline siya sa Malacanang. Sabi niya sa isang hapon na nag-interview sa kaniya, isang tawag lang daw niya sa Malacanang, pinapupunta na siya doon, at nilulutuan ng gusto niya. Di ba binalita pa sa dyaryo iyong mga tinapay na korteng kamay ng boksingero. O ngayon, no Malacanang visit na siya bigla! Bwahahahahahahaha!
Sa totoo lang lahat tayo ay binigyan ng Diyos ng talino at karapatang pumili ng tama at mali, mabuti at masama. Hindi iyan ginamit ni Pacman ng tama, kasalanan niya! Mahirap talagang yumabang. Gagabaan kahit sino! Hinihintay ko lang kung kailan gagabaan iyong mga kriminal na squatter sa palace by the murky river.
Now, there is one more reason why our laws would not allow any individual, even politicians to spend personally more than the limits, which is to be reported and recorded and receipted to the maximum of only $5400/annually. Even candidates running for Election can not go over the limit, all inclusive. That is less than a one month salary of an MP. No investment to recoup.
But if most citizens will contribute a few dollars to their candidates for support, that too is recorded for tax refunds, then it is unnecessary for elected leaders to steal…
Out of topic but this Inquirer banner ( * Ermita backs Ong appointment to Supreme Court) to me is distressing and should be protested, I think, not because of the question on Ong’s nationality but because it is another ploy of the squatters at the palace by the murky river. Any further political appointments by the criminals should be opposed by sane and law-abiding citizens of the Philippines.
If I were Ong, I would refuse to be used by these creeps, and qualify for a position on his own merit. Best is for him to stay away from them because they are poison.
Enough is enough. PATALSIKIN NA, NOW NA!
maganda ang mensahe mo cocoy.
sana maipakita ni Manny sa kanyang mga anak ngayon ang tunay na kahulugan ng pagiging Tatay.
hindi ito naipapakita sa pamamagitan ng pera o anumang mga materyal na bagay.
naniniwala ako sa kasalukuyang pagsubok na dinaranas ni Manny sa buhay ay palaging nasa tabi nya si Jinky upang suportahan at maging kaagapay sa buhay.
MAGANDANG UMAGA MANNY!
ITAKWIL MO NA ANG ANUMANG URI NG SUGAL!
BIGYANG PANSIN ANG PAMILYA AT PRAYORIDAD ANG PAG-AARAL NG ‘LAHAT NG MGA ANAK’.
Maging huwaran ka sa iyong komunidad!
Huwag mong hayaang anayin ang haligi ng iyong tahanan!
Maiba ako- mukhang tahimik ang asawa ni tohng reyna ng Gasul ah? Seguro nagdiriwang kasi vic-toh-rius sila sa Mindanao.May I have the mike-rob pon please at baka may kakanta tungkol sa election.
Rose,
Galing ng sense of humor mo! Sinipon tuloy ako! Iyong Mr. nagpapapayat sa St. Lukes. Ganyan ang nangyari sa isang member ng church namin. Over 200 kilos ang timbang. Isang taon naospital. Nang lumabas, golly, 65 kilos na lang. Atkins’ Diet at Lyposuction operations ang ginawa. Sa palagay ko ganyan din iyong mamang mataba dahil no effect yata iyong Diet Pills na ginagamit noong babae sa kaniya.
Can someone please enlighten me as to who this GO senatorial bet that landed in the top three which Esposo is writing about in his column today at Phil Star? Top three di ba sina Legarda, Escudero and Lacson.
He has the term quisling, and apparently, this one senator is now playing footsie with Malacanang.
Hmm, ano ba yan?
Not Legarda, I hope. Hindi rin puede si Lacson kasi galit na galit sa kaniya (dati) iyong mag-asawa. Escudero? I hope not kundi sira ang pangalan ng pamilya niya. Kilalang-kilala pa naman ang lolo niyang matapang! Legarda, co-alumni ni Pandak sa Assumption. Si Escudero inaanak ni Pandak sa kasal ba? I remember may ganoon silang relationship!
Myrna,
The hint is the “financial facilitator” as in Danding Cojuangco. Gets mo? Ako nakuha ko because of the connections, etc. Still, I hope it is not true!
siguro may “amnesia” lang ako. pero with danding cojuangco as financial facilitator….? hmmmm, yuko, di ko pa rin ma-gets! 🙁
i just really hope it’s not chiz, kung hindi, ay talagang…… sus, sobra ang pangampanya ko sa kanya, pati kay trillanes huh. imagine, balak ko nga, mag sabbatical leave for a year at uuwi ng pinas to volunteer either sa kanya or kay trillanes. hah…ganyan katindi ang galit ko kay gasul.
eh kung si chiz, pa’no na yung bond nila ni fpj?
Off topic but here’s a note from Arkibo on the Australian visit of the unano:
Sent: Tuesday, June 05, 2007 11:21 AM
Subject: Photos/Text: Protests re killings on GMA’s visit to Australia/Rome
Protest pickets were held in Sydney, Canberra and Melbourne in Australia and in Rome timed with the visits there of GMA.
Please visit http://www.arkibongbayan.org , or go to:
http://www.arkibongbayan.org/2007-06June03-Aus/vsgmainaus.htm
Arkibong Bayan Web Team
Baka kaya nagalit si Susan, Myrna, at hindi sumipot sa miting de abanse ng GO. Para sa akin, ito ang klase ng pangloloko ni unano. Magaling magpain. Kunyari susuyuin niya iyong gusto niyang gamitin tapos pag hindi na niya kailangan, shit ka! Kaya when you deal with these people kailangan talaga ang dasal at tatag ng loob. Mahirap malansihan sa totoo lang.
Ma’m Ystakei, Myrna
I would like to venture a guess and I think Columnist Esposo is alluding to Loren Legarda. Could be part of early intrigue in the world of politics. Let’s assume that there will be a 2010 presidential elections. None among Mrs. Arroyo’s partymates is capable of waging a presidential fight and the they’re looking around for a presidential timber. The opposition is awash with presidentiables at the moment.
I will discard Lacson and Escudero in the picture for being relentlessly against Gloria. Although Escudero is inaanak, he’s too raw to run for president. I could not think of Lacson cavorting with Mr. & Mrs. Arroyo after all those investigations he spearheded against the Pidal. But of course, things will change in time.
Now for Loren Legarda. Both are Assumptionista and originally were partymates when Gloria run for VP and Loren topping the senatorial slate in 1998. Loren was for Erap’s impeachment and when Gloria was looking for a VP to be appointed, Loren was in the short list but Gloria went for Guingona whom she thought will not lift a finger to go against her. Unlike Escudero and Lacson, Loren was not very vocal against Gloria because her fight is against Noli de Castro. Loren’s topping the list now is something to consider whoever will try to be in the presidential derby in 2010. And shrewd Gloria might be making overture to save her skin and Loren might not be too harsh against her.
Hope all this are pure speculation. Masyadong maaga pa, hindi pa nga sila napoproklama.
Sa totoo lang hindi ko type si Legarda. Puede din siya kasi bakit mataas ang boto niya doon sa Mindanao kahit na doon sa mga nadayang boto. Still, I want to give her the benefit of the doubt!
Thanks, Xanadu. Logical ang analysis mo. Ambitious itong si Legarda. Alam kong gusto din niyang maging presidente, but she can’t be if she won’t go against the ChaCha that will give the creep the opportunity to turn the Philippines in to a kingdom and declare herself a queen as she thinks of herself as being one of the world’s royalties. Mas mataas ang ambition nitong co-alumni niya. Hindi lang president o PM kundi reyna pa!
Kung totoo ang sinasabi ni Esposo, I am not surprised kung bakit pati sa mga dayaan sa Mindanao malaki ang boto ni Legarda. Golly, iyong difference ng boto niya sa mga kasama niya sa Magic 12! Unbelievable!
Kung nakikikutsaba siya sa Malacanang, posible din. Kaso, hindi niya alam pinapainan lang siya as when Malacanang gave the go signal to Comelec to expose the cheating in Mindanao with her as beneficiary. Buti na lang mabilis din ang lawyer niya to deny her connivance and even told Comelec to shred off the padded 400,000 something votes from her score. Di lusot siya! Gosh, ang dumi! Puede ba magbigti na lang si Abaloslos!
Elections 2010 still looms as a big question mark knowing that Gloria, in her lust for power will again try to change the constitution to her advantage. Alhough they tried it once but was nipped in the bud, they will try again.
I similarly would like to give Loren the benefit of the doubt. Baka isa lamang itong pa-ek ek ni Gloria to sow dissension among the GO ranks para magkawatak watak agad. I think Loren is not naïve to ignore the pulse of the people. She will surely think it over and over kung mamamangka rin siya sa dalawang ilog tapos sasama kay Gloria leaving behind the perceived presidentiables such as Lacson, Villar at Roxas to fight it out in the opposition camp.
I however have a strange feeling that none of the above will excite our electorate in the same frenzy as Trillanes due to his resounding victory. His winning as a senator dramatically changed the political landscape. I feel that once Trillanes is given freedom, more people will look at him as the right person, the name to reckon with for the needed change we are looking for which have been too elusive. It could be a strange feeling but who would think that somebody behind bars like Trillanes could run and win in a fashion defying all logic?
rose:
“experience is the best teacher.” true but its cheaper to be taught by the experiences of somebody else!
Eh BOBO nga ang ungas na iyan. Biro nyo, maka ilang beses rin sya sumalo ng suntok sa kalaban para lang kumita, tapos mawawala lang sa isang eleksyon na alam naman niyang sira ulo lang ang boboto sa kaniya at wala rin talagang pag asang manalo. Tulad na lang itong si Ben tumbling sa Senado. Tumambling sa Makati para tumakbong alkalde. Ayun, tumambling rin palabas dahil talo sa Makati. Ang mga tulad nito ang nakakatakot ipagkatiwala ang bayan.
If he knows what is best for him, he should distance himself from the tiyanak, Fatso, Sabit Swingson, the ALIbaba (Atienza) and the LAPIDas. He should concentrate on preparing for his life after boxing.
Pakyaw should know when he got hit by a “deadly” blow. He just had one!
That Manny Pacquiao had a limited education is not relevant to him losing a lot of money because we can observe others who have had supposedly the best education in top establishments who also have lost huge sums of money.
Maybe Manny Pacquiao’s failing was that he lacked a good adviser but It’s enough that he has thrown away so much money. it’s a bitter pill for him to swallow when he knows that in his heart he could have assisted many of the poor residents in and around GenSan.
Myrna,
Palagay ko ay si Legarda, basahin mo ang column ni Sir Jake sa Abante kahapon. Although hindi ganyan ang tema kay Esposo pero ang tindi ng ibig sabihin!
Ay sus, at sinermunan pa ni Mr. Wetness si Pakyaw dahil wala na raw itong magagawa sa hinahabol nitong P140M kasi ay tapos na ang eleksyon!
Ayan Manny, napala mo sa pakikipagkabigan at negosasyon sa mga ganid at hangal sa EK! Matinding leksyon ‘yan sa iyo!
NO, it’s not Chiz…sobrang mahal niya ang Ninang Susan niya. In fact siya lang ang solong personally endorsed ni Mrs. Poe, and he’ll never turn traitor to her and to us who campaigned hard for him! He’s a different breed!
Lacson, NO! He’s not like that!
Legarda, bestfriend niya si Angara and she’s bent on emerging as no. 1 in senatorial derby for whatever reason she only knew! Basahin na lang ninyo si Sir Jake!
Tama ka Xanadu,
The top three do not really excite me as presidentiable materials unlike Sonny Trillanes, although he has yet to begin learning the loop of political uncertainties and realities!
Pero kung sila lang ang pagpipilian, ke Lacson na ako! Mag-vice muna si Chiz! Actually, meron akong gusto, if no one will emerged as extraordinary as Sonny T! OK na sa akin si Jojo Binay!
WWNL,
I think that Pakyaw’s failure was his close association with Blinky and Oinky which he really boasted of before and during the election campaign. He probably felt that “here I am, a mere Manny Pacquiao, friend of the (fake) first couple”! Biglang nakaapak sa cotton and mud at the same time!
Bilib ako sa analysis ni Yuko tungkol dito in our previos threads.
Chi, Xanadu,
I think Mr. Esposo is alluding to Mr Panfilo Lacson. Considering the fact that his running for president in 2004 against Fernando Poe is ruined the objective of fielding a solo opposition. His running in 2004 election is one reason why Gloria succeeded in her dagdag-bawas operation. Kung di siya kumalas at tumakbo nuon ay mahihirapan si Gloria sa pandaraya. This Lacson should not be completely trusted. May pagka-ahas din iyan! Kaya minsan nagtataka ako na sa kalagitnaan ng kanyang mga imbestigasyon against Gloria-Pidal ay bigla na lang siyang humihinto at hindi tinatapos ang imbestigasyon. Take the case of the Pidal imbestigation, hindi niya tinuloy. Tapos may usap-usapan na iyon ang dahilan at huminto rin ang Kuratong case niya. Exchange-deal kumbaga. At huwag din dapat ipagkatiwala ang Blue Ribbon Committe sa kanya at baka parang Joker din iyan. Mas mabuti pang si Chiz Escudero o si Alan Peter Cayetano ang humawak ng Blue Ribbon Committee. Mas may pag-asang magkaroon ng resulta ang imbestigasyon. AMBISYOSO rin ang taong ito. Erap should also be aware of him. Yan din ang concern nila Tessie-Oreta at Tito Sotto kung bakit sila ‘nagtampo’. DO NOT TRUST LACSON!!!
chi:
I agree with your reasoning. Manny Pacquiao is disciplined and hopefully will recover, earning new finances.
IF you can bear to hear the truth you’ve spoken
Twisted by knaves to make a trap for fools,
Or watch the things you gave your life to, broken,
And stoop and build ’em up with worn-out tools;
IF you can make one heap of all your winnings
And risk it on one turn of pitch-and-toss,
And lose, and start again at your beginnings
And never breathe a word about your loss.
Yours is the Earth and everything that’s in it,
And — which is more — you’ll be a Man, my son!
Let’s see later kung sino itong pinatutungkulan ni Billy! Magandang hulaan ito a!
Nice poem WWNL.
Never breathe a word about your loss, just start again.
Ystakei,
May nabasa akong article the past days hinahanap ko pero di ko makita para i-link sana. Pero tungkol iyon sa nasabing dagdag sa boto ni Legarda. Hindi niya pakana iyon. Medyo blind item ang dating ng article pero ang tinutukoy ay si Angara ang sponsor ng dagdag operations na iyon na naging beneficiary rin si Legarda, para magpa-impress. May tsismis kasi sa kanila di ba? Na si Angara ay may ‘gusto’ kay Legarda. At tinawagan pa daw ni lalake si babae para ipaalam na mananatili ang pagka-No. 1 niya sa standing, dahil may lihim siyang galit sa isang sumusunod sa kanya na ang tinutukoy ay si Lacson. Mapapansin na malaki ang dagdag ni Angara sa kasong ito. Hmmmmm?!
Luz,
Bago sa akin ang tsismis ng ‘gusto’, tenkyu ha? Parang sine, ano?
Chi,
Matagal nang tsismis yan sa political circle! Hindi maaalis ang mga ‘love story’ sa politics.
Basta ang sa kin lang ay dapat mag-ingat ang mga TUNAY NA OPOSISYON lalo na sa tunay na kampi Kay Erap, sa mga taong nakapaligid din sa kanila. Maraming AHAS sa mundo ng politika!!!
Sinabi mo pa, Luz, maraming salbahe but not all especially people who are sincere. In a way, maganda ang nangyari kay Sonny Trillanes kasi hindi siya magamit ng mga kurakot sa loob ng detention kundi takutin siya dahil alam nilang malakas siya.
But he has proved something na hindi napapansin ng marami—na kapag ipit na ang mga pilipino, marunong rin silang magbuklob at gumawa ng paraan para masunod ang gusto nila. Kaya itong babalik-babalik na Internet Brigader dito dapat talaga ay i-filter ang post dahil wala nang sinabi kundi walang magagawa ang mga pilipino that we have proved to be NOT at all true.
Kahit anong ipi ang ginawa kay Sonny, lumabas pa rin siya, at hindi binayaran ang mga taong bumoto sa kaniya. In fact, a lot of them, gave time and all their resources for him. I don’t even have to mention names, alam nila kung sino silang tinutukoy na nagbigay ng kanilang oras para sa pangangampaniya on his behalf. Nakakatuwang makita ang paggawa halimbawa ng mga paraphernalia para halimbawa makilala si Sonny Trillanes sa Japan. Ang malungkot nga lang ay kaunti ang bumuti at may attempt pang dayain ang boto nila. Siguro naman iyong hindi mga nakabotong nakausap ng mga staff kong pilipino ay sinabihan ang kanilang mga kamag-anak sa Pilipinas na bumoto. Big or small marami ang tumulong kay Sonny para maboto, and I hope and pray he will not forget that but be forever grateful to God and to them for making the impossible possible na daig ang pagdarasal ng ipokritang ngayon ay kung saan-saan santong tumatakbo para masalba.
Ang sarap ng feeling talaga kapag nagkaroon ng resulta ang mga ginagawa ng mga tao para sa ikabubuti ng bansa. Ito na ang simula sa palagay ko! Salamat kay Ellen for her blog. Malaki ang nagagawa ng pagba-blog dito!
Guys,
Basahin ninyo ang akda ni Lito Banayo sa Malaya. Golly, tatay pala ni Pandak ang nagpauso ng bayaran ng boto na lalong naperfect ng anak ng hudas. I’m archiving it in fact in my egroups. Ito namang si Ducky Paredes, puede ba tumahimik na ng paninira kay Nene at Koko Pimentel.
Kilala ko si Nene Pimentel. Maingat lang ang mamang iyan pero kung tungkol sa katinuan ay isa na iyan sa mga matinong politician na nakilala ko hindi katulad ng karamihan na talagang in and out kurakot!
Iyong rally bukas huwag kalimutan. Kailangang 12 ang i-declare ni Abaloslos o magbalot na siya ng basura niya! Iyon mga GO, please unahin ninyo muna ang puedeng nakawan na mga kasama ninyo bago kayo magsalita ng tungkol sa Senate Presidency. Talaga naman oo!
Chi,
Nakita mo na kung bakit ayoko si Legarda? Never liked her actually, and it has nothing to do with politics, more on morality. Still, I would like to give her the benefit of the doubt.
BTW, ngayon ko lang nakita ang litrato ng mga nag-rally sa Australia. Mabuhay sila doon. Kaya pala galit na galit si Pandak. Alam ko meron din sumalubong sa kaniya sa Rome kaya ang ungas panay ang bundot doon sa Papa—papa-luin ko siya kung ako!
Hindi ba may kinakanta ang ilang politico na loren loren sinta? Ooooh she is so sweet folks. At angara-gara ng mga suot niya. Kung may code of honor ang mga PMAers in their support of one another- wari ko mayroon din ang mga Assumptionista. Ang kakantahin ko ngayon ay- kataka taka mahibang ang katulad ko sa puesto mo. Biro biro ang simula ang wakas pala ay ano? Aayaw ayaw pa ako ngunit yan ay di totoo- puesto mo ngayon ay gusto ko. I wud like to didikit dis sung 2 yu nu hu.
Luz,
Appear re Lacson! Dati gusto ko siya but not when I heard him talk about the overpopulation in the Philippines na hindi niya alam ay blessing in disguise iyong mga bata kaya lang sa Pilipinas ay masyadong malakas ang impakto kaya hindi makita ang grasyang dapat sana ay para sa kanila. Still, kung papipiliin ako between Lacson and Pandak, di hamak na pipiliin ko si Lacson. Wala akong tiwala sa mga kolehiyala!!!
Rose,
Super galing…”loren loren sinta…aayaw ayaw pa ako ngunit yan ay di totoo-puesto mo ngayon ay gusto ko”. heheheh!
Maniwala kayo’t hindi, kilala ko si pakyaw…hindi marunong matuto yan…mataas ang pride niyan at sobrang yabang , di niyo lang alam….pag may gusto yan kailangan makuha niya..kaya di siya dapat politiko…kasi Corrupt din siya..
Naniniwala ako BOB. Kaya kung makita mo riyan si Pakyaw ay sabihan mo na matutong magbasa sa Ellenville at hindi siya mapapahamak!
Okey, ayaw natin kay loren loren sinta, ayaw din natin kay ping…kay TRILLANES tayong lahat!
Bob,
Pag di natuto si Pakyaw ay baka mapadali ang kanyang pagbaksak. Iba talaga ang nagagawa ng pera. Nagkapera lang akala mo ay hari na ang turing sa sarili. May araw din siya.!!!
Do I detect a softening up in Escudero?
In the news, he actually censured Trillanes for the latter’s single-minded focus in removing Gloria. Though I agree in his reasoning that senators should avoid airing their personal opinions in case they sit as “judges” in an impeachment trial, I think Escudero should not have spoken out that harshly against the one issue that galvanized the people together into voting overwhelmingly for GO.
Skip,
I’ll keep an eye on Chiz. Yes, I agree with you that it was Trillanes’ issue that galvanized us together to vote for GO! In fact, it was only Trillanes (most vocal) and Lacson who were vocal about Gloria’s sins, not Escudero! I’d like to think that he’s playing safe!
Huwag siyang luluko-luko at baka ma-never mind siya sa atin next time!
Chi,
I’m with you. I too will be keeping a close eye on Chiz and all the newly-elected opposition senators. They must never lose sight of the fact that GLORIA is the source of this nation’s ills.
If they begin dancing with the Devil, they must get used to the smell of sulphur.
Buti nga kay pakyaw….alam niyo 2 months ago may mga taong sumusilip sa mansyon niya (maybe fans, or usisero) ..sinisita na ng mga sipsip niyang doberman, kasi natutulog si kuya (pacman) baka raw magising , bilin sa kanila na bawal nang sumilip sa bakod niya….grabe…samantalang ang tinitirhan nila dati ..pag umulan tumutulo..tabi tabi pa silang magkakapatid…
talagang iba ang nagagawa ng Pera,…..!
Bago kayo magpadala diyan kay Esposo, this early, he is sniping at the opposition camp using shotgun bullets.
If you still don’t know, he’s already been pushing for Sonny Belmonte as Gloria’s successor come 2010. What better way to start eliminating the enemy than by blasting away at the most popular opposition senators. He’s just sowing intrigue if not trying to drive a wedge (to deepen a small crack in the case of Loren who’s reportedly drawn the ire of the other GO bets by her “Loren Number One” ads). It’s obvious he’s referring to Loren, but he has this great opportunity to hit 3 birds with one stone.
Look, he’s achieved his purpose and divided this blog already! I’m challenging him to name names. Wag basta-basta padadala.
Lacson, playing footsies with Gloria? Unbelievable, trust me. Baka sipain pa niyan si Gloria.
TonGuE-tWisTeD:
Just like Ducky Paredes, Esposo will suffer a loss of readership – he will never convince me to take him seriously. Better they concentrate on their handycap!
No one egged him to run. Its his kayabangan sa mga girls to show off his place at the apex of glory that he could easily demolish anyone in his path in all discipline. What do one expect from a grade sick mind afterall. Its true Claudio, et al picked up this weakness since they thought they could also ride on him. If I knew how the psywar handlers could influence wannabes. Well, behind lost wars there were women in history. That is the crime behind his lost fortune. I guess his middle name begins with a T
sainyong lahat, salamat sa reaction doon sa tanong ko re what esposo wrote.
interesting talaga. 😉
anyway, ang dapat nating tutukan ang magiging stand ng senate when these new senators assume office. walang kukurap, sabi nga. i just keep my fingers crossed na kahit politicians yung mga nasa GO, isipin nila primarily: kick GASUL OUT!!!
By the way, the boxer is not off the hook yet. Spending 140M pesos in the campaign meant he spent 3 pesos each of his congressional district’s 46,000,000 voters.
Valdemar:
Sabi ng isang boxing promoter, with Pakyaw’s income from San Miguel Corp., he will never be poor again. But what we see now is a guy so worried that he will end up a pauper after losing 140M pesos for nothing. Di bale daw kung nag-enjoy siya as when he gambles at some cockfight or bingo that he says the Pidals have entrusted to him.
As for the fans of Pakyaw being shooed away, I believe that. I was told by a friend, whom I told to go there for the sake a sick child of an OFW and mention my name, that she and the child and her mother were driven away and told that Pakyaw was not available to entertain them. Ganoon katindi.
Tapos kunyari pa siyang sasabihin niyang gusto niyang tumulong sa mga kababayan niya? ‘Lol niya!
Tongue,
We won’t be divided at Ellenville. Labs natin ang isat-isa! Napapag-usapan lang ang tsismis, and we are mature enough to deal with them. 🙂
Talaga ha, Si Sonny Belmonte?! Ano ang K niya?! I met this guy twice already, the latest was at the wake of my uncle, his classmate and a close friend. All I can say is… walang IT! Ang layo sa ating Sonny!
Ang layo naman ni Paris Hilton kay Blinky Tianak! Paris surrendered herself to the law! The Reyna Gasul is Demonya and no law!
***
ARROYO SHAMELESS LIAR — nationalist writers’ group
“Shame on you to blatantly lie to the Pope!”
This was the reaction of writers from the Amado V. Hernandez Resource Center (AVHRC) as President Arroyo recently went to see Pope Benedict XVI the second time “to do a Pontius Pilate instead of a Paris Hilton surrendering herself to prison cells,”…
“With more than 800 killings and almost 200 forced disappearances during her term, GMA does not deserve the blessings of the Pope and the Catholic Church for that matter, “ the AVHRC said …
According to Ambassador Marciano Paynor Jr., chief of presidential protocol, Mrs. Arroyo intends to inform the Pope that “some of the killings were done by communist rebels.” http://www.tribune.net.ph
***
Well, problema ng Pope ‘yan kung siya ay naniwala kay PINOKYA!
Ystakei, lumalabas na ang baho ni pacman, maglalabas din ako ng baho niya unti unti muna….pero yung 140M na nawala sa kanya..balewala iyon…kapiranggot lang iyan ng kinikita niya sa Sanmig endorsement niya…di pa kasama iyong ibang endorsement niya, …iyong binigay niya kay Bacosa (naanakan niya) katiting lang yon….
paanong matututo si pakyaw, eh bugbog na ang utak sa loob ng ring!
kaya kadaling utuin ng mga ganid na gahaman at manggagamit!
BOB,
Mukhang taga-GenSan ka dahil marami kang alam kay Pakyaw. Gusto ko lang ikumpirma kung totoo bang may kakambal si Jinky Pakyaw na asawa ng kilalang masiao lord sa Vis-Min na si ex-actor Rhene Imperial.
Matagal nang ikinukuwento sa akin ng mga alipores ko pero wala pa akong nababasang magkukumpirma niyan.
Iyan din daw ang dahilan kung bakit malapit sa kanya sila Chavit at IpDye.
code of honor among assumptionistas? heheheh! Code of alembong and granatcha, yes!
Tongue “Lacson, playing footsies with Gloria? Unbelievable, trust me. Baka sipain pa niyan si Gloria.”
Agree totally!
Anna: code of honor among assumptionistas? heheheh! Code of alembong and granatcha, yes!
*****
Sinabi mo pa! Magagalit ang kaibigan ko nito sa akin! 😛
TT: Ang alam ko dahil doon sa manugang ni Ermita na libre trip pa sa Las Vegas, courtesy ni Pakyaw. I doubt kung iyong asawa nga ang malakas. Sa totoo lang, akala ko nga Japayuki din dahil kabarkada iyong isang former Japayuki dito. Ang pananamit kasi parang Japayuki, but I just discovered that even staff of the Philippine embassy here now have staff who dress up either looking like a Japayuki or a domestic helper. Maski daw sa Manila ngayon, ganoon na kasi nga kahit na walang tak-u kapag nirekomenda kay Pandak at magagamit niya pasok without any character or ability (qualification) check!!!