Skip to content

Mandaraya

Narinig ko noong Linggo si Miguel Zubiri, senatorial candiate sa Team Unity na nagre-reklamo bakit raw kung ang TU ang lamang ay sinasabi ng GO nandaya sila samantalang sila raw hindi nagre-reklamo kung lamang ang GO.

Noong Sabado kasi, nagulantang ang lahat nang nakapasok si Zubiri sa Magic 12 sa unang pagkakataon. Si Koko Pimentel ang nawala na napunta sa number 14. Si Ralph Recto ang umakyat sa number 13.

Nangyari yun dahil pumasok ang mga boto galing sa Cebu. Ngunit kahapon, bumalik na si Koko Pimentel sa Magic 12 dahil pumasok na rin ang mga boto galing sa Quezon City.

Ang masasabi ko lang kay Zubiri, siyempre dahil nasa partido ka ng mandaraya, ano ang tingin ng tao sa inyo? Di mandaraya.

Sa ngayon kasi tutuk ang kahat sa bilangan. Sa ngayon 8-2-2 ang tayo ng resulta ng mga nanalo sa senador. Walo galing sa Genuine Opposition: Legarda, Escudero, Lacson, Villar, Aquino,Cayetano,Trillanes, Pimentel. Dalawa lang sa TU: Edgardo Angara at Joker Arroyo. Dalawa rin ang independent: Pangilinan at Honasan.

Sobra na 80 percent ng mga boto ang nabilang. Kampante na siguro ang hanggang siyam. Ngunit ang nasa 10,11,12 ay pwede pang maniobrahin sa Comelec.

Naniniwala ako na yun na ang binoto ng taumbayan na bagong grupo ng senador. Makikita natin doon ang galit ng taumbayan kay Gloria Arroyo. Yan ay nakikita sa pagpamamayagpag ni Alan Cayetano kahit sinabotahe siya ng Comelec na alam naman ng lahat na pakana ng isang tao dyan sa Malacañang.

Ngunit ang pinakamalinaw talaga na supalpal ng taumbayan kay Arroyo ay ang mga boto kay Trillanes. Nakakulong, walang pera, at kukunti ang TV ads ngunit binoto ng taumbayan.

Kaya naman hindi makakapagtaka na gusto ng Malacañang na malalaglag si Pimentel at Trillanes at papalit si Zubiri at Recto. Kung mangyaayri yun, ibig sabihin, binale wala na naman ng mandaraya ang kagustuhan ng taumbayan na maipakita ang kanilang pagkakainis kay Arroyo.

Maraming sinasabi si Zubiri kung bakit hindi nakakapagtaka kung bakit mataas ang boto niya sa Mindanao na sa paniwala niya yun ang maglalagay sa kanya sa Magic 12. Sorry ha, kahit maraming boto siyang makuha sa Mindanao, hindi sapat yun para mag-overtake kay Pimentel at Trillanes. Basta wala lang dayaan.

Hindi masisisi ni Zubiri ang taumbayan kung ang tingin sa kanila lahat ay mandaraya. Sabi niya, siya mismo raw ayaw ng dayaan. Ganun pala. Nang sinasabotahe ng garapalan ng Comelec si Alan Cayetano, kumibo ba kayo?

Ano ang sinabi nyo tungkol sa garapalan na mag-manufacture ng boto sa Mindanao? Naglabasan na ang eyewitness sa dayaan. Kinundena nyo ba?Di ba kinampihan pa ng Malacañang?

Kaya, bakit kami ngayon maniwala na hindi kayo mandaraya?

Published inElection 2007Web Links

142 Comments

  1. xanadu xanadu

    Magiging katatawa lang ang gagawin ng TU na sinasabi ngayon sila ang dinaya at maraming testigo silang ihaharap. Siempre, kaya nilang gawin kahit milyong testigo ang lumabas. Bigyan ba nila ng tig iisang milyon, tiyak pipila pa sa kanila ang magpi-prisintang testigo.

    Nakaukit na sa imahe ng administrasyong ito ang pandaraya. Hindi nila maaalis sa tao ang kaisapan na pawang pandaraya ang kanilang ginagawa kung kaya usad pagong ang bilangan. Nagsusumigaw ang mga ebidensiya ng pandaraya. Huwag na nating isama ang Hello Garci. Sapat na ang kasalukuyang kaganapan na pawang dokumentado, may sworn statements at video. Alam na ito ng buong mundo. Makabubuti pa kay Zubiri, Recto at Pichay na umaasa pang papasok sa Magic 12 na mag-concede na. Magiging mabait pa ang mga tao sa kanila pagdating ng panahon.

  2. Bakit ipinagmamalaki ni Zubiri ang boto sa Mindanao at Cebu e alam naman ng lahat na maraming daya doon. Problema sa kaniya. kakampi-kampi siya sa mga magnanakaw at switik, e di magnanakaw at switik din ang tingin sa kaniya ng mga tao. Sorry, pero di siya mananalo. Ganoon din si Recto. Kaya, CONCEDE! CONCEDE! CONCEDE! na lang sila. Anong inaasahan nila? Iyong mga dinayang boto? Aba, krimen iyon! Ano siya at mga kasama niya sa TU, puro kriminal? Pwe!

  3. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Wala ng mapigang boto sa Mindanao kaya umatras si Sarmiento sa Maguindanao. Maraming nakabantay. May makalusot man, ito’y mabubuking sa PICC. 8-2-2 ang resulta pabor sa GO-UNO. Zubiri tapos na ang laban.

  4. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Wala ng mapigang boto sa Mindanao kaya umatras si Sarmiento sa Maguindanao. Maraming nakabantay. May makalusot man, ito’y mabubuking sa PICC. 8-2-2 ang resulta pabor sa GO-UNO. Zubiri, et al tapos na ang laban.

  5. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Kung hindi pa natin alam, kababayan ni Zubiri si Garci, ‘no! Kung ang bibilangin e ang mga pinya sa Bukidnon at ilalagay ang bilang sa pangalan niya, baka siya ang number one. Pero sorry, Tita Migz, boto ng mga tao ang binibilang ngayon. Lalo na si Recto, natuto na yung mga turtle, kusang naglagay ng indelible ink sa mga palikpik para hindi magamit sa botohan.

    Bagay silang dalawang magpartner: si Recto si Vatman. Si Ate Migz si Rob-in Da Boy who Wonders if he IS.

    Kung ako sa ‘yo, madir Migz, magtatayo muna ako ng Chuviri Beauty Farlor, merong fang 3 years kang uubusin sa fagfafafungay ng mata. Kalimutan mo na ang mga butô…este, boto fala.

    ——

    At dahil nagbabasa ka pala dito, TUTAPET AL-BANO, kung kailangan mo ng trabaho pagkatapos ng eleksiyon, sagot na kita. Kulang kami ng announcer para sa karera ng daga sa Star City! Yung sa roleta ng mga bakla, naunahan ka na ni Ate Migz!

  6. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Talaga namang marunong bumaliktad ng salita si Manang Zubs, ano? Good for him! Naka-score lang ng konti ay bigla na silang lahat namayagpag! Ang now back to No. 13, and I do hope forever na! Malas ang No. 13, baby, have you heard that?

  7. Puro mga kawalanghiyaan ang alam ng mga opisyales na iyan.

    Sabi ko na, Abalos was preparing to fiddle with the votes and eject Koko Pimentel when he delayed the announcement.

    I’m almost convinced that there will be more hocus pocus. Malacanang frigging cronies and COMELEC will do everything to get the frigging shithead Recto in and who knows, if no one says anything, they might even have 6 OR MORE TEAM UNITY CANDIDATES.

    I can’t believe this! this can’t be happening. How on earth can anybody tolerate this pagnanakaw in broad daylight!

    That’s why the ERs disappeared and went to Iligan, hometown of foooooooooking Gloria!

  8. jdeleon5022 jdeleon5022

    Bakit ba sa administrasyong ito wala ng ipinagmamalaki kung di mga boto ng Mindanao at Cebu na kanila daw. Ang mga tao ba doon ay hawak nilang lahat sa leeg, palagay ko naman sa dami ng tao doon walang kandidato na pueding ma zero, kahit isa O dalawang boto makakuha ang isang kandidato. Itong si Recto, palagi na lang nasa alanganin, kaya tuloy sanay na kung ano gagawin, sa pagkakatanda ko noon ang nasipa niya sa 12th spot si Honasan dahil sa dagdag-bawas na nangyari na ulit, buti na lang nabuking. Okay lang kahit sino manalo, pero sana sa malinis na paraan. Paano kaya si Pichay, sa laki ng perang ginastos para ipakita yong gorilya niyang mukha sa mga TV Ads niya, paano kaya niyang mababawi yon O baka naman nakaw na ipon niya yon noong Congressman siya, kaya pala gustung-gusto niya pag may impeachment kay Gloria dahil doon siya nagkakapera, kasi “hindi pirma, dami pera”

  9. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Nasira ang papel ni TUTAPET AL-BANO sa tinatawag na ‘command votes’ ng TU. Akala mo tunay, pero ampaw pala. Saksakan ang kasungalingan itong Tonypet Albano. Pareho sila ang kanyang among Gloriang Tiyanak. Walang isang salita. Nakababain ka! Natangken iti salawasaw mo-hard like a rock. Baka sa sariling anak at asawa ayaw naniwala sa iyong palusot.

  10. Command votes? Yeah, yeah, yeah! Now they can stick their command votes up we know where!

  11. skip skip

    Lest anybody forget, this Zubiri is the very same retard who uttered the immortal lines:

    “The people should now direct their anger at the Senate if it refuses to take up our challenge”

    This was, of course, said during the December 9, 2006 press conference at the Dusit Hotel where the
    pro-Chacha lackeys tried in vain to spin-doctor their humilitiang defeat into a patriotic act of
    heeding public clamor.

    Aba teka. Isa ka pang gaga ka na gustong burahin ang Senado tapos heto ka at nagkakandarapa
    sa pandaraya para maisingit sa Magic 12.

    If you do not feel any shame at all for your cheating, for Pete’s sake, bury your head in the sand for
    the utterly egregious posters you have forced Filipinos to look at during the last campaign period.
    What the f*ck, Amiga, you looked more dolled up there than Audrey.

    Kadiri kang bakla ka.

  12. Etnad Etnad

    Affir pala si Migz … kala ko si Fechay ang Manang …. naku ha!!!!!!

  13. xanadu xanadu

    Ito ngayon ang nakakatawa. Noon, namamayagpag sila ng 12-0 sa TU. Dahil sa command votes, kakain daw ng alabok ang GO. Bumabandila si Tol Mike at si Pitsay na nagmamalaki pang matapos siyang manalo, sisibakin nila ang Senado. Si Zubiri na akala ay sure na sure na dahil sabi ng kanyang Mama Gloria. Si Sabit Singson, kumpiyansado dahil maraming datung at si Montano na nanahimik dahil sa flop ang Panaghoy sa Suba, sumali sali pa dahil sigurado raw ang panalo.At si Kiram, pinangakuan, walang problema sa datung kaya naenganyo. Matapos mamangka sa dalawang river ng ilang panahon. tumalon yong ASO kasama ang mga balimbing na si Rectum at Arroyko. Si TonyPet Albano, kinuha pang spokesman. Anong nangyari?

    Nakalusot nga si Angara at Joker, pero yong posam (10), naguumiyak sa malaking pagkatalo. Huhuhu!!! Sila ngayon ang nagbabangayan at naglalaglagan para kahit isa man lang ay makapasok. Sila ngayon ay parang mga batang inagawan ng kendi ng kalaro at nagsusumbong sa kanilang Mama Gloria. Nakakahiya kayo, oy! Kung manalo man kayo, walang maniniwalang hindi kayo nandaya. Pero may last chance pa kayong maging tunay na lalakwe. Mag-concede na kayo. At pag ginawa ninyo yan, sa susunod na eleksiyon, iboboto ko kayo bilang barangay tanod. Promise.

  14. Etnad Etnad

    Etong eleksiyong ito ang nagpapatunay na ayaw na sa Pekeng Glorya ang mga tao. Manhid na talaga ang GAGA. Tanang buhay ko ngayon lang ako magmumura sa Pangulo(Daw) ng ating Bansa ….. YON NA YON. (Bawal daw magmura). NAMUUUUUUUUUUUUU!!!!!!!

  15. xanadu xanadu

    Etnad

    Kung tunay na mga lalaki yang mga yan, noon pa nagsipag-concede na. Mga badaf yan. Alam mo ba yong badaf? Babae dafat. Kunyari lang mga macho, masunurin sa asawa, pwede ba? Mga manang yan at iisa ang uri ng blood, dugong green. Kahit yong spokesman nila si Tonypet. Sa palayaw lang, may pet pa, ano ba yan? Pipitsugin naman at walang binatbat kay Adel Tamano.

    Hay naku, pagkatapos ng labanang ito, mga TUng talunan, tanggap na lang kayo ng labada.

  16. skip skip

    Since Gloria and her spawn are impervious to reason, by golly, let’s pour on the logical fallacies!

    You’ve heard of argumentum ad hominems, right?
    In Amiga’s case, it’s more like argumentum ad HOMOnem.

    Just ask a certain actress.

  17. Etnad Etnad

    Kaya pala nagpupumiglas etong si Migz na umabot man lang sa pang-labingdalawa …. para makatabi niya si Trillanes. O di ba machong macho yata ang bata natin.

  18. skip skip

    “Kaya pala nagpupumiglas etong si Migz na umabot man lang sa pang-labingdalawa …. para makatabi niya si Trillanes. O di ba machong macho yata ang bata natin.”

    Tama ka, etnad. Or as Amiga might probably say it; “Trulili, fafa etnad.”

  19. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Command votes sila ng command votes…as if hindi alam ng mga tao na ang ibig sabihin nito ay…Command Daya…! Mga Mandaraya!!!
    Ginagawa pa nila ang Mindanao na Nest ng mga Dayaan!!! I can’t stomach it…Masusuka na ako sa karumihan ng mga pinaggagawa ng Mis-administrationg ito ni Tianak!!! Sa halip na Good Example ang ginagagawa…ipinopromote pa ang kasamaan! Mga tao na ngayon ang gustong iwasto ang mga pandaraya niya!
    Galit na talaga ang karamihan…NEVER na naging PRO-ADministration ang Mindanao, no? Yung mga nakukuha nila sa suhol yon ang mga pro-ad at iilan lang yon! Ang Cebu siguro, pero hindi rin lahat!
    My foot…patay na kon patay!!!

  20. Re: “Team Unity na nagre-reklamo bakit raw kung ang TU”

    Kung di naman talagang mga bobo ang mga hayop na kampon ni Gloria, e sino ba ang may oiled cheating machinery? Sino ba ang nabisto na tmawag kay Garci for the dagdag, dagdag? Sino ba ang nagpupumilit magtago ng mga blank ERS? Sino ba ang nagpupumilit na mandaya?

    Di lang yan! Sino ang may record na nagpanakaw ng 750 million pesos para gamitin sa pandadaya at ayan di tuloy makauwi ang best friend ni Pidal? Sino ba ang may million million na dolyar sa ibang bansa? Kanino ba ang benefactors na Pidal couple?

    Talagang mga magnanakaw na, ipokrito pa! Para sa akin – ALL OF THE TEAM UNITY CANDIDATES, THE MINUTE THEY ALIGNED THEMSELVES WITH GLORIA and her hayop na husband ARE CONTAMINATED AND DAMAGED GOODS… FULL STOP!

  21. Golly, sa inis ko, di tuloy ako makatulog! Bantay sarado ako sa boto para sa mga paborit ko. “Foooooooooking Gloria!” Gusto ko ito a, Anna. Bagay na bagay doon sa Fookien ina niyang asawa niya! Ooops, can’t say bad words nga pala! 😛

  22. Elvira, Btw, I’m presently watching Robin Hood in German on German TV 2DF – heheh! Don’t understand anything but since I’ve seen the film in English, can more or less guess what they’re saying.

    Yuko, dahil sabi mo nga bawal magmura kaya ganyan na lang – Fookienised na lang iyong mura…. Anyway, si Gloria so kapal maski anong mura di tatalab. Makapal pa naman iyong pancake niya sa mukha so whatever we tell her, di tatalab.

    Walanghiyang tao yan – her brain is like a toilet dump!

  23. Let’s not denigrade gays here. Let’s stick to issues.

    We can express our outrage without being foul. Please no murahan.

  24. Gago nga ang mga ungas. Papaanong makakadaya ang GO, e hindi naman nila hawak ang mga blank forms ng Comolec at hindi nila kayang bayaran si Abaloslos, et al ng lagay!

    Siguro iyong bugaw hindi makabayad ng pangako niya kaya nagkakandaloko ang mga papeles ng pandaraya nila na hindi ginagawa ng mga natutulog na riggers nila hanggang hindi dumadating ang pangako ng mga nilimusan ni Pandak sa Japan, at ngayon sa NZ at Australia. Ewan ko din kung papautangin pa siya ng mga ponga kahit na tulungan pa siya niya ni Lusu Tan at si Al Ponga na tubong Fooki-en. E di bistado silang nandaraya.

    Sa Tokyo nga nabisto namin agad ang tactic na gagawin kaya hindi natuloy. Akala nila kasi wala nang pollwatchers. Dinelay-delay ang accreditation, pero nakahabol pa rin. Wow, bilib ako sa mga bata ni Sonny Trillanes. Wow ang disiplina, orderliness and competence ng mga volunteers niya. Nakaka-inspire. Nakalimutan namin na kumain at antokin sa totoo lang. Muntik nang makalusot ang 700 na botong isisingit for the TU. Hindi nakalusot!!!

    Ang gustong idaya dito as a matter of fact ay iyong mga partylists ni Pandak. 500 ang dagdag para sa AHO! at tig-100 ang iba pa pero halatang-halatang daya kasi mas dadami ang botong dagdag kesa sa botong natanggap. Golly, ang tindi! Pati ang DFA, nabababoy! Kawawa naman iyong mga kaibigan namin sa diplomatic mission na naguguluhan sa palakad ng kriminal. Buti na lang, bago nalagay sa Inquirer iyong pekeng balita from the Malacanang robbers and thieves, nakapost na sa website ng Philippine Embassy sa Tokyo ang resulta ng election sa Japan na binantayan namin ng husto. E di biglang withdrawal ang ginawa ng mga ungas sa dayang boto.

    Ipinadala din namin agad sa GO, kay Senator Pimentel at headquarters ni Trillanes, Gabriela, Akbayan, etc. ang resulta ng election dito. At least, siguradong hindi makakadaya ang mga ungas tungkol sa boto ng mga pilipino sa Japan. Matinik din ang mga tiktik namin sa KSA, HongKong, Korea, etc. Iyong lang yatang mga kaibigan ni Fatso at Pandak sa SFO ang willing na mandaya para sa mag-asawa. Over-all, overseas, ang trend ay 8-1-3 o 8-2-2 o 9-1-2 for GO. It cannot be any different from the trend back home dahil talagang sukang-suka na ang mga pilipino kay Madame Switik.

    Walang tulugan. Bantayan ang mga boto para sa GO. Overall, doon din sa mga Congressmen, malakas din ang GO sa totoo lang, huwag lang dayain!!!

  25. Gago nga ang mga ungas. Papaanong makakadaya ang GO, e hindi naman nila hawak ang mga blank forms ng Comolec at hindi nila kayang bayaran si Abaloslos, et al ng lagay!

    Siguro iyong bugaw hindi makabayad ng pangako niya kaya nagkakandaloko ang mga papeles ng pandaraya nila na hindi ginagawa ng mga natutulog na riggers nila hanggang hindi dumadating ang pangako ng mga nilimusan ni Pandak sa Japan, at ngayon sa NZ at Australia. Ewan ko din kung papautangin pa siya ng mga ponga kahit na tulungan pa siya niya ni Lusu Tan at si Al Ponga na tubong Fooki-en. E di bistado silang nandaraya.

    Sa Tokyo nga nabisto namin agad ang tactic na gagawin kaya hindi natuloy. Akala nila kasi wala nang pollwatchers. Dinelay-delay ang accreditation, pero nakahabol pa rin. Wow, bilib ako sa mga bata ni Sonny Trillanes. Wow ang disiplina, orderliness and competence ng mga volunteers niya. Nakaka-inspire. Nakalimutan namin na kumain at antokin sa totoo lang. Muntik nang makalusot ang 700 na botong isisingit for the TU. Hindi nakalusot!!!

    Ang gustong idaya dito as a matter of fact ay iyong mga partylists ni Pandak. 500 ang dagdag para sa AHO! at tig-100 ang iba pa pero halatang-halatang daya kasi mas dadami ang botong dagdag kesa sa botong natanggap. Golly, ang tindi! Pati ang DFA, nabababoy! Kawawa naman iyong mga kaibigan namin sa diplomatic mission na naguguluhan sa palakad ng kriminal. Buti na lang, bago nalagay sa Inquirer iyong pekeng balita from the Malacanang robbers and thieves, nakapost na sa website ng Philippine Embassy sa Tokyo ang resulta ng election sa Japan na binantayan namin ng husto. E di biglang withdrawal ang ginawa ng mga ungas sa dayang boto.

    Ipinadala din namin agad sa GO, kay Senator Pimentel at headquarters ni Trillanes, Gabriela, Akbayan, etc. ang resulta ng election dito. At least, siguradong hindi makakadaya ang mga ungas tungkol sa boto ng mga pilipino sa Japan. Matinik din ang mga tiktik namin sa KSA, HongKong, Korea, etc. Iyong lang yatang mga kaibigan ni Fatso at Pandak sa SFO ang willing na mandaya para sa mag-asawa. Over-all, overseas, ang trend ay 8-1-3 o 8-2-2 o 9-1-2 for GO. It cannot be any different from the trend back home dahil talagang sukang-suka na ang mga pilipino kay Madame Switik.

    Walang tulugan. Bantayan ang mga boto para sa GO. Overall, doon din sa mga Congressmen, malakas din ang GO sa totoo lang, huwag lang dayain!!!

    Baka sa 2010 pa i-announce ni Abaloslos ang resulta ng eleksyon ngayon a! Puede bilis-bilisan niya at sabik na rin ang mga fans ni Trillanes dito na makita kung ano ang magagawa niya? Sabi nga, Cayetano, Trillanes at Koko Pimentel sa Senado, tapos na ang mga kriminal!!!

  26. mher mher

    sa totoo lang nakalungkot isipin dahil kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon sa tuwing halalan o eleksyon na magkabilang panig nag aakusahan ng pandaraya, kung ganito lagi ang nangyayari sino lagi ang talo diba ang sambayang Pilipino lalong lalo na ang mga mahihirap na sa pamamagitan ng kanilang mga boto ay umaasa na magkakaroon ng pagbabago sa ating Bansa, sa totoo lang kung magpapatuloy ang ganitong pamamaraan wala na tyong aasahan na pagbabago sa ating bansa, dahil ngayon di mo na alam kung sino ang tapat sa tungkulin, halimbawa si gonzales iyong mga pinagsasabi niya nung kasalukuyan ng kampanya, si abalos iyon kay Peter Cayetano sa mismong botohan binawi niya ung pagtanggal kay joselito, kung ganito lagi kanino ka pa magtitiwala, dati sa mga pulis, sundalo nawalan ng tiwala, ngayon sa mga ahensya ng gobyerno, kung ganito ang sitwasyon sa ating bansa ano pang aasahan natin , pagbabago, kailan sa ngayon karamihan sa mga nakaupo puro pansariling interes na lang iniisip, halimbawa na lang di pa man nagsisimula sa kongreso pinag aagawan na ang speaker na sila-sila lamang ang magkakampi diba malinaw na pansariling interes lang iniisip nila eh napakarami naman speaker sa raon bkit d cila bumili ng marami para di sila mag away away sana sa mga nanalo maglingkod naman kayo ng tapat kawawa na si Pilipinas tantanan nyo nmn dati napakaganda niya ngayon losyang na dahil kung ganyan kayo masahol pa kayo sa ibang lahi na minsan pinagsamantalahan ang kanyang kagandahan ngayon mismong lahi niya ang nagsasamantala di lang kanyang kagandahan pati ang kanyang baul kaya tuloy maraming nagugutom eh kasi naman sa dami ng kanyang nasasakupan wala na siyang mapakain kaya hindi niya masisi iyong mga pinag aral niya na iwan siya dahil iyong mga hinirang niya para pangalagaan siya wlang ginawa kundi abusuhin. kawawa ang Pilipinas dahil karamihan hindi na filipino ang naninirahan kundi kapit tuko na.

  27. Ellen, where is the nation’s rage at the shenanigans being committed by COMELEC?

  28. skip skip

    Ellen, you’re right. Gender has nothing to do with it. The issue is cheating. I’m sorry for my sexist remarks.

  29. luzviminda luzviminda

    Kung sinasabi ni Tita MigZ Chuviri (pahiram TongueT) na baluwarte daw nila ang Mindanao eh dapat hindi na nila kailangang mandaya. Bumubuhos ang mga ebidensiya ng dayaan na ang hinihilot ay mga boto ng mga TU(ta). Tama nga na magtayo na lang siya ng Chuva-Chuviri Beauty Parlor sa Bukidnon at duon siya kumurap-Corrupt!

  30. Who’s Tita MigZ?

  31. xanadu xanadu

    Ma’m Anna

    You’re asking who’s Tita MigZ?

    Please read in this thread: Etnad at 4:43 am and skip at 4:49 am.

    Ayaw ko nang dagdagan, may remarks si Ma’m Ellen at 5:41am.

  32. Oh, ok – I think I’ve got it. We’re talking of Zubiri, aren’t we? Oh well, nobody’s perfect.

  33. Thanks, Xanadu.

  34. chi chi

    Bakit, ang mga TUTA ba ay meron karapatang magreklamo na sila ay dinadaya?! Bagay nga na tuta siya ni Gloria dahil ang kanilang rason ay parehong walang kwenta.

    Kung ang TUTA raw ang nananalo ay sinasabi na sila ang nandaya. E talaga namang nandadaya kayo, ayan nga at huling-huli sa askot ang mga KUMOLEK opisyal. Alangan naman na ang ERs na dinala nila sa hotel ay para sa advantage nina Trillanes!

    At saka bakit kayo magrereklamo kung nananalo ang GO e sila naman talaga ang binoto ng tao at hindi kayo!

    Kasalanan mo at kumabit ka sa ng reyna ng mga mandaraya, kaya shut up dahil hindi ka magiging senadora!

  35. chi chi

    Higit na tutukan sa bilangan ang kailangan ngayon. Wala dapat makalusot sa dayaan para maramdaman ng manhid na si Blinky Tianak na hindi pwede sa atin ang kanyang cheating machine at kaartehan! Mangisay ka sa NZ!

  36. chi chi

    Hoy Vilma! Sabihan mo ang iyong asawa na hindi na makakalusot ang kanyang pandaraya ngayon at kahit truck pa na pera ang isampal niya kina Abaloslos ay mabibisto rin namin. Kaya tumigil na si Rectum sa paghahabol na masingit sa magic 12 dahil nunca, hindi mangyayari ‘yan!

  37. purple purple

    tahimik si tangara at si ulyaning arroyo ah….the two balimbings are playing it safe. lest they open their foul mouth they will be in the limelight. tangara’s being a user worked while tandang nuno is sitting pretty as he never spent a single centavo..marami silang nauto so far and mabilis din ang mga panyero nila…
    Trillanes, Alan, and Koko are still in the red-zone. more prayers and vigilance still needed…
    last week’s Kontra-Daya rally was a first time for me. it was a daunting experience and i pity those who braved the downpour. As Atty Roque said, “pati kalikasan ay nakikiramay sa atin”…abut heaven must have had its reasons as this could be signs – signs of the sentiments of the country who is sick and tired of being used and abused.

  38. purple purple

    what is this i heard about the drama between JDementia and Villabuwitre? Wla na sa sarili itong si vilabuwitre talaga at kailangang gumawa talaga siya ng issue para pag-usapan. sabagay para naman silang pinag-biyak na puwet ni jDementia at sya…mga laos na kasi kaya kailangang gumawa ng ingay para mapansin. hindi nga lang sila mga bomba stars na kailangang tumakbo sa baywalk. pero malamang kalaboso abot nila kc si “dirty harry” Mayor Lim na ang may hawak ng Manila..kakadiri pagka nagtatakbo sila ng hubu’t hubad sa Roxas Blvd…baka ipasok sila diretso sa silvercrest ni mj….
    on second thought, mag-poke nalang sila dun – si dementia, buwitre, mj, gonggonzales, hambalos…ang bangkero nila si fatguy!!!!
    bwahahahaha…kala ni atinza sya na may-ari ng manila.

  39. purple purple

    to jon santos…este vilma….let’s see kung ano ang pinagdradrama mo sa tv ha…at mahal na mahal ka ng batangas!…bakit kahit isa nakausap ko tag batangas hindi bilib sa yo! kahit taga palengke at ordinaryong taong taga batangas takot sa pagkaluklok mo! pati mga taga punta-fuego hindi rin ma-gets kkung ano meron ka…..

  40. purple purple

    what is this i heard about the drama between JDementia and Villabuwitre? Wla na sa sarili itong si vilabuwitre talaga at kailangang gumawa talaga siya ng issue para pag-usapan. sabagay para naman silang pinag-biyak na puwet ni jDementia at sya…mga laos na kasi kaya kailangang gumawa ng ingay para mapansin. hindi nga lang sila mga bomba stars na kailangang tumakbo sa baywalk. pero malamang kalaboso abot nila kc si “dirty harry” Mayor Lim na ang may hawak ng Manila..kakadiri pagka nagtatakbo sila ng hubu’t hubad sa Roxas Blvd…baka ipasok sila diretso sa silvercrest ni mj….
    on second thought, mag-poker nalang sila dun – si dementia, buwitre, mj, gonggonzales, hambalos…ang bangkero nila si fatguy!!!!
    bwahahahaha…kala ni atinza sya na may-ari ng manila.

  41. Mandaraya? Naman…

    SA 8-2-2 standing, isn’t it very very clear? GO has 8. It’s interesting to note that the two from TU in the Magic 12 (Arroyo, who fought against EO464 and PP1017, and Angara, who was Erap’s “last man standing” in 2001) were also oppositionists who jumped ship. Gringo was, rightly or wrongly, implicated in the Oakwood mutiny, and Kiko openly called on Aling Gloria to resign. Kung talagang titingnan natin ang 8-2-2, para pa ring 12-0. The people simply voted Aling Gloria out. That’s a clearly bold and legible writing on the wall. Or does she even know how to read?

  42. re zubiri

    if you lie down with dogs, you rise up with fleas.

  43. mlm18_corpuz mlm18_corpuz

    sayang si tito sotto kung hindi sana siya bumaliktad nasa pangatlo sana siya kaso balimbing kasi dati gusto ko siyang maupo sa senado kaso nga balimbing eh thats why nawala ang tiwala ko sa kanya

  44. jay cynikho jay cynikho

    Ellen, I observed this in PDI COMELEC tallies:

    1- Tally dated May 24/11:58 pm was carried thru up to – as of Tuesday May 29/6:31 pm; date below the tally was the same as if there was no change in the the number of votes. as if COMELEC has not given update figures from Thursday May 24/11:59 pm to Tuesday May 29/6:31pm.
    2. BUT There were changes in the number of votes; those ranked 1 – 16 (ie. Legarda -Pichay) got additional more than 1 million votes
    3. the two sets of tallies are both labeled underneath the data as dated May 24/11:58 pm
    4. It is INTERESTING to look at the percentage increases of candidates in two sets of tally having ONE DATE SAME HOUR.
    5. from the TUs:
    Honasan- votes increased by 15.09%
    Arroyo by 11.33%
    Zubiri by 14.31%
    Recto by 13.55%
    Defensor by 14.65%
    Pichay by 14.65 %
    Magsaysay by 14.32 %
    Singson by 15%

    6. from the GOs:
    Cayetano by 12.27%
    Trillanes by 11.41 %
    Pimentel by 13.79%
    Osmena by (find that out)

    7. There is really nothing in these percentages, but why two sets of figures, could be more but I noticed only two.
    8. The rankings show Zubiri, Recto, Defensor, and Pichay breathing down the necks of Pimentel and Trillanes.
    9. When newspapers report that it’s still GOs winning , look underneath the figures especially for those veterans of mind conditioning.

  45. mlm18_corpuz mlm18_corpuz

    ano na kaya ang masasabi nina oreta at sotto dati kasi silang kalaban bi gloria ngayon kakampi na nila siguro kahit natalo sila bibigyan din yan ng posisyon sa palasyo ilalagay si oreta sa dep-ed si sotto naman ilalagay sa executive

  46. Johnmarzan: re zubiri

    if you lie down with dogs, you rise up with fleas.
    *****

    OK ito a. Hindi lang fleas, may bulate pa, iyong tinatawag na hook worm na deadly ang kapit!

  47. BOB BOB

    Attention mr Migz Shooviri : Kumanta ka na lang ng ”Boom Tarat-Tarat”… ng umiiyak….

  48. martina martina

    Sotto as aso, mabuti sana kung as a lovable pet, pero siya ay nangangagat, kanya tuloy na-phobia si Susan sa politics.

  49. Sabi ni Tonypet Albano:

    “To assume that every region lines up to a specific voting pattern defies voting realities and the entire history of electoral politics. To assume otherwise, that every region had voted in favor of the opposition, is the height of conceit and audacity on the part of GO.”

    Why must he cite voting realities based on the history of electoral politics when there are previously unforeseen events at play now? While it is true that every president we had since Quezon had their share of controversies, not one among them had to face very serious questions on legitimacy. Must we blame political realities if these questions remain unanswered as the counting of ballots are coming to a highly predicatble close- the trashing of TU?

    Who is assuming that every region voted in favor of the opposition? Isn’t it TU which came out with a fearless 12-0 forecast in their favor? We have yet to hear GO claiming a 12-0 tally in any region. It was TU openly celebrating a 12-0 win in a number of provinces- that is what I call the height of conceit and audacity on the part of TU, knowing only too well that their main endorser, Aling Gloria, had been wallowing in the red in terms of trustworthiness.

    You have the most unpopular, distrusted endorser- you should be happy if you get even one genuine lapdog into the winning circle.

  50. Valdemar Valdemar

    I have seen on the TV turmoil in Lanao del Sur on the special election. Many claimed that was on account of the literacy factor. However, that condition did not lead to any bizarre killings as compared to some “peaceful” election executions obtained in Pampanga and elsewhere perhaps in Luzon.

    By the way, the Namfrel date on the PDI election tally is not necessarily that of the Comelec’s.

  51. Ka Enchong,

    Re: Tonypet’s shit, “To assume otherwise, that every region had voted in favor of the opposition, is the height of conceit and audacity on the part of GO.”

    What can’t he understand? That the Filipînos are getting sick and tired of his mistress bitch? If he can’t understand that, then he should jump from a clift. He ain’t necessary in the scheme of things.

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.