Skip to content

Kasumpa-sumpa

Kahapon, habang sinusulat ko itong kolumn, pinalabas sa ANC ang rambulang ng mga watchers ng political parties sa Lanao del Sur kung saan may special elections.

Ang special elections ay ginaganap kapag mayroon failure of elections sa isang lugar. Sa Lanao del Sur, maraming tanong sa voters list kaya hindi nagkaroon ng election noong May 14.

Sa ARMM (Autonomous Region of Muslim Mindanao) ginagawa itong special elections na raket. Malaking pera ang sangkot dito kaya nagpapatayan ang mga tao. Sinasabi nga ng marami na sinadsadya ang fauilure of elections para magkaroon ng special elections.

Sa mga nakaraan na elections, dito kasi namimili ng boto ang mga kandidato para senador na naghahabol para pumasok sa magic 12, Sa ngayon, ang maaating humabol ay si Ralph Recto na nang- 13, si Mig Zubiri na nasa number 14, Mike Defensor, 15 . Mukhang malabo na siguro si Prospero Pichay na nasa 16 kasi mga 100,000 votes lang naman ang registered voters sa Lanao del Sur. Iba na yun kung 400,000 ang boboto katulad ng ginagawa sa maraming lugar sa ARMM.

Ang balita ay pataas na pataas ang bayad sa bawat boto. Kung ang karaniwang bayad ay P500 lang bawat boto, ngayon yata umaabot sa P3,000.

Sino naman ang gagawa noon kungdi ang mga TUta ni Gloria Arroyo. Hindi naman maaring bibili ng boto si Antonio Trillanes at Koko Pimentel. Walang mga pera ang mga yan.

Sa report ni Ricky Carandang ng ANC na sumama sa grupo ni Tita de Villa ng Parish Pastoral Council (PPCRV) at Edward Go, chairman ng National Citizens Movement for Free Elections (NAMFREL), nakita mismo ni de Villa ang isang botante na tatlo beses bumoto. Mayroon din daw isang bata na gustong bumoto kaya lang naharang ng mga poll watchers.

Kasumpa-sumpa itong mga operator na gumagamit ng kabataan sa kanilang pandaraya. Sa Maguindanao, sinabi ng isang teacher na pinilit silang isulat ang pangalan ng mga Team Unity sa balota at ang mga batang naglalaro sa paligid ang pina-thumbmark nila.

Sa halip na turuan ang mga bata na huwag mandaya at magsinungaling, ginagamit pa sila sa pandaraya. Ano ang kinabukasan ng kabataan na ito na pinapalaki sa pandaraya?

Ano ang masasabi ni Gloria Arroyo at ng mga kampon niya dito? Itong mga senador ng team Unity, hindi ba kayo nahiya o nakunsyensya na makakuha lang kayo ng mga boto, gagamitin nyo ang mga kabataan sa pandaraya?

Para lang manatili sa kapangyarihan, sinisira nila ang kabataan. Sinisira nila ang kinabukasan. Ngunit okay lang kay Benjamin Abalos ng Comelec. Okay lang kay Executive Secretary Eduardo Ermita.

Dapat talaga silang isumpa.

Published inElection 2007Web Links

56 Comments

  1. alitaptap alitaptap

    Siempre okey lang yan ke Abaloslaos at eksikuted sickretary Ermita dahil may basbas sila galing sa great pretender ng murky river. Yan ay what are they living for – asslicker ni d’glu at ifjee. kasumpa-sumpa nga at walang katulad. Mababa pa sa ahas na gumagapang sa kanilang kissing ass.

  2. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Dapat talagang ISUMPA ng matitinong sambayanan ang pinaggagawang ito ng MAG-ASAWANG tIANAK AT oINKY, ang mga taong ganid sa kapangyarihan at pera!
    Ako’y native ng Mindanao. Marami pa akong mga relatives na nakatira ngayon sa Maguindanao. Alam ko ang mga nangyayari diyan tuwing election. Naniniwala akong mga “planted” lang ang mga rambulan at sa pagkakaalam ko, bayad lahat ‘yan ng mga politikong tumitipa sa kaban ng bayan! Worst daw talaga ngayong election ang mga DAYAAN, PANANAKOT, at “bumabaha ” daw ang pera basta sumunod lang sila sa mga utos ng mga nakakataas sa kanila!
    Alam din ng mga tao na iisa lang ang pinanggagalingan ng mga pera at mga kautusang ito! Gusto niyang manatiling pangulo ng kawawang Pilipinas kanggat maaari! Ang mga taong nakapaligid sa kanya na tulad ni ABALOS ng Comolek, Ermita, Assperon, Apostol, Bunyeta, at marami pang iba, ay katulad lahat ng walanghiyang babaeng ito!
    KASUMPA-SUMPA KAYONG LAHAT! MAY ARAW DIN KAYO SAPAGKAT ANG LAHAT AY MAY KATAPUSAN!!!

  3. chi chi

    Gloria is an ultimate cheat so there’s nothing honorable people can expect from these mga “gahaman sa kampangyarihan”. Like amo, like tutas!

    Ang kawawa talaga dito ay ang mga bata na lumalaking ang pagaaakala ay normal lang ang mandaya ng kapwa. They’re growing but only their physical bodies become bigger while their mind and souls are stuck to the bottom of nowhere!

    Ang laki ng pananagutan ni Gloria Pidal, kanyang mga TUTA at kampon sa kawalang pag-asang umunlad ng mga batang ito, pero balewala sa kanila basta sila ay manatili sa nakaw na pwesto!

    What is the use of exercising our rights of suffrage under a fake president when even our kids are being used for evil deeds to satisfy a few?!

    These incidents in ARRM need a “surgical fix” to borrow from Anna. Yes, palagi akong ready kapag future ng mga bata ang nasa “ring of fire”! Tangna ninyong lahat na nagsasamantala sa mga bata!

  4. Sinabi mo pa, Chi, masamang example talaga ang mga ungas in the same way of how they have corrupted the children growing up these past 20 years since Marcos was toppled down gaya nitong mga pilipinang ibinubugaw sa Japan na wala nang pitagan sa mga sarili lalo na dito na hindi naman sila nasusubaybayan ng kanilang mga simbahan.

    Dito ang mga pilipina, nabubuntis ng di nila asawa, at madaling magpalaglag dahil legal dito ang abortion. Para sa kanila, hangga’t walang pumupuna, OK lang kahit anong kawalanghiyaan ang gawin nila. Ganyan ang ugaling ipinapairal ng mga Pidal sa totoo lang.

    E kundi ba naman walanghiya, kasama pa iyong bugaw na kongresista na ipinagpipilitan sa mga hapon na ipagpatuloy ang pagtanggap ng mga pilipinang mababa ang lipad dito kahit na mahigpit nang ipinagbabawal ang pagpapapunta sa kanila dito kahit na kunyari caregiver na isa pang raket na gagawin ng mga galamay ni Pandak.

    Kaya ang walanghiya ginagawa ang lahat para makapanatili sa Malacanang. Lahat ng uri ng daya ginagawa ng ungas. Ang kapal ng mukha.

    BTW, ang pagbilang ng mga boto ay sinadyang patagalin dahil sa mga bagong palakad na ipinairal ng Comolec sa ilalim ni Abaloslos na kunyari naghigpit para hindi daw makadaya e sila mismo ang nangdaraya. Puede ba tigilan na ang mga katarantaduhan nila. Himagsikan na kung hindi pa idedeklara ni Abaloslos ang mga nanalo na. Iyong mga tarantado sa Mindanao puede ba paghuhulihin na lang at kung ang mga tao doon ay ayaw na pangalagaan ang mga boto nila e puede, ignorin na lang? Manigas sila!

    Ihinto na ang mga special na election kundi rin lang titino ang pagboto ng mga tao sa mga magugulong lugar. Dapat diyan iyong mga warlords, pinaghuhuhuli na lang.

  5. It’s a sickening reality indeed, the lost souls of those officials and politicians, who try to spread their darkness out into our Filipino children.

    There is no shock here, only sadness for the children who have been tainted by corrupt officials.

    There is still hope, however, and that is to prosecute to the full extent of the law, those who would harm the sanctity of the ballot, and those who knowingly put the welfare of children at stake…

    To these corrupt officials and politician, may they be condemned to the justice they deserve, not only in their lifetime, but in the eternity after that.

  6. Emilio_OFW Emilio_OFW

    Kung hindi pa ebidensiya ang maitatawag sa “news footages” na ipinalabas sa ANC at TV Patrol Sabado ay kailangan ng magsalamin si COMELEC Cheat Benjamin Abalos!

    Kasumpa-sumpa talaga kung ang sistemang namamayagpag kapag mayroon nagaganap na halalan sa lugar na iyan sa Mindanao ay mismong mamamana o isasalin sa mga kabataan na sila rin ang magiging pinuno sa darating na panahon.

    Silang mga kabataan na tinuturuan mismo ng mga matatanda kung papaano ang mga paraan ng pandaraya ang pag-asa ng bayan?

  7. chi chi

    Kaya ba walang imik ang mga walanghiyang TUTA ay dahil nandun sila sa Mindanao lahat dala ang truck truck na pera para pansuhol sa mga teachers, voters at mga bata? Walang masamang salita o mura ang pwedeng pumantay sa mga impaktong ito!

    Lumarga sa Australia ang tangnang Blinky Tianak para umiwas sa mga pansin ng failure of election sa Mindanao na utos din naman niya para pumasok ang kanyang mga kampon ng demonyo! Huh, sige tingnan kung ano ang mga susunod na pangyayari dahil kung ganyang lang na lahat ng ginagawa ni KOMOLEK Abaloslos sa utos ng bruhang glue ay kasumpa-sumpa ay ituloy na natin ang huling option, wala na tayong alternatibo!

  8. chi chi

    “Silang mga kabataan na tinuturuan mismo ng mga matatanda kung papaano ang mga paraan ng pandaraya ang pag-asa ng bayan?”

    Emil,

    Nakakakilabot na isipin na ang mga batang ito na sinasamantala ni Blinky Tianak at kampon ay wala ring kapupuntahan dahil ang mga murang isipan pa lang nila ay nahatak na kadiliman kaagad ng mga matatandang mga lider kuno na dapat ay kanilang gabay. Pinapatay nila kaagad ang mga bata ng walang kalaban-laban!

  9. skip skip

    What is chutzpah?

    It’s Gloria crowing in the Nikkei Forum:

    “Filipinos demonstrated our political stability through peaceful, fair and free elections.”

  10. rose rose

    Hindi ba ang sabi ni Jose Rizal “the youth today is the future tomorrow? He must be tossing in his grave dahil sa pag gamit sa mga kabataan para mang daya. I doubt very much if GMA read Rizal’s Noli and Fili. The two books were banned in Catholic High Schools. Ang alam lang niya seguro na Noli ay si Noli de Castro at ang Fili naman ay yong kantang Visaya- si Filemon, si Filemon. Ang lungkot isipin.

  11. zen2 zen2

    Ellen,

    Ano ba itong si Rene Sarmiento (Comelec Commissioner for the ARMM) at mga staff niya; nasiraan na rin ba ng BAIT o TAMAD lang talaga. Aba!, nagsasawa na ako sa pagdefend dito sa mamang ito, kasi sa matagal na panahon matino ito, eh, pero ngayon umpisahan ko na muna ang pagbatikos sa kanya—-para matauhan o kaya magbitiw na lang sa puwesto. Dahan-dahan, nawawala na ang pagitan ng pagkakaiba nila ni Tserman Abaloss.

    Mantakin ba naman, sa maraming bayan ng Lanao del Sur, ang mga voter-registrant umabot halos sa 100% kumpara nuong FY2004. At sa 2 bayan konti na lang, 200% ang dagdag ng botante?!! (see PCIJ report on Lanao del Sur special elections)

    Tapos binigyan niya ang kanyang sarili na mataas na marka na 7.5 out of 10 at ” fairly successful” na grado (quoted from ANC’s interview), kahit na ang listahan ng mga botante ay tadtad ng anomalya. Wala na rin bang kahihiyan itong si Rene?

    Sino ba ang naglabas ng listahan ng botante? Di ba ang lokal Comelec ng Lanao? Bakit hindi nila kayang i-suspinde o tanggalin sa puwesto ang mga gunggong na opisyales duon?

    Nahawa na rin ba sa pagka-gunggong itong si Rene?

    Bakit hindi nila i-deklara MULI na failure ang eleksyon duon hanggang maayos ang dapat ayusin? Bakit nagiging hostage ang buong bansa sa kagaguhan ng ilang kawani ng gobyerno?

    Kung ganito ang takbo duon, malamang maging isang (1) milyon ang botante duon mula sa 100,000 ngayon, pagdating ng 2010?

    Hoy! Rene, kung hindi ninyo kayang patalsikin ang inyong Tserman, magsipag naman kayo sa pagaayos ng voter’s list at pagpapatalsik ng mga ganid at manhid na tauhan ninyo !!

  12. Zen2, I have lost respect for Sarmiento. He is allowing himself to be used by Gloria.

  13. xanadu xanadu

    Talagang kasumpa sumpa ang mga ginagawa nila, nakakarimarim at karumaldumal. Ginagamit na ang mga bayarang election officials at mga goons, pati ba naman mga batang musmos ay ginagamit pa rin? At hindi lang yon, pati pusa at kuting.At marahil pakana ito ni Tonypet dahil mayroon silang kandidatong ASO, naisipan na ring samahan ng pet na mga pusa at kuti. Ang eksena sa eleksiyong to ay hindi malayong mapasama sa Guinness Book of Records at sa Believe it or not!

  14. xanadu xanadu

    Ngunit ang higit nanakakapang hilakbot, higit na nakakasuklam at higit na nakaka pagpataas ng high blood ay ano ba ito? Buong araw na akong hindi maka-access sa blog. At tiyak, hindi lang ako. Marami nang ibang nanggagalaiti kanina pa naipukpok na ang lanilang laptop sa inis. Ito na siguro ang warning ni Ma’m Ystakei na closely monitored ang blog at ginagawan nila ng paraan para ma-blocked ang mga postings. Hindi naman kaila na nakatutok sila rito noon pa at magpa hanggang ngayon. Kasumpa sumpa kayo!

  15. cocoy cocoy

    I asked my Moslem friend named Nur ,whom every moslem called “Hajji” about the process of voting practice of muslim based on their religious ideologies and he gave me this answer;

    In Moslem doctrine—voting in a way in giving a testimony in favor of the person or a party whom one is voting. To vote for a person that one know is not worthy will be unlawful and a major sin because it is a way of a false testimony. When the muslim is voting for a candidate, they are actually giving testimony on the fact that the person or a party is trustworthy in their beliefs. But, in the situation where there is no worthy candidates, the vote should be given to the one who is better and more trustworthy than the other person.If that’s the case why Chavit Singson who’s not trustworthy garnered the highest vote in Muslim command votes? Here’s the answer;

    Muslims in Maguindanao are being herded by their leaders under the false pretext of benefits, a block muslim or a command votes is essential for their interest and that their survival is dependent how they vote. They vote for a person like Moses who promise to bring them in Promise Land. Only those who are in power are promoting these promises, convince and coax to cast their votes under the guise of benefit, The voting matter to them confused their understandings in a political matters, they vote disregarding the outcome as long as price tag is laying in front. But, when pork is consumed or when zina is committed, the muslims are quick to respond. However, when democracy is at stake or when are told to vote there approval is no confusion upon the order of Datu Kiram. These is the Malacanang stooges are boasting about,the command votes of Muslims in Mindanao.

  16. Tanong ng isang kaibigan kong hapon kung tapos na daw ang eleksyon at pasok na ba daw ang mga manok ko. Sabi ko delikado iyong dalawang gustong palitan ng switik, at saka hindi matapos ang eleksyon sa Mindanao kasi hinahanap pa iyong ibang patay na hindi pa nakaboto! Akala ng kaibigan ko nagbibiro ako kasi ang lakas ng tawa niya. Nang sabi kong puro patay ang bumoto sa Maguindanao, at saka pati pusa nagtatrabaho bilang SBEI, etc. napanganga!!!

  17. Sabi ng mga magnanakaw ng Malacanang huwag daw ibulgar ni Lacson ang baho ng dayaan nila. Baka siya daw ang ipakulong! Wow! Criminal na ngayon ang nagpapahuli sa hindi criminal ha! Onli in da Pilipins!

  18. parasabayan parasabayan

    Tahimik ang mga TUta paano nagmimilagro sila sa special elections. It is very sad that the Muslims are a picture of lawlessnes and electioneering abuses. In my mind, this is probably what they are set up to do by tiyanak and her dogs. Tiyanak knows that they are so vulnerable because of the sad economic conditions. The TUtas are exploiting the situation to improve their standing in the magic 12. These TUtas are so pathetic! They are quiet all of a sudden! Yun pala nagmimilagro sila sa Mindanao. They are desperately looking for more votes. By hook or by crook, they have to win!

    My blood pressure went up again when I saw Zubiri in the 12th position. Cebu gave him more votes. I hope Koko will get his position back. I am praying hard for it! I trust Koko more than this jester, Zubiri. To me he looks like one of Godfather’s operators. A mafia, to say the least!

    Ellen, I think there may be a lot of viewers who come to your site. This is why at certain times of the day it is very difficult to go into your blog. Talagang sikat kasi itong blog mo. People may not be posting but they do read our blogs. I know of about five people who read this blog but they never post. They just enjoy reading everyone’s views.

  19. Thanks, PSB. I also had difficulty getting in yesterday.

    In a previous thread, I was relating my conversation with Tonypet Albano, deputy spokesperson for Team Unity, at ANC last week. When he saw me he said, “Ellen, your blog! I’m being pummelled in your blog!.

    I told him that there’s not much I can do about it because those were the sentiments of the visitors in my blog.

    He said, “Be kind naman to me in your blog.”

  20. parasabayan parasabayan

    Ellen, Tonypet has to be kind to himself first. We can’t help but treat him as one of the TUtas because he is really one of them. Sorry, but I can not see anyone of tiyanak’s lapdogs more than what they really are, simply DOGS. They are singing the same tune as the tiyanak.

  21. vic vic

    That was funny of the public figure to beg the press or the public to be kind to him. Remind me of our PM when he had a falling out with Reporters and Journalist for pummelling him right and left and centre. He would not even talk to the Journalists. But finally somebody advised him to hire an image adviser to improve his being Childish, (he is still very young) and now he is ready with his ever present grin. And the Journalists now are just as objective as anyone.

    Tonypet Albano, should know that whatever thrown at him, is the result of his own image. You built a good image, you don’t need to beg. Or do something to disprove your critics.

    Being a messenger, as a spokesman is a messenger, should not bear the brunt of the message, but to knowingly transmit messages that are not founded on truth, or in facts, it is always the messenger that catches the cudgels. Remember the 300 Spartans? Bringing the threats to the King, the messenger didn’t have the chance to bring back the answer. It’s either you take the Brunts, or Quit for the sake of your dignity.

  22. Hahahah! Ellen, kung ganon, si Abalos at ang anak niya sigurado nagbabasa rin ng blog mo.

    Heh! Kung nabasa ni Abalos o ng anak niya ang entry ko dito noong isang araw about my sis na doktora ng aso niya, malamang na malaman na niya kung sino ako (sabi nga 1 plus 1), baka hindi na niya padoktor iyong mga aso niya sa sis ko.

    Anyway, I will tell my sis di bale na lang – I; we have a saying in French, “un perdu, dix de retrouvé” (Literally, “One lost, 10 regained!” some kind of You lose 1 but you will gain 10).

    I don’t even want to read the news on line anymore except here and in Nick’s blog because I’m kinda feeling really galit na galit – what if all of a sudden the 12 slots were all jumbled and then I found that Gloria’s tangnang mga kampon na yan “WIN” half the slates.

    Gosh, even if I feel like not puking, I feel like putting ly fingers in my throat and throw up on Gloria, Abalos and their kampon.

  23. jay cynikho jay cynikho

    dear ellen

    two things:

    first, it’s difficult to get into your site, much
    more submit any comment. Not your fault of course.

    second, am I alone to observe that days had passed
    and no new election tally is reported in ABS-CBN News
    and in the INQUIRER. Same figures in the old tally WERE
    as of May 24/11:58 pm (Inquirer) and May 25/7:30 pm
    (ABS-CBN) THAT’S FROM THURSDAY TO SUNDAY, May 27/5:50 PM.

    VERY ALARMING INDEED. THE VIGILANTES OF RETIRED
    MILITARY AND POLICE OFFICERS SHOULD ACT NOW AND
    GIVE THE PEOPLE SOME SAMPLES.

  24. Tilamsik Tilamsik

    Silang mga kriminal
    Silang gumagahasa kay Inang Bayan
    Silang kamadagang ulupong
    Silang lason sa masa
    Silang droga ng karukhaan
    Silang hari ng tampalasan
    Silang mga dimonyo

    LIPULIN SILANG KAHAT…!
    Mga mandarambong, mandaraya, manhid, makapal. Hindi kayo Pilipino, mahiya kayo sa balat nyo! Matakot kayo sa Diyos!

  25. jay cynikho jay cynikho

    AdeB

    Like a numbers carpenter, I am using my saw,
    chisel, and hammer to make woodworking of the
    the tallies reported by the newspapers. First
    I must know the percentage increases for every
    taly released for all senatorial candidates.

    Then I deal with the votes differences of the
    perceived dangerous enemies of gloria: namely
    trillanes, cayetano, and escudero (in the order
    of potential pitbulls ferocity) as against the
    gloria’s dobermans, namely defensor, pitchay
    and zubiri, in the order of canine devotion
    to one master of dobermans).

    Then I add all the incremental differences between
    the leading pitbulls against dobermans. To see the
    wide disparity. Some kind of carpentry extrapolation
    is easily done to project and predict the final
    number of votes (wih allowable error of 3%). From
    a base tally, many more projected tallies can be
    made (very believable and credible numbers) to show
    how the magic leads of the dobermans against the pitbulls
    can be maintained.

  26. Tilamsik Tilamsik

    Silang kalaban ng masa
    Silang kalaban ng OFW
    Silang kalaban ng Japayuki
    Silang kalaban ng Koreaoki
    Silang pabatao sa sambayanan
    Silang taksil sa Bayan
    Silang taksil sa KKK
    Silang taksil kina Gomburza
    Silang makapili
    Silang tulay ng kagutuman

    SILANG MGA BUWAYAAAAAAA…!!!

    SILANG POLOTIKONG GANID…!!

    SILANG MADARAYAAAAAA!!!

  27. jay cynikho jay cynikho

    Ellen

    any advice on how I can post the spreadsheets.
    If I don’t find ways I’ll email them to you
    as attachments.

  28. Jay, I don’t know. I’m low tech. Spreadsheets on what?

    Don’t worry about Nampfrel. The delay is due to their transfer to their office to continue the counting. It’s the Comelec we should watch closely.

  29. chi chi

    Rose,

    “I doubt very much if GMA read Rizal’s Noli and Fili. The two books were banned in Catholic High Schools. Ang alam lang niya seguro na Noli ay si Noli de Castro at ang Fili naman ay yong kantang Visaya- si Filemon, si Filemon. Ang lungkot isipin.”

    Heheheh! Si Noli (Kabayad) at Fili(mon) lang ang alam ni Blinky Tianak. Siguro nga dahil pati si Gat Jose Rizal ay binabastos!

  30. jay cynikho jay cynikho

    thanks ellen

    after pukpuk, katam, paet, at saka lagare
    ito ang total ng kinarpenterong numero para
    madaya ang opposisyon.

    I am just provoking discussion to show how
    madaling mabuking ang mga madyikero ni gloria.
    dali talagang papanalunin ang mga aso. hindi
    na kailangan ang ER o kaya ng COMELEC
    provincial offices. Sa Central Office ng NAMFREL
    or COMELEC yari agad ang mga Pinoy.

    Carpentered cheated figures, next tally after May 24
    Postings in INQUIRER and ABS CBN
    1 Legarda, Loren (GO) 15,465,036
    2 Escudero, Francis Joseph (GO) 15,195,991
    3 Lacson, Panfilo (GO) 13,101,505
    4 Villar, Manuel Jr (GO) 12,601,478
    5 Aquino, Benigno Simeon III (GO) 11,946,457
    6 Pangilinan, Francis (IND) 11,877,983
    7 Angara, Edgardo (TU) 11,713,601
    8 Zubiri, Juan Miguel (TU) 10,046,456
    9 Arroyo, Joker (TU) 10,044,851
    10 Cayetano, Alan Peter (GO) 9,598,540
    11 Defensor, Michael (TU) 9,366,114
    12 Pichay, Prospero Jr (TU) 9,202,009

    13 Honasan, Gregorio (IND) 9,190,304
    14 Trillanes, Antonio IV (GO) 9,003,432
    15 Pimentel, Aquilino III (GO) 8,734,533
    16 Recto, Ralph (TU) 8,516,130

  31. jay cynikho jay cynikho

    ito pa ang mga figures puedeng
    panghuli na ito at gawing official ng
    COMELEC:

    Do you want to add the 4 million votes in ER now
    In the hands of gloria’s cheaters? Here’s the
    final tally, provided that’s how Gloria would like
    the composition of the new winners.

    1 Legarda, Loren (GO) 19,817,306
    2 Escudero, Francis Joseph (GO) 19,542,132
    3 Lacson, Panfilo (GO) 17,399,937
    4 Villar, Manuel Jr (GO) 16,888,520
    5 Aquino, Benigno Simeon III (GO) 16,218,579
    6 Pangilinan, Francis (IND) 16,148,546
    7 Angara, Edgardo (TU) 15,980,419
    8 Zubiri, Juan Miguel (TU) 14,275,298
    9 Arroyo, Joker (TU) 14,273,657
    10 Cayetano, Alan Peter (GO) 13,817,180
    11 Defensor, Michael (TU) 13,579,459
    12 Pichay, Prospero Jr (TU) 13,411,617

    13 Honasan, Gregorio (IND) 13,399,645
    14 Trillanes, Antonio IV (GO) 13,208,516
    15 Pimentel, Aquilino III (GO) 12,933,492
    16 Recto, Ralph (TU) 12,710,114

    LOREN’S 19 million votes is very much less than
    the 50% of COMELEC’s total of 45 million voters.
    Madami pang interpretasyon magagawa sa pekeng resulta
    as shown above.

    Kung i po post ni ellen I can write an essay on manufactured results based on day-to-day tallies of NAMFREL and the COMELEC. The essay can easily answer certain
    questions like: Bakit si Noynoy nagsimula sa No. 5 or 6
    tapos hindi na natinag? Bakit itong dalawang super trapo
    na si angara parang siamese twins kung umakyat sa
    hagdan ng election tallies?

  32. chi chi

    Sabi ni Albano: “Ellen, your blog! I’m being pummelled in your blog!.
    “Be kind naman to me in your blog.”
    ***

    Si (Tony)PET (al)BANO! Yeah, let’s be kind to animals!

  33. jay cynikho jay cynikho

    Sabi nga ng Pulse Asia at SWS, meron plus minus 3% error
    yan. Yan ang more or less nila na pag 20 milyon ang usapan
    TIYAK YUN (sabi noong Charlatan) PASOK SA TAMA ANG
    FIGURES NILA sa SWS at Pulse Asia. Hindi naman sila
    kailangan ni gloria, nasusugatan lang nila ang oposisyon.
    kumikita lang sila.

  34. jay cynikho jay cynikho

    Kung kilala talaga ng mga bloggers si gloria at ang
    mga bloggers ay hindi naglalayo ang pagkilatis nila,
    heto ang ngalan ng mga gustong manalo ni gloria

    1 Legarda, Loren (GO)
    2 Escudero, Francis Joseph (GO)
    3 Lacson, Panfilo (GO)
    4 Villar, Manuel Jr (GO)
    5 Aquino, Benigno Simeon III (GO)
    6 Pangilinan, Francis (IND)
    7 Angara, Edgardo (TU)
    8 Zubiri, Juan Miguel (TU)
    9 Arroyo, Joker (TU)
    10 Cayetano, Alan Peter (GO)
    11 Defensor, Michael (TU)
    12 Pichay, Prospero Jr (TU)

    Okay yang grupo na yan. Kay Gloria. Si Alan Peter
    ay gentleman, hindi na niya sisipain
    si FG, baka kasi matuluyan, si allan
    pa ang masisi. Si Trillanes naman, nakakulong,
    Capitan pero puedeng posasan ng ordinaryo
    sundalo anytime iutos ni glora or esperon.
    Si Escudero, harmless pa yan beyond 2010.
    Si Loren kayang-kaya iyan ng alipores ni
    gloria. Mabigat kasi ang political baggage
    na nasa balikat ni Loren. Si Noynoyang suntok
    niya, kiliti lang kay gloria. si Lacson dangerous
    yan pero BAKA puedeng pakiusapan ng mga intsik
    (sori Chinese brothers). Yun lahat ng natitira
    seasoned at high class trapos.

    Important kay Gloria si Defensor, si Pitchay at
    si Zubiri. Talong yang ang barkada niya sa Senado
    laban sa tao. Ferocious Dobermans, if not to attack
    her enemies, to protect her from friends and
    likely enemies. Beautiful and erudite music is not
    that expensive from Villar, Pagilinan, Angara,
    Joker Arroyo, INDEED, GLORIA, BUNYE, ERMITA, PUNO,
    AND ESPERON IS TRULY EXCITED TO WORK WITH THE NEW
    SENATORS.

  35. jay cynikho jay cynikho

    SALAMAT ELLEN

    with the above posting, I can be checked by
    results produced by the COMELEC. I can be
    humiliated as charlatan worst than Velarde
    or the Catholic Bishops. And then I shall have
    reason to forever hold my piece. Then I can
    have that sentimental journey back to San Jose,
    Sibalom, Hamtic, Ani-niy and ride down the mountain
    range to San Joaquin.

  36. jay cynikho jay cynikho

    madaming mali. kailangan koreken:

    Importante kay Gloria si Defensor, si Pitchay at
    si Zubiri. Tatlong yang ang barikada niya sa Senado
    laban sa tao. Ferocious Dobermans, if not to attack
    her enemies, to protect her from friends and
    likely enemies. Beautiful and erudite music is not
    that expensive from Villar, Pagilinan, Angara,
    Joker Arroyo, INDEED, GLORIA, BUNYE, ERMITA, PUNO,
    AND ESPERON IS TRULY EXCITED TO WORK WITH THE NEW
    SENATORS.

  37. Don’t be too cynical Jay. Para mo namang kinu-condition ang mind ng tao na talo. We are winning!

    The people so far has succeeded in asserting it’s will. I strongly believe they would not be able to push trillanes out of the magic circle. Saka na lang tayo magpa-stress out if that happens. Meanwhile, let’s be positive and pray that we will foil any attempt by the evil forces of Gloria.

  38. jay cynikho jay cynikho

    Tungkol sa mag amang Pimentel.
    Sa libido the sins of the fathers is
    visited upon the daughters, inappropriate
    for the Pimentels.

    In politics, in a UP College of Law classroom,
    Imee was overheard to be angry and pointed: Why should the sins and mistakes of our parents be blamed on us?

    In the Halls of the Philippine Senate: Why should the
    consistent criticisms (can’t be said of other senators)
    of a father be paid for by his son?

    Why should dagdag-bawas the bullets that almost killed
    the father be used again and again against his son?

    The lesson here is that one should ASPIRE to be like Drilon, Villar, Joker arroyo, Honasan, Mirriam sometimes, Pangilinan, and Recto, etc. Be happy you’re a lotto winner of P200 million, every year while you’re an honorable senator.

  39. Rose:

    That was the reason the Pandak was not accepted at UP and she went to Georgetown U for a year before going back to Assumption Convent to get her undergrad diploma. She did not get a course on Rizal!

  40. chi chi

    Ahhhh, basta kahit anong numero ang lumabas sa KOMOLEK, basta panalo si Sonny Trillanes! It’s the will of the ONE above, period!

    Yes Ellen, let’s continue “praying that we will foil any attempt by the evil forces of Gloria.”

  41. Ellen:

    You bet, the Internet Brigader is trying to condition our minds that our bets are losing to justify these attempts to slip in the TUtas in the Magic 12.

    If this happens, guerra patani na!

  42. jay cynikho jay cynikho

    Thanks for those words ellen

    I have but a feet of clay
    enamored and succumbed to
    the handwriting on the wall of ages
    my name says it all,

    a rose by any name is a rose
    a cynics name is no other
    but will smell as bad.

    it was not easy for that Korean
    in Virginia Tech, few really knew
    he was choosy and probably just
    when spared the innocents-

    misfits don’t conform and luxuriate
    in the spoils of the strong. they fade
    in named and dated graves, even passers-by
    knew not how their minds die.

  43. jay cynikho jay cynikho

    ystakei is at it again
    may the lord forgive you
    in your criminal innocence.

  44. Yuko,

    “guerra patani ” haven’t heard that expression in decades, hahahahah!

  45. jay cynikho jay cynikho

    ystakei
    you think so low of Filipinos as if
    they are Pavlov dogs
    so easily conditioned by what they read and hear
    you can not think above how
    knowing the ways you can be cheated
    will help you learn the lessons
    of experience and history.

  46. rose rose

    Mayroon bang Hall of Shame for their alumni ang mga high profile schools sa atin? Ito ang mga nominees ko:
    UP- ANGARA- former president, educator (cheating is a way of life in the Phil. at ginagamit ang mga kabataan sa dayaan?)joined Team Unity to assure his votes will be counted?
    ASSUMPTION- GLORIA MACAPAGAL- class valedictorian (sa dayaan) Come to think of it- hindi kaya may cheating din sa kanilang escuelahan?
    PMA- HONASAN- ESPERON- any others?
    DON BOSCO- HONASAN

  47. rose rose

    Nakalimutan ko; ATENEO- MIGUEL TUASON ARROYO, JOSE DE VENECIA
    DE LA SALLE- JOSE DE VENECIA

  48. mlm18_corpuz mlm18_corpuz

    Alam niyo kahang-hanga talaga si senator antonio trillanes kahit kulong siya pumapasok pa rin sa magic 12 kaya lang mukah yatang dadayain na siya as of saturday konti na lang ang lamang niya kay zubiri pero malakas pa rin ang kutob ko na papasok siya pag dinaya siya ewn ko na lang ano ang mangyayari dito sa bansa sana po hindi hahantong sa ganon

  49. mlm18_corpuz mlm18_corpuz

    Gusto ko lang po sana mam ellen na i publish niyo sa abante itong comments ko

  50. I’m sorry, I seldom publish comments in Abante. Dito lang sa blog.And please don’t capitalize comments.

  51. paquito paquito

    Talaga po namang kasumpa-sumpa itong pekeng gobyerno ni Gloria na naglalaro ng apoy sa malakanyang at pinamumugaran mismo ng mga demonyo na minsay ang Malakanyang ay naging tahanan ng mga magigitng na pinuno ng bayan. Pero ngayon ang malakanyang ay isa nang impyerno na natitirahan ng pekeng mga pinuno. Bakit peke? E hindi naman si Gloria ang nanalo sa halalan last 2004. Si FPJ zero (0) votes sa Mindanao, na kitang-kita na dinaya talaga kaya lang nong time na yon merong mga “Mr.Noted” na ngayoy nagmamagaling. Kaya nga di napatotohanan na nagkaron ng dayaan sa Mindanao dahil na rin ni Mr. Noted. Sabi nya trabaho lang daw at i-complain na lang daw sa electoral tribunal. Alam naman ni Mr.Noted na walang mangyayari doon sa tribu(r)nal na yon bakit nya ire-recommend pa yon. E tignan nyo si Sen. Loren nag-complain sya ron meron ba nangyari for so many years now, wala!
    Palayasin na ang mga demonyo sa pekeng gobyerno ni Gloria. Lahat, sila pahirap sa bayan—-Gloria + Abalos, ano comment nyo ngayong may dayaan sa Lanao/Mindanao? Magsilayas kayo sa peke nyong pwesto. Pwe!

  52. paquito paquito

    Sa nakararaming Pinoy si Gloria kailanman ay hindi naging Pangulo ng ating mahal na bansang Pilipinas, at hindi naging halal na pinuno ng bansa.Hindi sya nage-exist sa aming mga maralitang Pilipino.
    Isa syang pekeng pangulo na nakaupo ngayon sa trono ni satanas. Sino ba naniniwala sa mga walang saysay na pinagsasabi ni Gloria? E di si Jose Pidal lang at mga kaanak nya + mga kampon. Yon lang naman e.

  53. chi chi

    Paquito,

    Wala talagang presidente ang mga maralita dahil ang kanilang pangulo ay patay na…patay na dahil sa sakit sa puso dala ng kasakiman, pandaraya at pang-aagaw ng boto at pwesto ng nagpapanggap na pangulo na si Gloria Makagarapal Arrovo Pidal! Nakakapangilabot isulat ang pangalan ng bruhang ‘yan!

  54. Chi:

    Ang gaganda namang ng tawag natin kay pandak. Merong “bruha,” “buruka,” “tiyanak,” “unano,” “tsunano,” “mama-sang bugaw,” “talandi,” “tapalani,” “creep,” “crook,” “magnanakaw,” “demonya,” “burikak,” etc. etc. Golly, sirang-sira na ang kamada ng ungas, hindi pa rin naaantig! Gusto pa ring maging reyna ng EK niya! Taragis, puro mura pa ang inaabot niya, ang kapal pa rin ng mukha.

    Iyong mga kasama rin niya, busog na busog na sa mura ng taumbayan ang kapal pa rin ng mukha! Manhid nga! Ang sarap sigurong makahawak ng mga nakaw na pera sa kaban! Yikes!

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.