Skip to content

Depende sa produkto

Itong nakaraan na eleksyon ay hindi lamang contest ng mga kandidato. Pati na rin ng mga endorser.

Sa nakaraang eleksyon kumita sina Sarah Geronimo, Boy Abunda at ang kanyang mga artista na sina Ai-ai de las Alas, Mariel Rodriquez at Eric Santos.

Ngunit mukha namang sulit ang ibinayad ni Sen. Edgardo Angara kay Sarah dahil yun, pasok siya sa Magic 12.

Si Boy Abunda naman, dalawa ang kanyang inindorso. Si Mike Defensor at si Manny Villar. Panalo si Villar, talo si Defensor.Mukhang hindi rin nakatulong ang ningning nina Ai-ai, Eric at Mariel kay Defensor dahil, ayan nga mukhang Malabo siyang makapasok sa Magic 12.

Ang malaking bagahe ni Defensor ay si Gloria Arroyo. Sa lahat kasi na kandidato ng Team Unity, si Defensor ang nakikita ng tao na dikit kay Arroyo dahil nagiging presidential chief of staff. Si Arroyo ang mabaho at nahawaan nioya si Defensor.

May survey ang Social Weather Station tungkol sa vote conversion ng mga endorsement ng mga sikat na personalidad. Ang mga matataas ay sina dating Joseph Estrada, Vice President Noli de Castro, dating President Cory Aquino at Susan Roces.

Kung tama ang pagala-ala ko, parang na sa 30 per cent o sobra pa sina De Castro at Erap.

Si Gloria Arroyo naman, minus 10. Ibig sabihin noon, mababawasan ka pa kapag inindorso ka ni Arroyo. Napatunayan yan ng 8-2-2 na resulta nitong eleksyon. Huwag lang nilang dayain, mukhang si Joker Aroyo lang at si Angara ang makalusot.

Ngunit inindorso ni De Castro si Ralph Recto. Bakit hindi nakakapasok si Recto sa Magic 12. Dahil kaya sa inis ng taumbayan sa E-Vat na ipinagmalaki ni Recto na kanyang kagagawan?

Si Erap naman inindorso niya ang buong GO at namamayagpag ang mga kandidato ng oposisyon maliban lamang kay John Osmeña at Nikki Coseteng . Lumalabvan pa ngayon si Sonia Roco.

Si Osmeña ay espesyal na inindorso ni Erap ngunit mukha ring hindi umubra. Mukhang gusto na ng taumbayan na magpahinga na si Osmeña at bigyan ng pagkakataon ang mga bata.

Ngunit umubra ang endorsement ni Erap kay Manila Mayor Fred Lim.

Akala ng marami makalusot si Ali dahil tatlo ang oposisyon: maliban kay Lim, nanduyan si Danny Lacuna at Rodolfo Bacani.

Si Ali kasi, walang ipinagmalaki kungdi anak siya ni Lito Atienza na dumikit ng husto kay Arroyo. Kaya ayan nadikitan rin ng baho ni Arroyo.

Ang kandidato kasi ay parang produkto. Kahit anong ganda ng endorser kung masama ang produkto, hindi rin talaga mabebenta.

Published inElection 2007Web Links

78 Comments

  1. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Ma’m Ellen

    Sangayon ako sa iyong artikulo sa pagsasabing itong nakaraan na eleksyon ay hindi lamang contest ng mga kandidato. Pati na rin ng mga endorser. Ang dagdag ko, pahusayan din ng strategy.

    Kung ating matatandaan, si Manny Villar ang nagsabing ang endorsement ni Erap ay equivalent to 13% chance of winning. Bagaman at nag-planong magtatag ng Third Party ang Wednesday group, nagkawatak watak sila. Lumipat si Recto at Joker sa TU, nag-idependent si Kiko P pero nanatili si Villar sa UNO/GO. Ang strategy niya, mas malakas siya sa GO at dala ni Erap bukod sa kanyang sariling kampanya na siempre, may perang gagamitin. Kita natin sa arangkada ng resulta na sa kanilang grupo, si Villar ang hindi natitinag sa winning slot.

    Ang strategy ni Kiko ay palaban kay Mrs. Arroyo at palagi niyang kasama si Sharon sa campaign sorties kaya malakas ang kayang kampanya. Si Recto na nanalig na kahit kanino siyang partido ay lalabas, nabulilyaso dahil dahil sa laki ng kumpiansya niya, hinayaan niyang tumakbo si Vilma sa pagka-Gobernador, hindi niya kinalkadlad sa lakad niya. Umaligwa ang kanyang strategy. Ang strategy naman ni Joker, nagpalabas ng mga statements na panig kay Satur Ocampo at pagbibigay ng bail kay Honasan at Trillanes. Nakita ng tao na hindi siya basta sumusunod kay Mrs. Arroyo. Isinama siya sa listahan. May sariling pangalan si Angara at dinagdagan ng sariling kampanya kaya baka lumusot.

    Ang isang maliwanag dito, ang lahat na orihinal na kasama ni Mrs. Arroyo especially si Mike Defensor, hindi binili ng publiko. Pagpapatotoo lamang na kahit anong klaseng strategy, ang endorsement ni Mrs. Arroyo ay isang Kiss of Death.

  2. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Ma’m Ellen, sinabi mo pa

    Ang kandidato kasi ay parang produkto. Kahit anong ganda ng endorser kung masama ang produkto, hindi rin talaga mabebenta.

    Ang sa aking pakilasa, kahit anong ganda ng produkto, kung masama na ay anong pagka-pangit pa ang endorser, ang labas ay parang hopiang di mabili. Hindi po ba?

  3. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Si boxing idol Manny Pacquiao karamihan ang kanyang mga indindorso ay talo. Lita Lapid sa Makati, Ali Atienza sa Maynila, Chavit Singson at pati boung TUTA ticket ay mailampaso sa Gensan 10-GO, 2-Ind. Matatalino ang mga botante kaya lang binababoy ang kanilang mga boto pagdating sa Comelec. Buking na si suwutik Abalos sa Maguindanao at ARMM pero may palusot pa. Gago ang Comelec. Baka baba ang benta ng SanMig beer dahil sa indorso ang talunang Manny Pukyaw.

  4. BOB BOB

    Diego, mas malamang nga bumaba ang kita ng Sanmig, dahil talunan ang nag-eendorso….(Pukyaw)
    Ganda sigurong makita sa diyaryo ang picture ni Swingson at Atienza tinataas nila kamay ni Fuckyaw !

  5. BOB BOB

    sa laki nang nagastos ni Fuckyaw nitong election…gusto niya lumaban na agad…maski na si Dela Joya lalabanan niyan basta maganda ang bayad….
    Natawa ako sa nabasa kong joke ,(nakalimutan ko kung saan)
    REPORTER : Manny, kapag nanalo kang cong. Anong Bill ang una mong gagawin ?
    MANNY FUCKYAW ; ..Bill ? ..Bill ba kamo ? ah….yung bill
    ay naririnig natin sa ibry round ng boxing na matatapos..!pagtapos ng pirrst round mag-bill !tapos sikund round mag-bill uli..hanggang 12 round marinig niyo bill ,kaya pamilyar ako sa mga bill !!!! ugok!

  6. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    May magandang prospect para kay Manny Pukyaw, endorser ng lampaso-bunot at floor wax. Kintab sahig Pukyaw magic! Be cool Manny!

  7. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Bob

    OK yong joke tungkol sa bill ni Pakyaw. Heto, may isa pa.

    Pambihira palang boxer itong si Pakyaw. Nang mapatumba ni Darlene Antonino, nakaka-100 na bilang na ang referee, ayaw pang tumayo at sumuko.

    DGK

    Yong idea mo sa floor wax, baka sunggaban yan ng mga advertiser at gawing model si Pacquiao. Datung na naman yan. Bueno, para makabawi naman. Mga 80 million ga-peso raw gastos niya at masama dun, ibinulsa ang iba ng kanyang mga alipores. Yong galing pa sa Malakanyang na nag uto-uto sa kanya?

  8. Korek ka diyan!

  9. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Ang nakakagulat, sa Mandaluyong, si Darius Razon lang ang nakalusot sa local bets. Lahat TU, siyempre taga-Mandaluyong yung amo ni Garci na si Abalos.

    Bukod sa awa ng tao marahil sa pagkamatay ng mga anak niya sa magkahiwalay na disgrasya, ang campaign posters niyang itinataas ni Erap ang kamay niya ay siguradong nakatulong. Independent candidate pa!

  10. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Depende nga sa produkto. Mas gusto ko ang Purefoods kaysa Pampanga’s Best.

  11. Dapat talaga hindi na ibinoto itong si Angara at Joker Arroyo. Ano ba talaga ang mga accomplishment ng mga ungas na ito. Gumawa na mga batas para sa mga vested interests? Pwe!

  12. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Hindi na uso ang Pampanga’s Best. Among Panlillo’s Best na ngayon!

  13. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Korek ka talaga, Ellen! Si Recto, mayabang kaya over-confident siya na kahit wala si Vilma kaya niyang mag-isa! Si Sharon, at least sigurista. Alam niyang hindi kailanman mananalo ang Kiko niya pag wala siya kaya, kampania sarado siya. May Bonus pa, kinaladkad pati mga anak nila! Not bad, after all!
    Sinong nag-endorso kay Pichay at bumagsak siya sa kangkungan?
    Tama ka rin sa pagsasabing, si Gloria Tianak ang mabigat na bagahe ni Defensor at ang kanyang mga kandidato. Nag-doctorate naman kaya yan sa Economics, eh, bakit until now she doesn’t realize na ayaw na ng mga Pilipino sa mga kabulastugan niya? Na hindi habang panahon ay matatakot niya ang mga tao?
    Ay, ambot sa imo Tianak!
    BTW, bakit mas nauna pa ngayon ang COMOLEC SA KANILANG CANVASSING RESULTS KAYSA SA NAMFREL?
    UMARANGKADA NA BA ANG CHEATING MACHINE!
    GOD FORBID….

  14. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    In the latest count at Namfrel – May 22, 2007 1:27 AM Batch 24, two interesting names caught my attention altho not in the winning list:

    Cayetano, Joselito: 264,241
    Lozano, Oliver: 200,782

    How on earth Joselito Cayetano will get more votes than Oliver Lozano when the latter is widely known, even notoriously? This will explain that more votes intended for Alan Cayetano are being counted in favor of this Joselito. And how about the Cayetano votes which a DepEd official decreed to teachers manning the polls to set aside as stray votes? Ang dami talagang pwedeng resbakan kapag umupo na sa Senado si Alan.

  15. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Elvira Sahara

    Kung kaya po nauna pa ang COMELEC, it’s because NAMFREL count is supposed to be quick count! Paurong ang usad kaya nauunahan. Malimit daw masira ang computers, kaya naka-abacus sila ngayon. Ang dami talagang kaaliwaswasan sa mundong ibabaw na nilulukuban ni Reyna Buruka. Dati mega-computers, ngayon me-gamit ng abacus! Nakakabaliw!

  16. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Sleepless,
    If the Supreme Court upholds Alan Cayetano’s plea, which I find meritorious, then all those votes counted for Joselito will be added to Alan’s!

    Regarding Namfrel, don’t forget that it was their Gus Lagman and Joe Concepcion who made sure automation was not an option in 2004, as it is not an option now. Lagman, who thinks he is smarter than all the country’s computer gurus combined, only wanted to exercise his “superiority” over all the geeks the consultants have hired, delivered the message to all and sundry that “no turnkey I.T. projects would ever make it without my seal of approval”. You know how these bubbleheads think.

    Joe Concepcion took a different tack, lobbying for specifications that would have heavily favored a supplier he was representing.

    When both clowns were rejected by Comelec, they, as expected, started to hit hard against Mega Pacific all the way to the Supreme Court thinking they have done the country a big favor. Or was it just a ploy to ensure a “mere actor” does not lead “educated” people like them. They delivered Gloria’s victory on a silver platter. Roberto Verzola says it all in his website.

    —–

    Another peek into the massive cheating ops in ARMM, this time in Indanan, Sulu. Read Rina Jimenez-David’s entry here:

    eleksyon2007n.inquirer.net/view.php?article=20070522-67235

  17. parasabayan parasabayan

    Had Kiko Pangilinan not gone independent and Villar had not gone to UNO, both these candidates would not have even made it to the Magic 12. Gloria ruined all the chances of her candidates. Only their cheating machines will force the win of her candidates. This is the scary part because the tiyanak is hoarding all the COCs in the areas they cheated in. So, tiyanak and her cheats are monitoring all the figures so they will know how much more to pad in the final push for the TUtas, then they will immediately announce the winners at the last minute without the benefit of re-count in the event the results are disputed. Wasn’t this the way Gloria won? The counting was so snail paced and in the final days the chunk of the cheated votes were submitted to the canvassers and lo and behold she was proclaimed the winner! It was the dirtiest trick and it worked for the tiyanak! It is the same strategy now for her candidates. The COCs from Maguindanao and some of the areas where there were really no credible elections are not submitted yet because these COCs will all be padded to make sure that her candidates will make it to the magic 12! This is the tiyanak’s packaging strategy. So, although it appears that the GOs are leading, they should not be comfortable with the margin. There will be over a million votes which will come from Maguindanao, Sulu and similar areas which will simply blow the lead. They can not touch the first 5 of the magic 12 since these candidates are consistent in their ranking but the bottom 7 will suffer a big loss once the results from the Maguindanao, Sulu and similar areas will come in. This is how the tiyanak plays her game. So, now she goes to Japan so that when the people are all fuming mad, she is out of reach. When she comes back, all her bodyguards would have cleaned the mess for her. This is tiyanak’s specialty. Will we allow her to continue with all her dirty tricks? Let us all wake up and boot her out!!!!

  18. Etnad Etnad

    Dapat nga wala ng eleksiyon kung ganyan lang din na dadayain din nila. Yong mga lokal na opisyales nga e kaya nilang alisin basta’t gusto nila. Meron ba tayong nagawa … puro hinagpis lang. Ganyan si GLORYA Pangulo ng mga MANDARAYA at MAGNANAKAW. Dapat talaga palayasin na sa Enchanted Kingdom wala ng nagtitiwala sa kanya pati nga mga ka-probinsiya ayaw na sa kanya.

    Ang may gusto na lang siguro sa kanya ay yong mga malalayong Probinsiya na pinaghahari-harian ng mga pamilyang mga BUWAYA na nakanganga lang sa itapon ni Gloryang DATUNG.

  19. baycas baycas

    What’s the difference between Fr. Ed Panlilio (Pampanga) and Fr. Crisanto de la Cruz (Zamboanga) besides triumph for Fr. Ed and defeat for Fr. Crisanto?

    Ang produkto ay maaaring parehas pero ang puhunan magkaiba. Tumanggap si Fr. Crisanto ng pondong alok mula sa Kampi.

    Natalo kaya si Fr. Crisanto dahil ba siya’y “kaKampi?” O mas magandang produkto lang ang Lobregat?

  20. baycas baycas

    nagkamali ako…si Fr. RONILO OMANIO pala ang kaKAMPI, natalo siya sa Occidental Mindoro kay Ramirez-Sato.

    (paumanhin kay Fr. Crisanto…)

  21. Sleepless: Dati mega-computers, ngayon me-gamit ng abacus! Nakakabaliw

    *****
    Maniwala ka namang gumamit ng abacus ang mga ungas. I studied the use of abacus after I came to Japan. I never used it in the Philippines. Hindi basta-basta ang paggamit niyan. Pinag-aaralan din ang skill niyan. At boy, talagang mabilis ang pagbilang at mas accurate kesa sa electric calculator. Kaya bakit mali-mali ang bilang ng boto ng mga tuta ni Abaloslos.

    Ang problema kasi puro daya ang nasa isip ng mga ungas para sa mga talagang ungas ng amo ni Abaloslos na walanghiyang bistado na sa pagnanakaw ng boto, kapal pa rin ng mukha.

  22. Baycas: natalo siya sa Occidental Mindoro kay Ramirez-Sato.
    *****

    Ano naman ang ibubuga noong kaKAMPI ni pandak na pare doon sa asawa ni William N. Sato. May back-up iyan ng mga hapon sa totoo lang. Ang kailangan lang namin makita ay kung wala o meron improvement ang nasasakupan ni Mrs. Sato. Well-funded ng mga hapon ang mga projects niya sa alam ko.

  23. Talaga itong si Pandak ang hilig sa publicity. Wala namang naka-detailed na police escorts para sa kaniya at mga entourage niya dahil hindi naman official ang dalaw niya sa Hapon. Nakumbida lang ng isang pribadong organisasyon na nagkumbida sa iba pang mga head of states para sa isang conference pinagsasamantalahan na para makakalap ng ibabayad niya doon sa mga niloloko niya at nagpapaloko sa kaniyang mga TUta niya, para sa national and local assemblies, etc. Tarantado talaga.

    Dito sa Japan, hindi kailangan ang bantay kasi tahimik naman. At ang alam kong magbabantay sa kaniya ngayon ay iyong mga opisyal ng DFA sa Tokyo at iyong sigurong military attache at mga sundalong kasama niya, pero hindi sila allowed na magdala ng baril sa Japan. Makukulong sila kapag nahuli silang may armas na hindi sila binibigyan ng karapatan na magmay-ari habang nandito sila sa bansang bawal ang mga baril at nakakamatay na mga armas. Ang masagwa ang daming kasama ni Pandak na gagastusan ng mga taxpayers na pilipino. Dito iyan mag-aalma na ang mga taumbayan. Dito nga bayad lang sa taksi ng mga opisyal, niririkisa na ng husto, iyong pang katulad ng pagwawaldas ni Pandak? Kawawang mga pilipino. Kailan kaya sila magkakalakas ng loob na mag-alsa sa mga pang-aabuso ng mga ungas sa pamahalaan nila lalo na itong kriminal na ito na nakakalusot lang kasi iyong mga namumuno ng pulisya, military, korte suprema, etc. ay mga appointee niya na kundi kamag-anak ay amigo at amiga nilang mag-asawa! Enough is enough! Huwag nang palampasin ang mga ganyang pag-aabuso. PATALSIKIN NA, NOW NA!

  24. TT, Sleepless, at lahat ng nasa Manila.

    Huwag ninyong kalilimutang sumama sa rally bukas. Mahirap na baka madaya pa ang mga GO. Kaya ito ay huwag pababayaan. Maski nga si Mike Velarde, mukhang natauhan na. Nakita niyang iyong mga kasapi niya hindi siya sinunod. Iba ang binoto nila. Kaya imbes na sila ang pagalitan niya, nakisama na rin siya sa kanila. Kaya sabi niya kay Pandak ngayon, “Heed the people!”

    Good luck na lang! Ipagdarasal namin kayo na maging matagumpay ang pakikibaka ninyo! Mabuhay kayong lahat!

  25. noypinoy noypinoy

    As of May 21, 2007 5:45 p.m.
    Precincts Tallied
    Percentage of Total
    1 Legarda, Loren (GO) – 7,924,931
    2 Escudero, Francis (GO) – 7,762,503
    3 Villar, Manuel Jr. (GO) – 6,473,733
    4 Lacson, Panfilo (GO) – 6,436,967
    5 Pangilinan, Francis (Ind) – 6,336,653
    6 Aquino, Benigno III (GO) – 6,146,028
    7 Angara, Edgardo (TU) – 5,457,604
    8 Arroyo, Joker (TU) – 5,105,686
    9 Cayetano, Alan Peter (GO) – 4,850,726
    10 Zubiri, Juan Miguel (TU) – 4,842,764
    11 Honasan, Gregorio (Ind) – 4,833,798
    12 Recto, Ralph (TU) – 4,644,590

    palubog na si trillanes delikado

  26. noypinoy noypinoy

    final result 5-5-2 (isang suicide bomber lang sana makapasok sa malacanang tapos na problema)

  27. Emilio_OFW Emilio_OFW

    All these products endorsed by the Blinky Tiyanak deserved to be flushed out to the sewage system.

  28. noypinoy noypinoy

    Tuso talaga si kiko matsing cuneta alam nyang tagilid sya sa TU pag sumama sya at ayaw nya ring kalabanin ang GO tuso talaga

  29. O may nakapasok na naman Internet Brigader dito. Gago rin ano? Ang hindi niya alam ay handang-handa na ang mga pilipinong bumoto sa GO na ipagtanggol na ang kanilang mga sagradong boto. Wala raw urungan sabi ng mga kaibigan ko. Tignan lang natin ang pangungutya ng ulol na Brigader na ito na pasok ng pasok sa iba’t ibang aliases dito. Sabi nga ni Mike Velarde, nagsalita na ang Diyos. Huwag na huwag itong hadlangan ni Pandak.

  30. noypinoy noypinoy

    ystae
    hindi pangungutya sinasabi ko kundi yan ang takbo ng bilangan sinasabi ko lang at pwede ba wag ka magmura bawal sa mga kristyano yan? yun ay kung kristyano ka talaga

  31. parasabayan parasabayan

    As expected, the tiyanak and her cheating machines are moving heaven and earth to remove Alan Cayetano and Sonny Trillianes from the magic 12. It is slowly being manifested now. When the tiyanak said “accept the outcome of the elections”, I knew then that this is what she is referring to. She will cheat and like the outcome of 2004 she expects the people to just say”let us move on”. Ungas! Tiyanak is the lowest form of an animal! Talagang naibenta na niya ang kaluluwa niya kay satanas.

    The election returns from Maguindanao, Sulo and Lanao de Sur will bring in the “command votes” the TUtas are saying will give them the lead. These TUtas knew the plan and their cheating machines executed the plan-bribery, intimidation and threats. So now the TUtas win! It is really true, ELECTIONS ARE NOT THE ANSWER, REVOLUTION IS!

  32. noypinoy noypinoy

    sa totoo lang ma’m ellen mas basahin ang blog mo kaysa mga oline newspaper kc kumpleto na ito, pwera lang kay ystae na walang ginawa kundi i promote ang kanyang bansa. parang pilit kinukumpara ang dasma village sa payatas, kakasawa

  33. noypinoy noypinoy

    mas masarap*

  34. Jon M Jon M

    Jojo, mali yata ang address na ibinigay mo.

    Sa akin lang naman ito, pero sa tingin ko ay hindi malakas ang GO, mas malakas lang talaga ang galit ng maraming tao kay Gloria Arroyo. Pero tingnan ninyo, balewala lang kay Gloria, ang kanyang ipinangangalandakan ay ang mabilis na pag-akyat ng value ng Piso at ng Stock Market. Madali lang pala i-handle ang hate ng mamamayan, dedma lang pala ang sagot!

  35. prans prans

    2 May 2007

    A bit off-topic lang po…..

    I dont know if have heard what happened today when the leprechaun’s limo got a flat tire on her way to the airport, and the replacement tire is also flat, hmmmmmmmmm…..seem to me its a bad omen for her to start her foreign travel, hehehehehehehehehe…….

    prans

  36. Mrivera Mrivera

    huwag n’yo na kantyawan si manny pakwan! na nak-awt na nga ‘yung uto, este tao pala ginaganyan n’yo pa. siguro naman natauhan na siya na binabati lamang siya ni gloria macagarapal arroyo kapag panalo sa laban niya pero kapag ganitong talunan ay para siyang taeng hindi gustong hawakan. kapag nagpauto pa uli ‘yan kay gloria kapal mukha sakaling manalo sa laban niya sa oktubre ay masasabi na nating UBOD na talaga siya ng TANGA!

  37. Mrivera Mrivera

    depende sa produkto? sa endorder? siguro nga, at depende na rin sa bibili ng produkto.

    bakit ‘ika n’yo?

    tingnan natin sa pampanga. si among ed kahit walang palabok o magandang pabalat, dahil sa siya ay itinuring na pang-alis suya sa nakakasawa ng pagkaing (bulok) na niluto ng chef sa malakanyang, pinagpistahan siya ng mas nakararami at hayun, ayos!

    sa maguindanao naman, kahit mga bulok na ang produktong binalot naman ng maganda at marangya (dahil sa milyon pisong pangako ni amputulan) hindi na inalintana ng taong bayan ang bulok na alingasaw at hinayaan na lamang kaakibat na rin ang takot na ipaglaban ang kanilang karapatan upang makatikim ng sariwa at malinamnam na ulam.

    gayundin sa pangasinan sa ginawa ni jose tae nga ng daga.

    di ba mas nakalalamang na dahilan, mabili man o mapuwera ang produkto ay ang panlasa ng tao?

  38. noypinoy noypinoy

    off topic
    $US1;45.87pesos tsk tsk tsk kawawa naman tong mga matatapang nating OFW pababa ng pababa ang sahod. thanks to you madam president sanay kunin ka na na amo mo..

  39. Chabeli Chabeli

    I agree w/ Ms. Ellen, “Ang kandidato kasi ay parang produkto. Kahit anong ganda ng endorser kung masama ang produkto, hindi rin talaga mabebenta.”

    In this light, this reminds me of Tony Lopez’s May 18th column. In his article Mr. Lopez says, “Why do people love Trillanes? Because he hates the President.”

  40. vic vic

    And the quality of the products starts at the production stage and the also the proper usage of such products. No matter if your car is built by Mercedes or BMW if you drive it recklessly without proper maintenance, just as soon it will be just as junk as any politician who may have been a product of ivy leagues, a loving and religious family and with all the sweet promises to the voters, but once had sensed the sweet smell of power and wealth and what they can do for the ego and personal aggrandisement, soon they forget the quality of product they are made of. It is really too hard to judge the Politicians as to the finished quality product no matter in what manner they are bundled, until they are in power and judge them by their actions and performance. And the Jury will hand down the verdict…

  41. luzviminda luzviminda

    At mga kababayan huwag kayong mawawawala sa rally bukas. Ito na ang chance para ipakita natin na hindi na tayo papayag na BABUYIN pa ng administrasyon ni Aruy-yo-Pidal. Sa totoo lang matalino ang karamihan ng botanteng Pilipino. Ang kaso ay dinadaya lang ng mga Halimaw sa Gobyerno. Halatang minamanipula na ang mga nasa 8th to 12th ranking at malinaw na kasapakat ang KUMOLEK sa dayaan. Mas maganda kung FULL FORCE tayo. Whether thru peaceful means or not, ito na ang umpisa ng REBOLUSYON!!!

  42. luzviminda luzviminda

    Yes prans,

    Bad Omen for Gloria! Flat tire na ang sasakyan ni Gloria. Yung kay Erap na ‘Dyip’ ay nakaparada lang, malamang na hahataw muli sa kanyang biyahe. Hindi man siya ang driver ay nanduon pa rin siya kasamang bumibiyahe patungo sa pupuntahang kapayapaan at impisa ng tunay na kaunlaran. We have get rid of the maggots and ‘anay’ in our rotten institutions, and start from clean slate. Do we see a NEW GOVERNMENT in the offing?

  43. luzviminda luzviminda

    At mas mabilis na ang KUMOLEK ngayon kasi dumarating na sa kanila yung mga dinoktor na ERs ng TU. Kailangan nilang bilangin ito para palabasin na pumapasok na yung mga nagbayad na TU candidates sa mga ‘cheating operators’. Obvious ang pagbulusok nina Zubiri, Pichay, Recto(na dati nang nakadaya) at Defensor. Give-up na si Singson kaya nililipat na lang yung ibang boto ng kulelat na TU sa apat na ito. Nagdaramdam nga si Defensor dahil maliit lang daw na nadadagdag sa kanya at mas pinapaburan yung tatlo. At obvious din na pilit na tinatagpas sina Trillanes at Cayetano sa Magic 12. Kailangan paimbistagahan at usisain ng oposisyon ang mga questionable na resulta lalo na yung mga 12-0 TU na hindi kapanipaniwala. Huwag silang papayag dahil ang pagtatanggol sa tunay na resulta ng eleksiyon ay pagtatanggol sa ating mga karapatan!!!

  44. luzviminda luzviminda

    Dapat din nating bantayan ang pagbibilang ng NAMFREL, dahil may simpatiya ito sa KUMOLEK nuong 2004 election fraud ayon kay Garci. Tingnan natin kung dapat na ba silang pagkatiwalaan ng ating mga boto. Kailangn nilang magbagong puri. Patuloy ang pagbabantay!

  45. jojovelas2005 jojovelas2005

    pacquaio is not good endorser for politician siguro pang commercial lang siya dahil lahat ng idol niya sa halalan talo (chavit at Atienza).

    By the way, sa Iloilo nanalo as mayor si Mosqueda
    “But luck smiled on an equally controversial police officer previously linked to jueteng by whistle-blower Sandra Cam, Restituto Mosqueda, who won as mayor of Estancia, Iloilo. -gmanews.tv”

    Any news for Capt Dangkit ng madalo?

  46. Chabeli Chabeli

    Ystakei,

    According to abs-cbnnews.net.com reports, “Protest vs political slays greets Arroyo in Japan” The report says that “Japan-based human rights groups gathered for a candle light protest in front of the Philippine embassy in Tokyo Tuesday to protest the hundreds of execution-style killings carried out in the Philippines and demanded that the perpetrators be punished.”

    Good one, Ystakei ! Show the b*tch that she is not liked even outside the country !

    Baka eto ang omen ni Gloria na sinabi ni Prans that “the leprechaun’s limo got a flat tire on her way to the airport, and the replacement tire is also flat, hmmmmmmmmm…..seem to me its a bad omen for her to start her foreign travel, hehehehehehehehehe…….”

    Hahahahah!

  47. Chabeli:

    Our protest was covered by biggie news agencies like Reuters, etc. There were coordinated rallies likewise in Osaka and Nagoya. Galit na galit siguro si Pandak as expressed by the Internet Brigader trying hard to dampen our spirits by pretending to be one of us but not one of us. Ang labo di ba! We’ve asked arkibo to post our pictures on the Internet.

    Japanese media is now projecting her as the “most hated president of the Philippines.” Funny that she has asked the people at the Philippine Embassy to arrange for foreign media to interview her at the end of her trip. Ano kayang kabalbalan ang sasabihin niya? Na nanalo ang mga TUta niya?
    Ang kapal talaga ng mukha!

  48. The bad omen, Chabeli, Prans is the probable refusal of Japan to continue granting the freak Japanese ODA for projects that her husband has apparently been selling to the kurakots in the provinces with commission to him according to my source. Kinakabahan na ang ungas.

    We are also protesting against the disposal of Philippine patrimonies in Japan that the Pidals think they alone have the prerogative to get rid of even when the law and the Japan-Philippine reparations treaty was very specific about requiring a national referendum on whatever action the Philippine government might take regarding the properties given to the Philippines as reparations payments including the Laurel property that was confiscated from the Laurels as penalty for Laurel’s war crime.

    The freak Pidals actually tried to get rid of the properties or make money of them in 2003 to use for her candidacy, but it was stopped when we told the wannabe buyers that the Filipinos are allowed by law to sue the Philippine government for any attempt to get rid of the properties here without a national referendum either in Japanese and/or Philippine courts. Akala siguro ni Pandak mauuto niya ang mga pilipino sa Japan. In fact, not everyone who got an invitation to the victory party she planned for the Filipino community on Thursday has accepted the invitation. A lot many are boycotting her party, and even if they go there, it is only to have the experience of eating at one of Tokyo’s posh hotels and brag about it! Yikes! Sabik ang marami doon pero hindi kay Pandak!

    Just imagine the amount of money being wasted on these lavish parties. A cup of parfait costs 20 dollars at that hotel, you know. Invitees are being lavished with something like a brunch or more like an English tea with all those tea cakes combined with a light dinner that costs about 10,000 yen each person. Akala mo kaniya talaga ang Pilipinas for the taxpayers money given her to spend extravagantly! Kawawang Pilipinas!

  49. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Ma’m Ystakei

    The column of Rina David Jimenez in the Inquirer “Eyewitness to cheating” could be printed and distributed to the rallyists there. It tells all on what they did in Maguindanao.

  50. cocoy cocoy

    Habang ang bansa ay abala sa pagbabantay ng mga senador,napag-iwanan na naman ang mga kawawang pinoy sa pansitan dahil ang makinarya ng cha-cha train to EK ay puno na ng gasolina at ang riles ng train ay malinis na at wala ng balakid.Kontrolado na ni Arroyo ang Congress at tiyak at hindi na naman uusbong ang 3 impeachment complaint sa kanya dahil kapos na naman sa bilang,at the same time ang unang aasikasuhin ng mga kaalyado ni Gloria sa Tongresso ay ang Cha-cha train.Tanong,who can stop the Cha-Cha train to Enchanted Kingdom?

  51. Chabeli Chabeli

    Thanks for the info, Ystakei, & for relating to us how things are in Japan while Pandak is there. Do keep us posted. Malacanan pa naman is DYYYYYYIIIING for ANYTHING they can spin to make the losing Gloria look like a winner. After all, as many of the columnists – both pro & anti – are unison is saying that Gloria LOST her referendum.

  52. jojovelas2005 jojovelas2005

    nakakainis naman natalo si Gilbert tapos yun si Boying pa ang nanalo…sana si Gilbert na lang ang nanalo.

    Cavite: Boying wins, brod Gilbert loses

    The Remulla brothers celebrated the election victory of Jesus Crispin “Boying” Remulla in the 3rd district congressional race, although his younger brother, Gilbert, lost in the 2nd District.

    Kampi bet Boying Remulla garnered 106,587 votes based on the Comelec count, while his closest rival, Armando de Castro of the Liberal Party, got 93,257.

    Gilbert, a Nacionalista Party member, received 184,626 votes but lost to LP’s Elpidio “PD” Barzaga Jr., who got 188,009 votes.

    Another LP member, Joseph Emilio Abaya of the 1st District, posted a commanding lead against Bacoor Mayor Jessie Castillo, 137,697 against 74,405 votes.

    Boying was proclaimed by the Comelec last Friday, while Barzaga was proclaimed on Saturday after the proclamation of Cavite Gov. Ireneo “Ayong” Maliksi.

  53. Chabeli:

    The Japanese may look “tanga” because they cannot speak English but they are not stupid. In fact, I was surprised that AI, etc. were allowed to rally in front of the Philippine Embassy and it was well covered by the media.

    If the Pandak thinks she can spin the Japanese crazy, you can bet your bottom dollar, she cannot, because they do their own research, and have sent fact finding missions to the Philippines to check on reports of atrocities by the criminal’s government against its own people.

    What you guys there can do is send me names of Japanese doing monkey business with the Pidal couple, and we will report them to the police to investigate on possible criminal activities with their Japanese partners. Over here, a crime is a crime and it is properly prosecuted.

    BTW, over here police in polling places is prohibited by law. Any violation is punishable by fine and imprisonment. Even the police are not exempted from prosecution if they break the rules of law!

  54. Sleepless,

    Sorry, but the rallyists do not read English. I will have to translate the document into Japanese first. Another group is thinking of demonstrating in front of the Imperial Hotel against Pandak on Thursday. We’ll see.

  55. Valdemar Valdemar

    PGMA is riding proudly on the convalescing economy which without her would have been much better manyfolds. The peso is improving with the triumph of GO. Watch the peso go down when the cheating takes hold.Her administration gagged other election counters and highly endorsed NAMFREL. Look, NAMFREL is in convulsion with its counting. Must be too difficult to change colors.

    Endorsers didnt know Pichay is a vegetable. He remains a vegetable. Tol? Naputol.

  56. xanadu xanadu

    Speaking of endorsement, ang akala pala ni Manny Pacquiao, komo inindorso niya si Ali Atienza at Chavit Singson, tutulungan siyang siyang makakuha ng boto sa Maynila at Ilocos region.

    Ito rin ang naging dahilan kung bakit hindi agad nag concede si Manny Pacquiao kahit knockout na agad siya ni little Darlene:

    1. Pacquiao refuses to concede. Wala pa daw ang mga boto galing Luzon at Visayas.
    2. Pacquiao can’t throw in the towel kay gidala kuno ang tuwalya ni Freddie Roach.

    Nag-concede na rin naman nitong mabalitaan niyang sumuko na si Ali Atienza kay Sen. Fred Lim. Nagtataka raw siya kung bakit pang 24 na si Singson, ayaw pang mag-concede.

  57. parasabayan parasabayan

    If you see in the news lately, it is all about good news in the economy such as: cutting the debt by so and so, PNB making 60% more than usual, the peso equated to the dollar has increased in value and some other baloney economic progress. It is enrollmemnt time UGOK! Of course everyone of the 10 million oversees workers remitting monies for their sibblings made all these numbers possible! IT IS NOT TIYANAK’s economic prowess that did this! CON SOMEONE ELSE NOT THOSE WHO UNDERSTAND HOW THE ECONOMIC INDICATORS WORK!

    Of course the private businesses are up and up, the tiyanak makes it possible for the big businesses to flourish. These upper 10 % of the monied people installed her to the presidency, rememmber? But is is the little people who are simply out of the whole picture of her so-called economic progress.

    Since we are talking about packaging of a product here, the tiyanak sure knows how to inflate her progress. Why don’t we check on our public funds. I am pretty sure every one of our government agencies are on the red. All funds of the government, from the local level to the national level were all spent on the elections. The private companies’ gains are not necessarily the gains of the nation as a whole. It is just a tip of the iceberg. How the economic gains translate to the 60% of those in poverty is more of a paramount importance!

  58. mami_noodles mami_noodles

    Reaksyon ni Ignacio Bunye(ta) sa sinabi ni Bro. Mike: Thanks, but no thanks, ayon sa Inquirer

    Translation: Tuloy ang Cha-Cha, tuloy ang pandaraya at wala silang pakialam sa Senado at sa gusto ng mamamayan!

    TAMA NA, SOBRA NA! LABANAN ANG PANDARAYA!
    PATALSIKIN ANG MANDARAYA!

  59. rose rose

    Ang Durian kahit na sabihin masarap ay MABAHO pa rin at NAKAKASUKA. Ang damni talagang durian sa Mindanao ano?

  60. myrna myrna

    Yuko, pangako daw ni blinky, 4billion investment na pasalubong from japan!

    hehehheh, alin, ilang buhok ba yon?? hahhaha

    talaga nga naman….

    sa may 27, dito rin sa auckland magpapapungay ng mga mata niya si blinky……at namputsa naman itong mga pinoy dito, ang kakapal din ng mukha. yung karamihan, nung pumunta si erap dito, nag=uunahan sa frontline. tapos, ngayon si pandak naman pupunta, the same faces nag uunahan para magpasikat.

    hay….talaga nga naman. kulang pa rin talaga sa prinsipyo. pasikat pa rin!!!!

    kung di ka ba naman mababanas, ewan ko na.

  61. zen2 zen2

    tama, Magno.

    meron kinalaman ang 3 salik: botante, endorser, at ang produkto.

    sa kaso ni Angara, nagpapaligsahan sila ni Joker, Kiko at Pichay at Villar sa dami at dalas sa TV lalo na pag prime-time (bagay na dapat imbestigahan ng Comelec dahil sa campaign expenses cap)

    sa teknikal na aspeto, lahat ng subliminal at positibong anggulo ng kamera kinalkal para matabunan ang kabulukan ng kandidato; ang mga ngiti at awit ni Sarah Geronimo para kay Angara, ay tunay na nakakabighani para sa isang walang muwang sa pulitika at isama sa lista ng pagka-senador ang tulisang kaibigan ni Ben Evardone.

    masasabing karamihan sa mga ayaw bumoto kay Angara ay suya’t, inis LAMANG sila dito, dahilan kaya hindi nabigyan ng pansin ihanay ito bilang talamak na pro-Palace iskwater, kumpara sa katauhan ni Mike Defensor (matandaang marami ang nangampanya para HUWAG iboto ang sooo young, yet sooo corrupt kandidatura ng batang kandidato).

    ang mataas na teknikal na kalidad at pagbaha ng ads ang nagpasok kay Angara sa Magic 12: natugunan ang konsepto ng name-recall. ganuon din ang kay Joker, may pagkahawig sa kaso ng una. halimbawa, ang popular na Mayor ng Naga na si Jesse Robredo at maging si Cory, ay nangampanya para sa huli.

    samantala, maaring maraming tubong Pampanga ang nagbabasa sa mga poste ni Yuko, tinablan ng hiya sa bansag na Jueteng Capital ng bansa ang probinsya—at ibonoto si Padre Ed bilang sagot at para mabawi ang karangalan. inaabangan ang kanyang istilo ng pamamahala lalo na’t minoryang boto ang nagpanalo dito (1 libo mahigit lang ang lamang kay Pineda at 8 libo naman kontra kay Lapid).

    ang mga pangyayari sa Maguindanao ay salamin kung gaano kasadlak ang lokal na pamunuan sa bulok na pulitika, kalakarang gusto ng mga gahamang lider nasyunal para sa kanilang pananaliti sa puwesto. sa maraming kabayanan, ang eleksyong nangyari ay sa bisperas o Mayo 13 at hindi Lunes, Mayo 14 at bring home ang mga balota ng ilang guro at mga lokal na opisyales.

    ang sa ika-apat na distrito ng Pangasinan naman, ang
    Benjie Lim – JDV ay malagim na halimbawa ng tunggalian ng parehong may kwestiyonableng pagkatao at hangarin sa pulitika; isang ultimate trapo kontra sa isang negosyanteng hindi maipaliwanag ang paglago ng ari-arian matapos manungkulan bilang hepe ng Duty Free Shops, parehong walang kakabigin, ‘ika nga.

    maraming indikasyon na handa na sa pagbabago ang taumbayan, maging sa mga probinsya, dangan nga lamang, wala pang katiyakan kung sa anong paraan, maliban sa halalan, ang magdadala ng malaliman at panibagong panlipunang balangkas.

  62. rose rose

    Correction: Ang dami talagang durian sa Mindanao.

  63. Mrivera Mrivera

    rose,

    maghihilamos ako ng katas ng durian, pero hindi ko masisikmurang malanghap ang amoy ng mga kandidatong TUmatae dahil mas masahol pa ang alingasaw nila sa naaagnas na bangkay

  64. Mrivera Mrivera

    myrna says: “hay….talaga nga naman. kulang pa rin talaga sa prinsipyo. pasikat pa rin!!!!”

    myrna, hindi pasikat ang tawag sa ganyang mga tao kundi KABILANIN! kung sino ang nakapuwesto, doon sila NAGMAMAGALING!

  65. Mrivera Mrivera

    at iyon ang sa kanila ay MAGALING!

  66. Myrna:

    Pagbutihin din ninyo ang rally sa Australia. Ang pakay ng ungas ay ang pagbibigay ng Mindanao sa mga Australiano para magkaroon sila ng base doon. Iyan ang dahilan ng pandaraya sa Mindanao. Kundi ba naman gago din ang mga lider nila doon. Ibinabebenta ang Mindanao sa mga dayuhan. Gago din ano?

  67. Mrivera Mrivera

    “Sa nakaraang eleksyon kumita sina Sarah Geronimo, Boy Abunda at ang kanyang mga artista na sina Ai-ai de las Alas, Mariel Rodriquez at Eric Santos.

    Ngunit mukha namang sulit ang ibinayad ni Sen. Edgardo Angara kay Sarah dahil yun, pasok siya sa Magic 12.”

    mga hinahangaan sa musika, telebisyon at pelikula subalit KATAPAT DIN AY PERA!

  68. nelbar nelbar

    Mrivera:

    ganyan ang gustong ituro ni Angara at mga kauri nya sa kabataan.
    na kahit anong tarantado at pagiging anti-people ng polisiya at batas na isinulong ng isang politiko, ayos lang na i-endorso ng mga walang pakialam ng mga artista, celebrity, entertainers o sino pang kabilang ng showbiz industry – na PERA lang katapat nila!

    At hindi ang wisdom at moralidad ang pinagbabasehan sa merits!

  69. chi chi

    Si Trillanes ay walang pambayad kaya walang endorser na artistas, pero nananalo! Iba na ang matapang, matalino at may pagmamamhal sa bayan!

    Thanks to the media na walang bayad, ang pinakamalakas na endorser ni Trillanes!

  70. Inquirer’s banner says, “GO dominance does not reflect people’s discontent–De Castro.”

    Aba e, gunggong din pala itong si Kabayan. Hindi ba niya alam na ang panalo ng GO ay nangangahulugang inis na ang mga tao Kay Pandak na ipinagmamalaki ang pagbaba ng rate ng peso against the dollar na hindi naman nakikita sa pamumuhay ng mga pilipino na ang marami ay mahirap at walang pag-asang umasenso kundi pa sila lalabas ng bansa nila kaya nga kahit na makidnapa, mapatay o magahasa sa ibang bansa ay mas nanaisin pa nilang manatili sa ibang bansa kesa umuwi sa bansa nila.

    This election and the victory of GO is a referendum on Pandak. Bakit ito ipinagkakaila ni De Castro! Magkano ba ang bayad sa kaniya para sa publicity na ito? Pag iyan din ang naging presidente ng Pilipinas, lalong lubog ang bansa. 🙁

  71. BOB BOB

    ystakei Says:

    May 25th, 2007 at 2:13 am

    Inquirer’s banner says, “GO dominance does not reflect people’s discontent–De Castro.”
    ……………………………….
    Kaya nagkakaganito ang bansa natin isa sa dahilan ay itong si Kabayan (Vice-President).
    Kung matalino ka ba naman kabayan at tingin nang tao na puede kang pumalit sa presidente , ay tapos na ang laban at ikaw na kabayan ang naka-upong presidente ngayon…pero hindi ganoon ang tingin nang tao sa iyo…ang tingin nang tao sa iyo ay walang kakayahan (Bobo ka) …alam mo iyan at nagbubulag-bulagan ka lang ….hoy Gising !

  72. parasabayan parasabayan

    Bob, de Castro’s wife is being sued for bigamy. Apparently she married de Castro without the annulment of the first marriage. Worse, her own children from the failed marriage were the ones who filed the law suit. The children alleged that de Castro’s wife disowned her own children. Ironically, de Castro and wife adopted a child instead of just acknowledging her own kids. The disowned children are now in their 30s. What was de Castro thinking when he married this woman?

  73. Mrivera Mrivera

    ibig sabihin, TANGA si kabayag (sayang, besi plesidenti pa naman) at ang katapat niyan TAKWAR, SALAPI, DATUNG!!! tangnangmukhangtabo na ‘yan!!!

    kahit na nga noong nyuskaster pa ‘yan ang daming mga “pinatungan” kapalit ang malaking halaga upang huwag mabulgar ang katiwalian. isa na rito ang dayaan at kaguluhan noong minsang eleksiyon sa lumban, laguna. kahit sinong taga lumban ang tanungin ninyo, malaking PERA ang natanggap niya sa dating meyor doon.

  74. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    RE: Inquirer’s banner says, “GO dominance does not reflect people’s discontent–De Castro.”
    GO-UNO dominance in the senatorial race is a repudiation of bogus President Gloria Arroyo. It has a national significance because they (senators) have a nation wide mandate. TUTA is trounced in the National Capital Region. The Filipino people have spoken and the message is crystal clear: Gloriang Tiyanak, your happy days are over. Get out A.S.A.P.! Kabayan Noli De Castro is just doing pogi points.

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.