Skip to content

Binusalan na naman si Trillanes

Marami ngayon ang gustong marinig si Lt(sg) Antonio Trillanes IV, kandidato para senador ng Genuine Opposition, tungkol sa kanyang nakakagulat na pagpasok sa Magic 12 ngunit hindi siya mai-interview ng media dahil sinabi ng military at ng Makati Regional Trial Court na hanggang campaign period lang daw ang permiso na binigay sa kanya para makipag-usap sa media.

Hanggang ngayon hindi pa namumulat ang mata nitong military pati na ang korte na ang freedom of expression o kalayaan ng isang tao magpahiwatig ng kanyang saloobin ay ginagarantiya ng Constitution.

Habang hindi pa naproklama ang mga nanalo, hindi pa tapos ang election period. Kandidato pa si Trillanes at gusto malaman ng tao ang kanyang saloobin at opinion sa mga nangyayari ngayon lalo na, na siya ang pinagu-usapan.

Sa Lunes, dudulog na naman sa korte si Trillanes sa pamamagitan ng kanyang abogado para klaruhin ang kanyang karapatan makipag-usap sa media.

Para rin sa mga mamamayang Pilipino, karapatan rin naming ang magkaroon ng impormasyon sa mga bagay na nakaka-apekto sa aming pamumuhay. Sobra sampung milyong Pilipino ang bumoto kay Trillanes at interesado kami malaman ang kanyang saloobin.

Nagpasalamat kami kay Judge Pimentel na kahit tatlong linggo lang ang binigay niya sa media bago eleksyon na makausap naming ng personal si Trillanes. Sa tatlong linggo na ‘yun naipahiwatig ni Trillanes ang kanyang panindigan sa iba’t-ibang isyu.

Sinabi niya na hindi niya pinagsisihan ang kanyang ginawang pagbulgar ng mga katiwalian sa military noong July 27, 2003 sa tinatawag natin na Oakwood mutiny. Naniniwala pa rin si Trillanes na bugos na presidente si Arroyo at totoo naman dahil kailan ba siya hinalal ng taumbayan sa kanyang kapangyarihan ngayon.

Ang pagkapanalo ni Trillanes (pangsiyam siya sa nationwide exit poll ng Pulse Asia/ABS-CBN) ay ikinagulat ng marami dahil hindi siya namayagpag sa mga surveys bago eleksyon.

Kami naman hindi nagtataka dahil sa pag-uusap nmain sa mga taumbayan hanggang probinsiya, gusto siya ng mga tao.

Walang pera si Trillanes. Kukunti lang ang kanyang TV ads. Hindi katulad nila Pichay at Joker Arroyo na halos oras-oras nakikita mo ang mukha sa TV.

Nakakulong pa siya! Ngunit nanalo.

Sinabi na natin bago eleksyon na ang bawat boto kay Trillanes ay sampal kay Gloria Arroyo. Sa exit poll, lumalavas na sobra 11 milyon ang bumoto kay Trillanes.

Ibig sabihin noon 11 milyon na Pilipino ang sumampal kay Arroyo. Hindi pa kaya yan nahihilo?

Published inElection 2007Web Links

66 Comments

  1. Gusto siguro nila Ellen rebolusyon? Pero huwag silang kasisigurong lahat ng sundalo ay papanig sa kanila. Ngayon pang lumalakas na ang loob nila! You bet, it is just a matter of time now that these creeps will go down in Philippine political history as the first kurakots to go to jail for life if not with death penalty.

    Ingat silang lokohin ang mga pilipinong bumoto kay Trillanes. This fellow is surely chosen of God because even what he did at Oakwood was for truth and right! Hindi magwawagi ang kasamaan sa kaniya!!!

  2. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Umandar ng todo-todo ang maruruming kamay ng pekeng administration! Sige, takpan ninyo ang katotohanan at malapit na itong umawas sa kinalalagyan! Ang poot ng bayan ay hindi maitatago! Baka ang kalapastanganang ginagawa kay Trillanes ang magiging dahilan ng himagsikan!

    Mabuhay si Trillanes! Ilaban natin ang katotohanan! Sipain ang kahiya-hiyang pekeng Kumander ng mga Dayaan sa Malakanyang! Matumba ka na sa mga Sampal ng Taong-bayan!

  3. Chabeli Chabeli

    Grabe naman sila. Takot yata si Gloria kay Trillanes kaya seguro they are preventing him to talk to media.

    According to a source, the big votes for Trillanes came from the military. They will not allow Trillanes to be eased out of the Magic 12. Should Gloria be brazen enough to remove Trillanes from the Magic 12, rebolusyon na yata ang mangyayari.

  4. Don’t believe the trending by the Malacanang robbers and thieves. As of this writing Inquirer reports as ff:

    Following is the INQUIRER.net tally based on the Comelec canvass on Saturday:

    (1) Legarda, Loren B. 1966930 (2)Escudero, Francis, Joseph G. 1947911 (3) Lacson, Panfilo M. 1630420 (4) Villar, Manuel Jr. B. 1610466 (5)Pangilinan, Francis N. 1538605 (6)Aquino, Benigno Simeon III, C. 1406505 (7) Honasan, Gregorio B. 1295902 (8)Angara, Edgardo 1277080 (9)Trillanes, Antonio IV F. 1260295 (10)Cayetano, Alan Peter S. 1249388 (11) Arroyo, Joker P. 1166416 (12) Pimentel, Aquilino L. 1084815 ’13)Recto, Ralph G. 1037923 (14)Zubiri, Juan Miguel F. 954177 (15)Pichay, Prospero Jr. 932503 (16)Defensor, Michael T. 925366 Roco, Sonia M. 876446 Osmeña, John Henry R. 717184 Montano, Cesar M. 700622 Sotto, Vicente III C. 662643 Magsaysay, Vicente P. 647723 Singson, Luis C. 592752 Coseteng, Anna Dominique M. 558696 Oreta, Teresa TAO A. 418460 Gomez, Richard I. 269902 Kiram, Jamalul D. 189209 Paredes, Zosimo, jesus 112130 Chavez, Melchor G. 83432 Bautista, Martin D. 81734 Cayetano, Joselito P. 53916 Sison, Adrian O. 45327 Wood, Victor N. 36680 Lozano, Oliver O. 32608 Estrella, Antonio L. 29685 Orpilla, Eduardo F. 12991 Cantal, Felix C. 12162 Enciso, Ruben C. 10823

  5. OAV ERs show the same pattern, 8-2-2. In Japan it was 8-1-3 for Tokyo and 9-1-2 for Osaka. Kaya imposibleng maging 12-0 for TU ang labanan. Kahit nga sa Visaya hindi nakahirit ang TU! In short, galit na talaga ang mga taumbayan.

    Puede ba tigilan na ang dayaan! Mahiya naman ang mga magnanakaw na iyan.

    Pollwatchers bantayan ninyo ang mga boto! Iyong dagdag-bawas bantayan!

    Kami nga bantay sarado ang ginagawa namin sa boto ng mga pilipino sa Japan. Bistado agad ang mga tuta ni Pandak. Trying hard ang mga salbahe. But we will not allow them to have an edge. God be with us in this!

  6. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    A fraudulent election result at national level is recipe to people’s uprising. The deliberate disenfranchisement of voters, vote-buying, systematic tampering of election results and widespread violence can be blamed on Comelec and its partisan leadership. In February 9, 1986, about 30 computer workers at the COMELEC tabulation center walk out, protesting the tampering of election results. The rest is history. It happened in former Soviet republics and other satellite nations. The Filipino people won’t accept another fraudulent election result. Himagsikan Na!

  7. alitaptap alitaptap

    Tekayo muna. Bago rebolusyon – let’s savor the beauty and elegance of Ellen’s eloquence:
    “Hanggang ngayon hindi pa namumulat ang mata nitong military pati na ang korte na ang freedom of expression o kalayaan ng isang tao magpahiwatig ng kanyang saloobin ay ginagarantiya ng Constitution.”

  8. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Hirap nang makapasok dito sa blog. Halos maghapon akong naunsiyami at ito, mmay bumibiyahe nang traysikel sa kalsada, ngayon pa lamang yata ako papalarin.

    Habang binubusalan nila si Trillanes, pilit na uugong at magiging malakas na sigaw na maririnig sa buong bansa ang kanyang mga adhikain.

    Kasunod nitong kolum ni Ma’m Ellen sa Abante (May 20) ay ang kolum ni Raymund Burgos “Magasawang sampal kay GMA”. Natutuwa ako habang binabasa ito dahil noong May 18th, 2007 at 10:43 pm, yon mismo ang tema ng aking poste, sampal sa magkabilang pisngi ni Mrs. Arroyo ang pagkapanalo ni Fr. Panlilio at pamamayagpag ni Trillanes.

  9. parasabayan parasabayan

    Many citizens want to be heroes but only those who are destined to be have to go through a lot of true sacrifices for the country. In his own right, Trilianes is one of our modern day heroes. His valiant defiance of this oppressive regime has put him in this category. Eveything he does and says have a huge impact to the citizenry! What would be a better indication of this than the very limited media exposure he had but he is still in the “magic 12” toppling all the TUta candidates who had all the millions and the so called machineries! The more they suppress him, the more significant he becomes! He is the epitome of a genuine fighter! Time will finally give him the break he so deserves. The tiyanak and her bodyguards can do anything they want to inhibit Trillianes from reaching the people, but the message is clear, HE HAS MORE CREDIBILITY THAN ANY ONE OF THESE CORRUPT, MURDEROUS and LYING bogus leaders! Nelson Mandela was in prison for 27 looonnng years! Sonny has only been in prison for less a fraction of that time! And Sonny is very young, something these aged corrupt and bogus leaders DO NOT HAVE. These culprits will soon be six feet under the ground and Trillianes would still have his luster!

  10. paquito paquito

    Unti-unti nang nauupos ang kandila ng pekeng pangulo na ngayon ay naninirahan sa Malakanyang na pugad ngayon ng ka-demonyohan. Para sa maliliit na mamamayang Pilipino at para sa mararangal na tao ay ang Malakanyang ay tirahan ng taong halal ng bayan, hindi magnanakaw, hindi mandaraya, hindi sinungaling. Wala ni isa nyan si Gloria, at dinumihan nya ang Malakanyang na tirahan ng mga magigiting na Pilipino. kaya ito ngayon ay isang impyerno para sa bayan, dahil sa si gloria ay isang kampon ng kadiliman—sinungaling, mandaraya, magnanakaw–ilan lang po yan sa mga kasalanan ni Gloria sa bayan. Kita nyo naman wala ni katiting na kredibilidad si Gloria—pinalalayas na sya ng mga Pari ng simbahan katoliko, ni Pres. Cory at ng nakararaming Pilipino. Pero makapal ang mukha, tapos sasabihin nya para daw sa bayan. Kung para sa bayan dapat matagal na sya lumayas kasi wala naman sya naidudulot na maganda sa Pilipino.
    Kung kay Trillanes lang walang panama si gloria.
    Mabuhay si Sen. Trillanes!

  11. I like that movie by Clint Eastwood “Flags of Our Fathers” where he said that there were actually no heroes. I agree with him. The word is not “hero” but “martyr,” an act of sacrifice for one’s belief, principle and yes, even patriotism. Trillanes is all that.

    Madame Bobary should not try to remove him from the Magic 12. Baka magsisi siya, for even in Maguindanao we see now that there are those willing to make sacrifices to put a stop to these cheatings once and for all. Baka talagang gusto niyang subukan ang lakas ng sambayanang pilipino! They have spoken, and it is time she listens.

  12. Nilutong makaw na naman ang eleksyon kapag nakapasok ang mga diehard TUta ni Pandak sa Magic 12. Pag-ingatang huwag manakaw ang mga balota sa Batasang Pambansa Complex. Kahit bago ang Miyerkoles, dapat marami na ang nakabantay doon. Iyong mga sundalong magigiting ipakita nila ngayon ang kanilang kagitingan. Bantayan nila ang mga boto, hindi iyong sila pa ang tagabuhat ng mga pekeng balota. Asan ang katinuan diyan? Golly, mga pulis at militar kasama sa paggawa ng mga krimen! Kakahiya! Hindi mo tuloy maipagmalaking ipinanganak ka sa Pilipinas na kilalang-kilalang bansa na ang mga presidente ay magnanakaw at mandarambong! Pwe!

  13. Sleepless,

    Mahirap talagang pumasok sa Ellenville. May nakahalang para hindi tayo makapag-ingay. Buti na lang nga nababanatan namin dito. Maraming gustong mag-comment talaga lang nahihirapang pumasok. Pambihira talaga ang ginagawa ni Kumag. Sa kadadaya niya retrogression tuloy ang bansa niya. Puro plastic lang.

    Tira lang ng tira. Pero ingat kayong nasa Pilipinas!Sobrang inefficiency ng safety commission diyan.

  14. Chabeli Chabeli

    The latest NAMFREL count as of 5:43 am, May 20 2007, (covering 83,921 precincts of 224,748 or 37.34%) show that Trillanes is OUT of the Magic 12 ?!!?!!? Zubiri is #11 & Pimentel is #12, Recto #14 & Pichay #15.

    For the life of me, I cannot accept na bumaksak si Trillanes. If the exit polls of ABS-CBN/Pulse Asia “lumalabas na sobra 11 milyon ang bumoto kay Trillanes.” In w/c case, Trillanes should not fall below #12 at any time during the count.

  15. E-mail from Amador Cruz:

    Gusto kong pasalamatan ang mga Pilipinong tulad mo na hindi natatakot manindigan para sa katotohanan, sana nawa’y dumami pa ang tulad mo.

    Gusto ko ring batiin ng “Mabuhay” ang milyon, milyong Pilipino na bomoto nitong nakaraang halalan lalunglalo na yong mga naghihirap nating kababayan na hindi ipinagbili ang kanilang dangal.

    Nakita natin sa resulta ng nakaraang halalan na di nakukuha sa pera at papularidad upang manalo ang isang kandidato. Sa Pampanga si Sen. Panlilio, Makati si Mayor Binay, na kung ano-ano na ang ginawang pambabastos ng pekeng Presidenteng si Gloria at ng kanyang mga kampon pero nanatiling matatag, salamat sa mga taga Makati, sa Pasay ,sa Maynila at marami pang lugar.

    Pero ang higit sa lahat na sa palagay ko na di kayang tanggapin ni donya Glorya ay ang Impyernong idudulot ng panalo ng pinakamagiting na sundalo ng Pilipinas na si Sen. Antonio Trillanes. Dapat siyang ipagmalaki di lamang ng PMA,kundi ng lahat ng Pilipino na may natitirang dangal.

    Sa isang banda nagpapasalamat din ako sa donya at sa kanyang mga kampon dahil kung hindi sa kanilang kaswapangan at paniniil ay baka di nagising ang milyong botante,lalong lalo na sa mga ganid na heneral, sa DOJ Sec. at sa asawa ni donya. Pero di pa tapos ang laban,ngayon higit sa lahat dapat magbantay ang mga mamamayan dahil di pa naiproproklama ang ibinoto ng bayan.

    Sa COMELEC sa ginawa ninyo kay Allan ay maitatala sa kasaysayan ang pagpapagamit ninyo sa donya.Sana nawa’y magbago na kayo at maawa kayo huwag na sa naghihirap na mga Pilipino kundi sa mga ank ninyo at magiging apo. Ang karangyaan, pera, kapangyarihan at papolaridad ay pwedeng mawala pero ang dangal ay di pwedeng tumbasan ng lahat ng nabanggit. Mabuhay ang Pilipinas.

  16. parasabayan parasabayan

    Sabi ko na nga ba na dadayain talaga si Trillanes. Ganoon din ang gagawin nila kay Alan Cayetano. Si tiyanak at ang kanyang mga demonyong alipores ang may pakana ng lahat. Sige lang mandaya sila para talagang magalit ang mga Filipino. Sa mga mayor at gobernador okay lang na hindi mandaya si tiyanak kasi hindi itong mga ito ang magaalis sa kanya sa kanyang puwesto. Sa mga mambabatas, kaingan mandaya siya ng malaking malaki dahil dito nakasalalay ang kanyang ninakaw na puwesto. Yung masyadong matagal na bilangan ay kadudadudang magkakaroon ng dayaan. Kaya nga pinatagal ng husto ang bilangan para magawan ng paraan na makapasok ang kanyang mga TUta. Sa nagastos ni tiyanak na bilyon bilyon, kailangang mabawi niya ito. Sisiguraduhin niya na walang magiging balakid sa kanyang patuloy sa pagsasamantala ng ating bansa! Trillanes predicted he will be cheated. He is helpless. He does not have the resources and worst, he does not have the freedom. He is truly a martyr! I hope that the people will rally behind him and pray hard that somehow by the divine intervention, he will win the senatorial race. We need Trillanes and Alan Cayetano to fight the tyrant bogus president. At least with these two fighters along with Escudero and Lacson, it will not be easy for this bogus president to just do what ever pleases her. Let us all pray for Trillanes’ victory!

  17. Galing kay Pedro Corpuz:

    Sumulat ako sa iyo kasi i love to read your column napakagandang basahin in Abante.

    Sa totoo lang yong 11 na kandidato ni presidente erap lahat sila ibinoto ko at yong panglabingdalawa ay si richard gomez. Pero ang pinaka-choice ko sa kanila ay si Capt.sg antonio trillanes 1V at si chiz escudero.

    Sa kasaysayan ng botohan ngayon lang nangyari na ang nakaupong presidente ay kokonti yata ang mananalong senador. alam niyo nanghihinayang ako kay defensor kasi naging tuta siya ni gma kaya ang resulta ng kanyang kandidatura ay pinulot sa kangkongan.

    Ang isa pang nakapanghihinayang ay sina tessie oreta at tito sotto. Di ko ipagkakaila na gusto ko sila noon dahil sila ang tumutuligsa sa administrasyong ito. Kaya lamang nawalan na ako ng gana dahil balimbing pala sila.

    Pedro S. Corpuz, Jr., Pangasinan

  18. skip skip

    Chairman Abalos, how old are you? Late sixties? Assuming that you get the best health care, you’re still only looking at fifteen more years on earth. Tops. And after that, you kick the bucket and will have to stand before your Maker.

    When you do face Him, do you really want to do so knowing that you were instrumental in a massive attempt to cheat the Filipinos, and this while heading the body tasked to ensure honest elections? I see you on TV and I see the face of a man who is not inherently bad. I see in your face the pained expression of a man forced to do something wrong and is now torn between rectifying it at the risk of angering his masters, and carrying on with his dastardly deeds hoping that not admitting to any wrongdoing would eventually convince the people of his innocence.

    There is still time. You can still be a hero to Filipinos, Mr. Chairman.
    Confirm what everyone already knows. Repent for what you’ve done and expose your boss for what she really is — an unelected loser who is still up to her tricks, still lying and cheating and killing, just to hold on to power. You can still alter what the history books will say about you and your legacy. While it is not yet too late, get away from the darkness and desolation of this administration and come into the light and freedom that truth brings.

    Make your wife, your children, and your grandchildren proud of you. Do the right thing, Mr. Chairman.

  19. Mrivera Mrivera

    ang isang maliwanag na dahilan kung bakit binubusalan si SENADOR sonny trillanes ay dahil sa kanyang pahayag na kung siya maluluklok sa senado ay uunahin niya ang “panghaharana” kay gloria macagarapal arroyo. ayaw kasi ng mga yaya (o yayo) ng sanggol ng lagim na mabubulahaw sa kanyang malademonyong pagkakahimbing ang kanilang alaga!

    sa puntong ito ay medyo napabilis kasi ang kagalanggalang na mama, kaya hayun, nataranta na naman ang mga amoy lupang tagapagtanggol ng pamilya macagarapal arroyo!

  20. Mrivera Mrivera

    skip Says: “Make your wife, your children, and your grandchildren proud of you. Do the right thing, Mr. Chairman.”

    abalaos says: who? what? how much?

  21. parasabayan parasabayan

    Very well said Skip. Chief Justice Panganiban did the right thing before he retired from the Supreme court, he opposed the hastily prepared charter change. I hope that Abalos will heed the same-to protect the peoples votes from being rigged. Trillanes is now out of the Magic 12. This is our worst fear that the election returns are being altered. There is too much time to do more cheating when the votes are counted too long.

  22. Sa ngayon ay wala na si Sonny Trillanes sa Magic 12 ng Namfrel. Nakurakot na ang boto niya but wait, hindi pa bilang ang mga boto sa Luzon kaya may pag-asa pa. Kailangang bantayang mabuti ang boto niya. Huwag lang hayaang maboto si Recto dahil unti-unti nang mababawasa ang GO candidates. Alam naman namin daya. Bukas may miting kami dito para kalampagin ang mga dyaryo dito at ibulgar ang dayaan sa Comelec.

    Thanks, Ellen, for the update. Medyo lulubog-lilitaw ang blog mo. Ang tindi ng hacking! I’ve started my fasting. Titignan ko ang sagot ng Diyos sa dasal natin.

  23. Let’s not lose sleep over the Namfrel count. What is important is the Pulse Asia/abs-cbn exit poll. that was as summary of the nationwide voting and trillanes is number 9.

    There is trending yes, so we must pressure them to post the Luzon votes, where GO scored. Kaya kaama na rin ang NAMFREL na dapat kalampagin.

  24. Mrivera Mrivera

    parasabayan,

    umaasa ka pang mag-aala temyong panganiban itong si benjamin abalaos? nakalimutan mo na bang si gloria na ngayon ang buhay niya at pag-asa? ganyan silang dalawa. si garci, limot na!

  25. Mrivera Mrivera

    pakisingit nito:

    Lente to Comelec: Probe TU’s 12-0 wins

    Poll staff filled up Maguindanao ballots

    05/20/2007

    The truth will always come out somehow and the truth about Team Unity’s 12-0 victory in Maguindanao, where TU senatorial candidate Luis “Chavit” Singson topped the Senate vote, is that there was no voting in Maguindanao, and worse, the ballots and the summary of votes were filled up by teachers assigned to man the polls and thumbmarked by children even before the scheduled polls.

    A participant of the wholesale Maguindano vote fraud who turned whistleblower, exposed this wholesale election fraud yesterday in an interview over radio dzRH, baring that the voting was over even before the precincts were scheduled to open.

    At the same time, the Legal Network for Truthful Elections (Lente) which works alongside the Parish Pastoral Council for Responsible Voting and other watchdog groups, called on the Commission on Elections (Comelec) to speedily probe the 12-0 votes and suspend canvassing of poll results in areas that produced the 12-0 vote, the latest of which came from Bohol and reportedly, Eastern Samar, as claimed by TU.

    http://www.tribune.net.ph/headlines/20070520hed1.html

    sanabagan! titser, ganito ang ginawa? ito ba itinuturo ng gurong ito sa kanyang mga estudyante? sa kanyang mga anak? kung ito nga ay totoo, ITO AY ISANG CAPITAL OFFENSE na maituturing sapagkat malawakang pagkitil ng karapatan ng nakararaming mamamayan!

  26. parasabayan parasabayan

    Magno, what else can I say? I am an incurable optimist. Sabi nga nila kahit na yung hardened criminal na nasa bilanguan, he stlii have a soft spot in his heart. Malay natin kung yung panawagan ni Skip ay uubra. Miracles do happen too, you know.

  27. parasabayan parasabayan

    Baka si Abalaos ay mas tao kaysa kay tiyanak. Si tiyanak alam natin na hindi na matitinag. Maybe Abalaos will listen.

  28. skip skip

    parasabayan,

    Like you, I am optimist. I am convinced that Abalos still has some decency left in him. I ask everybody to pray hard that he be granted the clarity of mind to make the right decision.

    Sana nga umubra ang panawagan nating lahat.
    Siguro when Abalos sees a sea of black inundating the PICC on Wednesday, he would start reassessing his options.

    Mabuhay ang Pilipinas!

  29. Ellen,

    I bet your blog is also “binubusalan.” It gets out of circulation after each post I do today and yesterday. This is bad, huh? Ang tindi! Talagang mga kriminal ang dating ng mga ungas!

    My sympathy and condolence for the death of democracy in the Philippines! If this goes on and on, people there should better start doing something. Baka magaya ang Pilipinas sa Burma! BTW, is that why Romulo loves to go to Burma and talk with officials of SLORC? 🙁

  30. Funny but a lot of our posts here are not getting posted for some reason! Ingat!

  31. Trillanes is not just “binusalan.” Ninanakawan pa ang boto, no doubt! Handa na kayo for a showdown with the criminals!

  32. According to a report I have received Joe de Venecia spent half a billion pesos for his campaign buying votes at 500 pesos minimum and 3,000 pesos maximum. Wow! But is that legal?

    Where I come from, this kind of overspending is prohibited by the law, and when a tip like this is received, the police don’t waste a minute more to mobilize a team in hundreds to investigate in order to bring to justice the lawbreakers, and stop the bad habit. They not only arrest the candidates buying votes but also those who sell their votes to the highest bidders. That’s why in general our elections here are clean and no one dies for their favorite candidates.

    No wonder this JdV is now eyeing the ChaCha because there is money in it to recover his losses. Pero wala namang kadala-dala ang mga pangalatok. Bakit ba binoboto pa nila ang kurakot na mamang iyan? Ang sama talaga ng mga ugali!

  33. vic vic

    After all the cheating, vote buying, and all the illegal stuffs associated with elections, why do we consider election still the exercise of Democratic Rights? Isn’t it Ironic, that the most important right of all granted in a democratic society is the one most abused? And the Philippines is still one of the few remaining nations, who may call herself democratic, but in reality it is not. For lack of description, I can not come up of what to call the state of the Philippine society as it stands now…

  34. Mrivera Mrivera

    abalaos may only come to realize his piling misdeeds when he becomes comatose with only his brain and heart functioning. changing his ways this time is impossible because he had been showered with so much money by the pidal couple for his operation in this mid term election and more to come if he can deliver them the heads of trillanes and alan peter!

  35. The Comelec tally still shows Trillanes in the Magic 12 and his votes still higher than Zubiri. May pag-asa pa. Huwag lang pabayaang madaya ang mga boto ng Luzon. Alam ko sa probinsiya namin nasa Magic 12 si Trillanes. I bet you, kahit na mga taga-Ilocos Sur, isinusuka si Chavit Singson at ang mga kapareho niyang TUta.

    No doubt the Malacanang robbers and thieves are aiming to have Recto and another two idiots replacing even Cayetano and Pimentel. Labas niyan baka wala nang matirang GO.

    Subukan nila, and will see how really determined Filipinos are now to show the Pandak that they do not want her to be imposing herself on them. Hindi na puede ang mga kalokohan ng mga Pidal even when they succeed in getting votes for the Pidal kids and brother to Congress.

  36. Vic: said
    “For lack of description, I can not come up of what to call the state of the Philippine society as it stands now”…

    Schzoglo would call it Enchanted Kingdom!

  37. skip skip

    WHILE NO ONE’S LOOKING —

    TU leads 6-5-1 in COMELEC tally

    President Arroyo’s senatorial candidates edged out the Genuine Opposition in the latest results of the tally of the Commission on Elections’s National Board of Canvassers at the Philippine International Convention Center in Pasay City on Sunday.

    If the score during Saturday’s canvassing was 8-2-2 in favor of GO, Team Unity bets on Sunday bagged six spots, five for the opposition and one for an independent in the “Magic 12.”

    As of 8:42 p.m, Loren Legarda led the canvassing with 4,027,935 votes, followed by Francis “Chiz” Escudero with 3,856,332. From third to fifth place were: independent candidate Francis “Kiko” Pangilinan (3,390,322), Panfilo “Ping” Lacson (3,272,297), Benigno “Noynoy” Aquino III (3,126,969) and Manuel “Manny” Villar (3,074,792).

    The last seven spots were composed of Team Unity candidates Joker Arroyo (3,037,828), Edgardo Angara (2,970,020), Ralph Recto (2,645,025), Prospero “Butch” Pichay (2,516,228), Miguel “Migz” Zubiri (2,475,406) and Cesar Montano (2,434,286).

    TU’s Michael Defensor was at 13th place with 2,426,614 votes, followed by independent bet Gregorio “Gringo” Honasan with 2,407,825 votes.

    GO’s Alan Peter Cayetano and Antonio Trillanes IV were bumped off from their top spots. As of Saturday Cayetano and Trillanes were at eighth and ninth places, respectively.

    As of Sunday night, however, Cayetano was at 15th while Trillanes went seven notches down to 16th spot.

    ——————————————————–

    Mukhang talagang naghahanap ng away itong si Gloria.

  38. Emilio_OFW Emilio_OFW

    Tangna talaga! Balitang-balita ang ginastos ni AngTenga de Venecia nitong nakaraang halalan – aabot ng kalahating bilyong piso (Pnp500,000,000).

    Kahit na siguro magretiro ako dito sa overseas ay hindi aabot ng 1% ng halagang ginastos niya ang makukuha kong retirement benefits.

    Anak ng teteng kung gumasta, eh, tatlong buwan lang ang kampanya ng mga kandidato at nakagastos siya ng ganitong kalaking halaga upang makamit niya lamang ang pwesto.

    Ano ang kapalit ng kanyang pamamayagpag, aber?

  39. Chabeli Chabeli

    Skip,
    I read that article, too, “TU leads 6-5-1 in COMELEC tally”,
    & I agree w/ you also 500% that “Mukhang talagang naghahanap ng away itong si Gloria.” After reading that article, I must say I am now verrrrrry mad !

  40. skip skip

    Chabeli,

    Gloria is becoming more and more brazen, being emboldened everyday by what she perceives to be a general apathy among the people.

    Thus, the rally on Wednesday is a make or break one.

    If there is a sparse crowd, then we can kiss our democracy goodbye. Gloria will take it to mean that the average Filipino will not put his money where his mouth which is a signal to her to proceed with the cheating with impunity — Twelve-Zero na talaga yan.

    But if we show up in droves, if we cause a raging black tide of humanity to flood the PICC grounds, then we stand a fighting chance to foil her evil deeds.

    Panginoon, maawa ka naman sa aming mga Pilipino. Please step in and prevent this wicked woman from making a mockery of our elections. Please lift the veil of apathy that is blinding our countrymen to the nefarious activities of the Comelec. Please rouse every Filipino from their slumber and cause them to resist this evil with every ounce of their strength.

    Mga kababayan, lalaban tayo.

  41. Chabeli Chabeli

    Skip,
    Amen to your comments. Good one ! Yes, “..lalaban tayo.”

  42. From Darwin Maturan:

    Matauhan na nga sana si GMA at ang kanyang pamilya sa kanilang mga ginagawa di maganda para sa pilipinas.

    Saludo ako kay Trillanes dahil sa kanyang pinakitang lumaban para sa taong bayan.

    Ang pamilya ni GMA ang nagpapahirap lalo sa pilipinas. Hindi na talaga mababago ang Pilipinas kung ganoon na lang palagi ang gagawin ng pandaraya ng Administrasyon. Ang comelec dapat nuetral sila at hindi yung sunod sunuran sila kung ano ang sabihin ng malakanyang sunod agad ang mga gagong commissioner. Dahil ba mga tuta ang mga commissioner na yan ni GMA.

    Alam mo proud ako bilang isang pinoy dahil nakapagtrabaho ako sa isang magandang European company. Ang hindi ko lang maipagmalaki bilang isang pinoy ang gobyerno natin na walang iniisip kung di ang sarili lang hindi ang taong bayan kung paano maiahon sa hirap ang Pilipinas.

    At sana mauntog ang ulo ng mga mga comelec officials sa 3rd district ng zamboanga del norte dahil na rin sa pangdadaya ng aming magaling na congressman na si Jalosjos na nahulihan ng libo libong pekeng 500 pesos. Magkano ba ang commission ng mga commissioner na yan.

  43. Elvira Sahara Elvira Sahara

    I’m going to rock the Lord with my prayers for Righteousness!
    He NEVER sleeps! And I firmly believe He won’t forsake us who believe that what we are fighting for is for the Good and not the Evil one!
    So, please help me ROCK the LORD! Help me intercede that the GOOD may Triumph over the EVIL!!!
    Let’s FIGHT!!! ROCK the LORD!!!

  44. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    skip,
    where’d you get that news item from?

  45. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Bantay Boto special operatives should “physically isolate” known fraud operators before damage is done. I think warning is not enough. Specific action is must during critical times.

    Ex-generals: Fabricated documents product of ‘Mercury Rising’
    “Bantay Boto is appealing to the fraud operators not to push through with this plan. Do not do it. It is not worth it. We’re also serving this notice to the fraud operators and their accomplices. We know you. Our eyes and ears are tuned to you. Perpetrators will be dealt with accordingly.” Retired Navy Commodore Ismael Aparri. Excerpts Daily Tribune

  46. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Vic said: “For lack of description, I can not come up of what to call the state of the Philippine society as it stands now”.

    DE FACTO MAFIA GOVERNMENT
    There’s no rule of law in the Philippines. The Gloria Arroyo government is based on de facto on Mafia structures. It‘s riddled with corruption from grassroots level up to Malacanang Palace. Government contracts and privatization measures are manipulated in favor of cronies and close political allies. Crooks are being protected and promoted to key government post. The criminal justice system is rotten and the collapse of law enforcement. The illegitimate Arroyo government failed to deliver justice to its people and contributes to the widespread human rights violations in the country. Political killings, torture, disappearance, abduction, illegal arrest and intimidation are shades of Mafia gangland perpetuated by rogue cops and mercenary soldiers. The latest incident, a schoolhouse in Taysan, Batangas was deliberately razed by protector of the people (cops) leaving two teachers on election duty burned alive.

  47. Saan ka nakakita ng pulis na takot manghuli ng mga nakaupong mga kriminal? Onli in da Pilipins! Nakakahiya!
    Kawawang bansa!

  48. Skip: Gloria is becoming more and more brazen, being emboldened everyday by what she perceives to be a general apathy among the people.

    *****
    No, Skip, dati nang makapal ang mukha niyan. She is not becoming more and more brazen. She is most brazen, and shameless with a capital T.

    Talagang Ungas nga!

  49. Elvie:

    Dasal pa. God is listening, I know. Ako din. I’m actually fasting right now. I started yesterday at 12:30 pm. Will break my fasting at 12:30 pm Japan Time today. Next Sunday, fasting ulit ako for Trillanes, and hopefully for gratitude for God’s kindness to answer all our prayers! Salamat!

  50. rose rose

    Alam ko maraming tayong mga kahiligan sa Dios para sa sarili natin. Pero sa Wednesday, let’s pray together with all those concerned sa lahat ng sulok ng daigdig for a better Philippines under a better administration. Let’s offer all our prayers for the good of our country- the land of our birth. Alam din natin na nagdadsal din sila but for their own good namabawi nila ang kanilang ginastos (at seguro kinakalampag nila si Sta. Teresa of Avila (a doctor of the Catholic Church) na kamag-anak daw nila na tulungan sila. But we are all God’s children and He knows the best for us. Lets ask and it will be given to us, lets knock and the door will be opened for us- WEDNESDAY, MAY 23. Through the intercession of St. Teresa of Avila, dear Lord we offer our prayers and ask for your help. Your will be done.

  51. skip skip

    TonGuE-tWisTeD:

    This is the link hxxp://xxx.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=77837

    ystakei: You’re right, matagal nang makapal yang Gloria na yan. And as days wear on, mas lalo pang kumakapal.
    Not an ounce of shame on her wicked little body.

  52. skip skip

    TT:

    I got it from abs-cbnnews dot com.

    ystakei:

    You’re right. Matagal nang makapal yang babaeng yan. And as days wear on, mas lalo pang kumakapal. Not a single shred of decency in her wicked little body.

  53. parasabayan parasabayan

    When the forms (certificate of canvassing and others) were stolen from the COMOLEC, I knew then that this election will be rigged again and BIG! No matter how Abalaos says that there is no cause for alarm because he had circulated the numbers of the lost documents to all regions, I knew it will be the other way around. WE HAVE TO BE VERY ALARMEDBECAUSE THESE DOCUMENTS WILL ALL BE USED FOR THE POST ELECTION CHEATING! Abalaos has zero credibility then and now! When the certificate of canvassing came in trickles, it is brighter than the sun that the election returns are being changed. Everyone wants to have a piece of the pie. From the voters to the watchers to the canvassers ! Every single freaking one of them! This is the Philippines we know now! From the bogus president, to the last man standing, money and power are the prime commodities. Integrity has gone down the drain. Not a single iota of integrity! This is why we have to suffer so much as a country because we do not look at the big picture! We have a yardstick that is so short, maybe even none at all. This election could be a defining moment for us but with the way the results are coming, everything has been doctored. No wonder the tiyanak says that the country should accept the results of the elections! SHE ALREADY KNEW THE OUTCOME!!! She did not cheat some of the local candidates Darlene, Fr Panlilio, Mayor Binay( she will not dare!!!), Lim of Manila but for the congress( the tongressmen and the senators), she has to cheat sooo biiigggg to save her ass! She refuses to be booted out of power. She and her partner in all crimes, the oinky must have withdrawn all the over $ 500 million dollars Alan Cayetano was alledging they had in Germany to pay for all the candidacies of all their allies including buying all the votes, paying off all the watchers, canvassers and all the electoral lawyers. This is the name of the game, “HOW MUCH ARE YOU GOING TO PAY ME?” Everyone makes the money but the poor country has lost all its hope. It is weeping and crying out for help! But no one listens!!! If we find ourselves in the deepest of all troubles, it is primarily our fault! I hope that no matter how rare they may be, that there will still be a few good men out there who couldn’t be bribed and intimidated. I hope that these few men, silent they may be now, will come out in the open one day, armed will all their documents and testimonies of the overwhelming cheating operations that tiyanak and her dogs did in this May 2007 elections. Maybe I should stop following the election returns now because my blood pressure is shooting up each time I see the TUtas in the “Magic 12”! I JUST WANT TO LEAVE EVERYTHING UP TO GOD! HIS WILL WILL PREVAIL!

  54. Rose:

    You bet, I will pray to God direct in the Name of Jesus Christ together with everybody on Wednesday.

    I don’t pray to the Catholic saints because I don’t believe they have power to intercede for me. Pabayaan ko na iyong mga kurakot na baliw to pray to the Teresa of Avila.
    Wala namang power iyon sa totoo lang.

    Wala namang sinabi si Jesus Christ tungkol diyan. Malinaw naman ang sinabi niya sa mga apostles niya na prayers should be addressed to Heavenly Father and in His Name. But like you said, to each his own, kaya lang nga kung mali ang koryente hindi sisindi ang ilaw!

    In solidarity ako sa iyo at sa lahat ng bloggers ditong sukang-suka na kay Mrs. Pidal. Give me five!

  55. PSB: I JUST WANT TO LEAVE EVERYTHING UP TO GOD! HIS WILL WILL PREVAIL!
    *****

    Sinabi mo pa. Nakikita naman natin kung papaano ngayon manifested iyan! Hindi sila makakadaya diyan. Dito nga bistado namin iyong attempt to daya, pero awa naman ng Diyos hindi nila nagawa. Spiritually and everything, pinaghandaan namin ang pakikibaka sa mga dayaan ngayon. You bet, no one can thwart the Will of the Lord! Dasal lang. Learned this new terms in church—Perseverance in prayers!

  56. Valdemar Valdemar

    Lets move on to the next elections. Automation is not the solution. A modification to our manual present system will be using overhead projectors which are common to teachers.That will prevent misreadings. Better if the equipment will have a memory card. This aid wont cost much. Spares needed are the lamps only. In case of electrical failures, shift to the old method.

  57. skip skip

    parasabayan,

    Di ka mag-iisa. I too can actually feel my blood roiling and moiling inside my veins everytime I see TU bets defiling the Magic 12.

    Ngitngit na talaga ang nararamdaman ko. I was mad with Erap before but to his credit, he was never this brazen. His naivete sort of mitigated his shortcomings.

    But the feelings that Gloria stirs up in me is unspeakable. Iba itong creature na ito. She has studied everything in advance. There is a method to her madness and it freaks the bejeebers out of me. She has learned from the mistakes of Marcos and Erap and knows exactly what she has to do to stay in power.

    She knows fully well that the fatal mistake committed by both Marcos and Erap was allowing the crowd to grow into a critical mass. So she has trundled out a panoply of suppressive tools including EO 464 and PP 1017, all designed to nip any mass action in the bud.

    Such cold, calculating evil.

    But as they say, her sun has to set some time. Hindi naman araw araw Pasko para sa kanya.

    Sometimes I envy my colleagues who are blissfully unaware of what’s going on.

  58. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Skip

    I admire at saludo ako sa iyo in your comments. But with due respect, if you will just read the past postings on every thread, way way back in all Ma’m Ellen entries, except for those who are from time to time sneaking in the blog but are pakawala, I could say that most of the bloggers here are very much aware of what’s going on.

  59. skip skip

    sleeplessinmontreal:

    Oooops, my bad.

    “Colleagues” actually refers to my co-workers, my fraternity brothers, my college and highschool buddies, some of which are so unresponsive to what’s going one I am tempted to give them a little slap just to check if they’re still breathing.

    I do not in any way mean to imply that commenters in Ellenville are unaware of what’s going on. On the contrary, I find that people in Ellenville are some of the most intelligent and best-informed in the blogosphere. You guys rock.

    I am so sorry for the misunderstanding. Peace 🙂

  60. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Skip

    Thanks for the clarification. Medyo nabigla rin ata ako sa sa isang maling akala. Nakaka-tense kasi ang mga nangyayri, lalo’t itong buong araw, napakahirap pumasok dito sa blog.

    Ako rin, may konting bulilyaso sa kabilang thread. I posted the 10-2 in favor of TU pero napindot ko agad leaving the whole paragraph explaining what it’s all about. Kamuntik nang ma-heart attack sa puso si Parasabayan.

  61. Mrivera Mrivera

    @#$!#$%^&*@#$%^$%#@#$%&*(^)%$#@#!!!!!

    aaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!

    bakit po??????!!!!!!!!!!!!!!!!

    ano’ng kasalanan ng sambayanan upangn parusahan nang ganito?

  62. skip skip

    Yeah sleepless,

    I saw your 10-2 entry too and very nearly had a coronary. Haha.

    We’ve all been a quite edgy these past few days which is a good thing, I guess. To me it means that there still are enough people left who are concerned that the votes are properly counted.

    Through Ellen’s blog and the inputs of the commenters, Gloria is being made painfully aware that we are on to her. We are watching her every move, ever sleight-of-hand, every legerdemain, every attempt to fudge the results to favor her luckless bets.

    She is also being made aware that we are prepared to take to the streets once again, should her brazenness exceed our threshold.

  63. The over-all trend and Pandak knows this is 8-1-3 in favor of GO. Iyong 1 ay para sa independent tricker, si Mr. Noted. Kasalanan ni Enteng who recommended him to the electorates! 😛 Iyong tatlo swinging votes para sa
    tatlong gunggong na talagang ungas na trapo! Otherwise, it is 8-2-2 in favor pa rin sa GO!

    Trillanes is in daw dahil binoto ng mga El Shaddai. Kaya sinong may sabing sinusunod ng mga member ng El Shaddai si Mike Velarde na kung tunay na disipulo ng Diyos ay hindi mamimilit na bumoto ng gusto lang niya ang mga kasanib niya dahil ang Diyos ay hindi sasaklawan ang karapatan nating pumili ng tama sa mali, katotohanan sa kasinungalingan, kabutihan sa kasamaan!

    Kaya Mr. Abaloslos, puede ba tigilan mo na ang kalokohan mo?! Puede ba patalsikin na si Pandak!

  64. mlm18_corpuz mlm18_corpuz

    mam ellen pwede ko bang malaman sa inyo kung pang ilan na si trillanes sa senate race alalang alala talaga ako na baka magkatotoo yong sinabi ni ermita na di makapasok si trillanes sa top 12

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.