Skip to content

Bumoto at magbantay

Bukas, maaga pa, pupunta na tayo sa presinto at magboto. Mabuti na yung maaga para kung may kunting confusion man, may panahon para gumawa ng solusyon.

Sabi ni Ping Lacson kahapon sa miting de avance noong Biyernes ng gabi sa Folk Arts Theatre (ang saya doon!), pagkatapos kayo makaboto, magpahinga. Manood kayo ng sine kung gusto nyo. Sa gabi, oras ng bilangan, bumalik sa presinto at magbantay.

Tutok tayo sa canvassing. Protektahan natin ang ating boto.

Mukhang nininerbyos itong mga “Hello Garci” generals ni Arroyo sa paglakas ng kandidatura ni Antonio Trillanes IV.

Sa May 2- 4 na survey ng SWS, bilang umakyat si Trillanes sa number 16, mula sa number 24. Neck to neck na sila ni Mike Defensor at naungusan na niya si Prospero Pichay na parehong nagbuhos ng milyon-milyon na pera sa TV ads.

Ang pag-akyat ni Trillanes sa survey ay dahil sa pagbigay sa kanya ng permiso na mainterbyu sa media mula lang noong April 17.

Iba naman ang nasa-isip ni Public Works Secretary Hermogenes Ebdane. Sabi niya kaya daw umakyat sa survey si Trillanes sa survey ay dahil kinakampanya siya ng NPA.

Si Ebdane na ba ngayon at hindi si Ka Roger Rosal ang spokesman ng NPA? Bakit siya ang nagbibigay ng statement tungko sa senatorial choices ng CPP-NPA?

Pagtawanan na lang natin dahil ibig sabihin nito alam nilang malaki ang tsansa na ngayon na manalo si Trillanes. Dati kasi nang mababa sa survey si Trillanes, hindi nila pinapansin.

Sabi nga ng isang text kahapon, sa sinabi ni Ebdane, ibig sabihin noon, lahat na sektor ng Pilipinas ay sumusuporta na kay Trillanes: “Ebdane claims that the NPA’s are helping Trillanes.

“Therefore as of this day, all sectors of this society – the Christians, Muslims, the Lumads, the workers, the poor, the rich, the soldiers and now the rebels – have united to support Trillanes in his fight against the evil regime. GO, GO TRILLANES.”

Ang boto kay Trillanes ay malaking sampal kay Gloria Arroyo. Bukas, lahat-lahat tayo, sabay- sabay natin sampalin ng malakas ang pekeng pangulo.

Published inElection 2007Web Links

22 Comments

  1. Ellen, handa na ang mga bantay namin sa Japan. Dito malaki ang dagdag-bawas. Ipinababalik ni Tuason iyong 2529 votes of returned voting kits from Comelec just for Tokyo alone.

    There are 61 countries supposedly with undelivered ballots all being sent back to the Philippine Embassy/Consulate filled up by the Malacanang operators at the Comelec no doubt.

    First thing GO senators should do when they get to seat at the Senate is abolish the Comelec, and prosecute its commissioners especially the political appointee Abalos, who should be sent to prison for this grave and serious crime against the people of the Republic of the Philippines including the sins committed against them in 2004 that Ebdane, et al have recommended to be swept into oblivion. Nice try, but justice does not work that way!

    Sabi nga, “walang utang na hindi pinagbabayaran.” The time of reckoning is near. Soon, the creep will be history!

  2. Mrivera Mrivera

    bayan ko, tanghali na!
    imulat na ang iyong mga mata,
    sa nagdudumilat na katiwalian
    ikaw sana’y tumanggi na
    oras na upang ngayon ay umalma
    ang mga alagad ng mapagkunwari
    itapon na sa basura!

    igalang mo at pangalagaan
    kaisaisa mong karapatan
    upang pumili ng sa iyo
    ay mag-aakay sa katiwasayan
    iwaksi ang sa dangal mo’y
    yumuyurak nang lubusan!

  3. tainga.kawali tainga.kawali

    Nararapat lamang na bantayan ang ating boto
    Baka masingitan tayo ng mga mapagsamantala
    Mapa-GO or TU man ay maaaring mandaya
    Kaya tayo’y magpuyat para sa inang bansa.

  4. tainga.kawali tainga.kawali

    Wag hayaang pag-iisip mo’y mabrainwash
    ng mga mapagsamantala,
    Kundi gamitin ang karunungan at sundin
    ang nararapat;
    Pagboto ng straight sa GO or TU
    ay hindi wise desisyon;
    Bagkus isang pagkakamaling
    pagsisisihan balang araw.

    Kaya atin lamang iboto ang karapat-dapat
    mapa-GO man, or Team Unity pa;
    Kung mag-alaga ka man ng TU(ta)
    siguraduhing hindi sya gung(GO)ng.

    Baw.

  5. chi chi

    And I say “Think again” before NOT voting for Trillanes.

  6. From Alan Ong:

    Naniniwala ako na si Mr. Trillanes possesses good leadership.

  7. chi chi

    Ellen,

    Tama nga na noong mababa sa survey si Trillanes ay pinagtatawanan lang nila at no paki ang pekeng administrasyon. Ngayon na biglang nag-jump sa survey ay nagpapakawala na ng lahat ng uri ng pananakot at paninira para lang mahadlangang ang napipintong panalo ni Trillanes. Nasaan ang patas na laban diyan?

    Oopps, wala nga pala sa bokabularyo ni Blinky at Oinky ang patas na labanan!

  8. chi chi

    Trillanes jump from 24 to 16 in the recent SWS survey is already a repudiation of Gloria Makapal Arrovo Pidal!

  9. Now, that the GO candidates are getting good points in the SWS survey, sabi ni Pandak, trending daw ang SWS. E sila kaya? Hindi ba sila ang nag-umpisa ng survey-survey na ito that in fact should not be the basis even for the cheating that Abalos and Company plans to do according to some tall order from the palace by the murky river. Wala silang naloloko, I guess.

  10. Mrivera Mrivera

    tengang kawali,

    wala ni isa sa mga tuta ng amo mong si gloria ang mapagkakatiwalaan ng taong bayan! ang hinabol lang ng karamihan sa kanila ay ‘yung daang milyong iniaalok na pondo para sa kampanya.

  11. zen2 zen2

    sinasabi ng wala ng pag-asa pang magbago at walang kapantay na A-1 korap na Comelec Chair Abalos, na aabutin daw ng dalawang (2) linggo ang pagbibilang sa resulta ng botohan para sa pagka-senador !!

    at walang gagawing proklamasyon na mas maaga sa loob ng panahong ito. malupit pa sa grabe ang kabalbalan ng mamang ito, 2 weeks magbabantay ang mga botante ?!!

    meron parallel count na gagawin ang NAMFREL, gaya ng 2004. pero hindi na gagawin sa RFM HQ ni JoeCon (isa pang ungas), kundi duon naman sa lugar ng kapartido at kaibigan ni NSA Goonzales na si Fr. R. Intengan, sa Ateneo ng Loyola.

    naku, tanda ng lahat, bukod sa dalawang tulisan na ito, eto din yung eskwela ni IpDyi, Nograles, at JDV.

    naloko na. mga modernong tulisan ang magbabantay; kundi naka-abito, naka-‘Mercana naman. tsk, tsk.

    IBAGSAK ang SABWATANG COMELEC AT NAMFREL !!

  12. zen2 zen2

    sina National Security Adviser Norberto Goonzales at Fr. Romeo Intengan, S.J. ang orihinal founder ng PDSP–ang partidong kasangga ng partido ng impostor na presidente, ng KAMPI.

    si Intengan, ang provincial superior ng Society of Judas, este, of Jesus, nuong nakaraan.

    draw your own conclusion, he he he…

  13. tainga.kawali tainga.kawali

    Sir/Ma’am Mrivera:

    Hindi ko po amo si GMA, kung nagbabasa po kayo ng mga previous posts ko, malalaman mo kung ano prinsipyo meron ako… I am my own man…. sa biyaya ng Panginoon kumikita po ako sa marangal na paraan. I am an OFW but I dont blame the government kung bakit kailangan ko malayo sa bansa… hindi dahil sa kailangan but this is my choice…

    Ako po ay para sa mga karapat-dapat ihalal… kesehodang TU or GO pa sila. Wag po tayong pauto sa sulsol ng ibang tao… magkaroon po tayo ng tamang karunungan sa pagboto… ang pagboto ng straight sa GO ay hindi mabuting kasagutan para mabago ang ating inang bayan. Wag galit ang pairalin… at wag po tayong maging pikon at mapang-usig ng kapwa…

  14. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    To: tainga.kawali
    Ang pag-boto ng straight sa GO-UNO at isang sampal o pukpok sa ulo ni Gloriang Tiyanak. Hindi maganda ang tutang kongereso o rubber stamp congress.

  15. chi chi

    OK Ka Diego,

    Malapit ko ng padapuan ng mag-asawang sampal at pukpok pa sa ulo, kasama ang magpinsang sipa at tadyak si Gloriang Tianak!

  16. Hindi lang si Gloriang Pandak, Chi, isama mo na ang nanggugulong mga Internet Brigader niya. Kapag pumasok dito siguradong naba-block ang mga bloggers dito. Ang tindi ng yabang ng mga ungas. Gusto pang pangunahan ng mga bait ang mga nagba-blog dito. ‘Lol talaga! :-

  17. tainga.kawali tainga.kawali

    Sir Diego K. Guerrero:

    Kahit sampalin mo at pukpukin mo man si Arroyo… hindi pa rin mapupuknat yun. sabi nyo nga kapit tuko sya sa posisyon nya.

    eh di, tanggap nyo rin pala na meron ding bad eggs sa GO, ba’t nyo pa sila iboboto lahat? dahil gusto nyong makaganti kay arroyo? yun lang ang mahalaga sa inyo.

    Hindi maitatama ng isa pang pagkakamali ang isang pagkakamali.

    Wag nating sayangin ang ating boto…. hanggat may oras pa, iboto po lamang natin ang karapat-dapat…

  18. Mrivera Mrivera

    tengang kawali says: “Hindi ko po amo si GMA, kung nagbabasa po kayo ng mga previous posts ko, malalaman mo kung ano prinsipyo meron ako… I am my own man….”

    meron ng dating ganyan dito. ang galing ng mga binibitiwang hindi kiling kay gloria. ang pagkakaiba nga lamang sa iyo, ikaw ay padaplis daplis lamang subalit naroon pa rin ang kagustuhan mong manatili si gloria sa puwesto sa pagboto sa mga tutang magiging kasangkapan muli upang lalo pa siyang mamayagpag at tuluyang mabuwag ang senado tungo sa habang panahon niyang pamamalagi sa malakanyang!

    mahirap ang ganyang katwiran dahil lalo lamang mababaon sa kumunoy ng katiwalian ang pilipinas kung magpapatuloy ang pamumuno ng madarayang siunngaling.

  19. tainga.kawali tainga.kawali

    Sir Mrivera:

    Dahil hindi po gawain ang mang-kutya ng kapwa… ngayon kung iyan ang opinyon mo bahala po kayo…. basta ako hindi magpapadala sa galit … at sa sulsol ng kahit na sinong mga manggagatong.

  20. Mrivera Mrivera

    tengang kawali,

    promise, hindi ako nadadala ng galit lang. ang pinagbabatayan ko ay ang mismong kasalukuyang kaganapan mula pa noong kaunaunahang sandali na linlangin ni gloria arroyo ang buong sambayanan.

    at wala akong kinukutyang tao dahil hindi ako perpekto. isa lamang akong karaniwang juan na nagbabanat ng buto dito sa gitna ng mala-impiyernong disyerto upang ang pamilya’y mabuhay.

  21. tainga.kawali tainga.kawali

    mabuti naman po kung ganun. salamat po.

  22. Valdemar Valdemar

    In my precinct cluster aas of 6 PM counting, opposition bets are leading with the independents and a few bobbing yet admin candidates. Trillanes is in the magic 10. I heard also reports elsewhere and they follow this trend.

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.