Skip to content

Desperado

Napaka-garapal ang nangyari sa Makati noong Biyernes. Marami tuloy ang nagtatanong kung sino ang conductor o nagkukumpas.

Noong Biyernes ng mga 8 ng gabi, dumating si Local Government Secretary Marius Corpuz sa Makati City Hall at nagdeliver ng 90-day suspension order kay Binay. Order daw Ni Ombudsman Merceditas Gutierrez, ang kaklase ni Mike Arroyo.

Ito pa rin ang kaso ng sinasabi nilang ghost employees daw ni Binay. Maala-ala natin na ito ang ginamit nila noong Oktubre para alisin si Binay sa Makati ngunit hindi umubra dahil nag-people power ang mga tao sa Makati. Nang malaman nilang hindi aatras si Binay at mukhang lalaki pa ang rally, umatras sila.

Ngunit mukhang desperado talaga silang makuha ang Makati. Dahil hindi nila makuha sa legal na paraan, brasuhan na lang. Hindi lang pala brasuhan. Bastusan.

Itong si Corpuz ay mahilig sa madilim na operation. Maala-ala natin ganun rin ang ginawa niya nang nilipat niya si Lance Corporal Daniel Smith, ang Amerikanong na-convict ng rape sa Subic. Hatinggabi inalis si Smith at nilipat sa US Embassy.

Alam ng lahat na ang atat na atat talaga matanggal si Binay sa Makati ay ang mag-asawang Arroyo, lalo na si Mike Arroyo. Bakit ba gustong-gusto nila ang Makati?

Unang-una, mayaman ang Makati. Bilyon-bilyon ang kinikita ng Makati dahil nandoon ang malalaking negosyo. Financial center ng bansa ang Makati .

Pangalawa, sa Makati lamang malayang maka-pagrally ang mga taong naglalakas loob magpahayag ng sama ng loob sa administrasyon. Kapag sa manila, pinagpu-pukpuk ng batuta at hinu-hose ng tubig mula sa firetruck.

Ang isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Mike Arroyo ay si Efraim Genuino. Kaya naman linagay si Genuino bilang chairman ng Pagcor, ang isang gatasan ng administrasyon.

Dalawang anak ni Genuino ang kandidato ngayong eleksyon sa pangalawang distrito ng Makati. Si Erwin ay bilang congressman sa at si Anthony naman ay bilang councilor. Kung kaya lang nila siguro bumangga kay Binay bilang mayor, ginawa nila yun. Kaya lang alam nilang wala silang panalo kay Binay.
Kaya kinuha nila si Lito Lapid na mukhang hindi ginaganahan mangampanya. Ang dalang din ng mga poster. Alam naman ni Lapid matatalo, bakit naman niya gagastusin ang binigay sa kanya.

Ang tingin ko operasyon ito ni Genuino kasabwat ang iba pang mga desperado na galamay ng mga Arroyo katulad nina DILG secretary Ropnaldo Puno. Walang silang paki-alam sa batas. Ang sa kanila ay maagaw at manatili sa kapangyarihan.

Papapayagan ba sila ng taumbayan?

Published inElection 2007Web Links

34 Comments

  1. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Current literature indicates that desperado is derived from the spanish term desesperado which means a person with no hope.

    Desperado na si Mrs. Gloria Arroyo ngunit ang mga galamay ang inuutusang gumawa ng mga kabalbalan. Kunyari wala syang alam. Buking na ang ganyang gimik.

    Desperados. Walang pag-asang hinihintay ang mga pakawala ni Mr. & Mrs. Gloria Arroyo sa Makati. Hilong talilong at litong lito si Lapid. Kahit bumabaha ang perang galing sa PAGCOR sa pamamagitan ni Genuino, genuine opposition ang nasa puso ng masa. Nawawala na sa sarili ang mga alipores at hindi na mapagwasto kung ano dapat gawin upang itumba si Mayor Binay at mga oposisyon.

    Hindi totoong si Mike A saw the light kaya iniurong ang libel suit sa mga journalists. Paek-ek lamang yon. Katulad ng magkukumonyon daw sa araw-araw. Bakit araw-araw? Sapagkat 24 oras na gumagawa ng kasalanan, yan ang katotohanan!

  2. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Si Genuino na nga raw ang presidente ng Pilipinas ngayon. Sabi ni Teddy Boy Locsin. Noon ko pa sinasabi na alam ng mga brokers ng real estate sa Makati na si Genuino ang bumili ng bahay para kay Lito Lapid sa Magallanes Village para sa residency requirement sa pagkandidato ni Lito.

    Si Genuino rin ang namumuhunan sa pagtakbo ng mga kalaban ni Peewee sa Pasay. Malamang sa Parañaque rin. Masyadong malaking kwarta kasi ang gugugulin (at kukupitin) para sa Gambler’s Paradise na itatayo sa reclamation baka umabot pa sa Maynila.

    Matagal na ring ibinubulong na iniimbestigahan iyan ng Anti-Money Laundering Council dahil ang balita, nangungumisyon siya sa perang nililinis sa pamamagitan ng casino pero mukhang walang nangyayari. Binabantayan na nga raw iyan ng Hong Kong at Australia.

    Kawawa rin iyang si Genuino pag wala na si Gloria sa kapangyarihan. Kaya hindi ako naniniwalang bababa iyan sa 2010! Konti na lang ang pagpipiliang paraan para mapigilan iyan: Ilaglag lahat ng kandidato ni Gloria lalo na sa Kongreso.

    O rebolusyon.

    —–

    Bawal ang mga TUTA sa munisipyo, sa kongreso, sa senado. Dapat sa kanila, ikinakadena, ikinukulong! Itodo na ninyo, GO! GO! GO!

  3. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Desperado na kaya bastusan na! Read Conrado de Quiros’ column at the Inquirer which says in part:

    “This government will cheat not just on election day, it is cheating right now. It is cheating in every way that it is possible to cheat. If it cannot beat you by spending massively, it will steal your votes. If it cannot beat you by stealing your votes, it will oust you from the raceóor from office after you win. If it cannot oust you, it will kill you. All three are happening at this very moment, even as we speak. One is tempted to say this is the worst election in this country ever.”

  4. But it begs the question “Why do we allow this evil woman and her administration to get away with these blatent acts against the Filipino”?
    Is it because we don’t care or worse so stupid to allow them to get away with it for so long – six wholw years!

  5. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Kapag desperado na, malamang mauwi sa pagkaloko as how Billy Esposo of Philippine Star described the act of desperation by Mrs. Gloria Arroyo. Kapag nagka windang-windang (ang sitwasyon at pag-iisip), it may lead to NO ELECTION on May 14. Here’s what he said:

    “Actions against Robredo and Binay reek of desperate measures that result from desperate situations. To avoid impending defeat, the Arroyo regime may be attempting to provoke reactions from an enraged citizenry that will justify canceling the elections. Thus, the political objective goes beyond the cities of Naga and Makati and has everything to do with Madame Arroyo’s obsession to retain power at all costs.

    What we may be seeing is the graduation of the Arroyo regime’s climate of impunity to a climate of insanity.”

  6. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    I’m glad to be home not only to vote but also to campaign as a volunteer for Trillanes. Maliit lamang ang aming kampanya, sarili namin ang gastos but we are happy to do our share. It’s our saying, hindi pa tayo desperado, we care for our country and I believe, lahat naman tayo. Maging nasa abroad o nandito sa Pilipinas. Kanya-kanya lamang ng pamamaraan.

    I’m off to our campaign sorties again and maybe I will not have time anymore to comment or give account on what’s happening in the campaign trail. Just please pray for us. Thanks.

  7. chi chi

    Salamat, Sleepless.
    Maswerte itong si Trillanes sa mga volunteers campaigning for him.

    Si Binay pala ang topic.

    Nagpipilit si Blinky Tianak na mapasakanya ang Makati dahil ang panalo ni Mayor Binay sa most important business district ng Pinas ay nangangahulugan na hindi siya tatagal hanggang 2010!

    Makati ang kanilang target dahil nandun ang pera, pero hindi sila magtatagumpay kahit anong gawin nila dahil ang mga residente ng Makati ay palaging nakahandang magtanggol sa kanilang lungsod.

    Kung dito magsisimula ang himagsikan upang putulin ang katarantaduhan ng mga Pidal, tiyak na magiging isang malaking tagumpay. Kasi, ang mga taga-Pasay ay kadaling “umakyat lang sa bakod, di ba Tongue? Ang San Juan naman ay kalapit din at tatakbuhin lang ang Makati. Sus, talo kaagad si Blinky at Oinky! Kaya kapag papatulan na sila ng mga taga-Makati ay walang preno sa pag-atras! Bahag ang buntot ng mga demonyong ito!

  8. cocoy cocoy

    Chi;
    Tama ang analysis mo na hindi kaya ng Malacanang ang Makati,dahil self supporting sila.Mabubuhay ang makati ng walang kukunin pera sa kaban ng bayan.Alam ko iyan dahil tumira ako d’yan at hangga ngayon iyong titirhan ko ay nakatayo pa at napaligiran na nga skycrappers sa may Buendia.
    Sa Makati nagsimula ang confeti ng Phone book.Si Binay matanpang iyan,kilala ko iyan dahil classmate ng utol ko at best friend niya sa UP ng nag-aaral pa sila,na meet ko na iyan ipinakilala sa akin ni utol noon.

  9. rose rose

    Puede pa ba macancel ang Election- kahit na ilang araw na lamang? By declaring martial law would it cancel it? Sa tingin ko do or die na ito in both sides. Walang puso ang mga ito at kung mayroon man- napakaitim at ang nakita ni Mike na “light” ay yong apoy sa infierno at yon ang kinatakutan niya kasi hindi lang siya maging well done na litson kundi cremated pa. At itong si Corpuz may pagka aswang ano? sa hating gabi tumitirada. DEAR GOD, PLEASE SAVE THE PHILIPPINES.

  10. chi chi

    Rose,

    Si Corpuz ang assistant vampire ni Blinky Tianak, hindi maka-aksyon ng may sinag araw!

    Napasubo na sa eleksyon ang Tianak at kung magdedeklara siya ng martial law ay napakalaking kahihiyan sa international audience, lalo na sa kanyang Uncle Sam. Pero dahil sa desperada, pwede siyang manakot ng martial law, yun ay kung meron pang matatakot sa kanya! Kapag ‘yan ay kanyang ginawa, palagay ko ay mas lalong madadali ang kanyang pag-eskierda sa EK. This time, she’ll exit as fast as she can, even Assperon won’t be of any help to her because he’ll be castrated by the people.

    Ang tingin ko, kaya ginagawa ng kanyang mga kampon ng kadiliman ang kabastusan kay Mayor Binay ay ito talaga ang kanilang kinatatakutan dahil hindi ipagpapalit ng mga businessmen si Binay kay Lapid. Si Binay rin ang lumalabas na pinakamalakas na pwersa laban kay Glueria at posibleng maging sentro ng pwersa ng masa.

    Ginamit na ni Tianak lahat ng kanyang aces (mga tanga nga lang) para takutin si Binay. Ang labas ay sila ang natakot! Iyan ang sinasabing puro amba lang!

  11. Binay: Let’s turn polls into referendum on Gloria
    *****

    Dapat lang. Yes, let the election be a referendum on the criminal, who should be brought to justice for crimes committed against the Filipino people. All they have to do there in fact is implement and follow the law!

  12. Sleepless:

    Iyan ang tunay na initiative. I’m glad that Sonny Trillanes joined the campaign and is proving that election need not be that expensive and a candidate can win through the initiative of voters themselves. Iyan ang tunay na kandidato ng bayan, tunay na bayani ng bayan!!! Inggit lang nila kay Trillanes kapag naupo iyan without daya!

    He has started a trend, even an election by the people, of the people and for the people! Mabuhay ka, Trillanes!

  13. parasabayan parasabayan

    Talagang desperadong despaerado na ang mga inutil. Akala ni tiyanak makukuha sa pera at kapangyarihan ang lahat. Maling mali siya. May kapangyarihan ang pagkakaisa. Kung lahat ng kontra kay blinky tiyanak ay magkaisa ngayong elekyon, talong talo ang bruha. Ngayon pa lang may mga nagrereklamo na mga sundalo tungkol sa puwersahang pagboto ng TU, mando si Assperon at Tolentino. Talaga naman! Tapos lahat ng mga kontra partido sa malalaking siudad ay ginigipit niya para ang kanyang mga tuta ang pupwesto para tuloy ang ligaya niya. Hoy BALIW, hindi ka na magtatagumpay ngayon! Gising na ang mga tao. Hindi mo na sila mauuto uto. Ang mga sundalo hindi mo na rin magagantso. Hindi rin lahat sa comelec ay “comocollect”. Hindi lahat ng taong binabayaran mo ay buboto sa mga manok mo. Kaya dapat talagang maging DESPERADO ka na! Malapit na ang katapusan mo haling!

  14. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Desperate to remain in power, Gloria Arroyo and her cohorts’ cheating machinery is rolling as planned. It will be worst than 2004 massive electoral fraud.

    Ex-cops, soldiers bare poll fraud plan ‘Mercury Rising’

    At least 12 “areas of cheating,” including five provinces in Mindanao and four in Visayas, will be the centers of “massive fraud” that may affect some 14.7 million votes on Election Day.
    This was the claim of a group of retired police and military officials, which claimed to expose the existence of a cheating plan dubbed “Oplan Mercury Rising.”
    “Intelligence reports reveal the existence of ‘Oplan Mercury Rising.’ The operational plan has identified (12) specific areas where massive election fraud will be committed,” the group, which calls itself “Bantay Boto,” said in a statement.
    .gmanews.tv/story/41387/Ex-cops-soldiers-bare-poll-fraud-plan-Mercury-Rising

  15. Sabi nga ni Binay, “this election is going to be a referendum!!!”

    In 90 days, we will know if there is going to be a revolution in the Philippines. Hopefully, citizens of NZ, Australia and Rome will protest against this criminal visiting their country. In Japan, I know there are lots of Japanese planning a big demonstration when she comes even when the Filipinos want to try eating at posh Imperial Hotel in downtown Tokyo lalo na kung palagi naman ang pilipinong nasa kitchen ng mga amo nila, or dancing their way at night like a taxi dancer!

  16. Mrivera Mrivera

    ano pa ba ang maitatawag sa mga kapalpakan ni gloria tomadora? pero meron pang mas katanggap tangap na maaaring maibansag sa kanya sa halip na DESPERADO.

    ulol na ulol.

    ‘yan ang mas bagay sa kanya!

  17. Mrivera Mrivera

    sleeplessinmontreal Says: “I’m glad to be home not only to vote but also to campaign as a volunteer for Trillanes. Maliit lamang ang aming kampanya, sarili namin ang gastos but we are happy to do our share. It’s our saying, hindi pa tayo desperado, we care for our country and I believe, lahat naman tayo. Maging nasa abroad o nandito sa Pilipinas. Kanya-kanya lamang ng pamamaraan. ”

    sleepless,

    ingat palagi, iha. remember palagi, we ol lab yu!

    mabuhay ka!

  18. Mrivera Mrivera

    aba naman, sinungAling gloria
    lahat ng kabulaanan ay nasabi mo na
    ang buhangin sa dagat ay nilubid mo pa
    wala ka pa ring pagkasawa, wala ka ring pagtitika
    sa kapal ng iyong balat, bato na pati ang iyong mukha.

    pagkakaisa ang iyong laging sinasabi, sinasambit,
    kapit kamay sa pagsulong sa ginhawang ninanais
    sa pag-asam ng pag-angat samasama, kapit bisig
    walang maiiwan sa ibaba aakayin sa pagpanhik
    sa hagdan ng ginhawa, sa luwalhati nitong tamis.

    sinasabi mo’ng ekonomiya’y gumaganda’t umaangat
    animo’y kwitis ang pag-imbulog, sa pagsulong at pagtaas
    ngunit bakit sa paligid pagmasdan mo at nagkalat
    kayrami pa ring naghihikahos gumagapang sa hirap
    meron pang sa gutom ay namamatay na nang dilat.

    oo nga pala, nakalimutan ko, ang sabi mo’y dahan dahan
    hindi agad madarama ginhawang dulot di biglaan
    pagkat kayong nasa poder ang unang magtatampisaw
    kayo ang laging nangunguna sa pagtamasa ng kasarapan
    habang nakanganga ang sambayanang walang sawa mong nililinlang!

  19. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Desperado…sa psychology …one step to INSANITY!

    Desperado…sa mga tubong-Mindanao…iyan ang NAG-HUHURAMENTADO!

    Desperado….kung sa mga ASO…naglalaway at humahara na…Ulol na nga!

    Desperado…. iyan ay sina Blinky at Oinky (thanks Chi)

    Kaya…mga kababayan, MAG-INGAT TAYO!!!

    LET’S GO! GO! GO!!!

  20. Elvira Sahara Elvira Sahara

    P.S.

    Desperado…sa Pidalista regime(Babuyan)…iyan ang nililitson ng malutong!
    Tama ka Ellen na magkasabwat silang lahat…from Arroyo to Genuino to Puno down to Corpuz. Itong si Corpuz ang ginagawa nilang “tig” , ang magsasagawa sa krimen. Pag napalpak, deny silang lahat. Wala raw alam..etc..etc..That’s where Bunyeta comes in as Arroyo’s denial man! Talagang mga “SELFISH” sila. Sabi ng isang Pinay dito, mild ang word na selfish…GANID daw ang right term d’yan. Gagawin talaga nila ang lahat, come what may, just to stay in power!
    Mr. de Quiros’ sharp opinion is something to reckon with. This man is telling us exactly like it is. BASTUSAN na talaga ang ginagawa ni Tianak sa mga Pilipino! Seconded pa ni William Esposo! Not to mention that you’re always there Ellen, watching their steps…We’re lucky to have you guys!.. On the people’s side…dapat matuto tayong lumaban sa kanila! Kung bastusan di, bastusan din! Prayer at Action should go together! Abaw ah, patay kon patay…tutal bastos
    sila!

  21. Mrivera Mrivera

    please allow this in full:

    Pandaraya rin iyan!

    Amado Macasaet

    Sa hangad na makuha ang boto ng kanyang mga kandidato, nangako si GMA na lahat daw ng boboto sa Team Unity ay bibigyan ng tax exemption. Malaking kalokohan. Labag sa batas. Pandaraya.

    http://www.abante.com.ph/issue/may0707/main.htm

  22. paquito paquito

    Si Sec. Puno? Si Marius Corpus? Mga TUTA pa rin yan ng demonyo sa Malakanyang. Sino bang maniniwala sa mga bayarang yan, mahiya kayo sa mga anak nyo. Lahat ginagawa nyo para makuha nyo ang Makati, tulad ng ginawa nyo sa Pasay, tulad ng ginawa nyo sa iloilo. Sa madaling salita kapag oposisyon kalaban nyo. Bakit si Gov. Sanches ng Batangas walang nangyari sa reklamo ni Vice Gov. Recto? Kasi kapartido. Kaming mga maliliit na mamamayan konti man ang kaalaman namin ay hindi nyo kami kayang ululin kaya kung gagawin nyo Puno/Corpus/Guttierez ang utos ng demonyo sa malakanyang buong bayan sasama kay Mayor Binay. TANDAAN NYO YAN mga TUTA.

  23. Mrivera Mrivera

    GMA pleads to LGUs: Don’t desert TU

    05/08/2007

    President Arroyo yesterday gave a marching order to all her allies in the local government units (LGUs): Do not abandon Team Unity (TU) at this crucial period of the election campaign.

    TU campaign manager Ben Evardone, during an interview, said the order was given by the Chief Executive in a meeting in Malacañang between her and mostly mayors and governors.

    http://www.tribune.net.ph/headlines/20070508hed4.html

    sobrang pakikialam ng isang baliw sa hindi niya dapat pakialaman!

    takot na takot!

  24. rose rose

    Mrivera: Tax-exemptions? With conditions? only to those who will vote for TU? Can a President proclaim an Executive Order for this? Tax laws are laws and can not be an executive order. I wonder what Jo Jo Bunag has to say on this. He is the BIR Comm. who I understand is an honest person- at hindi nagpapayaman. Alam ng mga taga Infanta, Quezon ito. Wari ko hindi papayag si Bunag dito. Tunto gid matuod- kag nag-umang umang ron ang presidente- peke kasi. BTW- is it true that Joker A. is complaining of these tactics- kasi affectado ang kanilang campaign for a straight victory. Matalo sana kayo lahat mga ASO AT TUTA-and the Joke will be on you Joker.

  25. From Toni Barbers:

    Ako po ay isang OFW dito sa Macau at residente ng Makati.
    Gusto ko lang pong magkumento tungkol sa nangyayari sa Makati. Halatang halata nga po ang panggigipit kay Binay ng Gobyerno, kaya po bilang taga Makati na nagmamahal sa aming alkalde, kami po ay nagpapasalamat sa inyong peyodista na nagbabantay at nagbabalita sa amin na sa ganon ay lalong magbabantay ang bayan ng makati sa gagawing hakbang na pandaraya ng administrasyong Arroyo.

    Isa lang ang masasabi ko, kahit si Gloria Arroyo pa ang tumakbo sa Makati,wala siyang panalo kay Mayor Binay.

  26. Galing kay Fernandez Guevarra:

    Pabor po ako sa sinasabi nyo sa inyong column nagyon araw May 8, 2007.

    Tulad po naman nyang si Lito Lapid, wala ngang nagwa sa Senado tapos naman ngayon gustong hawakan ang Makati mapagbigyan lang ang gusto ng pamilya Arroyo. Ano ba naman yan?

    Dapat kasi kay Lito mag tambling na lang baka purihin pa sya ng taong bayan.

    Wala akong kinikilingan dahil di ko rin kilala si Mayor Binay ang alam ko lang isa pa lang akong paslit ay Binay nayan at sa ngayon ako’y nagtatrabaho na dito sa Saudi Binay pa rin. Papano nila aagawan ng pwesto?

    Ibig lang sabihin maganda ang pasunod niya sa kanyang bayan, at saan ka nakakita ng mga sa nasasakupan mo ay sa isang magandang pribadong hospital ay libre mag pagamot di ba? kaya kung ako ang tatanungin Binay pa rin ako.

  27. Emilio_OFW Emilio_OFW

    Lahat ng mga galaw at sinasabi ni Blinky Tiyanak ay nagpapatunay na siya ay talagang nasa “Panic Mode” na!

    Sige huwag natin lubayan ang pagkumbinsi at paghimok sa ating mga kaibigan at kamag-anak na iboto ang lahat ng 11 Genuine Opposition candidates at ang pang-12 ay mamili sa mga kandidato ng Kapatiran Party.

    Anim na araw na lang…

    Patunayan natin na ang taong-bayan ang nanalo at hindi si Blinky Tiyanak at Oinky IpDye.

  28. Sampot Sampot

    “The only Lapid Makati knows is chicharon. The only wonder is why the owners of that famous product, which guarantees to not make you old, have not applied for an injunction for Lito to be forced to change his surname.” – ‘Bastusan na’ By Conrado de Quiros

  29. BOB BOB

    Kung sila Glueria at mga tuta niya ay Desperado na….mas lalong Desperado na ang sambayanan, kaya mag-ingat sila at talagang wala nang makaka-awat sa sambayanan pag nag-alsa…..kung sakaling magkaganoon…suggestion ko lang ..duon sila lahat dalhin sa Ilocos Sur…sa BALUARTE ni chavit, malaki laki rin iyong lugar , kasya silang lahat na magnanakaw duon….

  30. paquito paquito

    Wala na talagang patutunguhan ang pekeng gobyernong ito—ang gobyernong ito punong-puno ng kuryente, laban-bawi tulad nga nitong kay Mayor Binay at tulad din ng mga Journalist na inakusahan ng libel ni Jose Pidal. Nangangahulugan lamang ito na talagang demonyo ang nasa Malakanyang. Hanggang kailan ba tayo magtitiis sa pekeng pangulo na ito. Simula nong manakaw nya ang poder sa panguluhan meron ba kayo natatandaan na nagawa nya sa sambayanan? WALA!!!!!! Puro anomalya, pagnanakaw, pandaraya, pagsisinungaling, pananakot. Nandyan pa ang HELLO GARCI, JOSE PIDAL, FERTILIZER FUND, PAGCOR, PANDARAYA KAY fpj NI GLORIA at lahat na yata ng anomalya at ka-demonyohan ay na kay Gloria na.Ito ba ang gobyerno na gusto mo? Kung ayaw mo nito kumilos na tayo at tandaan natin ang lahat ng taong nasa likod ni Gloria Pidal.
    Hanggang kailan ba tayo makakatagpo ng mga pilipino na tunay na maglilingkod sa sambayanan.

  31. Kailan Paquito? Kapag naboto si Sonny Trillanes! At least, ang utang na loob niya ay sa taumbayan, who are campaigning for him!

  32. cocoy cocoy

    Ystakei;
    People are silently campaigning for Trillanes,not because he is a repressive victim,but, because people believe in him.Trillanes won’t owe anything to the volunters but,he need to pay his gratitude to serve our country honestly and stand for the weak and fight their human rights and interest that’s all.People are helping him from their hearts without letting him know.Just consider a Good Samaritan picked him up and guide him to his journey.My people is campaigning for him secretly and they have a good results.He will win!

  33. Valdemar Valdemar

    Lets look at the rosy face of progress we are enjoying as a desperate consequence of the Binay and other administration bloopers. Our peso gets stronger in spite of the influx of election money. Hospitals and funeral parlors are hitting it big, and gunrunners, too. Employment of political security both above board and otherwise has perked up. Local throngs and military pasters and rippers compete for spaces over each other. So many work and wages for the taking.

    Scoops of political mishaps compete with political ads. We find intelligent “analysts” among expatriates, too, their voices clearly heard out of harms way like Rizal writing when abroad. They all lend us the courage and guts to go on fighting an oppressive government.

    Gee, I have collected more than enough tarpaulins to cover my workshop tables and to shut out the rain when it comes.

    Desperados? Nice!

Leave a Reply