Makunsyensa dapat si Gloria Arroyo at ang kanyang mga utak pulbura na mga galamay na sina AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon at Gen (ret.). Jovito Palparan sa nangyari sa Bocaue Bulacan noong isang araw kung saan namatay ang isang sundalo.
Magkakaiba ang bersyon ng nangyari,depende kung sino ang pakinggan mo ngunit ang klaro may napatay na sundalo. Si Cpl. Leonardo Pataray, 34 taong gulang.
Si Pataray ay kasama sa grupo na nagdidikit daw ng posters ng Bantay party list ni Palparan. Nakasagupa nila ang grupo dating Bocaue Mayor Eduardo (Jon-jon) Villanueva, Jr., anak ni Bro. Eddie Villanueva ng Jesus is Lord Movement.
Tumatakbo si Jon-jon Villanueva na mayor ulit ng Bocaue.
Ayon sa bersyon ng Jesus is Lord (JIL) , mga 1:45 ng umaga raw, nakita raw ng mga tauhan ni Villanueva na tinatakpan ang kanilang posters ng mga posters ng Bantay, ang partylist ni Palparan. Nagkasagutan ang nagbarilan.
Ito naman ang bersyon ni Lt. Col. Gerard Velez, commander ng 3rd Infantry Batallion:
Mga 8 ng gabi raw, pinapunta raw niya ang kanyang team na kinabibilangan ng 12 sundalo para imbestigahan ang report na many New People’s Army raw na namataan doon. Ang dalawa ay nakasakay sa motorsiklo at ang iba ay nasa Mitsubishi L-300 van.
Negative raw ang tip kaya bumalik na sila. Pagdating raw sa barangay Bunlo, pinapahinto raw sila ng mga armadong lalaking naka-sibilyan ang damit. Hindi sila huminto kaya sila pinaputukan.
Mukha yatang mahirap paniwalaan ang kuwento ni Col. Velez dahil hindi naka-uniporme ang mga sundalo. Kung nasa misyon sila, bakit nakadamit-sibilyan?
Sabi rin ni Central Luzon Police Director Chief Supt. Ismael Rafanan, mahirap tanggapin ang sinasabi ng mga sundalo na opisyal misyon sila kasi maliban sa hindi sila naka-uniporme, wala naman silang pruweba na deputized sila ng Comelec.
May mission order man o wala, ang mga sundalo naman ay sumusunod lang yun sa utos. Hindi naman sila magkakabit ng poster ng partido ni Palparan kung hindi sila inutusan. At sino ba ang mag-utos sa kanila kungdi ang mga matataas na opisyal.
Maraming mga sundalo ang mga nagsusumbong na may order mula sa taas na siguraduhin nilang mananalo ang Bantay ni Palpara, Anad at Aksa ni Norberto Gonzalez. Ang tatlong partylist na yan ay utak pulbura. Ang paningin nila sa mga taong lumalaban sa kasinungalingan at katiwalian ni Gloria Arroyo ay komunista. At para sa kanila, maaring patayin ang mga tinuturiong nila komunista.
Ito lahat ay nangyayari dahil gusto ni Arroyo manatili sa kapangyarihan. Wala siyang paki-alam kung ilang inosenteng Pilipino ang mamamatay.
Duguan na ang kamay ni Gloria Arroyo. Ilan pa kailangan ang mamatay para matapos itong kahibangan niya.
Si Cpl. Leonardo Pataray, 34 taong ay namatay dahil sumusunod sa utos ni Glue at Assperon na magdikit ng Palparan poster. It’s official, taga dikit na lang ng posters ng mga kandidato nila ang mga sundalo! What a waste of life for a 34 year-old sundalo!
“Duguan na ang kamay ni Gloria Arroyo”, at matagal nang ito ay duguan! Kailan kikilos at susuway ang mga sundalo sa kanilang mga pekeng amo? Ipinambabala lang sila ng walang katuturan! Panahon na upang kayo ay sama-samang mag-aklas, ang inyong commander-in-thief at AFP Cheat ay uubusin kayong lahat para sa kanilang pansariling interes. Gising na!
Noong decada halalan 60-70 sa Ilocos Sur, may tatlong goons ni dating gobernador Carmeling Pichay-Crisologo namatay sa isang ambush sa bayan ng Narvacan. Pinalabas nila Floro at Carmeling na sila ay “Heroes of Democracy” sa kanilang pontod . Maraming nagtatanong kung bakit sila naging bayani ng demokrasya. Sa aking palagay sila ay mga MERCENARIES-no principle-paid by highest bidder for their services.
Sa pagkamatay ni Army Cpl. Leonardo Pataray ito ba’y isang kabayanihan? Hindi malayong ang grupo ni Kabo Pataray ay mga mercenaries-dogs of Assperon’s dirty war. Kawawang mga sundalo sunod-sunoran lang sa pekeng Commander-in-Chief. Gloria Arroyo and her cohorts are responsible for the death of Cpl. Leonardo Pataray and hundreds of political killings.
Kailan ba naman naging maganda ang pamalaan ng huwad na pangulo, kailan ba naman naging tahimik ang pamahalaan ng huwad na pangulo, kailan ba naman nagsabi ng totoo ang huwad na pangulo maging mga alipores nito, at hanggang kailan pa ba tayo magtitiis sa gobyernong ito, hanggang kailan pa? Sangkatutak na katiwalian na ang ginawa ni Gloria/Arroyo family, sangkatutak na anomalya na ang nangyari sa huwad na ito, sangkatutak na pagsisinungaling na ang ginawa ng demonyo sa malaknayang at panloloko sa bayan. Hindi tinitingala ng sambayan ang huwad na nagnakaw, nandya at sinungaling—–lumayas ka na Gloria + mga Tuta mo tulad nina Assperon at Palpakran. Tignan nyo naman mga igan nandyan pa si Garci at kakandidato pa, tignan nyo pa rin mga igan si Palpakran naabswelto pa, tignan nyo mga igan ilan na ba ang naipakulong ng huwad na pangulo, at marami pang iba na nakakasuka na. Patatagalin pa ba natin ito? Kaya yang mga sundalo na yan puro kasinungalin din kasi ang pangulo ay huwad na sinungaling pa. Wala nang karapatang maging pangulo yang pandak sa malaknayang—-nakakasuka na. PWE!!!
Dapat lang talagang managot ‘yang PEKENG presidenteng ‘yan sa Malakanyang! Magmula ng manirahan yan sa Malakanyang, wala ng magandang nangyayari sa ating bansa! Kawawang mga sundalo! Sunud-sunuran na lang sila sa mga walanghiyang naglilider-lideran ngayon sa ating bansa. Panahon na para magkaisa ang mga sundalo at ang mga tao! Sobra na ang ginagawa ni Gloria at mga TUTA niya tulad ni Assperon at Palparan!
Hoy, Pinoy…GISING NA KAYO! kAPAG HINDI N’YO ITO GINAWA, BAKA KAYO NA RIN ANG KASUNOD!!! GISING!!!
Ganun ha, para kay berdugong Palparan, okey lang ang mga sundalong magkabit ng mga posters pero para kay Trillanes lahat ng mga sundalo na mahuhuling tutulong sa kanya(posters man o ano mang eleksyon materials) ay mapaparusahan. What a double standard! How do you expect of a leader who herself is a cheat, a murderer, adulterer and a big liar to produce responsible followers? Siyempre kung anong puno yun din ang bunga! All of tiyanak’s clones have to be exactly like her. This is why they are her clones!
From her 2001 installation to power, everything that tiyanak touched turned into something despicable! Now it is even worse, everything she ever rules becomes bloody! She has become like Hiltler-using the military to do her dirty job!
It is time for the Filipinos to steer their destination. VOTE WISELY! Money is here now but gone tomorrow. Whoever it is that you put in poer will make a difference in our lives in the next generations to come. Let us vote for the deserving candidates-not those obviously funded by this evil tiyanak!
Off topic- the supposed murder plot on Pacman by the Antoninos is perceived as a black propaganda only. How can a petite woman candidate who even campaigns around with just two bodyguards provided by the local government be plotting a murder of Pacman who has a ton of highly armed men around him? Remember that Pacman’s guns were exempt from the election gun ban. Abalos the balasubas, was even photographed with Pacman then, being in the same league, the breed of lapdogs!
V.I.P. Manny Pukyaw has 20 high-powered guns exempted by the Comelec. The alleged plot to kill him was a product of fantasy. He is lives in Gloria’s Enchanted Kingdom. Maybe he is watching too much Hollywood and James Bond movies. Armed bodyguards and goons are useless to a determined assassin. I hope that the party-list associated with Gloria and her cohorts will be rejected by the Filipino electorate.
Assperon’s electioneering at work in military camps.
Soldiers: We were told to vote for gov’t bets
Inquirer
Last updated 03:34am (Mla time) 05/06/2007
MATI, Davao Oriental—Army soldiers and militiamen assigned here and in the towns of Lupon, Banaybanay, San Isidro and Caraga yesterday claimed they were instructed to vote for pro-administration candidates and for party-list groups identified with the government.
“Our commanders have ordered us not to vote for anybody except for those running under the administration. We were also ordered to vote for party-list groups not identified with the communists,” said a soldier who declined to be identified.
Two other soldiers confirmed the “instruction” from their commanders.
newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view_article.php?article_id=64313
Totoo ang sinasabi ni Trillanes na may “instructions” ang mga commanders na pilitin ang mga sundalong iboto ang TUTA ni Tianak.
Alam din ni Gringo ‘yan pwede bang hindi. Kaya lang ay matapang si Trillanes na magbulgar ng kababuyan ng mag-asawang Pidal at Assperon, samantalang si Gringo ay supot, kapon at cahoot ng current love niya na si Glue!
What can I say kundi nakakaiyak! Buti na lang hindi ako bumoboto sa Pilipinas. Kundi baka makunsumi ako! But all the more reason why the votes should be guarded most strictly this time. Ang kapal ng mukha talaga ng mga Pidals!
Ibagsak din ang grupo ni Palparan. Isa pang makapal ang mukha ng berdugong iyan!
About time someone stepped-up against the henchmen of the “Butcher” Palparan.I don’t care who is among Palaparan’s men who lost life, good ,time to stand up to them, they always get what they want. We know that this is going on all the while. Our people already understood what grip they suffered from the atrocities of Palparan, we should rise up and fight them fire with fire.
Filipino People are just waiting for a leader to spark a revolution.
34 years old Leonardo Pataray and still a corporal in the Military,something wrong.Usad pagong ang promotion or has no brain at all.
Why Cocoy, dapat ano na ang ranggo ni corporal Pataray? Pero ang dasal ko sa pangyayaring ito ay dapat ng gumising iyong mga sundalong kanin at sunud-sunuran lang sa mga Pidal at Assperon dahil sila talaga ang pambala sa kanyon!
Chi:
Ang corporal or Kabo ay two step above private first class.They are enlisted soldiers in the military.If he is good and have brain after his basic training he can be a PFC,private first Class,next Lance Corporal and Corporal.At 34 years old and still corporal ay mahinang klasing sundalo.Dapat d’yan ay Sergeant na, Sarhentong matagal na.Kaya ang mga ganyang klaseng sundalo ang madaling mauto at kahit na ano ang ipapagawa ng platoon leader nila ay gagawin nila dahil Yes,Sir! lang ang dapat nilang isagot at wala ng iba.
Thanks, Cocoy. I’m learning a lot from Ellenville.
Yes, Sir! Kawawang mga sundalo, nagkakamatay ng walang kabuluhan dahil sa kasusunod sa mga among demonyo!
Ellen: Duguan na ang kamay ni Gloria Arroyo. Ilan pa kailangan ang mamatay para matapos itong kahibangan niya.
******
Sinabi mo pa, Ellen. Matagal ko nang sinasabi iyan. Kailan ba patatalsikin ng mga pilipino si Madame Bobary. Sobra ang ambisyon ng ungas. Ano na naman kayang lagim ang gagawin niya sa Japan sa pagbisita niya sa May 21-25. Better write a letter of protest to the Nihon Keizai Shimbun, the sponsor of the Asean ministers’ meeting. Hindi nila dapat na kinukumbida ang mga bogus president.
Chi;
Ang sundalo ay ayaw nilang kaawaan sila dahil bago nila pinasok ang military ay talagang desidido sila sa gagawin nila,iyan ang prinsipyo nila,kaya lang nagkaroon ng commander na corrupt at pansariling interest kaya sila naging kawawa.Ngayon pag hindi nila masikmura ay mag-resign sila,pero hindi basta-basta.May kasalanan din ang mga member ng commission on appointment dahil they based the confirmation of Esperon on politicking,I never seen a person promoted twice and given 2 stars in a day,onli in da pilipins.Well naisahan sila,kung sino man ang mga nag-approved ng promotion ni Esperon ay dapat sila ang ipadala sa “Boot Camps”para malaman nila what is a Military and a chain of command really means.
Ano itong pinagsasabi ni Calderon, nagpapatawa?! Hahahah!!! Ay naku, iyang amo mong Tianak ang sabihan mong tumigil sa paghahasik ng lagim at sa pagbili ng mga boto! Isa pang palusot ang pulis na ito, kunwari ay walang alam sa mga ipinaguutos ng kanyang pekeng amo!
****
“PNP chief Director General Oscar Calderon is asking citizens to take a direct role in curbing poll violence by providing the police with information about the presence and movements of armed groups in their area so the authorities can take swift action against them.”
“He also urged the public not to succumb to vote-buying efforts, which are expected to intensify in the coming days.”
http://www.abs-cbnnews.com
Parasabayan: Tama ka- it is the time for Filipinos to steer their destination. And their votes will take them to where they want to go. VOTE WISELY and HIGPITAN ANG PAGBANTAY. Ang sabi nga- democracy is a government for the people and by the people.
Chi;
Pinsan daw ni Gloria iyang si Cabron.Este Calderon.Sino ba ang may bala at bangko? Wala ng pag-asa ang mga Kokak ni punggok na manalo,kaya nasa panic mood na naman sila.
Pero ito ang magandang abangan sa Lunes,iyong suspension ni Binay.Sa Makati ay magkakaroon ng showdown,lalabas na naman ang mga tao sa kalye para magbigay ng suporta.Ano kaya ang gagawin ni Gloria?Para sa akin ay mas magandang matuloy na para minsanan na lang ang laban at isama na rin d’yan ang panawagan para ilabas nila si Jayjay.Gayahin na lang natin ang kongresso na palakasan ng sigaw.
Tama ‘yan, Cocoy. Matira ang matibay, tingnan natin kung hindi umatras si Tianak at minions sa putikan! Baka maghanap pa ng kwebang pagtataguan ang mga sakim na ‘yan sa kapangyarihan! Sige, himagsikan na at ng madali ang lahat ng pangyayari sa Pinas! Sigawan, sabunutan, baldyahan, na magsisimula sa harap ng Makati City Hall!
Everytime one of Gloria’s order becomes palpak, Bunyeta or anybody from her Tutas has to do the explanation! Everybody knows the order came from her. Duwag talaga itong Pekeng presidenteng ito! Kaya siguradong maghahagilap na naman si Ombusgirl ng credible words to justify her actions! Kawawang mga tuta ! Sige, i-tolerate pa ninyo ang amo n’yong berduga!!!
Calderon is a relative of the Fatso, not the Boba. Kamag-anak system pa nga.
Chi;
Iyan nga ang hinihintay ko,ang isang hudyat para magkaroon ng spark ang tao,akala ko nga maumpisahan na noong biernes.Huwag silang loloko-loko kasi pag napaalis sila sa puesto ay di si Jojo Binay ang pansamantalang care-taker ng Malakanyang then,mag-call siya ng ng snap-election sa loob ng 90 days.Akala siguro ni Gloria ay wala siyang kapalit.Iyang mga military na iyan pag inutusan ni Esperon na pumunta ng Makati,pupunta ang mga iyan pero sasama na sila kay Binay,March to Malacanang.
Wow, conflicting statements pa ang gimmick ngayon ha. Isumbong daw ang bumibili ng boto! Bakit hindi asikasuhin ni Calderon na hulihin si SiRaulo and Company? Hindi ba nabulgar na nga ang mga ungas na bumibili ng boto?
Buti na lang iyong mismong mga TUTA ang nagsabing walang pera ang GO, kundi baka pagbintangan pang bumibili ng boto e wala nga silang pambili ng airline ticket nila. E di huling-huli ang mga ungas na naubusan na yata ng idea sa panloloko! Nice try! Ang bobo ‘no?
Iyan Siraulo Gonzales,nuisance lang at walang mapapala sa matandang iyan.Pag kinasuhan iyan ng vote buying ay lusot siya,plead of insanity.Irerehab lang sa mental instituition iyan.
Cocoy:
Wais ‘yang Siraulo Gonzalez na ‘yan! Pag hindi kasi pumasa ‘yung pag-claim n’ya ng insanity biglang tataas kuno ang BP o maninikip ang dibdib, ibig sabihin i-confine muna sa St. Lukes!
Yuko:
Di ba garapalan na ang miyembro ng Tianak’s Team dahil kung anu-ano na lang pinagsasabi nila para makalusot sila? Tama ka, sila itong may pera tapos akusahan nilang ang GO team ang nag-vote-buying..di ba may keleleng? Bobong-bobo!
Ystakei & Elvira;
Agree ako sa sinabi ni Cabron kung tutuparin niya ang sinabi niya na huhulihin niya ang mga vote buyers.Mawawalan na ng problema ang opposition dahil lahat ng TU ni Punggok ay makukulong.
May pa-picture taking na naman si Gloria,at may welcome hero na naman siya sa Malacanang.
Katatapos lang ng boxing at ang dalawang pinoy na naman ang bida.Si Bautista at si Balan,katakot-takot na naman ang mga pulitiko ang sasalubong sa airport at samantalahin nila ang pa-posing posing para sa kanilang poster campaign.
Sinabi mo pa Cocoy! Kaso, papogi points lang ang sinasabi ni Calderon para daw hindi mabisto ang ginagawa ng asawa ng pinsan niya. Kaso buking na buking na sila. Pati nga iyong pagpapalit ng inner envelopes sa mga balota ng mga OFWs bistado na e.
Bobo de la yuca ang mga bwakang ina nila! Ooops, cannot say bad words nga pala!
Between Assperon and Calderon, I respect the latter. At least he knows that there are problems in the upcoming elecction. Unlike Assperon who is just ordering his men to campaign for the TUTA and Palparan. I also liked how Calderon handled the situation with Ka Satur. He may be related to the Fatso but he has better manners than the Pigyur.
How can we expect a clean and honest election and a peaceful one when the head of the criminals is calling the shots! The tiyanak had not just stolen the presidency twice, she will make sure that her candidates win so she will survive the next impeachment. She plays downright dirty! Not only is she an expert in cheating and corruption, she is now a sharp shooter too! She has to eliminate all her enemies and it does not matter if it will be a bloody one! She is a CURSE to our nation. Why can’t the 85+ million Filipinos get rid of this criminal? WAKE UP FOLKS! DO NOT SELL YOUR VOTES! PROTECT YOUR VOTES!
Makakapaghugas na naman ng madugong kamay si Gloria dahil may 2 heroes na naman siyang darating! Di ba achievement na naman niya ito? Sa era lang ng Tianak na ito naging heroes ang mga boxing champs! Hindi na nahiya…kapal muks talaga itong tianak na ‘to!
Diyan magaling si tianak. Iba ang nagluto at naghirap pero siya ang umaani palagi! Ang tawag diyan-mandurugas!
cocoy says: “34 years old Leonardo Pataray and still a corporal in the Military,something wrong.Usad pagong ang promotion or has no brain at all.”
pareng cocoy, ganito ang umiiral na prerequisites for promotion sa hubong sandatahan ni espurol:
1. tiyo position demolishing the former (tactical and organizational position (TO).
2. sipsip-ficiency, putting aside the efficient performance.
3. put (lagay) performance, superseding the time-in-grade of the recommendee/candidate for promotion.
ano’ng aasahan natin?
“Sabi rin ni Central Luzon Police Director Chief Supt. Ismael Rafanan, mahirap tanggapin ang sinasabi ng mga sundalo na opisyal misyon sila kasi maliban sa hindi sila naka-uniporme, wala naman silang pruweba na deputized sila ng Comelec.
May mission order man o wala, ang mga sundalo naman ay sumusunod lang yun sa utos. Hindi naman sila magkakabit ng poster ng partido ni Palparan kung hindi sila inutusan. At sino ba ang mag-utos sa kanila kungdi ang mga matataas na opisyal.”
———————————————————
dito mag-uumpisa ang rambulan sa pagitan ng mga matitino at nagpapakasangkapan sa gahamang sinungaling at magnanakaw na pekeng pangulo!
manindigan ka, general rafanan!
bukas, dinuguan na ang mga arroyo!
One thing I know is that most boxers do not even fight for their country except at the Olympics. Otherwise, it is only for money, so why is the idiot conferring them awards and titles? Parang katulad lang iyan ng exploitation ng mga OFWs who are being called “heroes and heroines” even when a lot of them violate the rules and laws of other countries that do not even welcome them, and cause their fellow Filipinos lots of shame!!! ‘Lol!
Take the case of Pakyaw who has an American trainer and manager. I doubt if his manager tells him to fight for the Philippines, but more to fight for the millions of dollars they can earn! Stupid talaga itong walang ibubugang Mrs. Pidal na ito! Baba na! Puede ba?
Mas kawawa yung mga ginagamit nyong tao sa pagrarally… kuno… freedom of expression.. sobra sobra na nga ehh .. inaabuso lang ng mga alang sense na akbayan.. bayadmuna, amoypawis… gabbichenes
“Keleleng”, “bobo dela yuca”, “asusena”
Decades ng hindi ko naririnig at nagagamit ang mga salitang ito, pero mas matunog ang dating kung ginagamit para i-describe ang current fake government administrators!
Si Gloria Makapal-Arrovo-Pidal ay walang pakialam kung ang kanyang buong katawan ay dugo ng mga pinoy ang bumubuhay, basta siya ay manatili sa kanyang nakaw na trono.
Ang babaeng hunghang na ito ang tunay na bampira, nabubuhay sa gabi (lahat ng kababalaghan, 2004 fake proclamation, suspension order, paglipat sa US embassy kay Smith, among others), at hindi na nakikita ang mga biktima, kung makita man ay wala ng dugo, naubos ng sipsipin ni Glue!
“Mas kawawa yung mga ginagamit nyong tao sa pagrarally… kuno… freedom of expression.. sobra sobra na nga ehh .. inaabuso lang ng mga alang sense na akbayan.. bayadmuna, amoypawis… gabbichenes”
UY! May bagong nag-Mow-wow-wow yata dito! Sa#n ka galing Dong? Medyo iba ang tuno mo, ah! So, sobra ang freedom of expression..kaya ipinapapatay ang mga journalists o ipinakikidnap ang mga tumutulong sa mga taong ibig manindigan ng kanilang mga prisinpiyo, gaaoon ba, iho? Kailan nagiging walang sense ang tumulong sa kapwa?
UY din! Mukhang may isa na namang bayaran dito sa blog! Nakaka-awa dahil nabobola siya ng mga kasinungalingan ng pekeng administrasyon! Mag-esep-esep ka mowjowwowowowowwowowow!
Yung mga katulad ni Mowjowwowowowow ang dahilan kung bakit lugmok na ang ating bansa sa putikan. Sorry pare (o mare). Magbagong nuhay ka na!
Mowjow;
Hindi pa tapos iyong nilo-lawnmower mo sa kapitbahay ay nakikipagtsat-tsasan ka na.Wala kang kikitain niyan,at hindi ka nila babayaran.Tapusin mo muna iyong trabaho mo.
Tsktsktsk! Napapaghalataan ang kawalan ng freedom of expression sa Pilipinas. Never heard of people hear ridiculing those volunteers who join rallies and demonstrations in Japan and saying that they are useless, for a lot many wrong policies in fact are corrected here because of those protest rallies and demonstrations.
And over here, we don’t get permits from the city hall to demonstrate. The permits are issued by the police with the approval of the Commission on Public Safety, and when the police issues permits, they are obligated to insure that the rallyists are protected and allowed to the fullest to seek redress for their grievances by all peaceful means possible.
In short, both the police and the rallyists take full responsibilities of their respective duties and responsibilities in accordance with the rights and privileges guaranteed by the law on freedom of expression, press and assembly. Is that hard to understand?
I saw a rally in the Philippines where the police are the ones provoking the rallyists to be unruly and violent. It reminded me of a rally in the US that turned violent likewise because of provocators planted by those people who were the target of the demonstrations with the cooperation of corrupt policemen.
Over here, the public safety is more important and if the police are unable to do so, they are judged incompetent, and some people get to be reprimanded even by suspension, termination and/or deprivation of pension and other fringe benefits. And that is why Japan is progressive, and graft and corruption kept to the minimum, and the citizenry satisfied and being likewise progressive and useful.
Sa Pilipinas, dahil kay Pandak, lahat ng mga pilipino ginagawang inutil!!! Kawawang bansa!
Tama si Saguisag. At least, noon alam ng lahat kung nasaan iyong mga inaresto ng military. Nasa Camp Crame, etc. Ito ngayon, lahat may tama ng baril sa ulo at nakalibing in mass graves kung saan-saan! Remember kulang-kulang nang isang libo ang biktima ng AFP na hindi pa kasama iyong mga talagang nakipagbarilan sa kanilang mga Abus at NPA. Biktima lang talaga ng extrajudicial killings. Pero tignan mo ang kapal ng mukha ni Pandak, et al. Katulad ni Alston, siya pa ang ipinapalabas na sinungaling e tumutulong lang iyon tao para malaman ang katotohanan! If that is not being stupid, what is?
‘yung sagot ko kay bowowow, nawalis!
okey lang!
ipinakikita at pinatutunayan lamang ng maybahay na walang lamangan.
To Manny Pukyaw, (sana mabasa mo ito)
Stupido ka , 100% ang suporta sa iyo nang mga pilipino, akalain mong naghanap ka pa nang hindi susuporta sa iyo (sa election) Kung hindi ka ba naman ganid sa kapangyarihan at popularidad…ngayon sabi mo may papatay sa iyo …ulol ! nakinig ka nanaman sa adviser mong si chavit …magsama kayong dalawa…isang Nagnanakaw at isang Magnanakaw…!!!!!
Kung si Caleron ay kamaganak ni Gluria…na Confirm ko na si Jovito ‘Butcher’ Palparan ay, kamaganak din pala ni Gluria
….(naka-usli rin ang ngipin..!!!he..he..he..kumpleto na line-up ko nang Singing CHIPMUNKS !!!!!
FLASH NEWS:
Natukoy na ang mga papatay kay Manny Pakyaw!
Ayon sa balita, ang papatay raw kay Manny ay tatlong magkakapatid:
Kayabangan, Kababawan, Katangahan. May lahi daw yatang intsik dahil ang apelyido ng tatlo ay “Ko”.
Nagkagulo pa nga sa bahay ni Pakyaw dahil nakita ni Manny at sa bahay pa niya mismo ng humarap siya sa salamin pagkagising niya kaninang umaga. Agad naman niyang ini-report ang nakita sa polisya na mabilis na rumesponde.
Ilalabas na sana ng pulis ang cartographic sketch ng mga suspek, ngunit biglang nagbago ng isip si Manny dahil mukha ng iisang tao ang lumabas sa drawing.
Sa ngayon ay takot si Manny sa loob ng bahay niya dahil parang madaling makabalik ng bahay ang mga salarin. Madalas niyang makita sa salamin ang mga ito kaya mas gusto niyang mangampanya na lang.
Gaya ng dati, pinaghihinalaan niyang si Cong. Darlene Antonino at ang kanyang ama ang may pakana nito. Kasi raw ang mga Antonino, kilalang mamamatay-tao, tignan ninyo ang nangyari sa Nueva Ecija, pinaratrat ni Cong. Rody Antonino ang convoy ng kalaban niyang dating Meyor Esquivel, sabi pa ni Pakman.
-Ulat mula kay Tangtwis Ted
Magandang balita ito TT. Pampaalis ng suya! Salamat! 🙂