Skip to content

Malinis na dayaan

Nasa balita na may mga grupo raw ng mga election observers mula sa iba’ibang bansa ang drating para mag-obserba sa May 14 na halalan.

Sabi ni Leah Navarro, lider ng Compact for Peaceful Elections, dadalhin raw nila ang 17 na observers mula sa Europe, United States at ibang bansa dito sa Asia Pacific sa iba’t-ibang lugar sa bvansa kung saan mukhang mataas ang posibilidad na magkaroon ng dayaan.

Kasama raw sa mga election hotspots ay Caloocan City, Pampanga, Quezon City, Albay, Cmarines, Maguindanao at Cotabato City.

Sa totoo lang, hindi ako excited diyan sa mga international observers. Sorry Leah, ha.

Kasi ba naman darating sila dito sa bansa isa o dalawang araw bago eleksyon. Dadalhin sila sa mga presinto sa araw ng eleksyon. Pagkatapos, gagawa sila ng report.

Ano ang inaasahan nilang makikita sa mga presinto? Kung ang kanilang inaabangan ay agawan ng ballot boxes katulad na nangyayari bago mag-martial law, wala na yun. Wala na yung mga dramatic shot ng mga madre na niyayakap ang mga ballot boxes para hindi maagaw.

Magaling na si Gloria Arroyo at ang kanyang mga kampon. Mas malinis sila magtrabaho.
Sabi nga ni Luz Rimban, nagtuturo sa Ateneo de Manila University at dating in charge ng broadcast section ng Philippippine Center for Investigative Journalism, master na ni Arroyo ang pandaraya. “Naka-tatlong eleksyon na sa ilalim niya. May doctorate na siya.”

Nakita natin noong 2004 na sa election returns ang mga galamay ni Gloria Arroyo nag-operate. At mismo election commissioner ang namuno ng operasyon. Hello, Hello Garci?

At kung dati ang mga goons ng mga pulitiko ang katulong gumawa, noong 2004 mga military na ayon sa Constitution at dapat mag-prutekta ng interes ng sambayanan, ang mismong kumilos para mabale-wala ang binoto ng mga tao para pangulo.

Maala-ala natin doon sa Hello Garci tapes, pinintasan ni Commissioner Virgilio Garcillano si Gen. Gabriel Habacon na hindi raw marunong. Paano kasi hindi tumugma ang boto at registered voters sa Election Returns at sa Certificate of Canvass.

Sa pag-iimbestiga ni Gigi Go ng Newsbreak ng dayaan noong 2004, nadiskubre niya na ang nagmanufacture ng mga pekeng Election Returns na siyang ipinalit sa ballot boxes na nakatago Batasan Pambansa ay nagsimulang nagserbisyo kay Arroyo noong senatorial election ng 2001. Ang unang operation nila ay panalunin si Ralph Recto. Kaya kung maala-ala nyo, pati mga pagong sa Turtle island bumoto kay Recto. Sobra ang boto niya kaysa registered voters.

Ngayong eleksyon, nabalitaan natin na nag-imprinta ang Comelec ng sobra-sobrang balota. Para saan naman ang sobrang balota? Nakakaduda.

Tama ang survey na isinagawa ng Social Weather Station. Marami sa mga Pilipino naniniwala na mandaraya na naman si Gloria Arroyo itong eleksyon. Kaya tutok bantay tayo.

Published inWeb Links

45 Comments

  1. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Ellen,
    Sila Roque Bello rin ba ang may kagagawan ng pagkakahabol ni Recto kay Gringo?

    Ako man hindi ako hot diyan sa mga foreign observers na iyan. Di ba’t hanggang ngayon ipinangangalandakan ni Mike Defensor na lahat ng observers nagsabing malinis ang “botohan”. Tama. Kasi ang dayaan, sa “bilangan”.

    Maliban kung handa silang maghintay hanggang matapos ang bilangan at tally sa Batasan, pwede nilang sabihing walang dayaan. Napaka-backward naman ang tingin nila sa atin, samantalang wala na yatang tatalo sa atin pag dating sa pandaraya!

    Ngayon nga, hightech na marahil ang spec-ops.

  2. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Dapat bantayan ang mga international observers ang bilangan sa municipal at provincial board of canvassers lalong-lalo sa ARMM, Lanao at Cebu. Dito niyayari o dino-doctor ang mga election returns. Mahipap mandaya sa presinto dahil maraming mga mata. Bantayan ang ating mga boto hangang sa proclamasyon. Wala akong tiwala sa Comelec. Si Chairman Benjamin Abalos ang hari ng dayaan. Maraming milagro-anomalya sa Comelec pero patay malisya si Abalos. Hindi patas ang laban dahil kanila ang mga referee, huwes, polisya at militar.

  3. chi chi

    Ok lang sa akin kung ang babantayan ng mga international observers ay ang bilangan mismo. Pero kung magbabantay lang sila sa mga prisinto habang bumuboto ang mga tao ay mabibigo silang makakita ng anomalya sa halalan. Napino na ni Arroyo ang pandaraya, ito ang tunay niyang PhD at hindi ang sa economics. Meron pa bang mas dalubhasa kaysa kay Glue pag dating sa dayaan?! Pagsamahin pa ang utak ng lahat ng mandarayang pinoy(ilang milyon kaya?) ay walang sinabi sa utak-pandaraya ng isang nagkukunwaring pangulo!

    Mas higit sa mga dayuhang observers ay dapat ang pressure ng tamang bilangan ay manggaling mismo sa mga Pinoy dahil wala tayong aasahan sa mga Abaluslos, Noteds at militar.

  4. cocoy cocoy

    My advice to my fellow Filipinos,have your camera phone ready to catch the action.

  5. luzviminda luzviminda

    Cocoy,

    Alam mo ba na may order nga si Abalos na bawal daw ang mga celfone camera o camera sa mga presinto dahil daw magiging daan sa vote buying . Magiging pruweba ng mga nagbenta ng kanilang boto ang mga pictures ng sinulat nila sa balota bilang patunay sa mga magbabayad. Syempre palusot lang niya iyon, dahil malaki ang takot ni Abalos na makunan ang mga tally sheet sa precinct level at mabuko ang gagawin (O nagawa na?)nilang pandaraya sa mga balota at election returns. Huwag tayong magtiwala sa Kumolek (Comelec) dahil sila ay nandiyan, hindi para sa malinis na halalan kundi sa MALINIS NA DAYAAN!!!

  6. luzviminda luzviminda

    Ganun pa man, tama si Cocoy, bring your camera phone, videos, and CATCH ALL THE ACTION!!! LET US BE VIGILANT!!! LET US PROTECT OUR BASIC RIGHT AS A CITIZEN!!!

  7. The international observers would be useless unless they participate directly with the procedure as what the UN-initiated volunteers did during the first Cambodian election after the Pol Pot regime when the observers were the ones registering, manning the poll precincts and conducting the election, and counting, canvassing, etc. the ballots. There were risks then and a number of volunteers in fact died then, but it was worth the try. The oppressive regime was finally toppled down.

    Just watching and not being able to do anything about the cheating is useless unless perhaps they are able to convince their governments to stop recognizing the criminal as president of the Philippines and her regime as legal, and unless they are able to bring her to the international court as what they did to the former president of Chile for instance, and judge and punish her for crimes committed on the people of the Philippines.

    However, with the foreign observers in the polling places during the election where the massive cheatings are likely to be committed, maybe just mavbe, they will be able to keep the cheating to the minimum. But the problem will be the changing of ballots at the Pambansang Batasan Complex as they did in the last election.

    Filipinos at home should be reminded of the crimes committed in 2004, and the role of Kiko Pangilinan, and Ralph Recto for example in the cheating then for example so no one will vote for them except perhaps their relatives and some friends.

  8. Ellen: Kaya kung maala-ala nyo, pati mga pagong sa Turtle island bumoto kay Recto. Sobra ang boto niya kaysa registered voters.
    *****

    Sa Tokyo, Ellen, we discovered the discrepancies in the counting of votes. 300 ang sobra. When I asked for an explanation, may nag tip sa akin na may ipinadalang votes mula sa Comolec allegedly votes misdelivered to the Philippines daw ng Japan Post of votes filled up by voters in Japan. Pero imposibleng mangyari iyon kasi address naman ay sa Philippine Embassy at walang dahilan para ipasa sa Comolec sa Manila. Iyan na naman ang balak nilang gawin. Worse is that they are opening the envelopes containing the ballots inside before the counting date according to a tip we received about the ballots being sent to the embassy/consulates by mail.

    This election should be considered null and void sa totoo lang even this early kung hindi titigilan ang pandaraya!
    Enough is enough!

  9. vic vic

    One thing I notice every time I cast my vote here in every Election. Although cheating is not heard regarding voting, an Election Returning Officer requires the voter to return the completed ballot where a numbered stub is taken off and accounted for with his/her own retained copy before dropping the ballot in a box or in a counting machine assuring that all ballots are accounted for. It is one of the many safeguards of the sanctity of the ballot. And no voter, no matter how frustrated, or out of protest can destroy or tear up or eat a ballot, it is an offense.

  10. alitaptap alitaptap

    Magaling pala sa oxymoron si Luz Rimban. Malinis na dayaan! Tulad na rin na sabihin niyang mabangong tumae si bansot.

  11. Tongue, re your question:”Sila Roque Bello rin ba ang may kagagawan ng pagkakahabol ni Recto kay Gringo?”

    Yes. Here’s the portion of the Newsbreak article, Cheat’s Inc.:

    On May 18, 2001, the Friday after the senatorial elections, President Arroyo reportedly met with election lawyer Roque Bello, a retired regional director of the Commission on Elections (Comelec) in his 60s who is known in political circles to have the sophistication and the right contacts within the poll body to influence the votes to favor whoever his principal is. We were able to reach Bello on his cell phone last August 2, but he declined to give an interview.

    In that 2001 meeting, the President was supposed to have been given Bello the orders to make sure Ralph Recto would win a full six-year term, to prevent Francis Pangilinan’s votes from being shaven, and to keep hardline opposition candidates from winning.

    What the President actually wanted from Bello at the time was to effect a 13-0 sweep for her slate, one of the sources said. The President, he disclosed, was apparently aware of how Bello was said to have achieved for former President Ferdinand Marcos’s slate the 21-0 sweep during the Interim Batasang Pambansa elections in 1978. Still, some opposition candidates “who also operated” slipped into the winning circle.

  12. cocoy cocoy

    Luzviminda;
    Hindi pueding ipagbawal ni Abalos ang cellphone,ading ko,dahil wala na yata sa batas iyan.Kahit na nga telecommunication ay hindi pueding magbawal as long na binabayaran mo ang phone service.Ulol,ba siya?Privacy issue na iyan,hindi niya pueding pagbawalan huminga ang tao.Magagalit ang Sprint at Verizon sa kanya dahil malulugi ang negosyo nila,milyones ang mawawala kada minuto.

  13. parasabayan parasabayan

    The international observers may deter the cheating only in the precincts they will be visiting but with thousands of booths to man, it will not have any impact on the bottom line of the elections. The TUTA will definitely win if tiyanak’s machinery operates at full capacity. TAPOS na ang election, kung nakalusot ang cheating machine niya. But I am confident that the people are more aware now of what went on in the 2004 elections. The only thing unknown though is the people the tiyanak is going to use in the May elections. Of course she will not use the same people. Bistado na sila. She will device a different scheme. Something new. Kaya lang, matalino man daw ang matsin napaglalamangan din. Sana this time malamangan natin si tiyanak!

  14. parasabayan parasabayan

    My brother told me last night that he is amazed at how the tiyanak survived all her trials. Parang may pagka palos. Madulas! I told him that the tiyanak has mastered the art of deception. In a circus or in any animal show, animals are trained by feeding them each time they perform right. They are fed again and again until the animal finally master the act. Tiyanak is a very good trainor. The acts-cheating, corrupting and murder. The food are money and a powerful positions.

  15. Emilio_OFW Emilio_OFW

    Sana ay makumbinsi ni Leah ang mga international observers na subaybayan ang magiging takbo ng election itong darating na May 14. Hindi lamang sa araw ng botohan kung hindi hanggang sa bilangan mula sa polling precinct hanggang sa municipal.

    Dito ay makikita kung talagang nagtutugma ang nakalagay na mga numero sa bawat polling precinct kapag dating sa municipal.

    Nabanggit mismo ng senatoriable candidate ng Team Unity Team Arroyo (TUTA) na si Vic Magsaysay sa kanilang urong sulong pulungan sa isang lalawigan kung papaano ang sistema ng pagdadaya mula sa pagboto hanggang pagdadala/pagpapalit ng mga ballot boxes papunta ng municipal hall.

    Kahit ginawa niyang biro ang “magiging scenario” ay malinaw na alam niya ang cheating mechanism ng kanyang sponsor na si Tiyanak.

  16. dzandueta dzandueta

    Hindi pueding ipagbawal ni Abalos ang cellphone,ading ko,dahil wala na yata sa batas iyan.

    ‘Yan ang masama. ‘Pag walang batas nagsasabi na “eps, bawal po gawin ito sa ganitong panahon”, pwede silang gumawa ng kahit anong “kalokohan”, at iabot pa sa Supreme Court.

    Yep, get your cam phones ready. Heto uli ang pagkakataon, huwag tayong pabaya.

  17. Mrivera Mrivera

    magiging malinis nga ang dayaan ngayong eleksiyon. patunay dito ang mga pasobrang ballot boxes na nadiskubre sa cagayan de oro ayon sa balita kagabi sa TFC patrol.

  18. Mrivera Mrivera

    ipinakita na rin ang uri ng talamak na bentahan ng boto sa buong lalawigan ng lanao del sur na hindi nangyari noong panahon ni ali dimaporo. kinakasangkapan pa ang kasagraduhan ng kor’an upang huwag tumalikod sa pangakong kung sino ang bumili ng boto ay siyang isusulat sa balota.

    gayundin sa ibang lugar, ang pamimili rin ng boto gamit naman ang pagpapatak ng tinta sa hintuturo ng sinumang nagbenta na hindi na pupunta sa presinto at sa halip ay meron nang nakahandang balota at bahala na ang alagad ng kandidato. at ang isa pa, pagkatapos ang pagbebenta ng boto, gamit ang cam phone, kukunan ang mga nakasulat sa balota bilang patunay na tumupad ang botante sa cash-sunduan.

    tsk. tsk. tsk. tanginang kawalanghiyaan! sa administrasyon lamang ng walanghiyang walang kahihiyang sinungaling na magnanakaw nangyari ang ganito!!!!!

  19. cocoy cocoy

    dzandueta;
    Ang alam kong bawal ay ang pagdadala ng baril on election time,pero and cellphone ay hindi ipinagbabawal iyan.Kahit na sabihin pa ni Abalos na bawal ang cellphone ano ang legal na batayan niya,walang batas sa election code na bawal ang cellphone,kaya illegal ang ginagawa niya,nananakot lang siya sa kaya niyang takutin.Kung gagawa man siya ng batas ay huli na dahil adjourn ang mambabatas natin at pagdidebatihan pa iyan sa kongresso at ipasa sa senado.Anong legal na basehan niya na magbabawal sa cellphone,kung gagawa man siya ng sarili niyang patakaran kahit siya ang chairman ng comelec ay illegal at hind dapat sundin.

  20. cocoy cocoy

    Emilio OFW:
    Iyan si Vic Magsaysay ay hindi marunong maglaro ng marumi,siguro hindi na niya masikmura ang balak gawin ng mga kampon ni Pidalista kaya nagbabala na siya.Galit lang kasi kay Erap iyan kaya sumama sa TU dahil si Erap ang pasimuno sa pagpapatalsik sa nga Amerikano,maraming Zambaleno ang nawalan bigla ng trabaho,pero ngayon ay nakakabangon na uli ang Olongapo.

  21. Mrivera Mrivera

    luzviminda says: “Huwag tayong magtiwala sa Kumolek (Comelec) dahil sila ay nandiyan, hindi para sa malinis na halalan kundi sa MALINIS NA DAYAAN!!!”

    pik! pak! booooooooom!!!!! sapol na sapol!

    lbm, este lvm, mamulot tayo ng pirapirasong laman ni abaluslos!

  22. Alitaptap:

    May mabango bang tae? Kahit yata lagyan ng pabango, Chanel etc. hindi babango ang tae ni Bansot!

  23. Mrivera Mrivera

    pareng cocoy,

    kung tutuusin ay isang magandang kaganapan ang pagkawala noon ng base militar ng US kung ito ay pinuhunan sa maganda at maayos ng mga nasa poder partikular na sa olongapo at angeles. iyon sana ang magandang pagkakataon na maibangon ang gapang ng moralidad ng kababihan nating naging biktima ng prostitusyon kasama na ang abuso ng ilang GI. sa halip bigyan ng alternatibong pagkakakitaan ang dating mga bar girls ay pawang pamumulitika ang inatupag ng mga namumuno sa mga nasabing lugar.

    alin ba ang mas maganda at kaigaigayang masabi, ang pagtatamasa ng ginhawa mula sa pinagbilhan ng laman at kawalan ng dangal o ang mamuhay ng tama lamang buhat sa pinagpagurang maipagmamalaki kanino man?

    sa totoo lang, pareng cocoy, mas kailangan ng US ang pilipinas dahil sa strategic location nito kung saan bawat pagtatangka sa interest ng amerika ay masasala sa ating himpapawid at karagatan. kaya nga kita mo, kahit ipinawalambisa na ang dating defense treaty ay patuloy pa ring pinagsisikapan ng pamunuan ng amerika na magkaroon ng observation post sa ating bansa.

    sa kasalukuyan, the presence of the US troops in southern philippines is mainly aimed to monitoring forces interested to sabotage america’s security especially those identified with al qaeda most notably the JI.

    may be a bit off topic, pero hindi ito napagtutuunan ng pansin ng ating ilang mambubutas este mambabatas at maaangal, no mararangal na punong bayad, nakupo, bayan!

  24. luzviminda luzviminda

    MRivera says:
    “magiging malinis nga ang dayaan ngayong eleksiyon. patunay dito ang mga pasobrang ballot boxes na nadiskubre sa cagayan de oro ayon sa balita kagabi sa TFC patrol.”

    Busy na ang mga operators ng cheating machinery na administrasyon. At lalong magiging puspusan ang trabaho nila ilang araw bago mag-eleksiyon. May mga balota nang nakafill-up at ready for delivery. Dapat ay bantayan ang mga local government officials at local offices lalo na yung ang mga naka-upo ay mga alipores ni Gloria. Diyan kasi pwedeng magkaroon ng ‘ballot boxes switching’ tulad nga ng nangyari noon sa Kalookan. Noon sa Kalookan eleksiyon ay may nakakandadong kuwarto na walang nakakapasok kundi ang City Treasurer at Si Malonzo. Napag-alaman na mga ballot boxes ang laman ng kwartong iyon sa munisipyo. Itinago ang City Treasurer para di ma-interbyu. Malamang na maraming ganyan na mangyayari ngayong eleksiyon. Ngayon nga lang ay mas planado at mas maaga ang operasyon para di disimulado. Balak ng administrasyon na palabasin ang 7 TU at 3 GO at 1 Independent para ‘believable’ daw.

  25. luzviminda luzviminda

    I mean, 7 TU, 4 GO at 1 Independent.

  26. Mrivera Mrivera

    huwag kalilimutan ang pabirong pahayag kagabi ni benjamin abalaos tungkol sa bentahan ng boto: “kunin ang pera, ibulsa, subalit sundin ang dikta ng kunsensiya.”

    eh, sino ba ang namimili ng boto nang lantaran? di ba’t ang mga Tangeng Uto candidates at ‘yung amo’y asupreng siraulong gagonggonzalez?

    palusot pa ang hunghang na ‘yan!

  27. chi chi

    Tongue,

    This is for you. Mahal talaga ng mga taga-Pasay si Peewee!

    ****

    Ibang klase talaga ang karisma ni Pasay City mayoralty reelectionist Peewee Trinidad. Nito lamang motorcade nila ng kanyang mga kapartido noong Linggo ay grabe ang ipinakitang pagtanggap sa kanya ng mga taga-Pasay.

    Nagsilabasan ng tahanan ang mga residente upang masilayan siya habang nakasakay sa isang pick-up at kumakaway.

    Sa totoo lang, nagsisigawan, nagpapalakpakan at napapaiyak pa ang mga tao habang papalapit sa kanila si Mayor Peewee.

    Maliban sa pagkaway at pagkamay ay kinukuyom din niya ang kanyang nakataas na kanang kamao bilang tanda ng patuloy na pakikipaglaban ng Pasay. Bilang tugon ay itinataas din ng mga tao ang kanilang mga kamao na senyales ng pagsuporta sa alkalde. Ito ang sinasabing “Peewee Magic” na wala ang kanyang mga kalaban.

    http://www.abante-tonite.com/issue/may0307/main.htm

  28. BOB BOB

    Mrivera, ”Kunin ang pera, ibulsa, subalit sundin ang dikta ng kunsensiya”….Iyan din ang sabi ni Ate Vi sa isang interview sa kanya somewhere in batangas (Tingloy)..parang pinalalabas niya na ang opposition ang may kakayahang gumawa nang pagbili nang boto ….ay naku..!itong si Ate Vi talaga, kung dipa kulubot na kulubot na ang mga balat mo sa leeg (maski mainit naka turtle neck), sa kamay (kaya laging may hawak na panyo) at ang maluwag mong pustiso lalu ka na…Sorry sa mga Vilmanian ha !…yan ang tutoo…

  29. chi chi

    Thanks, BOB sa update sa hitsura ni Vilma, hahahah, heheheh! (ginagaya si Diane Keaton na palaging naka turtle neck to hide the kulubots sa leeg). Maluwag ang pustiso ha?! Akala ko ay dako-dako ang kita ni Mr. Santos sa pier?!

  30. BOB BOB

    pagnagkataon sa ”Sobrang linis ng Dayaan”…malamang pati mga Indonesian, at Malaysian ay may mga boto din…he..he..he..!

  31. BOB BOB

    Chi, nagka- kwentuhan kami ni Ate Vi , Face to Face nang minsang maimbitahan sila ni Ralf dito sa east coast..kala ko ako lang ang naka-pansin pati pala si Mrs. ko napansin din…..

  32. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Thanks Ellen for the link. I used to have it in my Favorites folder before I had to reformat all my drives after a trojan attack.

    ——-

    Chi,

    Grabe talaga! Yung mga matatandang babae kulang na lang sumabit sa sasakyan makahalik lang o makakamay kay Peewee. Akala nga raw nung iba, nakakulong siya. Sabi ng maid, pagdaan sa kalye namin, tumigil sandali yung pick-up at hinanap ang Mommy ko para makamayan daw. Hindi niya alam nasa buntot na kami ng motorcade.

    Nagulat siya siguro nung makita niya yung santambak na poster niya sa gate at bakod namin. Daig pa nga yung headquarters niya sa dami ng posters ko.

  33. Bob: itong si Ate Vi talaga, kung dipa kulubot na kulubot na ang mga balat mo sa leeg (maski mainit naka turtle neck), sa kamay (kaya laging may hawak na panyo) at ang maluwag mong pustiso lalu ka na…Sorry sa mga Vilmanian ha !…yan ang tutoo…
    *******

    Pintasero! Muntik na akong malaglag sa silya ko sa katatawa dito. Ako nga matanda na pero wala pang masyadong kulubot sa leeg. Kasing-edad ko si Diane Keaton sa totoo lang. My secret, Shiseido anti-aging cream! 100 dollars per tube!!!

  34. Tongue,

    Pag nanalo si Peewee ulit, kailangan iyong mga pulis ng Pasay hawak niya laban sa tropa ni Pandak at Assperon. Patay kung patay na sana gaya ng mga bodyguard ni Arsenio Lacson noong araw na mga Manila’s Finest.

  35. myrna myrna

    yuko, shiseido??? guaranteed! nagtrabaho ako sa company na yan for 5 years dito sa nz. garantisado talaga.

    wala, talagang desperado na ang mga tuta ni gloria. alam nila, kung sa malinis na paraan, wala na silang ibubuga, kaya hahantong na lang sa dayaan. hello garci uli? sige, at nang maghalo na ang balat sa tinalupan.

    at sana naman, ang mga botante sa pilipinas, makapag-isip-isip naman na. hindi yung basta nakapagboto na, tapos na. dapat, hanggang canvassing, bantayan.

    lalo pang bantayan, pag dumating na sa comelec. pagkadami-daming madyikero diyan sa comelec. exception na lang ang matino.

  36. chi chi

    Tongue,

    Wala na ba ang disqualification issue na isinampa ng mga hinayupaks?

    Kung ganyan ang nakita nilang suporta kay Peewee e siguradong inggit to the bones and kalaban!

  37. BOB BOB

    Ystakei, ..I believe you , na hanggang ngayon ay flawless ka pa rin..dahil sa secreto mong cream, ..ala..eh..sa amin sa batangas ay langis neeyug lang ang katapat neeeyan..at ikaw ba naman ang mamahala nang isang probinseeyah na wala kang alam..ay, tignan ko lang kung di kumulubot ang balat mo..ay seeyah , !

  38. BOB BOB

    …bukod sa ..Hello Garci ! may iba na ..Hello Benjie (abalos) na ang tatawagan…!

  39. BOB BOB

    GMA : Hello Benjie..
    (SA TAKOT NI ABALOS SA KANYA..SAGOT AGAD..)

    ABALOS : Yes Mam..! Dont worry Mam…ako bahala mam…Zero
    as in ”0” ang GO..ako bahala mam…
    (MAY ITATANONG LANG PALA SI GMA SA KANYA)

    GMA : Ano bagong telepono ni Garci ?

  40. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Chi, kung eleksyon lang ang pag-uusapan, walang talo si Peewee, sigurado ako diyan. Ang problema, sa bilangan.

    Tungkol sa mga kaso, yung mga dating kaso nang nakasampa sa ombudsman, nanganganak yata araw-araw e. Pag mukhang matatalo, nagpa-file ng panibago. Di ba’t meron nang TRO sila Vice Mayor Calixto, anong siste? Yung oras ding yun mismo, sinuspinde uli para sa panibagong kaso. Bastos masyado lumaban, maruming lumaro. Parang si Jaworski kung mambalya.

    Si Peewee nga ngayon ang nag-file ng disqualification laban kay Comedy, este, Connie Dy pala. Nung isang araw kasi, naghakot ang mga barangay ng mga paslit na bata, pinapila sa City Hall para kumamay sa lahat ng kandidato ni Connie Dy habang tumatanggap ng Bag, notebooks, shoes, mga lapis, etc. Akalain mo bang nakalagay sa notebooks ang pangalan ng mga kandidato, kahit pa sabihing di naman botante ang mga bata, ang boto ng mga magulang ang binibili nila.

    Nung isang araw naman. mas garapal na. Nagpa-Bingo at raffle si Connie Dy para sa mga matatanda na. Ang nakakatawa yung mga kasali wala namang puhunan, walang ticket o bingo card na binili, malinaw na vote-buying pa rin.

    Isama mo pa yung galit ni Isagani Cruz ng Iquirer sa pagpaskel ng poster ni Dy sa kahabaan ng expressway na sakop ng Pasay, lahat iyan nakafile na sa Comelec.

    Pero para sabihing umaasa akong aaksyunan iyan ng Comelec, hindi oy! Palulusutin yan, alaga yata ni Taba iyan. Kahit pa manalo iyan, hindo ako umaasang tatanggalin iyan ng House of Reps. Electoral Tribunal.

    Pag nanalo iyan, tuloy ang Las Vegas sa Roxas Blvd.!

  41. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Yung HRET nga pala, e kung mananalo si Panaligan.

  42. Buti na lang hindi ako botante. Gosh, kakaawa naman ang mga pilipino. Wala nang karapatang pumili ng kanilang iboboto!

    ABOLISH THE COMELEC! ABOLISH THE BOGUS GOVERNMENT! STRIKE! Or better, REVOLUTION NA! CRY OF BALINTAWAK NA!

  43. chi chi

    Tongue,

    Oh my golaylay talaga, kapag dinaya nila si Peewee at walang ginawa ang mga tao ay dadalhin tayong lahat ni Pidal sa impierno, kung hindi pa impierno ang dinadanas ng Pinas ngayon!

    Tama, gulatin na lang si Pidal at nang matuluyan, ang daming kabalbalan ng mga alagad niya!

  44. Mrivera Mrivera

    ala, ano ga’ng nangyari kay ati be (hmmp! baho) at naging kulubot ang kanyang balat? lasa ko ay nahileg sa pagkain ng saging, ey.

    kaya ayon, nagkutis unggoy na may lahing matseng!

    ralf! ralf! ralf! grrrrrrr!

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.