Noong isang linggo ibinasura ng Commission on Elections ang disqualification petition ni Pateros Mayor Jose Capco laban kay Alan Cayetano na tumatakbng senador sa ilalim ng partido ng Genuine Opposition.
Sinabi kasi ni Capco na hindi raw Pilipino si Alan na siyam na taon ng nanunungkulan bilang kongresista ng Taguig-Pateros.
Siyempre sinabi ng Comelec na walang batayan ang reklamo ni Capco. Hindi naman nakakagulat ang ganung deisyon ng Comelec. Ang nakakapagtaka nga ay kung bakit ang tagal-tagal bago sila nagdesisyon.
Mayroon pang isang isyu na tungkol kay Alan na hindi pa nire-resolba ng Comelec ng pinal. Ang pagka-nuisance candidate ni Joselito Cayetano.
Pagkatapos ng halos magdadawalang buwan ng nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan ang Comelec tungkol sa pagka-nuisance o pampagulo lang na kandidato ni Joselito Cayetano, nagdesisyon ang Comelec na nuisance candidate nga si Joselito, isang empleyado sa pier sa Davao noong March 27.
Kaya lang, nag-appeal si Joselito o ang kanyang handler. Kaya nandiyan pa rin ang kanyang pangalan sa balota. Hanggang nngayon hindi pa nagde-desisyon ang Comelec.
Alam natin kung sino talaga ang may pakana kay Joselito Cayetano. Ang humaharap para sa kanya ay si Oliver Lozano ngunit hindi talaga si Lozano ang may project niyan.
Ang utak ng project para sirain si Alan Cayetano ay hindi pa nakakalabas sa ospital.. Ewan kung sa nangyari sa kanya ay nagising sa kanyang masamang ginagawa sa bayan.
Ang Comelec naman, habang hindi nagsasabi ng pinal na si Joselito Cayetano at isang nuisance candidate, sila ay kasangkapan sa krimen na harangin ang kagustuhan ng taumbayan na ilagay sa Senado si Alan.
Kung magdesisyon ng pinal ang Comelec bago mag Mayo 14, 2007 na “nuisance” candidate si Joselito, lahat na botong may katagang Cayetano ay mabilang para kay Alan. Pati na ang may katagang “Joselito”.
Kapag ganun, kung pagbatayan natin ang survey ng SWS at Pulse Asia, dapat no. 4 si Alan.
Ang problema ay kung uupuan ng Comelec ang kaso ni Joselito Cayetano, ang “botong Cayetano” ay hindi mabilang. Kapag mangyari ito, hindi lamang si Alan ang nayari, pati na ang taumbayan.
Bakit hindi gumagalaw ang Comelec? Dahil may order ba galing sa isang taong makapangyarihan na hindi dapat manalo si Alan?
Takot itong makapangyarihan na tao na kapag nasa Senado si Alan, pagsisibilhan niya ng husto ang taumbayan at hindi niya papayagan ang patuloy ng pangungurakot nitong sakim na pamilya.
Mapatunayan ng Comelec na sila ay para sa taumbayan kung kaagad-agad magdesisyon sila ng pinal na nuisance candidate si Joselito Cayetano. Naghihintay ang taumbayan.
mga gago talaga yung taga COMELEC na yan.
john,
“gago” is a polite word, in COMELEC’s case.
GO, ace our poll victory.
GO, ACE R POLL ViCTri…
G – enuine
O – pposition,
A – quino
C – ayetano, Alan
E – scudero
R – oco
P – oll
O – smeña
L – acson
L – egarda
Vi – llar
C – oseteng
Tri- llanes
A – quino, Noynoy…
oo nga pala!
At last, I’m back after more than 2 weeks! Ang hirap humabol sa leksiyon, mahirap talaga pag uma-absent.
Comelec under Benjamin Abalos is a big joke. Baka tuloyang ma-atake de corazon si Fatso kapag naging patas ang mga komisyoners. Siyempre may pabuya naghihintay para sa kanila kapag talo si Alan Cayetano.
Hindi na basta makapasok ngayon sa bahay ni Ma’m Ellen. Since last night, hindi ako makapag-poste. Iniisip ko tuloy, na-throuwn out na ako from this blog. Marahil, hiniggpitan ng sikyu, mga alipores siguro ng kutong lupa sa may ilog Pasig.
Habang tinitiris si Alan Cayetano, lalong dumarami ang naeenganyo sa kanyang kandidatura. Siguradong utos sa itaas na huwag desisyonan ang kaso ni Joselito Cayetano alyas Peter, Bilang isang polite na pinuno, iniiwasan ni Abalos na magalit si FG, baka ma-heart attack na naman. Yan ang imahe ng isang polite. Polite talaga si Abalos (Translation: Gago talaga si Abalos). Sinunod ko lang poste ni TongueT.
Bilis mong sumampa sa estribo, sleepy! Sakay agad kahit hindi nagmemenor ang tsuper. Kaya huwag tayong pumayag sa mga polite na mga iyan! Sobrang polite na sila, no!
—–
Kung P10,000 ang offer ni Sir Raul O. para sa 12-0 sa Iloilo, at P50,000 kay Chavit para sa 12-0 sa Ilocos, sino ang nago-offer ng P100,000 pag na-zero si Alan Peter sa isang siyudad o munisipyo?
Ang presyuhan sa Comelec nung 2004 P10 kada dagdag, P10 kada bawas. Magkanong halaga ng total na babawasin para ma-zero si Alan Peter? Imposibleng mangyari diba? Pero magugulat kayo sa resulta pag lumabas na yung sa Maguindanao, Sulu, Basilan, at Lanao.
Presidente nga, nasi-zero doon e. Ang matindi nito, baka talunin pa si Alan ni Pepito sa ARMM, makapanakit man lang kung manalo man si Alan.
Headline sa Daily Tribune “Kampi’s tens of millions in campaign funds missing.” Pls read the whole story.
Nagkakagulo na ang mga local candidates. Wala raw sa kanilang dumarating na datung. Hay naku, naibulsa na yan ng mga wais. Pero ang tantya ko, mas malaki ang hinawakan lang ni kampo ni FG para gamitin lang laban sa iisang tao, kay Alan Cayetano. Babaha ng pera huwag lang manalo si Alan Cayetano. Kesehodang matalo ang mga mayor, governor at congressman na kakampi ng Kampi, huwag lang makalusot si Alan Cayetano. Kaya mga local candidates, huwag kayong maging polite! (Translation: Huwag kayong maging gago!). Itumba na ninyo ang mga Totally Unfit (TU). Ginagamit lang kayo. Huwag silang dalhin. Ibasura. Iwanang luhaan.
Posting in this blog becomes difficult usually at 1 a.m. to about 3 a.m., and then from 10 a.m. to 15 p.m. Manila time.
Even Ellen apparently cannot get to her blog when it is most probably being monitored by the Malacanang operators.
Ma’m Ystakei
Totoo yan, hirap talagang pumasok. Panay ang blink, pagpumunta ka naman sa iba, hindi ganun. Subukan ko uli. Mga polite kasi ang mga nagmo-monitor nitong blog.
Mabuti pala at resolve na ang kaso ni Alan Cayetano on the question of his citizenship. Kung hindi naman polite yang si Capco, 9 years na Congressman si Alan, pinagdudahan pa ang pagka Pinoy. Sa utos siempre ng nasa poder. Mukha kasing artista itong si Alan Cayetano, kaya inggit si FG. Ayan, nasa Abante, sinuportahan na rin ni Mother Lily si Alan. Lalong itataas ngayon ang gagastusin ng Malakanyang upang harangin si Alan.
Talagang patatagalin ni abalos yan. Sana pag upo ni Alan sa senado, imbestigahan niya yang mga polite sa COMELEC.
There are 3 minions of Mrs. Arroyo that I really love to hate. Marami sila pero itong 3 ang nangunguna para sa akin:
1. Abalos – he speaks as if he knows nothing on what’s going on at Comelec. One example was his feigning ignorance on the activities of then Commissioner Garci and the Hello Garci tapes. Dedma sa lahat ng bagay. Kasi old na.
2. Raul Gonzales – he speaks without preno on what’s in his polluted mind. Walang delicadeza. Kasi sira na yata de cabeza.
3. Bunye – he speaks with much assurance like the two Hello Garci tapes but later on retract that he was not sure if it’s Mrs. Arroyo talaga. May amnesia. Very polite siya.
TonGuE-tWisTeD:
welcome back!
That’s only proved one thing. Gloria’s rule is extremely powerful, even more powerful although, the fat lazy ass husband is lying his skeleton in the hospital. Alan Cayetano is their pain in the butt and they will do anything to get rid of him before he can get a senate seat. She want to dominate the Senate with her political parties of elite and corrupt, these individual whom she acquired through a highest bid are linked together in shifting her idled trip to reach the Enchanted Kingdom.
She appoints a large number of retired military Generals in her bureaucracy of governance, often those appointees have the power to appoint their own “bata-bata” staff, She continues to pampers all those Generals who are still active in their military career for her own security and protection, These General must deliver what they have agreed upon to produce her with loyal support. How can Alan Cayetano be able to fight these groups of giant with a bare hands?
Of course! There will be a massive cheating by the Arroyo’s clan of thieves, because they want to control the congress and senates, less allies less chance. These May election is a matter of saving freedom and democracy and we want to snatch it back from her hands. Torsehan na kung torsehan mga igan! and we need Alan Cayetano because he knows better about the German Bank account.
Halata naman talaga na ang Comelec ay panig sa admnistration candidates dahil si Abalos ay alipores ni Gloria. At BAYAD NA SIYA buon pang 2004 Election at siyempre pa hanggang nakaupo si Gloria. Pikit mata niyang binalewala ang ‘Hello Garci’ na sabi niya nuon ay iimbestigahan niya ang mga tao niya na sangkot dito. Wala tayong aasahan na malinis na election ngayon sa pamumuno ni Abalos. Kaya dapat lang na masusing pagbabantay ang ating gawin. Kaya ihanda ang mga cellphones, cameras at videos. Lahat ng mga maanumalyang gawain ay dapat i-record at ibigay sa media. Sabi nga eh, “The Comelec people are there not to ensure clean polls, but to ensure the fraud will will not be detected by the public, and ensure as well the win of Gloria’s bets.”
BE VIGILANT! AND VOTE GENUINE OPPOSITION!!! AT WAKASAN NA ANG BANGUNGOT NA DULOT NI GLORIA ARROYO!!!
Kung hindi makadecision ang Comelec sa caso ni Cayetano let the people decide. Sa ngayon ay nagkakagulo na sa pera ang mga TUTA hayaan natin mag-awayaway at sila sila ang magpatayan in their greed- so much greed that yong amo nila na nasa loob ng hospital ay materrorize so much that his heart will freeze and stand still. Tutal manhid naman. At pag gising niya tapos na ang labanan- nanalo na si Alan. VOTE! GO! BANTAY! GO.
Luzviminda & Rose—–What we gonna’ do if Gloria will cheat again?
I remembered when I was in high school, although it was not compulsory my teacher made me read and understand the novel of Dr.Jose Rizal as a punishment of being naughty in class, at first I rebelled because I thought she was very harsh on me, but, she said if you do what I am asking you to do, someday you will thank me. Yes, I thank her.
In El Filibusterismo, Rizal predicted a revolution in which all the suffering and oppressed elements of Philippine society would be involved. That’s the answer, that Rizal wrote, if Gloria’s machinery will try to spin a hay into a gold.
Sleepless,
You better get a spyware to clean your PC whenever you experience the blinking and the lulubog-lilitaw. It’s one way to prevent these crooks from trying to prevent us from getting into this blog. You’ll be surprised to know how many uncalled for registries you get. It helps prevent the spread of virus, bugs and worms, too.
Sikat kasi ang blog ni Ellen!
Resolve na ang kaso ni Cayetano re his nationality matagal na kaya lang maraming palpak na abogado sa Comolec ang gunggong na sunod lang ng sunod doon sa mga gagong baboy na nag-uutos sa kanilang guluhin siya. Ang dapat talaga nilang gawin kasuhan si Bugak at iyong asawa niyang nagsasakit-sakitan na puno’t dulo ng mga kalokohang ito na nakakasira sa bayan. Dapat talaga ma-disqualify si Bugak for rigging the election in 2004 plus the philandering of funds and electioneering then and now. I bet you hindi lang ngayon nandaya iyan. Kahit noong 1992 nandaya na pihado iyan kasi sanay na sanay!
Schumey,
Kontradaya named names about the riggers at the Comolec.
Alan Cayetano should do as you have suggested. Pero hindi siya dapat mag-isa diyan. Iba iyong may kasama siya for the witness of two or more will be more binding. Kaya iyong mga expose ni Lacson napapalpak kasi sinosolo niya.
This time, I hope Alan Cayetano, who is very spiritual, will be guided by the Lord above and do what is right with his fellow lawmakers to right the wrong in the law and the system. Unahin niya ang revamp ng Comelec. Remove all political appointees there and limit the tenure of office of those serving there as commissioners if they retain that useless agency.
Patalastas muna!
Minura ni Chavit Singson si Mike Defensor at tinawag ni Sabit si Mike na tarantado ayon sa kuwento ni Arnold Clavio.Bumili na kayo ng diaryo at mababasa ninyo sa Abante.
Rewind, noong May 2004 election, ilan araw bago ang eleksyon.
Matatandaan na si Judge Ben Abalos ay nagkasakit at isinugod sa ospital.
Sino naman kaya ang magkakasakit ngayon at anong klaseng eksena na naman para sa PR?
Manong Cocoy
Sa tindi ng galit ni Chavit, ang kaalyado niyang bumubuo ng Ilocano group will dump Mike Defensor. Basahin sa Inquirer. Hala ka ‘tol Mike, masamang magalit si Chavit, walang patawad. Dyay ti banger ka na, hahatakin ka dyan sa tabi ng bangin tapos tuloy itutulak. Due to impending defeat, nagkaka watak-watak na po sila. TU-liro na.
Sleepless:
Kahit anong sabihin nila, panalo na si Trillanes. A lot of my friends who were wary about him at the beginning are now telling me that they were glad they waited to see him talk on TV. Iboboto daw nila dahil siguro nilang hindi nakukurakot di tulad noong mga balimbing. History na iyong mga HASO. Galit na ang taumbayan, and I doubt if the people can be persuaded by the Mayors, barangay captains, et al to vote otherwise especially when the Bansot now apparently cannot pay.
Iyong mga nasa agencies in charge of the treasury should now resist to give in to the wiles and whims of the Bansot. Ipakita naman nila ang pagmamahal nila sa bayan nila na huwag makurakot ang pera ng bayan para lang huwag mapatalsik si magnanakaw na sinungaling pa.
If the next election would be a failure, then the people will have no other recourse but to avail themselves of their inherent right of taking that power of the government that defines it.
The power of this government emanates from all of us. By all means, let’s take it back.
Even pythons and alligators don’t kill their own. Although, they may look like one, but they at Malacanan must not be humans. Killing journalists and political activists… bombing innocent civilians in Mindanao with state resources, are inhuman. They are of another species. They are not of this world.
Let’s send them back where they truly belong.
HELL.
So what kung nag-aaway si Chavit at Defensor? Parepareho namang talo ang mga iyan sa totoo lang. Give up na lang sila. Nationwide, sinusuka ng mga tao si Chavit at mananalo lang siya kung dadayain na naman ni Garcillano, et al.
Si Garcillano nga, kapag nanalo iyan sa probinsiya nila, e bilib na ako. Kundi tarantado ang mga kaprobinsiya niya ay pihadong nilutong makaw niya. Kaya challenge iyan sa mga taga-Bukidnon. Ipakita nilang hindi sila TARANTADO.
Same with the people of the district being contested by Darlene and Pakyaw. Kung matino sila, hindi nila iboboto ang boksingerong walang alam kundi magsipsip! Saan ka nakakita nang isang inutil na hindi na nahiyang magsabing ipapagawa niya ang trabaho niya sa abogado niya. Ano? Doble bayad ang gobyerno dahil kailangan niyang bayaran ang abogado niya siyempre kapag pinagtrabaho niya? Di bale kung siya ang magbabayad, pero mali pa rin iyon. Stupid talaga!
Gosh, saan ka naman nakakita ng isang pangulo kuno na nang-aagaw pa ng kasikatan doon sa mga boksingero, mountain climber, kinidnap na mga bata, et al dahil wala siyang nagagawang matino para makilalang matino at mapuri. at ang batayan ng progreso ng bansa ay ituring mga pulubi ang mga pilipino na tinatapunan niya kunyari ng isang supot na bigas at ilang supot ng ramen na bayad sa kaban ng bayan na padded pa ang mga bills! Pwe!
Isa lang ang message ng ginagawa ng Comolec. Hindi puedeng pagtiwalaan ang agency na ito kaya hanggang hindi natatapos ng eleksyon, kuwidaw ang lahat sa gagawing pandaraya.
May victory reception kuno sa Tokyo on May 24. Taka kami kasi si Bansot lang ang kumbidado ng Yomiuri para magsalita, pero kasama iyong matabang mama. Kung talagang may sakit iyan, hindi iyan makakasama sa totoo lang. At saka bakit Tokyo ang first trip after the election?
Kasi may mina dito ng pagkakakuwartahan ng mga magnanakaw sa pamahalaan, iyong mga patrimonies ng Pilipinas sa Japan na naglalaway ang mag-asawang pagkakakuwartahan! Sakim talaga!
Ystakei,
The recent resignation of the National Treasurer is an indication of a financial crisis within this bogus administration. Afterall, Kampi has no funds to start with other than that of the Jueteng, Masiao, smuggling, etc.
Kaya sila ay nag-umpisa ng magkanya-kanyahan… ‘la na kampihan!
pareng cocoy,
maganda sanang mapanood kung paano magsapakan ang dalawang galising aso ni gloria, sina miking ‘ontinental at swabit swingson.
ay, mali! mga aso nga pala sila. imbes na magsapakan, magkakagatan silang dalawa!
nelbar Says: “Rewind, noong May 2004 election, ilan araw bago ang eleksyon. Matatandaan na si Judge Ben Abalos ay nagkasakit at isinugod sa ospital.”
nelbar, wala nang magkakasakit sa kanila. babangungutin sila at mamamatay ng dilat ang mga mata’t nakabuka ang bungangang animo’y natodas sa SINDAK!
iyan ang usig ng konsensiya!
Sampot:
Long time ago, a cousin of my father served as National Treasurer of the Philippines. Walang scandal ang uncle namin. Kapag napasok na ang pera sa treasury, hindi na puedeng magalaw ng mga kurakot pero dahil sa alam niya ang batas, hindi siya mapatalsik sa position niya that he got through civil service ranking, not political appointment. Kaya ang nakawan noon, iyong mga perang hindi pa napapasok sa kaban. He retired with a good name and reputation. Galit siya kay Macapagal sa totoo lang. Matagal na siyang namayapa. Sana ganoon ang national treasurer ngayon!
Magno:
Unfortunately, walang mga konsensiya ang hinayupak. Otherwise, hindi sila sasama sa mga halang na kaluluwang mga Pidal.
Tignan mo naman ang litrato ni Fatso. Nakabukaka sa picture. Ano ba ang gusto niyang ipalabas/ipakita? Yikes!
Ystakei & Cocoy:
Eh ano ngayon kung nag-aaway sila?
Eh parehas na kups yan! Sila sila mismo na mga PR manager nila ay nagkukup@l*n?
Kunyari mag-aaway yan tapos kapag pinag-usapan ng GO, sasabihin nila ay pinag-aaway sila!
Yung simpleng pagsisilbi na lang ni Chavit sa Ilokos Sur, may dahilan kung bakit hindi sya tumakbo roon?
Nahihiya na sya sa mga taga Ilokos na kapag manalo pa sya ay isa lang ang sasabihin sa kanya ng mga ka-probinsya nya?
NAGBIBIGAY SYA KAHIHIYAN SA PANGARAP NYANG “ILOKOS REPUBLIC”.
Ganon din si Mike Defensor. Bakit hindi sya tumakbo ulit sa Quezon City? Alam kasi nya na kahit manalo sya sa dati nyang distrito ay KAHIHIYAN DIN ANG IBIBIGAY NYA SA QUEZON CITY!
Ganon din sa amin sa lokal na eleksyon! Walang lumaban na pagka-Mayor at pagka-Congressman?
Bakit kamo? Kasi KAHIHIYAN na ang itinuturo sa mga nasasakupan!
Hindi na marangal ang itinuturo kungdi pakisamahan na lang.
Ang ideya na itinuro ng PEOPLE’S POWER ay hindi lang para lumaban sa authoridad, kungdi ang manindigan para magkaroon ng karangalan para sa bansa!
Dyan sa Mandaluyong, hindi pa rin nawawala ang imahe at tanong na “TAGA SAAN KA?SA LOOB O SA LABAS?”
Ibig sabihin, kahit anong ganda at mga nagtataasan o madaming building/gusali/malls WALA PA RIN RESPETO SA MGA TAGA MANDALUYONG!
Sabi ko sa Nanay ko, ‘kahit wag nyo iboto ang gusto ko, hindi ako papagamit sa makinarya!’
Re: “Mapatunayan ng Comelec na sila ay para sa taumbayan kung kaagad-agad magdesisyon sila ng pinal na nuisance candidate si Joselito Cayetano.”
Ellen,
Difficult for a tiger to change its stripes (can’t remember the saying) or for a leopard to change its dots.
I don’t believe Comelec will change, not while Gloria is in power. Overhaul topside, i.e., get rid of the pests in Malacanang, get rid of Abalaos, then you may just overhaul Comelec.
yuko,
‘yun na nga ang sisingil sa kanila, ang kunsensiya nilang nasusulasok na rin sa kanilang kawalanghiyaan!
‘kukulit ninyo! mag-aaway nga ang mga aso. magbabangayan. magkakagatan. ipagwawagwagan ng mangingibabaw ang mapipilan at gugutayin ang bawat himaymay ng kalamnan! ganyan ang magiging away ng dalawang asong ULOL!
Ystakei,
eh, ang problema ay pati National Treasure nagkaubusan na! Kaya kahit Treasurer di na rin kailangan.
Bukas, baka pati Nation wala na rin!
ystakei: Is the Nat. Treasurer you referred to- Vicente Gella? There are Gellas in Pandan, Antique- kamaganakan ni
Loren. Tama ka- walang nakawan during those days. The biggest scandal I read then- was Quirino’s arinola and the 5,000 pesos bed. Nasa primary school ako noon pero nakakarating na ang Free Press sa Antique. Mayroon pa bang Free Press Magazine, ngayon? Mahalaga ang one peso noon- one week allowance.
Nope, iyong tiyo ko National Treasurer hanggang nang umalis kami ng Pilipinas noong 60’s. Wala na kami sa Pilipinas nang mag-retire siya but he never got involved in any scandal.
Ako ang alam kong scandal ay iyong sa Naric at backpay. Usap-usapan ng mga matatanda dahil no read no write pa ako noon, pa-drawing-drawing lang. Kahit noong kauumpisa pa lang ng Pilipinas, apparently, marami nang kurakot. Ngayon mas grabe!
Hindi tutuldukan ng COMELEC ang isa pang issue tungkol sa pang-gulong si Joselito “Peter aka Juju” Cayetano hanggang dumating ang May 14. Ito ay ang tuluyang pagka-disqualify sa kanya bilang isang nuyisance candidate – talagang pang-gulo lang.
Dahilan sa utos ng kunsimunang Pontio Pilato at ayaw magwagi ang tunay na Allan Peter Cayetano sa pagiging Senador. Tinik kasi itong si Allan sa lalamunan nina IPdyie at Tiyanak.
Iminumungkahi ko sa mga mananalong Senador sa Genuine Oposisyon na una nilang gawin ay linisin ang COMELEC at i-impeach iyang si Chairman Ben Abalos dahil sa kanyang pagbubulag-bulagan (dereliction of duty) sa mga katiwaliang ginagawa ng mga kandidato ng kanyang sponsor na si Tiyanak.
Cocoy: We all know that Gloria is going to cheat her way to win- by hook or by crook. I know what you mean about the revolution predicted by Rizal though I read Noli and Fili just a few years back. Bawal kasi sa amin. I grew up in Antique but for High School and College I studied in Manila. A revolution is very imminent come May 14. And the revolution I would like to see is through the ballots. But with the military doing the voters education campaign and their presence nakakatakot ang ituturo nila. Baka nakatutok pa ang baril. O kung landslide ang panalo ng GO which I hope to happen- baka hand grenade ang itatapon para masunog ang precinto at para walang evidence. Or mag ratatat ang machine gun. Hindi ba kanta nila ay BOOM tarat tarat? I dread to think of this. Huwag na naman sana. I HOPE for an Honest, Orderly, Peaceful Election. Or am just singing- the Impossible Dream?
WWNL:
Thanks.
—–
Yuko, Sleepless:
Actually that’s the reason I was absent for more than 2 weeks here. All the PCs and a laptop at home had crashed. The partitions of all seven hard disks (each PC has 2 HDDs) were reset and had to be reformatted. All the pictures, archives, (even my favorite comments here!) were gone. I had a fault tolerant system for the desktops so I could have a mirror image of each the main disks. But the trojan destroyed the backup disks first!
My McAfee Antivirus was constantly updated, though I was already suspecting trouble when I noticed a few times that McAfee was being disabled without me having to do it. My Webroot SpySweeper was the latest and the firewall was on. My whole home network has never been as secure, but a worm still got through.
Funny thing though (or should I say scary?), right after the attack, I checked my email in the neighborhood web cafe and I got an email offer where I can avail of free data recovery service and all I had to shoulder was the courier fee. I don’t think any company is stupid enough to give such an expensive service for free.
Am I being watched or am I just paranoid?
Cocoy & Sampot,
Tama kayo, if this May election would not be clean and honest, then it only means that with this inept, illegal administration, we cannot have the true will of the people. Manalo man ang karamihan sa kanditato natin sa GO ay kailangan ang paglilinis ng ating mga institusyon. At kung talagang SOBRANG BABUYAN NA ANG DAYAAN AY DAPAT NA ANG TUNAY NA REBOLUSYON!!!
Maybe it is the ONLY WAY para magsimula tayo sa PANIBAGONG UMAGA AT BAGONG PILIPINAS!!!
TT
Careful with those offers. Sometimes they come with a hidden registry. I have a spyware provided by a downloader that I joined two years ago for life. I paid only 40 dollars and the membership is for a lifetime. The spyware and virus busters they provide are real superb. Then I pay extra to my provider for a special clean-up on their end.
I don’t use Norton and/or McAffee. I use AVG or PCcillin of Trendmicro. They’re very effective. I recommended Spyware to my barkada, and Emilio can attest to its effectivity in removing spywares and questionable registries. For cleaning, I find the BCWipe very, very effective. I don’t store important documents in my HD. I put them in CD’s or external HDs and even FDs. For really important documents , I store them in disks made in Japan for durability. Cheapie Chinese made disks do not make good for long-term storing.
Just sharing.
TT:
You may be monitored. Ingat!
TonGuE-tWisTeD,
I agree with Yuko about the effectiveness of spyware software. Please consider and visit this link:
http://www.pcworld.com/downloads/file/fid,7423-order,1-page,1-c,alldownloads/description.html
Matindi talaga ang ginagawa ng mga nagmo-monitor sa mga bloggers na bumibisita dito sa Ellenville – mga mapanira!
Good luck at ingat..
Something is wrong again?
Can not post any comment …
Methink Ms. Ellen is reviewing posts with link..?
Previous post is regarding a link to a spyware (AdAware SE by Lavasoft) which was recommended by Yuko and a very good one indeed for all the hard-hitting/highly opinionated bloggers in Ellenville.
I recommend the installation of this one to prevent PC crashes.
Good luck..
Hi friends,
Read Tongue’s problem. Remember I told you my comp also crashed some 2 or 3 weeks ago too that I had to re-format everything. Lost my address book too.
Very, very annoying.
baycas:
local TV political advertisement by Genuine Opposition (GO), presented the following word play:
P L A N C O R E V O L T
P –imentel
L –egarda
A –quino,
N –oy-noy
C
O –seteng
R –oco
E –scudero
V –illar
O –smena
L –acson
T –rillanes
—-
isang boto, laban sa nakaupo !!, GO slogan stresses…
—-
the above prompted Malacanang political handlers to protest the allusion to rebel (revolt) against Gloria. Ha ha ha ha!
naku po!, mali !!
P –imentel
L –egarda
A –lan Cayetano
N –oy-noy Aquino
Anna,
It is indeed annoying when someone’s intent is to destroy and spread havoc to people who are well-opinionated on issues regarding this current administration.
Please equip your pc with a spyware software which deters attacks in your registry.
The link above is a proven software. It works in any browser (IE6, IE7, Mozilla, Netscape…)
Good luck …
I just opened Ellen’s blog in my other computer. Biglang may spyware! Ang tindi!
Voters still going for 7 GO bets in Pulse
GO candidate Alan Cayetano, zoomed back to 6th place with his namesake was disqualified.
http://www.tribune.net.ph/headlines/20070501hed1.html
Yuko,
Nakalusot itong post ko re AlanC, pero iyong iba nag-disappear! Ang hirap lumusot!
Lalong busy ang mga mandaraya ni Madame Bobary as election day comes nearer. Ang tindi! Alam na alam na ng lahat ang modus operandi nila, arya pa rin.
BTW, si Garcillano must be Ilocano. Ang galing mag-Ilocano. Now, we know kung sino ang babayaran ng malaki ni Chavit para manalo siya. 1M votes na naman ang pangako ng mga manipulators nila sa Comelec. See the one I posted in the other loop re the daya in Davao.
Emilio,
All comments with external website links are automatically held for moderation. Work around this by starting with the triple w’s without the hypertext transfer protocol symbol ( h t t p : / / )
Yuko, Anna,
Both McAfee and Webroot check virus signature updates immediately upon opening Internet Explorer. The moment you are connected you have the latest virus/spyware/trojan database installed. The only way hackers can penetrate is by exploiting Windows’ vulnerability, especially XP and Vista’s remote accesibility. I have these features usually turned off.
But the moment you visit some sites that work around pop-up blockers, you are suddenly fair game. And Microsoft’s programmers usually take 2-3 weeks before they issue a downloadable security update. They released one just this week. Which means WE could have been attacked at least 2 weeks before, which is exactly the time MY disks crashed.
I already noticed my Antivirus being switched off frequently. I was stupid not to have backed-up immediately afterwards. My old backups were sun-toasted in the car and I lost all my data, including my phone memory backups, addressbook, 200-page joke compilation, 2000-picture photo album, blog archives, not to mention many professional materials. My daughter used all my blank disks for burning her mp3s and photos and I didn’t find it urgent to replenish.
So guys, BACKUP YOUR DISKS REGULARLY, PLEEEZE!
haaaaay! nakopo! herap na herap akhong pomasok sha bhahay ne aleng ellen!
prnag-eenetan talaga eto ng mga alagad nung babaeng tomadorang lageng lasheng!
Either a lot of people are trying to get into your site or we are simply being blocked by you know who. Just tonight alone, I lost about four posts. They did not post and simply disappeared! In the afternoon too, I can not seem to go into the site. I just kept trying and trying. It is just hit and miss.
The Fatso will do anything to make sure that Alan will not win! But the people love him! He will win! As long as he is not cheated.
gamit kayo ng “notepad” para sa mga windows based O.S. , at “vi” naman para sa mga unixes/linux flavor O.S.
madalas na nangyayari sa akin yan(am using Windows), sayang ang mga posting ko at ang hahaba pa naman.
* * * * * * * * * *
binabati ko ngayong araw na ito ang mga manggagawa! tunay na kasundaluhan ng ekonomiya!
wow! ang galing ng propaganda ng mga alipores ni GMA.
gusto na naman ipakita sa kabataan ang programang job fair kuno.
Pero ano ba talaga ang tunay na isyu sa tuwing sasapit ang a-UNO ng Mayo?
nelbar,
lasheng si gloria tomadora kaya ganyang nambobola na naman.
Nelbar, ang tunay na isyu sa Pinas tuwing a-UNO ng Mayo ay ang talumpati ng mga presidenteng halal at peke na pinapalakpakan ng mga labor dealers, ooppps leaders pala!
Onli in da Pilipins na ang Labor Day ay hindi nakatuon sa selebrasyon ng mga nakamit na kaginhawahan ng mga manggagawa.
Swak na swak, chi!
“…pinapalakpakan ng labor dealers…”
121 years since the first Mayday celebrations, dito sa Pinas, api pa rin ang labor. Napakabackward natin.
Tongue, grabe ang labor dealers, lalo na ang TUCP!
Tama ka, Chi – natapalan ng salapi ang mga dealers kaya ang mga members ang patuloy na naghihirap.
Ang yabang ni Tiyanak kahapon habang naglilitanya ng mga “nagawa” ng kanyang administrasyon sa employment.Ang nakapag-tataka ay saan kaya niya napulot ang mga figures na iyon. Masabi lang na talagang milyon-milyon ang nabigyan ng hanap-buhay ng kanyang administrasyon. Ang sumusunod ng mga links ang mas dapat paniwalaan.
http://www.manila-online.net/bles/
http://www.census.gov.ph/data/pressrelease/2006/lf0603tx.html
Thanks for the links, Emil.
Intresado ako sa tunay figures.