Skip to content

Bail kay Honasan, dapat ganun din kay Trillanes

Dahil sa pinayagan ng Makati Regional Trial Court si dating Sen. Gregorio Honasan na magpyansa, hinihingi ngayon ng Genuine Opposition na payagan rin si Ltsg Antonio Trillanes IV na magpyansa.

Oo nga naman. Dapat equal.

Sabi nga ni GO spokesman Adel Tamano na walang peligro na tatakas si Trillanes dahil kailangan siya makita ng mga tao. Mangangampanya siya.

Sa kanyang podcast interview sa Philippine Daily Inquirer, sinabi ni Trillanes na hihingi siya ng pahintulot kay Judge Oscar Pimentel, na siyang dumidinig ng kanyang kaso, na payagan siyang lumabas sa kanyang detention quarters sa Camp Bonifacio, isang linggo bago eleksyon para siya mangampanya. Babalik naman siya sa kanyang detention cell pagkatapos ng eleksyon.

Tingnan natin kung ano ang magiging aksyon ng korte sa hiling ni Trillanes. Maala-la natin na matagal bago pinayagan si Trillanes na makapag-usap sa media. Noong Martes lang linabas ang permiso ng korte at marami pang kundisyon. Hindi pwedeng pag-usapan ang kaso, kailangan sumulat tatlong araw bago ang interview at kailangan mag-submit ng questions in advance.

Kung papayagan si Trillanes mangampanya ng personal, sasamahan kaya siya ng sangkatutak na guwardiya katulad ng ginagawa ngayon tuwing dadalo siya sa hearing sa Makati Regional Trial Court at Camp Aguinaldo?

Sa ngayon, nakaposas pa yan siya sa kanyang guwardiya tuwing pupunta siya sa korte. Kawawa nga si Sonny Trillanes eh. Yan ang sinasabi niyang handa siyang magsakripisyo para sa bayan.

Maala-ala natin na kaya nakakulong si Trillanes dahil ibinulgar nila ng kanyang grupong Magdalo ang corruption sa military sa tinatawag natin ngayon na Oakwood mutiny noong July 2003. May kaso siya sa civilian court at mayroon din sa court martial.

Nasangkot si Honasan bilang pasimuno raw ng Oakwood mutiny. Di ba nagtago si Honasan ngunit nahuli siya noong Nobiembre sa bahay raw ng kanyang girlfriend. Sa TV interview kay Korina Sanchez, dini-deny ni Honasan na nakikipagtalik siya sa kanyang girlfriend ng mahuli siya.

Sa pagpayag na magpyensa si Honasan, sinabi ng korte na mahina raw ang ebidensya ng pagsangkot kay Honasan sa Oakwood mutiny.

May kumakalat na balita na nakipag-deal si Honasan sa Malacañang. Ang balita nga may mag-withdraw raw at papalit si Honasan na nasa magic 12 kahit nakakulong siya. Sabi ni Honasan, walang deal ang kanyang paglaya. Magaling lang raw ang kanyang abogado.

Ngunit nakakaduda talaga ang mga sinasabi ni Honasan. Sabi na niya ngayon, hindi raw siya sigurado na nandaya si Gloria Arroyo noong 2004. Di ba kasama siya sa kampo ni FPJ noong 2004? Bakit nagiging bulag at bingi na siya katulad ni Tessie Oreta at ni Tito Sotto na ngayon ay sa kampi na kay Gloria Arroyo.

Nakakaduda itong si Honasan. Hindi bale, kay Trillanes naman kami.


Click here for Malaya’s story on Trillanes’ petition for bail.

Published inElection 2007Web Links

104 Comments

  1. Ellen:

    Isa lang ang tawag diyan. Sabi nga ni Anna, babuyan!

  2. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Kay Trillanes tayo, sa lahat na GO. Matagal ko nang kinaltas sa listahan si Honasan. Patuloy ang jingle laban sa ASO, ang mga taong nasa likod ni Fernando Poe, ngunit biglang tumalikod at sumama kay glo. Duda na raw kasi sila na dinaya talaga si Poe. Neknek nyo! Ngayon, kung sasama na sa kanila si Honasan, ito’y magiging HASO. Pero walang pinag-iba, ASO is also pronounced HASO by you know who.

  3. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Should be, HASO is also pronounced ASO by you know who.

  4. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Ellen,
    Iyang mga kadudadudang galaw ni Honasan sa klarong pananalita ay “kapit sa patalim.” Obvious naman na kulang siya ng financial funds. Di ang mga mayhawak ng susi ng kaban ng bayan ang lalapitan. Double purpose daw kung baga. Malaya na siya may pera pa. Okey lang…Kahit ano pang mangyari kay TRILLANES PO ANG MGA BOTO!

  5. cocoy cocoy

    Loopsided Judicial system ang umiiral,mahirap asahan na papayagan ng korte na makapag bail si Trillanes kung awan ti abiso idyay malakanang.No haan kayat ni bulingit haan mabalin.

  6. chi chi

    Aha, at pati si Gringo ay hindi na raw sigurado kung nandaya si malignong Tianak! HASO na nga, kasama ka Honasan! Sabi ng grupo na kilalako na boto sana kay Gringo “mangisay s’ya, withdraw na kami ng aming boto”, kasi raw ay taksil din pala sa kanyang prinsipyo!

    Di bale, Trillanes naman kami, kumpleto ang yagbols hindi gaya ni Gringo.

    Iyong ahas noon sa leeg niya ay simbolo ng kanya ring ugaling aas (silent h)!

  7. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Rod Kapunan of the Daily Tribune has an interesting column: Backlash in exploiting Honasan’s candidacy.

    He cited among other things that “The backlash could be tidal should the public find that he was purposely released to be a substitute for a TU candidate (Chavit) who now realizes he has nil chance of winning despite his braggadocio of being responsible for the downfall of the duly elected President Joseph Estrada.”

  8. I don’t want to make judgment when I am not sure, but the way I see it is Honasan has been advised by his lawyer to play it cool now with the administration because he is not getting younger! Ang laki ng ipinangit niya! Reflection of the corruption of his soul as a matter of fact.

    Point is for how long will Filipinos allow these corruptions? Filipinos should not wait for the day when the Philippines become another killing field! Patalsikin na, now na! Inuubos na naman ng tarantada ang pera sa kaban! Bakit hindi na nadala ang mga pilipino?

    Ito namang mga ASO, hindi ba sila naririmarim sa mga sarili nila? Kung sabagay, naisip siguro nila kesa naman magutom, magpakawalanghiya na, ganoon din naman ang suma. Pathetic? You bet!

  9. cocoy cocoy

    Sabi ni Honasan kay Julius wala raw kinalaman ang malakanyang sa paglaya niya,pero,itong si Julius Babao may pagka sutil at tinanong niya uli si Gringo kung talagang di siya sasama sa TU ang sagot niya ay may pag-asa pa raw.Huli ka ng pulis sa ilalim ng tulay Gringo.

  10. BOB BOB

    Ganda nang sagot ni Trillanes sa interview sa kanya ni Ricky Carandang of ANC kanina umaga…Si Montano naman diyos ko po ang mga sagot sa tanong sa kanya laging example niya ang pagiging artista niya…Gunggong talaga…tinanong kung ano natapos niya…sagot niya ..Daanin na lang po natin sa pagiging artista ko…etc…etc…stupido talaga na walang kapantay…si Orpilla naman (KBL) laging sagot, ibabalik ko ang nakaw na yaman ni Marcos.,..dami na talaga sa atin ang sira ulo…!!!!
    Hoy Gringo, siguruhin mo lang na ang prinsipyo mo ay di kayang bayaran….alam ko mga 2 weeks pa bago malaman kung ang prinsipyo mo ay pinagbili mo na ….

  11. Sorry, this should read, “when the Philippines BECOMES another killing field!” Ito kasing automatic corrector ko nakita lang may “s” ang dulo ng Pilipinas, akala plural na. 😛

  12. Wala pa ba sa You tube ang interview ni Trillanes? Hindi kasi ako subscriber ng TFC or ABS-CBN. Pakipost naman kung meron na.

  13. BOB BOB

    talaga ba Coy, huling huli talaga ha….lakas din nang kutob ko na may kinalaman si Sotto diyan sa pagkaka-bail ni Honasan…kaya lang tiyak lalaro itong si Honasan…abangan natin…pag nagka-taon mas mukhang may Prinsipyo pa si Goma sa kanya…

  14. chi chi

    I truly believe that Honasan’s bail out was because of a deal with the malignong Tianak by the Pasig river. Why? Kasi iyong kanta niya ay kanta rin ng orig na ASO!

    Wa ako paki kay Honasan! Tama Elvira, kahit ano pa ang mangyari ay Trillanes ang aming boto!

    Aanhin pa ba Gringo e nakipag-deal na kay Tianak!

    Si Trillanes ay big NO sa deal! Hindi pera ang ipinaglalaban ni Trillanes kundi prinsipyo! (Nasa previous thread ‘yan!)

  15. chi chi

    Cocoy, thanks for that Julius Babao interview. Huling-huli na nga si Gringo kung “may pag-asa pa” ang kanyang sagot. Pero baka magisip-isip din ‘yan dahil tiyak ay bubulusok s’ya sa survey. Kapag hindi siya natuto sa kaso ni Sotto at Oreta na pinupulot na sa kangkongan ang mga boto ay napakalaki niyang gago!

  16. chi chi

    Balik kay Trillanes.

    “Sa ngayon, nakaposas pa yan siya sa kanyang guwardiya tuwing pupunta siya sa korte.”

    Sana iyong guardia ay iboto si Trillanes. Aba, this guard should feel proud na nakaposas sa kanya si Trillanes. Kapag naging senador ‘yan ay hindi siya malilimutan, lalo kung tumutupad lang siya ng tungkulin at hindi niya binabaldya si Sonny. 🙂

  17. chi chi

    BOB Says:

    April 24th, 2007 at 3:01 am

    Ganda nang sagot ni Trillanes sa interview sa kanya ni Ricky Carandang of ANC kanina umaga

    ***

    Ano ang sagot BOB? Wala akong Pinoy channel dito kaya sa Ellenville lang ako kumukuha ng info. Paki bato dito ang sagot.

  18. Bob:

    I doubt kung may prinsipyo si Honasan. Yardstick ko kasi sa taong may prinsipyo ay kung hindi siya adulterer!

    Kita ko iyan sa mga politikong pilipino. Halos lahat babaero o lalakero! Si Senator Pimentel lang ang nakita kong matino sa totoo lang. Kaya hanga ako sa tatag ng mamang iyan. Para sa akin, iyan ang may prinsipyo! Kaya ang Pilipinas hindi na nabasbasan ng Diyos gawa nang walang prinsipyo ang mga namumuno.

    Ngayon pa lang siguro magkakaroon ng pag-asa ang Pilipinas sa nakikita ko sa grupo nina Chiz Escudero, Trillanes, Cayetano, Koko Pimentel at saka siguro pati na rin si Noynoy Aquino. Gusto ko si Trillanes kasi wala pa akong narinig na babaero siya. Otherwise, goodbye siya sa akin!

    Sabi nga sa Bible, “He that saith unto the wicked, Thou art righteous; him shall the people curse, nations shall abhor him: But to them that rebuke him shall be delight, and a good blessing shall come upon them.” (Prov. 24: 24-25)

  19. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Itong napipintong pagsama kay glo ni Honasan, patunay na patuloy ang hudasan. Pero sana naman, huwag na huwag si Chavit ang papalitan ni Hudasan este Honasan. Pumili na sila, andyan naman si Petsay, repolyo, kamote, etc. Dapat magpatuloy si Chavit, para naman makatikim siya ng lupit ng hagupit na sa kanya’y galit na galit. Sa ganun, siya ang magiging numero uno, number 1, topnotcher sa mga kulelat!

  20. cocoy cocoy

    Sleepless:
    Dapat si Chavit sa palagay ko ang palitan.Dahil kapag sumabit si Chavit sa number 13 0r 14 ay delikado iyong number 12.Alalahanin mo nandyan pa rin ang mga pinsan ni Dukat baka hindi lang bus ang ihostage nila baka train na ng MRT at LRT,aba kaibigan maraming salamangkang nakatago iyan sa bayong,sa dami ng pera niya,kayang kaya at pati pa kamo si Abalos ay hahalik sa kanyang tumbong.

  21. Wow, nakaposas sa guwardiya! How primitive! Kawawa din iyong guwardiyang pinosasan. Hindi ba nila alam na delikado iyon?

    Dito sa Japan, ang mga nakadetain sa jail o preso, kapag lumalabas sa kulungan, nakatali sa tiyan ng lubid na nakatali din sa posas para kung tatakas, madaling hilahin. Mukha nga lang mga baboy na nakatuhog! Kaya dito ang kulungan ang tawag, “butabako” o sa ingles, “pig’s pen”! Iyong mga bansang dito ipinapadala ang kanilang mga pulis para mag-training ay ginaya na ang style ng Japan sa totoo lang gaya ng paggaya halimbawa ng Singapore ng koban (police box) system ng Japan.

    Bagay di ka magtataka sa Pilipinas lalo kung nasa ilalim ng pamumuno ng mga kriminal kaya nga wala nang hustisya e. Tignan mo nga iyong Justice Secretary daw siya mismo ang lumalabag ng batas! Pambihira!

    SAKIT NG PILIPINAS, SI TRILLANES ANG LUNAS! GO 11+0! Note that I never once endorsed Honasan!!! Yardstick ko kasi ang pambababae niya enough for me to reject him! Buwisit iyan!

  22. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    It’s highly possible that Gringo Honasan made a secret deal with the evil empire. Perhaps, Senator Juan Ponce Enrile lobbied his temporary freedom. Lakay Johnny supported TU sweep victory in Cagayan province. Kung may A.S.O. (Angara, Sotto, Oreta), ano ang papel ni Gringo sa Team Tuta? Palagay ko sa bagong tuno ni Gringo baka sa bandang huli ay si FPJ pa ang nangdaya noon 2004. 🙂

  23. cocoy cocoy

    Ang sabi ni Gringo ay hindi pa raw tapos ang inumpisahan niyang laban.kaya daw siya kakandidato uli para maituloy niya, Aba Gringo! Noon pa iyang laban mo inumpisahan mo kay Marcos,hangga ngayon ay hindi pa ba tapos iyan?Mas bilib pa sana ako sa iyo kung inumpisahan mo ang laban ng nalaman ng taong bayan na dinaya si FPJ,ng sa ganon natapos na ang problema.

    Kita mo ha! Ikaw ang pinaghihinalaan na pasimuno kaya nag-alsa ang mga Magdalo,naniwala sila sa iyo tapos ibinilad mo sila sa araw,hindi mo man lang pinanindigan kung may kinalaman ka,iniligtas mo lang ang sarili mo at sila ngayon ang naiipit,baka nga idiin mo pa sila sa kagaguhan mo.Awan ka kahit na basit laing na presipyo lakay Gregorio.Sarili mo lang Barok ang iniisip mo!

  24. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Missed ko rin ang Trillanes interview. Sana, maipalabas na sa YOUTUBE!
    Kababasa ko lang sa isang newspaper on line, quoted si Defensor na si Honasan ang mag-replace kay Singson dahil mag-withdraw ang huli at ipagpatuloy na lang ang pagpare-elect as governor kasi kulelat naman siya as senatorial candidate!
    Ano ba ‘yon? Mga Haso talaga, as in ASO!!!
    Tunay ka Chi, no matter what, kay TRILLANES pa rin ang Boto!

  25. chi chi

    Cocoy,

    Kung totoo man si si Gringo ang pasimuno kaya nag-alsa ang Magdalo sa Oakwood, na hangga sa ngayon ay walang “ni ho, hi ha” buhat sa kanya ay dapat lang na huwag siyang iboto. Bahag din pala ang kanyang buntot!

    Ako, naniniwala na walang kinalaman diyan si Gringo. Mas bilib ako sa grupo ni Trillanes na umaksyon ayon sa kanilang paniniwala, kesa sa aksyon nina Enrile, Gringo at Ramos na para lang iligtas ang mga sarili.

    Hindi gumamit sina Trillanes/Magdalo ng mga popular na pangalan at wala silang sinandalang politiko! In fact, naniniwala ako na tagumpay ang Magdalo sa kanilang pagmamaktol sa Oakwood dahil ngayon ay napatunayan natin na ang ugat ng sakit, hindi lang sa military, kundi sa buong Pinas ay CORRUPTION sa pamumuno ng pekeng pangulo!

  26. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Kawawa ang mga sundalong nasabit sa kanyang kapalpakan. Maybe Gringo has adapted Dog-Eat-Dog principle just to save his ass.

  27. Diego: Palagay ko sa bagong tuno ni Gringo baka sa bandang huli ay si FPJ pa ang nangdaya noon 2004.
    *****

    Muntik na akong mapa-pee dito a. Kagaguhan na iyan kapag sinabing si FPJ pa ang nandaya! Ang dapat na tanong sa ASO ay kung may natitira pa silang konsensiya. Hindi kaya sila binabagabag ng konsensiya nila?

  28. chi chi

    Cocoy, did Gringo expound on his “hindi pa tapos na laban”? Hmm, ano kayang laban ang sinasabi niya?

    A least si Trillanes ay alam natin ang laban!

  29. cocoy cocoy

    Chi and ka Diego:
    I think there is an animosity between Trillanes and Gringo.Hindi natin alam,maybe malalaman natin ang kasagutan pag nanalo si Trillanes,at gagawin niyang preveledge speech ang Oakwood.

  30. chi chi

    Ka Diego,

    Hindi malayo na baka sa huli ay sasabihin ni Gringo na si FPJ pa ang nandaya. Sayang ang milyunes, pantustos ang kalahati sa kanyang kabit! Dito unang sumabit si Gringo sa akin, sa totoo lang. Ang huli ay nang ibinebenta niya ang sarili kay malignong Tianak. Bye Gringo forever!

  31. Sleepless,

    Mas mabuting nasa TUTA si Chavit dahil siya ang pampasira sa doon. Iyong Montano ang dapat matanggal bagamat sa tingin ko ay wala ding ibubuga. Tanong sa mga pilipino, bakit hindi nila makitang bulok din si Recto, Joker the great tae sabi ni NCO at Angara? Hopefully, iyong majority ng mga pilipino ay gising na at hindi iboboto ang kahit sino sa mga bulok na kasama sa TUTA. Suicide na si Honasan kapag sumama pa siya sa TUTA unless na sinabi sa kaniya na ipapanalo siya ni Abalos na mukhang full blast ang dayaan na inuutos ngayon.

    OFW voting by mail ang pag-asa ng dayaan ng mga ungas. Advice sa mga OFW, huwag kayong pumayag na binubuksan na ang mga balota. Dito nga sa Tokyo sinabi na namin sa Philippine Embassy na huwag bubuksan ang outer envelope hangga’t hindi bilangan. Kasi may posibilidad na palitan ang mga balota na nasa inner envelope kuno! Lutong makaw bistado na! Isa pang trick, disenfranchised ang maraming voters, at iyong nakalista karamihan ay wala na sa Japan dahil sa ginawang hulihan ng mga overstaying Filipinos dito. Dapat alerto iyong mga bumobotong OFW dahil iyong 8M votes nila ang hinahandang pandaya ni Pandak. May victory party na ngang inaayos sa Tokyo sa May 24 dito na kunyari reception daw para sa mga pilipino ni Pandak kasama pa iyong asawang Tabatsoy. Hinala ng lahat dito may kinalaman sa pagdidispatsa ng mga patrimonia ng Pilipinas sa Japan.

    Kawawang Pilipinas! Niloloko na ang mga taumbayan, hindi pa rin nila alam!

  32. cocoy cocoy

    Chi;
    Ang laban na sinasabi ni Gringo ay laban niya sa Misis niya ng nahuli siyang nakabukas ang zipper,liban doon ay wala siyang ipinaglalaban sa kapakanan ng taong bayan.

  33. chi chi

    Nagpapatawa itong si Gringo ng sabihin niya na walang deal sa kanyang paglaya, magaling lang daw ang kanyang abugado. No way na maniwala ako!

    Sa ilalim ni Tianak, meron bang magaling na abugado?! E di matagal na sanang napalaya lahat ang akusadong sundalo!

    Nawawala sa sarili si Gringo!

  34. chi chi

    Natumbok mo Cocoy kung ano ang laban ni Gringo na hindi pa tapos!

  35. Re: “hanggang ngayon naka-posas pa sa guwardiya si Trillanes tuwing lalbas papuntang korte.”

    Take a close look at the video clips of Sonny Trillanes(you can see some in his political ads), nakababa yung isang arm niya because the wrist is handcuffed to his guard.

  36. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Manong Cocoy, Ma’m Chi

    Tama nga na may hindi natapos si Gringo, ang lalabhan. Ganito yon. Kung natatandaan ninyo, nang mahuli siya sa haybol ng kanyang kulasisi, ibubulgar sana sa press ang kwento sa other woman, pero somebody blocked it. Nawala yong kwento. Mabigat yong somebody kay glo, di ba? Nang nasa kulungan na si Gringo, dumating ang asawa niyang si Jane, galit na galit at sinabon siya nang husto. Ang sabi ni Jane “Ano ka ba naman, tumanda ka na, hindi mo pa tinigilan yan! At ang ginagawa mo sa bahay, hindi tapos!

    Ang lalahhan, hindi pa tapos.

  37. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Na’m Ellen

    A big picture of Trillanes chained to his guard could be an effective political ad. Mahilig ang Pinoy sa underdog (not the aso or haso kind) and if Trillanes’ handlers can exploit this to the hilt, it will surely gain the sympathy votes aside from those who realy believe in him.

  38. chi chi

    Ang lalabhang de color ay doon sa de color, yong mga puti ay doon sa mga puti! heheh!

    Hindi gimikero si Trillanes kaya hindi ipinakikita na nakaposas pala siya sa kanyang guardia.

    Thanks, Ellen. Kahit ba tulog sa gabi ay nakaposas pa rin sa guardia si Trillanes?

  39. Matagal ko na itong kinikimkim pero doktora ng isang kulasisi ni Gringo ang sister ko noon. Ang sakit niya ay VD na tinatawag ngayon na STD. Nakuha daw kay Gringo!!!

  40. Chi, re” Kahit ba tulog sa gabi ay nakaposas pa rin sa guardia si Trillanes?”

    Hindi naman. Tuwing lalabas lang. Dati nga (when Capt. Nick Faeldon ecaped followed by three (or four?)Magdalo members escaped) Trillanes was put in solitary confinement. Tuwing lalabas siya, aside from being handcuffed, he was blindfolded.

    That’s why when Sonny says, he is willing to sacrifice for the country, malaki na ang initial investment niya.

  41. You are right, Chi, I don’t think Trillanes will use that (being handcuffed) as campaign material.

  42. Etnad Etnad

    Puwede po bang pakikabit na rin ang pangalan ni Ungnasan sa Black List. Noon pa wala na akong bilib diyan. Ang nakaka-awa ay yong mga sundalong sunod sunuran sa kanila noon na naniniwala sa kanilang mga paninindigan. Sila’y nakakulong pa hanggang ngayon. PAPANO NA ANG KINABUKASAN NG KANILANG MGA PAMILYA. Nagagaya na rin sila sa mga sundalong nasabit sa pag-patay kay Ninoy. Wala na talagang pag-asa ng Bayan habang nandiyan pa ang mga matatandang politiko at mga Heneral na hanggang ngayon ay namamayagpag pa sa ating Pamahalaan. Kaya dapat lang na iboto na natin yong mga batang kandidato. Linisin na natin ang ating Gobyerno. Huwag na tayong tatanggap na kahit ano mang bagay lalo na ang pera para lang iboto sila. Panandaliang kaligayahan lang yan pero kung ating iboboto ang mga nararapat pang matagalan ang ating matatamasang kasaganahan. MAG-ISIP KA PINOY!!!!!!

  43. kitamokitako kitamokitako

    Tama ka Etnad, dapat linisin ang gobyerno, walang ititirang bulok, dahil magu-umpisang mabulok ang malinis at bago, kahit may katiting na matira. Maganda nuong i-declare ni Marcos ang martial law nuon, maraming inalis na bulok sa gobyerno, pero dahil may mga bulok na naiwan, unti-unting bumalik sa pagkabulok ang lahat. Nuong si Cory naman, ganoon din, nakabalik ang mga crony ni Marcos, isa na si Devilnecia, kanya hangang sa ngayon, bulok lahat.

  44. chi chi

    Nginig sa takot pala talaga ang malignong Tianak at Assperon sa mga batang sundalong ito! Solitary confinement, bartolina, handcuffed, blindfolded, kuryente, hampas ng dos por dos, tadyak, dagok, sampal… kaya ang iba ay bumigay!

    Sa laki ng naunang hirap at sakripisyo ni Trillanes, natutuwa ako at naisip niyang labanan ang mga mapang-api sa paraan na gusto nila, ang pulitika! Hindi matatalo si Trillanes, nakabaon na sa isip ng matitino at matatalinong pinoy ang kanyang pangalan! I only gamble on people who want, ready, and do something to effect changes!

  45. rose rose

    Tama!IT IS TIME FOR CLEANING. SPRING CLEANING- ITAPON ANG MGA MABAHONG LUMANG TRAPOS- PARA ANG ATING BAYAN AY MAGING MAAYOS. PALITAN NG BAGO- VOTE GO!

  46. Etnad Etnad

    Ang numero unong latak ay yang si Ramos. Bago matapos ang termino niya noon ay gusto na niyang magcha-cha. Kasi po alang kuwenta daw si Erap at noon ay wala silang panapat sa kasikatan niya. So pinayagan na lang nila kung sinong kalaban ni Erap noon pero nasa isip na nila na hindi nila patatagalin. Nangyari nga at eto na naman si FPJ ganoon din. So kahit anong mangyari kailangan manalo si Glorya kahit mandaya sila kasi nga ala din daw alam si FPJ. Eto nga’t nangyari na naman ang plano nila. Pero ang hindi alam ni Ramos and Co. mas tuso ang mga Arroyo sa kanya. Kaya nakipagcha-cha na lang sila kay Glorya kasama si Ungnasan …. HAHAHAHAHAHAHA!!!!! Kaya kita niyo pati yang si Esperon na kababayan yata ni Ramos na pati na yong mga Krimen na nangyari noong panahon pa ni Marcos ay hinahanting pa niya kung sinong salarin … Ano ba yan???? Bakit hindi nila resolbahin yong mga krimen na mga nangyari sa termino ni Glorya? Siguro pati yong dumedo kay Bonifacio ay hinahanting din nila. Baka si Trillanes ang pagbintangan. PATAWARIN MO PO SILA AT HINDI NA NILA ALAM ANG KANILANG MGA GINAGAWA.

  47. Etnad Etnad

    Kaya sana yong mga kabataang mga kandidato na lang ang piliin natin lokal man o nasyonal. Umpisahan natin lahat yan lang ang alam kung makakapagpabago sa ating Gobyerno. Sana gumising na tayo sa katotohanan. Maawa tayo sa mga kabataan ngayon. Bigyan natin sila ng isang Bansang kanilang ipagmamalaki balang araw.

  48. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Etnad, yaring yari sila sa mga tirada mo! Pero para sa akin, hindi sila dapat patawirin. Dapat silang patiwarikin hanggang pagsisihan nila ang kanilang ginawang pagalipusta sa sambayang Pilipino. Ramos, gloria, Devilnecia (pahiram kitamokita ko)at Assperon, mga pangalang dapat tandaan at pagdating ng araw, gawin sa kanila ang ginagawa nila sa mga sundalo na ayaw kumampi sa kanila.

    Manay Chi, kapag nalinis na ang lahat na kabulukan, ang mga nabanggit sa itaas naman ang dapat dumanas ng katulad ng nasabi mo sa itaas: solitary confinement, bartolina, handcuffed, blindfolded, kuryente, hampas ng dos por dos, tadyak, dagok, sampal…at may kurot pa. Sakit nun!

  49. chi chi

    Sleepless,

    Ako ang tagatadyak kay Tianak, magsusuot ako ng spike shoes! Kayo na ang bahala sa iba.

  50. I doubt kung pakikinggan ni Tiyanak ang demand ng GO na pagpiyansahin si Trillanes. Kung padron niya si Enrile baka pa. Forget it. Sa ilalim ni Pandak at Assperon, malabo iyan. E mga kriminal ang mga ungas. I won’t categorize Trillanes as one, but sabi nga, “Galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw o sa inaakala nilang kamukha nilang kriminal!” Wala ngang hustisya ngayon gawa nang puro padrino nila ang nakaupo sa bench!

  51. noypinoy noypinoy

    Ystakei says:
    Matagal ko na itong kinikimkim pero doktora ng isang kulasisi ni Gringo ang sister ko noon. Ang sakit niya ay VD na tinatawag ngayon na STD. Nakuha daw kay Gringo!!!

    Kadiri gringo para palang joey marquez yan,
    kaya lang bakit kundi pa bumalimbing si gringo hindi lumabas to.

  52. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Noypinoy

    You haven’t posted yet something relevant in order to add to the discussion, something like what Etnad’s and Ystakei’s and Chi’s and Cocoy’s, your first entry is the usual copy and paste and throwing a question mark in the first opportunity. Make some elaboration on the subject matter, not just a question. Yours is again a sort of diverting the issue.

  53. noypinoy noypinoy

    reply lang ako sa isang comment thats all
    sensitive ka naman masyado sa ate mo

  54. soleil soleil

    only one sentence to think about: “VOTE TRILLANES for Senator,para sa pagbabago!”

  55. soleil soleil

    The show last night with Ricky Carandang in ANC with Trillanes, Montano and ..someone (i wasnt intent on his bantering anyway)…are baby steps for Trillanes. Baby steps are precedent to steps of hope, changes and stability and assurance. Even if he looks nervous – which is normal as he is not a trapo – he got his message across. Everything coming out from him is just plain truth and from the passion that he believes in.

  56. Tilamsik Tilamsik

    All I have read about Gringo… he is an “All time American Boy” since Marcos era.

    Masyadong malalim at mahaba ang string attached sa taong ito. How many coup de etat he leads?, captured jailed on special ship, bolted out, became senator, now here we go again!

  57. nelbar nelbar

    Greg Honasan was an inspiration during Cory’s time.

    In one of the Newsweek Magazine front page of the late 80’s : INSIDE THE REBEL CAMP
    featuring the interview of the reformist leader.

    One of Cory Aquino’s propagandist Teddy Benigno, once labelled him as “Rebel without a Cause”.

    Haydee Yorac and the rest of the NUC during FVR’s time gave Honasan an opportunity.
    In 1995, he ran and won the midterm election for Senate race.

    Sa nasabing eleksyon noong 1995, hindi gaanong pinansin ng MAINSTREAM MEDIA ang DAGDAG BAWAS. – ano kaya ang dahilan?

    Dahil kaya sa nalalapit na Centennial Celebration ng 1996-1998?

    Kung nabubuhay pa kaya si Max Soliven, ano kaya ang opinyon nya?

    PWEDENG IKABIT MULI ANG ISYU KAY HONASAN ANG OPLAN TRIDENT?

    Ano sa palagay nyo?

    Naging musmos ako noong panahon ni Marcos, at kabataan naman noong panahon ni Cory(1986-1992)?
    Ano pananaw nyo sa ‘isang bansa, isang diwa’?

    Magkaiba noon, iba kahapon, ano na ngayon? at paano na ang bukas?

    Paki tanong kay NCO kung ano feeling kapag naka-interview ng REBELDE?
    Reformist noon, terorista kahapon, kakampi na ngayon? sino na bukas?

  58. noypinoy noypinoy

    Pana panahon lang yan kapatid
    panahon ni trillanes ngayon at maraming umaasa na malaki magagawa nya sa ating bansa naway hindi tayo mabigo (ulit) sa ating minimithing pagbabago.

  59. Mrivera Mrivera

    this is it!

    saksi kayong lahat, INIUURONG KO AT KINAKALIMUTAN ANG TIWALA, PANINIWALA, PAGGALANG AT SUPORTANG nauna ko nang ibinigay kay GREGORIO B HONASAN II. anumang kaugnayang nagkaroon ako sa kanya, sa kanyang itinatag na philippine GUARDIANS brotherhood, incorporated na buong puso kong pinalawak at itinaguyod dito sa kaharian ng saudi arabia bilang dating national liaison officer ng samahan at kanyang kinatawan ay TULUYAN KO NANG PINUPUTOL AT TINATALIKURAN sapagkat naniniwala akong hindi maaaring magsama ang magkasalungat na paniniwala at paninindigan. mamatamisin ko pa ang HUMALIK sa tigang na lupa kaysa yumukod at magbigay ng pilit na galang sa taong winalang halaga ang pagpapakasakit ng mga nagtataguyod sa kanyang ipinaglalaban.

    ang pagpapahayag ng pagsapi sa kampo ng SINUNGALING AT MANDARAYANG MANHID NA PEKENG PANGULO na siyang puno’t dulo ng laganap na kaguluhan, paghihikahos, pagyurak sa batas at pagkawasak ng pagkakaisa ng sambayanan ay isang malaking kataksilan sa prinsipyong pinagpakamatayan ng magigiting at mararangal na nagtatanggol sa karapatan ng mga mamamayan upang mangibabaw ang katotohanan at katarungan at WALA NG DAHILAN upang patuloy ko pang iugnay ang aking sarili sa taong hindi ko na maaari pang muling igalang.

  60. “Reformist noon, terorista kahapon, kakampi na ngayon? sino na bukas?”

    Ang ganda ng statement mo, Nelbar! Exactly what I have in mind.

    EDSA I had the distinction of being a “bloodless” event. I remember Gringo as the first and, by far, the only personality who advocated armed struggle and caused the first post-EDSA bloodshed in 1989 (apart from the NPA, of course).

    While Trillanes may have gone to Oakwood in 2003 armed with bombs, he was quick to realize that standing his ground would make bloodshed inevitable. To this day, I believe that his only motivation in going for the Oakwood compromise was his desire to prevent blood, particularly those of the innocent civilians, from flooding the streets of Makati.

    If I recall right, Gringo’s current case stemmed from his implied leadership of the Oakwood mutiny being the author of the national recovery doctrine the mutineers were espousing. If the “leader” is allowed to post bail, why not an “implementor” like Trillanes?

  61. Sinong may sabi sa iyong ngayon lang lumabas ito, dating pinoy o Mr. Madaming Pangalan? Lumang tugtugin na ito. Dagdag lang at confirmation ng na-post na ang information ko galing sa kapatid ko. In fact, kaibigan ng kaibigan ko iyong babaing sabing kasama ni Gringo nang mahuli siyang walang salawal!

    Yehey, Sleepless, palaban ka na rin ha? Ang daming Amazona dito sa totoo lang. Kayang tirisin si Tiyanak, mano o mano lamang.

  62. noypinoy noypinoy

    May nagawa ba si honasan sa siyam na taon nya sa senado?
    Kudeta lang yata laman ng kukote nito

  63. Nakakabagbag damdamin ang post mo, Magno. Kaya sinong may sabing walang pag-asa ang mga pilipino? Sampung Magno pihado ko malaki na ang mababago!!!

  64. noypinoy noypinoy

    Ystakei says:
    “Matagal ko na itong kinikimkim” pero doktora ng isang kulasisi ni Gringo ang sister ko noon. Ang sakit niya ay VD na tinatawag ngayon na STD. Nakuha daw kay Gringo!!!

    Sayo nanggaling iyan manang hindi sakin

  65. Pupunta si Tiyanak sa Tokyo sa May 21-24. Nag-request ng security ang Philippine Embassy sa pulis. May victory party siya with the Filipino community sa Imperial Hotel sa May 24 daw.

    Golly, bolga! May pera ba ang Pilipinas? More than a hundred ang kumbidado at bawat tao sa halagang more or less 5,000 yen ang handa. Saan kukunin ang gastos na iyan? Sa bentahan ng mga patrimonies ng bansa sa Japan?

    Noong panahon ni Dadong lalong naghirap ang Pilipinas. Nagtipid iyong pinalitan niya pero tinadtad naman niya ng utang ang Pilipinas kaya nang umupo si Marcos, sa totoo lang walang pera ang Pilipinas. Iyong nakuhang pera sa Japan na reparations, kalahati bayad na bago pa umupo si Marcos. Iyong natirang bayad ginamit sa pagpapagawa ng Japan-Philippine Highway mula Aparri hanggang Sulo.

    Ewan ko kung saan kinuha ang sinabing ninakaw ni Marcos, pero itong si Tiyanak, perang pinagpaguran ng mga pilipinong nare-rape, nagpuputa, nagpapaalipin at iyong mga inuutang plus limos sa mga bansang tulad na Hapon kung waldasin akala mo siya ang may ari! Ipinamumudmod pa sa mga galamay niya. Tapos ito magkukunyaring benevolent na pakakainin ang mga pilipino sa isang posh hotel sa Tokyo! Sipsipang katakot-takot ang mangyayari diyan.

    Never of this kind of reception kahit noong panahon ni Marcos. Walang ganyan garbohan. Reception sa embassy noon gastos noong mayamang ambassador na si Benedicto. Si Siason naman wala namang mga barko kaya limited naman ang kaniyang pera sabi nila. Pero mas grabe ang pagwawaldas ng pera ngayon. Kawawa ang mga mamamayang pilipinong tagabayad ng utang ng hinayupak!

    Iyong mga utang sa Tsina ang laki ng collateral. Paki-check na lang. Alam ng mga kaibigan kong hapon pero ano daw ang pakialam nila. Problema ng mga pilipino, hindi nila problema. Sakal sa leeg ang hawak ng mga intsik sa mga pilipino ngayon gawa ng mga utang ni Tiyanak.

  66. parasabayan parasabayan

    Honasan clearly knows the best way out. He knows how to play the game of dirty politics. He has no choice but to play it! The only other option he has is to rot in prison while the tiyanak is in power. So, he has to play it GOOD. He realizes that the junior officers no longer idolize him. Laos na rin siya in the name of fighting against corruption. Na corrupt na rin siya. But since the polls are still showing that he is still in the magic 12, gusto ni tiyanak to ride on that popularity. The only thing is, the popularity was tied to the fact that he was in prison. Now that he is out and everyone knows it is not because he has a brilliant lawyer but he may have made a deal with the tiyanak, his chances may be doomed. His chances of winning would have been better if he stayed in prison prior to the elections. Mas may drama sana.

    I know of several very good local candidates who have to pretend they are with the tiyanak only to get money for their projects only. The tiyanak do not release funds for local projects if she knows that you are an opposition. So to do good by their constituents, they have to play politics. Some of these politicians are even die hard opposition. It would be interesting to see how many of tiyanak’s so called “allies” will stick around after the elections. Mas maraming magbabalimbing by then. So huwag pakasisiguro si tiyanak. She may be hanged by her own rope! That would be the day when everyone will be dancing on the streets!

  67. I don’t call the EDSAs real people’s power revolution. Parang naglokohan lang diyan with the help of Uncle Sam. This time will see a real Macoy with these young turks. Hindi kailangan ang kano. Kung si FPJ nga na kano daw hindi nila tinulungan kasi hindi nila hawak sa leeg. Si Cayetano, kano din daw, pero hindi rin yata hawak sa leeg, pero kwidaw si Tiyanak pag niloko niya ang panalo ni Alan. Baka iyan ang gawing pambitin sa kaniya ng mga kano.

    Ewan ko pero hindi ako nanghihinayang kay Honasan. Sumali man siya sa TUTA, wala na silang habol. Pero bakit akala ba ni Honasan sasama ang mga tao sa kaniya sa TUTA. Parang binuhusan ng malamig na tubig iyong mga sundalong boboto sana sa kaniya. Labas din pala ang tumbong niya.

  68. Honasan’s indications that he does not intend to join either TU or GO only speaks of his pragmatism. Placing within the winning circle as per the recent surveys, he thinks that he will keep his following from both sides just like Kiko. He believes that he can have the best of both worlds by staying non-committal. Ewan lang natin…

    Trillanes, on the other hand, may prove to be another bestseller just like the Da Vinci Code.

  69. Mrivera Mrivera

    noypinoy Says:

    April 24th, 2007 at 3:03 pm

    May nagawa ba si honasan sa siyam na taon nya sa senado?
    Kudeta lang yata laman ng kukote nito

    *******************************************************

    noypinoy,

    sa maga hindi nakakaalam na katulad mo, wala pa si gringo sa senado ay masasabing naging daan siya upang magkaroon ng diwa ng pagkakaisa ang mga pilipino. hindi lamang siya naging maingay noong mahalal na siya sa mataas na kapulungan at marami din siyang naging accomplishment subalit nangingibabaw kasi ang damdamin ng mga hindi nakakaunawang katulad mo na panay kudeta lamang ang nasa tuktok niya.

    hindi ko siya ipinagtatanggol sa pagkakataong ito kundi binabalikan ko lamang ang dapat sana’y pinagdalawahan niya ng isipan bago siya nagpahayag ng bukas na pag-anib sa mga alagang aso ni gloria.

    ang tinalikuran ko ay tinalikuran ko na. at wala ng makapagpapabago ng aking pasiya lalo’t malaking bahagi rin ng aking buhay at panahon ang napaukol sa adhikaing hanggang ngayon ay pinaninindigan ko subalit binalewala niya (honasan). nasayang ang mahigit dalawampung taong pagkakakugnay ko sa kanya.

    kahit sino, hindi mabibigyang katwiran ang pagkiling at pagsama sa mga gahamang katulad ng kaalyado ni gloria. sila ang uri ng mga namumunong mas una ang pansarili kaysa bansang lugmok na sa dusa.

  70. nelbar nelbar

    dun sa mga naguguluhan sa career ni Greg Honasan sa Senado, punta na lang kayo sa website ng Philippine Senate.

    Wala naman akong kaugnayan sa kanya pero gusto ko lang maging consistent sa pagiging anti-Cory ko noong nag-aaral pa ako.

    Naalala ko pa noon na may mga klase(Humanities: Current Issues) sa school namin at nagsi-seat-in(participate kahit hindi ko klase) pa talaga ako para supalpalin ang mga mabababaw ang pang-unawa sa contemporary history.

    Sa totoo lang marami ang nakinabang sa paglabas ni Honasan noong 1987 at 1989.

    Meron pa nga noong 1998 Presidential election ipinuhunan ang pag-aaklas nina Honasan noong 1987 at 1989.
    Kung hindi kay Honasan, hindi sana nagsusuot ng dilaw na shirt si Fred Lim.
    REPORMA kaya ang partido ni Rene De Villa noong 1998?
    At isapa, nakadagdag din sa career ni Joker Arroyo ang pag-re-resign nya noong 1987.

    Kung hindi nangyari ang 1987 at 1989?
    Wala ang Nationalist People’s Coalition ngayon, at iba ang mga political patron ngayon!

    Ano ang dahilan bakit inindorso ni Cory noong 1992 si FVR at hindi si Ramon Mitra?

    Kasaysayan ang kasagutan!

  71. Blimey… So Honasan gets bail? Well, how on earth did that happen?

    In any case, if they allow him to post bail and go on a campaign stump all over the country, I agree with you Ellen that Trillanes should also get one.

    If they insist that he should be handcuffed as a condition, then so be it. That will get him a whooping 1st spot.

    Damn Gloria and her pillock politics.

  72. Valdemar Valdemar

    Poor Gringgo. Another case of the Stockholm syndrome. With that old guy at the DOJ, Trillanes will not get yet the nod for bail, unless of course he comes across with the TU. Cant you see everyone asked by the press about that vote buying spree, all are shying away to give any comment. All are afraid because he calls the shots. lets hope the surveys are well founded so that we’ll see rats jumping out of a sinking ship even before the May 14 balloting.

  73. chi chi

    “Sa halalang ito, manindigan tayo. Itaya ang buhay kung kailangan para sa ating anak at mga apo.”

    Ito ang sabi ni Sir Jake sa kanyang column.
    http://www.abante.com.ph/issue/apr2407/main.htm

    ***

    Bantayan natin ang boto natin kay Trillanes, at sa ating mga GO candidates! Pinakamahalaga ang kinabukasan ng ating susunod na henerasyon!

  74. chi chi

    # soleil Says:

    April 24th, 2007 at 10:49 am

    The show last night with Ricky Carandang in ANC with Trillanes, Montano and ..someone (i wasnt intent on his bantering anyway)…are baby steps for Trillanes. Baby steps are precedent to steps of hope, changes and stability and assurance. Even if he looks nervous – which is normal as he is not a trapo – he got his message across. Everything coming out from him is just plain truth and from the passion that he believes in.

    Soleil,

    Salamat dito, nice post. I can visualise how Trillanes handled the interview! GO! GO! GO! TRILLANES!

  75. chi chi

    Mrivera Says:

    April 24th, 2007 at 2:39 pm

    this is it!

    saksi kayong lahat, INIUURONG KO AT KINAKALIMUTAN ANG TIWALA, PANINIWALA, PAGGALANG AT SUPORTANG nauna ko nang ibinigay kay GREGORIO B HONASAN II.
    ***

    MABUHAY KA MRIVERA. Tunay kang sundalo at Pilipino!

  76. chi chi

    “While Trillanes may have gone to Oakwood in 2003 armed with bombs, he was quick to realize that standing his ground would make bloodshed inevitable. To this day, I believe that his only motivation in going for the Oakwood compromise was his desire to prevent blood, particularly those of the innocent civilians, from flooding the streets of Makati.”

    Exactly my thinking, too, Ka Enchong.
    He’s paying dearly from that compromise with the devils. Habang merong sundalong ganito, hindi ko rin isusurender ang pag-asa para sa mga bata. Ayaw kong manahin nila ang mga Arroyo-Pidal!

  77. chi chi

    Sampot,

    Salamat, I’m listening right now. Yes, bullseye si malignong Tianak! Matapang talaga itong si Trillanes, direkto ang mga salita!

  78. chi chi

    Tapos na, pakinggan ninyo si Trillanes, walang ligoy-ligoy. Kayo ang humusga, kasi ako ay matagal ng sold sa kanyang krusada! 🙂

  79. Mrivera Mrivera

    malabong bigyan ng pagkakataong makapagpiyansa si sonny trillanes sapagkat hawak ni gloria sa bayag ang mga hukom. maliban na lamang kung papayag siyang (trillanes) “makipagtulungan” kay espurol na siya lamang pakikinggan ng babaeng mukhang dagang may bangaw sa mukha!

  80. Mrivera Mrivera

    gaya rin nang nabanggit ko na sa naunang talakayang may kinalaman sa naganap sa oakwood, walang tamang lugar o tao sa loob ng sandatahang lakas ang maaaring pagbulalasan ng kanilang sentimyento ang mga kaanib sa magdalo sapagkat walang makikinig (sa kanila) lalo na sa hanay ng pamunuang nabili na ni gloria.

  81. rose rose

    Mrivera:
    May your tribe increase! Brought to mind the song “Give me some men, who are stout hearted men, who will fight for the right they adore. Start me with ten who are stout hearted men, and I will give you ten thousand more. Shoulder to shoulder and bolder and bolder they come as they go to the fore. When ten thousand men, will fight together man to man.” LETS GO! GO! VOTE GO!

  82. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Napakinggan ko na si Trillanes. Kailangang mangampanya pa ako nang husto para sa kanya! Dapat talaga siyang manalo! Iyan ang taong may prinsipyo! Walang takot at ipinaglalaban ang alam niyang siyang tama!
    BTW, Magno, hanga din ako sa ‘yo! Para ka na ring si Trillanes! Iginib-up mo na rin si Ohnasan at dapat lang! Basta Babaero…hindi dapat pagkatiwalaan! (Sori, kung ako’y may natamaan diyan!)

  83. chi chi

    Elvira,

    Galing-galing sumagot ni Trillanes, ano?

    Hindi pa nga alam if the court will grant him bail e eto na kaagad si AFP spooookeningperson Bartolome Baccaro saying they will keep Sonny in jail even if the court allows him to post bail. Hindi pa nangyayari ay nagpapakita na ng lalong nababahag na buntot ang mga demonyong ito!

  84. parasabayan parasabayan

    Chi, sabihin mo si Bakaroo(parang Kangaroo which describes him pretty well) ang spooksman ng AFP!

  85. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Look at this s….e minions of Tianak, porke they can’t have a nod from Trillanes (magkamatayan na), proposal pa lang ng release ni Trillanes, kontodo arangkada na sila na hindi nila i-rerelease ito no matter what the order is! Aba, mas powerful na ang mga tinamaan ng l….k na sakop ni Tianak….Gusto ko ng magpalabas ng mabahong UTS dito at paamuyan sila! Akig na gid ako mo!

  86. Magno:

    Sinabi mo pa. Malabong bigyan ng piyansa si Trillanes kasi hindi siya balimbing! Iyan ang tunay na pag-asa ng mga pilipino. Sabi ng mga kaibigan kong hapon dapat kapag naboto iyan, palabasin daw. Dapat daw na pakinggan ni Tiyanak ang tinig ng bayan!!!

  87. nelbar nelbar

    Kung hindi lumabas noong 1987 si Honasan, malamang naging presidente si Doy Laurel noong 1989 at iba ang tinatakbo ng kasaysayan ng bansa ngayon.

    At malamang dalawa ng kampo ng maka-Marcos ngayon(parang sa Argentina na Peronista).
    Isa kay Danding at ang isa naman at kay JPE.

    Si Bacarro pwede maging spokesman ng Malacañang. May sundalo rin palang nag-me-make up!
    Kung magkakaroon ng TV station ang AFP, pwede rin syang maging newscaster.

  88. zen2 zen2

    magiting na paninindigan at mabuhay kayo, Mrivera!

    kung ang hanay ng militar ay may 10 katao man lamang kada batalyon na katulad ninyo, maaring ang mga kalunos-lunos na krimen laban sa sambayanan ay isang masamang panaginip lamang imbes na mapait na realidad na natutunghayan araw-araw sa kasalukuyan!

    nawa’y lumaganap pa lalo ang maka-tao at maka-sambayanang pananaw na ganito sa ating kapulisan at militar!

    pagpalain kayo!

  89. zen2 zen2

    not sure before if my dislike for Gringo should be attributed to the following factors:

    he is a class baron alright, of that infamous CL ’71, but almost never served in the field. being a member of Enrile’s inner circle of colonels, he spent most of his time either growing and petting pythons and/or plotting coups, against Cory in the late ’80s;

    or maybe because he never paid tribute to the people for saving his and his mentor arses from Marcos’ forces, parochially owned instead all the accolades—crediting his gang alone for the fallen dictator’s downfall;

    or maybe it has something to do with his unrestrained display of power and braggadocio in the aftermath of EDSA 1, whipslashes the ultimate sucker in Pinoy’s pseudo-intellectual psyche by raising endlessly the Red scare—leading to disruption and eventual suspension of Peace Talks between the armed groups and the government;

    while i wont squarely lay the blame on him alone, Gringo’s incessant warmongering he made way back definitely paved the way for the unsolved twin murders of the late labor leader Lando Olalia, and UP student leader Lean Alejandro, to be committed;

    i could have forgiven him of his political trespasses’ when he authored the Clean Air Act, after 9 years stint in the Senate—a reasonably well-thought legislative piece (and for making friends(?)with Tongue Twisted whom i felt would ably guide him to a hopefully new found correct political response amidst the moral bankruptcy of the current leaders, bogus and otherwise);

    pero, NO way, pala. albeit in a sheep’s clothing, a wolf will always be a wolf.

    and Gringo’s latest pronouncements made me realize that there is not much difference between a political chameleon and a wolf in a sheep’s clothing.

  90. Mrivera Mrivera

    Elvira Sahara Says: “BTW, Magno, hanga din ako sa ‘yo! Para ka na ring si Trillanes! Iginib-up mo na rin si Ohnasan at dapat lang! Basta Babaero…hindi dapat pagkatiwalaan! (Sori, kung ako’y may natamaan diyan!)”

    paano naman kasi, ipiangpalit na niya ako kay gloria, siyempre masasaktan ang ego ko, di ba? pagkatapos ng lahat lahat sa amin, ganu’n na lang ba? ahaaay!

  91. Mrivera Mrivera

    zen2, rose, chi, elvie,

    sinunod ko lamang ang dikta ng aking prinsipyo. hindi ko na maaaring ipagkatiwala ang kinabukasan ng ating kabataan sa kamay ng mga taong WALANG PANININDIGAN AT INUUNANG ISALBA ang sariling kaligtasan kapalit ng walang pangalawang paghuhudas sa bayan.

  92. In a way, blessing in disguise na rin ang nangyari. Ngayon na naglalabasan ang baho ni Gringo. No wonder hindi nila ipinaglaban ang kapakanan ni FPJ na tanda ko kahit noong campaign ay nababangas sa mga kasama niya.

    Remember nang minsang mag-walk out siya at isang linggong hindi nagpakita sa mga campaign para magpalamig na imbes na ipagtanggol siya ay pinabayaan siyang laitin ng media na bayaran ni Burot. Awang-awa ako noon sa kaniya na alam kong bukal ang pagpasok sa politika sa nakitang sitwasyon ng bansa sa ilalim ng isang kriminal.

    Gulat nga ako kay Dolphy na hind nakikialam sa pelikula pero sumasama sa kampanya lalo na kung kailangan nila ang back-up. Dibdiban talaga kaya nga sa sama ng loob, maagang yumao!

    Hopefully, ibang klase itong mga sumama sa GO. Ako, sigurado kay Sonny Trillanes at saka doon kay Chiz Escudero at kay Koko Pimentel dahil alam ko ang pinanggalingan nila. Si Chiz, lahi ng mga mararangal at matatapang. Lolo niya ang founder ng guerrilla movement sa Pilipinas noong WWII. Malinis ang angkan. Di tulad ng mga Pidal na questionable and pinanggalingan!

    Si Koko din, marangal ang ama. Pihado ko gusto lang niyang ipagpatuloy ang ginagawa ng tatay niya sa bayan at mas maaga siyang mahubog, mas mabuti.

  93. Chi:

    By law, walang karapatan si Bakero na ibinbin si Trillanes kapag na-grant siya ng bail ng korte. Pagyurak iyan sa hustisya. Hindi iyan trabaho ng militar. Kaya na nga mahirap bigyan ng karapatan ang AFP na makialam sa hustisya, pagpapairal ng batas at pagpupulis na dapat ay hiwalay sa military. Sino bang gunggong ang nagsama niyan? Dapat diyan umalma ang mga huwes ng korte ng Pilipinas as blatant pakikialam ng AFP sa trabaho nila lalo na’t hindi pa naman opisyal na napapailalim na ng military junta ang Pilipinas bagamat si Unano ay napapaligiran na ng mga militar na binigyan ng civilian titles and positions.

    PATALSIKIN NA, NOW NA!

  94. Mrivera Mrivera

    palitan natin ang title sa itaas:

    bali kay honasan, hindi dapat kay trillanes.

  95. chi chi

    Yuko, naiinip ako sa aksyon ng mga court justices! Nawawalan na ako ng patience kasi lumalala ang Pinas situation e halata namang nakikilaro sila sa malignong Tianak by the murky pasig river!

    Who would believe that Gringo’s lawyer was only brilliant, that’s why he was granted bail? Kung patas sila at hindi naghihintay ng simangot na Oo ni Tianak e di dapat isinunod na si Trillanes at Ka Bel! Talk of justice in the Philippines, nakakasura!

  96. Yuko,

    Walang prinsipyo iyang si Honasan…

  97. Sinabi mo pa, Anna. Duda ako sa taong iyan noon pa. Panay lang ang papapel. At saka yardstick ko talaga ang loyalty sa asawa ng matinong tao na talagang may prinsipyo.

    Chi, no bilib ako sa justice system ng Pilipinas lalo nang malaman ko iyong mga binabayarang testigo who commit perjury. At saka siyempre, dahil sa trabaho ko dito sa Japan. Nagkalakas nga ako ng loob na kumuha ng course para maging paralegal. Paminsan-minsan nagagamit lalo na kung nare-request ng mga abogadong hindi naman bihasa sa hustisyan ng ibang bansa. Mas matitinong di hamak ang mga abogado dito, at saka bawat isa may kani-kaniyang tungkulin na isinasatupad according to the law! Sa Pilipinas nga hindi mo malaman kung ang taga-usig ay siya nang hukom e. Iba-iba ang tawag at pag nakasulat sa letrang hapon na hinango sa sulat ng Tsina ay mas lalong malinaw, hukom, taga-usig at tagapagtanggol ay iba-iba. Sa Pilipinas, iyong abogado minsan siya pa ang humuhusga at nakikikutsaba sa kabila lalo na kung walang ibabayad ang kliyente niya! Namputsang hustisya iyan! Kakasuka!

  98. nelbar nelbar

    Noong 80’s kailangan pang mag-masters degree sa mga eskwelahan na tulad ng AIM, UP, Ateneo, La Salle, UA&P(CRC) para makapag device ng panigabong STRATEGY.

    Yung iba nga eh nagpupunta pa sa Harvard, Columbia, Yale, Standford, Princeton, Chicago School, Pennsylvania, INSEAD at kung anu-ano pang Ivy League na eskwelahan at pag nakatapos pala ng pag-aaral ay ang pinagsisilbihan – mga interes ng ruling class!
     

    Ipinagtataka ko lang, kung bakit sa dinami-dami ng nakapagtapos na mga Filipino sa nasabing eskwelahan ay mas pinagkaka-abalahan pa ang wisdom nina Carlo Caparas at Laureti Dyogi(Pinoy Big Brother)?

    Para duon sa mga bumabatikos kay Honasan, hanapin nyo ang archives ng Cafeteria Aroma at nandun si Apeng Daldal.
    Dun naman sa mga bata pa, panoorin nyo ang Batibot at abangan umeksena si Irma Daldal.

    Kung ang kinabukasan ng bansang Pilipinas ay mapupunta lang sa mga puro daldal? Aba’y mag-aral kayo ng theory and practice!

  99. All theory nga but no practice ang mga pilipino sa totoo lang! Ikaw, Nelbar, ano na ang nagawa mo para sa bansa mo?

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.