Skip to content

Malagim na linggo

Noong Miyerkoles, natagpuang patay si Carmelo Palacios, reporter ng Radyo ng Bayan, sa Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Si Palacios ay pang labingpitumput- isa (51) na journalist mula nang umupo sa Malacañang si Gloria Arroyo kahit hindi binoto ng taumbayan.

Natagpuan ring patay ang sampung araw nang nawawalang si Julia Campbell, ang Amerikanang Peace Corp volunteer, sa ilalim ng bangin sa Batad, Banaue, Ifugao. Mukhang pinagnakawan at pinagsamantalahan si Campbell, sabi sa mga unang report ng Cordillera pulis.

Ito namang si Justice Secretary Raul Gonzales, sinisi pa si Campbell. Bakit raw kasi naglakad na mag-isa? Despalinghado talaga ang pag-iisip nitong paboritong cabinet secretary ni Arroyo.

Noong Huwebes, binaril si Delfin Mallari, Jr., correspondent ng Inquirer sa Southern Luzon, at ang kanyang kasamang DZMM reporter na si Johnny Glorioso, ng isang hindi nakilalang lalaki na naka-motorsiklo habang siya ay nagma-maneho sa Lucena City.

Natamaan sa likod si Mallari ngunit swerteng buhay siya. Hindi nasaktan si Glorioso.

Ang pinakalagim na nangyari ay ang pagpugot ng Abu Sayyaf ng ulo ng pitong construction workers sa Sulu noong Huwebes din.

Ang pito ay mga trabahador ng BJ Construction na pag-aari ni Sulu Gov. Benjamin Loong (tingnan mo naman gubernador na may construction company at may kontrata na road project sa pamahalaan) at may ginagawa silang kalsada sa Parang, Jolo.

Humingi ang Abu Sayyaf ng P5 milyon. Nang hindi nagbigay si Loong, pinugutan ang ulo ang kawawang mga trabahador. Una nilang pinadala ang ulo ng dalawa na nakalagay sa sako sa headquarters ng Alpha Company ng 33rd Infrantry Batallion. Pagkatapos ng dalawang oras, ang ulo naman ng lima ang dinala sa Charlie Company sa ibang barangay. Nakuha na rin ang kanilang mga katawan na nakagapos.

Demonyo talaga itong mga Abu Sayyaf.

Dalawa doon sa pito ay katatapos lang ng highschool at napunta doon sa Sulu para lang kumita ng kaunti. P200 isang araw ang bayad sa kanila.

Siyempre, nagpapakita na naman ng gilas ang Malacañang. Ubusin raw ang Abu Sayyaf, sabi na naman ng pekeng presidente.
Ano ang nangyari sa kanyang pagyayabang noong 2001 nang nagkidnap ang Abu Sayyaf sa Dos Palmas resort sa Palawan na “Isang bala ka lang.”

Sinabi ni Ric Blancaflor, ang terrorism expert na talaga naman pilay na ang Abu Sayyaf ngunit kahit naghihingalo na yan, maaari pa ring maghasik na lagim. Yun na nga ang nangyari.

Published inWeb Links

50 Comments

  1. kejotee kejotee

    Nagkamali ang Abu Sayyaf. Dapat yong mga salot sa tabi ng ilog, siraulo at five star heneral ang pinugutan ng ulo, mabawasbawasan man lang ang hinagpis ng taumbayan.

  2. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Sadyang nakakasulasok na ang mga krimeng nangyayari ngunit dedma lang ang administrasyon. Ang malagim na sinapit ng pitong obreng manggagawa ay nakakakilabot ngunit dedma rin ang administrasyon. Ang patuloy na pagpuksa sa mga journalists ay kahinahinala, ngunit dedma pa rin ang administrasyon. Ang hindi lang dinedma ay itong pinakahuli, ang pagkamatay ni Julia Campbell, isang Peace Corps Volunteer. Hindi nga dinedma ngunit binastos naman ni SirRaul Ounghoi isang dispalinghadong alipores ni Gloria Arroyo. Sinisi pa ni SirRaul O si Campbell by saying “she is partly to blame for the tragedy that struck her”.

    Malupit, hindi makatao ang ginaswang pagsalaula sa isang namayapa na. Isang kawalan ng puso at pagyurak sa damdamin ng mga naulila. Pero ano pa nga ba ang ating aasahan sa administrasyong ito? It’s not just either you’re left dead or dedma lang sila. Delicadeza? Nada!

  3. A friend sent this to me.
    ** US warns of attack in Philippines **

    Ito iyong lead sa balita ng BBC:
    news.bbc.co.uk/go/em/fr/-/1/hi/world/asia-pacific/6578531.stm

    The US and Australia warn of a possible terror attack in the Philippines,
    where hostages were recently beheaded.

    ******
    Bakit kailangan pang manggaling sa ibang lugar ang ganitong babala. Bakit hindi kasi ayusin ang pulisya na Pilipinas na hindi napapailalim ng militar na iba naman ang dapat na function. Iyan talaga ang hirap lalo na kung ginagamit ang mga sundalong private bodyguards ng mga ganid at sakim na namamahala ng pamahalaang hindi na tumino-tino. Gunggong talaga! Iyong Tiyanak puede ba patalsikin na, now na! Lalo lang nagiging aba at kawawa ang Pilipinas sa ilalim ng panggugulo niya.

  4. parasabayan parasabayan

    When a so called “leader” fails to protect the citizenry, that leader is ineffective. How can the citizens be protected from harm when the tiyanak herself and her bodyguards(headed by the two hemorrhoids) are themselves liquidating and incarcerating people at their whim with the pretence of rebellion and mutiny, kuno? Instead of setting a good example for her military to follow, she has provided at atmosphere of “anything goes as long as you get rid of my opponents”. The highlight of her carreer is to stay in her stolen office and anything else is not her priority, not even the lives of people! All of what she says is only lip service because there is just one glaring truth to all of these, SHE WANTS TO STAY IN POWER!

  5. Si Gonzalez ang dapat sisihin ni pandak kung walang gustong mamuhunan dito. Abay, lahat na yata ng inimbita ni pandak ay binatos nito. Para ano pa’t anyayahang pumunta ang mga concerned international groups dito pagkatapos ay kung anu-ano lang ang bibitiwang statements ng gugong na yan?

    He is the alter-ego of the president(?), any statements from him are deemed official. Bobo din itong si Bunye for saying that Gonzalez only aired his personal views when he lambasted the IPU.

    Pati ba naman yung namayapa na ay nakuha pa nitong bastusin. Julia Campbell is more Filipino than this senile chimp. Buti pa si Julia may nagawa para sa mga kababayan natin ‘di tulad niya ang alam lang gawin ay babuyin ang mga Pilipino.

    Assperon keeps boasting that they will crush the ASG. Well, this recent beheadings only showed the incompetence of Assperon. How many times has he said that they have cornered the ASG? Madaming beses na pero hanggang ngayon ay nakakalusot sa militar.

    Pnibagong ambush na naman. Ilang mamahayag pa ba ang dapat mapaslang? Ang balita ko pa ay may kinalam pa rin ito sa Fertilizer Scam. Ngayon ay may bagong executive order (EO 608) na gagamitin na naman upang pagtakpan ang mga katiwalian sa gobeyerno. Sangayon ako kay kejotee, dapat sila ang habulin nitong mga ASG.

  6. Sleepless, papaanong titino ang Pilipinas e iyong mismong namumuno kriminal?

    Ang linaw ng batas na ang mga ginawa niya at ng malapit nang matepok na asawa niya kundi sila nanlolokong may sakit para makagawa ng mga plano kung papaano dadayain ang eleksyon ngayong buking na buking na sila—baka iyong ginawa ni Bello ay doon na sa ospital ginagawa para hindi bistado dahil bawal ang dalaw daw kundi kamag-anak—ay isang malaking krimen, lalo na ang pagtapak sa Saligang Batas ng bansa ng hindi lang isang beses, plunder pa, pagbubugaw ng mga pilipino at iba pa!

    Pulis nga ginawang tautauhan. Understandable na ang militar ay mamayani kung Martial Law pero itong si bugak sabi democracy daw ang palakad niya at hindi siya magdedeklara ng Martial Law pero tignan mo naman ang naghahari-harian pati sa Maynila ngayon! Golly, daig pa ang state of emergency gaya nang napapanood natin sa mga pelikula ng tungkol sa mga martial law at kaguluhan na ang namamayani ay sandatahang puwersa at iyong mga talagang pulis ay ginawa nang mga tsimoy kundi bugaw mga tong collectors. Yikes!

    Gone are the days the Manila’s Finest! Bakit hindi mag-aklas ang mga pulis?

    Sana manalo si Senator Lim na dating pulis ng Manila Police at ibalik niya ang gloria ng dating Manila’s Finest gaya ng ginawa ni Mayor Lacson noong araw na hindi puwedeng gaguhin ng kahit sino gaya ng panggagago doon sa Mayor ng Maynila ngayon na isa pang suwitik sa balita ko.

    Noong araw maglakad ka sa Benguet, walang mananalbahe sa iyo huwag ka lang basta-basta papasok sa lugar ng mga namumugot ng ulo. Ngayon nga mismong mga pulis o militar ang mga ulupong! Kung bakit naman itong peace corps volunteer walang kasama alam naman niyang lalong naging grabe ang sitwasyon ng peace and order nang umupo iyong pandak. Malay natin baka galit sa mga kano ang mga tao doon sa pinuntahan niya.

    Ellen, iyong mga gunggong na pulis ng Pilipinas bigla-bigla sa pagbibigay ng kuro-kuro na walang basehan tungkol sa pagkamatay ng Amerikana. Hindi pa naman alam kung ni-rape siya, sinabi nang ni-rape. No wonder, walang tiwala ang US Embassy sa autopsy ng mga medico-legal ng pulis diyan.

    Dito iyan, tama na ang legal adviser o staff ng US embassy na nandoon sa pagsasauli ng bangkay na procedural hindi iyong isang batalyon ng forensics expert pa ang ipinadala ng US government sa Pilipinas. Kakahiya talaga ang inefficiency tapos ang lakas pa ng hangin sa ulo ni Mrs. Burot na Bugak pa!

    Kung magtatagal pa si Bush, baka tuparin niya ang sinabi niyang aatakihin niya ang natitirang hibla ng Al Qaeda sa Pilipinas! Lagot!

  7. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    MALAGIM NA LINGGO.
    Ito ang imahe ng kasalukuyang administrasyon sa kanilang patuloy na pagwawalang bahala dahil sa pagkagumon sa kapangyarihan. Tuwirang resulta ng di mapapasubaliang inefficiency ng mga namumuno sa ating kapulisan at sandatahang lakas. Mas inaatupag pa nila ang magbantay sa mga pook ng mararalitang mamayan sa kalunsuran/ Magbantay sa Malakanyang sa takot sa biglang paglusob ng mga kontra sa pamahalaan. Mas binibigyan ng pansin ang pagiging alalay ng mga kandidato ng administrasyon sa kanilang pangangampanya sapagkat hindi sila makalapit sa tao ng walang bahid na pangamba. Malagim na linggo ay nagbabadya ng lalo pang kalagim-lagim na pangyayari kapag binastos nila ang darating na eleksiyon. Kapag muli silang nandaya sa halalan, parang naaaninagan kong may mangyayaring hindi kanais-nais at sa pagsapit ng isang dapit hapon at pagusad ng oras, magigimbal tayo sa paghahari ng…..

    GABI NG LAGIM..

  8. parasabayan parasabayan

    Yuko, other countries, particularly the first world ones like the US and Japan have superior intelligence group(not corrupted like what the tiyanak has which is so bugok!) with their network and advanced surveillance equipments, that’s why they can predict. It may also be a political positioning. We all know that once a leader is perceived as ineffective, the ally countries can engineer the removal of that leader. Look at what they did to Marcos and Saddam Hussein? The Philippines is an ally of the US. The Philippines’ decay is an issue to the US as well. I also read that a group in Japan is trying to stop Japan’s aid to PI until the judicial killings are addressed. The first world countries have the dough which the Philippines always look forward to having. Unfortunately, most of these aids go into corruption. So now these countries have gotten wiser, instead of aids, they give these foreign aids as debts instead. So now, we are in debt above our heads! The charter change that the tiyanak and Ramos had been pulling through would allow more foreign control over our industries and patrimony. Foreign ownership in our country will be freer after the charter change goes through( the tiyanak will try pushing this through again if her party wins in the May elections).

    Since tiyanak is becoming to be a burden rather than an asset( being the most corrupt country in Asia in her watch!) these first world countries are concerned that their interests will not be protected. The death of Julia Campbell is another black eye to tiyanak! If she can not protect the lives and livelihood of her people, all the concerned nations will band together and do something about it! Of course using the existing resource and resources we have. Naghahanap na sila ng ipapalit kay tiyanak ngayon. Someone who can protect their interests better. This election may be their way of getting her out! If tiyanak has the money to spend, these first world countries have of course MORE. Bill Gates alone can own the Philippines with his current assets. He is just one of the many multi billionaires the US have. Kaya magingat ingat lang si tiyanak. Her days are numbered and she knows it! She can not take the check and balance that the super powers have. Kaya ngayon nagpapabango siya kay China! Because when these powerful nations say, she has to go, she has to go! I am very anxious for that day to come!!!

  9. PSB:

    Over here, our police is not run by any ministry. It is an independent entity run by a commission composed even of civilians, not politicians that is why the police can arrest anybody breaking the law in this country. Even the Prime Minister is not allowed to abuse and can be held legally responsible for his actions.

    I should know. I have worked in the Japanese police as contracted civilian interpreter (English, Tagalog, Ilocano, Spanish and French), and saw why the Japanese police is efficient, not really because Japan has money but because of the dedication and sense of commitment of the people running it. The teamwork is something that I really take my hat off for.

    The Japanese police in fact has been patterned after that of Britain’s Scotland Yard of more than a century ago. The first police superintendent went there more than a century ago when London in fact was terrorized by that fiend called “Jack the Ripper” to study the rudiments, etc. of the Scotland Yard then mixed it with German ingenuity and Japanese discipline, and you have a 99% no miss police department.

    I actually wondered in fact why the Filipino police cannot be as efficient. Wala kasing ginawa kundi mangurakot, manghingi ng tong at mambabae!!! Over here, when a policeman is found to be having extramarital affairs, tanggal agad and no chance to get back to the force. May stigma pa nga! Ganyan kahigpit!

    I can give training to the police there as a matter of fact. Sayang na lang ang natutunan ko sa police ng Japan. Pag naging president na si Sonny Trillanes, I will volunteer ala-peace corps.

  10. chi chi

    Putragis na siRaUlo, sinisi pa ang patay! E kung nagsama pa si Campbell ay sigurado ba siya na hindi rin papatayin iyong kasama! Umiinom ba ng anti-depressant ang matandang amoy-lupa na ito?!

    Sabagay ay wala na ring utak si Tianak kaya kanyang hinamon ang Abus. Hahahah! Tanga, akala ba niya ay makukuha niya sa pananakot ang mga dati ng mamumutol ulo!

  11. BLACK KNIGHT BLACK KNIGHT

    “I actually wondered in fact why the Filipino police cannot be as efficient. Wala kasing ginawa kundi mangurakot, manghingi ng tong at mambabae!!! Over here, when a policeman is found to be having extramarital affairs, tanggal agad and no chance to get back to the force. May stigma pa nga! Ganyan kahigpit!”

    Tama ka diyan! Hindi lang pulis and ganyan kundi sa lahat na nasa poder. Kasama na ang nasa military, politicians, government officials, mga nasa private sector and others (baka, pati mga pare kasama din diyan!)

    Ang kailangan natin sa ating bansa na lider ay and isang lider na sumusunod sa basic principle na “LEADERSHIP BY EXAMPLE”

  12. BLACK KNIGHT BLACK KNIGHT

    Ang kailangan natin sa ating bansa na lider ay ang isang lider na sumusunod sa basic principle na “LEADERSHIP BY EXAMPLE”

  13. BLACK KNIGHT BLACK KNIGHT

    Hinahanap na ng militar ang mga relatives ni ASG Leader ALBADER PARAD at MNLF Commander HABIER MALIK para sila din ang pupugutan ng ulo. I am sure of this.

  14. vic vic

    The PNP is symptomatic of the sickness that has inflicted the overall mentality of the leadership, incompetent and corrupt.

    Can you imagine they announced already the identity before Ms Campbell was officially identified, already speculated as to the cause of death before an initial autopsy and already speculated to many probabilities without any evidence. And the next time you’ll see, they’re going to parade the suspect or suspects before the media, if ever an arrest or arrests are made.

    And here’s the Secretary of Justice, that every time he says something, exposes the insensitivities of the leaderships to the grieving of the victims’ families that the “crimes” causes, that the same administration time and time again to eradicate. There is the Abbu Sayyaf, extraordinaire extortionists, criminals for profit, an handful of hooligans and the whole PNP and AFP can not even contain.

    We can lament and wonder why Cho did what he has done, but the Virginia Tech killings was the deed of a single mentally disturbed youth that could happen anywhere. But what was happening in the Philippines, the killing of a defenseless Peace Corps Volunteer, the beheading of struggling breadwinners, the murders of journalists are even more gruesome. And they are all to blame for their own fate as per the Country Secretary of Justice, the master “criminal.”

  15. BLACK KNIGHT BLACK KNIGHT

    Ellen,

    With your indulgence, the title of your article should had been MALAGIM NA DALAWANG LINGGO basing from the dates when the incidents happened.

    Anyway, talo pa rin tayo ng United States of A. sa bilang ng namatay sa loob ng dalawang linggo na ito.

    April 8, 2007–Julia Campbell was missing & believed killed on that date.

    April 16, 2007–Five (5) suspected carnappers were killed by PNP operatives in Quezon City

    April 18, 2007–Reporter Mark Palacios of Nueva Ecija was killed

    April 19, 2007–PDI Reporter Delfin Mallari Jr. was ambushed in Lucena City

    April 19, 2007–Seven (7) Laborers were beheaded in Sulo by the ASG

    April 17, 2007–In the USA, Cho Seung-hui of Virginia Tech killed 32 people and fatally wounded 50 others before killing himself.

  16. parasabayan parasabayan

    BK, you can not compare the number of deaths in PI to that of US because the US is much much bigger than the Philippines. Besides, the occurence of the Virginia Tech massacre is an isolated case that does not usually occur on day to day. Unlike in the Philippines where there are daily killings of anti government people since the time the tiyanak took office. NO COMPARISON!!!

  17. parasabayan parasabayan

    BK, you are an epitome of this administration. To compare the US deaths to the PI deaths is a sign of sheer denial of the state the country is in. You take the consolation of having another country surpass your crime statistics. Gee, you take pleasure in knowing that the US has more deaths in two weeks than your own country! NO COMPARISON! The Virginia tech massacre is the work of one sick being(pretty much like tiyanak!). The deaths in PI are the results of gross disregard for the lives of the people. It is the manifestation of lack of security for our citizens. Tiyanak would rather deploy the military to be her bodyguards and the bodyguards of her chosen few. The military would rather be deployed to the slum areas to gather votes for her to stay more in power. The military would rather be used to rig the elections. Judging from your previous posts, you may be a military man. Please do not be complacent in the fact that the US has more deaths in two weeks than the Philippines. If this is how a military man thinks in the Philippines, no wonder the two hemorrhoids are your chiefs (the most corrupt and insensitive generals), Palparan gets away with murder and tiyanak continues to rule by using the military again and again to stay in power. Wake up before you find yourself among the beheaded!

  18. parasabayan parasabayan

    BK, my apologies for misjudging you. Just do not take pleasure in comparing the Philippines to the US. It is night and day! Malayo pa tayo sa kalingkingan ng US. But if we have a good moral leader, never mind if we are not as rich as the US but if our citizens and visitors can freely enjoy to walk around and enjoy our sceneries without being killed, our journalists can truthfully write about anything withourt being killed, if everyone is really free to be what they want to be and be given a chance to have a simple decent living without resorting to abandoning their families, then we do not really have to look outside of the country for contentment!

  19. cocoy cocoy

    The Abu Sayyaf are a bunch of cold-blooded murderer, They disregard the full enjoyment of the most fundamental human rights, right to life, they have no justification under any pretext and they need to be exterminated. The people they beheaded were an ordinary citizen trying to earn a few bucks working a tedious job just to have a cup of noodles for their families. These terrorist organization could not be eliminated if the military under the command a corrupt leadership. No amount of fatigues in uniform parading their hidden fox holes if no action. His military combat planner is incompetent and his intel is inutil.

    Also, sometimes I deeply and passionately believe that the criminal acts, conflict and terrorism is mainly mobilized around the concept of justice, a justice department secretary who’s desk is filled with unsigned stacks of papers. Challenging injustice is the first step towards eliminating conflict. But, two Gonzales and Guttieres are in the office, what can we expect? The undeniable fact of life confronting us in this situation, murderer, murdering innocent people is a ghetto survival, people kill people for only a handful of chances to buy cigarettes and shabu. Those are illiterates and careless about human life and dignity. No soul and no moral. Can we blame them?

    The country we always love is facing a political and economic turmoil, so many of our people living in abject poverty, with no hope and no future, have become a source of criminal activities and the terrorist cells, Abu Sayyaf, kidnap for ransom, flesh trading, gambling video karera and horse racing, not counting the big time cockfighting of monie pakyaw under the protection of the lords. As long as our people live in this scenario of so unjust, so unequal and so inhumane. This criminal events will appear daily in TV screen and paper tabloid such as Malaya and Abante.

  20. gilbertyaptan gilbertyaptan

    Pwede bang ilipat si Goonzalez as curator of the national museum? kasi ang kanyang chauvinism ay nababagay sa mga antiquities dun. 😀

  21. Mrivera Mrivera

    meron pa bang siguradong ligtas na lugar sa ating bayan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon? kahit sa loob ng sariling tahanan ay hindi nakasisiguro ng kaligtasan ang sinumang “namarkahan” na ang pangalan.

    kung mananahimik at ipagkikibit balikat lamang ang mga katiwalian at lantarang pang-aabuso, anong magandang bukas naman ang naghihintay sa ating mga supling?

    hindi kaya mas makabubuti ang lumaban at harapin ang anumang banta ng panganib na kanilang iniuumang sapagkat mas may pagkakataon pang mangibabaw ang katotohanan at katwiran at bandang huli ay makamtan ang hinahangad na pagbabago sa ating pamayanan?

    unahin natin ang paglahok sa halalan at gamitin ang ating karapatang pumili ng inaakalang mas karapatdapat na pagkatiwalaang mamuno sa pamahalaan. ito ang unang hakbang na magiging batayan ng susunod na pagpalaot sa larangan ng pakikipagtagis para sa ating kinabukasan.

  22. Mrivera Mrivera

    gilbertyaptan says: “Pwede bang ilipat si Goonzalez as curator of the national museum? kasi ang kanyang chauvinism ay nababagay sa mga antiquities dun.”

    hindi bagay si siraulong gagongonzales sa pambansang museo dahil ang mga naroon ay simbolo ng ating kasaysayan. ang isang taong wala sa katinuan ay walang lugar sa marangal na kapaligiran.

    bakit hindi na lamang sa tambakan ng basura? sa payatas. sa carmona. sa san mateo.

    ibitin na lamang kaya ng patiwarik?

  23. Ka Magno:

    Ang suggestion ko, magcontest sila ni Mike Arroyo kung sino sa kanila ang karapatdapat kilalaning Comedy King. Daig pa nila si Dolphy kung magpatawa e.

  24. Mrivera Mrivera

    ka enchong,

    mas akma siguro kung itapat siya kay boy abunda dahil hindi nakakatawa para sa akin ang bawat bitiwang salita ng huklubang ‘yun. para bang pakiramdam niya ay walang damdamin ang mga tao sa paligid niya na katulad niya’y hindi kakitaan ng latay kahit anong hagupit ang iyong ibigay.

    pakasuriin ninyo’t kapag nagbibitaw ng pahayag ay nakangiting aso palagi’t mukhang nang-aasar.

  25. soleil soleil

    gonggongzales belongs to the dumpster and nowhere else. his mouth is s foul, smelly, stinky as the a** of pandak. magsama-sama sila sa impyerno!!!
    manila’s finest, or whatever’s pride..pare-pareho sila. hindi mo mapapagkatiwalaan ang mga yan mga naka uniporme na mga yan. kaya dapat talagang manalo si Trillanes at si Lacson para mapatunayan nilang ang mga men in uniform at hindi palasak at puro marumi.

  26. Mrivera: meron pa bang siguradong ligtas na lugar sa ating bayan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon? kahit sa loob ng sariling tahanan ay hindi nakasisiguro ng kaligtasan ang sinumang “namarkahan” na ang pangalan.
    *****

    Sinabi mo pa, Magno. Kaibigan kong haponesa na nagmo-monitor ng political killings sa Pilipinas, nakasaksi ng ginagawang pagroronda ng mga community leaders sa probinsiya. Nandoon siya sa bahay ng isang grupong kumakalaban sa isang anomalya sa probinsiya nila nang biglang dumating daw ang mga naka-uniporme at may dalang mga armas. Pinatakbo siya sa likod ng bahay para hindi siya madamay. Sa takot din niya, nakalimutan niyang magsapatos kaya nakapaa siyang tumakbo dala ang bag niya. Nasugatan ang paa niya. Namaga at nagnaknak, nagkaroon ng gangrene at siya ay napilitang umuwi sa Japan para ipaopera ang paa niyang muntik-muntikan nang putulin dahil sa gangrene. Nasa ospital siya nang mabalitaan niyang pinatay iyong lider na nabanggit.

    Isa siya ngayon sa human rightist na humihiling sa pamahalaan ng Hapon na itigil ang pagbibigay ng ODA sa Pilipinas lalo na sa mga proyekto ibinebenta noong Tabatsoy sa mga gobernador, mayor, kongresista at senador!!! T….nilang lahat!!! Masunog sana ang mga kaluluwa nila sa impiyerno! Nakakakulo talaga ng dugo!

  27. PSB: But if we have a good moral leader, never mind if we are not as rich as the US but if our citizens and visitors can freely enjoy to walk around and enjoy our sceneries without being killed,
    *****

    Sinabi mo pa, PSB. Tignan mo ang Tonga. Kahit na hindi naman ganoong kasagana ay masasaya ang mga tao doon dahil sa mahuhusay ang kanilang mga lider. Sa Pilipinas naman kasi, kriminal ang presidente!!!

  28. BK: Hinahanap na ng militar ang mga relatives ni ASG Leader ALBADER PARAD at MNLF Commander HABIER MALIK para sila din ang pupugutan ng ulo. I am sure of this.
    *****
    Yikes! But I believe you. Magpugutan na sila ng ulo! This reminds me of those days when I was a kid and the newspapers were full of stories about the headhunting Ilongots. Inubos na ba sila ng NPA or AFP/PNA. Hindi sila terrorists as a matter of fact. Warriors sila trying to protect their own lands!!! Ganyan din iyong mga Moro, I guess.

  29. Tilamsik Tilamsik

    Text below is from WIKIPEDIA:

    In a controversial statement made during the April 20, 2007 broadcast of a local news program, Philippine Justice Secretary Raul Gonzales hastily stated that Campbell was partially to blame for her demise. He stated that the Peace Corps volunteer was “a little irresponsible” and that “if she was not alone, it would not have happened.”. He also called Campbell “careless” in the same statement.[9][10]

    The sad news about Julia Campbell deeply saddened the Filipino community worldwide. [11]

    *******

    Wala ng matinong sinabi si Raul Gonzales, hinayaan muna sana ang dalamhati ng pamilya ni Julia before he made his uncivil comment.

  30. chi chi

    Si Gunggong Gonzales ay tamaan din sana ng balang ligaw, tutal ay wala naman siyang kwentang tao!

  31. gilbertyaptan gilbertyaptan

    Chi, pag tinamaan ng balang ligaw si goonzalez, sasabihin pa nyang kasalanan yun ng irresponsible gunowner. kung tamaan na lang kaya sya ng kidlat? sino kayang sisisihin nya? si al gore kasi medyo huli na nyang ipinalabas ang “inconvenient truth”? 😀

  32. chi chi

    Gilbert,

    Oo nga ano, basta merong butas, kanit na anong liit, ay papasukin nitong si Gunggong Gonzales at gagawing alibi para ipagtanggol ang kanyang korap bosing Tianak! Double lightning siguro ay ni hindi na niya mabubuksan ang balasubas niyang bibig para manisi!

  33. Nakakahiya iyong Secretary of InJustice ng Pilipinas! Bakit hindi iyan sinisibak ni Pandak? Answer, kasi pareho lang silang dapat masibak!

  34. Another thing, PSB, I think it is more lack of incentive and real push for Filipinos to rise up from the gutter these creeps have pushed them in.

    The nerve of those who say there are no genuine leaders out there the Filipinos can choose to lead them! Golly, kung anu-ano pang sinasabi para mawalan na loob ang mga hindi magnanakaw! Kundi i-discourage, aalukin ng kurakot! That’s why I thought in a way, it is alright that Sonny Trillanes is still in jail.

    At least, walang kukurakot sa kaniya doon. I’ve been hearing of some really strong candidates being lured to the side of the Pandak with money stolen from the coffers. It’s just disgusting! At least, Sonny is doing good with a lot of the mock elections done everywhere, even in Japan now, seeing his name in the Magic 11, and the 12th place for those runner-ups, hindi pa siya ang nagka-campaign ng diretso nor is he receiving “limpak, limpak na pera”!

    At least, Trillanes is a living proof that elections need not be too expensive, and that the only thing a candidate need is to be sincere and make the people see his worth!

    Mabuhay si Trillanes! May God help him!

  35. BOB BOB

    Hoy ! tandang Gonzales…sabi mo partly dapat sisihin si Julia Campbel sa pagkamatay niya dahil naglakad siya nang mag-isa wala siyang kasama kaya siya nadisgrasya o pinatay.
    Bueno … Hinahamon kita Mr. Gonzales, sige nga ikaw nga ang Maglakad nang magisa..huwag na sa lib-lib na lugar sa Metro Manila na lang na maraming tao …tignan ko lang kung walang pumaslang sa iyo…Hayup ka , nai-ihi ka na sa salawal di ka pa mag-retiro….

  36. BOB BOB

    Isa pa Mr. Gonzales, Kung ginagawa mo at nang Presidente mo ang tungkulin niyo nang tama sa bayan…Tingin mo ba Kailangan pa natin nang mga Volunteers dito sa bayan natin ?

  37. Mrivera Mrivera

    patay na! umuusok na si bob sa galit sa huklubang amoy amag. kulang pa nga ‘yan. dapat sa gunggong na ‘yun ay patayuin sa tuktok ng pinakamataas na gusali sa makati at tadyakan para mahulog at bumagsak sa matigas na konkretong liwasan at maranasan niya ang sakit ng pagbagsak at walang dadamay.

    habang naghihingalo ay sipa sipain at duraan!

  38. chi chi

    The maligno Tianak si soooo hambog! Instead of ordering quiet and secret operation/obliteration of the Abbus, she mimics the Dubya’s noise of war whenever there’s opportunity. Pinas will soon become a ghost country and this Maligno still hunts for publicity!

    Does she not know that its a habit of AS to behead captives, even more when they are being dared?! Seven severed heads become her “truth and consequence”, an outright response to her kahambugan! Mauubos ang Pinoy sa kayabangan nitong pekeng pangulo at sa karuwagan ng kanyang super security Assperon!

  39. chi chi

    Iyang si Gunggong Gonzales ay namimihasa sa kabastusan dahil pinababayaan ng malignong Tianak, who will let this Gunggong do the dirty talking for her. Gunggong is a diffuser of bad news from her among maligno, iyan ang kanyang tunay na job description!

  40. gilbertyaptan gilbertyaptan

    pwede natin tawaging nana (pus) sa punso si goonzalez. :_D

  41. chi chi

    Nana(pus) sa punso ng malignong Tianak! Why not?! Ang kanilang ginagalawang mundo ay nasa vengeful elemental level!

Leave a Reply