Skip to content

Ang kalbaryo ni Ruben Dionisio

Naala-ala nyo si Ruben Dionisio, ang isa sa limang supporters ni dating Pangulong Estrada na kini$nap ng mga intelligence agent ng military (ISAFP) at tinurture noong isang taon?

Hinuli na naman si Dionisio noong Sabado sa kasong rebellion daw. Mga ahente naman ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police ang dumapot sa kanya noong Sabado.

Nakakulong siya ngayon sa Camp Karingal sa Quezon City. Hindi maa-aring magpiyansa sa rebellion. Kaya mukhang plano ng pamahalaan pabulukin si Dionisio sa kulungan.

Sabi ng kanyang abugado na si Sal Panelo, pulitika ang dahilan ng paghuli na naman kay Dionisio.

Si Dionisio ay isa sa nominees ng Union for the Masses for Democracy and Justice (UMDJ) partylist na alam ng lahat ay napabilangan ng mga masa na malapit kay Estrada. Si Panelo ay isa sa apat na nominees.

Sabi ni Panelo, “Dahil sa pagkahuli ni Ruben, hindi kami ngayon makaka-pagkampanya dahil siyempre asikasuhin namin ang kaso niya.”

Ito ba ang sinasabi ni Gloria Arroyo na hindi makiki-alam ang military at pulis sa eleksyon maliban sa magboto na siyang sinasaad sa Constitution?

Akala mo naman magkaroon ng kunsyensya ang nasa kapangyarihan sa pagkabuking sa kanila noong isang taon ng tinurture nila si Dionisio at ang apat na niyang kasamahan. Hindi pala.

Maala-ala natin na noong May 22, 2006, nilusob ng mga ahente ng ISAFP ang bahay ni Ver Eustaquio at dinampot ang mga kaibigan niya na nagmi-miting doon. Kasama si Dionisio, Dennis Ibona, Jose Justo Curameng. Napasama rin si Jim Cabauatan, isang pulis na napadaan lang doon. Nakilala sila sa tawag na Erap5.

Dinala sila sa iba’t ibang lugar at pinahirapan. Piniringan ang mga at pinagpapalo. Pinaghihiwalay sila ngunit maririnig ng bawat isa ang pagpahirap sa mga kasamahan. Pinipilit silang aminin na miyembro sila ng Communist Party of the Philippines.

Si Dionisio nga umamin na lang na siya si Mike Gumera alias Ruben Siamson na opisyal daw ng CPP/NPA para lang mahinto ang pagpahirap sa kanya. Kaya lang nang pinagtatanong na siya ng mga pangalan raw ng mga miyembro nya, hindi na niya masagot. Pinagpapalo na naman siya.
Sa Senate hearing pinakita ni Dioniso ang kanyang mga sugar at pasa sa katawan.

Klaro na lumabag sa batas ang mga ahente ng military. May naparusahan ba? Wala tayong narinig.

Sabi ni Panelo, nadismis raw ang laban kay Eustaquio, Ibona, Curameng at Cabauatan dahil sa kawalan ng ebidensya. Ngunit itinuloy ang kay Dionisio.

Nasaan ang hustisya dito sa Pilipinas?

Published inElection 2007Web Links

36 Comments

  1. Torture is still not sanctioned by the UN despite Bush’s Guantanamo Bay tortures.

    Did Gloria think that she would be Bush if she puts up an equivalent Guantanamo Bay torture camp in Pinas?

    The Philippines must not tolerate this practice on their own. Good thinking politicians must denounce any form of human rights violations.

    Police elements who did these atrocious acts on the so-called Erap 5 cannot be exmpted from being charged with illegal detention, torture, gross violations of human rights, etc. on the pretext that they followed the orders of their bogus commander in chief.

    These bandits in para-military uniform must be reminded in no uncertain terms that they are likely to face a more formidable force in the not too distant future and be hanged from the highest lampost for their ignoble deeds – much like Gloria Tiyanak, Fatso, Esperon and their ass lickers like Chavit and the rest of their shitty supporters.

  2. Justice in the Philippines, Ellen? I doubt that it exists now in the Philippines with a criminal running the country like hell.

    Forget it until the time when she is successfully removed even by a bloody uprising that she seems to be daring Filipinos to do! My sympathy and condolence to all. Hustisya binaboy ng husto.

  3. chi chi

    As usual, the Tianak is being consumed by politics. All avenues to having more opposition in the lower house are cut forcefully by her minions. The poser president already pushed the panic button to the limit this election period, her last chance to stay in power.

    Ito namang mga ahente ng military na sangkot sa kasong ito, basta makakapagpaligaya sa bogus nilang kumander at sa super security na si Assperon ay sige lang. In only six years, the Pinas military establishment has reached bottom in terms of moral principles, conducts and teachings, in history. Time to shoot someone!

  4. cocoy cocoy

    The bad fate of Ruben Dionisio is a Gestapo style during Hitler’s time, and when will it ever end? Their Rule by Law indicates that it is all part of it’s effort to curtail the freedoms of individual so that to what entities he do, even if he sit and do nothing, he is likely breaking the law of some kind, and therefore, with so many laws such as E.O. and newly passed anti-terror laws, anyone can be picked up for some reason or another if that becomes politically desired. In other words, many of Asperon and punggok laws are simply being created when they desire, not because someone break the laws, but someone should be picked up for some political reason and that the esperon and punggok’s rule by law that applies to allow both idiots to satisfy their blood thirsty craving.
    Whoever, passed this Anti-Terror Law must be condemned!

  5. Spy Spy

    If gloria and esperon had done a grave injustice to gen miranda et al, then they could do it to all Filipinos. Well, Justice’s dead since gloria launch her coup in 2001 and buried it in 2004.

    Implement Citizen’s arrest against gloria and her lapdogs. Charge: terrorism among others.

  6. cocoy cocoy

    Spy;
    How can we haul these two idiots with citizen’s arrest? Esperon as the “Cabesa” of the military is the one who’s breaking the law, the law enforcer was set up for protection and comfort of all good citizens, and he become the principal obstructionist and nuisance with which he has to contend. the oppressors meted his cheat and bully.

    If we do not stop this ugly drift of rule by law, we may all become endangered species because, the “Dos Diablos” eventually refuses to implement and recognized our fundamental human rights. Is Quisumbing listening?

  7. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Napakatanga talaga. Kung totoong rebelde iyang si Dionisio, e di dapat imbestigahan ng husto si Cabauatan dahil bukod sa pamangkin ni Binay, isa siyang pulis. Kung si San Juan nga, nung nahuli sa checkpoint malapit sa kampo ng komunista, ginawa nilang kasabwat ng mga komunista kuno, itong pulis pang nasa meeting, dapat ganoon din ang lohika.

    Kaya lang hindi pwedeng i-apply ang lohika kung inimbento lang ang istorya. Salu-salungat na kasinungalingan, hindi nila kayang pagtahi-tahiin kaya pinalamig muna bago tinuluyan. Kahit pa natanggal si Tristan Kison dahil sa inilaglag siya ng Aguinaldo sa kasong ito mismo.

    Alam na natin ang istorya niyan, pakakantahin si Dionisio na napagutusan sila ni Erap na kung anong misyon at magtuturo ng kung sinu-sinong iba pa. Na lahat sila katulong ng Komunista.

    Si Erap na ngayon ang Komunista. Pag minalas-malas pa, kasama na siyang nagpapatay sa mga kalansay sa Iloilo.

  8. Ang hustisya ay nasa bulsa ni Glueria. Yan ang maliwanag dito. The deterioration of our institutions is the legacy she will leave behind. What is sad, those who will be left to rebuild our country are the ones who grew up in apathy. I shudder at what they will do?

    Kaya habang may panahon pa, ituro natin sa mga salinglahi na maging sensetibo sa mga nangyayari sa bansa at huwag intayin na sa kanila mangyari ang mga pang-aabuso sa iba.

  9. Hindi na hustisya ang labas ng justice sa Pilipinas. Hostess-siya na lang with Mrs. Pidal as the Mama-san, the greatest Bugaw! JUST-TIIS na lang ba?

  10. BTW, is this Dionisio the same guy these idiots had kidnapped once and then charged with those stupid claims by the Secretary of Injustice, and drugged to get a false confession! Hanggang kailan ang ganitong injustice?

  11. chi chi

    Tongue,

    Hindi nakakapagtaka kung lumabas na ang tunay na scenario ay iyang sinabi mo, knowing fully well na isip-kuto ang mastermind at iba pang mga nasa likod sa pagkuha kay Dionisio.
    Tulog at bulag ang hustisya sa Pinas!

    Gusto kong matigok iyong isang tao at ng maturete sila. Baka magkaroon ng pagbabago, kahit ano!

  12. paquito paquito

    Ang administrasyong ito ay walang kakwenta-kwenta at yan ay alam na ng maraming pinoy. Sa pagiisip ng isang ordinaryong mamamayan masasabi ba natin na pinoy si Gloria. Hindi!!! At bakit maraming karaingan ang mamamayan sa gobyerno, partikular kay Gloria? Lahat kasi mali—simula pa lang nya sa nakaw na poder ay mali na kaya lahat ng gawin nya mali. Nagnakaw ng kapangyarihan, pandaraya sa eleksyon, sinungaling at marami pang anomalya na ginawa nya sa loob ng anim na taon sa nakaw na poder ksama na doon ang extra jucial killings, Jose Pidal, Jocjoc Bolante/fertilizer fund, hello Garci, diosdado nakawpagal blvd. at sangkatutak pa na iba. Sana isang umaga mabalitaan na lang natin sa headlines na “Gloria ninakaw ni Satanas, bumagsak ang bubong sa tinutulugan” tapos “Jose Pidal habangbuhay na pagkabilanggo”.

  13. Tongue,

    Sabi ng isang kaibigan ko hindi na raw komunista si Joma, burgis na raw na nagtitinda ng CD sa the Netherlands! Nyahahahahaha! Kunyari pa nga iyong isang kanong hilaw na makabayan at galit sa komunista, wala naman palang alam! Nyahahahahahaha! 😛

  14. Come to think of it. Nakakulong si Dionisio for rebellion! Kelan nangyari iyon? Bakit hindi natin alam. Dapat specific sila at saka may sapat silang ebidensiya, pero hindi iyong nilutong makaw na ebidensiya! Iyan ang hirap kasi ng mga idiots ang nagpapalakad ngayon ng pulisya!

    Sipsip ka lang kay Mrs. Pidal nakarangko na kasi kahit na bobo dela yuca! Hay, wala na bang katapusan?

  15. rose rose

    In his first Encyclical “Deus Caritas Est” Pope Benedict XVI
    has this to say on JUSTICE and CHARITY-28 a) “The just ordering of society and the State is a central responsibility of politics. As Augustine once said, a State which is not governed according to justice would be just a bunch of thieves”……..”Justice is both the aim and the intrinsic criterion of all politics. Politics is more than a mere mechanism for defining the rules of public life; its origin and its goal are found in justice, which by its very nature has to do with ethics.”…
    Something to think about……particularly for those who are engaged in politics and particularly now in the Philippines now as the May election draws near from the President down the line … Hindi ba?

  16. Tilamsik Tilamsik

    Masyado na po tayong babad sa ganitong situasyon, paghuli, pagpaslang, pagtortyur, pagpadlock, pag isyu ng libel, pagdukot, etc.

    Ang scenario: Hindi aalis sa poder ang dilag sa palasyo kahit matapos ang termino sa 2010. Mag isip ka Bayan, mag aral, matuto makibaka!

  17. Mrivera Mrivera

    ‘langyang mga ‘yan! wala nang hindi maisip upang palabasing marami ang nagpaplano at magtatangkang maghasik ng kaguluhan sa kalunsuran gayung silang mga hunghang ang numero unong lumalabag sa batas at sumisikil sa karapatan ng mga mamamayan. ipinagpipilitan nilang komunista, terorista, kriminal ang sinuman, at kung ano ano pa magkaroon lamang sila ng dahilan upang hulihin, ikulong, pahirapan at/o di kaya’y patayin at palabasing lumaban/tumakas.

    kapag nanahimik ka, kawawa ka. kapag nakialam ka, kawawa ka. kapag umalma ka, delikado ka. saan ka lalagay?

    isipin palagi ang munting LANGGAM!

  18. nelbar nelbar

    na-virus na rin ang makina ko.

    iyong homepage ng browser ko ay nabago at hindi na rin ma-edit.

    Mrivera & ystakei, dito mo makikita kung papaano ang attitude ng mga collaborator at papaano tinraydor ang mga lumalaban sa mapang-api.

    malalaman at makikilala mo kung sino ang mga gumagawa nito sa blog ni ellen sa pamamagitan ng philology na ginagamit nila.

    manatiling mapagmanman!

  19. Mrivera Mrivera

    kaya ako, kung hindi rin ko lamang kilala ang magbibigay ng site references ay hindi ko pinupuntahan upang makaiwas sa mga uod na naglisaw!

    mahirap na! mapanganib ang ganyang uri ng mga taong ang pakundangan sa paghihirap ng kapuwa ay inilalagay sa pinakahuli matapos ang kanyang pansariling kagalingan sukdulang ipangalandakan ang ginagawang kabutihang (kuno)isinasakay lamang sa nagagawa ng iba at/o inaagaw lamang.

  20. Mrivera Mrivera

    EDITORIAL

    Utang na loob

    Wala pa mang pinal na resulta ang absentee voting na nilahukan ng mga kababayan nating overseas Filipino workers (OFWs) umaasa na ang buong tiket ng Team Unity na liyamado ang kanilang partido kaya’t pinaborang iboto.

    http://www.abante-tonite.com/issue/apr1607/main.htm

    tsk. tsk. tsk. ‘kakakapal talaga ng mga mukha ng mga ungas na ito. sino ang may utang na loob kanino? bakit? meron bang naitulong si gloria sa pamumuhay naming mga manggagawa sa ibayong dagat? pisting yawa sila! dinaya na nila kami noong 2004, aasa pa silang magpapauto pa kami ngayon? manigas sila!

    lalabas lamang ang mga pangalan ng mga hunghang na TUTA ng mga anay sa malakanyang kapag umarangkada ang makinarya ng pandarayang pangungunahan ng mga kawani ng konsulada at embahada sa iba’t ibang bahagi ng mundo!

  21. chi chi

    “Gloria ninakaw ni Satanas, bumagsak ang bubong sa tinutulugan” tapos “Jose Pidal habangbuhay na pagkabilanggo”.

    Paquito, what great news! Kung ito man ay salamin ng ating kawalang pag-asa sa ilalim ng pamumuno ng isang peke, hindi tayo masisisi dahil ang anim na taon ay napakaluwag na naibigay sa Tianak upang patunayan niya na kaya niyang patakbuhin ng maayos ang bansa!

  22. chi chi

    Thanks, Rose. Si St. Augustine na ang nagsabi niyan, ha!

    “As Augustine once said, a State which is not governed according to justice would be just a bunch of thieves”…

  23. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Ako’y awang-awa dito kay Dionisio. Sa lagay niyan, mahaba pa ang kalbaryong kanyang tatahakin. Talagang wala ng ginawang mabuti ang Tianak na ‘yan sa Malakanyang at napakatagal pang dumating ang karapat-dapat na parusa sa mga kagaya niya! Hindi na ako mag-wish ng kung anu-ano. Bahala na ang nasa Itaas sa kanila. Pero sana huwag namang patagalin pa! Please lang po!

  24. Chi,

    Kailanang nang mabago ang image ng Pilipinas as A COUNTRY WHERE THE PRESIDENTS ARE CONCEIVED AS ROBBERS AND THIEVES!

  25. chi chi

    Sinabi mo pa, Yuko.

    I was asked here why despite the kind-hearted Filipinos search for real leaders, palpak ang mga nahahanap. My only answer was that we will keep on searching until we found one. Ganun talaga hanggang maging mature ang mga voters and Pinoys in general.

  26. chi chi

    Kasumpa-sumpa talaga ang pekeng admin na ito! A 60 year old man, in his twilight years, is accused of being a hit man without any evidence! Pag tanda ninyo mga putragis kayo ay ma-hit din sana kayo!

  27. chi chi

    Baka pati iyong US Peace Corps member na natagpuan ang patay na katawan sa shallow grave ay ibintang kay Dionisio! Wala namang imposible sa pekeng administrasyon na ito e.
    Halatado naman na nilalaro lang nila ang mga pangyayari sa Pinas ngayon!

  28. parasabayan parasabayan

    Chi, you are right. The AFP is known to just frame anybody they like to frame. It is justice Tiyanak and Assperon style. I also have a theory that the death of this American may be a wake up call for the US to really address the issue of security in the Philippines. It is the government’s duty to protect everyone at anytime. Now, an American is the victim. We will see how the US will react to this. The US may start joining the EU in the scrutiny of the political killings and injustices in the Tiyanak’s kingdom. I can smell it coming! It is about time all the friendly countries involve themselves in the solution of these horrible crimes. Tiyanak and Assperon can still sleep tight inspite of all their wrong doings. Let us see if the US leadership will look the other way with the loss of one of their own.

  29. meksens meksens

    Hi, people!
    May I just share some of my thoughts about Ka Beltran, Satur Ocampo, the extra judicial killings, the military deployment in the depressed areas, and now – the Ruben Dionisio continuing saga.
    Well, I guess, the Gentleman and General Germ-o-genes Espasol has a lot to do with all of these. With or without the command of the labandera-in-cheat, the Germs is doing these to ignite the masses to do another Edsa III.
    If and when that happened, voila! MARTIAL LAW na! Masaya na at one to sawa na sila!
    The Germs knows that he cannot do a 2004 again because all eyes are on him this time. Also, he is sure as going to hell that the TUTAs have no fighting chance in this coming election. He’s got to do something, though. The Queen must be saved at all cost. And the short cut to their stay in power for as long as they want is – Military rule. Wa da ya think people?

  30. nelbar nelbar

    REWIND MUNA TAYO …

    Mula sa archive ng Malaya , October 24,2005
    AFP: No regrets on Edsa 2

    THE Armed Forces yesterday said withdrawal of support from President Joseph Estrada during Edsa 2 in January 2001 that led to the rise to power of then Vice President Gloria Arroyo was the “right decision at the time.”

    Brig. Gen. Jose Angelo Honrado, AFP spokesman, said the decision cannot be questioned now.

  31. Nelbar naman, I’ve said time and again, kung articles lang naman, please just post the web links. You don’t have to post the whole article.

  32. ecm_dxb ecm_dxb

    Sa lahat,

    Alam ko po na late na ang reaksyon na ito, ngunit ngayon ko lang nakita ang ang website na ito. Maraming salmat po higit kay ellen tordesillas at sa mga taong naniniwala na malinis ang pagkatao ni Ruben Dionisio. Saksi po ako sa panahon nang paghihirap na dinanas ni Ruben nang mga panahon na yun. Simula sa pagkakadakip nila sa bahay nang mga Eustaquio sa Quezon City, sa mga ilang araw naming paghahanap at pagdarasal na makita pa silang buhay hanggang sa araw na iharap sila sa Media at pinakita ni Ruben ang mga pasa at pagkakabugbog niya sa Media. Natunghayan ko din po nung panahon na pinalaya siya at dinala sa isang pribadong ospital at dun mas lalo namaing nakita ang hirap na dinanas nya, ang pang-unggol niya sa kalagitnaan nang gabi at pagiging balisa na pakiramdam nya ay bigla na lang siyang dadamputin para parusahan ulit. Mahirap at hindi biro ang pinagdaanan niya, lalo ang pagharap niya noon sa Senado.

    Kala namin tapos na ang lahat nung mga panahon na iyon, nang nagulat naaman kami isang araw bigla siyang dinampot sa tahimik naming pamayanan at nakulong siya sa City Jail. Dun ko unang naranasan ang makapasok sa isang piitan, sobrang gulo at hirap nang kalagayan ni Ruben. Sa taong higit 60 taong gulang ang paghihirap na yun ay hindi biro. Sa ngayon maayos na ang kanyang kalagayan at abala sa mga makakabuluhang gawain. Ngunit may pangamba pa rin sa aming lahat hanggat hindi pinal ang desisyon nang korte. Patuloy pa rin kamiang nananalangin at umaasang maging maayos ang lahat para sa aking tiyuhing si Ruben Dionisio.

    Maraming salamat po sa lahat nang tiwala at patuloy na naniniwala.

Leave a Reply