Skip to content

Nanindigan ang magkambal na Langkit

May puso at konsyensa ba itong si Gen. Hermogenes Esperon, AFP chief of staff?

Lumabas na ngayon ang gusto niyang mangyari sa kanyang pag-bartolina kay Capt. Dante Langkit ng sampung buwan. At ito ay para mapilitan ang batang opisyal na mag-traidor sa kanyang mga kasamahan, lalo na kay Brig. Gen. Danilo Lim.

Sinabi noong Martes ni Danzel Langkit, kambal ni Capt. Langkit, pinasabi ni Esperon na papayagan si Dante makalaya para magkandidato kung mag-state witness siya. Ibig sabihin, idiin ni Dante ang kanyang mga kapwa akusadong opisyal sa kanilang bintang na mutinyo pag-alsa laban kay Gloria Arroyo.

Noong nakaraang Pebrero 21 sumulat si Dante kay Esperon at humingi ng paumanhin sa mga “kabiguan” na kanyang idinulot sa kanya. Aide kasi dati ni Esperon si Dante.

Hiniling ni Dante na papayagan siyang lumabas pansamantala upang magiging kandidato bilang congressman ngayong eleksyon. Babalik raw siya pagkatapos ng eleksyon.

Sabi ni Danzel, nang pina-follow up niya itong hiling ng kanyang kambal say Col. Daniel Lucero, executive assistant ni Esperon, doon pinarating sa kanya ang kundisyon.

Nang sabihin niya kay Dante ang kundisyon ni Esperon, sinabi raw ng kambal niya na hindi siya qualified maging state witness dahil hindi siya guilty. “Ang ginagawa lamang na state witness ay ang may kasalanan. Inosente ako,” sabi ni Dante.

Ipinagyayabang ni Esperon na malakas ang kanilang kaso laban sa mga akusado. Bakit siya sumusuhol para makakuha ng witness?

Si Dante Langkit ay isa sa ma 28 na opisyal na nililitis ngayon sa court martial dahil sa nabigong plano raw na mag-withdraw ng suporta kay Gloria Arroyo noong Feb. 2006. Inirekomenda ng Pre-trial Investigtion panel na idismis ang kasong mutiny o pag-alsa at conduct unbecoming an officer and gentleman lamang ang kaso.

Hindi ito sinunod ni Esperon at pinipilit na mutiny ang kaso na may parusang kamatayan.
Patuloy rin na ikinukulong ang mga opisyal kahit na ayon sa Articles of War, kung minor lang ang kaso, hindi dapat nakakulong ang mga opisyal.

Talagang pinahirapan ni Esperon si Dante. Noong nasa bartolina siya, may mga araw na minsan lang siya pinapakain sa isang araw. Halos 50 lbs ang nawala sa kanya ngunit hindi siya bumigay.

Nagpapasalamat si Dante ngayon at naarawan na siya at napansin ko noong Martes na tumaba na siya ng kaunti.

Dahil sa hindi pinayagan si Dante, si Danzel na nagdesisyon na tumakbo bilang congressman sa ilalim ng Genuine Opposition. Civil engineer si Danzel at nagtatrabaho na municipal administrator sa kanilang bayan ng Pinukpuk.

Peace and order una sa programa ni Danzel dahil sa tindi ng tribal conflicts sa kanila. “Pagpahalaga sa buhay, “sabi niya.

Sa karanasan ng kanyang kambal, damang-dama ni Danzel ang kahalagahan ng buhay.

Published inFeb '06MilitaryWeb Links

29 Comments

  1. Re Ipinagyayabang ni Esperon na malakas ang kanilang kaso laban sa mga akusado. Bakit siya sumusuhol para makakuha ng witness?

    Paano, sinungaling, magnanakaw, mayabang at BOBO iyang si Esperon na yan.

    Eversince he became the back-to-back 2, 3 & 4 star general in one sitting, he became so full of himself that he’s forgotten what being an officer is.

    He’s acting like a real “Ponggo”… Ask him what that means and if he doesn’t know, then he’s an idiot. Time for him to retire before his own lil brain explodes in his face.

  2. chi chi

    Ay namputsang Esperon ito! Paano ka ba namang hindi makakapagmura ng malutong sa pinaggagagawa ng demonyong Assperon na hunghang na ito!

    Letse s’ya! Bartolina ng 10 month at minsan ay isang beses lang pinakakain si Capt. Dante Langkit pero hindi siya bumigay! Ang laking dagok kay Assperon at laki ng paghanga para kay Capt. Langkit! Maipagdarasal ko ng taimtim itong Kapitan na ito, mabuhay ka! Kailangan ka ng ating bansa!

    Si Esperon ang dapat ay ibartolina at walang kain-kain, Tonguena!

  3. luzviminda luzviminda

    Malaki ang TAKOT ni Cheat-of-Staff Esperon sa mga magigiting na sundalo tulad nina Brig.Gen. Danny Lim, Capt Langkit, ang mga Oakwood leaders at iba pa na tunay na lumalaban sa katiwalian hindi lamang sa gobyerno kundi lalo na sa hanay nila sa militar. Si Esperon ay isang DUWAG na ginagamit lamang ang kanyang mga pekeng estrelya sa uniporme. Obvious na wala ng respetong makukuha si Esperon sa magigiting na sundalong ito dahil talaga namang hindi dapat respetuhin. Kulang na lang na DURAAN SA MUKHA imbes na saluduhan.

  4. artsee artsee

    Isingit ko lang ito: Ngayon nasa malubhang kalagayan si Mike Arroyo, hindi kaya maglakas loob na dalawin siya ni Vicky Toh at isa pang kabit niyang si Suarez?

  5. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    The next thing we will hear of the rejection by Capt. Dante Langkit on Esperon’s overture to turn state witness and pin down his colleagues is, it will be denied and will be branded as a figment of imagination by the Langkit brothers. But having lost his credibility, Esperon will find himself on the defensive as more people will believe Danzel Langkit on what he divulged.

    We could only hope and pray that Danzel, in taking the cudgel for his incarcerated twin brother, will win as Congressman in their congressional district. But he is taking a big risk for he is now a marked man in going against the evil wish of Esperon.

    Sana’y maging mahabagin ang langit sa landas na tinatahak ng kambal na Langkit.

  6. chi chi

    Before I hit the sack, goodluck to Danzel for taking up the role his twin bro can’t pursue due to Assperon’s idiocy! Dasal ko, manalo ka! You are indeed a good brother, Danzel.

  7. Shock ako sa mga nababasa ko dito sa blog ni Ellen. Ang yayabang pang magsalita ng mga pilipino sa totoo lang lalo na kung mamintas na mga kapwa nila Asyano gaya ng mga hapon na di-hamak namang mas sibilisado kesa dito sa nababasa nating ginagawa ni Assperon sa mga nakakulong na sundalong ayaw lang magsipsip sa bogus president niya e kinulong na sila.

    Hindi naman sa ipinagmamalaki ko ang hustisya namin dito sa Japan, Ellen, but when the Federation of Bar Association here hears this kind of inhumane treatment of prisoners, sibak agad ang pasimuno nito at ang korte naman ay bilis-bilis na inuurong na ang kaso dahil by law may violation na on the accusing side at talo na sila.

    Ayoko sanang magmura na ng PINM pero gaya nga ng sinabi ni Chi, hindi mo mapipigilan dahil sa mga bobong ito. T… talaga!

    Mabuhay ka Capt. Langkit sa tatag ng kalooban mo! God bless you for showing us that there are still gallant and brave soldiers like you, and that the AFP is not actually yet dominated by the sundalong kanin, labas ang tumbong.

    Pagnagka-giyera, pihado itong si Assperon unang-unang tatakbo sa kabila. Dugong-aso din siguro!

  8. Good luck pala kay Engr. Langkit. Hopefully, mananalo siya sa probinsiya niya na isa sa mga kinukurakot ng mga Pidal through Angara, who, I am told, is the bosom friend of the governor there. Siyempre iyong nakaupo puedeng maghukos-pukos bagamat sa ipinapakita ng mga Langkit ay baka naiiba naman ang mga tao sa Kalinga, Apayao, na mga tribo ng mga mararangal na tao sa totoo lang.

    Kaya sinong may sabing nasa dugo ng mga pilipino ang graft and corruption. Wala naman sigurong graft and corruption kundi nahaluan ng mga masasamang lahi na may mga masasabing ugali para maging corrupt sila.

    Ang alam ko maraming mga tribo sa Luzon ang hindi naman nasakop ng mga kastila at napanatili nila ang kanilang mga mararangal at katutubong mga ugali. Mas mabuti pa nga daw noong nakabahag pa ang karamihan sa kanila at tahimik ang pamumuhay nila at pagsasamahan sa tribo nila ay maayos. Sa panggugulo ng mga katulad nina Pidal kaya nagugulo ang kanilang mga tribo sa totoo lang. Sasakupin sila tapos wala naman palang maitutulong!

  9. Kaya sinong may sabing nasa dugo ng mga pilipino ang graft and corruption, e gago siya. Sarili niya iniinsulto niya na akala mo hindi na siya pilipino e baka aborigine pa nga siya. Dugong-aso siguro ang taong iyan.

    Nag-iiba-iba ng pangalan pa ang ungas halata namang siya rin iyong insultador ng kapwa niyang pilipino at pati na sarili niya mismo iniinsulto niya. Pwe! Baduy na, plastik pa!

  10. cocoy cocoy

    A soldier who fights for a living must, live in order to profit by his fighting. This is what I am seeing to the bravery of Capt .Langkit. His possession of hardihood experience, the infliction of savage punishments, the inflaming of his mind toward antipathies, combined with national patriotism, he is a real soldier and he is hard to break, Fernando!

  11. chi chi

    Pinabibilib mo ako lalo Cocoy, ah!

  12. Spy Spy

    Esperon denied he made such an offer to Langkit. The fact is that they were not able to twist Lankit despite of keeping him in solitary confinement for more than 10 months and treating him inhumanely.
    But why are they keeping Lankit in ISG when his alleged plotters are all detained in Tanay? It is clear that they’re still working on him but to no avail.
    This scheme of Esperon and his cohorts have been their trademark.
    When esperon was the Army CounterIntel Unit (CIU) Chief in 1989-1991, he detained some junior officers who were involved in the 89 coup. He then released these officers and absorbed them into his unit. Their only mission was to implicate alleged coup participants- a witchhunt. It was successful.
    These officers include Col Lucero, now esperon’s exec asst; Col Ano, the current ISG Chief and LtCol Zaragosa, ISG Deputy Comdr. The latter was detained by esperon in 1990 but decided to turncoat against his RAM brothers in exchange of his liberty. He is now the personal custodian and the principal oppressor of Dante Lankit.

    Esperon’s scheme worked well on Capts Gambala, Maestrocampo, Lt San Juan et al.

    He failed on Dante, his erstwhile trusted aide-de-camp. A big slap on his rough face.

    Mabuhay kayo Dante and Danzel Lankit!

  13. chi chi

    What a wealth of info, Spy. Thanks, that speaks volume of what kind of demon-oppressor Esperon is!

  14. Mrivera Mrivera

    spy,

    keep your collection of info as accurate as it is so that the releases of esparrot cannot deceive anyone around. it is enough for him to have this foolish lucero (wonder what kind of courage he has in keeping his medal of valor displayed over his chest) as they only deserve each other being both lapdogs of gloria.

  15. Spy, good info you have there.

    Re: “Esperon denied he made such an offer to Langkit.” Am really not surprised. I would find it very difficult to believe anything he says, and wouldn’t believe it even if he said he was dying.

  16. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Thanks Spy.

    It is not difficult to understand if the bloggers have a wealth of information such as yours.

    Just as I wrote at 9:17am, Esperon will deny what Danzel Langkit divulged. As always, they are always in the state of denial.

    With guys like AbBrux, Mrivera, Chi, Ystakei, Cocoy, Luzviminda, Artsee (minus the funny antics), Chabeli, Tongue Twisted, Nelbar and few others, discussion is always decent and lively here but not until some nincompoops will insist on their unwarranteed and merely copy and paste posts.

  17. cocoy cocoy

    Sleepless;
    Thanks,ha! for including me in your list in Einstein geniuses book,you forgot WWNL.

    Chi;
    Salamat uli for another compliments,sinunod ko lang ang payo ni Mrivera ko na bawasan ang Tanduay at San Miguel.Sober na ako,kaya wala na akong DUI at good driver na.

  18. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Mang Cocoy

    Yes of course, WWNL, Schumey, Tilamsik, Elvira Sahara, Vic from Torotno and even GSDC. There are some who are not blogging anymore but whose previous posts I learned a lot. I also read with gusto newcomers Taipan88, Jojovelas, Ka Enchong and Reyna Elena, I missed her posts.

  19. cocoy cocoy

    Sleepless;
    Oo nga pala.Bata pa ako,pakilagay na lang ng O sa pagitan ng
    N-NG.Para maging Manong.Hehe.

  20. chi chi

    Mahalang kapatid ang mga bloggers dito kahit magkasalungat minsan ang mga opinyon. Kaya lang, kung hindi tama ang pagkatok at pagpasok sa Ellenville ay hinaharangan kaagad hanggang sa matutong pumanhik ng maayos sa bahay.

  21. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Ma’m Chi, Manong Cocoy

    Ang paninindigan ng kambal na Langkit ay katulad din paninindigan ng karamihan dito sa blog ni Ma’m Ellen.

    As we are now in the homestretch towards the May 14 elections, my info from home indicates the intensity in the poliical campaign. In all fronts, the hands of the Malacanang cheating operators and very much felt thru their text and phone brigades. It’s no surprise that even in this blog, the now you see him now you don’t bloggers will just enter the house sans the usual courtesy because they have been reading our postings all along. It’s because like their small boss, they like to act big as if they own everything even the cyberspace. Woe unto them for their days are numbered.

  22. May nakatanggap na ba ng ballot sa mga OFW dito? Iyon kasing mga kaibigan ko sa Australia sabi siniraan daw ng Comelec ang Bayan Muna, etc, and indirectly telling voters not to vote for them ever again.

    Wala kasi akong right to vote in the Philippines. As a Japanese national, I am not allowed dual citizenship even when I was born and bred in the Philippines. Sabi kasi nila dito, one cannot serve two masters!!! Kaya hindi ako makakatanggap ng balota. Iyong mga staff ko nga hindi pa rin nakakatanggap kahit na may voter’s ID sila.

    OFWs are supposed to hand in their ballots a month earlier than those in the Philippines. Sa Japan, it is voting by mail.

  23. Sleepless: and Reyna Elena, I missed her posts

    *****
    Ako din, nami-miss ko si Reyna Elena. Siguro busy siya ngayon.

  24. Mrivera Mrivera

    cocoy Says: “Sleepless; Oo nga pala.Bata pa ako,pakilagay na lang ng O sa pagitan ng N-NG.Para maging Manong.Hehe.”

    ‘yan, pareng cocoy ang isang sintomas na talagang dapat mo nang iwasan ang sobrang tagay. pati tunay mong kalagayan ay nakakalimutan na dahil medyo nakakalamang ka sa ikot ng baso. dapat samahan mo rin ng pulutan para meron sapin sa tiyan. he he he heeeh.

    hindi kita binubuyo na magpakalango uli.

    inom maginoo lamang, huwag tagay pabagsakan.

  25. Mrivera Mrivera

    sa ilalim ng administrasyon ni gloria makapal arroyo, ang manindigan sa matuwid na isinisigaw ng prinsipyo ay isang krimeng ang katumbas ay higit pa sa bitay ang kaparusahan. ang sinumang sumuway sa baluktot niyang pamamalakad ay hindi bibigyan ng pagkakataong mapalaganap ang pagsisiwalat ng katiwalian at tinatapalan kaagad ng walang habas na kasinungalingan. naglisaw na ang mga uod sa bulok na sistema ay sasabihin pang bumabango at sumasariwa sa kabila ng umaalingasaw na katiwalian, patunay ang walang pakundangang mga paglabag sa karapatan ng bawat mamamayan.

  26. Spy, I’m not surprised that Esperon denied Capt. Langkit’s expose, through his twin brother Danzel, of his (Esperon) offer.

    But sorry siya, his credibility is low. As the Pulse Asia survey showed he ranks second to Tessie Oreta as the most distrusted public pesonality in the country. He has the same level of distrustworthiness as Gloria Arroyo and FVR.

    People believes Langkit more than him.

    Thanks for the additional info especially about Col. Lucero.

  27. I was told that Esperon tried to use Capt. Langkit’s mother and girlfriend to make him sign an affidavit pinning down Gen. Miranda, Gen. Lim, Gen. Querubin but that didn’t work either.

  28. Kawawa itong si Capt. Langkit sa pamimilit na ginagawa ni Esperon. Pag may nangyari diyan alam na natin kung sino ang ma kagagawan. Siguro dapat nang mag-alsa ang mga kababayan nina Langkit sa Kalinga, Apayao.

    Noong maliit ako ang mga tao doon ay matatapang at hindi nagpapaapi kahit kanino kaya kinatatakotan sila. In fact, ang mga kastila ay hindi sila nasakop dahil matatapang sila. Ipinapakita naman nila ngayon ang kanilang katapangan.

    Puede ba tigilan na ni Esperon ang kalokohan niya. Baka magaya siya kay Wycoco o kay Fatso ngayon. Hindi habang panahon makakaloko siya ng mga kababayan niya. Malapit na sila.

  29. Mrivera Mrivera

    sleepless, si taipan88 ay isa sa mga early bloggers dito, a pioneer. medyo namahinga ng konti at inasikaso ang pagpapayaman kaya ngayon mo lamang siya nababasa. siguro ay sumusunod na kay artsee sa dami ng binibilang na $alapi.

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.