Skip to content

Soaking in summer breeze

It’s summer time. What better way to enjoy it but under the trees with the fragrant breeze and chirping of the birds lulling you to sleep. Do it in style in these colorful duyans/hammocks.
duyan.jpg

check out:http://www.freewebs.com/beachhammocks

Published inGeneral

64 Comments

  1. joeseg joeseg

    Imagine yourself being that fellow lying in the hammock, feeling the fragrant breeze and hearing the chirping of the birds.

    Listen to the silence in between the sounds. And you will greatly improve your understanding of all that you hear.
    Experience the stillness in between your thoughts. And your thoughts will have greater power, greater meaning, greater purpose.

    Give just as much care and attention to the relaxation between the efforts as you do to the actual efforts. And those efforts will become immensely more effective.

    When life gets too far out of balance, it cannot continue on that same path for very long. When the noise, the frenzy and the striving seem overwhelming, direct your focus to the silence, the stillness, the time for relaxation.

    Give your awareness not only to the things that demand it. Give your awareness also to the quiet, peaceful stillness from which those things arise.

    In between the sounds, in between the thoughts, in between the efforts, the sights, the complexities and the activities, there is much treasure to be found. In between the demands of the outer world, is the inner substance to keep you going.

  2. “I used to try and take things in leaps and bounds. Now I’ve realized it’s got to be step by step.” -Tommy Bolin

    In-between the grinds and hustle-bustle of this world…
    it is best not to forget to smell the roses along the way.
    Same is true with that POWER-NAP under the rustling leaves of the trees with the breezy wind passing through….

    Nice Hammocks! I sure would like one, or two…even three!
    Cheers!

  3. Mrivera Mrivera

    joeseg,

    welkam bak! kumusta na ga? ala’y mis ka na namin, ey!

    hapim ister!

  4. Mrivera Mrivera

    joeseg,

    nabisita mo na ga ang bahay naten?

    ay buo pa rin naman at aking tinatauhan. meron nga la’ang naligaw na isang nagtitinda ng balabal. ala’y umalis din kaagad noong ako’y hindi bumile at ‘ika ko’y baka ikaw ay merong dala pag-uwe.

  5. Mrivera Mrivera

    niaantok ako’t parang hinehele habang iniimadyin kong ako’y nagduduyan sa ilalim ng malabay na punong mangga habang merong nakatali sa paang pambugaw ng manok na mahilig tumuka at magkaykay ng binibilad kong palay.

  6. vic vic

    While enjoying the summer breeze, breathing the the fragrance of roses and the birds up high chirping their lullabies, make sure you are away from their “bomb” range.

    Because sometimes with an open mouth snoring deep in peace, the Birdies up in the tress may decide you are a good target for their droppings. Happened to me while even walking under the trees on the Summer Time.

    Happy Easter Ellen and all you beautiful people and peace to all….

  7. cocoy cocoy

    Pareng Mrivera;
    Hoy! Gising! Marami ng manok sa binilad mong palay,halos maubos na nila ang kalahating kaban,sige ka! Kakaunti na lang ang maipakiskis mo sa may bayuhan,tapos kukupitin mo pa ang isang salop at ipagbili kay Teban pambili mo ng maruya at babolgam.
    Ang ganda pala ng duyan mo na nakasabit sa puno ng mangga na yari sa rattan,masarap siguro pag magroon pang nag-uugay-ugay.
    Hapi ister–dahan dahan lang sa litson pare ko.

    Pareng Joe;
    nays to si you again and hapi ister…kuwento ka muna.

  8. BLACK KNIGHT BLACK KNIGHT

    Ellen,

    Happy Easter and Happy Summer Vacation! Many of the men of General Danny Lim from the Scout Rangers died because of their duyan/hammock. Due to the duyans, naging tamad mga SR para gumawa ng foxholes. Hindi mo rin sila masisi dahil walang maibigay ang AFP na matibay na folded shovel. Kung mayroon man na issue na shovel, ay tamad din yong sundalo na magdala dahil mabigat. Mas magaan ang duyan!

  9. joeseg joeseg

    Ate Ellen, Mrivera, Pareng Cocoy and the rest, HAPPY EASTER!

    Just dropped by for a brief respite from the campaign but will be going away early in the morning to spend the Easter in a nice secluded place somewhere in Laguna.

  10. joeseg joeseg

    Ate Ellen

    As to the campaign, it’s headlined in the Inquirer which says the voters are going GO, meaning their minds are set to give this admnistration a smack on the face. The local candidates who are mostly running either under Kampi or Lakas with a handful of oppositionists are poised to dump the itim unity come election time. It will be an upheaval for gma, just like the results of the US midterm elections. Where we are doing the rounds, Trillanes is within the magic 12. In the nearby Camarines Sur, pricked by the intrusion of a non-resident whose only qualification is being a son of a Malacanang resident kuno, the Bicolanos are joining hands to support Sabas Mabulo.

    Pareng Cocoy, yan lang muna ang kwento ko.

  11. artsee artsee

    Si Mang Joeseg ang mas nakakaalam kung ano ang nangyayari sa GO at kanilang kampanya. Nandoon siya kung saan may aksiyon. Ako dito umaasa lang sa mga balita mula sa mga sarili kong reporters at espiya. Budget ko sa sarili kong information umaabot ng $50,000 isang buwan para lang ma-monitor ang pulitika. Hindi man aminin ni Mang Joeseg, may mga problema ang GO. Kanya-kanya sila ngayon dala nga sa kulang sa pondo at hidwaan ng ilang kandidato lalo na sa pamumuno ni Serge Osmena. Pero sa wakas, nasa tao pa din ang simpatya at kung walang dayaan o mabawasan man lang ang dayaan, mas maraming taga-oposisyon ang mananalo. May basbas na din mula sa INK nang magkita sila ni Manny Villar.
    Mas marami daw sa GO ang gusto ng INK. Ang masaklap lang baka pati si Kiko Pangilinan makuha ang boto ng INK dahil sa asawang si Sharon na kabarkada ng anak na babae ni Manalo na si Beth yata. At saka INK kasi ay I Need Kiko.

  12. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Gusto ko na tuloy matulog sa duyan habang ninanamnam ko ang mga “whispered thoughts” mo about the the summer breeze Joeseg! Kaya lang 6pm pa lang dito sa amin sa Germany! Salamat sa pagsilip mo Joeseg! Na-missed ko talaga ang mga stories mo. I pray that the GO team will really win!
    Much as I would like to order 2 of these hammocks, I’m afraid my hubby will share it with me. Why? He’s very tall and very heavy, I can just imagine these hammocks won’t serve its purpose! Besides, the apple trees around us are too young to withstand our weight. For the meantime, I’ll just content myself with dreaming …Springtime has just begun here!
    Frohe Ostern, Ellen and the rest of the bloggers!

  13. jojovelas2005 jojovelas2005

    mas maganda ang mga beach sa atin compare sa america. So far, isa palang napuntahan ko dito Sta. Cruz, CA boardwalk beach..mas maraming beach sa pinas kaso mas maraming “bitch” na pulitiko sa atin.

  14. hindinapinoy hindinapinoy

    “mas maganda ang mga beach sa atin compare sa america.”

    hindi ka pa siguro nakakapunta sa hawaii.
    libre pa at walang bayad.

  15. cocoy cocoy

    Pareng Joe;
    Thank you sa kuwento mo,alam ko na intro lang iyan at aabangan ko ang nag-iinit na kabanata.
    Pareng Mrivera:
    Nasarapan ang tulog mo,gising ka na ba?Natutuwa ako at sumilip si Pareng Joe natin,aalis na naman daw ang karaho at matatagalan ang balik.Baka hindi pa sila nagkakilala ni Pareng Ka Enchong natin.Bahala ka ng mag-introduce.

  16. cocoy cocoy

    Jojovela;
    Tama si Hindinapinoy na magaganda ang mga beach sa Hawaii,kaya lang marami ang hawaiiano doon.Maraming hawaiiana na nag-huhula at maraming pinya.

  17. artsee artsee

    Nasaan na kaya si Hawaiianguy na kasama dito noon? Hindi na yata sumusulat. Kanino kaya siya nahawa? Sabi ko na ngang nakakaHawaiyan eh.

  18. hindinapinoy hindinapinoy

    artsee,
    tama ka. talagang nakakahawa ang mga tao sa hawaii. may malasakit sila sa beaches nila. hindi sila nag-iiwan ng mga basura at pinag-kanan. napapagaya ka tuloy. ayaw mong ikaw ang makasira sa kalikasan.

  19. artsee artsee

    Bilib ka pala sa Hawaii kaya dapat itawag sa iyo hawaiinapinoy. Ayaw ko talaga makasira ng kalikasan. Advocate ako ng Green revolution. Idol ko si Gore. Ang Amerika sigaw ng sigaw ng environment o pagkampanya sa kalikasan pero iniwan nila ang toxic sa kanilang base. Marami ang namatay at malubha ang kalusugan na mga Pinoy sa tinatawag na toxic waste na hanggang ngayon wala pang “apology” o compensation man lang. Pero ang pina-toxic ito pa rin tiyanak sa Malacanang.

  20. hindinapinoy hindinapinoy

    tama ka na naman artsee. at alam mo ba na halos sabay ‘sinakop’ ng amerika ang pilipinas at hawaii? binili ng amerika sa espanya ang pilipinas noong december 1898 sa halagang $20 milyon. sa hawaii naman nag umpisa ang pag overthrow noong ikinulong nila (house arrest) ang reyna ng hawaii na siyang namumuno noon, ng taong 1893. taong 1898 din inaprobahan ng u.s. congress ang annexation ng hawaii.

  21. artsee artsee

    Bihasa ka pala sa kasaysayan. Kung buhay na ako noon, kaya kong bihin ang Pilipinas sa halagang $20 milyon.

  22. jojovelas2005 jojovelas2005

    Hindinapinoy:
    bale darating din ang panahon makakapunta din ako sa Hawaii konting tiis na lang at lalabas na ang GC ko.

    Speaking of Gore napanood ko siya kagabi sa C-SPAN2 (US senate TV)…sana mayroon din sa pinas kung saan nakikita ang pinaggagawa ng mga senators at congressmen. Dito Kasi may US Government Channel C-SPAN (house) and CSPAN2 (senate).
    Makikita mo talaga kung marunong sa batas ang isang senator or kung talagang may alam.

    Ang channel 4 ba nagpapalabas ng ganito?

  23. hindinapinoy hindinapinoy

    jojo,
    good for you. ingat lang, baka bansagan ka na amerikanong hilaw.

  24. hindinapinoy hindinapinoy

    jojo,
    nakalimutan ko. kahit wala ka pang GC, pwede ka nang pumasyal sa hawaii dahil amerika rin ang hawaii di ba?

  25. jojovelas2005 jojovelas2005

    Ellen :
    Yes GC is Green Card. Currently, I’m H1-B (work permit) visa holder. Siguro instead of Hawaii sa pinas na lang ako magbabakasyon kaso lang nasabi ko na sa sarili ko hindi ako uuwi hanggang si Gloria ang Presidente siguro nabigla lang ako (last 2001) and then I accidentally met FPJ sa Sunvalley mall and I think he visited his family 2-3 months before election…at bilib din ako sa taong iyon nakapila lang siya sa Mongolian fast food at mula noon sabi ko may pag-asa pa dahil at that time tawag na namin sa kanya Mr.President…he joined us for picture taking at talaga palang ganoon mahilig niyang banggitin ang “erap”.

    Ang liit talaga ng mundo kung sa pinas di ko man lang sa nakita in person tapos dito pa sa America… kaya malaki talaga ang galit ko ng natalo siya sa election.

    pasensiya na po just sharing.

  26. cocoy cocoy

    Jojovela;
    Tama si HNP,pwede kang pumunta ng hawaii ID lang kung anong states ka o kaya’y driver license ang kailangan.Iyang H1-B mo ay puede ka ng mag-adjustment of status,depende rin kung ilang taon ka na sa merika.Sunvalley mall,alam ko kung nasaan ka,my friend.Tiis ka lang ng kaunti may pagbabago din sa bansa natin at huwag tayong mawalan ng pag-asa.
    HNP-Puede rin ang Hawaiian Na Pinoy.Galing ako d’yan kaibigan.

  27. Jojovelas:

    Taga Bay Area ka ba? Baka kasi pumunta ako sa SFO this month at may aasikasuhin kasi ako kaya lang busy kasi ako sa campaign namin sa Japan. Said ang bulsa alang-alang sa Pilipinas sa totoo lang. Wala naman akong inaalalang pamilya doon kasi stable na lahat ang mga kapatid pati na nanay ko sa SFO. Iyong lupa namin sa Pilipinas, pinapaasikaso na lang sa mga kamag-anak. Hindi naman kasi interesadong magtanim ng tabako! 😛 Pero sabi nga, para sa ikababango ng pangalan ng bansa, arya, tira lang ng tira! Kahit kasi sabihin kong wala akong pakialam, hindi mo maipagmalaki ang Pilipinas ngayon gawa ng kababuyang pinapairal ng mga Pidal. Tama ka, iyan din ang dahilan kung bakit wala akong ganang pumunta ng Pilipinas. Naririmarim ako sa mga Pidals at iyong mga galamay nila! Pwe!

  28. nelbar nelbar

    totoong nakakahawa ang hawaii!

    Ang liwanag sa history na may kasaysayan ang Isla ng Hawaii kaysa sa US na mga Cowboy lang naman ang mga pinagmulang kostumbre.

    Kaya tingnan mo ang mga Pinoy, nahawa na rin na gustong maging State ng Amerika.
    Sa Hawaii ba nagsimula ang Wrestling na ngayon na nasa Amerika ?

    Ipagkumpara mo ang annexation ng Baltic States ng Soviet Union at ang pagiging “isteytsayd” ng Isla ng Hawaii.
    Hindi ba’t gusto rin ng mga Pinoy ang maging isteytsayd?

    At isapa, itong GREEN CARD. Noong 70’s to 90’s, ang sukatan ng pagiging ganap na tao ng isang Pilipino ay ang pagiging PhD holder nito.
    Pero ngayon ay iba na! Sinusukat na ngayon ang tao kung GREEN CARD Holder ka!

    Nakakahawa talaga diba?
     
    Malapit ba ang distansya ng Hawaii sa Isla ng Pinas kung ikukumpara ito sa EASTER ISLAND?
    Easter Island ang ipinakita sa pelikulang RAPA NUI

  29. Mrivera Mrivera

    pareng cocoy,

    kanina pa ako gising. nilitson ko na ‘yung tandang ng kapitbahay na laging maraming hila sa pagkaykay at pagtuka ng aking binibilad na palay. hindi pala umubra ‘yung pambugaw kaya hinuli ko na at nilitson. ipapupulutan ko mamaya sa may ari pero pababayaran ko ‘yung tinukang palay.

    trabaho muna, s’yempre dahil first working day of the week dito sa kinalalagyan ko. nawelkam ko na rin kahapon pa si geseoj.

  30. jojovelas2005 jojovelas2005

    ystakei:

    Contra Costa county ako. Di ko puwede sabihin kung saan lugar dahil baka mabasa ni Mike Defensor at tuluyan na akong hindi makauwi ( he he he) kung si Mawanay nga natuntun nila.

    Ngayon ko nga lang naisip na puwede palang pumunta sa Hawaii dahil yun kaibigan ko na H1-B doon sila nag honeymoon.

    Ewan ko ba kung bakit ang pinas hirap kumuha ng tourist visa or green card sa America samantalang allied naman tayo ng US… samantala ang ibang european countries madali silang makapunta sa America.

    Cocoy:
    Konting tiis na lang ako..I have been here seven years at sa totoo lang naloko na din ako ng kapwa pilipino dito. Upang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko halos $20,000 na ang nagastos ko sa mga papeles ko. Kung minsan nais mo pa din sa atin bansa pero grabe na ang peace and order sa atin at corruption. Kung kaya ng pinoy masunod ang
    “FOUR WAY STOP” sigurado may pag-asa ang pinas…dahil dito makikita yun disiplina kung mayroon ang mga tao. Kasi diyan talagang unahan sa kalsada.

  31. artsee artsee

    hindinapinoy Says:

    April 7th, 2007 at 9:11 am

    jojo,
    good for you. ingat lang, baka bansagan ka na amerikanong hilaw.

    Sagot: Parang nabasa ko na ang salitang “Amerikanong hilaw” dito kailan lang. Easy ka lang at ayaw ni Cokecoy ang ganyang salita. Nagalit siya sa sinabi ng isang ate dito.

    Mang Jojo, ilang taon ka nang may H-1B visa sa Tate. Paano kung mag-expire na? Sinabi mong hinihintay mo ang GC mo ibig sabihin nag-file ka na ng adjustment of status. Balita ko matagal ngayon ang proseso. Depende din daw sa profession o occupation. Kung nurse ka o sa medical field, mas mabilis daw. Habang pending pa ang GC mo, payo ko huwag ka munang umalis sa Amerika. Diyan ka lang muna. Komo ang Hawaii ay bahagi ng Amerika, walang problema kung doon ka pumasyal tutal domestic travel iyan. Delikado kung umalis ka at umuwi sa RP habang pending ang GC. Marami na akong narinig na nagkaproblema.

  32. Jadenlou Jadenlou

    Tama ang mga sinabi mo Artsee. Mula noong mangyari ang 9-11 nagkahigpitan na sa amerika. Lalo na ngayon matindi ang Homeland Security. Ni-re-raid ang mga companyang nag-eemploy ng mga illegals. Minsan din kasi itong mga illegals tumataggap ng trabaho na mas mababa pa sa minimum wage. Siyempre apektado ang mga citizens or green card holders dahil mahihirapan silang ma-employ. Yung jobs na para sana sa kanila ay napupunta sa mga walang papel dahil ang mga ibang employers gustong makatipid din. Minsan yung mga humihingi ng salary increase hindi sila masyadong pinapasin ng mga employers kasi they can just fire you and hire those workers who are willing to work with low pay. Nangyari na ito sa company na pinagtratrabahuhan ko. In one day, the company fired 8 people. Four of them are Filipinos. They’ve been in the company for 10 to 15 years. Tapos ang mga ipinalit ay mga rookies.

  33. alegadown alegadown

    ala eh nakakainggit naman ereng si pareng Mrivera, akalain mong palitson litson ka na laang di-yan ng tandang…. aba’y pare ala eh pwede bang pa DHL mo na laang ang gay-on dine sa isang kumpare mong nagugutom. aba’y nag-umpisa na yatang magbarikan at mabilis na ang tagay ala eh may masarap na pulutan anf mga ere…..

  34. Neadline Breaking News Inquirer. net “Pichay breaks Holy Week ‘no campaign’ rule” Seems he’s not so confident that he can rest from campaigning Hahahaha!

  35. artsee artsee

    Jadenlou, hindi ko alam kung tatawagin kitang Ate o Kuya. Sang-ayon ako sa sinabi mo na isang malaking problema ang illegal aliens sa Amerika. Marami sa atin mga kababayan ang nasa ganyang katayuan. Pero ano ang magagawa nila? Ang mas nagbibigay ng problema ay iyon tumatawid lang ng border tulad ng mga Mexicano. Kailan lang ay nabalitaan kong may isang lasing na illegal na Mexicano ang nakasagasa at nakapatay ng dalawang bata sa California. Marami din sa mga Mexicanong ito ang kasama sa mga gang at nagdrodroga. Hindi ko din masisis ang bansang Amerika kung dumadaing sila. Pati ibang immigrants tulad ng mga Pinoy ay nadadamay sa ginagawa ng mga Mexicanong iyan. Sila tatawid lang ng border. Walang pinag-aralan. Hindi marunong mag-Ingles. Walang dalang pera. Paano makakatulong sa Amerika ang mga iyan. Pagdating ay anak ng anak. Gamit nila ang pondo ng bansa. Samantalang ang mga Pinoy ay nagpupuhunan pa. Kahit mahirap ay binebenta ang mga ari-arian o umuutang para makarating ng Amerika. Marunong mag-Ingles. Marami ang professional. Kung ang mga Pinoy man ay naging illegal, dala lang ng pangangailangan. Kung may maibibigay ba ang atin gobyerno sa kanila kahit anong tulong, bakit pa nila gagawin ito? Hindi madali ang mawalay sa pamilya. Iiwan mo ang asawa at mga anak para kumita lang ng ilang dolyar. Pero ang batas ay batas. Hindi din natin masisi ang Amerika. Sa isang banda, may magandang dahilan din ang mga Mexicano. Alam mo ba na ang buong California, Arizona, Texas ay dati pag-aari ng Mexico. Inagaw lang ng Amerika sa kanila. Bumabalik lang sila sa dati nilang teritorio di ba?

  36. Emilio_OFW Emilio_OFW

    Rejoice! Happy Easter – Ms. Ellen and all!

  37. Jadenlou Jadenlou

    Tumpak ang mga sinabi mo na naman Artsee. Noong unang panahon pag-aari nila ang California pero nanalo si Uncle Sam sa digmaan. Huwag mo ring sabihin wala silang naitutulong sa Amerika dahil ang mga Mexicano grabe kung makagasto. Pumunta ka sa mga shopping malls during the weekend, grabe talaga pati mga anak nila akay-akay sa pamimili.

    Compared to Filipinos talagang karamihan sa kanila ay hindi marunong mag-english. Pero bilib ka rin sa tapang nilang tumanggap ng trabaho. If Filipinos are into the nursing, doctor and engineer’s field, the mexican are into the construction business and most of them are successful.

  38. artsee artsee

    Maselang ang bagay tungkol sa immigration. Bawa’t panig ay may katuwiran. Pero may batas na dapat sundin di ba? Kung lumabag sa batas, dapat lang parusahan. Balita ko mas hindi mahigpit sa Canada. Mas maluwag sila. Kung nandito si Mang Vic, baka puwede niya tayong kuwentuhan. Sa panahon ngayon, apat na bansa ang pinagpipilian ng karamihan gustong mag-migrate: Amerika, Canada, UK at Australia. Lagi akong tinatanong kung saan ang mas okay. Ang sagot ko naman China. Tapos, lalayo na sila sa akin. Ano naman ang mali sa sagot ko?

  39. Ms Tordesillas:

    Isa pong maligayang Pasko ng Pagkabuhay na Mag-uli sa inyo at sa lahat ng sumusubaybay sa inyong pitak!

    Makikisuyo na rin po ako kung maaaring ipaabot ninyo ang pagbating ito sa isa sa mga kasamahan ninyong kolumnista sa Malaya – kay Bernard Karganilla, isang dati kong kaeskwela. Umapaw nawa sana ang EASTER JOY para sa kanya (matatandaan pa siguro niya ang “biruan” naming ito). Paumanhin po, wala kasing link ang online column niya e.

    Marami pong salamat!

    Enchong

  40. Pareng Cocoy, Ka Magno:

    Ako’y tunay na nahihili diyan sa nakahigang iyan sa duyan. Ere at ako’y naggisa na la’ang ng balatong at nag-ihaw ng tuyong salinyasi, maamoy la’ang at mapakilasahan ang Pilipinas. Nagpasulak na rin ako ng kapeng galing sa Cavite… Kita na rini sa aking kubo!

    Maligayang Pasko ng Pagkabuhay sa inyong lahat!

    Enchong

  41. cocoy cocoy

    Pareng Ka Enchong:
    Happy Easter! Ingat lang sa kinalalagyan mo ngayon and my best wishes to your family.

  42. Jojo:

    Malapit kami sa inyo. Sa Alameda County kami. You bet, wala kaming kasing higpit na restriction na mga Japanese passport holders compared sa mga Pilipino. Ni hindi nga tinitignan ang passport kung pupunta ng ibang States lalo na kung meron ka namang SS No. at Driving License o National ID na nakukuha sa DMV. Maski nga pag pumupunta ako sa property ko sa Mexico, hindi naman mahigpit kapag nakita na hindi pa naman ako umaalis ng American continent na kasama ang Mexico. Parang katulad sa Europe, pagpasok mong isang bansa, OK na sa ibang lugar ang pagpasok. Kung sabagay, wala kasing reputation ang mga Japanese na nag-o-overstay dahil takot makulong. Ang mga pilipino kasi tinuturuan pang subukan kung makakalusot.

    Ganyan ang attitude in fact ng marami sa Philippine Embassy dito na nagpapayo sa mga pilipino na subukan nila kung makakalusot silang magtrabaho ng walang bala! Saan ka nakakita ng ganyan? Sa Japanese Consulate sa SFO, kapag may lumapit na ganyan doon, pinapauwi at hindi ini-entertain dahil ayaw ng mga tao doon na masabit sa mga anomalya at sa INS.

    Tama ka, bakit ba kailangang maghigpit ang US Immigration sa mga pilipino? Sa isang banda, baka naman kasi maubos ang mga pilipino sa Pilipinas at magdagsaan na lang sa Amerika. Siguro iyan din ang dahilan kaya walang nakaalam noong special choice and privilege na ibinigay sa mga naglingkod sa USAFFEE noong WWII. Nakasuwerte nga ang tatay ko at mga kapatid niya at nalaman nila iyon ng maaga. Maramot din kasi ang iba at gusto sila lang ang gaganda ang buhay!

    Been to Hawaii three times. Malamig-lamig kesa sa Pilipinas. Iyong Polynesian Center doon run by our church as a matter of fact.

  43. Mrivera Mrivera

    ka enchong,

    iyan baga’y panghihili o pandurog lalo ng damdaming namimiyapis sa kalungkutan at pagkatakam bunga ng wala dine niyan sa aking kinalalagyan? iyang balatong, sa iyo na la’ang dahil mataas ang aking uric acid, hindi ako puwede diyan, pero ‘yang inihaw na salinyasing nag-aapoy ang baga kapag tumnatagas na ang taba, nakupong mahabagin, tumabi ka bi’anan at huwag haharang at baka matabig sa paglalaway.

    he he he heeeeh!

    maligayang pasko ng pagkabuhay.

    kumusta na rin sa iyong mga minamahal.

  44. Ms Tordesillas:

    Maraming salamat po.

    Pareng Cocoy, Ka Magno:

    Naalala ko tuloy ang isdang tawilis. May dalawampung taon na yatang hindi ko natikman ang isdang ‘yan.

    Hale at palalampasin la’ang natin ang pangingilin. Tuloy ang talak mamayang makahapunan.

  45. Mrivera Mrivera

    ka enchong,

    maawa ka naman. kung ikaw ay may dalawampung taon lamang na hindi natitikman ang tawilis, ako’y mahigit ng tatlumpung taon nang hindi man lamang nakikita ang anino ng tawilis na ‘yan.

    ewan natin kung meron pang natitira sa lawa ng taal.

    haaaay, buhay. parang life. nakakalungkot sa kalungkutan.

  46. cocoy cocoy

    Pareng Enchong & Pareng Mrivera;
    Hayaan ninyo pag magkit-kita tayong lahat sa Pinas iyang isdang tawilis na iyan ay bibili tayo ng isang banyera at pamulutan natin,Si Pareng Joe alam niya kung saan tayo makakabili niyan.Kaya pantasya na lang muna siguro tayo dito.
    Iba iyong manok na nalitson ko dito,Foster Farms at hindi native na Tandang.Mas masarap yong nilitson mo Pareng Mrivera.

  47. Mrivera Mrivera

    pareng cocoy,

    nadenggoy ako ‘nung kapitbahay ko. sabi pagkatapos ng inuman ay saka niya babayaran ang mga tinukang palay ng kanyang tandang na aking nilitson.

    ako pa ang sininsingil ngayon dahil mas mahal daw ang halaga ng kanyang tandang na aking nilitson kesa palay na tinuka nito.

    huwaaaah! ‘wawa naman si ako!

  48. artsee artsee

    Pinoproblema niyo pa ang bayad at pera. Ako na ang bahala diyan! Parang wala naman tayong pinagsamahan…

Leave a Reply