Skip to content

Supalpal

Supalpal ang military ni Gloria Arroyo sa pagpalaya ng Supreme Court kay Bayan Muna partylist Representative Satur Ocampo noong Martes.

Nagre-reklamo tuloy si Justice Secretary Raul Gonzalez na may special treatment raw si Satur.

Hindi kaya isipin ni Gonzales na ang ginawa ng Supreme Court ay pagwawasto lang ng malaking kasalanan na ginawa nila kay Ocampo at iyon ay ang pagtapak ng walang pakundangan ng kanyang karapatang pantao.

Binanggit ni Gonzalez na marami raw libingan ang nahukay ang maraming buto ang nakuha ngunit hindi raw pinahalagaan ng Korte Suprema. “Kaya, wala palang pakinabang kung may makita pang ibang mga libangan. Kailangan pala imbitahin ang ang Korte Suprema para makita nila na buo ang mga katawan doon.”

Hindi talaga “gets” ni Gonzalez na walang naniniwala sa mga pinaggagawa ni AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon na naghuhukay ng mga libingan kung saan-saan at sabihin na mga pinapatay raw yun ni Ocampo. Hindi talaga “gets” ng mga kampon ni Arroyo na wala silang kredibilidad.

At paano naman sila magkakaroon ng kredibilidad ay puro naman sila kasinungalingan sa gawa at sa salita. Akala siguro nina Arroyo at Esperon nakalimutan na ng mga tao ang Hello Garci tapes.

Ang isinampa na kaso ng military kay Satur ay multiple murders kasi ang balak nila ay bulukin siya sa kulungan , katulad ng ginagawa nila kay Rep. Crispin Beltran, ng Anak Pawis partylist, para hindi makapag-kampanya. Kapag multiple murders, hindi dapat makapag-piyansa ang akusado.

Ngunit pinayagan ng Suprene Court si Satur mag-piyansa at sabi ng isang eksperto sa batas, nakita ng mga justices na may depekto ang kaso ng pamahalaan. Hindi nila binigyan ng halaga ang katawa-tawang argumento ni Solicitor General Agnes Devanadera na tatakas raw si Satur sa Pilipinas.

Sa ngayon, ang Supreme Court na lang ang huling pag-asa ng mga na-aaping mamamayan para makamtan ang hustisya. Sira na ang Comelec, ang military, ang kongreso.

Kaya ang mga opisyal ng military na nakakulong ngayon ay pumunta sa Supreme Court noong Lunes at hiniling na ipatigil ang kangaroo court martial ni Esperon. Sabi nila hindi sila umaasa ng hustisya sa court marial panel dahil si Eserong ang nagbu-o, siyan ang nag-akusa, siya rin ang witness, at siya rin ang magre-repaso ng desisyon na ginawa ng panel.

Hiniling rin nila na palayain sila dahil ilegal ang kanilang pagka-kulong. Nakalagay kasi sa rekomendasyon ng gumawa ng pre-trial investigation report na dismiss ang kaso ng mutiny at conduct unbecoming of an officer ang gentleman ang maaring mai-kaso sa kanila sa plano raw ng withdrawal of support sa bugos na presidente.

Sabi nila kapag minor lang ang offense, hindi dapat nakakulong ang akusado.

Kasama namin sila sa pagdasal na sana dinggin ng mga Supreme Court justices ang kanilang hiling.

Published inWeb Links

62 Comments

  1. paquito paquito

    Wala namang sinabi na kapaki-pakinabang yang si Gonzales e, sasabihin pa nya na may special treatment kay Ka Satur? Gonzales matagal ka nang kilala ng bayan maging ang pinagtututaan mong si Gloria–matanda ka na gumawa ka naman ng kapaki-pakinabang kundi man sa bayan ay sa pamilya mo nakakahiya ka! Baka naman kasama ni Esperon si Gonzales sa paghuhukay ng mga bungo, mag-ingat dapat si Gonzales baka mahukay ni Esperon ang bungo nya at mag-ingat din dapat si Esperon baka naman bungo nya ang mahukay ni Gonzales. Walang nang naniniwala sa inyo———at hinding-hindi namin malilimutan ang dayaan sa halalan, hindi namin malilimutan ang hello garci tapes ni Gloria, hindi namin malilimutan ang “Noted”, hindi namin malilimutan ang pagnanakaw ng pamunuan ni Gloria, hindi rin namin malilimutan ang Jose Pidal at hindi namin malilimutan ang sangkatutak na pinaggagawa ni Jose Pidal kay Sen. Lacson at ngayon ay kay Cong. Allan Cayetano, hinding-hindi namin malilimutan ang mga nangyayaring patayan mapa ordinaryong tao/media personalities or mga kapariaan man sa ilalim ng fake president, hindi rin namin malilimutan lahat ng pinaggagawa ng pamilya Arroyo sa bayan.
    Tunay na silay salot sa lipunan.
    Palayain lahat ng sundalong ipinakulong mo Gloria at ang dapat ikulong ay si Esperon,kasma si Gloria — palayain si Ka Bel.

  2. Emilio_OFW Emilio_OFW

    Lord, nasa inyo po ang pag-asa ng buong sambayanang Pilipino. Sa panahon po ngayon ng pagtitika at pag-aayuno ng mga Supreme Court Justices sa summer rest houses nila sa Baguio ay ipadama mo sa kanilang lahat ang iyong kapangyarihan na makapag-isip sila ng wasto at nararapat sa mga inaapi at nilalabag na mga karapatang-pantao ng kasalukuyang administrasyon.

    Amen

  3. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Emilio,

    Habang ipinagdarasal mo ang Supreme Court na nagtitika at nag-aayuno sa Baguio, ipagdasal mo na rin ang PNP na nagtitika at nag-aayuno ngayon sa kanilang rest house sa Boracay. Pati na rin sila Arroyo na nasa Mansion House sa Baguio. Ang mga kongresman rin na nagpapahinga sa pangangampanya ngayon at nagpapalamig sa Hong Kong, Macau, at Tokyo Disneyland.

    Sana, mamulat sila sa tunay na kahulugan ng Mahal na Araw, yung pagpapakasakit, sakripisyo, pagpapakumbaba, pagsisisi, at pagbabago ng sarili. Mapailalim sana sila sa Banal na Espirito Santo habang nagpepenitensiya sa init ng white sand, nagpapasyon sa ginaw ng Baguio, Hong Kong at Tokyo, at nagbibisita iglesia sa mga casino.

  4. Ellen: Ngunit pinayagan ng Suprene Court si Satur mag-piyansa at sabi ng isang eksperto sa batas, nakita ng mga justices na may depekto ang kaso ng pamahalaan. Hindi nila binigyan ng halaga ang katawa-tawang argumento ni Solicitor General Agnes Devanadera na tatakas raw si Satur sa Pilipinas.

    *****
    Hindi ba nababatid ng mga ungas na kasiraan sa kagawaran ng hustisya sa Pilipinas ang ginagawa nila lalo na dito sa kaso ni Satur Ocampo dahil lamang sa alam ni Burot Gloria na maraming puedeng ibato sa kaniya si Ocampo.

    Gosh, ang linaw-linaw naman na hindi siya puedeng magplano ng pagpatay sa mga kung sinong sinasabi niyang pinatay niya gawa nang nasa loob siya ng kulungan at under maximum security! Kapag ipagpipilitan ng bobong gungGonzales na siya ang may pakana ng mga pagpatay habang nakakulong siya ay parang ibinulgar na ni gungGonzales na may deperensiya ang kagawaran na pinanununoohan niya. Kundi iyang katarantaduhan, ano iyan?

    In short, parang binisto niyang inefficient at incompetent ang mga nagpapalakad ng Department of Justice. Aba e, puede ba, pababain na ang ‘ayup na ito at ibinibisto pang walang hustisya sa Pilipinas? Buti na lang may natitira pang matitinong hukom sa Korte Suprema na sumasaliwat sa mga katarantaduhan nitong si gungGonzales at Assperon na ubod ng kakapal ng mga mukha gaya ng amo nilang si Burot Gloria at asawa niyang si Pidal, et al.

    Tanong lang, hanggang kailang matitiis ng mga pilipino ito?

  5. Natatandaan ko pa nang matalo ang tatay ni Burot Gloria. Ang sigaw ng mga taumbayan noon ay “Alis ‘Dyan!” Sawang-sawa na ang mga tao sa tatay niya kasi talaga namang bumigat ang pamumuhay ng mga tao noon. Nagkanda-utang-utang ang Pilipinas gayong ang laki ng nakuhang bayad sa Amerika at Japan na reparations. Nagkaniya-kaniya na kasi ang mga swapang na nakaupo noon. Kaya nga nakabili ng bahay sa Forbes Park si Dadong noon! Biglang yaman ang poor boy ng Lubao!

    Kaya nga napilitan na ang mga magulang ko na lisanin na lang namin ang Pilipinas kesa makunsumi kami.

    Nanalo si Marcos noon at dalawang beses pa dahil noong una ay maganda naman ang palakad niya. Nagulo nga lang dahil sa pamimintas ni Ninoy at panggugulo ng mga bata ni Joma Sison. Ang masama ay dapat nang matapos ang takda ng pag-upo ni Marcos ay hindi na siya nagdeklara pa ng Martial Law at lalo lamang nasira ang pangalan niya kahit na sa totoo lang ngayon marami akong nakakausap na mga dating galit kay Marcos na nagsasabing mas masahol pa sa kaniya itong bobang umupo. At least daw may vision si Marcos para sa mga kababayan niya. Itong si Boba ang alam lang ay gawing mga pulubi at puta ang mga kababayan niya! Talaga naman!

    PATALSIKIN NA, NOW NA! IBASURA ANG ADMINISTRASYON! IBOTO ANG OPOSISYON! GO 11+0!

  6. cocoy cocoy

    Malala na ang tama sa utak nitong Raul Gonzales na ito,Kung mayroon siyang reklamo sa desisyon ng Supreme Court ay dapat mag-file siya ng petition sa Ombudsman kay Merciditas at kasuhan niya ang mga judges sa Supreme Court.Gung-gong,talaga!
    Huwag na ninyong questionin ang sinulat ko.Noted! na iyan.

  7. Hindi kaya isipin ni Gonzales na ang ginawa ng Supreme Court ay pagwawasto lang ng malaking kasalanan na ginawa nila kay Ocampo at iyon ay ang pagtapak ng walang pakundangan ng kanyang karapatang pantao.

    .
    Si Satur ba talaga ang biktima dito?

    E pano naman ang limpak-limpak na pinatay ng mga NPA? Sino mananagot sa kasalanang ito?

    .
    – 😀

  8. “E pano naman ang limpak-limpak na pinatay ng mga NPA? Sino mananagot sa kasalanang ito?”

    E di sila.

  9. Following Yuko’s call in a previous threa: “BTW, mga kaibigan, kung taga 2nd district kayo sa Davao, pakiboto naman ninyo at ng mga kamag-anak ninyo si Narcisco Ner na anak ng isang dating hukom. Napilitan umuwi ang taong iyan para ipaglaban ang karapatan ng kaniyang mga kababayan. Pakisulong na lang.”

    I would like to make the same appeal and with Ellen’s permission, am re-posting here, Boy Ner’s e-mail:

    From: Narciso Ner
    Sent: Saturday, March 10, 2007 6:42 AM
    Subject: Candidacy

    Dear friends in the web,

    After going around and getting the pulse of the residents, I have decided to run for councilor in the 1st dist of Davao City with fighting corruption as one of my platforms.
    My cell phone nr is 0915-204-2207.

    Need your prayers.

    Thanks and God bless.

    Boy Ner

    MABUHAY SI BOY NER … VAYA CON DIOS….

  10. ocayvalle ocayvalle

    this killing fields being blamed to the NPA et al by the group of the evil cabinet of GMA,led by ebdane,the two gonzales,ermita and esperon which they claimed discovered by the people is the killing fields of the military not by the NPA,this is the place where the death squad of palparan burried the suspected left leaning supporter,sympathiser and criminal suspect.this place are in leyte,quezon,bulacan,nueva ecija,vizcaya,bicol,cebu,davao,cagayan and isabela.. soon they will again dramatized and charges opposition in local places that will win in this coming election that they discovered buried people and blamed it to the opposition so that they can be suspended..if we people will not unite and oust this evil regime and be on guard on their criminal activities for their continuance stay in power,they can arrest every filipino that will expose their wrong doing..everyday we filipinos without doing nothing,soon will realize that this criminal regimes of GMA and her evil people will be the butcher of filipinos that will oppose them..i hope that we all be united and support the immediate ousting of this evil regime of GMA be constitutional or unconstitutional..this people doesn`t have an iota of respect to the filipinos and the law of the land!!

  11. Ang sarap ng pakiramdam na hindi pala lahat sa Pilipinas eh…may tililing at umaawit ng parehong kanta: Ang walang kamatayang: “ARF! ARF!”

    Salamat at meron pa ring Supreme Court na siyang nag-aalaga ng KARAPATANG PANGTAO ng bawa’t Pinoy.
    …..Na hindi sila nagpadala sa mga litanya ng mga TUTA o pressures ng mga sinungaling ay isang magandang balita!

    Good News, indeed!
    Do I see the light creeping from the clouded sky?

    Sana lang, manatiling independiyente ang ating mga HUKOM, hindi lamang sa Korte Suprema, kundi pati na rin sa mga RTCs at sa mga iba pang lumilitis sa mga ‘krimen’, totoo man o manufactured …

    kahit na ang Justice CHEAT na si GunggungGonzALIS ay kilalang may utak-buho [kawayan] na kiyaw ng kiyaw, wala nmng katuturan….

    AT kahit na ang Commander-in-Cheat pa ang nag-utos, harinawang mag-isip ang mga nasa Korte natin KUNG TAMA at naayon sa kanilang mga konsiyensiya ang bawa’t utos.

    Gayundin naman sa lahat ng nasa militar. Maliwanagan sana ang mga nalalabuan ninyong isip.

    KUDOS to the SC ….you made me believe that Justice, after all…..can be served.

  12. One of these days, baka marinig na lang natin na itong si Assperon ay binibigyan na ng mga itak ang mga bayaran ni Tiyanak at isa-isa nang itakin ang mga boboto sa oposisyon. Ganyan ang alam kong nararamdaman ng mga maliliit lalo sa sa mga barrio tulad ng barrio ni Crispin Beltran na maaaring gawin sa kanila pagkatapos ay ibibintang sa mga NPA o grupo nina Satur Ocampo.

    Doon naman sa Baseco, ito ang ginagawang model community kuno ni Tiyanak at nagtayo pa ng clinic ng mga sundalo doon kuno para mag-check ng health condition kuno ng mga nakatira doon. Ang hindi alam ng maraming pilipino lalo na iyong mga nasa labas ng Baseco at labas ng bansa ay maaaring tinitignan lang ng mga ungas kung sinu-sino pa ang puedeng kunan ng kidney doon. Ang Baseco kasi ang community ng pinakamaraming naging donor para sa mga kidney na ibinibenta sa ibang bansa at nagiging malaking isyu ngayon gaya ng kaso ng mga bumili ng kidney sa Pilipinas na karamihan ay hindi rin tumagal ang buhay gawa ng incompatibility ng kidney sa tumanggap ng kidney.

    Ang masaklap ay mukhang hindi marami ang naaantig sa balitang ang susunod na industriyang binabalak ni Burot Gloria ay ang pagbebenta ng mga laman-laman ng mga pilipino, buhay at patay, sa ibang bansa katulad ng ginagawa doon sa pelikula ni Michael Douglas na “Coma.” Ang galing kasi ng publicity scheme ni Tiyanak na ipinalalabas na malaki ang naitutulong ng mga ginagawa niya sa ekonomiya ng bansa na sa totoo lang ay nagkakaroon lamang ng pera sa pamamagitan ng abuloy na galing sa ibang bansa lalo na kung may salanta. Pati ang mga pera doon, kinukurakot ni Tiyanak gaya noong perang dumating na siguro mula sa UN para sa paglilinis kuno ng langis na tumapon sa dagat sa kabisayaan kamakailan.

    Sa Leyte nga ang daming nanakaw na abuloy. Kunyari nagpagawa ng mga bahay, ang pera galing sa Japan, pero bakit kay Burot nagpapasalamat ang mga taga Leyte? Wala namang ginagawa si Burot kundi mangolekta, may kupit pa pihado!

    Puede ba, patalsikin na? IBASURA ANG ADMINISTRASYON! IBOTO ANG OPOSISYON! GO 11+0!

  13. alitaptap alitaptap

    ystakei Says:
    Pati ang mga pera doon, kinukurakot ni Tiyanak gaya noong perang dumating na siguro mula sa UN para sa paglilinis kuno ng langis na tumapon sa dagat sa kabisayaan kamakailan.
    ~~~~~~~~~~~
    That was $16 million from the UN Environment Fund for the Guimaras oil spill. Saan napunta ang pera? Sa Germany? Yong donation sa Leyte calamity, napunta rin sa Germany? Yong recovered Marcos money … bumalik ba sa Germany? Yong alleged disbursement ni Bolante na fertilizer money, pumunta sa Germany? Yong P30 bilyon for military equipment, napunta sa Germany? Yong P1 bilyon na habilin kay Secretary Duque, napunta sa Germany? Mataimtim ngayong nagdararsal si Gloria na sana magkaroon ng tsunami gaya sa Solomon islands upang magkaroon ng maraming donations na naman.

  14. Tilamsik Tilamsik

    E pano naman ang limpak-limpak na pinatay ng mga NPA? Sino mananagot sa kasalanang ito?

    *************

    Paano nga ba? Parang paano ang bulto-bultong pinatay ng Militar at kasalukuyang pinapatay pa?

  15. Mrivera Mrivera

    paalala: huwag nating kalilimutan ang ISANG BILYONG PISONG pondo na inilaan para daw masugpo ang kagutuman gayundin ang ISANG BILYONG PISONG pondo para sa rehabilitasyon sa Bicol kung saan kakandidato ang isang anak ng lagim bilang kinatawan ng isang distrito doon. BAKA mapunta lamang sa mga malalalim na bulsang butas at mapadeposito sa bangko ng LAHO. naubos ang pondo, nagastos sa dapat pagkagastusan, kumpleto ang mga katibayang resibo at imbentaryo subalit marami ang hindi nakinabang samantalang IILAN ang nasisiyahan at nag-aawitan nang LIHIM dahil sa KABUSUGAN.

  16. Mrivera Mrivera

    “Nagre-reklamo tuloy si Justice Secretary Raul Gonzalez na may special treatment raw si Satur.”

    gago! tanga! ulol! baliw!

    tangnang siraulo gungongzales yan! talaga naman, inaanay na nga yata ang tuktok sa bulok na katwiran at hindi matanggap na PALPAK ang pilit na kinakalkal na kasong ipinapataw kay satur ocampo.

    dapat sa amoy amag na kalihim ng (kawalang) hustisya ni gloria ay ihulog sa dram ng konkreto, patigasin at ihulog na lamang sa pusod ng karagatan dahil wala rin namang pakinabang.

  17. alegadown alegadown

    benign0:

    yun na nga ang mahirap imbes na sagotin ang tanong mo ikaw pa tuloy ang ang tinatanong… tsk tsk tsk… pagsila ang makapatay alright pero pagsila ang pumatay human right…

    oo nga naman, sabi nga ng mga npa na ang pinapatay lang daw nila ay yung mga traydor, hudas, salot at pasaway sa lipunan na tinatawag nilang animal o hayop…. kaya yun ang hatol na naaayon sa kanilang wallaby court (mas maliit kaysa kangaroo) oo nga naman papano ba sisigaw ng human right ang mga kaanak at naulila ng mga biktima nila eh sa gayong hindi naman kuno mga tao ang pinapatay ng mga sparrow unit nila kundi mga hayop? kaya hindi pala nararapat sumigaw ng karapatang pantao kundi karapatang panghayop…. ibig sabihin pala hindi taga human rights advocatea ang lalapitan kundi ang mga animal rights activist tulad ng animal welfare groups…. kawawa naman ang mga naulila….adding insult to injury….

  18. alegadown alegadown

    benign0:

    yun na nga ang mahirap imbes na sagotin ang tanong mo ikaw pa tuloy ang ang tinatanong… tsk tsk tsk… pagsila ang makapatay alright pero pagsila ang nalagasan human right…

    oo nga naman, sabi nga ng mga npa na ang pinapatay lang daw nila ay yung mga traydor, hudas, salot at pasaway sa lipunan na tinatawag nilang animal o hayop…. kaya yun ang hatol na naaayon sa kanilang wallaby court (mas maliit kaysa kangaroo) oo nga naman papano ba sisigaw ng human right ang mga kaanak at naulila ng mga biktima nila eh sa gayong hindi naman kuno mga tao ang pinapatay ng mga sparrow unit nila kundi mga hayop? kaya hindi pala nararapat sumigaw ng karapatang pantao kundi karapatang panghayop…. ibig sabihin pala hindi taga human rights advocatea ang lalapitan kundi ang mga animal rights activist tulad ng animal welfare groups…. kawawa naman ang mga naulila….adding insult to injury….

  19. Alam na pala ang sagot, bakit tinatanong pa rin. Aba, ano iyan? Nakakaloko?! Kung sira ang mga ulo ninyo puede ba sa ibang lugar na lang kayo magkalat! Hindi kayo uubra sa mga matatapang sa blog na ito.

  20. Mrivera Mrivera

    Social payback
    Amado Macasaet

    Ipinagpipilitan ng pamahalaang Arroyo na ibenta sa mga botante ang sinasabi niyang paglago ng ekonomiya at ang epekto nito na tinatawag niyang “social payback”.

    Ang tunay na dahilan nito ay ang pag-iwas sa grabeng isyu ng human rights violation na ngayon ay iniimbestigahan na ng US Congress. Walang paraan para pagtakpan ang extra-judicial killings na umaabot na sa 800, kasama ang ilang miyembro ng media.
    Ang pangalawang dahilan ng pagsisinungaling tungkol sa pag-asenso ng bayan ay ang masakit na katotohanan na wala na talagang magandang isyu ang maibebenta ng mga kandidato ng Team Unity para sila ay iboto.

    Tulungan ninyo akong mag-isip kung meron. Huwag lang kasinungaligan, sigurado na ipapaliwanag ko sa buong bayan.
    Hindi ko na gaanong pinapansin ang pang-aagaw ng poder dahil ito ay pinagtibay na ng Korte Suprema.

    Ang hindi ko malimutan at ng milyon pang Pilipino ay ang maraming pangakong hindi naman natupad.
    Wala pa halos isang taon, naramdaman na ni GMA ang init ng bayan laban sa kanya. Siya rin ang gumawa ng init na iyan.
    Ang unang taon sa agaw na poder ay inaksaya sa paghahangad na maagaw sa tao ang kanilang pagmamahal kay Erap Estrada. Kaya naman lumabas ang mga pakulo na si GMA raw ay Gloria Labandera. Siya rin daw ang ina ng bayan.

    Samantala, patuloy ang paghihirap ng mga mamamayan.
    Kaya naman naisip niya noong kaarawan ni Jose Rizal noong Dec. 30 na ipahayag na hindi na raw siya tatakbo sa presidential election sa 2004. Laking tuwa namin at sa wakas naisip din ni GMA na tuparin ang kanyang tungkulin sa halip na mang-agaw ng pagmamahal ng tao kay Joseph Estrada.

    Bumabagsak na noon pa ang kanyang acceptance rating. Pero binalikan ang pangako at sumpa. Hinihiling daw ng bayan ang kanyang tulong at paglilingkod. Kaya dapat kumandidato siya sa pagka-pangulo noong 2004. Nanalo nga pero nandaya.
    Hindi huminto si GMA sa sobrang pamumulitika. Umabot sa pangyayaring gusto niyang amiyendahan ang Saligang Batas para gawing Parliamentary ang gobyerno. Katulong niya rito si Speaker Jose V. de Venecia, na marahil ay napangakuan na maging Prime Minister.

    Nakatago sa panukalang Saligang Batas and pagbura sa Senado. Kahit walang halalan, patuloy na magiging miyembro ng House of Representatives. Pero ang mga senador ay dapat maghintay sa election para maging members of Parliament.
    Binalak ni Pangulong Arroyo na burahin ang Senado dahil hindi ito humihinto sa pagbatikos sa kanya at pag-imbestiga ng maraming anomalya.

    Dumating pa nga ang panahon na nag-isyu siya ng Executive Order 464 na nagbabawal sa mga miyembro ng kanyang gabinete sa pagtestigo sa Senado.Binasura ito ng Suprme Court.

    Samantala, patuloy ang paglawak ng kurakutan na wawalisin daw niya. Sinabi niya na corrupt daw ang pamahalaan ni Erap. Pero, noong panahon niya, No. 19 lang ang Pilipinas sa corruption.
    Numero uno na ngayon.

    Paano kaya nangyari na magkakaroon ng social payback dahil sa paglago ng ekonomiya? At kailangan daw maramdaman ng tao ang “social payback” ng nasabing paglago.
    Gutom at kawalan ng katarungan ang nararamdaman namin ngayon. Lumalaki ang imported na bigas. Lumiliit ang ani ng Pilipinong magsasaka.

    Dumarami ang tao. Dalawang milyong bata ang ipinanganganak bawat taon. Anong social payback ang sinasabi niya?
    Ang kailangan natin ay pilitin na siya ang mag-payback. Ibig sabihin, itumba lahat ang mga kandidato ng Team Unity, lalo na sa House of Representatives. Wala tayong pag-asa kundi iyan.
    Siya pa rin ang Pangulo hanggang 2010, kung hindi ma-impeach.
    Walang kalakal na maibebenta si GMA kundi kasinungalingan. Bibilhin ba natin ang lahat ng iyan?

    http://www.abante.com.ph/issue/apr0407/main.htm

  21. nelbar nelbar

    alegadown:

    Noong makaranas ako ng Biyernes Santo sa labas ng bansa(Singapore, April 2000), dalawang Vietnamese(flat mate) ang nayaya ko na pumasok sa simbahan ng Saint Joseph Church sa Victoria Street. Malapit ito sa Manila Street at Bugis Junction. Halos nilalakad lang namin ito.
    Napansin ko sa isang kasama ko na inaantok habang nagmi-misa.

     

    Nang minsan na isang linggo na nag-road rules ako, napasok ko ang isang simbahan na ala-San Sebastian Church(dyan sa Maynila) ang kanyang Architecture.
    Hindi ko alam na itong napasukan ko ay ang simbahan pala ng Saint Andrew’s Cathedral, Anglican Church.

    Ang Cathedral of the Good Shepherd, Saint Joseph Church, Novena Church at itong CHIJMES lang ang mga napuntahan kong simbahan dyan sa Singapore.

    Halos buwanan kung dumaan ako noon sa Singapore Art Museum pero hindi ko alam na duon lang pala sa likod nito ang Saint Peter and Saint Paul’s Church.

  22. Tilamsik Tilamsik

    Kangaroo Court..??

    Mga batang estudyanteng matatalino pag asa ng bayan, binaril ng nakabonet na naka-motorsiklo.

    Karen Empeno, Sherylin Cadapan gumagawa ng makataong thesis, dinukot ng nakabonet at may mahabang baril, ngayon kasama sa libo-libong desaparecidos.

    Ang masa na nakaka-alam sa tunay na hitsura ng kalaban silang patuloy na pinapatay. Ang walang armas at nasa legal na arena ang kanilang pinapaslang. Dahil sila ang tunay na balakid sa berdugong adminastrasyon.

    Ah..! Kangaroo Court nga..!

  23. Talagang malaki na ang sapak ni Ginoong Gonzales sa kanyang pananalita. Kung pabor sa kanila ang verdict ng korte, para siyang maamong tupang nakangiti’t nagpapatawa na talagang ‘justice is served’. Pag hindi naman sa kanila pabor, ewan ko na lang kung hindi ka matatawa sa kanya o maiinis sa mga patutsada nyang kesyo illegal o kesyo biased ang hullabaloo. Natawa na lang ako nang interviewhin siya ni, (forgot the name of that morning show host who interrogates personalities fearlessly), at sinabihan niyang ‘biased’. Nung tinanong siya ng reporter na kung ano ang legal basis niya para sabihin siya’y biased, napatameme na lang si secretary gonzales.

    Diyos ko. Sino pa bang naniniwala sa kanila? Sirang-sira na ang kredibilidad nila. May gagalang pa ba sa kanila maliban sa mga plastik na kasama nila sa gobyernong nangangarap makatagal sa serbisyo?

  24. Hindi kay satur yung mga nahukay na mga bangkay. Aba, kabisadong-kabisado ng militar kung saan nila pinaglilibing ang kanilang mga biktima ah. Haha. Lol. Tapos ipapasa kay satur ang sisi. Musta naman yon.

    – neil bernardo

  25. luzviminda luzviminda

    “Doon naman sa Baseco, ito ang ginagawang model community kuno ni Tiyanak at nagtayo pa ng clinic ng mga sundalo doon kuno para mag-check ng health condition kuno ng mga nakatira doon. Ang hindi alam ng maraming pilipino lalo na iyong mga nasa labas ng Baseco at labas ng bansa ay maaaring tinitignan lang ng mga ungas kung sinu-sino pa ang puedeng kunan ng kidney doon.”

    Ystakei,
    nakaka-alarma naman yan. Hindi kaya yung mga biktima ng mga nawawala ay mga mga “unwilling donor” na at malamang na di na pwedeng makapagsalita dahil tinodas na ng mga militar.

  26. Mrivera Mrivera

    aba, sinung aling gloria,
    sumusobra ka ng talaga
    ang lahat ng tao sa mundo ay niloko mo na
    bukod kang pinakasinungaling sa babaeng lahat
    at kinukutsaba mo pa rin ang mga iyong mga anak
    na sina mikey, luli at dato at asawang asal baboy na si miguel.

    walanghiyang gloriang ina ng walang hiya mo ring mga anak
    huwag mo na rin kaming pagnakawan at linlangin,
    tantanan mo na kami’t huwag dayain sa halalang darating,
    ngayon, at sa oras na ikaw ay kukunin na ng hari ng lagim!

    sana nga!

  27. “Hindi kaya yung mga biktima ng mga nawawala ay mga mga “unwilling donor”…”

    Tapos itong si gagong Esperon, sisigaw “Ayan, maraming pinapatay na naman ang mga NPAs.”

  28. Chona Chona

    Can’t seem to understand kung bakit gigil na gigil si Raul Gonzales kay Satur Ocampo? Dismayed ako sa hustisya natin, dapat ang department nya ay DEPARTMENT OF INJUSTICE. Give or take…. 3 taon na lang yan si Raul Gonzales tigok na yang bengatibong matandang yan. Isa pa yan si Agnes Devanadera, naku way back 1982 nag broker yan ng building kay Cora Mendoza. Aba nangumisyon ng husto, ayun pala ang building may naghahabol… aba after getting commission nawala na ang baklang Agnes na yan.

  29. paquito paquito

    Si Esperon at ang mga susunod pa sa kanya ay magiging pareho rin lang nila kung hindi nila ibubukas ang mga mata nila sa tunay na nangyayari sa bansa at kung maghahangad sila na pansarili lang. Ganon din naman ang mga susunod na magiging pangulo na susunod kay Erap(halal ng bayan), hindi susunod kay Gloria kasi hindi naman sya halal ng bayan, nandya pa nga, nagnakaw at kung anu-ano pa. Para ba syang isang magnanakaw na galing sa dilim na bigla na lang lumitaw para limasin ang laman ng bayan——–ganyan si Gloria. Tignan nyo na lang ang nangyayari ngayon sa bayan natin sa camarines, si Dato, dayo lang kakandidato? Anong magandang paliwanag nya bakit nya gagawin yon? Magnanakaw rin sa gobyerno, ganyan ang mga Arroyo—mga magnanakaw kayo!!! Dinaya nyo kami kapag nanalo yang dayo sa bayan namin. Tulad ng sabi ni “Abang” na kapag magpapadala ka ng representative kailangan ay marunong at si “Abang” lang yon. Kaya sana sa inyo na makakabasa nito wag natin hayaan na maghasik sa bayan natin ang mga magnanakaw, at mandaraya tulad ng pamilya ni Dato. Mahiya naman kayo mga Arroyo!!! Wala kayong sinasagot sa lahat ng bintang sa inyo kaya wala kayong karapatan sa bayan namin maging sa bansang ito.
    Tandaan nyo: Suportahan natin si “Abang” at bantayan natin ang darating na halalan…tyak na dadayain lang yan nina Gloria. Magulo na kapag nangyari yan!!! Abangan!

  30. cocoy cocoy

    Paquito:
    Agree ako sa sinulat mo.
    A vibrant and progressive democracy cannot be achieve while Gloria is in power.In our country in which most politicians are elected by and for big businesses;Where congress and the senate serves the stock markets rather than the people;where environment is sacrificed to economic growth and the poor everywhere are rendered destitute.Our country is surrounded by problems of inequality,injustice,poverty,greed,exclusion,fear,
    corruption.These problems caused as much frustration and alienation,It was in this difficult time we need to awake and vote for a righteous leader.

  31. Chona,

    Re “Can’t seem to understand kung bakit gigil na gigil si Raul Gonzales kay Satur Ocampo?”

    Siguro pinaglilihan niya si Satur. SiRaulo na kasi kaya siguro akala niya future nanay na siya.

    Dapat diyan kay SiRAULO GUNGGONZALES ay ipako sa lampost sa Pampanga kasama ng amo niya.

  32. Anna: Siguro pinaglilihan niya si Satur. SiRaulo na kasi kaya siguro akala niya future nanay na siya.

    ******
    Bakit buntis ba ang kabit niyan? Kasi sabi nila, Anna, kapag naglilihi daw ang isang babae, iyong tatay ng anak niya maglilihi din.

    As for the question “bakit galit na galit si Gunggonzales kay Ocampo ay dahil hindi nila siya mauto. Ngayon kailangan nilang masolo ang Tongress kaya start with the partylists with the strongest potential to thwart their plans, kaya ang tindi ng labeling sa grupo ni Ocampo, Liza Masa at pati na iyong laborer na si Crispin Beltran. Balita ko iyong mga partylists na connected with Malacanang, ang in-charge diyan iyong mismong SiRaulO.

    Mas massive daw ang dayaan sa eleksyong darating! Rebolusyon na!

  33. Tilamsik: binaril ng nakabonet na naka-motorsiklo.
    ******

    Iyong member ng simbahan namin sa Zamboanga ganyan pinatay. Maraming nagsasabing iyong karamihan sa pinatay na mahigit sa 800 na biktima ng extrajudicial killing ay pinatay din ng mga naka-motorsiklo.

    In other words, iisa ang modus operandi, at iisa pihado ang mga pinanggalingan niyan—iyong mga tao sa pamahalaang threatened ng mga pinapatay nila. Imposible namang NPA ang papatay sa kanila kung talaga ngang komunista sila. At saka bakit naman gagawin ng NPA na patayin ang mga taong ipinaglalaban ang kapakanan ng lahat ng taumbayan kasama na sila.

    Akala ba ni Assperon, et al ganoon na kabobo ang mga pilipino komo bobo sila? Kangaroo court, tigilan na! Kakahiya na ang Pilipinas! Lalong nasira ang pangalan!

  34. nelbar nelbar

    cocoy:

    tama ang sabi mo! – “Where congress and the senate serves the stock markets rather than the people”

    Ang mga trapo ang broker sa economic interest ng bansa natin. Kakarampot lang ang nakikinabang ng yaman ng bansa at ang mga nakararami na dapat magtanggol sa bansa ay nagsi-pag-abroad na!

    Ang kakarampot na populasyon na ito ay siya yung mga nabibilang sa naghaharing uri(ruling class) at mga komprador!

    Ang ruling class na ito ay ang syang nagdidikta ng polisiyang pang-ekonomiya na papabor sa kanilang mga negosyo!

    ANG SISTEMANG POLITIKAL SA BANSA AY DINISENYO UPANG PAGSILBIHAN ANG MGA NEGOSYO AT HINDI ANG INTERES NG TAUMBAYAN!
     
    Ang saklap diba?

  35. alegadown alegadown

    off topic:

    kapamilya kaya ng tiyanak ito?:

    Pinay nurses hinatulan ng 4 taong pagkabilanggo sa ill-gotten wealth
    APAT na taon at siyam na buwang pagkabilanggo ang inihatol ng korte sa Los Angeles, California dahil sa ginawang panloloko nito sa gob-yerno at sumingil ng health medicare fee ng mahigit $3 milyon.

    Hinatulan din ni US District Judge Dale Fischer si Haydee Parungao ng pag-structure ng cash transaction para hindi magbayad ng buwis na nagkakahalaga ng $613,710.

    Inatasan din ng huwes si Parungao na ibalik ang halaga ng medicare na iniloko sa gobyerno na umaabot sa $3,099,835.89. Masusi ding babantayan nang husto si Parungao sa loob ng tatlong taon matapos niyang I-serve ang hatol para masigurong hindi ito gagawa muli ng panloloko sa pamahalaan.

    Dahil sa laki ng halagang ibabalik sa gobyerno, pumasok sa plea bargain agreement si Parungao kung saan ibabalik niya ang apat na luxury Mercedes Benz sa pamahalaan matapos niyang aminin na binili rin niya ito sa pamamagitan ng mga ilegal na gawain sa US.

    Isa pang Pinay nurse ang hinatulan na mabilanggo ng tatlong taon at sampung buwan at kapareho din sa naging istilo ni Parungao na manloko sa gobyerno ng $40 milyon ng health care at pag-file ng maling deklarasyon ng buwis para maitago ang ill-gotten wealth nito.

    Hinatulan ni US District Judge Stephen V. Wilson si Lourdes Perez, rehistradong nurse sa Ca-lifornia kung saan mula sa mga pasyente nito ay sumingil siya ng ilegal na kickback sa mga duktor din at nag-aalok ng gamot at pinaldahan ng bill ang Medicare para sa umano’y serbisyong ibinigay na hindi naman kailangan at paggawa ng huwad na medical records para suportahan ang paniningil nito na umabot sa $40 milyong health care claims at hindi masita ng medicare contractors.

    Nabatid na parehong modus operandi nina Parungao at Perez na panggagantso na kinapapalooban ng ilang mga home health businesses at daan-daang mga matatanda sa buong Southern California ang walang kamalay-malay na biktima na sila ng mga ito.

    Si Parungao ay nabatid na nagho-home nursing service sa mga Medicare patients. At mula sa taong 2001 hanggang 2004, naging independent contractor ito ng ilang home health agencies, kabilang na ang Provident Home Health Care Services Inc., Tri-Regional Home Health Services Inc., Datacare Home Health Service Inc., at Double Diamond Home Health Services.

    Nagawang lokohin ni Parungao ang gobyerno sa pamamamgitan ng pagpapadala ng medical billing sa Medicare para sa mga pasyenteng wala sa bahay at hindi eligible sa home health services.

    Padadalhan ni Parungao ng bill ang ang Medicare at sisingil sa serbisyong hindi niya pinagkaloob at gumawa siya ng mga huwad na medical records para palabasin na may serbisyo siyang pinagkaloob sa mga matatanda.

    Si Perez naman ay nagmamay-ari ng dalawang home health agencies na Eagle Rock at Tri-Regional, sa San Dimas, na sangkot din sa panloloko.

    Kapwa sila nabitag ng Federal Bureau of Investigation (FBI) matapos matuklasan ang kanilang ilegal na gawain.

    Si Perez ay pinagbabayad ng korte ng $6,127,374 sa Medicare bilang bahagi ng niloko nito at iligal na pagsingil mula Oktubre 2004 at Setyembre 2003, at karagdagang $874,336 sa IRA naman dahil sa hindi pagbayad ng tamang buwis.

    Lumitaw sa imbestigasyon ng prosekusyon na may mga inaalok sila sa mga matatanda na sa tingin ng dalawang akusado ay mamagamit ng mga pasyente mula sa gamit ng electric wheelchair hanggang sa health beverages at home health services.

    Papipirmahan nila ang form sa mga pasyente at para hindi magduda ang mga ito ay bibigyan nila ng kapalit na pera, regalo tulad ng cookware at iba pang “pampalubag loob”.

    Pinag-iingat na ang mga matatanda sa mga ganitong uri ng modus operandi na may ibinibigay na regalo o pera kapalit ng pagpirma nila sa form na umano’y serbisyo na hindi naman nila kailangan.

  36. alegadown alegadown

    ystakei:

    ipagpalagay nating tama nga ang mga hinala gaya ng binanggit mo at anng iba’y napatunayan na, aba’y talagang kinakailangang tutokan na ito hindi lang sa mga inatasang magresulba nito kundi sa lahat ng mga pilipino. maging mapagmatyag, maging matapang at huwag isarado ang bibig sa mga mag-iimbistiga kung ikaw ay saksi sa mga patayang nagyayari ng mga kaliwiting grupo upang tuloyan nang matuldokan ang karahasang ito. subalit ang ikinakatakot ko lang ay huwag naman sanang matatawag na sacrificial lambs ang mga biktima ng karahasang yan. huwag naman sanang mangyari na ang mga patayang ito ay kagagawan naman ng iilan upang tuloyang kamumuhian ng sambayanan ang kasalukoyang pamahalaan. madaling magbintang pero mahirap ang magpatunay, kaya kinakailangan na buo ang loob at paninindigan upang minimithing katarungan ay makamtan.

  37. Mrivera Mrivera

    alegadown,

    iyan mismo ang pinaglalabanan ng mga makakaliwa (CPP/NDF/NPA)at ng gobyerno – ang isipan ng karaniwang mamamayan, kaya nga noong papatapos na ang dekada 80 ay naging laganap ang special operations teams ng AFP sa kanayunan at kalakhang maynila at kanugnog lugar upang makuha ang pulso at suporta ng taong bayan tungkol sa pagsugpo sa insureksiyon sapagkat lumalakas noong panahong yaon ang simpatya (na may kasama na ring takot)ng taong bayan sa mga pulahan.

    ang nakasama nga lamang ay ang ambisyong pansarili ng ilang nasa kapangyarihan kaya nagiging masama ang pagtanggap ng mamamayan sa alinmang programang merong kinalaman sa kapayapaan at pag-uunawaan. isa kasi itong bahagi ng isang demokrasyang bansa.

  38. Magno:

    Hindi lahat ng victims ng political killings at activists ay komunista. They are just concerned citizens who have come to their teethers. I have met a lot of them who are really concerned, even former OFWs like you who have decided to go home and continue their activism in the home front.

    It just happens that they share a lot of sentiments against the lousy government of the fake public servants, who are actually more criminal than even the tulisans calling themselves by some exotic names, but it does not diminish in fact their dedication and sacrifice for the ideals that they have stood for these past 20 or more years.

    Kaya tigilan na ang bintang ng bintang na mga komunista ang karamihan na pinapatay ng mga berdugo sa gobyerno ng Pilipinas. Dito niyan malaking isyu iyan na babatikosin ng media hanggang sa may magbigti o tumalon sa mataas na building. Abuso ang tawag diyan sa mga ginagawa ng mga Pidal at ng mga tuta nila. Dapat diyan sinisibak!

  39. Mrivera Mrivera

    yuko,

    hindi ko sinasabi na ang mga biktima ng pamamaslang na politikal na ‘yan ay komunista. ang binibigyang diin ko dito ay ‘yung personal na interest na isinusulong ng sinuman, lalo na ‘yung nasa poder.

    gaya nang nabanggit ko na noon pa, sa aking pagtuturo sa mga sundalong estudyante sa special operations tactics and training ay binatikos ko na ang ganitong sistema kung saan ang mga karaniwang kawal bilang mga tagapagpatupad ng programa habang nagkakamot lamang ng bayag ang mga ganid na heneral at mga pinuno ng lokal at pambansang pamahalaan gayundin ang walang kalaban labang mga sibilyan ang napapagitna sa salpukan ng magkabilang panig.

    pansinin na sa kanayunan ay kawawa ang mga mamamayang hindi malaman kung sino o alin ang papanigan, pakikinggan at susundin sa dahilang sila ang buntunan ng sisi at umaani ng wala sa katwiran at bulag na simulain ng makakaliwa at kalimitang marahas na pagpapatupad ng batas ng mga tauhan ng gobyerno.

  40. Mrivera Mrivera

    at sapagkat taong bayan ang pinaglalabanan ng magkabilang panig, pareho silang mag-iisip ng paraan at taktika kung paano bubuntunan ng sisi ng mamamayan ang alinman sa kanila sa pamamagitan ng pagsasagawa ng labag sa batas na hakbangin katulad ng likidasyon ng sinumang pinuno o naniniwala sa makakaliwang simulain at/o pananambang sa mga tauhan ng pamahalaan. sinuman/alinman sa magkabilang panig ay nagsasagawa ng “pagsasakripisyo ng mga kaanib o kasamahan” at magtuturuan kung sino ang may kagagawan.

  41. Mrivera Mrivera

    at ito ang tinatawag na clandestine activities ng covert operators ng magkabilang panig.

  42. Magno,

    No, alam ng mga naghihirap sa probinsiya kung sino ang papanigan nila, kaya lang takot sila kasi katulad doon sa isang probinsiyang binisita ng kaibigan kong haponesa, may mga flyers pa raw na pinamimigay para ituro ng mga tao kung nasaan nagtago iyong inihahalira nilang papatayin nilang mga ulupong na hindi kawal kundi kawatan ni Assperon. Naka-tag kuno silang mga komunista! Tignan mo naman ang pinagsususulat noong mga alaga ni Tiyanak dito. Biro mo nga namang mamamatay kang walang magawa para sa bansa mo dahil papatayin ka sa paniniwala mo kahit na iyong ay para sa kabutihan ng mga kababayan mo. Ano ba iyan? Hindi na ba umunlad ang Pilipinas at mukhang lalong naging backward?

    Kawawang Pilipinas!

  43. Siguro naman, Magno, kung ikaw iyong ipapapatay ng mga military, hindi mo sasabihing clandestine activities and ginagawang pagtatago ng mga community leaders at human rightists na humahanap lang ng lutas sa tambak-tambak na problema ng Pilipinas kahit na manganib ang mga buhay! Kung matino ang pamahalaan naman siguro ay wala ka nang makikitang mamumundok. Mahirap din yatang magtago at magutom sa bundok lalo na kung walang mahanap na makakain doon.

    Naalala ko tuloy iyong isang aklat na isinulat ng isang hapon na sundalo sa Pilipinas noong guerra na may pamagat sa ingles ng “Fires on the Plain.” Nang wala na daw makuhang talbos ng kung ano para mailaga at ulamin, damit na daw nila ang kinakain nila. Tapos iyong iba, kumukuha ng laman-laman ng mga kasama nilang nababaril at namamatay para pangtawid ng gutom. May isa ngang dating Makapili ang nagsabing totoo iyon. Pati nga daw sila napakain ng laman ng tao na akala daw nila noong una ay karne ng unggoy o aso. Iba pala.

    BTW, panoorin mo iyong “Flags of Our Father” at “Letters from Iwo Jima,” parehong anti-war movie na ginawa ni Clint Eastwood. Magandang mensahe niya doon–Wala talagang mga bayani! Ang mga tao sa mundo ay hindi dapat mag-aksaya ng buhay sa pakikipaglaban sa digmaan. Lalo pa siguro ng guerra ni Tiyanak laban sa kapwa niya mga pilipino! Walang katwiran.

  44. artsee artsee

    Ang mga tao sa mundo ay hindi dapat mag-aksaya ng buhay sa pakikipaglaban sa digmaan.

    Sagot: Tama. Pero bakit nag-aksaya ang Hapon noon at inatake ang mga kalapit na bansa? Ilan milyon na tao ang kanilang pinatay? Sabihin mo sa mga Chinese, Koreano, Pilipino iyan at baka duraan ka sa mukha.

  45. nelbar nelbar

    Ang pinanood ko na video nitong Sabado de Gloria ay itong The Quiet American na ang pamagat nito sa Alemanya ay Der Stille Amerikaner , samantalang The Spy naman sa Pilipinas.

    Ipinakita dito sa pelikula ang istorya noong 1950’s sa Vietnam – Saigon na pinanguhan ng tatlong katauhan.

    Ang British na si Thomas Fowler(Michael Caine), isang London Times Correspondent. Si Alden Pyle(Brendan Fraser), isang American Aid worker na may misyon at itong si Hei Phuong(Do Hai Yen), babaeng Vietnamese na nagtatrabaho sa isang Club na binubugaw naman ng kanyang kapatid(ate).

    Maganda ang pagkakagawa ng istorya na kung saan na-sentro sa masalimuot(o trayanggulo) na pag-ibig ng dalawang Westeners at isang taga Asya(Indo-China).

    Ang pinaka-nagustuhan ko sa katapusan ng istorya ay kung papaano itinaboy ng mga North Vietnamese ang mga French sa Indo-China.

    Mapapansin din na lumabas ang isang sundalong si General Thé(Quang Hai) na wala naman sa orihinal na bersyon ng pelikula noong 1958
    ( movies.yahoo.com/movie/1808666140/info ).

    Kung inyong susuriin at ihahalintulad si General Thé sa kaganapan dito sa Isla ng Pinas, pwede naman pala syang magtayo ng sariling Army, bakit pa kailangan na humingi pa ng tulong sa mga banyaga?

    Maganda ang aral ng pelikula. Isang makasaysayan para sa lahing mga Asyano dahil matapos na maitaboy ng mga taga HILAGANG VIETNAM ang mga Europeo, ay pinalaya naman nila ang Katimugang bahagi ng kanilang bansa sa kuko ng mga imperyalistang Amerikano.
    Ibig sabihin, pinag-isa nila ang kanilang bansa sa iisang layunin: ANG ITABOY ANG ANUMANG BUMABOY SA KANILANG INANG BAYAN!

    Hindi na ito usapin ng komunismo at pasismo. Ang mahalaga dito ay napag-isa ang dalawang Vietnam na hinati sa 17th parallel sa pakikialam ng mga Westerners.

    Dito sa Pilipinas, hindi nakakapagtaka kung bakit tayo sinakop ng mga banyaga ng mahabang panahon.
    Mahigit 300 taon ng España, mahigit 2 taon ng mga INGLES-Protestante, halos limampung taon ng Amerika at kulang na 4 na taon naman sa Hapon.

    Ano ang dahilang bakit hindi natin kayang gawing ehemplo ang mga Vietnamese nang itaboy nila ang mga banyagang impluwensya sa kanilang bansa?

    Sa pelikulang The Spy , maliwanag na simbolismo ang katauhan ni Hei Phuong ay isang INANG BAYAN mula sa Asya!
    Na pinag-aagawan ng dalawang lalaki mula sa Britanya at Estados Unidos.

  46. Nelbar:

    Ang ginawa ng nga Vietnamese nang itaboy nila ang mga kano ay pinalayas nila iyong mga hindi tunay na Vietnamese. Maraming refugee ang napunta sa USA na mga ethnic Chinese. Sila ngayon ang umakupa ng isang bahagi ng Oakland halimbawa sa Bay Area at karamihan ng mga Chinese stores doon ay pag-aari ng mga refugee na ito na mga ethnic Chinese sa Vietnam na marami sa kanila sa palagay ko ay nag-spy para sa mga Amerikano.

    Sa Pilipinas, karamihan ng mga pilipino ay may lahing intsik lalo na iyong may hawak ng ekonomiya ng bansa. Ganyan din ang problema sa Vietnam noon. Pero sa palagay ko mas marami ang may lahing intsik sa Pilipinas at kung palalayasin ang mga ethnic Chinese ay baka maubos na ang mga tao doon na pati native Filipinos na walang lahing intsik ay pinalalayas rin!!! Saklap? You bet!

  47. Mrivera Mrivera

    yuko, ang mga tinuran kong ‘yun ay nangyayari at ginagawa ng magkabilang panig. hindi ko na siguro dapat pang i-elaborate dahil baka magkaroon lamang ng komplikasyon.

    basta’t isang bagay lamang ang maliwanag: hindi mawawala ang sacrificial lamb upang ipagtagumpay at mangibabaw ang bawat ipinaglalaban.

  48. alegadown alegadown

    Mrivera:

    sang-ayun ako sa sinasabi mo dahil yun din ang kinakatakotan ko. nakakapanghinayang at nakakaawa ang mga nagbubuwis ng buhay na nawalan ng saysay.

  49. Mrivera Mrivera

    alegadown, yuko,

    kahit saang intelligence units ng sandatahang lakas at pambansang kapulisan, gayundin ang special operations units ng alinmang grupong laban sa demokratikong pamahalaan, meron silang prosesong sinusunod kapag ang asset ay hindi na nila kailangan o marami nang alam na hindi dapat malaman ng kalaban kung sakali o ‘yung tinatawag na nagiging “security risk”. ano sa palagay ninyo ang mabisang paraan upang huwag nang “lumabas” sa sisidlan ang anumang bagay na may kinalaman sa operasyon ng kung alinman ang may hawak sa isang asset?

    hindi lamang sa pilipinas kundi sa alinmang bansa.

  50. artsee artsee

    Minsan ay may katotohanan din ang sinusulat itong isang mataray at mayabang na ate natin. Tutoong marami sa mga ethnic Chinese ang napunta sa Amerika bilang refugees. Sila ang mayaman. Binayaran nila ng pera at ginto ang mga sundalo at guardiya para makatakas. Iyong ibang walang pera, namatay sinasakyang banka sa gitna ng dagat. Pinagbabaril sila. Iyan ang kuwento sa akin mg mga kaibigan kong Vietnamese. Tama. Ganyan din ang mangyayari sa Pilipinas. Kaya nga umalis na ako dala ng mga kayamanan ko. Marami sa mga mayayamang Intsik sa atin ang may mga bahay na at ari-arian sa ibang bansa. Nandoon na ang kanilang mga pera. Marami din sa kanila ang may green card o citizen na. Halimbawa na lang, marami sa kumpare ko ang may Canadian passport pero sa Pilipinas naglalagi. Kapag may mangyari sa Pilipinas o magkagulo, lipad sila agad. Ang matitira iyon mga karaniwang mga Pilipino at mahihirap. Huwag sana maging isang Vietnam ang Pilipinas pero parang doon na patungo hanggang nananatili sa kapangyarihan itong si tiyanak.

  51. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Speaking of “sacrificial lambs”, during the Holy Week, an encounter between the rebels and state soldiers snuffed the life of a very young girl. Soldiers claim she was a “child warrior” and even produced photos showing an armalite rifle beside the 12-year-old girl’s corpse, per official military reports.

    The child’s parents however claim she was merely nine years old and she went to the river where she was killed, for a swim together with a younger brother. She couldn’t have owned the armalite obviously planted by the military as she was barely taller than the rifle. The barangay captain was sure he didn’t saw the rifle when they found the body.

    Wasting human life this way, no, children’s lives, I should say, then labelling them child warriors isn’t gonna win us a war. My feelings for the innocent victim is undescribable, any adjective is an understatement.

    We’ve been shamed enough before the whole world already. When will this stop?

  52. alegadown alegadown

    Mrivera:

    tama yang sinasabi mo at ang kalakarang iyan ay hindi lamang sa mga nabanggit na samahan kundi ay isang sop din ng mga malalaking illegal na organisasyon. kapag ang asset ay masyado nang maraming nalalaman ay ganito ang kahahantungan. kaya bago pa man mapakinabangan ng mga kalaban ay patahimikin na ng tuloyan.

  53. alegadown alegadown

    TonGuE-tWisTeD:

    kahit ano pang palusot ng mga subdalo upang makumbinsi ang kahit sino para maniwala na ang armalite ay dala nga ng bata ay isang malaking katarantaduhan. alam ko gaano kabigat ang armas na yan at alam ko rin gaano kahirap pigilin kapag sumisikad ito tuwing pumuputok. kapag maluwag ang kapit mo at hindi masyadong dikit sa balikat mo ang butt nito ay sobra pa sa bogbog ang aabutin ng dibdib mo. kaya sa makatuwid napaka imposibleng makakaya ito ng isang 9 na taong gulang na batang babae pa naman. hoy mga tukmol mag imbento man lang kayo ay igihan naman ninyo yung kapanipaniwala namang kwento…..

    M16A2 5.56mm Semiautomatic Rifle

    Length: 39.63 inches (100.66 centimeters)
    Weight, with 30 round magazine: 8.79 pounds (3.99 kilograms)

  54. artsee artsee

    Kahit na maliit na armas, subukan paputukin ng isang bata. Sa liit ng kamay niya at hina ng puwesa ay baka tumalsik ang kamay niya. Hindi ganoon kadali ang humawak ng baril ng isang bata gaya ng nilalarawan nila.

  55. TonGuE-tWisTeD: Speaking of sacrificial lambs, in Holy Week I already made comments on this in another thread but need to point out after well over 30 years of the AFP failing to crush the NPA its time to find another solution, that being to represent the rebels within a Congressional system and keep these incompetent (in a war crises for over 30 yrs is hardly a competent AFP) soldiers in barracks where civilian life is safer.
    Also, I know that the wives have individual power over their AFP husband’s so why don’t they group together as wives and start to question the morality of their husband’s and their leaders. If all the wives of the AFP personnel got together as a group, then for a start these gallant officers in illegal custody, such as Danny Lim would not be allowed to happen. If the men in the AFP are losing their morals then the wives of all AFP need to group together in numbers to voice their disquiet. Come on ladies you can show them the way.

  56. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    The NGOs are not about to let this Compostela incident pass unnoticed. They are taking the case to the UNCHR, UNICEF, and the local CHR. It’s about time the military stops the wasting of innocent lives in their paranoid war and get away with it with impunity.

    The odds of our military disintegrating by its own doing gets higher everyday. It’s turned itself into a monster that hunts is own master. It has gone amuck and seeks to destroy everything else for its own survival.

    The only way it can stop is when its own people take the corrective action and lay to rest the monster it has become then bring it back to serving and protecting the people whom they have sworn serve and protect. They must make their move and make it NOW!

    There is no other way.

  57. Mrivera Mrivera

    @#$#@#$%$^&* mga demonyo!

    ano na ang pinatutunguhan ng ating hukbo? sila ba’y mga asal tao pa o mistulang impakto? sino ang maniniwala na ang isang siyam na taong gulang na batang babae ay magkakalakas ng loob na humawak ng armas kahit pa sabihing nakaranas na siya ng matitinding dagok sa buhay at na-brain wash na ang kanyang isipan? isang malaking kabaliwang palabasin na isa siyang batang rebelde upang pagtakpan lamang ang krimen at makaiwas sa pananagutan kung sino man ang may kagagawan!

Leave a Reply