Benigno “Noynoy” Aquino III, senatorial candidate of the Genuine Opposition, shares the letter his father wrote him from his prison cell in Fort Bonifacio in August 1973 when he (Noynoy) was 13 years old.
Click here.
In the three-page touching letter, Ninoy explains to Noynoy why he had decided not to participate in the court martial proceedings : “Son, my decision is an act of conscience. It is an act of protest against the structures of injustice that have been imposed upon our countrymen. Futile and puny as it will surely appear to many, it is my last act of defiance against tyranny and dictatorship.”
Ninoy’s words are as relevant today as they were written thirty-four years ago.
Noynoy is asking bloggers to disseminate the letter which he said is “one of the compelling reasons why I am in the race.”
Ellen,
That was beautiful letter by Ninoy Aquino to his son.
The following passage should strike the hearts of those who live dishonourably in Malacanang:
“…advice I can give you: Live with honor…”
I couldn’t helped but cry after reading Ninoy’s letter to his son.
Sana… the illegal occupants of Malakanyang can read this letter and be able to impart something GREAT to their sons!
(he,he,he..biro lang…nagfafantasy lang ako ngayon!)
Ang masasabi ko lang ay: Maliban sa parehong letrang “N” ang mga palayaw nila, si Noynoy ay hindi si Ninoy. Ano ba ang ginawa ni Noynoy? Ano ba ang pinaghirapan at isinakripisyo niya? Sagutin muna niya ang pagkamatay ng mga manggagawa sa kanilang Hacienda Luisita bago niya ikumpara ang sarili niya sa kanyang ama. Kung may sulat ng ganoon ang kanyang ama sa kanya, kaya din ba niyang sumulat ng ganoon sa kanyang magiging anak?
sa kung ano ang pangunahing nais ipamana sa anak ay makikilala’t makikilatis ang pinakamamahalaga ng isang magulang. ang magulang na nagbibigay ng unang pahalaga sa tiyaga’t kasipagan ay magpipilit mahubog sa ganón ang anak. kay ninoy ay gintong lantay ang pamilya, malinis na pangalan, karangalan, at bulong ng konsiyensiya. kaya’t iyon ang kanyang habilin at tagubilin kay noynoy. ano ang maaasahang pamana nina mike at gloria sa mga anak nila?!
“ano ang maaasahang pamana nina mike at gloria sa mga anak nila?!”
Sagot:
Ang mga milyones na dolyar na itinago nila sa mga bangko sa ibang bansa.
Ang isa pang ipapamana nila sa mga anak nila ang mga kababuyan nila.
Ellen, I will share this letter to everyone. I have seen the pain they have gone through. I even campaigned for Ninoy in my younger days. I too joined the millions who mourned his death. Now that the his ideals have been passed on to the son. I will give to the son what I gave to the father.
“The boy is the father of the man.”
Oh and Artsee, Noynoy had nothing to do with what happened in Hacienda Luisita. Even Cory doesn’t meddle in its affairs. I suppose the question you ask should be thrown at Peping instead.
karagdagang sagot sa ipamamana ni Gloria + Mike sa mga anak nila:
1. hindi na mabilang nagsanga-sanga na mula sa lolo ni Mikey (diosdado macapagal) hangang sa magulang niya at tyak na mamamana pa ng mga anak nila. Saan ba nanggaling ang yaman ng poor boy from lubao kuno??? Sa bayang Pilipinas, nakaw! Kaya naman pala punggok, hindi na lumaki. Ngayon yon naman anak ng poor boy from lubao ang namamayagpag. Susunod pa ang bunso nya na day lang sa camarines.
2. isa pa na mamamana ng anak ni Gloria ay kasinungalingan at pandaraya bukod sa pagnanakaw, at mamamana pa ng mga apo nya——-tapos makikita mo sa simbahan, wow fake!
Si noynoy at least kahit hindi sya katulad ni ninoy ay maipagmamalaki naman nya kanya tatay na si ninoy, maipagmamalaki rin nya si Pres. Cory.
E yong mga Arroyo wala maipagmamalaki sinuman s kanila—–baka si GARCI lang.
Hindi lang yon mga tsong maipagmamalaki rin ng sambayanang Pinoy at sa buong mundo si Ninoy maging si Pres. Cory.
E kayo mga igan kaya nyo ba sikmurain maipagmalaki sa bayan natin at s ibang bansa ang Fake na President? ang fake na nandya sa halalan? Nakakahiya di ba?
Hinde ba political dynasty din itong mga Aquino?
As far as Cory is concerned, she is perhaps one of the weakest, if not the worst president the Phil ever had. Her heart and thoughts were in the right place, but she did not have the skills required to govern effectively. She could have been the moral force for a new Philippines, instead she chose to go into politics where she had no clue.
I don’t know about the son. Nevertheless, the Phil. need GO to get the cheater out! Hopefully, he is not like the daugther.
Noynoy is in the right place at the right time: GO get gloria.
Mang Schemey, may mga ebidensiya kasi na kasama si Noynoy ang mga armadong sundalo o goons sa pagsalakay sa Hacienda nila para takutin ang mga nag-aaklas na manggagawa. Tapos, maraming testigo ang nagsasabing si Noynoy ang utak ng karahasan. Hindi din puwedeng maghugas ng kamay si Cory dahil sila ang may-ari ng Hacienda kahit na bang sabihin na ang kapatid niyang si Peping ang may kasalanan. Iyong Mendiola Massacre ay nangyari pagkaupo lang ni Cory. Wala naman ibang layunin ang mga magsasaka noon kundi ang iparating sa kanya ang kanilang hinaing pero sila’y ipinagbabaril. Maraming magsasaka ang namatay. Hanggang ngayon ay wala pang kalutasan ang kaso. Kung si Ninoy naman ang pag-uusapan, naging bayani siya dahil bumagsak si Marcos. Kung nagkataon hindi bumagsak si Marcos at natalo ang kanyang kaaway, lalabas na rebelde si Ninoy di ba? Hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli kung sino ang utak sa kanyang pamamaslang. Pero isa ang sigurado, hindi si Marcos ang utak.
Paquito: E yong mga Arroyo wala maipagmamalaki sinuman s kanila—–baka si GARCI lang.
*****
Sinabi mo pa lalo na kung itatago nating lahat ang copies ng CD ng Garci tapes. Historical items iyan na puedeng kolektahin balang araw gaya noong mga stamps na binibili ng mahal. Iyan ang maipapamana ni Tiyanak sa posterity niya! Kakahiya!
Ninoy’s act of defiance against Marcos’ reign of injustice and tyranny reminds me of the 28 military officers and many more incarcerated in Tanay and the Magdalo officers led by Sonny Trillanes who are still in detention, and holding on to their idealism.
Hindi sa minamaliit ko ang kontribusyon ng mga Aquino sa kalayaan natin, pero tunay ba natin nadarama ang kalayaan? O kalayaan lang sa kanila at mga nakakaangat sa buhay? Mahigit na 20 taon na ang lumipas nang bumagsak si Marcos, ano tayo ngayon? May pagbabago ba? Nasaan ang mga lumaban para sa sinasabing kalayaan? Nananatiling mayaman pa rin at mas mayaman pa di ba? Kundi nasa pulitika ay nasa magandang posisyon sa gobyerno. Pinalitan natin ang isang halal ng bayan at inakusahang diktador pero walang nagawa ang pumalit. Mas masahol pa kesa pinalitan. Iyang pag-agaw sa puwesto at pagrurak ng ating saligang batas ay inulit kay Erap. Ang pumalit ay isa ding babae na galing din sa probinsiyang kilala sa traidoran at kayabangan. Anong pagbabago? Nasaan ang kalayaan?
For one who was considered a blood thirsty butcher, Marcos had more respect for his enemies.
He apparently offered for Ninoy to live in exile but Ninoy allegedly turned it down. (Even Godsavethecon/Rizalist, who was an activist then was allowed to leave his detention…)
While Gloria, the Assumptionista par excellence, the tiyanak who proclaims to the world that she speaks and has a hotline to heaven (pa cutie pie, cutie pie pa ang putragis na tiyanak when she says God told her this and that), the bleeding tiyanak doesn’t even have the decency to accord a minimum of respect for her opponents.
Bansot kasi kaya ang utak bansot din pati character ubod din ng bansot.
I used to like Ninoy Aquino as a matter of fact. I was an avid watcher of his TV talk program on Channel 7 just before we left for the US and Marcos became president of the Philippines until he started maligning Imelda, and I thought that if he had any complaints, he should direct them to those he could expose in the Senate.
Reading his letter now to his son, I see a man coming to his teethers, and resigning to his fate—might as well do something good of sort—ready enough to bequeath his love for his Motherland to his son, whom he said must have inherited his mother’s “indomitable spirit and brand of silent courage” in addition to the patriotism that he thought was up for the picking.
One thing I know is that my Mom’s relatives in the Ilocos are supporting GO, including Noynoy, whom Bongbong Marcos in fact has endorsed!
I wonder if Marcos and Aquino are now patting each other’s shoulder as they look at their sons.
Joma was interviewed by the Phil Star a couple of years ago and even he admitted that “some kind of manly honor was involved” and so, he probably wasn’t killed by Marcos because Marcos had put a kind of ‘limit’ to just plainly murdering him because of some kind of Ilocano honor.
Sison referred to some rules of the game based on a “man’s honor” that Ilocanos used to play when they were boys… can’t remember anymore the exact words or what game it was.
May kasabihan na ang bawa’t isa ay mananagot sa kanyang sariling kasalanan. Na ang anak ay di dapat magbayad sa kasalanan ng magulang. Kaya iba si Bongbong pati na si Noynoy. Huwag natin isisi sa kanila kung ano man kasalanang ginawa ng kanilang mga magulang. Sa tutoo lang, magkaibigan sina Ninoy at Marcos. Kaya umuwi si Ninoy ay upang makipag-isa kay Marcos. Alam kasi ni Ninoy na may malubhang sakit si Marcos. Kapag mawala siya ay delikado ang bansa sa kamay ng mga sakim isa na dito si Imelda. Kaya malayo at malabong si Marcos ang may kinalaman sa pagpatay kay Ninoy na hanggang ngayon ay sa kanya ibinibintang. Teka muna, bakit ang serioso ko ngayon?
Never really knew much about Ninoy’s ordeals under Marcos except what I read after he was killed.
I didn’t get to witness the rest of the martial law years from 1975 until the early 90s so can’t honestly say what occurred under Marcos. But I remember that Imelda used to hit the international news waves very often for her extravagance. Also, I was kind of not interested then in what was going on during martial law – I in my very early teens when martial law was declared so didn’t really get to know much about martial law nor witness “Marcos atrocities” or abuses at all. Didn’t even know student activists personally. But I remember vividly that Manila was clean and when I left to go to college abroad, Imelda had started to build her gigantic theatre (can’t remember what the name is) on Manila Bay.
My friends and I then were just happy to have a good time. (Teen-age couple Bernard Palanca and his young wife Bianca(??) Revilla, Chiqui Brosas, Jaye Murphy, Sylvia Laurel, etc were some of my gangmates but don’t even know where they are or what happened to them now.)
That was a beautiful letter. I must admit, I haven’t cried in a long, long time.Thanks for sharing them to us, Ellen.
Can da pig write to his mikipig a letter of that calibre?
…….a letter with such content?
…….a heart that loves the country enough to let Fate do its will?
I doubt it!
Likewise, can MamaPandoc do the same? Sacrifice her life and position so the Country can be free?
I doubt that, too!
Let gloria and her armed goons read that….
so with the CTs [Certified Tutas:ARF!]!
.IF THEY HAVE HEARTS, AND CONSCIENCE…they might repent today…After all, its Holy Friday. It’s not too late….
And…for ALL of us here: GO!
…LET’S ALL GO!
idolo ko si ninoy.
una ko siyang nakita noong high school graduation namin sa probinsya. siya ang speaker namin.
nakaka-awa ang nangyari kay ninoy. napunta sa wala ang kanyang sakripisyo…..
masakit na mabasa ang katulad nitong post ng isang blogger…..
===========================================================
Benigno Aquino III – I feel sad for the Aquino name. Like a car, it has depreciated and deteriorated to the point of being just another vehicle in the junkyard. Imagine, the son of a national hero and a former president – who symbolized “ang diwa ng EDSA” – is now running under the party of a corrupt former president together with a coup plotter, a defeated vice-presidential candidate and the son of a minister (escudero) who (together with the dictator Marcos) ran the country to the ground. I don’t think Ninoy would have approved of “the-enemy-of-my-enemy-is-my-friend” approach.
Saan gusto mong sumali si Noynoy? Sa TU ni tiyanak? Kahit na ba hindi perpekto ang GO ng opposisyon, di hamak na mas mahal iyan ng taong bayan. Pero sa isang banda, maliban kay Ping Lacson, halos lahat ng kandidato sa GO may atraso kay Erap. Sa palagay ko malungkot at nagsisisi si Erap ngayon sa klase ng grupo ng oposisyon. Pati nga ang dalawa niyang anak na sina Jinggoy at JV hindi pa magkasundo. Sa kamay nitong Serge Osmena, marami ang nawalan papel sa panig ng FPJ at Erap. Tulad na lang nina Maceda; nasasapawan na. Masama din daw ang loob sina Ka Mentong na orihinal na pro-FPJ. Magulo ang oposisyon ngayon. Kanya-kanya. Kulang na nga sa pondo, nagtitirahan pa sila-sila. Kung hindi nila maayos ito, baka mas maraming manalo sa administration. Huwag sana mangyari uli ang nangyari kay FPJ noon.
Artsee:
Those TU candidates were lavish with money,the interest of the administration specially the midget in selecting them,although they are a bunch of corrupt is for her power hungry agenda.
The GO will be facing a dimensional problems competing with them,because,they lack campaign funds and your prediction is perfectly right.That is why there will be an unfair race.Midget’s candidates can buy votes with a those huge budget in their political war chest.Kaya malinaw pa sa sikat ng araw,agree ako sa sinulat mo.
Ninoy.. The man who could be president.
During my college days, I was reprimanded by the college dean because I was wearing Tshirt with the famous image with caption “Ninoy is my Hero”.
Off Topic:
May nahukay nanaman grave yard ang sepulturerong si Esperon. Nakuha ang mga sumusunod:
: Bungo ng T Rex dynasour.
: Bungo ni Ferdinand Magellan.
: Kalansay ni Mickey Mouse.
: Isang hibla ng buhok ni Kojak.
: Kalansay ni Hitler.
Kinumpirma ni Raul Gonzales na kagagawan itong NPA sa utos ni Satur Ocampo.
Anna: Ang isa pang ipapamana nila sa mga anak nila ang mga kababuyan nila
*****
I like this one. Sinabi mo pa!
Anna: Ang isa pang ipapamana nila sa mga anak nila ang mga kababuyan nila
*****
I like this one. Sinabi mo pa!
Ipapamana ng mga Pidals ang mga nakulimbat nila sa mga anak, apo at kaapu-apuhan nila unless the next government can create a good police commission to investigate and look for all the loots even with the help of the INTERPOL, and confiscate all of them para hindi makuha ng mga susunod na generation ng mga Pidals.
ayon sa isang source ay nagkausap pa sina makoy at ninoy tungkol sa pag-uwi ng huli kung saan binalaan ng una na huwag nang tumuloy sapagkat mapanganib para sa kanya (ninoy). wala nga lamang magawa ang dating pangulo sapagkat noong mga panahon iyon ay papalubha na ang kanyang kalagayan at humihina na ang katawan.
artsee says: “Anong pagbabago? Nasaan ang kalayaan?”
malaki ang ipinagbago. malaki ang ibinuti. MAS MASAMA nga lamang kaysa dati.
at ang kalayaan? tinatanong naman, paano mo gustong mamatay, sa BALA O GUTOM?
huwag n’yo namang ganyanin si gloria. pangulo natin ‘yan. anu’t ano man meron din tayong natutunan sa kanya upang maging gabay sa ating lipunan. narito:
1. Huwag mang-agaw ng puwesto sapagkat marami ang magagalit at magkakawarak watak ang sambayanan lalo’t si singson ang whistle blower.
2. Huwag magsasalita nang hindi kayang pangatawanan at tuparin.
3. Huwag gagamit ng tao tulad nina garci at esperon upang mandadaya sa eleksiyon sapagkat lahat ng hihilingin nila ay hindi maaaring tanggihan dahil ibubulgar ang lahat ng katiwalian.
4. Higit sa lahat, huwag aaming meron idinipositong ninakaw sa kaban ng bayan sa alinmang german bank kapag merong nakaalam.
Tilamsik, tama yung descrption mo kay Esperon:sepulturero.
Noynoy using his father’s name is a good starting point, the real question is what he does with that. By itself, is not enough. He need to push his campaign as much he can articulating what he plan to do if elected. He might not win if he doesn’t take the next step. He must aggressively take the advantages of being Ninoy’s son and use it. Although, he didn’t inherit his father’s charisma, but, he did inherit from his dad a burning desire in his heart to champion the forsaken dream of his dad. So, Why not give him a chance. In the long run, we might see a real “Like father, Like son”.
Hindi ako bilib sa isang anak na ginagamit lang ang pangalan at kasikatan ng kanyang magulang at pamilya. Hindi sa minamaliit ko ang mga tulad ni Noynoy, paano siya kung hindi si Ninoy at Cory ang kanyang mga magulang? Pansinin niyo ang mga pulitiko natin kasama na ang GO team. Hindi ba sikat ang mga ibang kandidato dahil dala ang pangalan ng kanilang magulang? Sabihin na nating magaling sila at nag-top sa Bar o ano man kurso. Marami naman ang kasing galing at mas magaling pa pero hindi pinalad na magkaroon na sikat na magulang di ba? Ang isang magaling ay dapat patas ang laban. Kapag parehong hindi kilala at iyon isa ang nanalo, diyan natin masasabi na talagang magaling nga siya. Siyanga pala, napansin niyo na hindi ako nagbibiro itong mga araw na ito. Alam niyo naman kung bakit. Nagluluksa ako hindi lang dahil sa pagkamatay ng ating mahal na Panginoon kundi dahil din sa labis na paghihirap na dinadanas ng ating mga kababayan sa kamay ng malupit at mapang-aping gobyerno ni tiyanak.
Marami ang hindi nakakaalam kung gaano katindi ang mga problema ngayon sa GO Team. Si Pareng Erap nga parang bumitaw na hindi lang sa papel na pinuno ng oposiyon pati na ang kanyang suportang pinansial. Mas malalim pa diyan ang hindi alam at hindi naiintindihan ng mga tao. Ako alam ko dahil may koneksyion na linya ako sa kanila. Noon ko pa sila pinayuhan na hindi puwede si Serge Osmena ang pumalit kay JV. Unang-una, hindi niya kasundo ang mismong pinsan niyang si John Osmena. Pangalawa, may pagka-diktador itong si Serge. Pangatlo, hindi natin alam kung gaano ang katapatan niya kay Erap at oposisyon. Hindi die-hard na oposisyon si Serge tulad ni Manong Ernie na subok na. Wala nang gana ang mga tauhan at kampo ni FPJ at Erap sa nangyayari. May narinig ba tayo mula kay Susan Roces? Wala. Tahimik siya. Idagdag pa natin dito ang problema sa pondo. Ang mga malalaking negosyante lalo na ang kapwa Tsinoy ko ang nagmamasid. Hindi pa sila tumataya ng todo. Nakikiramdam pa. Iyan din ang nakikita natin sa mga religious groups tulad ng INK. Nakikiramdam pa din. Balita ko hinirang bilang tagapagsalita ng oposisyon si Manny Villar para kausapin ang INK. Nag-usap na sila. Kung tutoo, magandang senyales ito. Hindi man tuwirang masasabing nakakatulong ang boto ng INK, malaking bagay na din iyan kapag may basbas nila. Sa tatlong grupo na kinabibilangan ng El Shaddai at JIL, mas maaasahan ang boto ng INK. Balita ko mas maraming taga-oposisyon ang suportado ng INK. Mabuti naman kung tutoo ito.
Tilamsik Says:
April 6th, 2007 at 1:20 pm
Ninoy.. The man who could be president.
Posible nga naging Presidente si Ninoy kung hindi siya pinaslang. Iyan nga ang pag-uusapan nila ni Marcos kaya bumalik sa Pilipinas si Ninoy. Lingid sa kaalaman ng mga tao, may unawaan na sila ni Marcos na baka si Ninoy ang pumalit. Iyon nga lang hindi biglaan dahil sa tindi ng puwersang kaharap niya mula sa grupo ni Marcos lalo na sa panig ni Imelda. Maniniwala ba kayong mas may tiwala pa nga kay Ninoy si Marcos kesa sa sarili niyang asawang si Imelda? Ang usapan ay unti-unting magbibitaw si Marcos habang unti-unting papasok naman si Ninoy. Kung lihim man na usapan ito ng dalawa ay maaaring nakarating sa kaalaman sa mga tunay na kaaway ni Ninoy. Tandaan niyong si Ninoy ay ka-brod ni Marcos sa fraternity. May respecto at paghanga si Marcos kay Ninoy. Isa pa, alam ni Marcos na may malubhang sakit siya at di na magtatagal. Alam din iyan ni Ninoy kaya nga bigla siyang bumalik para hindi maagaw kay Marcos ang kapangyarihan ng mga taong hindi nagmamahal sa bayan. Marami man ipinag-awayan nila ni Marcos, batid nito na si Ninoy ay may pusong makabayan. Sino ang humadlang sa ganitong usapan ng dalawa? Kung si Imelda ang nasa isip niyo, baka siya nga.
Artsee;
Ikaw ang highest sa exam natin sa Political Science,na perfect mo ang lahat ng question.Congrats!Pero hindi ka yata nag-take ng exam sa drama at wala pa akong nakitang comedy error.
Cokecoy, bilang sa paggalang sa pagkamatay ni Hesus ay wala munang comedy. Sa Easter Sunday, balik uli ang ligaya. Pero kung minsan nauubusan na ako ng comedy. Ikaw lang at si Mang Rivera ang tumatawa.
“May respecto at paghanga si Marcos kay Ninoy.”
alam mo ba kung ilang taon nakulong si ninoy at iba pang oposisyon noon?
Ikinulong si Ninoy dahil sa paglaban sa pamahalaan ni Marcos tulad ng mga nakakulong na bilanggong pulitikal ngayon sa rehimeng ni tiyanak. Walang pinagkaiba. Ang pagkaiba lang ay dumaan si Ninoy sa tamang proseso. Hindi siya pinagmalupitan ng tulad ng ginagawa ni tiyanak kina Satur, Beltran, Trillanes at mga iba pa. Sa katunayan, pinayagan siyang pumunta sa Amerika para gamutin ang kanyang sakit sa puso pero hindi siya sumunod sa usapan na bumalik. Sa Amerika, patuloy siyang naging kritiko kay Marcos at lahat na ng pag-aatake ginawa niya tama man o mali. Puwede ding gawin ito ni Erap pero hindi niya ginawa. Kapag sinabi kong may respeto at galang si Marcos kay Ninoy, iyan ay sa kanilang dalawa lang. Puwede naman may respeto ka sa kalaban mo di ba? Ganoon din si Ninoy. Sa puso niya ay may panghanga din siya kay Marcos. Inuulit ko, iba ang turingan nilang dalawa. Naipit na lang si Marcos at hindi niya basta puwedeng pakawalan si Ninoy. Si Bongbong at Imee noon mga bata pa kaya hindi puwedeng palitan si Marcos. Ang pamilya ni Marcos ay hindi interesado sa pulitika. Mga professional sila tulad ni Dr. Pacifico Marcos na isang dalubhasang doktor. Pero sa panig naman ni Imelda, diyan ang problema. Ang mga kapatid niyang tulad ni Bejo at mga kamag-anak ay mga sakim. Nagpayaman ang pamilya ni Imelda. Ang nag-abuso ay pamilya ni Imelda hindi ang kay Marcos. Pero siyempre may pananagutan din si Marcos dahil siya ang Presidente noon. Kaya lang dahil sa karamdaman niya at pakikialam ni Imelda, hindi niya hawak ang lahat ng desisyon at kapangyarihan. Noon panahon niya, may tatlong grupo: Ang isa ay tunay na Marcos loyalist ni Ver. Ang pangalawa ay grupo ni Imelda. Si Gen. Olivas na pinuno ng Metrocom noon ay isa sa mga bata niya. Ang pangatlo naman ay grupo ni Enrile na kinabibilangan nina Gringo at RAM. May malaking hidwaan ang tatlong grupong iyan. Ang tanong saan lumagay si Ramos o FVR? Wise siya noon. Nakamasid lang siya. Tumalon lang siya sa kabila at kumampi kay Enrile nang nalaman niya na malapit nang mapatalsik si Marcos. Maaaring bulong din iyan ng mga Kano. Di kaila sa inyo na isang certified na Amboy si FVR.
artsee,
maraming kamalian ang mga nasasaad sa post mo. kinulong sila ninoy at mga oposisyon dahil lamang sa pagbatikos sa mga marcos. ganun ang trabaho ng oposisyon – punahin ang mali ng nakaupo. tulad ni lacson at cayetano. at hindi lang kulong ang ginawa nila kay ninoy – solitary confinement sa isang kwarto na walang bintana.
hindi nakabalik agad si ninoy dahil ayaw siyang pabalikin, hindi dahil ayaw niyang bumalik.
“nagpayaman ang pamilya ni imelda”
ibig mong sabihin, si imelda lang ang yumaman?
hmmm…..bakit kaya ikinulong din noong idiklara ang martial law si eugenio lopez jr?
Salamat sa pagtuwid mo sa pagkakamali ko kung meroon man. Kanya-kanya pananaw sa pulitika iyan. Kaya ikinulong ang mga Lopez ay maaaring dahil sa lihim na pagsuporta sa mga kaaway ni Marcos. Alalahanin mong isang proseso ang pagtalsik kay Marcos, unti-unti. Ang pagpaslang kay Ninoy ang naging hudyat na malawakang kampanya sa pagpapatalsik kay Marcos. Kung sino man ang utak sa pagpatay sa kanya para masira ng husto si Marcos ay nagtagumpay. Ginamit ang okasyon para lalong bumaho si Marcos. Sa kasamaang palad, pati ang duguang bangkay ni Ninoy ay hindi iginalang ng mga lider ng oposisyon noon dahil ibinilad sa araw at dinisplay sa mga kalye ang kanyang bangkay na may tuyong dugo sa mukha at damit para lang lalong painitin at pagalitin ang mga tao laban kay Marcos. Balik tayo sa mga Lopez. Di ba si Fernando Lopez ang naging Bise ni Marcos? Maganda ang relation ng mga Lopez at Marcos hanggang sa sumobra yata ang pabor ng hinihingi ng mga Lopez. Noon ay medyo may problema ang Meralco at pinansial ng mga Lopez. Hindi siguro pinagbigyan kaya nag-umpisa ang ugat ng awayan. Tutoong mas nakinabang ang pamilya ni Imelda. Banggitin mo nga sa akin kung sino sa mga kamag-anak ni Marcos ang umabuso. Kay Imelda, abusado ang mga Romualdez tulad ng mga Arroyo ngayon.
kung iyan ang pananaw mo sa nangyari kay ninoy, sa tingin ko wala na tayong mapapag-usapan pa dahil taliwas ang ating pananaw. para sa iyo siguro, nararapat na ilibing si marcos sa libingan ng mga bayani. sa akin, kahit saan siya ilibing. pero para sa akin, siya pa rin ang ugat ng kasalukuyang nagyayari sa pinas. ginaya siya ni erap sa corruption at ngayon naman ay mas matindi ang nakaupo – corruption na hidden martial law pa.
Iginagalang ko din ang iyong pananaw lalo na’t isinaalang-alang kong hindi ka na pala isang Pinoy. Ni minsan ay hindi ko sinabi na walang kasalanan si Marcos. Tulad ni Erap, hindi siya Santo. Pero kumusta ang pumalit sa kanya? Naibalik kuno ang demokrasya pero walang nangyari di ba? Iyan ang napala sa pagbabagsak ng dalawang tunay na halal ng bayan. Sa pagbagsak ni Marcos, sampung taon ang atrasado. Nang bumagsak si Erap, sampung 10 din ang atrasado. At eto naman ngayon si tiyanak, baga 20 hanggang 50 taon tayong atrasado. Kawawang Pinoy. Kawawang bayan. Gaya mo, patuloy pa rin akong nag-iisip kung ano ang dapat gawin? Nasa gobyerno ba ang problema o nasa atin din bilang mga mamamayan. May kinalaman ba ang mga simbahan? May papel ba ang mga banyaga tulad ng Amerika? Bakit patuloy na lumalaki ang agwat ng mahihirap at mayayaman? Ang Pilipinas ay sagana sa tinatawag na “natural resources”. Napakaganda ang bansa. Maraming lugar ang hindi pa “developed”. Kung nagawang umasenso ang mga maliit na bansa tulad ng Korea at ngayon naman ang Vietnam na dumaan sa napakaraming digmaan, bakit hindi ang Pilipinas? Ang tanong ko ay tanong din ng nakakaraming Pilipino. Sa bandang huli, Diyos lamang ang nakakabatid sa kinabukasan ng bayan.
If and when there is a need for looking for hidden wealth unfortunately the NBI, PNP nobody in this country has the experience and integrity to conduct such a complex investigation. If this government can employ agencies from abroad for assistance in how they promote thenselves to the public then I see no reason why a reputable department of detectives of a foreign police service cannot be employed to complete the investigation. Then with their assistance set up a Police Commission without the interference of politicians. Lets use this opportunity to set-up a professional police service to control civil law & order instead of supplementing their ranks with the thuggery of the APF. Its time to get civilised!
Katulad ng sulat ni Ninoy, isa ring magandang sulat ang ginawa ni Abraham Lincoln na ipinadala niya sa teacher ng kanyang anak:
Maganda ang idea mo WWNL. Dapat may independenteng investigative body para malinis at patas ang imbestigasyon. Pero tiyak na tatahol ang mga alipores ni tiyanak na tulad nina Raul Gonzalez. Ang gagawin depensa ay “sovereignty” daw ng Pilipinas na dapat walang ibang makialam. Maganda pero malabong mangyari. Etong extra-judicial killings na lang baka walang mangyari. Kung anong init sa umpisa ang ganitong eksena, lalamig din pagtagal. Hindi ko naman nilalahat pero may ilang lokal at banyagang mga human rights advocates kuno hanggang pasikat lang sa media. Kung minsan may sarili at lihim na agenda ang mga iyan.
IF you can keep your head when all about you
Are losing theirs and blaming it on you;
If you can trust yourself when all men doubt you,
But make allowances for their doubting too;
If you can wait but not be tired by waiting,
Or being lied about, don’t deal in lies,
Or being hated, don’t give way to hating,
And yet don’t don’t look too good, nor talk too wise.
If you can dream – and not make dreams your master;
If you can think – and not make thoughts your aim;
If you can meet with Triumph and Distaster
And treat those two imposters just the same.
IF you can bear to hear the truth you’ve spoken
Twisted by knaves to make a trap for fools,
Or watch the things you gave your life to, broken,
And stoop and build ’em up with worn-out tools;
If you can make one heap of all your winnings
And risk it on one turn of pitch-and-toss.
And lose, and start again at your beginnings
And never breathe a word about your loss
If you can force your heart and nerve and sinew
To serve your turn long after they are gone,
And so hold on when there is nothing in you
Except the Will which says to them “Hold on!”
If you can talk with crowds and keep your virtue,
Or walk with kings – nor lose the common touch,
If neither foes nor living friends can hurt you,
If all men count with you, but none too much;
If you can fill the unforgiving minute
With sixty seconds’ worth of distance run
Yours is the Earth and everything that’s in it,
And – which is more – you’ll be a Man, my son!
Rudyard Kipling – British Poet (Died 18th January 1936)
WWNL, this is one of my favorite poems.
artsee,
titigil na sana ako, pero hindi ko masakyan ang pananaw mo. si marcos ay dapat 8 taon lang, kaya pagkatapos ng 8 taon, skwater na rin siya sa malakanyang. noong naupo si marcos, ang palitan ng isang dolyar ay 2 pesos. at nang siya ay tumakbo sa hawaii, ang kanser ng pilipinas ay naiwan. nanatili ang mga corrupt officials, mga corrupt at berdugong militar. hanggang ngayon sa panahon ni gloria ay nandiyan pa rin sila. patalsikin man si gloria, ang kanser ay talamak na. tama ang sinabi sa itaas na sa isang masama, may isang mabuti. pero sa pinoy, kung may isang masama at may isang mabuti, panalo pa rin ang masama dahil nasa kanila ang pera. ang mga mabuti naman ay naghihirap at nagsisikap. kaya kung ang sukatan ng kabutihan ay pera, bakit lahat ng politiko sa pilipinas, yumayaman? subaybayan ninyo ang mga negosyo nila, lahat pangsarili lamang, walang para sa bayan.
Here’s one from Ren on the bogus partylists. How can this be if the COMELEC is really doing its duties and responsibilities. This agency should be abolished especially when you have someone bragging that he can now produce 9M votes versus the 1M he produced in 2004 to make the criminal at the palace by the murky river declare herself winner even with the help of that Mr. Noted guy who was erroneously suggested to Binay to include in the GO. Buti na lang malakas ang sigaw ng mga supporters ng GO na i-kick out, at siya na rin ang umalis nang makitang walang pera mananakaw sa GO!
Read More on Bogus Party List ….. at Pedestrian Observer
pedestrianobserver.blogspot.com/2007/04/more-on-bogus-party-list.html
Sabi ng pinsan ko bawal pa raw ang mag-campaign daw for the GO pero iyong mga TUTA ni Pandak arya na ng arya. Dini-delay pa ang pag-announce daw ng partylist para malutong makaw iyong balak nilang ideklarang disqualified. Tapos isisingit ang mga bayaran ni Tiyanak.
Isipin na lang ang laking pera winawaldas ng kumag na iyan. Papaupuin kahit na iyong mga walang ibubuga, marunong lang magnakaw! Yuck! Wala na bang katapusan?
Pasingit. Para sa mga boboto sa bikol especially, remember this:
We have just posted the video, HUSTISYA! produced by Karapatan-Bicol and Bicol Xpress. Please visit http://www.arkibongbayan.org, or go to:
http://www.arkibongbayan.org/2007-04April05-HustisyaVideo/hustisyavideo.htm
Ellen:
Short story about the Poem IF.
I was eighteen years old training to be an engineer and at a stage which was one to one on-job tuition. My Engineer tutor, an old quiet man was an agnostic. A clever Engineer but a rough diamond and saw that I was having a difficult time in my own personal life. He presented to me a printed version of the Poem If. I was soon to learn that a rough diamond or not he lived his life by every word of this Poem If.
Beautiful, wwnl.
puwede sigurong isingit ito:
GO demands baring of 45-M voters’ list
04/04/2007
Genuine Opposition (GO) senatorial bets yesterday called for the baring by the Commission on Elections (Comelec) of the over 45 million strong voters’ list, representing some 53 percent of the country’s total population, saying not just the number of voters should be announced, but more important, the names of the more than 45 million registered voters for the mid-term elections should be identified and made public, to ensure transparency and clean elections.
The baring of the names of the voters in the Comelec list can then be verified and scrutinized by the public, which will then also provide the electorate the opportunity to check whether the individuals listed in the roster are correctly drawn, exist, are dead, or are ghost voters.
Senatorial aspirant Francis “Chiz” Escudero led the GO pack as he stated that the poll body should reveal the actual names of the voters that were registered in its official list.
He said merely stating there are more than 45 million registered voters is not enough.
http://www.tribune.net.ph/headlines/20070404hed1.html
Sino pa kaya ang makikipaglaban para sa bayan ng TUNAY tulad ng ginawa ni Ninoy? Wala na siguro makakatulad pa———-isa lang ang aking nadarama na si Mr. Sonny Trillanes lamang ang magiging TUNAY na makikipaglaban para sa bayan, tulad ni Ninoy. Kaya wag natin palampasin ang pagkakataon na ito na ihalal sya sa senado, numero uno sa amin dito si Trillanes. Of course kilala naman natin si Sen. Lacson wala kaduda-duda na para sa bayan si Sen Lacson, at hindi natin pwede kalimutan ang mga ginawa ni Cong. Cayetano sa pakikipaglaban kay Jose Pidal. Sila ang mga tao na may karapatan maging senador–GO ako solid! Yong iba GO candidates yeah meron sila nagawa sa pakikipaglaban kay Mr.& Mrs. Jose Pidal, pero passing mark lang, meron dyan nakipaglaban pero naudlot, meron dyan na balimbing at yong iba di masyado kilala, pero GO kami rito.
Paquito: Wala na siguro makakatulad pa———-isa lang ang aking nadarama na si Mr. Sonny Trillanes lamang ang magiging TUNAY na makikipaglaban para sa bayan
*****
Huwag na si Ninoy. Ihahambing ko na lang si Sonny kay Jerry Rawlings ng Ghana, who first appeared on the Ghanaian political scene on May 15, 1979 when an unsuccesful coup d’état he led resulted in his arrest, imprisonment, and a death sentence. He was saved by another coup and then became president of Ghana, and led it for 20 years ala-Lee Kuan Yew of Singapore. He resigned after 20 years to give way to the democratic government that was the purpose of what he did in 20 years. Now Ghana is a progressive country, a kind of oasis in the African desert.
Tunay kasi siya di tulad ni Tiyanak na para lang magtapalani at magnakaw kaya umupo!
artsee: Ang dahilan kung bakit wala ng magalinng o matinong lider/politiko na pumalit kay marcos ay dahil napakagaling ng ginawa nyang pag neutralized sa oposisyon nuon. Henyo talaga si marcos. Yun ang isang balakid na hinarap ni cory nuon, namana nya ang mga corrupt na politiko na produkto ng pamumuno ni marcos. Sana nagkaroon nalang ng civil war noong 1986, baka nasa magandang kalagayan na ang Pilipinas ngayon.
nelsy:
Dapat ay kanawin ang anumang impluwensya na naitanim ni Marcos sa mga institusyon sa Pilipinas.
Mas makakabuti na mabigyan ng pagkakataon na maiangat ang kamalayan ng bawat Pilipino na kung bakit hindi nire-respeto sa bansa ang kagustuhan ng sambayanan bagkus ito’y nilalapastangan pa ng iilan.
Ang handle mong Nelsy ay maaaring galing sa pangalan Nelson Sy. Welcome sa blog. Bago ka yata dito. Ako na ang bahala sa membership fee mo. Bayad na kayong lahat maliban sa dalawa, Benigno at Antonio Iskalia. Magaling ba si Marcos at na-neutralize niya ang oposisyon? Hindi ba iyan ang ginagaya ni tiyanak ngayon ay higit pa? Hindi ako sang-ayon sa paratang mo kay Marcos. Kung talagang mahigpit si Marcos noon sa oposisyon, hindi na malayang nakakapag-rally ang maraming grupong kontra sa kanya lalo na ang grupo ni Cory pagkatapos napaslang si Ninoy. Sinunod niya ang gusto ni Gen. Ver na atakehin ang Edsa. Ganoon din si Erap. Naging mahigpit ba si Erap sa oposisyon? Kung hindi niya pinayagan mag-rally ang mga kaaway na kinabibilangan ng mga pari at makaliwa ay hindi siya babagsak ng ganoon na lang. Alam mo ba sa mga huling sandali ay naghihintay ang kanyang security at Presidential Guards na paputukan ang mga lumalapit na mga kaaway sa Malacanang pero hindi pumayag si Erap. Si Erap at si Marcos ay magkatulad. Sa labas na anyo at imahe ay matigas at malupit pero malalambot ang mga puso nila. Samantalang sina Cory at Gloria ay mga babae na akala mo mga santa at mababait pero paano nila tinatro ang mga tao at oposisyon. Kung si Cory ay hindi pa sinagot ang Mendiola Massacre, ito naman si tiyanak ay mas marami pang atraso. Ang masasabi ko lang ay pareho silang masasama lahat. Ang pagkaiba lang ay kung ano ang nakita niyo kay Erap at Marcos, iyon na iyon…sila.
Pasensiya na mali-mali ang type ko. Kumakain kasi ako ng chocolate ngayon. Kadalasan may taga-type ako kaya lang nagbakasyon itong Easter. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko sa mga sulat ko. Ang ibig kong sabihin sa sulat ko sa itaas ay “HINDI sinunod ni Marcos si Ver.”
Sniff..sniff..kakaiyak naman yung sulat..
“Live w/ honour & follow your conscience.”
These words should not only be in hearts of a true leader or a hero. These words should be in every Filipinos’ heart.
Maybe its all our fault. We took too many things for granted & didn’t care more. We forgot the basics – “Live w/ honour & follow your conscience.”
Let’s GO vote for our conscience. Let’s vote for those who “live w/ honour”.
May 14, 2007 may be our last chance.