Sa panahon ngayon na para ka magiging senador ay kailangan kang gumastos ng P250 milyon (pinakamababa) hanggang P500 milyon para manalo, mayroon din namang mga kandidato na hindi sumusunod sa ganitong malaking kahibangan.
Dapat naman talaga ganun. Kasi naman common sense lang, bakit ka naman gagastos ng ganyan kalaking pera sa kampanya lang para magiging senador na ang sueldo lang ay P40,000 a month lang yata.
Ang malaking gastos sa kampanya ay siyang ugat ng talamak na kurakutan sa pamahalaan. Kasi naman, saan ba naman babawiin ng mga kandidato na yan an ang kanilang gastos, di sa kaban ng bayan?
Ang partido ng Kapatiran o brotherhood ay may tatlong kandidato: sina Adrian Sison, isang abogado at aktibo sa pagsulong ng maayos na pamamalakad ng pamahalaan noon pa; Zosimo Paredes, dating executive director ng Visiting Forces Agreement na nag-resign nang tinutulungan ng ating sariling mga opisyal na alisin si Cpl Daniel Smith, ang Amerikanong akusado ng rape sa Subic; at si Martin Bautista isang Balikbayan na doctor (gastroenterologist) na nagdesisyon na igugol ang biyaya sa kanyang ng Panginoon na dunong at talento sa mga kababayan sa halip na mamuhay ng masagana sa Amerika.
Ang progama ng Kapatiran ay nakabase sa sampung 10 ethical principles: Belief in God ;Respect for life and human dignity; Strengthening of the family; Community participation; Basic rights and responsibilities; Preferential option for the poor and the vulnerable; Dignity of work and rights of workers; Care for nature as God’s creation;
Peace and active nonviolence ; Solidarity; at commitment to the common good.
Ang Kapatiran ay naninindigan sa moralidad at hindi kung ano lang ang madali sa pulitika. Mas tumutoon sila sa panganga-ilangan ng mahihirap kaysa sa interes ng mayayaman, mas binibigyan nila ng kahalagaan ang panganga-ilangan ng karamihan kaysa yung interes ng kakaunting mayayaman, at gusto nilang isulong ang kultura ng buhay kaysa yung kultura ng kamatayan.
Hindi madali isulong ang ganitong programa ngayon na ang pinapa-iral ng nasa kapangyarihan at padamihan ng pera. Nakita naman natin sa TV commercials ng mga kandidato na yung mga sinungaling, mandaraya, magnanakaw at mga mamatay-tao ay ipini-presenta na mabait. Hindi katotohanan ang ibinebenta sa publiko.
Alam ng marami ang aking sentimyento sa pulitika. Ayaw ko ng kasinungalingan at ng lokohan. Kaya ayaw ko si Gloria Arroyo at ng mga kampon. Kaya ako sumusuporta sa maraming kandidato ng oposisyon.
Labin-dalawa ang kailangan nating bagong senador. Sinabi ni Bill Luz ng Makati Business Club at Namfrel na kailangan raw punuin ang 12 slots sa balota dahil kung hindi, lalagyan yan ng mga nasa-presinto ng mga pangalan ng mga nagbayad sa kanila.
Kung naniniwala kayo sa programa ng Kapatiran, idagdag nyo ang pangalan ni Martin Bautista, Zosimo Paredes at Adrian Sison sa listahan ng mga oposisyon na inyong bototohin.
For more about Kapatiran Party, check out www.angkapatiran.org.
sa kasalukuyan, 11 GO senatoriables ako…+1. uulitin ko lang ang nasabi ko dati:
my +1…
dr. martin bautista (a classmate of my doctor-friend). i hope ellen’s readers will consider this crusading guy. imagine…giving up the American dream for a chance at a senate post? that would really be a big sacrifice on his part.
If a candidate will spend a hundred millions of his own money or that of his backers to win a seat in the Senate or the House, somehow he has to get back all the expense plus a very handsome profit on top. And the question is; why is it allowed? Or if it is not allowed, why the limits for personal expense not enforced? Are the authorities, the Electoral Body that impotent, so incapable to enforce their mandate? We can only ask questions. Someone got the answers.
If money is the issue, Miss Belinda Stronach would be next PM of Canada. The billionaire heiress, can not even contribute more than $5000 to her own leadership campaign and being young and new in politics can not even mount a successful leadership campaign, but if money could talk, it would have been a cake walk for her. And it is also the same Maximum that anyone of us can contribute to our candidates or our party. And mind you majority don’t even bother. So our candidates has to walk miles and miles, door to door to connect to the voters. Bodyguards, nope. Free helicopters, in your dreams. That why only leaders are doing the campaigning, campaign funds are hard to raise, my party begging even for just a $100. for the upcoming one..
Baycas
Alang-alang sa iyo, nakahanda akong isama si Dr. Martin Bautista para kumpleto ang aking 12 candidates for senator.
Magaling sana at maganda ang hangarin ni Dr. Martin Bautista pero mahihirapan pa rin siya to gain nationwide acceptance, given a short notice of his candidacy. Sana, ang kanyang kandidatura ay magbigay daan upang maisip naman ng iba na ang may qualifications katulad ni Dr. Bautista ang siyang dapat maging kandidato.
Ellen and Baycas,
Martin Bautista, Zosimo Paredes at Adrian Sison, nasa listahan ko sila.
OK na OK sa amin ang mga taong ito!
off-topic:
Comelec accredited “Biyaheng Pinoy” party-list.
Sobra na si Mr. Abalos dito ang bilis na accredited itong party list dahil ang nominee dito ay ang kanyang kapatid na si Dr. Abalos at ang nakakatawa itong biyaheng pinoy ay para sa mga tricyle driver ng Mandaluyong..
Pakibasa na lang article sa inquirer.net
http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view_article.php?article_id=57085
Talaga naman conflict of interest dahil dapat ang comelec chairman walang kamaganak na tumatakbo..
Araw ng provincial elections dito sa Quebec. Ang headline sa newspaper: THE VOTE: NOW IT’S UP TO YOU.
Tama ang sinabi ni Vic, who I understand is in Toronto area, na limitado ang campaign expenses ng mga kandidato. Campaign funds are being solicited from the public thru newspaper ads. Sa aking pagkaalam, sa Quebec province lamang ang election ngayon. Issues at qualifications ng mga kandidato ang pinaguusapan. It is business as usual dahil hindi declared official holiday ang araw na ito.
sleepless, election in Canada is always on a Monday and never a holiday, otherwise people will be out of town an would not be voting.
Polls are predicting a Minority Governemnt over in Quebec. First time in 130 years. Good luck to all you good people there and whoever wins, be a part of Canada forever…
I don’t agree with a party list system and I will never vote for them. It is confusing for our voters who they are and what are their agenda, they are difficult to understand and it require more voter education and information, even myself I don’t understand what are their existence in the political arena.
Pampagulo lang iyan mga Party System na iyan. They don’t represent the constituent in their district, but, a party where they belong.Pati na nga ang mga kriminal at nabilango dahil gumawa ng mga krimen ay nagpaparty system na rin.Pati si Lambino may party system na rin.Mamaya ay labo-labo na sa senado at kongreso dahil sa mga party system na iyan.
Bakit di na lang sila magkaisa.That system will lead to a legislative gridlock and consequent inability to carry out coherent policies. Coherent decision making can be impended in split desicions, because a party system will only represent the interest of the groups and not the majority.
Isang magandang halimbawa ang ginawa ni Dr. Martin Bautista. Iniwan ang America kung saan siya naninirahan ng matagal at nakilahok sa halalan. Ang ibig sahihin nito, naniniwala pa rin siya sa kakayahan ng mga Pinoy at pinahahalagahan niya ang pagiging Pilipino.
Hindi siya katulad ni BENIGNO na puro paninira at pag-aglahi sa lahing Pilipino sa kasukdulang tawaging aso ang Pinoy.
Vic and Sleepless,
Winners in Quebec elections are sure voted by the people. Kakaiinggit kayo sa Canada!
Ma’m Chi
Pinoy pa rin po ako at hindi botante ng Canada. Malaking bagay na sa aming kabuhayan ang pamasahe kong $1600 pauwi sa Pinas pero hindi ko alintana makaboto lang (kay Trillanes at GO candidates) at maikampanya kahit ilang boto para makatulong hubaran na ng kapangyarihan ang pekeng pangulo na idolo ni Benigno na ang pagtingin sa Pinoy ay aso.
Off-topic, sa latest survey ng Inquirer, leading ang GO at ayon sa kanilang analysis, baka dalawa lang TU ang makalusot. Si Cesar Montano naman, gustong tularan si Abraham Lincoln na natalo muna ng ilang beses bago naging presidente. Ibig sabihin, aminado na siyang lagapak ngayon. Dapat umatras na.
Sleepless,
At least ikaw ay nandiyan at alam mo ang kahalagahan ng walang dayang botohan. Mabuti rin ang tayo ay nakakalabas ng bansang Pinas at nakikita natin ang kaibhan ng ating bansang sinilangan sa mga tinatawag na enlightened countries.
Sige, ipapanalo natin si Trillanes sa Mayo at ng tayo naman ang protektahan ng military at hindi ang Tianak.
cocoy,
Ang Kapatiran is not a party-list. The party-list is a lot better than most representatives in congress, kaya nga may mga party-list na ino-organisa ng administrasyon at mga kapon nito. Alam nila na mas malakas at mas nakaka-relate ang tao sa mga party-list. Remember, the party-lists are nationally elected. They represent a bigger number of constituents and have a national agenda. Mas mabuti pa nga ang party-list system dahil hindi sila mga landlord at warlord na bumubuo sa malaking bahagi ng kongreso. The party-list is a big threat to the lower house.
schumey,
My niece, a reliable source, was saying that the Tianak is buying all the party-lists that she can get hold of, grabe daw ang bilihan talaga! Ganyan katindi ang threat ng partlist sa power ni Tianak! Mas marami siyang mabibili, mas safe siya sa lower house!
Comelec Chairman Abalos should resign from his position for allowing his Brother Dr. Abalos party list.
I encourage you to read this article:
http://www.inquirer.net/specialfeatures/eleksyon2007/view.php?article=20070327-57178
Sobra na dapat no Comelec Chairman should hold position if any of his relatives are running..conflict of interest na ito. Sino pa ang lalaban sa Anak niya at ang bilis naman accredited agad ang party list ni Dr.Abalos samantalang di naman siya Tricyle Driver. Ano naman kaya ang isusulong ng party list ng tricyle drivers, dapat local ordinance lang naman magiging issue nila.
please read:
http://www.inquirer.net/specialfeatures/eleksyon2007/view.php?article=20070327-57178
Sobra na itong si Abalos basta advantage ng Gov’t accredited agad sa kanya…Conflict of interest na ito allowing his Brother Dr.Abalos to represent Biyaheng pinoy party list.. mga tricyle driver ito ng mandaluyong at hindi ko alam kung anong gagawin nila sa Congress samantalang local ordinance lang naman ang kailangan nila. Doon pa lang sa anak niyang Congressman conflict of interest na…naiinis talaga ako dahil yun FPJPM movement disqualified pero pagdating sa kapatid niya accredited.
Please visit inquirer eleksyon 2007 about Abalos brother leads group of tricyle drivers..accredited sila bilang party-list.
Yes, Ellen, I agree. I like the Kapatiran candidates. They’re a breath of fresh air.
If the three Kapatiran candidates make it to the Senate this elections, more candidates like them will be encouraged to run in the next elections. And who knows, in the long run we may just get this kind of quality candidates we truly deserve.
Jojovela and Shumey;
Iyan nga ang sinasabi ko sa mga partylist na iyan,lahat na ng assosasyon ay gustong maging tongressman,pati na mga tricycle driver ay mayroon na,pati mga serbedora at mga kubrador at kargador tongressman na rin.Ang mangyayari riyan ay labo-labo na.Ang mahirap pa riyan na kung ang isang member ay di napasama sa kandidaura,kakalas iyan sa grupo at magtayo ng panibago at siya ang kakandidato.
Lahat ng kandidato,paniniwala nila ay mananalo sila,lahat iyan pag nangumpanya ay ang paglilingkod sa bayan.Pag nanalo ang mga iyan NUNGKA! deposito sa bangko ang unang nasa utak ng mga iyan.
Dapat iyang mga iyan ay alisan silang lahat ng pork barrel at d;yan na natin makikita kung sino talaga ang maglilingkod sa baya.
Napatawa na lang ako ng marinig ko ang isang party list kandidate,ang party list daw ay para maglingkod sa mahihirap.Ibig ba niyang sabihin na iyong ibinoto naming kongressman sa distrito namin ay naglilingkod iyon sa mayayaman lang.Mayroon na ngang kongressman sa distrito ay mayroon pang party list kongressman,Ano ba yan? labo-labo na ang mga kurakot.
off topic but may be relevant election news:
Results of Election in the Province of Quebec are in:
Liberal Government was returned with minority government:
Liberal 47 seats; Action Democratique Quebec 40 seats; Parti Quebecois(separatist)38 seats: Majority needs to win 63 seats. Now to govern, the Liberal needs the support of any of the party or both party in passing major bills, otherwise another election anytime the government lose the confidence of the House…
About these 3 Kapatiran candidate,Paredes,Sison and Bautista.I am still thinking about it kasi mahirap mangako,baka umasa pa sila.Pag-aaralan muna tutal marami pa namang panahon para magdecide.May bakante pang 6 sa listahan.
Ang labanan dito sa election na ito ay kung papano mapahinto ang katarantaduhang pamamalakad sa gobyerno ni Gloria.Pag natuloy ang balak niya,kiss goodbye na ang demokrasya.
cocoy:
I agree with you. Hindi ko malaman kung bakit ang tricyle driver association (Dr. Abalos) ay kailangan magkaroon ng kinatawan sa Congress samantalang ang kailangan lang naman nila ay City ordinance kung saan tamang lugar ang kanilang ronda. Una sa lahat dapat ang isang comelec chairman ay magbitiw kung ang anak o sino man kamag-anak ay tumatakbo sa halalan dahil ito ay maliwanag na “conflict of interest”.
Jojovela;
Dapat dyan sa Dr.Abalos na iyan ay mamasada muna siya ng tricycle bago siya maginf member ng asong sasyon.Tapos kakandidato siya ng presidente nila para mapatunayang lihitimong tricycle driver nga siya.
Mayroon akong alam naging presidente ng mga bulag at bingi samantalang hindi naman siya bulag at bingi.may kaya lang.
Pag naging member o opisyal ka ng asosasyon nila kailangan kasama at katulad ka nila.
yung Arsenio Abalos ay tumakbo rin na Mayor ng Mandaluyong yan noong 2004.
Sa pag-aakala kasi na ang mga botante ng Mandaluyong ay kapag may nakitang poster na anak na si Benhur(anak ni Comelec Chairman) ay Mayor pa din ang tinatakbo.
Kaya pasok naman sa karera ng pagka-Mayor itong si Arsenio.
Pero si Boyet Gonzales na anak ni Neptali Gonzales(Senate President noong panahon ni FVR at dating Justice Minister ni Cory), ang nanalo.
sa sarili kong pananaw, laos na ang mga ganitong istrok!
Mas magandang legacy na maiiwan sa mga nasasakupan mo ay kung papaano maiaangat ang kamalayan ng bawat mamamayan at maging responsableng residente ng nasabing bayan!
Nitong 2004-2007, nagpalit lang ng pwesto sina Benhur at Boyet.
Para din na nasa probinsya!
Hindi nakakapagtaka kung bakit walang imik ang mga taga Mandaluyong kapag may biruan na …
“saan ka sa Mandaluyong, Sa LOOB o sa LABAS?”
Basta sabi nga ni Francis M :
“Mga Kababayan ko, ako ay Pilipino!”
It’s 11:450pm here and the Quebec provincial elections is almost over. Sa oras na ito, ang mga kandidato ng ruling Liberal Party (48 winners)is leading a small margin over the Action Democratique Quebec (41 winners) followed by Parti Quebecois (36 winners). Not official pa ang number of winners but it is likely, it will be a minority government for the Liberal Party.
First time ko lang naranasan ang eleksiyon dito at ganito ang sistema sa Parliamentary system dito. Mang Vic of Toronto, please correct me if I’m wrong.
The province is composed of ridings (equivalent to congressional district sa atin)at ang mananalong kandidato ay uupo sa National Assembly. Ang partidong may pinakamaraming nanalong siyang hahawak ng provincial administration at ang elected party leader ang siyang Premier.
Malinis at mabilis and resulta ng election.
baycas:
narinig mo na ba si Ayaan Hirsi Ali?
sayang si Dr.Bautista, sana duon na lang sya sa Amerika tumakbo kung serbisyo publiko din naman ang pag-uusapan.
subukan nyang mangako na magbibigay ng VISA at kung papaano mapapadali na makakuha ng Green Card, sigurado na tataas ang rating nya sa survey.
Bilib na sana ako sa kanya nang lumabas sya sa show ng PALABAN(gma 7, late night show every wednesday, Manila time), at nakasama niya sina Alan Cayetano at Prospero Pichay.
Sinabi nya na: “Huwag kayong matatakot sa TRAPO!” , sabay tingin sa katabi nya na si Butch at himas sa likod nito(at napangiti o tawa).
ano ang ibig sabihin nito?
your guess is good as mine …
sleepless, you are right. The Liberal government of Jean Charest was returned from Majority to Minority with the new Party Action Democratique du Quebec, which prior to this election is not even an accredited parti for failing to win at least l2 seats beforre this election, the official opposition and the Separatist PQ holding the balance of the Minority. The title for provincial head is called Premier while the Federal is called Prime Minister and the leader of the Party who won the most number of seats is the head of the Government even if he or she failed to win a seat. The Business in the house is handled by the deputy leader, until a by election (usually a member will vacate a safe seat for a leader to contest)is called and the leader wins a seat. The mandate is 5 years (usually election is called in four years) but a minority government could lose the House confidence on major bills or on the motion of the oppositions and the house is dissolved and election is called. It is not much of a hussle because the campaign period is only a month or the maximum of 45 days and the campaign expense is nothing compared to that of the Philippines Election even if converted to the currencies. A party is only allowed to spend 70cents for each voter in campaign expense, not even enough for a cup of coffee. And canddidates are allowed to spend not more $3 for each voter and most expense are re-imbursed by the government, so eveyone has funds for the next elecion…
Many years ago, Orly Mercado explained to me in simplistic terms how one politician like him could NOT HELP but me corrupted. He told me of the money that needed to be raised to get elected especially when you do not have similar breaks that he had as a TV personality, especially in his case with a TV program on charity that gave him the image of an honest to goodness philanthropist even when in reality he could not afford to be one.
He talked of those who had to sell or loan a lot of their personal belongings and then try get them back when they get elected. Since the salary is not enough to pay loans, etc., they have no other recourse but to accept “donations” even in the form of bribes, etc. Then, when the money starts coming in, then corruption also begins.
As a former member of our church, I thought he would be able to resist such temptation. Apparently, he could not especially after he left our fold.
It surely will not happen to me, though. For one thing, I am a full-tithe payer and any dirty money I get, I know I cannot offer 10 percent of it to God, so I may just as well decline it. Unfortunately, thereis not even one single member of our church in active politics in the Philippines. God must have been preventing them from getting into it and suffer the temptations to be corrupt.
What’s this I am hearing that the Kapatiran candidates are asking for Mike Velarde’s endorsement? Para silang kumausap kay Lucifer to ask God to help them!
Doon na lang ako sa subok na ang kakayahan as partylist reps! Mahirap itong mga kunyari may puso sa mga mahihirap, pero wala naman!
Bagaman malaki ang kailangan para sa kampanya….
hindi ba kayo nagtataka bakit napakarami ang guston mag-SILBI” bilang “PUBLIC SERVANT”?
MALAKI kasi ang balik kapag nasa poder na!
Sa totoong buhay, napakarami ng deserving at may Puso Para Sa Bayan, pero hindi makatakbo, dahil walang makinaryang kagaya nila…walang jueteng money at “tulong” o endorso ng mga may vested interests.
cocoy:
pareng cocoy, kaisa mo ako dyan….. pera pera lang yan… ano na nga bang proyekto meron ang mga yan para paglaanan ng pork barrel nilang milyones ang halaga?….. subokan kayang tanggalin lahat ang pork barrel at ang matatanggap nila ay sahod lang…. tingnan lang natin kung marami pa rin ba ang magkukumahog tumakbo para sa pwestong yan….
ystakei:
ang balita sa mga TV news ay 18 ang kandidatong nasa listahan ng grupo ni Mike Velarde.
samantalang sa headline news naman ng inquirer ay “7 fighting for last 4 slots in Magic 12”.
ibig sabihin nito ay may 6 na linggo pa bago ang May 14, para magkaroon ng isa pang pag-luluto.
Dahil ang unang 8 sa listahan ng national election para sa pagka-senador ay nakalatag na!
Aprobado na lang ng international community ang kailangan.
Iyong natitirang 4 ay ibinu-broker pa, kung sino ang may mas mataas na suhol para makapasok sa “MINADYIK TWELB”
Ang eleksyon sa Pilipinas ay isa daw pagpapatunay ng demokrasya halaw mula sa mga kanlurang bansa.
Samantalang ang totoong nangyayari dito sa bansa ay ‘kung ano ang inendorso ng mga grupo’ na kliyente naman ng mga naglalakihang negosyo at mga multi-national na korapsyon este korporasyon pala!
sad but true!
Filipinos talk of their country being democratic and why the hate campaign now against the so-called “Communists” but what a lousy democracy they surely have there when the deserving or those who really want to run and serve their country to the best of their abilities cannot run because they have no money especially money from the country’s treasury like the money the Pidals siphon to finance the candidacy of those they handpick to help them cheat!
I’m surely not impressed.
Now, we’ll see how someone with nothing to boast of/for but love of country and desire to serve his country and people can win an election with supporters campaigning on his behalf even without his physical presence and giving their time, resources, etc. to insure that he can win and prove that money is not everything.
Yes, Trillanes is a precedent. He will be able to prove that “If there is a will, there is a way!” This guy cannot lose, and that is a fact!!!
If they cannot allow the Bayan Muna, etc. partylist groups to run and prove that even the Communists know what democracy is all about, then Filipinos should stop saying that their is a democracy.
Democracy, contrary to what the Tiyanak and her lackeys believe, is a government FOR, OF and BY the people, and it is govern by free choice, not something imposed like what she does as she tries the same trick she did in the last election with the help of that creep called Garcillano, who is definitely another kapalmuks. Now, they even resort to tsismis!!!
In a true democracy as in Japan, people have a free choice even to be a Communist or a Socialist. Otherwise, it is just another totalitarian regime.
ystakei:
lagi mong pinagbibida ang Japan kasi nandiyan ka, sabagay ok lang totoo namang maayos ang kanilang pamamalakad sa kanilang pamahalaan. pero ang dali mo namang makalimot… ilan kaya sa mga ninuno mo ang kinatay ng mga sakang na yan…. sa Japan ba ay nag-aarmas ang mga communist at socialist parties?
democracy is freedom…. yet you can never please everyone… as there were always anti and pros…
ah oo nga pala ano, hindi lang naman pala politika ang marumi sa Pilipinas dahil sa tingin ng mga sakang na hapon na yan ay isang basurahan ang buong kapuloan. yun naman ang dahilan diba kung bakit ini-export ang kanilang mga basura at kung ano-anong pang klase ng dumi at tinambak sa Pilipinas. kawawa naman talaga…. tsk tsk tsk marumi na nga dinagdagan pa…
alegadown,
kasi nga pumapayag ang mga Penoy sa pangunguna ni Gloria Pidal na tapunan ng mga basura ang buong kapuloan ng Isla ng Pilipinas.
pati nga ang mga dumi at basura ng kanluraning bansa ay tinatanggap nito!
tingnan mo ang polisiyang pang-ekonomiya nito, hindi ba’t puro lang pangongopya at paninilbihan sa mga bansa sa West ang alam nito?
Huwag kang magtaka kung bakit ang mga namumuno ay panay basura ang nasa isip nito!
saan ka nakakita na ang isyu sa modern day slavery ay ipinagmamalaki nito?
na ang talento ng mga kabataan ay sinusukat lamang sa pagkanta at pagsayaw?
na ang isyung panlipunan ay mas ibinabasura pa kaysa sa Big Brother TV show?
onli inda island of the penoy!
inang mahabagin, kailan pa kaya matugonan ang problemang ito? masakit mang isipin na sobrang nasayang po ang pinag-aralan ng ibang mga kababayan nating Pinoy dahil sa modern day slavery na yan para maging katulong lang ng mga banyaga. di nga naman natin sila masisisi eh gayung napakaliit nga naman ng kanilang sahod sa pagtuturo? ang mga inatasan sa pagpapayabong ng edukasyon ay inaanay na rin dahil sa kakurakotan. papano na kaya ang susunod na henerasyon? sabagay hindi nakakapagtataka na mangunguna sa larangan ng edukasyon ang Singapore, papano nga ba’t mga teacher yata ang kanilang mga yaya? tsk tsk tsk… may natitira pa kayang pag-asa gayong ang mga nakapwesto ay walang ibang alam kundi ang magkapera? kaya naman masyadong maiinit ang politika dahil lang sa pera…pera …at pera pa..
Re Nelbar’s “saan ka nakakita na ang isyu sa modern day slavery ay ipinagmamalaki nito?”
Excellent point! I’ve said pretty much the same thing – anywhere else in the world, any leader who proposes to export the citizens of his/her country to find jobs even in uncharterred waters and unknown territories because there are no jobs back home, WILL FALL IN DISGRACE but not this tianak.
Hayan anna!
sana maipaliwanag mo dito si Ayaan Hirsi Ali na miyembro ng Tweede Kamer (the Lower House of the States-General of the Netherlands).
Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw ko na makialam ang mga NAGPAPANGGAP NG MGA LITTLE BROWN AMERICANS dito sa bansang Pilipinas.
Bakit hindi sila duon tumakbo sa kanilang lugar na pinag-self-exile(an) kuno, para makita talaga ang galing nila!
Sa pagkaka-alam ko, may mga Pinoy na naging public official sa iba’t ibang dako ng Amerika.
Isa na dito na ang apelyido ay CAYETANO.
Sorry Nelbar, wala akong alam diyan sa “Ayaan Hirsi Ali na miyembro ng Tweede Kamer (the Lower House of the States-General of the Netherlands).”
Tanong mo kay GDSC after all he seems to be all knowing…
nabasa ko lang yan sa wikipedia.
ito ay may patungkol sa Dutch Politics.
Sa palagay ko, itong TUTA , ay ideya na kinuha sa slogan ng koalisyong gobyerno ni Prime Minister Balkenende ng Holland.
tungkol naman kay GDSC, alam kong matagal nang tambay yan dito sa blog ni Ellen. Ayan ang mga originals dito.
Na mi-miss ko na nga rin ang mga opinyon ni Mr.Ambassador.
natural lang yan sa mga nagsusulong ng disenteng opinyon.
hindi tulad ng isang bastos dito na walang galang sa kagustuhan ng nakararami.
paiba-iba ng maskara at elitist democrazy pala ang isinusulong!
sabihin ba naman na maka-fpj at erap daw ako eh samantalang ginagalang ko lang naman ang boses ng nakararami.
nandadamay daw ako? eh samantalang siya ang “kyupid”.
hay naku! mai-adjust na nga itong frequency ko sa Ku band, para makasagap ako ng balita habang nakasakay ako sa PAL.
Nelbar,
Si Mr Ambassador ay columnist na ng Malaya!
K, folks, am off and running… ciao!
oi! syangapala, kagagi ng nakikinig ako sa AM radio ay mukhang na-JAM ang frequency signal nito.
Alam nyo naman dito sa bansang ipinangalan sa dating hari ng España, kapag nagsasabi ng totoo ay pinipigilan!
quarter to 11 ito nangyari kagabi!
nelbar, alegadown, kaya itinatambak sa pinas ang mga basura ng pondyaps ay dahil sa pinayagan ng ating kagalanggalang at mabunying pangulo kapalit ng ayudang pangkabuhayan upang lalong sumulong ang ating ekonomiya.
hindi nga ba’t patuloy ang pagtaas ng bilang ng nagkakaroon ng hanapbuhay? kasinungalingan lamang ang sinasabi ng MWSS na marami ang nagugutom gayundin ang ulat sa UN at PTT na laganap ang patayan sa ating bansa batay na rin sa mga sinasabi sa medyas ng mga mararangal na miyembro ng gabinigte ng administrasyong glorya lalo na si heneral hermolihis pulburon na sinigundahan ni asobispo gudensyo rosales.
ano pa ang hahanapin ng sambayanang pilipino samantalang isinugo at itinalaga ng hari ng kadiliman ang kasalukuyang pangulo upang tapusin na ang paghihirap ng lahat ng nagdarahop? pinamimili naman sila kung ano’ng uri ng kamatayan ang gusto nila. GUTOM O BALA?
Okey rin sa akin ang mga nasa Kapatiran party. The only thing am worried about come election time is that certain part of Mindanao where one of my sisters live. It’s a half Muslim and half Christian small city. I was a witness to how the administration party (led by the candidate for Governor) started to distribute money to every Baranggay Chairman on the eve of the Election to be given to every voter. All the voter has to present was his I.D: picture and presto, 200 pesos na siya. It worked in very poor areas kasi nga may pang-ulam na daw sila! Pataasan pa nga ang mga voters ng tanggap. Siyempre the highest giver earned their votes! Dahil may Tilapia fish ponds ‘yung governor, umulan ng pagkalalaking Tilapia fishes ang bawat baranggay during election day! Daig pa ang city fiesta sa dami ng pagkain ng araw na ‘yon!
Well, kung hindi pa natuto ang mga tao doon, siguradong mauulit na naman ngayong election ang ganoong scenario!
Ay, ambot!
Elvira:
Tama iyang sinabi mo na bilihan ng boto,tilapia pala ang bayaran ng boto sa inyo,mahinang klase.Sa amin ay hindi Tilapia,kundi Spam,Nike Dove at Levi’s.O kaya’y binibili nila ang boung pamilya ng 20 mil kung mga singkuwenta ang bilang.Ng minsan ay tinanong ko ang Manong ko bakit ang dami ng mga anak ng mga tao doon sa baryo,ang sagot niya sa akin pag election daw ang mga kandidato ng meyor,konsehal at mga barangay ay binibiding daw sila.Pero ang Gobernador sa amin trono na nila iyon.Ang naglalaban lang ay bise gob,pababa.Nakakatuwa nga kasi pati bungal ay kumakandidato dahil marami raw siyang pinsan,ang labanan sa amin ay paramihan ng angkan,kung minsan nga ang nangyayari ay solo flight na lang ang inililista nila sa balota,si Erning na lang ang inilista ng mga kabaryo niya sa pagka konsehal kaya nanalo siya kasi nautakan niya ang mga kasamahan niya na bumitbit sa kanya sa kanilang baryo.Wa-is si Erning,Ano?
Magno: nelbar, alegadown, kaya itinatambak sa pinas ang mga basura ng pondyaps ay dahil sa pinayagan ng ating kagalanggalang at mabunying pangulo kapalit ng ayudang pangkabuhayan upang lalong sumulong ang ating ekonomiya.
*****
Lumang balita na iyan Magno. Inurong na ng kompanyang gustong magtapon ng basura sa Pilipinas ang usapan with some crooks in the Philippine government after this anomaly was disclosed as being used as collateral for allowing Filipino caregivers to work in Japan.
Japan cannot take the risk of rehiring Filipinos via the Philippine DoLE and have a repeat of the numerous problems connected with the hiring of the Japayukis before and now banned from coming into Japan especially with the same promoters trying to get a monopoly of this deployment in connivance with the pimps in the Philippine goverment.
The executives of the company in this scam are now being prosecuted in Japanese courts as a matter of fact. A friend of my husband’s in fact was the one acting as go-between in this shady deal. His wife is Filipino, too, and a former Japayuki. He approached me to help him with paper works, but when I found out about this shady deal, I declined even when it meant good pay that can afford me to buy one or two house and lots in the Philippines. Besides, I pay my tithe and cannot accept money that I consider dirty and cannot pay a tenth to God!
Yuko:
I agree with you,The Japs don’t want any foreigner to mingle in there business because they want to protect their trade secret.They perfected there car business the Toyota,Philippines want to copy the concept of Toyota and they come up with Tulakka.
Smile!.
cocoy:
Ilang taon bang namayagpag ang mga baquerong hapon dito sa Pinas?
May ideya ka ba sa Inquisition?
Ilan taon din bang naghari ang Spanish Inquisition at Portuguese Inquisition?
Mas maganda pang pag-aralan ang Nomura Group kaysa sa mga prayle sa Pilipinas!
puwede pa bang humabol para sa registration ng party list?
tatakbo kami sa ilalim ng partidong “KATUGA” para naman may kinatawan sa kongreso ang mga KAIN, TULOG at GALA.
tutal, lahat naman gustong mag-partisipeyt at katawanin ang bawat sektor ng lipunan, di ba? mabuti na ring marinig ang karaingan ng mga TAMBAY NA PALAMUNIN AT PERHUWISYO NG PAMILYA AT LIPUNAN. he he he heeeeh!
hindi kami dummy ng malakanyang, ha?
kapag binigyan kami ng akreditasyon, 101% panalo kami sa dami ng mga miyembrong nagkakamot ng tiyan sa kanto. o, di ba?
malamang mananalo yang party list na itatatag mo Mrivera, sa dami nga ba namang TAMAD at BATUGAN sa Pinas sure na yan…
i totally agree with baycas. if we are going to fill up the last remaining slot sa 12 man slate natin, can we all agree on Martin Bautista as the twelfth candidate? ystakei, anna, ellen, spartan, diego, djb, phil cruz, baycas, tongue, arbet, schums, and the rest whose names i cannot recall right now, can we all agree on martin as our 12th candidate. and convince others and our friends to vote for him too?
11 GO candidates + doc martin bautista
let’s send one Ang kapatiran candidate to the Senate!
here’s martin bautista’s blog
http://www.mbautistamd.blogspot.com
Wouldn’t it be nice, and a major achievement for independent senate candidates if doc martin manages to get more votes than singson, tessie, kiram, magsaysay, lozano, montano (or even tol defensor), even if he falls short of gaining a senate seat? moral victory na rin yan, and it will encourage other worthy candidates to run for office.
Dear all,
Here’s the list of bogus party list described by Etta as Malacanang fronts, pls. be guided accordingly, thanks.
Ren
http://pedestrianobserver.blogspot.com/2007/03/bogus-party-lists_25.html
Questionable Newly Accredited Party-list Organizations listed by Akbayan
Sigaw ng Bayan Groups
Babae Ka! – Sigaw ng Bayan Member (Pro Peoples Initiative group). The group has links with Malacanang’s Office of External Affairs (OEA). In the recent SWS survey, it has a threshold rating of 1.5 %
Ang Kasangga- Has links with the Office of External Affairs (OEA) of Malacanang, the government office behind Sigaw ng Bayan. It is also associated with the Beta Sigma Fraternity. Its president is FORMER Assemblyman Jose Tumbokon. He started his career as messenger, rose through the ranks and served as chief of office before he became assemblyman and presidential adviser. He was appointed minister of state of information and official spokesperson of the Interim Batasan Pambansa and the Kilusang Bagong Lipunan during the Marcos regime.
Akbay Pinoy- Its Chairman is Bong Guro. This group is also a member of Sigaw ng Bayan. It was legally charged by Makati residents together with Sigaw ng Bayan for manufacturing signatures for the GMA administration’s People’s Initiative.
AKSA- Aksyon Sambayanan (AkSa) is a phony social democratic movement affiliated with the government ally Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP). Norberto Gonzales and its Secretary General Beth Angsioco head it.
Initiated by government officials or traditional politicians
KAKUSA – Its Chairman Emeritus is convicted child rapist and former Zamboanga del Norte Representative Romeo Jalosjos. It is represented by its national president, R. Dodong Canonigo. The Lamb of God Foundation, an outreach program for elderly inmates established by Jalosjos, is supporting it.
AHON PINOY OFW Party – backed up by Dante Ang, Chairman of the Commission on Filipinos Overseas and CEO of the Manila Times. The Number One nominess of Ahon is “Klink” Ang, son of Danter Ang. It has a 1.2% threshold rating in the recent SWS survey. Its president is Director Nicon Fameronag of the Department of Labor and Employment’s (DOLE) Information and Publication Service (IPS) (2003). He is also a member of ONE VOICE.
Biyaheng Pinoy- An association of tricycle drivers, Arsenio Abalos sits as director and national council member of the party. Who is Arsenio Abalos? The elder brother of COMELEC chairman Benjamin Abalos. Also, The group was founded and is chaired by Mandaluyong Vice-Mayor Jesus Cruz, who claimed to be a tricycle operator before.
ANAD- was formed in February 2003 by the National Alliance for Democracy (NAD), the movement that supplanted the dreaded Alsa Masa, a vigilante group organized by the government in Davao. NAD serves as the umbrella organization for all anti-communist forces in the country. In 2004, NAD registered ANAD as its party-list group.
AANGAT TAYO- Philippine International Trading Corporation (PITC) Pharma Executives Vice President Teddie Elson Rivera is the group’s president. PITC is a government-owned international trading company with over thirty years experience in the export, import and marketing of a wide range of commodities, industrial products and consumer goods.
In August of 2004, PITC was designated as a key agency in the implementation of the GMA’s 10-point legacy, which includes the lowering of the prices of essential medicines by 50%, by 2010. PITC is also in charged of importing medicines for GMA’s Botika ng Bayan.
Aangat ang Kabuhayan (ANAK) -Its number one nominee is Supt. Eduardo Octaviano of the Philippine National Police (PNP) National Capital Region Police Office (NCRPO).
AGBIAG!- Marcelo Farinas II, Malacanang’s Secretary for External Affairs is the group’s Secretary-General. Agbiag enjoys the backing of Chavit Singson.
nakakapagtaka itong si Jesse Cruz ng Mandaluyong?
nasilaw na rin ba sya sa ambon ng pork barrel?
dati-rati ay laban yan sa illegal na droga, ngayon nasaan na?
pati yung iba pang mga naging City Councilor, wala na bang iba pa na papalit kanila Benhur Abalos at Boyet Gonzales?