Mukhang wala na sa sarili itong mag-asawang Gloria at Mike Arroyo.
Pagkatapos lumabas ang survey ng Social Weather Station na mas dumarami ang mga pamilyang Pilipino na nagugutom (isa sa bawa’t limang pamilya), sinisi ni Gloria Arroyo ang mga mahihirap dahil sa kanilang pagkagutom.
Hindi naman raw talaga sila mahirap dahil di ba pinipilit niya na gumanda na ang buhay sa Pilipinas dahil sa galing niyang ekonomista? Kung nagugutom man raw sila, dahilan yun sa ginagastos nila ang kanilang pera sa cellphone load at sa sigarilyo.
Talagang hiwalay na itong si Gloria sa realidad. Hindi niya alam kung gaano kasadlak sa kahirapan ang maraming Pilipino. Hindi niya alam dahil ayaw nilang alamin. Dahil kapag inalam niya, sampal sa mukha niya ang tunay na kalagayan ng maraming Pilipino.
Bakit, may celfone ba ang maraming Pilipino na namumulot ng basura para lang makakain. May celfone ba ang mga natutulog sa bangketa dahil wala silang bahay at trabaho?
May kuwento ako: May kaunting palayan kami sa probinsya at minsan nag-paani ang aming magsasaka kahit umu-ulan. Medyo naiinis ako dahil wala kaming mapagbiladan ng na-aning palay. Kapag hindi kasi tuyo bago itatago ang palaya, babaho at masisira. Wala naman kasi kaming rice dryer na makina.
Yuko lang at walang imik ang magsasaka ng pinapaggalitan ko kung bakit siya nagpa-ani na malakas ang ulan. Nakuha na niya ang kanyang parte at umuwi na siya.
Nang wala na ang aming magsasaka, ipinaliwanag sa akin ng aming kapitbahay na kaya raw nag-paani kahit umu-ulan ay dahil wala na silang makain. Hindi problema sa kanila ang ulan dahil pinatutuyo nila sa kawali ang palay at ‘yun ang kanilang binabayo at saka sasa-ingin para sa kanilang hapunan.
Napahiya ako sa paliwanag ng aming kapitbahay. Pinu-problema ko kung paano patuyuin ang aming parteng palay at nang maitago samantalang ang problema ng magsasaka ay ang makain sa hapunan.
Ganyan katindi ang kahirapan sa kanayunan at sa maraming parte sa kamaynilaan. Hindi celfone load ang kanilang problema. Laman ng tiyan.
Ito naman si Mike Arroyo, sinabi niya sa hearing sa libel case na kanyang isinampa laban kay Jake Macasaet, Malaya publisher, na kaya raw siya may charity projects ay para siya makakuha ng “pogi points in heaven.”
Sa sinabi ni Mike Arroyo, pinapakita niya na ang kanyang kawang-gawa pala ay pansarili pa rin. Ginagamit lang ang nanganga-ilangan para magkaroon siya ng “pogi points”.
Mukhang nasa ibang mundo itong mag-asawang Arroyo.
Ellen,
Nakakadurog puso naman ang kwento mo. Paano pa magkakaroon ng pagkakataong makaisip ang mga pinoy na ganito ang nararanasang kahirapan na makibahagi sa pagtataboy sa Tianak kung ang segundo-segundong tuon ay nasa kung paano at saan kukuha ng kakainin?
Hindi ako nagtataka kung mas nais ng mga Pidal na subsob sa hirap ang mga tao, kasi para sa mga taong ito ay resigned na sila sa kalagayan, hindi na nakikialam kung tama o mali ang takbo ng Pinas, basta kung ano ang kanilang kasalukuyang sitwasyon ay ‘yon na!
Sa malas ay pareho ang kanilang kalagyan kay Tianak, moment to moment survival. Kumakain nga lang ng masasarap ang bruha samantalang nagtutuyo ng palay sa kawali ang mahihirap!
Totoong nasa ibang mundo na si Mrs. Arroyo. Naiposte ko na kahapon itong nabasa ko pero uulitin ko rito sapagkat tama sa topic:
President Arroyo says the world is looking at the Philippines as an economic wonder. She’s out of this world.
No wonder President Arroyo was visibly annoyed and walked out of a press conference last week when a reporter kept asking her what benefits ordinary Filipinos derived from the strong peso and record-breaking stock market. As a trained economist, she knows the answer: NOT MUCH..
The appreciation of the peso is due partly to the record-high remittances of OCWs, and partly to the entry of hot money or portfolio funds, which are invested in currency and stock market speculations (which employ only a handful of job-seekers), unlike foreign direct investments or FDI, which create real employment for tens of thousands of people.
Chi:
Nang maospital si Fatso, nagmayabang pang hindi na siya kakain ng letson. Araw-araw siguro letson ang ulam niya. Contrast that with the almost nothing on the table of the poor Filipinos! Tapos libre pa ang mga iyan ha! Service deluxe paid with taxpayers’ money. Pati birthday ng mga apo, etc. na ginawa sa Malacanang, bayad galing sa kaban! Sa totoo lang, diyan yumaman ang mga Marcos. Libre lahat plus iyong mga tong! Pero itong mag-asawang mas buwaya, mas tiba-tiba kasi said ang kaban. Pinag-iinteresan pa ang mga properties ng Pilipinas sa Japan. Si Marcos nga hindi nag-interest sa mga patrimonies dito gawa ng bayad sa dugong tumulo ng mga pilipino iyan.
Pero itong apo si Lazaro Macapagal, talagang garapal. Akala niya kaniya iyong ibebenta niya! Kahit na sabihin mo pang BOT lang!
Interesado sila kasi dito any deal on real estate, iyong broker or middleman gaya nilang tatayong middle man ay may gratuity ng 15 percent ng mapapag-usapan halaga. Billion-billion yen iyan tapos 15% ang kanila. Kaya lalong nasasakim ang mga garapal. Customary iyong percentage sa middleman sa totoo lang. Kaya kung sasabihin nilang wala silang cut, nagsisinungaling sila. Take note of this, Ellen. Alam ko iyan kasi nagtrabaho din ako sa real estate noong araw, at ang specialty ko ay iyong mga properties sa Roppongi kaya noong nagprotest kami sa sale ng Roppongi property, hindi sila makahirit. Ang dami kong alam tungkol sa pinaggagagawa nilang kabulastugan. Si Cory ang president noon pero nakikialam noon pa man si FVR. Isa pang dapat makulong ang mamang iyan!
PAALISIN NA NATIN SA MALAKANYANG SI GLORIA AT ANG MAGANAK NYA. Ngayon na!!! Sawang sawa na kami sa pagmumukha ng tyanak, laging nasa TV wala namang kwenta pinagsasasabi.
Tignan nyo once na wala na yang mga yan sa Malakanyang lipad kaagad yang pamilya na yan sa USA or sa ibang bansa, mabubulok kasi sila sa bilangguan
Ay,dos pares na torpe! kung di sana ninyo kinurakot ang pera ng mga magsasaka,sana ay marami tayong bigas.Ngayon umaangkat kayo ng bigas sa ibang bansa,tapos sisihin ninyo ang mga mahihirap na nagbi-bisyo sa naninigarilyo.Sino ba ang gumagawa ng sigarilyo,Bakit hindi mo garotihin si Sinson na sa halip na tabako ang itanim sa Ilocos ay patola na lang.Bakit hindi mo paluin sa puwit si Pakyaw,siya ang nagtitinda ng beer.Tapos pag bibili ang mga mahihirap galit ka.Ang mga mayayaman ay bumubili ng mga imported na alak ang mga iyan at sigarilyo.Iyang Hope at San miguel na iyan hindi pinanapansin ng mga anak ng mga heneral mo ang productong iyan.Mga Joni waker na asul,tsibas,dunil,benson at cuban tabako ang mga paborito nila.Ngayon dahil hindi na maiiwasan ng mga mahihirap ang pag-inom at sigarilyo, babaan mo na ang presyo,iyan lang ang kaya nila para sa problema nila,kaya huwag mo na silang pakialaman.Mawawalan na naman ng hanapbuhay si Totoy sa bangketa bago pumasok sa eskuwela.
Sabihin mo kasi kay Sinson na huwag na siyang magtanim ng tabako.
Kaya ans sabi ng dalawang torpe na magtipid,dahil ipina-pahold ni Boxer ang $170 million para sa pilipinas hangat di magkaroon ng linaw ang imbistigasyon nila at maparusahan ang dapat parusahan.Payag naman ang lahat sa gusto ni Boxer.Aba! papano iyan,ngayon at saan sila kukurakot?
cocoy,
Si totoy nga pala ay nagtitinda ng sigarilyo sa bangketa bago at pagkatapos ng eskwela, kaya bagsak palagi sa test! Hindi ba ‘yan nakikita ni Tianak?! Inang mahabagin, anong klaseng tao itong poser president?! Palaging nakalabas ang madidilaw na ngipin sa katatawa sa mga photo ops samantalang ang mahihirap ay naninigarilyo na lang para may maramdamang laman ang sikmura! Bwisit!
Chi/Yuko,
Talagang nakapanlulumo ang kaganapan sa ating bansang sinilangan. Ang mga naghihikahos ay talagang dumarami mapa-lungsod man o kanayunan. Mas matindi ang mamuhay sa lungsod dahil kailangan mayroon pera upang makabili ng makakain. Samantalang sa kanayunan naman mabubuhay ang mga mamamayan dahil sa makakahingi ng mga tanim na gulay sa kapitbahay o kung masipag naman ay maaaring magtanim ng iba’t ibang gulay sa bakuran ng bahay.
Nguni’t kung wala na ngang maisaing upang maipakain sa asawa at mga anak ay magagawa ng isang ama ang naikuwento ni Ms. Ellen. Ituturing na tagapagligtas pa si Ms. Ellen ng mga magsasakang naitawid ang gutom sa oras na iyon. Iyan ay tatanawin nila habang sila ay nabubuhay.
Balik tayo sa mag-asawa na talagang sa daigdig ng pantasya nabubuhay. Upang malaman nila ang tunay na kalagayan ng kanilang kapaligiran ay maglibot sila sa Payatas, Isla Puting-bato, Moriones, mga ilalim ng mga tulay, riles ng tren sa Antipolo-Blumenritt, Tala Caloocan at iba pang lugar. Mamumulat ang mga mata nila sa tunay na kalagayan ng mahihirap na mga Pilipino.
Siguradong mayroon silang makikita na halos edad ng kanilang mga apo na nanlilimahid at walang suot na tsinelas. Mga kabataan na dapat sana ay nag-aaral nguni’t sa kagustuhan na maragdagan ang kinikita ng pamilya ay kumakahig sa mga basura.
Kung maaari ay silang mag-asawa lamang ang magpupunta dito sa mga lugar na ito upang mag-obserba. Pwede kaya nilang gawin iyon?
Upang magising naman sila sa kanilang pagpa-pantasya!
Ang magasawang Arroyo ay nakatira so Toreng Salaming, makakita pero di makaramdam. They are both living in their Glasss Tower, they can see, but can not feel or hear the cries of their long suffering fellow Filipinos. A lot of us will always argue that it is not the couple’s fault, that the economic conditions had been long in the making, but many can also argue that She is the leader and she is responsible for allocating the resources of the country to the most benefits of all, especially those that are in great needs, but instead she is blaming the poor and denying that her administration is reek with corruptions that contributes to the dererioting conditions. But even behind the Glass Tower, she knows it, because she herself is the participant of the ongoing bleeding of the country or perhaps the leader of the Band….
Alam ninyo mga kasama,ako ay mayroong kaibigan na psychiatrist at mayroon siyang clinic sa Beverly Hills,ng minsan namasyal ako sa LA ay natanong ko siya,bakit walang liquor store sa Beverly Hills samantalang sa Long Beach at Compton ay mayroon sa bawat kanto.Ang sagot niya sa akin,kasi raw mahihirap ang nakatira doon at hindi nila kayang magbayad ng psychiatric counseling sa kanilang mga emotional problems kaya nag-iinom na lang sila at mura pa,para sa panandaliang limot sa problema.
Gloria’s rationality defies basic logic. More so with her actions.
She’s a clever fool too. Feeling she can’t downplay the negative surveys about her admin, she conducts now her own survey! (Gma said RP now is the best place where Asians can put their investments – Inquirer)
See, she became a ‘PERC’ overnight!
My golly, we’re ruled (not governed) by a lunatic-clepto-butcher harlot!
Unhappily so, FG won’t do something for us to gain pogi points in heaven.
Hindi naniniwala ang Bruha na naghihirap ang mga Pinoy. Bakit kamo?
1. Malaki ang koleksiyon niya sa jueteng. Full blast na ang lahat ng operation ng jueteng. Halos lahat ng bangka, tatlong bola araw-araw. Wala nang napabalitang mga kubrador na hinuhuli, o hepeng nasususpinde diba? Busy kasi lahat ng pulis at sundalo sa pamamaril…ng taga-Bayan Muna!
2. Pati masiao tumatabo ng husto sa Bisaya’t Mindanaw. Naibulong sa akin, yung asawa ng isang bigtime na sugarol na lagi naman talo, P10M nga isang gabi lang ipinatalo sa casino, may konek pala sa masiao lord. Itong si sugarol, kaya naman pala pilit na nilalapitan ng jueteng lord ng Norte at ng bagong lord of all lords na Baboy, dahil ang asawa na si Jinky ay may kakambal na siyang asawa naman ng isang artistang panget na sikat na masiao lord, Rhene I…. yata ang pangalan ni lord. Si sugarol na laging talo, Manny Pakyaw ang pangalan at boksingero daw. (Exclusive ko iyan!)
3. Yung Small Town Lottery na test run lang dapat, hindi na testing kasi tuloy-tuloy na. At malaki rin ang koleksiyon! Maganda pang pantago ng illegal na jueteng dahil wala namang pinagkaiba liban sa hanggang #38 ang STL, #37 lang ang sa jueteng. Yung mga jueteng financier nga, STL operator na din para me proteksiyon diba?
4. Yung mga benepisyaryo ng jueteng, mukhang magsisitakbo dahil marami silang panggastos sa eleksiyon, gaya nila Shabit, Mareng Lilia, Gov. Armand, Gen. Mosqueda, mga Villafuerte, mga Lagman, mga Dy, etc. Bakit noon, gigil na gigil sila kay Lacson na inakusahan nilang nakinabang daw sa narco-politics puro katawatawa lang naman ang mga ebidensiya’t witness, ngayon, bakit di imbestigahan ang gambling-politics?
5. Yung mga nakikinabang sa Pagcor, tatakbo rin, pati nga anak ni Genuino tatakbo sa Makati. Diba’t si co-Rotarian Genuino rin ang sponsor ni Lapid para lumaban kay Binay. Kung mananalo si Lapid, maglalagay ng mga casino sa mga hotel, sa ayaw at gusto ni JAZA. Para ano, para sipsipin pabalik ang kinikita ng mga call center agents? Palagay ninyo kaya, sinong kikita ng malaki sa pambaBABOY na binabalak nilang gawin sa Makati? Naibigay ko na ang clue!
6. Ibinandera na ni Genuino yung $20B (wow!) New Las Vegas project sa Pasay kahapon. Di ba sinabi ko pilit sisibakin si Peewee Trinidad dahil kontra siya sa planong “gamblers’ paradise” na iyan? Eto na! At ang lupang dapat sana’y paglilipatan ng Nayong Pilipino na nasira dahil sa Terminal 3, mawawala na naman. Ang tatakbo nga pala sa administrasyon para sa pwesto ni Peewee ay si Congresswoman Connie Dy, yung may-ari ng sabungan sa Pasay Road.
7. Karera ng kabayo, wala na akong alam diyan, matagal na akong tumigil, simula ng pasukin ng sindikato ng mga BABOY ang Sport of Kings. Yung Biik nga na dati’y nangangarap lang magmay-ari ng mga debisong mga kampeon, malaki na ang kwadra ngayon, pinadaan pa sa Phil. Sports Commission para tax-free. Tumigil na ako, naaasar kasi ako tuwing pagmamasdan ko ang kisig ng tindig ng mga kabayo, bigla na lang may susulpot na mag-aamang Baboy! Ano’ng sugal pa ba ang hindi nasisindikato ng mga Baboy? Ending? Karera ng daga? Laban ng gagamba? Karerang bangka sa kanal?
Iyan siguro ang mga dahilan kung bakit sinasabi ng Ilusyonadang Reyna de Curaquot na kung saan-saan ginagastos ang pera ng mga Pilipino. Pero nagkamali siya dahil ang mga hindi kumakain, wala lang talagang pambili ng pagkain. Yung mga tumataya sa sugal, nakakakain pa naman pero pasasaan ba’t diyan din ang bagsak nila.
Teka, napansin nyo rin ba kung sinong tao ang nakakabit diyan sa lahat ng uri ng sugal na nabanggit ko?
Aba, baka kaya gusto nang maging tongressman ni Manny Fuckyaw ay dahil palaging talo sa sugal!
O, di ba kasasabi ko lang na palaging my scoop dito sa Ellenland! Thanks, Tongue.
Chi,Tongue:
Si Pakyaw ay ginawa na ng Datu.Ito ang balita—-The royal council of elders of the century-old Grand Royal Sultanate of Talik confer a royal title on boxing legend monie pakyaw and named him Datu Radjik,na ang ibig daw sabihin ay honorable warrior.Papano maging onorable ang datu ng adik?Baka honorable mention sa gradauation ng high school.Maybe,10th honorable mention among 11 graduate.
Off topic.
Ayan, pati si Nobel Peace Prize recipient South Africa’s Desmond Tutu calls for end to RP killings. Ang tindi ng pahayag ng Bishop, kinakatay daw ang mga kapatid na pinoy na humihingi lang ng hustisya at kaayusan para sa lahat!
***
Bishop Desmond Tutu, of South Africa, has added his voice to growing calls for the immediate resolution of the unexplained killings of militants and journalists in the country, the coordinating body in the Philippines of the People’s Tribunal said Wednesday.
Tutu was also quoted saying in his message that “our brothers and sisters in the Philippines, who are fighting for justice and well-being for all, are being slaughtered as we speak. Stop the terror inflicted on those who seek justice in your land. Stop using the so-called war against terrorism to oppress and kill your own people.”
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=70901
cocoy,
Mga taga saang planeta naman iyang nag-confer ng title na datu kay Fuckyaw?!
Tongue, si Gen. Mosqueda tatakbo rin for congressman sa isang district ng Iloilo. Okay yun. Kapag manalo siya, ganun din si Armand sanchez, si lilia pineda, and all those you mentioned above. We will be number one again in another field -illegal gambling capital of the world.
Napakatanga lang talaga si Erap. Nakakulong dahil sa jueteng! Unthinkable in this country, in this administration.
Spy:
Ganito lang naman iyan,kaya gusto nilang mga mang-mang ang tao sa simpleng dahilan.While people are hungry and illiterate,they can buy vote directly or indirectly.The poor becomes captive to them and they have to respond to those supplying money to buy votes.Reality comes naturally when poor are educated and their income level rise.Hanga’t hindi makakapag-aral ang mga mahihirap at makaahon sa kahirapan sunud-sunuran iyan sa kanilang kagustuhan.
Chi;
Koronadal city sa Cotobato.Mga grupo ng mga loko-loko.
cocoy,
Di ba ang title na Datu ay para sa isang nobility? Ano naman ang noble kay Fuckyaw na idol raw niya si Sabit?! Baka binigyan rin sila ng pera ni Fuckyaw para sa titulong ‘yan!
Chi;
Si Eddie Gil nga ay ginawa nilang Datu dahil sa gintong butones,si Pakyaw pa!
Kung ang lahat ng jueteng lords ay mananalo, tunay na magiging illegal gambling capital of the world ang Pinas. Maraming magsi-suicide kapag nagkataon dahil ang mga mahihirap ay lalong mabubuyo sa bisyo na wala silang panalo!
Diosme naman cocoy. e talaga palang loose screws ang mga members ng royal council of elders of the century-old Grand Royal Sultanate of Talik. Ang haba naman, wala namang katuturan! heh!
Chi;
Pero ito ang tanong ko.Bakit pinag-iinitan ni punggok na bumili ng sigarilyo ang mga mahihirap.Magkano na ba ang halaga ng sigarilyo sa pilipinas,puede naman sigurong bilhin iyan ng patingi-tingi.Dito sa lugar ko ay $5 isang kaha ang premium brand.$4 ang generic.Alam mo iyong labandera sa amin noon na natatatandaan ko ay moore ang sigarilyo niya,maitim ang kulay,pero iba kung manigarilyo,isinubo pa at pabaligtad iyong may sindi ang sa loob ng bunganga.Naala-ala ko nga minsan ng may bisita kami at magluluto siya ng isda, tinanong niya kung anong klaseng luto ang gusto ng kano na bisita namin.Ang sagot ni kano sa kanya ay,anyhow! aba inihaw niya ang isda,sa halip na iprito.
A generous man will himself be blessed, for he shares his food with the poor. (Proverbs 22:9)
For all the many times I’ve watched her and her cabinet members, on television, praying before they meet I can’t believe they don’t know what is right and what is wrong as the teaching in the Bible is simple but obviously hard for all to follow.
Each time I watch them in prayer I’m thinking, what are they praying for, who are they praying to, and are they in fact praying or is it just for the benefit of the viewers watching them on television.
Part of the Editorial in todays Malaya news entitled Tyranny is afoot:-
Now, there is more reason to impeach Gloria. Or at least to demonstrate to her and her loyal “trapos” that, no, the people will no longer stand idly by as they dismantle pillar by pillar the structures of democracy restored in 1986.
We are now seeing a surge in anti-communist hysteria. Aboveground leaders of the Left are being hauled to jail on trumped-up charges. Dissenters are being killed like dogs. The government is threatening to revive the Anti-Subversion Law. All this in the name purportedly of economic growth.
Were we not offered this spurious choice between freedom and bread before? The last time the enemies of progress were the communists and the oligarchs. The people then were about to kick out the cheating and thieving bastards. The bastards made sure they stayed in power by declaring martial law.
Now the same enemies – the communist and reactionary elites – are being resurrected. It’s no coincidence that the Red-baiting comes before an election where the people are again poised to throw out the bastards.
Tyranny is afoot. Let’s slay it before it again devours us
John 12
Why wasn’t this perfume sold and the money given to the poor? It was worth a year’s wages.[b]” 6He did not say this because he cared about the poor but because he was a thief; as keeper of the money bag, he used to help himself to what was put into it.
(Maybe it refers to this Family and their Administration – ring any bells!) Enough is Enough; surely!
cocoy,
Wala na lang masabing matino iyang si Tianak at pati ang choice ng mga tao na manigarilyo ay ginawang alibi. Kung pwede lang ay iwasan ang sigarilyo dahil ang dala niyan ay sakit. Pero puntuhin ito ng poser president na isa sa mga dahilan kaya walang makain ang pinoy dahil sa ang argument niya ay sa halip na pagkain ay sigarilyo ang binibili ng mga tao ay hindi tama. Sabi mo nga ay pwede namang bilhin ng tingi ang sigarilyo. So ang halaga ng isang stick ay hindi rin makakabili ng isang gatang ng bigas, di ba? Sigarilyo, maaaring bisyo o escape ng mga tao sa problema dala ng kanyang palpak na pamamahala. Huwag na niya iyang pakialaman, personal choice ‘yan!
Chi;
Sabi nga ng kaibigan ko na Psychiatrist ay mabisa raw lunas ang sigarilyo na pang-alis ng stress kesa bibili sila ng gamot na may sorotin ay mahal ang mga iyon at nakaka-adict,tulad ng Prozac.Stress ang mga mahihirap sa atin,pag pagbawalan mo ang mga iyan ay baka papatay na sila ng tao dahil hindi na nila makontrol ang sarili nila.Alin ang gusto ni Punggok,sigarilyo o shabu?
TongueT,
Bilib ako sa iyo. Salamat sa mga pieces of the puzzles mo. You made the images of the people behind these gambling economy are now more clear. Very interesting!
Chi;
Pag mayayaman na ang mga mahihirap ay di na maninigarilyo ang mga iyan dahil wala na silang stress.
hahaah, cocoy! pag mayayaman na ang mahihirap ay hindi na sila maninigarilyo dahil ang pera nila ay sa doctor at hospital na mapupunta dahil sa sakit dala ng sigarilyo!
cocoy, I won’t be here tomorrow, Idaho return me bukas. sign off na ako for my early flight. Nite nite.
From INQ7 website: 3/21/2007
The Freedom from Debt Coalition, a partner of GCAP, said the total borrowings of the Arroyo administration, at P2.77 trillion, is already higher than the combined debt of the Cory Aquino, Fidel Ramos and Joseph Estrada administrations that amounts to P1.51 trillion.
————————–
Wow! Arroyo’s 2.77 Trillion > Aquino+Ramos+Estrada 1.51 Tln!
Yan ang economics ni Gloria! Imagine sa laki ng collection sa EVAT na para tayong hinoholdap dahil dagdag agad sa ating mga bayarin, tapos may sandamakmak pa na remittances ng mga OFWs, eh nakakautang pa ng ganyan kalaki. Tapos wala namang serbisyo sa mga mamamayan. At pabawas pa ng pabawas ang mga allocation sa health, education, agriculture at iba pang serbisyong bayan. Saan napupunta? Talamak na talaga ang corruption. Malamang iyong iba dun yun yung mga pinupuhunan ni Mike PIdal sa kanyang mga gambling businesses.
Through the ages there have been many different Empires, none were allowed to reign forever All eventually disintegrated for various reasons. Likewise there have been various evil nations giving hardship to their lowly tenants through evil deeds in order to benefit their elitest group. But none of them survived. This Administration will be no different, just look at the people in her Security Cluster and their statements always trying to defend her, the boss, their statements are unreal as if they are already deemed Mad including her. Just wait Doc they will be with you shortly looking for a miracle cure for Madness (thats if they got enough Pogi Points) – smile
This Team dis-Unity cannot even bear to discuss the extra judicial killings, the various practices of corruption or E-VAT in open forum, do they think that the citizens of this country have been bought like them and turned into monkeys SEE NO EVIL – HEAR NO EVIL – SPEAK NO EVIL because if they do they gotta big shock awaiting them in May.
The pidal couple [uncoupled na, db?] have nbeen living in a metrial world, and they’re of the material thing….
They have never experienced reality in Pinas, hence, they mouth what they say. KUNG ALAM lang sana nila ang totoong buhay ng Mamamayang Filipino, yung buhay ng ordinaryong Juan-de-la-Cruz, baka mabigla sila.
Palibahasa, nabuhay sila sa marangyang pamumuhay, salamat sa ipinundar ng “PoorBoy from Lubao” ….courtesy ni Stonehill….at ng mga KOTONG sa illegal na transaksyon ng esposo ni igorota.
good morning guys! saya pala d2 mam ellen! dami mong circle of friends! sineryoso ni gloria ang pagiging ekonomista kaya ninegosyo nya ang pulitika. kaya pinagtitipid nya tayo!
But they recieve exactly the same christian teachings the poor receive. So why don’t they practice their christian values they’ve been taught. Maybe when you see them praying they’re worshipping to their Devil is what we’re seeing.
Tongue T: Malaki ang koleksiyon niya sa jueteng.
*****
Come to think of it, bakit hindi iyan ang ipagbawal ni Kutong Pidal? Diyan nagkakautang-utang iyong mga pati na nakakulong sa Muntinlupa. Worse is that these Pidals are even encouraging Filipinos to do all these gamblings.
Tignan mo ang trabaho ng anak. Di ba karera? Ipasara niya ang mga gambling dens na iyan, e baka pa matuto ang mga pilipino na magsinop. Pati nga dito sa ibang bansa, dala-dala ang mga bisyo sa totoo lang. Di ba sabi nila may operator ng tongan para sa jueteng doon sa KSA. At least, dito wala pa pero maraming nakukulong na mga pilipino sa pagpa-pachinko. May nakakagawa ng pagpatay, pagtitinda ng mga drugs para magkapera sila para sa bisyo nila.
Pag may documentary nga tungkol sa Pilipinas, walang eksena na nakikita ako sa mga ipinapadalang tape na walang pilipinong nagsusugal. Doon nga sa Tondo, etc. ang uso jueteng kaya lalo silang naghihirap, hindi dahil sa luho.
Stupid talaga iyong economist daw pero bugak naman pala. Sino ba ang speech writer ng ungas na iyan na hindi nare-research kaya puro palpak ang sinasabi. Pwe! Kakasuka!
Welcome Delta. yes, masaya dito. Nakakaloka lang minsan. I hope you’ll find you visit here worthwhile.
Friends, take note of Delta’s blogsite. Click on his name to go there. Doglovers will enjoy it.
Observers and commentators tend to blame our problems on having a young democracy but is it true when we are so proud to portray our country as mainly christian and have been practicing and teaching christianity for more than 300 years. It seems, when you look at the state of the country, we have failed miserably in the practice of christian values, and our leaders fail to lead the way by example..
Sa tuwing ibubuka ng mag-partner na ganid at walanghiya na nagbo-board sa Malakanyang ang kanilang mga bunganga, lalo lamang lumalalim ang hukay na kanilang inihahanda para sa kanilang sarili. Palagay ko duon na naman sa sarili niyang “talk show” sa PTV-4 pinawalan ni gloria ang nakakabaliw na pahayag niyang ito? Kundi ba ubod ng kapal ang mukha ng nilalang na iyan, dinaig pa si Erap na talagang taga-shobiz ay hindi naglakas-loob na magpalabas ng sarili niyang tokshow, eto’t siya’y buong tapang ng apog na ibinabandera ang kaniyang nakasusukang mukha at at boses sa telebisyon. Ayop talaga!
Yuko;
Si BenignO,alam niya kung sino ang speech writer ni punggok.
Hoy gloria!, iyong sinasabihan mong mga mahihirap na nagluluho sa pagbili ng load sa cellphones at yosing hinihitit, sarili nilang pera ang ginagasta nila. Samantalang ikaw at ang iyong mga alipores tulad nuong mga nasa Dept. of Agriculture na lumustay ng mahigit 9 na milyong piso na perang pinambili ng kanilang mga cellphones at load sa Smart at Globe, pera ng bayan at ng taumbayan ang ginagasta. TANG orange Inumin NA May sarap Orange!!!
Ipinalabas duon sa episode nitong week na ito ng the Correspondent ang episode ni Ces Orena-Drilon tungkol sa “Pork Barrel” ng mga taga-Kongreso. Meron duon na nag-bigay ng komento at sinabing, “sa unang pagkakataon matapos ang pamumuno ni Cory, FVR, at ni Erap, ngayon lamang daw ginamit ng isang namumunong Presidente ang bigat ng pork barrel para ipuwersa ang kaniyang political will”. Well, now atleast it can not only be said that “Onli in D Pilipins”, but also “Onli kay Gloria”. Ayop talaga!!!
Spartan;
Bukas may panibagong issue na naman.Sasabihin na naman nila na huwag ng sumakay ng tricycle ang mahihirap para makatipid,kawawa na naman sila karamihan sa kanila ay hindi pa naman naka-Spartan.
Every misfortune that are poor brothers and sisters are having right now is the administration’s fault, every lawmakers fault and every government agencies fault.
The U.S. Department Agriculture has provided $150 million to support the Philippine Fisheries and agriculture modernization program. Another $40 million in food aid.
Ngayon kasalanan ba ng tao kung wala silang makain?kasalanan ba ng America kung naghihikahos ang mga kababayan nating mahihirap?Ginawa na ng Ameica ang dapat gawin para matulungan ang mga magsasaka at mangingisda natin.Bakit wala tayong bigas?Bakit wala tayong maiulam?Ngayon sasabihin ni punggok na magtipid.Nasaan ang pera?Kung iyang bang $150million na iyan ay ipinambili ng bigas lahat hanga ngayon ay may mga barko pa sa laot na nakaabang na pagkukunan ng bigas,walang magugutom.O kaya’y marami ng de latang sardinas iyan at walang magugutom kahit sampung beses kumain ang tao isang araw ay puede pa.
Kaya ngayon di na magbibigay ay U.S. ng food aids dahil nakuha na nila.Kung iyang $150million na iyan at ibinili mo ng barako titingnan natin kung di mapupuno ng isda ang mga pantalan natin.Ngayon sasabihin niya sa tao na noodles na lang ang kainin,dahil kinupit niya ang pera.Nasabi ko lang ito dahil nakausap ko ang kaibigan ko tungkol sa problema ng mga mahihirap sa Pilipinas at nasabi niya sa akin ito na malaking tulong ang ibinigay ng amerkano at walang dapat na magtiis ng gutom sa Pilipinas dahil may pera.
Kaya di puewede ang mga kalokohan ni punggok,dahil dito sa California 3 milyong botante dito ay solid kay Boxer,yung hindi pa nakakaboto na dependent ng mga 3 milyon na iyan.Kung gusto naming tumulong sa mga kababayan nating nangangailangan ay madali lang kahit na tig-$1 lang kaming ibigay makakabili na kami ng isang barkong bigas para sa kapatid nating mahihirap d’yan.Nakalimutan ni punggok na may mga mata na nakatingin sa kanya.
Ellen,
May kasabihan na kung isinilang kang mahirap hindi mo kasalan yan, pero kung mamatay kang mahirap kasalanan mo yan. Hindi nagsisikap kaya patuloy sa paghihirap.
Ang mga magulang ko’y talagang maituturing na mahirap dahil kakarampot lang ang kinikita. Wala silang natapos na kurso dahil sa kahirapan kaya nagtitiis sa mabibigat at mababang sahod. Kaya naman nagsikap akong makapag-aral sa pamamagitan ng pagiging Working Student sa isang kilalang unibersidad at nakapagtapos nang hindi na pinasakit pa ang ulo ng aking mga magulang. Sabi nga nila ang Pinoy ay madiskarte, ganyan dapat ang Pinoy hindi umaasa sa iba kundi sa sarili.
Ang kabuhayan ng isang tao ay hindi dapat nakadepende sa gobyerno dahil papano ka nga ba makakaasa na sa kapiranggot mong ibinabayad na buwis ay dodoblehin ito pagbalik sayo? Sa dami ba naman ng mga sugapa at buwaya sa pamahalaan ano pa nga ba ang ating maaasahan?
“Ganyan katindi ang kahirapan sa kanayunan at sa maraming parte sa kamaynilaan. Hindi celfone load ang kanilang problema. Laman ng tiyan.”
.
Kawawa nga naman talaga.
But then the fact remains a farm needs to be managed and the harvest stored properly. A farmer’s hunger pangs won’t change the fact that a harvest may all rot because it wasn’t harvested at the right time.
The farmer could have told you he needed food. Why didn’t he? Was he afraid to lose his job? Or is silent victim mentality so culturally ingrained that we’d rather stoop down and soldier on until we hit a brick wall rather than look up and reflect on where we are headed?
For that matter, why do Pinoys suffer in silence instead of speak out and articulate their issues properly BEFORE IRREDEEMABLE DAMAGE IS DONE? We speak with pride about how Pinoys are preferred employees by foreign employers. My theory there is that the reason foreigners like Pinoys is because we work like dumb oxen. We toiling away without reflection and without offering insight. We see a bad practice and we work around it rather than stand up and highlight a bad practice to our employer.
Food for thought.
.
– 😀
alegadown:
naranasan mo rin ba na magdildil ng asin?
ako naranasan ko na mag-ulam ng kangkong at talbos ng kamote.
at magmeryenda ng ala-tiris.
tapos kapag ala-sais ay nagmamano kay nanay pagkatapos magdasal sa altar.
naranasan ko rin manghuli ng mga gurami at mga talilong sa ilog pasig – trip trip lang yan ng mga kababata ko.
gloria macapagal arroyo, mandaraya, sinungaling at walang damdaming nagpapanggap na pangulo, wala kang karapatang sabihin kung ano ang dapat gawin at bilhin sa karampot naming kinikita dahil ito ay pinagpatuluan namin ng pawis at wala kang naiambag kahit isang kusing. wala kang ginawa at ginagawa upang ang kalagayan naming mga maralita ay maiangat kundi pawang panloloko, panlilinlang at paglilihis ng aming atensiyon at paniniwala sa tunay na kalagayan ng iyong huwad na pamahalaan. ang pondong para sa mga pagawaing bayan ay ginagastos mo hindi kung saan ito nakalaan kundi kung ano ang iyong kagustuhan at kung saan kayo masisiyahan.
anim na taong singkad. ganyan na kalawig ang pagtatampisaw mo sa inagaw at ipinandayang kapangyarihan. lahat ng bagay ay ipinangako mo, lahat ng kasinungalingan ay nagawa mo na at patuloy pang sinasabi’t ginagawa, hindi ka pa ba nagsasawa? hindi ka na ba nakukutya sa iyong sarili, gayundin ang iyong mga alagad na animo’y mga lintang naglisaw sa iyong paligid at tila alingawngaw ng iyong mga sinasabi? mga tagapagtaguyod na gaya mo ay nalasing na rin sa tamis ng pang-aabuso sa kapangyarihan? mga tagapagsanggalang mong wala na ring prinsipyo at halang ang mga kaluluwang katulad mo ay walang paninindigan?
nasubukan na ba ninyo ang magsalo sa iisang tuyo ang ulam at halagang pisong suka’t bawang ang sawsawan? kailan ang pagkakataon na ikaw/kayo ay humarap sa mamamayan nang payak ang bihis at kaanyuan?
bago mo kami turuan, humarap ka muna sa salamin, kayong mag-anak, ang iyong mga alipores at itanong sa inyong sarili kung anong buti para sa sambayanan ang idinulot at idudulot pa ng patuloy ninyong pananatili sa inyong kinalalagyan.
masdan ninyo ang inyong anyo at pakasuriin kung larawan kayo ng mabuting huwaran at karapatdapat tawaging LINGKOD NG BAYAN!
at bago ko makalimutan, hindi ikaw ang TUNAY naming inihalal at pinagkatiwalaan upang umugit sa pamahalaan. napaluklok ka lamang at nananatili sa matibay at kapit tukong pagyakap sa kapangyarihan dahil sa iyong mga kaalyadong BAYARAN! KAYO ang SALOT na kumikitil sa ga-hiblang pag-asa ng naghihingalong sambayanan upang patuloy na mabuhay.
we see a leader, a president who blames the people for something the filipino cannot afford anymore these days. kawawa naman ang mga pilipino sinisi pa sa kawalang makain. paano pa natin uunahin ang luho ay wala ngang makain ang mga pilipino… sila na lang nasa administrasyon ang nanalasa sa kaban ng bayan, sugpuin ang korapsyon at ibahagi sa maralitang pilipino, servisyo, kalusugan, pabahay, inprastraktura, murang bilihin para sa masa… sugpuin si gloria, jackal in the palace!!
Ellen,
Re: Hindi naman raw talaga sila mahirap dahil di ba pinipilit niya (ni Gloria?) na gumanda na ang buhay sa Pilipinas dahil sa galing niyang ekonomista?
Talagang nasira na ang ulo nitong si Gloria – removed from reality.
Because she thrives on lies, lying has become a second skin to her on top of cheating and outright thieving (kleptomaniac – when she sees a bit of money or anything that catches her fancy, she steals it). And what’s gobsmacking is that she and her husband are doing this for their greater glory, i.e., to make sure they’ll go to heaven?
How can anyone trust this woman or her husband with anything?
It’s safe to say that any Filipino who still trusts this immoral dwarf deserves to be committed to the loony asylum.
Nakakalungkot isipin na parang mapupudpod na lang yata ang mga keyboard natin sa kakatipa ng kung ano-anong kabulastogan ng gobyerno, subalit hanggang dito na lang ba? Hindi naman yata nagbabasa ng Blog ni Ellen ang pinatungkolan ng paksang eto. Lahat ng mga nakasulat mula sa taas hanggang dito sa baba ay talagang sobrang dami na at kung bawat isa ay may katumbas na palo ay malamang na nagkalasuglasog na ang katawan ni Madamme Senyora. Baka pwedeng ipunin nyo lahat ng mga yan kasama ang mga katibayan at iakyat sa kung saang ahensya nararapat at panindigan tulad ng ginawa ni Clarissa Ocampo.
I am trying to imagine a certain presidential candidate blasting in his/her political campaign that goes…
“kung isinilang kang mahirap hindi mo kasalan yan, pero kung mamatay kang mahirap kasalanan mo yan. Iboto nyo ako at huwag nyo akong sisihin kung mahirap parin kayo”
It is the obligation, a moral obligation of any leader to address the poverty problem of his/her constituents. Totoong napakahirap kay Gloria ang gumawa ng milagro, millions living beyond poverty line. Subalit kung hindi mo kayang gumawa ng milagro, huwag ka naman sanang mangurakot. Sinserong programa para sa masa ang hinahanap ng bayan. Wala na ngang programa, kinurakot mo pa ang “fertilizer fund” para sa mahihirap na magsasaka ay talagang mamamatay na mahirap ang kawawang masa.
Is it becoming a culture of acceptance among Filipinos that a leader has nothing to do with poverty?
Nelbar:
buti ka pa nga may ipandildil sa asin, samantalang ako noon ay amm lang ng sinaing sa tanghali dahil ang kanin ay para sa gabi. minsan hindi talaga pwedeng idildil papano nga ba eh lugaw lang :)… kapag linggo namimingwit sa pier pero sa awa ng Diyos nakaraos rin….
According to Sen. Ping Lacson on TV that FVR is open to the idea of joining the Opposition ? Hmmmm..IF this will materialize, this could be the last nail on Gloria’s coffin.
Nelbar:
“tapos kapag ala-sais ay nagmamano kay nanay pagkatapos magdasal sa altar”
********
Ang galing naman, naalala ko ang piniritong gurami at kamatis panlaban sa kanin ang sarap niyan. Nung nagaaral pa ako palaging kong ulam nilagang itlog at kamatis na isinapaw sa kanin para mas makatas at asin ayos na.
Mrivera,
Mabuhay ka Idol! Tumbok na tumbok mo!
From INQ7 I’m a hunger victim, too’
03/22/2007
President Gloria Macapagal Arroyo on Thursday said that if simply missing a meal would qualify a person as having experienced hunger, then she, too, is a victim of hunger.
In an interview after a roundtable discussion at Malacañang, Mrs Arroyo said the way the question was posed among respondents could have been a factor why the hunger incidence reached a record high of 19 percent.
————-
Hanep talaga itong si Gloria! Gusto na namang ibahin ang basehan ng mga surveys mapagtanggol lang ang kasinungalingan niya! Hindi yata TAO itong nilalang na ito… HAYOPPPPPP!!!!!
O kaya…TUSONG DEMONYA!!!!
Magno,
I second the motion…
Kung noong panahon ni Marcos na inihahalintulad natin sa hollow blocks ang kapal ng kanyang mukha, ngayon ay mas higit pa sa hollow blocks ang mukha ni Tiyanak at kanyang alipores. Hindi na tinatalaban ng kahihiyan.
Perhaps, majority of Pilipinos are not quite hungry enough? Also, wondering of how much hunger it would take for the Pilipinos before they’ll realize that while illegitimate-mutineer Gloria illegaly occupying Malacanang that their hope is slowly dwindling to hopelessness. It doesn’t take much to fully comprehend that fake Gloria was always been since she has stolen Malacanang, just a fake literally. Over seven years is more than enough lesson in starvation. Moreover, illegitimate Gloria and crooked husband of her never known what it’s like to be hungry. And they both the wrong person to be giving advice.
It would take a miracle, if we do believe in miracle, to feed the millions hungry Pilipinos. But, first illegitimate Gloria must go before we even think of feeding the rest of the Pilipinos in poverty. Good governance and mandated administration by the people through democratic process, the choice of the people, must be the highest priority.
There are no other way, if the Philippines to have an honest government, the Arroyos and those that broken the rule of law must be prosecuted and punished to set an example, no exception. I would prefer that they both hang, then, that’s asking a lot.
The law is hard, but it is the law!
Luha at hindi luho, yan ang sinabi ni Sen. Lacson sa mga walang kwentang pinagsasabi ni Gloria—–si Gloria ang pahirap sa bayan kaya tanggalin na yan wala naman idinudulot na maganda yan sa tao puro lang kasinungalingan.
At kayo namang mga sipsip kay Gloria tularan nyo ang HYATT 10 aalis ba yang mga yan kung mabuti si Gloria? Mr. Ermita, Bunye atbp. mga kapit tuko kayo sa amo nyo, ipagtanggol nyo mga Pilipino yan si Gloria hindi Pilipino yan maaaring Pilipino sya sa papel pero wala syang kaloobang Pilipino. Hindi pwede kantahin ni Gloria ang “Pinoy Ako”, anak nga sya ng ama nya.Kayo namang nasa Lakas-CMD manhid ba kayo? Iniisa-isa na kayo ni Gloria, kala ko ba matatalino kayo? Pabagsakin na natin si gloria at kaisa nyo mamamayang Pilipino.
There are solution to the hunger problem. Rid of the thieves in Malacanang, compiscate all their assets, belonging, et al, first and foremost. Shoot those bastards, in order to demonstrate that stealing will not be tolerated, it doesn’t matter who they happen to be. At least a good begining to a simple solution to nationwide starvation to many Pilipinos. It’s not going to happen unless people’s make it happen, it’s the bottom line.
Illegitimate Gloria has been the subject of her lying, stealing and cheating. The discussion has its limits, time to bring it to finality. Illegitimate administration of Gloria must now come to end. She has done enough damaged within the country, not mentioning the Pilipinos credibility globally. No more of illegitimate Gloria’s lies, cheating and stealing. It’s now the moment to prosecute fake Gloria along with her entire family of thieves. The Arroyos must be accountable!
isang nakalulungkot na karanasan sa tanang buhay ng bawat pilipino ang ngayon ay pagkakaroon ng pamahalaang imbes na gawin ang sa mga namumuno ay inaasahan, kung ano anong paninisi pa sa mga hindi na makagulapay na mamamayan ang ipinapataw.
isang napakalaking kasalanan para sa mga tagapagtaguyod ng palpak na pangulong animo’y laging hilo sa kalasingan na ang mga sinasabi ay WALA sa katinuan na hangga’t merong mga taong nagbubulagbulagan at ayaw tanggapin ang katotohanang lahat sila ay kinakasangkapan, masahol pa in-epoxy at inihinang (welding) sa bawat sulok ng malakanyang ang tanging inang gloriang walang kahihiyan!
…masahol pa sa in-epoxy at inihinang…….
ito pala ang mas tugma:
“isang NAKALULUNOS na karanasan sa tanang buhay ng bawat pilipino ang ngayon ay pagkakaroon ng pamahalaang imbes na gawin ang sa mga namumuno ay inaasahan, kung ano anong paninisi pa sa mga hindi na makagulapay na mamamayan ang ipinapataw.”
Sinong may sabing hindi gutom ang mga pilipino. Sinabi na ngang 83% under poverty level, anong sinasabi ni Tiyanak na kung hindi sila magluluho, hindi sila magugutom. Gago pala ang ungas na ito.
OK, hindi siya main na dahilan bakit mahirap ang mga pilipino, pero nang inagaw niya ang kapangyarihan ay ipinangako niyang mas maganda ang palakad niya, at ininsulto pa ang “isang artista lamang” e bakit puro kopya ng ginawa ni Erap ang ginagawa niya gaya ng ala-jeep ni Erap at iyong mga rolling stores ni Erap pati na ang murang gamot.
O bakit kung talagang matalino siya e bakit niya ginagaya ang mga ginawa noon ininsulto nilang bobo daw? Pati nga ingles ni Erap pinintasan e Arreneow accent ang mokong samantalang siya ang pangit ng diction, ang tigas ng dila. Sabi nga ng kaibigan kong taga-Canada, “Yuko, I heard Arroyo spoke on TV. I could not understand her.” Sabi niya ingles daw and salita pero hindi niya maintindihan. Bago kasi sa tenga niya ang puntong kapampangan ni Tiyanak!
Isa pang dahilan kung bakit lalong naghirap ang Pilipinas ay dahil wala naman talagang trabaho sa Pilipinas. Mangungutang pa ng malaki ang isang pilipino para lang makaalis ng bansa upang mabuhay ang sariling pamilya. Puede ba, PATALSIKIN NA, NOW NA! Nahahalata tuloy kung sino ang tuta niyang nagba-blog dito dahil kapareho ng sinasabi niya. Wala ring tuktok. Utak kamote, yes!
Ellen:
Si Ret. Gen Mosqueda ba may kaso after Senate Hearing? I pity Sandra Cam dahil after the investigation walang nangyari samantalang she is more credible than Chavit pero mas pinaniwalan pa ng taong bayan si Chavit (na 1.2M lang daw ang asset pero nagbigay ng bodyguard kay Pelaez ha ha ha..liar talaga). Sa Garci Scandal halata ang pandaraya pero walang pakialam ang tao bayan but during Erap’s time ang bilis nila sa EDSA (Jueteng lang issue) pero ngayon Corruption, cheating, stealing, wala ng pakialam ang taong bayan.
Sana umangat na si Trillanes sa Survey…si Joker Arroyo dati wala yan sa survey kaya nagdadalawang isip noon kung tatakbo siya at ngayon tumataas…baka naman panay endorse na naman ni Mike Enriquez diyan kasi last time na tumakbo yan
pagnakikinig ako sa DZBB panay mention ni Mike E yan.
Mukhang papasok lahat ng Wednesday Group dapat may maalis sa kanila kung hindi yayabang ang mga iyan.
alegadown at Tilamsik:
nuong panahon pa kasi na namamasukan pa ang Tatay at Nanay ko, lingguhan ang sweldo kaya medyo maalwan pa ang buhay at nakakaraos din – ‘pantawid gutom ika nga’.
sa kalapit bahay naman ang pinapasukan kong eskwelahan pati na ang mga kapatid ko.
at ang turo ng tatay ko nuon ay magsinop sa buhay at tuwing sweldo ng biyernes ay nakakapag-impok sa bangko – happy savers ako nuon.
pero ngayon ay iba na ang buhay. ang dating 35 sentimos hanggang 65 sentimos na pasahe sa jeep ay inabot ko pa.
nuong nasa unang taon ko sa “grade seven”(1st year H.S.) ay 75 cents na ang pasahe.
ngayon ay inabot ko ang 7.50. Sa taxi naman ay trenta pesos unang bagsak ng metro.
natatandaan ko pa na noong late 70’s ay 2.50 ang unang upo mo taksi at .50 kada patak ng metro.
para na naman akong nag-time travel! (ngisi)
Dito sa Amerika pagmay nakakausap kaming mga pinoy isa lang ang sinasabi “Ang hirap ng buhay sa pinas, grabe ang corruption..dito na lang tayo”.
RE: Kung noong panahon ni Marcos na inihahalintulad natin sa hollow blocks ang kapal ng kanyang mukha, ngayon ay mas higit pa sa hollow blocks ang mukha ni Tiyanak at kanyang alipores. Hindi na tinatalaban ng kahihiyan.
Noon ay crocodile-thick skin at hollow blocks para sa mga kapalmuks at kurakot sa gobierno. Hi-tech na ang kapalmuks nila Gloria at Jose Pidal. Ngayon ay Kevlar-bullet proof ang kanilang kawalanghiyaan. Kahit magdamag mong hampasin walang epekto.
However, Kevlar-faced Gloria Arroyo cannot withstand the wrath of the Filipino people in May 2007 elections. She is the main issue, nothing more. How she can solve severe hunger in six months time frame? She had been in power illegally for six years. It’s getting worst. At that time most of them will be starved to death. Dead people can no longer complain for hunger.
Narinig ko rin iyang sinabi ni Lacson kahapon sa news. Ang ganda nga ng pagkakasabi. “Kampi is raiding the ranks of Lakas…JDV must realize that they are not just sending him a message, they’re stabbing him in the back!”
When asked by the same reporter if JDV being dropped because he has outlived his usefulness, Lacson blurted, “He has been used!”
Malinaw talaga ang perspective ni Lacson, diretso ang ruler na iginuguhit mula sa isang tuldok papunta sa isa pa. Walang liko. Bilib ako.
Sa radyo naman, (hey, mas madalas na yata ako sa AM ngayon kesa FM, nahawa na sa driver ko) Sinabi ni Lacson na ang ulo’t buntot ng demonyong Pork Barrel ang puno’t dulo ng kurapsyon ng mga Kongresista’t Senador. Na sinasakyan naman at kinukunsinti ni Gloria.
Sabi niya, “Nung nag-privelege speech ako tungkol sa pag-aalis ng Pork Barrel, marami ang nagsabi, ‘Sino ba itong nag-iisang tanga na ayaw ng milyun-milyong pondo?’. Naiintindihan ko kung bakit ganoon ang naisip nila, kung walang pork barrel, wala silang projects na maipapakita sa mga constituents nila. Kaya lang, kasabay naman niyan ang tukso ng pagnanakaw. Bakit hindi na lang alisin ang tukso para mawala ang kurapsyon?
Hindi naman kailangan pang idaan sa kamay nila ang pera para magkaproject sa lugar nila. Pero garapal na nga, dati sa mga hotel pa ang abutan ng pera. Kadalasan sa Sulo Hotel, pero ngayon kahit sa hallway na lang ibinibigay ang envelop. Siguro dahil matrapik, hehe.
…Yung sinasabing P70M sa Kongresman, P200M sa Senador, pag kakampi ka sigurado iyon. Pero yung magagaling talaga, doble pa, minsan triple, samantalang yung lumalaban para maiayos ang mali, wala ni isang kusing. At least ako, nung lumaban ako, wala akong inasahang pork barrel at idineklara kong hindi ako kukuha niyan. Yung iba, umaasa pa. Pero natuwa namamn ako nung nag-privelege speech ako merong mga labingdalawang mambabatas na nagsabing hindi na rin sila kukuha o kalahati na lang ang kukunin. Pero kalabas-labasan, hindi rin pinanindigan yung salita nila.”
Not exactly verbatim, but I got the message clear. The pork barrel is the source of all evils. Ginagamit ng Malakanyang para panuhol sa kongreso para sumunod sa giya, ginagamit ng kongresman at senador para pampapogi sa mga botante habang ang pinursyentong kupit ang ginagastos pangampanya o pambulsa lang. At least P17B to P20B of the annual budget goes to pork barrel and only God knows what portion goes to the pockets. And we say the country is poor…kaya maraming nagugutom.
benign0 Says:
March 22nd, 2007 at 4:56 pm
Kawawa nga naman talaga.
But then the fact remains a farm needs to be managed and the harvest stored properly. A farmer’s hunger pangs won’t change the fact that a harvest may all rot because it wasn’t harvested at the right time.
TANG orange NA Malamig Oo benignBokya, sa tuwing ika nga’y ibubuka mo ang iyong bunganga, ang sisihin mo ay ang taong naghihirap. At sisihin naman daw ang magsasaka na kesyo hindi inani sa oras at tamang paraan ang kaniyang pananim? O di kaya’y hindi inimbak ng maayos ang mga ani kaya daw nabubulok? Ang galing ng imbento mong dahilan, at gawin pang stupido at gago ang mga magsasaka? Maryosep na nilalang itong si benignBokya, saang planeta ka ba talaga nagmula at ganiyan ka mag-isip? Igagaya mo sa iyo na TANGA iyong mga magsasaka na pababayaan at hindi alam pagyamanin ang kanilang mga tanim at ani, samantalang sila’y duon lamang umaasa ng kanilang ikabubuhay, sa mas mabigat na salitang English na puwede mos siguro maintindihan ay ang kanilang “existance”. benignBokya, para kang sina gloria at mga kampon niya, tuwing maglalabas ng komento galing sa kanilang utak, walang sustansya.
Ang argumento ng mga PAHAMak at PANTASyador na mga asungot sa kuwarto na ito ni Ate Ellen ay ito. Bakit ba daw dapat isisi sa gobyerno kung naghihirap ang marami sa ating kababayan? Kasalanan daw ba ng gobyerno kung talagang mahirap na ang mga ito, kahit nuon pang hindi pa nakakasingit sa puwesto niya si gloria?
Masasabi ko, ang ganitong argumento ay galing sa takbo ng isip ng mga MANLILINLANG na gaya nina gloria. Dito sa kinalalagyan ko, na isang maliit na isla sa Gitna ng Pasipiko, wala silang gaanong sariling likas na yaman, kundi ang mga turista na lumalangoy at isdang hinuhuli sa dagat na parehong meron naman at mas marami pa diyan sa ating bansa, pero bakit ang mga mag-aaral nila mula headstart(pre-schoolers diyan sa atin), elementarya, at high school, may libreng school bus, at libreng pakain sa kanilang mga eskuwelahan? Resulta, hindi na pino-problema ng kanilang mga magulang ang kanilang pambaon para sa pamasahe at pagkain sa araw-araw. Basic service related to education, pero natutugunan ng pamahalan dahil iyong pondong pera para dito ay talagang inilalaan at ginagasta para dito. Diyan sa atin, kunwari magpapasa ng batas para sa FY budget, pero oras na lumabas na ang salapi, tulad nga nuong kaso ng 9 milyon pesos na halaga ng cellphones at loads na pinagkagastusan ng Dept. of Agriculture, ay sa ibang bagay na ginagasta ang pera, o maliwanag na “diversion of funds”. Paano ngayon sasawayin ni gloria ang kaniyang mga kampon, eh siya nga mismo at ang kaniya baboy na eskorte ay nagwawaldas din ng salapi na galing sa kaban ng bayan. Suma total, sa kasalukuyang BULOK na pamamahala diyan sa ating gobyerno sa pangunguna ng MOTHER OF ALL CORRUPT lalong NAGHIHIRAP ANG MAHIHIRAP, at naglalaho ang tsansa na makaahon sa pagkakalugmok nila sa kahirapan. Iyong magbubukid na kakarampot ang kinikita ay kinukulang dahil me mga pinag-aaral siyang anak na bukod sa matrikula ay kailangang maglaan sila ng pambaong pera para sa pamasahe at pagkain sa araw-araw. Hindi dahil MALI SILA NG PAMAMARAAN SA PAGTATANIM AT PAG-ANI, at HINDI NILA INIMBAK NG MAAYOS ANG KANILANG NAANI. Iyong taong nagsabi ng ganitong kadahilanan, iyon ang TANGA at BOBO!
Tamang-tama titulo ng thread na ito, “Nasa Ibang Mundo”, sina gloria at Ip Dye, pero si benignBokya “taga-Ibang Mundo”. 😛
Spartan,
Ganyan katanga niyang si Bokya.Ang solusyon niya sa gutom ay “Food for Thought” . Solusyon ng isang Tanga!
Tongue T: The pork barrel is the source of all evils. Ginagamit ng Malakanyang para panuhol sa kongreso para sumunod sa giya, ginagamit ng kongresman at senador para pampapogi sa mga botante habang ang pinursyentong kupit ang ginagastos pangampanya o pambulsa lang.
*****
Sinabi mo pa. I’ve heard of projects being offered to the representatives, governors and other local government officials by the Fatso. I was shocked when I heard it and thought who was he to offering such projects if that was not exactly what he must have aimed at doing when he helped his wife grabbed the presidency. I’m told of the offer and projects to be carried out according to his plan with the padded bills. Now, they should seriously investigate the plan to turn the Dadong Blvd. into a gambling strip ala-Las Vegas started no doubt by the Fastso to be headed by his son, who has a betting den there.
I have a feeling that the Tiyanak is pulsing reaction to her statement on poverty that the poor should in fact blame themselves for, and then one of these days praise Chavit, et al for helping provide the lowly means to augment their livelihood with jueteng and the need now for more sophisticated gambling.
I was disappointed, though, to hear that Catholic priest talk of the benefit of gambling, not the destructive effect of it to the spirit. Parang sinabi ng paring ito na OK ang shabu sa katawan!
Maam Ellen,
Okey yung kwarto ni Delta.Puro pit bull na aso ang kanyang line of interest. Pero kulang pa rin ang collection niya.
Wala siyang pit bullaga!
apoy, food for thought ba ika mo laging binibigay ni benignBokya? Malamang iyon ang kailangan niya, pagkain sa kaniyang utak para magkasustansya naman ang laman ng kaniyang bao.
ystakei, nuong isang araw nga iyong si gob. apeng yap ng Tarlac, ang ibinoka ay ganito habang anduon sa probinsya niya ang pangkat ng TUta…”Mga kababayan, saan pa ba tayo, dito sa Tema Unity puro grasya, duon sa GO puro pag-impeach sa mahal nating pangulo..”. Ayop din talaga ang kapal ng mukha nitong si yap ano? Kailan kaya puwedeng barilin sa plaza ang mga politikong ganito kakapal ang apog? hehehe
Impeach, impeach, impeach! Iyan ang dapat na sigaw ng mga taumbayan. Now, we know kung sino ang talagang may gustong patalsikin ang mga Cojuangco sa Hacienda Luisita at pumatay sa mga peasants doon. IMPEACH, IMPEACH, IMPEACH!
Apeng Yap was one of the most crooked congressmen when he was in the Defence Committee in Congress during FVR’s term.
Then he passed the torch of crookedness to Danny Suarez! Heh!
Yuko,
Re: Iwas disappointed, though, to hear that Catholic priest talk of the benefit of gambling, not the destructive effect of it to the spirit.
Really? Extraordinary.
Btw, France has opted for sterner laws against on-line gambling even against the recommendations of the EU. Why? Coz I suppose, as Yuko says, gambling is like taking shabu -it becomes an addiction.
A Swedish on line gaming company has been on the marketing attack in France targeting students. I’m a member of the French NGO that’s tried to thwart the efforts of this Swedish company. They backed out in February after failing to establish their student connections but we are NOT sitting idly because we know they will not take things lying down.
When Gloria toppled Erap with the help of Angie Reyes and his shitty generals, I wrote to Ellen (she didn’t have a blog yet but published my letter) and said that bona fide foreign investors would certainly pull out of Pinas – and yes, the company I was working for was the first to pull out – and would be replaced by shady foreign investors and gambling investors.
True enough! Before the year was over, Stanley Ho of Macau and Vegas mafia-controlled gambling fame, who couldn’t come to Pinas during the time of Erap, was being welcomed by one of the trusted emissaries of Gloria in the Diosdado Macapagal Airport in Clark!
I hear that casinos in Pinas are proliferating like mushrooms!
Anna:
I heard it this morning on DZBB when I listened to Mike Enriquez’ morning broadcast and heard that Catholic priest talk of gambling as not being bad and illegal.
Oh yeah! Over here, gambling is illegal because it is addictive. I’ve met a lot many Filipinos getting addicted to pachinko and getting into a lot of debts eventually leading to their commission of serious crimes to pay for their bad habits.
Over in our church, members are counseled to never engage in gambling because of its bad effects. I have a brother-in-law who loves gambling, and has stopped working because of it. My sister, not wanting her husband to be criticized by relatives, has become the breadwinner instead of him. So, who says that it is not bad?
When I heard that priest talk about it, I thanked God I left the Catholic faith!
Anna,
You know why she wants to change the Constitution and form of government in the Philippines and make an excuse of some federalism that cannot even work in the Philippines? It is because she wants to change the Philippines into some monarchy ala-Monaco, and turn it into a big gambling den!
Manny Pacquiao in fact was talking about getting to be a manager of one of the planned gambling complex in the Philippines when he was here.
It is no wonder why God has seemed to have abandoned the Philippines that lands there have become barren and seemingly cursed in addition to the scams that have affected adversely the farmers there who should in fact be as rich if not richer than the farmers in Japan, and that is of course if the Americans had recommended a more workable lang reform system before they granted the Philippines its independence.
They did that in Japan. I wonder why they did not implement the same programs to equally war devastated Philippines.
Oops, this should read, “a more workable lang reform system”
“I heard it this morning on DZBB when I listened to Mike Enriquez’ morning broadcast and heard that Catholic priest talk of gambling as not being bad and illegal.”
Yuko,
How much kaya is the monthly take of this nakasutana from Eprahim Pagcor?! As I mentioned in another thread, if Pinas is totally turned into a casino republic, marami nang magpapa-tiwarik dahil sa talo at utang sa sugal, at ang mga poors will become even poorer. Ipinagpalit ng paring ito ang kabutihan ng mga pinoy sa kanyang monthly take. Corrupted ang tuktok ng paring ito!
Chi;
Nakita ko iyon sa TFC,pakodak-kodak pa nga si Sister Stella,abot tenga ang ngiti niya dahil puno ng kuarta ang bulsa.
cocoy,
Isa sa pag-korap sa isip ng mga naka-sutana ang hiniling ni Fartso sa heaven. Malakas sila sa mga pari, ha!
Ewan ko lang kung hindi sila makatikim ng matinding resistance diyan sa planong New Las Vegas complex sa lupang lilipatan sana ng Nayong Pilipino sa Pasay. So far, mukhang iniligpit nila si Mayor Peewee na may matinong commitment sa mga legit investors na naglilipatan sa reclamation area. Nandiyan na si Henry Sy at ang kanyang Mall of Asia. Meron pa siyang pinatatayong medium-rise sa tabi, nakita ko kahapon. Yun ngang i,200-seater na call center ni Michael Dell (Dell Computers), sa MOA ang operations, mage-expand pa.
Alam ninyo bang si Henry Sy, pag may hindi gusto sa paligid ng mall niya, binibili niya? Gaya nung sa Mega Mall, merong mga commercial establishments na mukhang madungis, mga beerhouse, pati gasolinahan na sa tingin niya makakasira sa background, binili niya, kesehodang triplehin pa ang presyo. Inunahan na nga niya itong mga walanghiya kaya nagdonate siya ng isang bagong cathedral doon sa reclamation, tatabihan pa yata ng casino ng co-Rotarian ni IpDye.
Mukhang planado na ang lahat dahil Kumpale na rin ng mga Baboy si Stanley Ho. Ipinangako na nga na ang isang laban ni PaKyaw, sa Hotel/Casino ni Stanley sa Macau gagawin. (Another scoop, Chi!) At ang matindi, yung gambling-friendly (dahil may-ari ng sabungan at malapit kay Taba)na congresswoman ng Pasay ang pilit papanalunin pamalit kay Peewee. At ang isa pang kalaban, yung ex-policeman na Lakas candidate na laging talo kahit pa magpaulan ng kwarta galing sa jueteng at ticket scalpers ng PBA games noon sa Astrodome. Ito yung nag-“rescue” ng mga co-witnesses nila Sandra Cam at Boy Mayor mula sa “kasamaan” ni Bishop Oscar Cruz nung panahon ng Jueteng Hearings sa Senado.
Nahirapan ngang i-shakeoff ni Peewee yung stigma ng coddling ni Cuneta ng mga gambling lords pero kahit matagal, nahinto rin yung sangkatutak na saklaan na halos bawat barangay meron noon. Paanong hindi mahirap e, si Boy McNutt na anak ni Cuneta (sa labas) mismo ang financier. Mahirap na baka magalit sa kanya pati fans ni Sharon.
Huwag mo nang i-edit ang pangalan, Ellen. Alam naman dito ng lahat ng tao iyan, heheh.
BTW, Ellen, nadaanan ko kahapon yung paborito mong Bar and Grill along the most expensive street in the universe, going to a graduation at the PICC. Sabi ko kay Mang Erning, itigil sandali sa harapan ng resto pag-uwi namin galing graduation.
Muntik kong malimutan, buti pinaalala ni Mang Erning nung pauwi na kami. Tanong nga ng mga anak ko kung bakit kami tumigil. Sabi ko, “Sandali lang, ito”. Tapos, isang bigay-todong kkwaarrrrkk…puwweeeeeh! Sabay, “Alis na tayo”. Si Mang Erning lang ang natawa.
Si Yuko, nakikinig na rin sa AM radio! Addicting iyan! Yung time slot ni Mike Enriquez, mas masaya ang katapat na programa ng DZMM, kasi si Anthony Taberna (nalibel din ni IpDye) at Gerry Baja na parehong matindi bumanat, kenkoy pa, ang nasa ere. Try mo!