Ipinagyayabang ng mga miyembro ng Team GMA na organisado raw sila at pinagtatawanan nila ang Genuine Opposition na magulo raw ang schedule ng mga rally.
Nabalita kasi na sa mga inaayos na rally ng GO, minsan hindi sabay-sabay dumarating ang mga kandidato at minsan nga hindi sumisipot ang ilan.
Maganda ang paliwanag ni GO candidate John Osmeña: “Paano sila hindi sabay-sabay ay para silang herded cows. Mga baka. Hindi aso or pusa. Baka.”
Sabi ni Osmeña, dahil marami pera ang Team GMA, na malamang ay pera ng taumbayan, may sarili silang eroplano. Magkakasama sila doon. Pagdating nila sa isang lugar, may naghihintay na air-conditioned coaster para dalhin sila sa isang lugar. Pagkatapos din noon, sabay-sabay rin sila dalhin pabalik sa eroplano.”
Sa GO naman, sabi ni Osmeña, ang kandidato ang bumibili ng sariling tiket sa eroplano. Kaya iba-iba ang dating dahil mayroong sa Philippine Airlines, mayroon din sa Cebu Pacific at ang iba ay Air Philippines. Sari-sarili silang alkila ng van na kanilang ginagamit sa probinsya.
“Ang kanilang unity ay pilit. Ang aming unity sa GO, ay sarili naming kagustuhan,” sabi ni Osmeña.
.
May balita kami na naiinis ang ibang Team GMA na kandidato kay Cesar Montano dahil kapag nandoon na yun, hindi na sila pinapansin ng mga tao. Sabi naman ni Osmeña, naiinis rin ang ibang kanidadato ng Team GMA dahil kung saan-saan sila dinadala para sundan si Gloria Arroyo. Tapos hindi rin sila nakakapagsalita.
Ngunit nakita ko sa Iloilo kahapon, ngsalita sila sa presscon tungkol sa extra-judicial killings o pagpapatay ng mga miyembro ng mga progresibong grupo at mga journalists na binatikos sa US Senate hearing noong Huwebes. Sinabi nila na kinukondena raw nila ang patayan ana ang suspetsa ay kagagawan ng military.
Kinukundena nila? Ay mga heneral ni Arroyo ang may pasimuno noon. Bakit sila sumusuporta kay Arroyo?
Sa presson ng GO noong Biyernes sianbi ni Sonia Roco na ang ang isyu ng extra-judicial killings na tinalakay sa US Senate ay isa na namang kahihiyan na binigay ni Arroyo sa bansa.
“Imagine, kung walang oposisyon na magbubulgar niyan?” sabi niya.
Sabi ni Nikki Coseteng, “Ang mga patayan na nangyayari ay pahiwatig ng administrasyon na nagpa-panic. Ayaw nila ang may lumalaban sa kanila. Gusto nila ang katihimikan ng sementeryo.
Sa reklamo ng mga kakampi ni Arroyo sa pakiki-alam ng Amerika sa nangyayari sa Pilipinas, sabi ni Osmeña,” Human rights and human life transcend boundaries. (Ang pag pahalaga sa karapatang panta-o at ang buhay ng tao ay walang boundary.)
Alam mo Ellen, sa Japanese ang ibig sabihin ng “baka” ay “bobo, inutil, stupid, dumb, asshole.” Iyan ang baka-baka ni Tiyanak.
sa ‘merika, ang baka ay cow. pero alam nyo ba na may iba pa palang ibig sabihin ang cow….
1. The mature female of cattle of the genus Bos.
2. The mature female of other large animals, such as
whales, elephants, or moose.
3. A domesticated bovine of either sex or any age.
Pag hindi nanalo ang GO, alam ng lahat na nadaya. Hindi na pinaguusapan ang mga Tuta sa totoo lang. Ang hot topic ay ang panggugunggong ng mga pilipino sa kaso ni Satur. Anything against Gloria Arroyo now is the sure winner! Ito ang katotohanan.
Magandang paliwanag no JO – baka ni gloria. Dapat lang naman, kung ganyan din lang ang turing, na ang palasyo by the murky river ay maturingang BAKAVILLE.
What the Tiyanak and her lackeys do is trending. Diyan sila magaling. Pero ang kalaban nila sa GO, hindi naman mga bobo. Piling-pili ang ginawa ni Binay sa line-up nila. Napalpak lang siya kay Mr. Noted Cuneta. Buti na lang that early nawala na si Pangilinan. Sabi ko lang noon, OK straight GO pero talagang hindi ko siya matanggap, kahit na si Villar sa totoo lang.
Mga baka ni Gloria? Ayaw namin sa kanila, kahit bigay pa ng libre. Sa tagal ng pagsasama-sama nila ke Oyang Tianak at Mike D’ Pig, infected na silang lahat ng mad cow disease. Teka, ang Team Unity nga pala has turned into a mini-zoo… may mga baka, aso, pusa, tianak, baboy … Ystakei, hoy! Si Villar nga pala ay ano? Balita ko, malaki rin ang utang niyan sa gobyerno, more than 1B, na hindi na raw binayaran. Sipag at tiyaga daw kaya umasenso, pweeeeeee! Tsonggo o baboy rin? Ang sigurado ko, may foot and mouth disease rin iyan gaya ni Mr. Noted, alyas Sharon, kaya dapat ding sunugin.
@ ystakei! i was laughing like crazy with your japanese translation! 🙂
BAKA talaga!
BAKANg-BAKA ang dating ng mga taNga-sunod kay gloria.
Di ba nga ang tawag eh: TU…..short for TUTA!
AW!-AW!
Reyna Elena,
Iyan lang ang ginagamit kong profanity that is exactly not profanity in Japanese. Inside our home, walang nagmumura. Off limit. Sinasampal ko ang anak ko noong maliit siya kapag gumamit ng profanity. Nakita ko kasi iyon sa foster Mom ko sa UK when I was studying there. Iyong anak sinasampal kapag nagsabi ng “Bloody!”
This time, ayoko sanang magmura dahil ayokong magalit ang Diyos sa GO. Iyan ang panata ko right now sa totoo lang. Kaya si Tongue T at PV na lang ang inaasahan kong magmura para sa akin. Saka na lang ako babawi! 😉
Taipan88:
I just sent a note to Mizuho Fukushima, who is a Sangiin-giin sa Japanese Diet. Ipinadala ko ang articles at sulat ni Satur Ocampo sa kaniya para batikosin niya ang ODA kay Dorobo sa Diet. Isa kasi siya sa major participant doon.
Sama ka pag pinatawag niya kami. OK? Sakay ka ng Shinkansen! Ganbaroo ne!!!
“Pag hindi nanalo ang GO, alam ng lahat na nadaya.”
Mali. Pag hindi nanalo ang G-rand A-lliance of G-enuine O-pposition ay dahil talagang TALO sila.
(pero pasok sina Trillanes, Roco, Villar, Lacson, and Noynoy. the rest pupulutin sa kangkungan)
Following the example of Ate Glue from 2004, the G-rand A-lliance of G-enuine O-pposition are pouring their money into surveys, para ma-condition na ang mga tao to believe na sila nga ang nagnguna. Para pag may results na at talo sila, may basis na sila na sabihing nadaya sila! gleng gleng talaga ng G-rand A-lliance of G-enuine O-pposition.
@ ystakei, ok, if you don’t want to cuss at magmura, how bout this… maybe i can help… i got dolls at perdibli! konting seremonyas lang gagawin kong biik yong mga baka na yan!
ystakei:
bakit pinapayagan ng bansa na tumakbo sa halalan ang mga dubious character?sanggano?sindikato?protektor ng mga iligal na gawain?
si erap lang ang nagsabi ng “hoodlum in robes”.
at si fpj lang ang may kilalang pelikula na may pang-aabuso ng mga huwes sa bansa!
ang iba wala na!
ibig sabihin nyan, nabahag ang buntot na batikusin ang mga abusadong nagpo-propesyon ng abugasya!
sa pilipinas hindi uso ang meritocracy!
uso dito ang brotherhood o’ fraternity!
Sa GO nakakaasa tayo na hindi pera ng taong bayan…eh sa Unity pag hindi natupad ang pangako ayun hindi sasama sa campaign…Si Cesar ayaw gumastos hihintayin niya daw ang pangako sa kanya at hindi niya raw kaya ang airtime fee…itong si Kiram irespeto daw dahil “KING” daw ang sultan…sa ngayon tahimik pa din si Cesar malamang di pa nabibigay ang pondo at ayon sa balita si Chavit at Cesar ay may posibilidad umatras sa laban (abante.com.ph).
Tulad ng sinabi ni Sen. John Osmena, ang mga taga GO ay baka at ang mga taga TU ay TUTA——-tuta ni Gloria hahahahahahaha!!! Mga TUTA, kunin nyo na sa amo nyo mga pera nyo.Bakit ko nasabi ito?Kasi po mga kabayan, tignan nyo si PICHAY–sa palagay mo ba mananalo yan? Hindi!di ba?Bakit nasa line up ng TU, kasi walang pumayag na kumandidato sa pagka senador sa administrasyon kaya dinaan ni GLORIA sa pera, ayon kandidato nga naman.E kanino namang pera ang binigay ni GLORIA?–e di pera ng sambayanan, kanino pa kaya.Ang naguubos ng maraming pera ngayong kampanya ay si GLORIA/TU hindi ang GO at gagawin lahat ni pandak ang lahat ng paraan para manalo ang TU. Kaya ang TU ay may mga Tuta na si Gloria may Unggoy pa.
RE: Ang Team Unity nga pala has turned into a mini-zoo, may mga baka, aso, pusa, tianak at baboy.
El Chavit has a mini zoo in his Baluarte Mansion. Igorota’s Team Unity goal is 12-0 victory or a minimum of 9 million votes to each candidate. How they can do it? Well, cows, dogs, pigs, rats, crocodiles, snakes, dead people and other rodents will vote straight 12 in favor of Team Tiyanak. Comelec’s master list of voters had gone to smoke a week ago. Perhaps Chairman Abalos and his magicians are busy reconstructing the master list of voters. Who knows? Baka, cats and dogs maybe included in the new master list. The political survival of Gloria Arroyo is at stake in May 2007 midterm elections.
Nelbar:
Problema kasi sa Pilipinas, hindi compulsory ang education. Dito lahat marunong magbasa at magsulat, at hindi paloloko. One thing good about the people here is pambihira ang taong nagdudunung-dunungan. Dito ang mahalaga kasi, kung kaya mo, arya, walang pipigil sa iyo kasi you have the right to choose your own destiny. Sa Pilipinas, wala kang kakilala, labas mo tagatinda ka na lang sa bangketa o manloko ka ng kapwa mo.
At least, wala pang nangloko hapon sa akin. Madalas pilipino ang manlolokong nami-meet ko. Kahit nakasakay ng Mercedes Benz o BMW, yuck, nakakatakot! Kung sabagay dito rin mga Yakuza karamihan ang may Mercedes Benz!!!
Kawawa ang mga pilipino kasi nasanay na sa paggawa ng estafa. Mabibilang mo sa kamay ang matitino. Sa dami ng senador sa Pilipinas, for example, si Senator Pimentel lang talaga ang nakita kong matino. Hindi pa bastos ang mamang iyan. Hanga ako sa devotion sa kaniyang asawa at pamilya. Titignan natin ngayon itong mga bagong sibol. Gusto ko ang dating ni Sonny Trillanes. May paninindigan. Iyan ang wala sa karamihan. Hopefully ganyan din si Alan Cayetano, Chiz Escudero and definitely si Koko Pimentel na siyempre magmamana sa mga magulang. Sayang hindi ako makaboto sa kanila, but I can definitely promote their candidacy to the Filipino voters in Japan.
Subok ko na ang kakayahan ko sa totoo lang. Namobilize namin ng grupo ko ang OAV noong 2004. Maraming nagparehistro. This year hindi ako nakialam sa registration of voters. Nilangaw apparently. Pero iyong promotion para kay Trillanes and GO, all out kami ng grupo at empleyado ko kaya pihadong panalo sila. Pag hindi sila nanalo dito pihadong dinaya.
Iyong nga botante sa Japan, ingat sa mga boto ninyo. Trick nila dito kunyari ipapadala ang boto kuno sa Comelec dahil hindi daw nakakabasa ang postman, tapos kunyari ibabalik ng Comelec pero iba na ang laman. Sino bang niloloko nila e alam naman namin na kapag kulang ang selyo hindi puede ipadala ng postman ang sulat sa Pilipinas at saka ang address naman sa envelope ay Philippine Embassy o Philippine Consulate lang.
Nice try, mga magnanakaw! Pa-wise-an na! Hindi na puede ang lokohan. PATALSIKIN NA, NOW NA!
Reyna Elena:
May nag-suggest na magpagawa daw ng manyika para ibigay sa mga pilipino katulad noong Cory doll noong umupo si Cory. Sabi ko, OK iyon basta samahan ninyo ng karayom!
Kaya lang baka mahuli ng pulis dito kasi may batas tungkol doon. Naniniwala kasi ang mga hapon sa mga ganoong sorcery. Tawag nila “wara ningyo”
Noong araw meron din akong Cory doll binigay noong kaibigan ko sa DOT, ginamit kong tusukan ng karayom at mga aspili kasi nahilig ako sa cross stitch at marami akong ginagawang tapestry. Nakita ng kaibigan kong pulis. Sinita ako. Noon ko nalaman tuloy na may batas sila laban doon.
Kung expert ka diyan, payag na ako! Sige nga, pakitusok ng karayom! To be authentic, lagyan mong nunal ha?
Sabihin ninyo kay JO, huwag na niyang gamitin ang salitang “baka.” Gamitin na lang niya ang kalabaw para talagang symbol ng sipag, etc. Kung applied kay Tiyanak OK lang ang “baka” in the Japanese context.
ystakei-san….
IF my work sked allows me to go out, why not?
I’m willing a hundred two percent!
Just hope and pray that
the baka-s are herded in the right place:
sa Muntinlupa para matikman naman nila
how it feels to be at the opposite side of the spectrum.
Reyna Elena;
Nanang Lagring na mangkukulam,ikaw na ba iyan?doon pa sa Intramuros kita hinihintay at ipakulam sa iyo si Ace Durano.
Di bale ituloy mo na iyang balak mong kulam sa kanila na gawing biik ang baka.
puwede bang gawin na lamang tungaw ang mga patabaing baka ni gloriang mukhang daga?
“Sa reklamo ng mga kakampi ni Arroyo sa pakiki-alam ng Amerika sa nangyayari sa Pilipinas, sabi ni Osmeña,” Human rights and human life transcend boundaries. (Ang pag pahalaga sa karapatang panta-o at ang buhay ng tao ay walang boundary.)”
Sa pakikialam ng Amerika:
Sa alinmang bahagi ng pamumuhay sa Pilipinas, hindi dapat maging batayan ang saloobin ng ibang bansa kung talagang nagsasarili tayo. Hindi natin dapat anyayahan ang panghihimasok nila sa mga usaping tanging sa atin lamang.
Malaking pagkakamali ng pamahalaan ang anyayahan ang mga tagamasid mula ibayong dagat. Dalawang kaisipan ang nakapaloob sa paanyayang ito: una, ang pag-amin sa sariling kakulangang ipatupad ng patas ang pangangalaga ng batas;ikalawa, ang pag-asang makakasumpong ang pamahalaan ng kakampi sa katauhan ng mga tagapagmasid. Hinding hindi nila tatanggapin ang unang kaisipan, at nagkamali sila ng sapantaha sa ikalawa, lalo na ng ihain ni Philip Allston ang pananagutan sa pinto ng pamahalaan. Sa hindi inaasahang pahayag ni Allston, pilit na sinira ni Raul Gonzales ang pagkatao nito sa pagsasabing ito ay isa lamang “muchacho”. Sino kaya ang nagpahintulot (o nag-anyaya) sa “muchaho” upang makialam?
Sa sinabi ni Osmena:
Tama. Ang buhay ay walang kinikilalang hanggahan. Lalo lamang nagpapabigat sa kaloobang isiping sa kamay ng mga tagapangalaga nakabahid ang dugo ng mga taong pinaslang.
ystakei Says:
March 20th, 2007 at 7:48 am
Alam mo Ellen, sa Japanese ang ibig sabihin ng “baka” ay “bobo, inutil, stupid, dumb, asshole.” Iyan ang baka-baka ni Tiyanak.
Hahahahahah! Same in French, it connotes stupidity i.e., “C’est une vacherie!” means “What stupidity!”, “Gloria Pidal Arroyo est une vieille vache” (Gloria Pidal Arroyo is an old cow)…
For over seven years now, WE’ve been calling illegitimate Gloria’s Mga Baka all kind of names that are in the book. We’re making fun of them to make us feel good, I suppose, most especially fake Gloria when she spitted on the constitution while we were all watching doing it. Yet, the reality is, it’s not doing anyone any good, since fake Gloria knew she could get away. As we can see, fake Gloria does whatever she wants, promoted anybody she wishes in a position in which have no business to be in such position, squandered the tax payers money, among other things without so much opposition. And fake Gloria’s illegal government without the benefit of the doubt is still pretty much in control, if we’re to put everything in perspective. I think We’ve already exhausted all the jollity and amusement for over seven years, it’s now the time to face the truth that fake Gloria and her Mga Baka are here to stay, since the Pilipinos has lost the fantasy of bringing back sanity to the government. In summary, either we like it or not fake Gloria’s Bakas and illegitimate Gloria are getting the last laugh, surely not us.
Since we can’t touch or even get near fake Gloria, and her Mga Baka, now we resorted to only ammunition available to us, make fun of them. I guess, there is not much anyone can do but to entertain ourselves, since it’s the impossibility to even think of fighting the City Hall. The only question remaining is, how long can this go on? While we are having the fun, according to the latest surveyed, millions of Pilipinos everyday are starving and doing without. It ain’t fair!
And Tony Cuevas, you may add they are all laughing all the way to the foreign banks with all the foreign currency remitted by the OFWs plus the American Aids, the country which they same people curse as minglers of the internal affairs of the ever freedom loving, with a few hundred of “unexplained killings” (as opposed to extra-judicial) and you are quite right there, they are always not just one step, but a few steps ahead and we just hope that one of the steps they take, they’ll miss and trip all at the same time, fall down and never get up….
From INQ7 website:
Arroyo’s blueprint vs hunger: Spend on basics, not luxuries
03/20/2007
“I ask our people to spend on the basics first before the luxuries so our children will have enough to eat,” President Arroyo said in a statement read at the inauguration of the Col. Jesus R. Lapus Memorial Sports Complez at San Nicolas village in Concepcion, Tarlac.
She added that, “The overall drive for investments and jobs will also help dent the incidence of hunger although we know that this issue cannot be totally attributed to poverty and lack of opportunity but also to the spending patterns of the people.”
——————
Eto talaga si Gloria oo, SINISISI na naman ang mga Pilipinong wala na ngang pangkain dahil sa mahal ng bilihin dahil sa EVAT/RVAT niya. Spend wisely daw, eh wala ngang sapat na pera ang tao dahil walang trabaho o kulang ang sweldo. OO totoo na may mga taong nakakapag-Starbucks pa, pero makikita mo na iilan lang iyong mga taong yan at nasa business area pa tulad ng Makati. Kung pupunta ka sa Jollibee na pangmasa, makikita mo na karamihan ay mga bata na lang muna ang binibilhan ng mga magulang nila. Di bale na tira na lang ng kanilang mga anak ang kainin ng mga magulang mapagbigyan lang ang kanilang mga anak. Minsan makikita mo na may mga batang lalapit sa iyong mesa at maghihingi ng pagkain maski na yung tira-tira lang kesa halukayin pa nila sa basurahan. At kung papansinin lang ay makikita mo ngayon na mas maraming batang palaboy at gutom at wala sa eskwelahan kesa nuon. Halos lahat ng hagdanan sa LRT ay may mga nanghihingi ng limos at pangkain. Kasalanan nga ba ng mga kapus-palad na ito?
For the record, I’ve no great respect to either political parties, GO and TU. I believe, they’re just taking the people for a ride with their rhetorical lies and promises. I’ve enough of political lies to last me a long time. Just can’t trust them anymore and I refuse to be taken with their conning lies. If an illegal govt of fake Gloria has lasted this long, it’s telling me that Pilipinos has no love for their country or respect to rule of law. I imagine, Pilipinos got better thing to do and don’t want to be bothered with nonsense of having a good governance. They’d rather put up with the bogus Gloria’s administration than to recognize the sovereign rights of every individuals. When bogus Gloria clearly cheated and committed election fraud, yet nothing has been done to prosecute bogus Gloria, it sent a clear message to all of us that Pilipinos has no penchant for the rule of law. Or waiting for Senator Boxer or Washington to do all the dirty work for the Pilipinos?
Malaki ang pakinabang natin sa mga baka. Nag-aararo ng lupa, nagbibigay sa atin ng masarap na gatas, at steak. Ang balat ay ginagawang jacket. Kaya nalulungkot ako at ang team tianak ay inihahalintulad sa baka samantalang walang kasilbi-silbing mga tao ang mga hinayupak na ito!
Sila ay mga ulupong na sa bawat tukang may lason ay namamatay ang pinoy. Sila ay mga anak ni Queen Ulupong Tianak na sa gagawing huling tuka, kung hindi matatagpas ang traydor na ulo, ay gunaw na ang Pinas na mahal.
Vic:
You’re correct to mentioned their foreign bank accounts. They stole the money in the Philippines, yet instead of circulating the stolen money to help the Philippines economy, they’d rather invest it in the foreign banks since they couldn’t trust their own banking system. If they do trip, always someone out there will pick up the slack for them. History has demonstrated that there are more thieves in the govt that would steal and lie, than to attend the people’s business, which is why we are where we are now. No politicians can be trusted! I’ve not seen a politicians yet with only one automobile parked in their mansion. Many of them will put used car lot to shame.
luzviminda,
matagal ko na ring litanya ‘yan. at iyan ang dapat maging batayan upang isupalpal sa mukha ng baliw na babaeng palaging sinasabing gumaganda ang eeeeekkonomiya sa ilalim ng kanyang administrasyon na palaging sinisigundahan ‘nung 0.01% dito na ubod ng galing!
Mrivera,
Kami nga pagnag-grocery, “tingi-tingi” na lang. Hindi katulad dati na de-litro, de-kilo at de-kahon. Ngayon mabili na lang lahat ng rekado ay maliliit na takal na lang. Siguro naman pansin din yan ng mga kababayan natin na nasa Pinas. Pag “sale” na usually pag bumili kahit malapit na ang expiration nung item. Sobra-sobra na ang “insensitivity” ng gobyernong ito at ang mamamayan pa ang sisissihin eh hindi nga nila mabigyan ng trabaho at maitaas ang sweldo samantalang matagal ng nagdurusa dahil sa EVAT/RVAT. Baka dumating tayo sa madugong rebolusyon kung di matitigil ang PAGKAGUTOM NG MGA PILIPINO!
Kunyari lang ang bakang (baka in the Japanese or French context!) iyan. Siya itong maluho pero kapag iyong mga kababayan niyang mahirap titikisin pa niya. Mga basics daw ang unahin. Iyon ngang mga basics hindi nga nila mabili kaya kalkal sila ng basura para magkapera.
It reminds me of the time, I went with a Japanese TV crew to do a documentary on Payatas. Ilang araw akong hindi nakakain kapag naaalala ko iyong mga paa at brasong kinalkal ng mga batang nagbabasura doon. Akala ko may tsinaptsap doon, iyon pala basura na galing sa mga ospital matapos pag-aralan ang mga bangkay.
Ni hindi man lang ipinalibing ang patay. Dito sa Japan iyan, kinalaboso na ang may-ari ng ospital sa ginawa nila. Krimen kasi ang magbasura ng bangkay dito. Nagtirik tuloy ng kandila ang mga kasama kong hapon. Napaiyak na lang ako doon sa in-abandon na bangkay. Nasaan na ang pagiging Kristyano ng mga pilipino? Kakahiya! Tapos sasabihin ni Dorobo, magtipid daw ang mga pilipino para mas malaki ang nanakawin nilang mga Pidal sila!!!
Arya tira ng tira! PATALSIKIN NA, NOW NA!
Luzviminda,
Sinabihan ni SinongAling Glueria ang pinoys na iyon lang basic needs ang bilhin at hindi ang luxuries?! Susmaryosep, e ni wala na ngang pambili kahit ng basic na bigas, katanga talaga! o sadyang insensitive!
Bakit ang problema ng gutom ay kanyang isasabit sa panggastos?! Patunay lang na walang alam ang kanyang tuktok kundi pera, kwarta, peso, dolyar!
Sa halip na gumawa siya ng programa to alleviate hunger, sasabihan niya ang mga pinoy na basic needs na lang ang bilhin! Walang pambili dahil walang trabaho, walang pambili dahil sa hirap ng buhay! &^^%$#@*&^%$ Tianak!
Baka naman para kay Gloria Engkantada eh “luxuries” na yung ulam, kape, gatas. Ang basic necessities para sa kanya eh yung noodles at kanin na lang ang kainin para magkasya ang pera. Samantalang ang lahat ng pagkain sa loob ng mga refrigirator nila sa Malakanyang ay galing sa pera ng bayan! Ni isang sentimo ay di nila kailangan gumasta para kumain!
SOBRA NA TALAGA ANG PAGIGING WALANG PUSO AT KALULUWA NITONG MGA KASUMPA-SUMPANG MGA TAO NA ITO!!!
I wonder kung ano ang masasabi ng mga tagapagtanggol nila dito sa blog na ito! Palibhasa katulad din nilang walang puso at kaluluwa!
At sana ang mga taga-oposisyon ay ito ang pagtuunan. Dahil sa pangkaraniwang mamamayan ay ito ang pinaka-importante. Ang kumain ng maayos at sapat upang maging malusog na mga Pilipino!!!
Chi:
I love the editor of Malaya. The advice he/she gave is this, “Let them eat ‘darak’!”
Namputsa, komo baboy sila, gusto nila lahat ng mga pilipino maging baboy din! Yuck!!!
Darak ang pinapakain namin sa mga baboy namin noong araw nang nasa Pilipinas pa kami and my mother would buy me a pig or two to be my pet with my Christmas money and “nenga” which is some Japanese tradition when children are pampered with money gift put in small envelopes. Nilalagyan pa ng nanay ko ng caramel sugar. Sarap na sarap ang biik ko.
Tapos pag lumaki na ibinebenta niya, and the parting with my favorite pigs would be quite traumatic! Pero itong mga baboy sa Malacanang, I’ll be happy to see them go!!!
Golly, baka sabihin pa ni Gng. Sinungaling, iyong darak kapareho ng oatmeal!
That fact that this “squatters” in Malacañang is “living an all-expenses paid lives” by Filipinos’ money for six years already ay talaga namang NAPAKASAKIT Na MARINIG ng mga PILIPINONG NAGUGUTOM!!!
Sino ang pinakamalaki at matabang baka? Ang asawa niya, sino pa.
Artsee, elepante yun.
Mga Baka ni Glueria at isang Baboy !
Tungkol sa mga dumpsite at gutom, hindi ko pa rin maalis yung pagkislot ng sikmura ko tuwing maaalala ko yung palabas ni Jessica Soho kung saan namumulot ng mga tira-tirang pagkain sa basurahan ng Jollibee yung isang pamilya, itinataktak yung mga kanin na nakadikit sa mga tirang fried chicken, saka ibebenta ng sampung piso isang supot na mabili naman sa mga pamilyang nasa tambakan. Meron ngang namatay na magkapatid dahil pinapakain ng ama ng galing sa basura.
Literally, kumakain na talaga nang kaning-baboy ang maraming mga Pilipino! Kaawa-awa.
Pero umuunlad na daw tayo?
Tongue and Artsee;
Pag si BenignO ang tanungin mo d’yan sa BAKA ang sasabihin sa iyo ay malaking negosyo iyan sa Australia,kasi doon pag ipinasok mo ang boung baka sa makina,paglabas ay corned beef na na nasa lata.Ganyan ang mangyayari sa mga TU ni gloria,magsisisksikan sila sa loob ng lata dahil sa hiya at talunan sila,baka nga gisahin pa sila ni punggok.
nagpapahirap sa taong bayan ay yung EVAT/RVAT di pa kasama ang KULIMBAT..!!!
Bob;
Kailangan ay aalisin na iyang Vat,Vat na iyan.Pati pa ba naman sa kakainin ng tao ay bubuwisan pa ng gobyerno.-Kulimbat lang iyan at tama ka.
We have to believe that the majority of Filipino citizens love their country and will strive for a better life here in their own country, otherwise there’s no point in us bloggers commenting here.
We have to believe that good will prevail in the May elections, that given the opportunity of a change of administration then the masses will rise to GOOD leadership from those in power.
We need to have faith in the Filipino citizen in doing the right thing. There are good & bad in this world, that also includes our politians although there are many of our young politicians striving to make a better life in their country. Be sure to support these good young politicians in the May elections, they are our future, so that they can help us the citizen to put a stop to this stealing, corruption and lies coming from this administration.
If we make no changes of personalities for sure the stealing, corruption and lies will not only continue but become worse. Get an administration that will follow the Rule of Law not abuse its authority. Enough is Enough surely!
“Literally, kumakain na talaga nang kaning-baboy ang maraming mga Pilipino! Kaawa-awa.
Pero umuunlad na daw tayo?”
tongue,
ganyan na ang ginagawang pantawid gutom ng mga iskwater sa carmona. meron din akong napanood sa tebelisyon at nabasa sa pinagbalutan ng tinapa na karamihan sa kanila ay umaasa na lamang sa mga pagkain galing sa basurahan. meron din doon na magkakapatid na sabay sabay namatay.
ito ang patunay na maunlad ang ekonomiya ni saytan gloria dahil ang pagkain sa mga fastfood restaurants ay itinatapon lamang. ayaw daw maghanapbuhay ang mga pobre at nagkakasya’t nahihirati na lamang sa pakikipag-agawan sa mga aso’t baboy upang merong makain.
nakakatuwa talaga ang mahusay na administrasyong ito. sarap bigtihin ng mga impaktong buwiset!!!!
Tongue,
Nakita ko talaga iyong mga paa at braso na pinupulot noong mga bata sa basura. Tamang-tamang bumagsak noon ang mga basura sa Payatas at natabunan ang marami sa kanilang nakatira sa ibabaw ng mga basura. Diring-diri ako! Pero bilib ka pa rin sa resistance ng mga pilipino. Wala daw bird flu kahit na katabi ng Indonesia na hanggang ngayon ay may namamatay sa bird flu at ganoon kasalaula sa Pilipinas.
Tapos sasabihin ni Tiyanak magtipid para may pera silang manakaw pa! U…..LOL!
Magno, Yuko,
Grabe talaga pag yung mga eksena sa dumps ang makikita mo. Ang mga tao doon, mula paslit hanggang lola, kumakalkal ng basura para makakuha ng lata, bakal, plastic. Pati nga mga pako na nakusli sa pader binubunot ng mga nakakariton dahil P11 per kilo ang benta ng bakal sa junkshop. Pag yero at lata, kahit na bulok, P7. Plastic, P7 din. Stainless at aluminum, P70, Tanso, P150.
Yung ihawan ko ngang stainless, dinukot sa gate namin. Madali ko lang nabawi dahil alam ko sa mga junkshop sa kalye namin mismo ibebenta. Mabigat kasi, mga 25 kilos kaya pinatutubos sa akin ng P700, kalahati na lang daw ng ibinayad niya sa magnanakaw. Sabi ko kukuha lang ako ng pera pero pag balik ko, kasama ko yung kapitbahay kong nakauniporme ng pulis. Isinoli na lang sa akin ng libre.
Parami ng parami ang basurero sa mga tambakan kaya lang nasindikato na din daw dahil may lagay na bago maka-kahig sa basura. Kundi naman, humihingi ng parte sa pinagbentahan ang mga siga.
Tignan ninyo, yan ang kasaganaan ng ekonomiyang pinagmamalaki ng maliit na Duktor ng Ekonomiks.
Pagkaing galing sa kaning-baboy at luxury galing sa basura!
Tongue,
Ano ba ‘yan?! Teka, iiyak muna ako.
Tongue T: Parami ng parami ang basurero sa mga tambakan kaya lang nasindikato na din daw dahil may lagay na bago maka-kahig sa basura.
*****
Palagay ko may kinalaman din iyan kay Fatso. Baka iyong lider ng sindikato, kailangan ding magbayad ng tong sa kaniya kasi ganyan ang nangyayari doon sa mga game lords. 5M pesos daw noon ang taga. Ngayon, baka 50M na dahil inflation!!!
Dinuktor nga na Economics. Pinai-ikot na economics hanggang sa tumahimiks ka na lang.
Nagpalabas pa ng data sa inflation rate eh samantalang ang daming pera ang lumabas sa sirkulasyon at may mga pekeng 500 at 1000 peso bill? ano ang ibig sabihin nito?
dito sa pamunuan ni Gloria Pidal na may naglabasan na pati ang P1 at P5 coin ay pine-peke!
papaano kasi ay huwad ang pagiging lider ng bansa!
at iyan ang totoo!
hindi yung kung anu-anong economic data ang inilalabas!
abangan nyo pati ang CPI at Purchasing Power, duduktorin din.
‘yung isang artikulong nabasa ko tungkol sa mga namumulot ng pagkain sa basurahan na pinamagatang “PAGPAG” ay naglalarawan kung paano sinasalbeyds ng mga mamamulot ang pagkain sa basurahan. kahit meron ng uod ay pinapagpag lamang nila at muling niluluto (iniinit) upang mamatay ang mikrobyo at nagpapasalamat pa sila sapagkat kahit hindi makakita ng trabaho ay nakakaraos ang kanilang maghapon nang merong laman ang tiyan.
gayundin ang mga nakatira sa mga “bahay na de gulong” na kung saan abutin ng oras ng pagkain, “ipaparking” lamang ang kanilang mga kariton at sa gilid ng kalsada magluluto (kung meron) ng pantawid gutom buhat sa napagbilhan ng mga pinulot na mga maaari pang pakinabangan. ang lutuan? lata ng gatas.
mabuhay ang mabunying pamahalaan!!!!!
Nelbar:
Diyan lang magaling si Duktor of Heconomics, mandaya kaya sa kadadaya, walang maipakain sa mga pilipino. Kaya ang ginagawa na lang, hanggang kaya niya, nagnanakaw na lang ng pondo ng bansa, gastos dito, gastos doon, kikil dito kikil doon tapos lagay dito lagay doon. This is how her economic policies go.
Ooops, kalimot ko. Dagdag pa pala, bugaw dito bugaw doon. Huwag mong sabihin na gusto ng Japan na tumulong sa pagbubugaw ni Boba. Japan is giving the Philippines what it wants para na rin sa investments ng mga hapon diyan. Otherwise, no strings attached. Mahirap lang kasi mag-business sa Pilipinas dahil sa custom and culture of graft and corruption there. Nasanay ang mga pilipino diyan panahon pa ng kastila or even before that. Ayaw naman i-improve kaya balik-balik lang!
Worse is when they keep on voting for the same set of crooks, because they know nothing else. Kawawang bansa, saddled with crooks led by a worst crook na bilib na bilib sa sarili! Kakasuya ang pa-cute-cute niya sa totoo lang. Ubod ng landi!