Tumatandang paurong itong si AFP Chief Hermogenes Esperon.
Sinabi niya sa kanyang talumpati sa Manila Overseas Press Club noong Huwebes na kinakailangan ibalik ang Anti-subsersion law na ipinawalang bisa noong 1992.
Ipinakikita ni Esperon kung gaano kakitid ang kanyang pag-iisip. Utak-pulbura talaga.
Lalong tumitibay ang akusasyon na ang military sa ilalim ni Esperon ang may kagagawan ng patayan ng mga miyembro ng progresibong organisasyon at mga journalists na bumabatikos kay Gloria Arroyo.
At ang nakakabahala dito ay kung anu-ano nang batikos ang natatangap ng Arroyo administration, una kay United Nations rapporteur Philip Alston, at noong Huwebes naman kay U.S. Senator Barbara Boxer at sa mga opisyal ng U.S. State Department. Ngunit mukhang walang epek kay Esperon.
Ang Republic Act 1700 o Anti-Subversion Law ay pinawalang-bisa noong panahon ni Pangulong Fidel Ramos, na isang sundalo. Itong batas ay nalipasan na ng panahon at sa halip na nakakatulong sa pagpalaganap ng tunay na kapayapaan, ay lalong nagpapagulo.
Sa pagpawalang bisa ng Anti-Subservion Law, ibig sabihin noon ay legal na ang Communist Party of the Philippines. Wala ka nang nilalabag na batas kapag ikaw ay miyembro ng CPP.
Ito ang sitwasyon sa ibang progresibong bansa katulad ng U.S., Japan, France. Legal ang Communist Party at maaring sumali sa eleksyon. Kung sino ang gustong magmiyembro, okay lang.
Ang komunismo ay isang ideya sa pulitika. Ako mismo, hindi ako bilib at wala akong interest maging miyembro. Ngunit hindi ko masamain ang mga taong gusto iba ang paniniwala.
Ganyan dapat sa demokrasya na akala natin ay umiiral dito sa Pilipinas. Hindi pala.
Kaya galit si Arroyo at ang kanyang alagad sa mga progresibong grupo ay, hindi katulad ng mga tradisyunal na pulitiko na madaling bilhin, sila ay matigas manindigan. Ayaw ni Arroyo ng ganun.
Pero maniwala ka. Noong 2001, ng si Pangulong Joseph Estrada ang binabatikos nina Satur, okay lang sa kanya. Nakipag-kapit bisig pa siya sa kanila.
Sinisisi ni Esperon ang mga komunista sa kawalang kapayapaan sa mga mahihirap na lugar. Mapurol talaga ang utak. Paano ka mapayapa kung kumukulo ang tiyan mo at wala kayong makain dahil wala kang trabaho.
At bakit mahirap ang buhay? Dahil sa kurakutan na nagyayari sa pamahalaan. At bakit hindi masugpo ni Arroyo ang kurakutan? Dahil ang mga nangurakot ngayon at ang mga tumulong sa kanya mandaya noong 2004 eleksyon. Kaya kailangan niyang busugin.
Gusto ni Esperon ang kapayapaan sa bansa. Dapat tanggalin si Gloria Arroyo dahil ang kanyang pandaraya ang siyang ugat ng lahat ng problema ng bansa. Hindi si Satur. Hindi ang komunismo.
naku, magagalit si djb sa post na ito ellen. lol.
“Dapat tanggalin si Gloria Arroyo dahil ang kanyang pandaraya ang siyang ugat ng lahat ng problema ng bansa. Hindi si Satur. Hindi ang komunismo.”
————————————————————-
ugat ng lahat ng problema ng bansa? ang ganitong pahayag sa tingin ko ay isang pagkakamali. magbibigay lamang ito ng maling kaisipan at ‘false hope’. ang pagpapatalsik kay gloria ay hindi ‘fix all’ solution. ang corruption sa pilipinas ay talamak na from local to national levels. pribado man o publiko.
dapat talagang mawala na sa pwesto si gloria. dapat nag-resign na siya noong lumabas ang ‘hello garci’ tapes. hindi na siya credible sa mga pilipino at ngayon naman ay hindi na siya credible sa buong mundo. sa tingin ko, ang pilipinas ay under martial law na sa pamumuno ni gloria. kitang-kita na sa mga political killings at pag-kulong sa mga political opponents. sana nga ang ‘protest vote’ ang mag-umpisa ng pagbagsak ni gloria. pero hindi dapat umasa sa mga politiko. nakita na natin kung paano sila bumaliktad at magpa-lipatlipat, oposisyon man o administrasyon. huwag ding masyadong umasa sa mga rebeldeng sundalo. baka maging gringo honasan lang. naging senador pero walang nagawa sa corruption sa military na kanyang pinanggalingan.
Those who hate communism has a lot of options available to them in their fight to rid the world of this “menace”. Outlawing communism, or any other ideology for that matter must never be an option in a democracy, no matter how chaotic our democracy may be. The surest and most ideal way of defeating communism is proving that democracy is much better.
If Esperon thinks this way, he only justifies the existence of “killing fields”. He is proving himself to be no difference from the cadres he wants to obliterate.
800+ activists killed over the last six years. The government’s justification has been that the communists are doing it, too. Ano ba ‘yan?
The people’s “protector” kills people. In defense, the protector says the enemy is killing more?
Esperon is an desperate lunatic. Ideologies are not the issue. Malgovernance is!
Ang dapat ibalik ay ang hustisya at isa sya sa unang dapat humarap nito.
He is just so deranged that all his contentions go beyond simple logic that even the dumb and the ignorant wont fail to comprehend.
Ang statement ni Esperon ay pa-pogi points niya kay Mrs. Arroyo. Maliwanag na kung ano ang gustong marinig ng kanyang small boss, yon ang kanyang sinasabi.
Ang mga kandidatong sina Joker, Angara at Ralph Recto ay nagpakitang gilas din sa kanilang pagsisipsip kay Mrs. Arroyo. Nabasa natin ang kanilang pagbibitiw ng salita kontra sa US Senate investigation. Gayundin si Sir Raul ng DOJ, ang US Senate hearing daw ni Sen. Boxer is one sided, meddling and blackmail. Tuwa ko lang kapag niresbakan ng kano ang mga sipsip na ito kay GMA.
Ang ganitong attitude ng nasa pamahalaan ay parang naguudyok pa sa nananahimik nang dati’y kapanalig ng komunista na muling mag-alab ang damdamin.
The Cold War is history. The USSR and the Berlin Wall had been dismantled long time ago. Maybe AFP chief Hermogenes Esperon has just comes out from long hibernation. Hello Garci General! Kumita na sa takilya ang communist bogey. Maghanap kayo ng bagong gimmick. Hindi ang mga kumunista ang problema kung di si Gloriang Tiyanak. Pareho kayong kawatan at mandaraya.
I do not know Esperon’s ideology but I know what he is – a Crustaecian. An animal whose bones are its skin and whose brains are in its stomach.
Ang dalawang losing breed Zubiri at Pichay ay unupakan si Pangulong Bush sa Iraq war. Ano ang kinalaman ang Iraq invasion sa political killings sa Pilipinas? Nakikisakay lang sila sa Iraq issue ng US Congress. Bakit wala kayong kibo sa extra-judicial killings sa Pilipinas? Si Gloria Arroyo at ang kanyang mga tutang heneral ang dapat managot sa walang tigil na patayang politikal.
What will be interesting now is how FVR will react to Esperon’s call for the repeal of RA 1700.
Maganda ring malaman natin mula sa mga kandidatong senador at kongresista kung saan panig sila sa naturang isyu. Bilang botante, magkakaroon ako ng basehan kung sino sa kanila ang dapat kong iboto. Sa pagkakataong ito, hindi ko iboboto ang gustong humukay sa patay.
Ang mga nakikita at nababasa nating ginagawa ni Mrs. Arroyo ay halimbawa rin ng paurong na hakbangin. Nakita natin ang pagpapalaganap ng mga armadong sundalo sa squatters area upang hindi sumama sa mga kilos protesta ay tuwirang paninikil sa karapatang pangtao. At itong kampanya laban sa Party list na hindi sang-ayon sa patakaran ng administrasyon at pag-aresto kay Satur Ocampo ay pagpapatunay lamang ng bulok na pamamaraan.
Ilang araw bago pinakawalan ni Esperon ang kanyang panawagan upang ibasura ang RA 1700, napansin na ng Philippine Daily Inquirer ang mga maitim na binabalak ng administrasyon at ganito ang bahagi ng kanilang editorial TURNING BACK THE CLOCK noong March 13:
Now the Arroyo administration would set back the hands of the political clock, push back political progress and deny the poor and the disadvantaged representation in the House. In its single-minded effort to remain in power, it would stifle political dissent, criticism and opposition. It is militarizing politics, if it has not indeed imposed a de facto martial law. It is killing democratic pluralism and trying to bring about a regime where literally the unanimity of the graveyard will reign.
Ano ba ang gusto talaga nitong si Assperon at binubuhay niya ang NPA’s?! Para lang ba meron sila ni Tianak na maiprisinta kay Dubya? E halos wala ngang pumapansin diyan sa mga NPA na nagtatago dahil represented na sila sa Congress, ano ang tunay na dahilan at binibigyan nila ng aktibong dugo na naman ang grupong ito.
What is wrong with a different belief/ideology in life? Hindi democratic and Pilipinas sa ilalim ng poser president, kundi dictatorial. Huwag na silang magkunwari pa!
Hindi nakakapagtaka kung napapag-iwanan ang Pinas, kasi ang pananaw ni Assperon tungkol sa komunismo (na inaayunan ng Tianak dahil siya ay preso nito) ay bilasa na. Matagal ng tanggap ng mayayamang bansa na dapat ay represented ang communist party sa kanilang parliament. Tanggap na nga ng Pinas kaya nandiyan sa Congress si Ka Satur at iba pa, ang hindi lang makatanggap nito ay si Assperon at Tianak para sabihing meron silang ginagawa laban sa mga terorista.
Ano ‘yan, waiting for another Bush’ “hello”?! Hindi kasama sa listahan ng terorista si Ka Satur, Ka Bel at NPA sa kabuuan. Ang huli-huli nila sa mga taong iyan ay sadya upang guluhin lalo ang Pilipinas, wala ng iba pang rason! Kung ano ang pakay ni Tianak at Assperon, you guess is as good as mine!
Ellen,
Dpat ay magsalita na si FVR tungkol sa kasong ito. Nasaan ba s’ya at nabahag na rin ang buntot!
Ayan at malinaw sa picture kung gaano mag-buddy si Tianak at Ka Satur noong pinatataob nila si Erap! Nag-traydor ang ultimate politician Glueria. Keyword: TRAITOR! Ang biktima: ang kanyang mga kakutsaba! Very Ironic? Not with a lunatic woman like Gloria Makapal Arrovo Pidal!
Haemorrhoid Assperon and his Generals is not about being communist its about corruption!
The communist is just the excuse these Generals have for earning corrupt dollars by way of extra military aid.
If the Americans suddenly cut off the aid to the AFP then these Generals wouldn’t have their cut from arms deals and re-directing budget funds into their own pockets. The USA coined the word ‘Terrorist’ because before they did we didn’t know what a Terrorist was and it was the USA that determined that the NPA was a terroprist organisation and like good filipino the AFP with this administration latched onto a ‘good little earner’ by way of extra funds to fight terrorism.
Now these AFP Generals have an American milking cow so they don’t intend to end this ‘war’ killing filipino by calling them communist & sympathisers. The AFP have even adopted the Administrations phrase ‘destabiliser’. Partisan my ass!
I am against outlawing the communist party. It would only encourage their favorite drama, which is a kind of persecution complex accompanied by loud chest-beating and tearing off of clothes. Outlawing ideas never works. Besides there isn’t a single person even on this blog who actually supports communism, even from the complete safety of anonymity. It is one of the few things upon which there is complete and utter unanimity here. So, as an idea, communism is already thoroughly defeated, even here, which is more like a “scream therapy” room.
“Besides there isn’t a single person even on this blog who actually supports communism, even from the complete safety of anonymity. It is one of the few things upon which there is complete and utter unanimity here. So, as an idea, communism is already thoroughly defeated, even here, which is more like a “scream therapy” room”
There we go, then why is it that Haemorrhoid Assperon and his Generals bang on about Communism. Corrupt dollar by way of American military aid, straight into their pockets thats why.
I only hope that Sen.Barbara Boxer realises that the USA military aid is a large part of the problem with extra judicial killings. She must surely realise thats why the AFP Leadership arrived there in the hope of being resource persons. They, the AFP Generals will defend their American milking cow for all their worth.
“There we go, then why is it that Haemorrhoid Assperon and his Generals bang on about Communism.”
Well, maybe because even they are allowed to scream, like everybody else. Or shall we outlaw scream therapy?
What sort of answer is that! hahahah! or are you the one needing therapy (smile).
Iyan ang parang sirang plaka, iyang bloody kiyaw-kiyaw ni Assperon and SiRaulO regarding the communists. Matagal ng legal ang grupo nina Satur Ocampo, ano pa ang kinakakiyaw nila at nitong mga hilaw na amerikano?
Sinabi ko na ngang burgis na ang mga Ocampo, ano pa ang sinasabi ng mga ungas na ito na komunista sila? Iyong ngang komunista daw na si Joma, burgis na rin sabi ng mga nakakakilala sa kaniya. Meron nga silang katropa na sabi nilang mole ng military noon sa AFP at siyang may pakana ng mga pagpatay na ibinibintang kina Ocampo, bakit hindi iyon ang ipa-imbestiga ni Tiyanak. Forever student na palipad-lipad na lang kung saan-saan sa totoo lang.
Puede ba palusot pa si Assperon. Ang bobo naman ng mamang ito!
Tama ka, Ellen, ang layunin lang ng mga ginagawa ni Assperon at SiRaulO on order of the Tiyanak is to eliminate the partylists of the non-conforming (not subversive) groups not willing to be under the beck and call of the bogus president. Iyan ang layunin nitong si SiRaulO from day one he stepped foot at the Department of Justice. Humahanap ng butas ang mga ungas so there will be no election. Ang tindi!…ng kabugokan ng utak!!!!
Assperon is now a crying wolf. He’s making noises because of the US Senate investigation on the extrajudicial killings in the Phillippines and the review of the the US military aid. Eventually, if the Americans will decrease or suddenly cut off the aid to the AFP then these Generals wouldn’t have their cut from arms deals and re-directing budget funds into their own pockets.
Mababawasan ang kanilang “kurakot galore”.
Magpapakatotoo ka nga, a**hole!
Kaya gusto ibalik ni Assperon ang Republic Act 1700 o ang Anti-Subersion law ay dahil mawawalan na sila ng kurakot,wala namang utak itong si Assperon.Ang lahat ng lumalabas sa bunganga ng taong ito ay galing sa dikta ng ninang niyang may nunal sa pisngi.
Kung wala silang mahuhuling communista dahil legal sa pagka-alis ng republic act na iyan,wala silang makukuhang military aid kay uncle sam.Gusto sugpuin ni Bush ang mga terrorista sa buong mundo at isa na dyan ang mga “New People’s Army”ang pinakamalaking insurgency group sa Pilipinas.
Lalo na ngayon mayroon na naman silang mas mabisang batas ang Anti-Terrorist law.Kahit araw-araw huhulihin nila ang mga tumutuligsa sa kanila. Iyang pagtawag-tawag ng “supot” kay Assperon ay puede ka niyang hulihin niyan dahil isa kang terrorista.Iyang pagsuot mo ng itim na T-shirt na may markang “now na” puwede ka nilang hulihin niyan dahil isa kang terrorista.Kasi nga legal ang kumunista dahil sa pag-alis ng republic act 1700,pinalitan naman ng republic ass ng anti-terror bill pareho rin ng suma.Terrorista ka at puede ka nilang hulihin kahit isa kang komunista.May magagawa ka ba?
Gago talaga ano?itong si Assperon kung baga sa labanan ay hawak na niya ang granada,naghahanap pa ng ibang granada.
ystakei:
I agree with all what you say about this evil woman’s administration especially SiRaulO regarding the communists. But as far as the corrupt AFP Generals are concerned I think USA miliray aid is part of the problem when these AFP Generals are only too willing to serve the likes of SiRaulO just to get their hands on extra military aid for lining their pockets.
I pray that Sen.Barbara Boxer will be able to cut their military aid funding.
US cash aid to AFP is miniscule so Esperon can’t hope to . I don’t think it’s the cash aid that’s getting Esperon all worked up. More like he hates the idea that Gloria will become US whipping girl – he will get it in the neck too (his position of “prestige”) if Gloria goes down in US eyes.
More like amor propio.
Esperon’s values are really warped, so warped, he needs to re-invent himself if that’s at all possible. So, unable to do anything intelligent, this AFP 4-star shithead can only grunt which, as Emilio described quite appropriately, as “making noises.”
Oooops, US cash aid to AFP is miniscule so Esperon can’t hope to really kurakot. (Besides, US have a direct hand at disbursing their military aid in cash; good time during FMF days are over when AFP leadership had direct authority to withdraw from the banks in the US!)
ITO ang gusto ko sa panulat ni Ellen, eh!
Derechahan at tumutukoy hanggang sa kaloob-looban.
Nobody else can do that, except Ellen.
Marami na ang natamaan, kaya pumiyok.
Ayun at nangisay at nagsumbong kay Nanay….
Nagrebulosyon ang dibdib pagka’t nasapok,
Naungkat ang mali, nasabon ang katawan!
Batu-bato sa langit, ang tamaan, sapul!
Point taken Anna… but I still wanna kick Haemorrhoid Assperon ass just to dis-please GSDO … only joking!
Gloria has NO intention that justice be served. She hates Satur Ocampo who used to be her close friend because he reminds of her of what she truly is: A HUSTLER AND A DOUBLECROSSER.
Yes, for as long as Satur is recognized as a legitimate member of Congress, he will always be a thorn on her side. She chose therefore to DOUBLECROSS the same ‘Commie’ who helped her obtain Joma Sison’s approval to provide the bodies to help her and civil society topple a duly elected president of the Republic.
Gloria had no scrupules; she thrashed her so-called Christian principles for the sake of greed, power, money when she entered into a covenant with left-wing activists, Communists and active sympathizers of the NPA through Satur Ocampo (whom she has known very well for more than 16 years)to give Angie Reyes what the latter demanded: ONE MILLION WARM BODIES in order to mutiny against an unimpeached president of the Republic!
Anna:
One Million warm bodies, what goes around comes around, so they say. I can’t see an election this May, because she can’t be certain to win it. If there’s no election or an unclean election people will take to the streets.
When I met Satur Ocampo here a few months ago, I asked him bluntly, “What happened between you ang Gloria? You used to be very good friends?”
He smiled and said, “In politics, there are no permanent friends, only permanent interests.”
I also asked him, “What about the underground movement (ref to NPA), you through with that?” He didn’t reply directly but said something similar to, “I’m a member of Congress and have sworn to follow the rule of law.” (Our conversation was taped in the presence of other people – have to ask my friend for transcript to have exact wording.)
I pity Esperon. His children from his late first wife refused to stay home anymore and prefered to lock themselves up in their dorm instead. One daughter was really upset when Esperon was pelted with eggs right inside the campus of her Alma Mater!
”Hello Garci” Esperon, ayusin mo mga anak mo. Ayaw na nilang umuwi at ikinakahiya ka na nila sa mga pinanggagawa mo!
Ipinagpalit mo ang repyutasyon ng pamilya mo sa kagahaman mo sa kapangyarihan kaya hindi ka na nila inuuwian. Wag mong sisihin ang mga rebeldeng sundalo, leftists at oposisyon sa nangyayari sa pamilya mo. Ikaw lang ang me kagagawan niyan.
Wag ka munang magbigti. Harapin mo muna ang mga krimeng nagawa mo.
Communist Party of Canada (Marxist-Leninist) has been Legal since l921 and an accredited party for the purpose of Election Funding and privileges. Although it never took off the ground as compared to the New Democrats (Socialists) it is still alive and well, and take a look at its general goal and programs:
>Make job creation, especially the shorter work week with no loss in pay, the top priority
>Shift the tax burden onto the wealthy corporations Defend and improve universal social programs
>Defend the environment against corporate devastation
Guarantee the right of workers to organize and bargain collectively
>Expand democratic political rights; promote equality for women and people of colour
>Democratic constitutional reform, based on recognition of the full equality of Quebec with the rest of Canada, and guarantees of full aboriginal rights
>Cut military spending by 50%; convert military to civilian job
>Safeguard the rights of people with disabilities Act against racism, sexism and homophobia
Of course the party doesn’t suscribe to Violence as the means to reach its goal, but a full participation in a democratic process.
Satur Ocampo is a member of congress as a party list and his group is entitle for the share of pork barrel to a hundred of millions, Question, how he disbursed his share?
I don’t think Satur Ocampo’s pork barrel is released easily. Must come in trickle… Gloria has life and death authority over the release of pork barrels, that’s how she holds members of Congress by their balls.
Spy,
Pity Esperon? I would help him to hang himself if he really wanted to hang himself… I would send him naval cords to hang himself from the highest lampost!
cocoy:
The first question should be DID he get any pork barrel?
Anna;
These is why, I am against theses pork barrel that amounted to a waste of hundreds in millions, it become unequal share in distributions. A “buddy-buddy system and lick my ass scum”before they get their share.
WWNL;
Every Congressman and senators are entitled to have a pork barrel but the amount depend on the numbers of their constituents.These pork barrel is the main source of corruption,these luxurious preveledge to our solons need to be abolish.
Vic:
I agree with you,any form of government has pros and cons,it depend on the leader how they flip the coin.
Ellen,
When Gloria was here, she told The Philippine Star chief correspondent: “I believe that such a spate of killing has no room in our democracy or in our government so I have escalated response of the government.” (in EUROPEAN DESK http://www.europeandesk.blogspot.com/: “It’s important for us to engage Europe”, PGMA)
Well, so if we are to understand, the capture of Satur Ocampo is her escalated response? What about Esperon? He should be locked up too!
cocoy:
I agree the pork barrel breeds corruption and should be stopped. Although every congressman is entitled to pork barrel does not mean that he, Satur Ocampo got it.
sa lahat ng nangyayari ngayon sa ating bansa ay isa lang ang may kasalanan kahit ano pang issue ang lumabas iyan ay walang iba kundi si GLORIA ARROYO na kilala natin na asawa ni JOSE PIDAL na ina ni TONG. MIKEY (balak ding maging TONG nong si DATO) at hipag ni TONG. IGGY na kapatid ni JOSE PIDAL na kalaguyo nni VICKY TOH.Si GLORIA ARROYO rin ang may akda ng HELLO GARCI dinig nyo naman di ba? Si GMA din ang boss ng mga Mr.NOTED na ang isa ay makapal ang mukha gusto na naman maging senador at ang isa namang Mr. Noted ay matandang sira ulo na yata. Ilan lang yan sa mga nagawa ni GMA sa bayan di pa kasama dyan ang 838 killings na sinasabi. Kaya mga igan kahit anong pagtatalo ang gawin natin at kahit na anong issue ang lumabas lahat ng may kasalanan nito ay si GLORIA ARROYO. Sa ilalim ng administrasyon nya lahat lumala, lahat tumaas sya lang ang hindi tumataas.Marami syang kasalanan hindi lang sa taong bayan, hindi lang sa bansang Pilipinas(ngayon nga pati na sa Amerika e) kundi pati na siguro sa Panginoon ng sanlibutan—-o nalimutan nyo na?—-ilan na bang panloloko at pagsisinungaling ang ginawa nya sa taong bayan, wala rin naman syang galang sa mga alagad ng Simbahan, graf and corruption–ilan lang yan mga igan sa mga kasalanan ni GMA hindi lang sa akin kundi sa ating LAHAT.
WWnl:
Iyon nga ang sinasabi ko,”Buddy-Buddy System” pag kaaway ka bilat ka.Di ba?corruption din iyan.
Paquito:
Ang mga pinagsasabi mo ay luma ng isyu,alam na naming lahat iyan dito pati na si Dodong na grade 2 sa klase ni Mrs.Collado alam niya kung sino si number Tho.One plus one lang naman iyan ay equals two.Ang gusto kong marinig kung ano ang solusyon mo,Huwag mo ng gayahin si Benigno.
Paquito:
Pero mabait kang tao,kahit lagi kang binubogbog ni Fernando Poe sa mga sineng napanood ko,nasaan na ba si Romy?
Bilib talaga ako dito kay Ellen,Atapang na tao,tuklap ang lahat ng kalawang sa nabubulok na barko.Kung ganyan ba lahat ng Pilipino,aba kahit na pagsamahin mo ang mga nakaraang rebolusyon noong panahon ng kastila,amerkano,hapon ay maitatayo natin ang bandila at maipagmamalaki sa boung mundo na atatapang na tao pala ang mga Pilipino.A ano,laban kayo?
Anna is right. The Assperon is actually more loyal to himself than the tiyanak.
When she is kicked out of the palace and sent to jail together with the husband and even the son and brother-in-law (the daughter in fact should be investigated, too), he goes with them together with the others who trampled upon the Constitution when they plotted to remove a duly elected president in 2001, and those who helped her cheat in the 2004 election plus the extrajudicial killings that have reached alarming proportion regardless of whether or not the victims were indeed commies as the ignoramuses even among the bloggers here claim.
At least, we know for a fact now that the US is not actually that die-hard to help this creep, especially with the mad man, whom she wants to treat like the way she treated Ocampo, et al, who helped her get want she had greedily coveted. She has actually lost not just her utility to US causes as expected of Philippine presidents, but most of all her credibility.
She actually cannot hoodwink the Americans with her retouched, altered and falsified charts and reports of an improved economy under her reign. The Americans, in fact, must be monitoring the inflow of Filipino workers being likewise trafficked to the USA despite the new restrictions and labelling of overstaying foreigners as criminals under a new Security law in the US, and know for a fact that despite the great contribution of the remittances of the OFWs to keep the Pidal government afloat, the Philippines remains as one of the poorest of the poorest countries in the third world with doctors, lawyers, etc. who should be earning big joining the ranks of the domestic helpers overseas even with such petty tags as “caregivers”!!!
Soon indeed the Pidals will be history! At least, with Noynoy Aquino himself saying that Marcos was more benevolent, I have a feeling history will be kinder to Marcos as he said it would.
As his response to you, Anna, that as Congressman he now abides by the law, I do not see why Ocampo is now being persecuted under the law that he abides in.
The Tiyanak has a lot of explaining to do, and if she is not really under the control now of the military, she should sack Assperon, Palparan, et al to stop them from trying to annilate those they suspect of being commies and NPAs, majority of whom are farmers who can no longer produce food to make the Philippines self-sufficient.
The Tiyanak no doubt has made the Philippines a country of beggars, who are at the mercy of foreign countries giving aids to the Philippines. The US, for instance, supplies the Philippines tons and tons of rice under the CARE that are not in fact distributed right to the needy. They are reportedly hoarded in some bodega to sell to the highest bidder and in distribute the much lower classed rice for the consumption of the poor who are even trained to blackmarket the rice their children get now with some instant noodles.
Now, with this extrajudicial killings, it’s time they take another look, and stop pamping her with aids that she even use to annihilate her own countrymen.
Hanga’t ang Pilipinas ay umaasa lang sa mga foreign aids na galing sa mga mayayamang bansa,ito ay hindi uunlad.Ito ang gusto ng mga lider natin sa gobyerno dahil libre sila sa kurakot dahil ang mga aid na iyan ay walang accountability,depende na iyan kung sino ang tumangap ng delivery.
Kapag naging maunlad na ang bansa natin,wala ng aids ng magbibigay.Mawawalan na sila ng ibulsa,ganyan lang naman ang suma.Ngayon pag gusto naman ng bansa natin na mangutang dahil walang laman ang pitaka,palalabasin na malago ang ekonomya katulad ng Japan at China,para makautang sa Inglatera.Ang suma ay alin lamang sa dalawa.Mahirap ka para may magbigay ng tulong,O mayaman ka para may magpa-utang.
Ellen, hindi lang tumatandang paurong si Assperon, tulirong tuliro na. He is projecting that he is a strong man but who is he kidding? he can not even command 5% of his men. The only ones following him are those corrupt generalas ans his underlings like him!
The US aid is a big source of money for corruption in the military. Assperon has to show that he is doing something about terrorism so more money will be appropriated to combatting it. The NPA scenario is over played. It is more like a justification for the extra judicial killings the AFP had started. Pretty much like the incarceration of Miranda, Lim ,Querubin and the other officers and soldiers. They too were used as the escapegoat of tiyanak’s theory of the left aligning with the right( exactly tha very thing she did to overthrow Erap). Assperon, like tiyanak has to justify all his wrong doings by doing more stupid stuff. He is trying to cover up his mistakes by committing more mistakes. He can hide but he can only go so far. The first world countries have their way of policing the under priviledged countries. Although the first world countries enjoy outsourcing their businesses to poor countries like the Philippines, they have all their eyes focused on how these poor countries make use of the resources given them. The US have a lot of interests to protect in the Philippines. So, if tiyanak and Esperon think that they can get away with almost anything, they have to re-think again.
I could not help but agree with one of the bloggers above that Assperon’s kids by his first wife probably do not even want to be associated with him at this time. It must tremendously shame them to see their father commit blunder after blunder!
Assperon’s fear that his family may be hurt by the incarcerated officers is baloney! How can the incarcerated officers even plot anything when they are denied all the communications with their families and friends? If the sympathizers of these incarcerated officers wish to hurt Assperon and his family, that is something possible. The AFP has now reached the boiling point with this Assperon! Since he can not command his men right, he has to distract them by making an issue on the NPAs and MNLF and the like.
I am not a fan of Senga and Abaya but if I compare them to this Assperon, they are much more commendable than this ass!
If tiyanak and Assperon really want peace in the Philippines, they should start improving the countryside. Poverty breeds anarchy. Instead of dissipating all the monetary aids to corruption, why don’t they start funneling these aids to the more disadvantaged localities and people. Instead of finger pointing, why doesn’t the tiyanak reach out to the NPAs instead of fighting them? Tiyanak should be thankful that these subversive groups are represented in the government so the leadership will know what is needed by these neglected group.The NPAs had been there since the Marcos regime. But their numbers decreased during the presidency of Ramos. What caused them to increase their activities again? I believe that this NPA issue is nothing but another distraction of the tiyanak so that the Filipinos will focus their attention on something else but the corrupt and useless governance of this tiyanak. I also believe that the two hemorrhoids are trying so hard to make tiyanak’s candidates win so the tiyanak will not be impeached after the May elections. I have a very strong feeling that if the tiyanak senses that she will be beaten in the May elections based on the reliable surveys that she , with the help of her lap dogs like the two hemorhoids, siRAULo and the likes will stage an incident big enough to warrant them to declare martial law so she and her generals will continue to reign. But since tiyanak is worse than the ousted Marcos, the martial law she will be cooking up will be short lived. There will be millions of warm bodies lining up the streets should she finally declare one.
Di ba may kasabihan na ang latang walang laman ay maingay? Ito si Assperon-AMPAW!
Parasabayan;
Iyang mga NPA na iyan ay hindi pupuksain ng mga military,dahil mga customer nila ang mga iyan.kung minsan sila pa ang ginagawang trigger man para likidahin ang kanilang kalaban.Pag hinuli ni Corporal Dugay iyang si Kumander Lapay.Mawawalan na ng negosyo si Kapitan dahil ang kahong kahong bala ng armalite ay di na gatangin.Magagalit pa si kapitan kay korporal dahil mawawalan na ng pangmajong si Inday at pang sabong naman kay kapitan.Lalo na doon sa baryo,nag-iinuman ng mga chivas at namumulutan ng mga baka ang mga iyan.Pag napikon si kapitan sa kuwentuhan aarborin niya kay kumander lapay ang isang tauhan at iparada sa bayan na kunyari nahuli niya at ng kanyang mga tauhan,ayan bida na naman si kapitan sa bayan.
So far, the Commission on Audit has not found anything wrong with how the party-lists pork have been used. Assperon, Raulo and Norbie should back up their accusation with documents. Kung wala silang mai-prisinta, tumahimik na lang sila.
Instead of welcoming ideas to improve the lives of our people, they persecute those who seek societal reforms.
With the way Assperon acts and the surot helpless, she is therefore a lame duck. Yang ang hirap sa maraming utang na loob.
Heard Raul Gonzales on ANC labelling those who went to testify before the US Senate as “unpatriotic”. I may have agreed if it did not come from him. There’s no use for the pot to call the kettle black. His excuse may be the old you-don’t-wash-your-dirty-linen-in-public cliche. Unfortunately for him, he is one part, and a big one at that, of the dirt.
–
Both the administration’s and the opposition’s tack is to tell the people how bad the other is, instead of telling the people how good it is.
All things considered, mine will still be a protest vote- not so much as a vote for the opposition than a vote against Aling Gloria.
It is already established by most outside political observers that President Arroyo hold in power is dependent on the Military, that’s the reason why the likes of Esperon, and others officers of the Military and Police have the impunity of their actions and pronouncements.
Actually some even thinks that ms Arroyo is just a Puppet whose strings are being pulled by the Military men and women behind the curtains and also along with her Husband who will be on any side for his self..
sabi ni esperon: huwag ninyo akong subukan… isusumbong ko kayo kay….mama glu…..
pinapakita ni tsip sekyu na kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal sa bansa at ng ambisyon!
pag nag-resign kaya ito, sino kaya ang papalit sa kanya? si tolentino o si tolentino?
Nelbar:
Hindi lang pala supot itong si Assperon kundi Duling pa.Kita mo ha si Liberty dito sa Amerika nakapiring ang mata sa paghatol ng hustisya.Ibig sabihin patas ang partihan.
Nasabi kong duling sila dahil ito ang argumento ko,kung ang kaso ni Satur Ocampo na panahon pa ni ApoLakay ang dahilan kung bakit hinuli na naman siya.bakit si Victor Corpus na isa rin taksil sa bayan ay binibiyayaan.Kaya duling talaga sila at doble kita.See-saw,see-saw ang labanan.
Military narin ang may claim na ang communist movement sa Pilipinas ay laos na maging sa buong mundo. Hence such movement in the Philippines is no longer a threat. Bakit palaging sangkalan ng gobyerno ang mga komunista at militant group? Binabaluktot ng administrasyon ang tunay na issue at pilit na tinatakpan ang sarili nilang kabulukan. Sino ba ang nagnakaw ng milyones na ferlizer fund, komunista ba? Sino ba ang dumaya at gumahasa sa kasagraduhan ng balota? komunista ba? Ang panahon ay hinog na, mataas na ang araw, gising na Bayan tanghali na!
Sumulat na naman ako at ito’y patungkol sa mga nababanggit mo sa iyong pitak ngayong araw. Ipagpalagay nating tama ka sa nailathala mo na dahil nasa demokrasyang bansa tayo malaya tayong pumili ng kahit na anong gugustohin natin katulad ng pagsapi sa isang idolohiyang pinaniwalaan nating tama. Ngunit nakakalungkot nga lang isipin na sobrang naabuso na ng kalayaang ito ang demokrasya natin. Sa aking palagay at base na rin sa aking narinig mula mismo sa bibig ng isang malalapit na kaibigan na nooy isang meyembro ng naturang samahan ng CPP-NPA, ay napag-isip-isip ko na ang ganitong paniniwala ay para lamang sa mga taong MATATALINONG-TAMAD.
Bakit ko nasabi yun? Kapag sila ay nagsasalita na, maituturing nating talagang napakabihasa at napakagaling pero yun nga ay hanggang bibig lang. Talaga namang mga matatalino ang mga taong yan dahil karamihan sa kanila ay produkto at mga nagtapos ng pag-aaral mula pa sa University of the Philippines at dating mga aktibista kaya naman walang dudang magagaling sila sa pananalita. Ang kanilang tanging hangarin ay ang maiparinig sa sambayanan kung ano ang kanilang ipinaglalaban at adhikain tungo sa kaunlaran pero wala naman silang ginagawa upang makakatulong dito. Ayaw nilang magtrabaho para umunlad ang kanilang pamilya at pamayanan dahil ang pinaglalaban “kuno” nila ay para sa sambayanan, kaya mas pinili nilang mamundok at humawak ng baril, manghingi ng pera at kung ano-ano pang bagay na pinaghihirapan at pinagbubuwisan ng dugo at pawis ng iba. At sino ang nahihirapan, sino ang naiipit sa gulo at sino ang nagdurosa sa ganitong sitwasyon? Diba ang sambayanan ang taong bayan?
alegadown Says:
March 18th, 2007 at 6:28 pm
Sumulat na naman ako at ito’y patungkol sa mga nababanggit mo sa iyong pitak ngayong araw. Ipagpalagay nating tama ka sa nailathala mo na dahil nasa demokrasyang bansa tayo malaya tayong pumili ng kahit na anong gugustohin natin katulad ng pagsapi sa isang idolohiyang pinaniwalaan nating tama. Ngunit nakakalungkot nga lang isipin na sobrang naabuso na ng kalayaang ito ang demokrasya natin. Sa aking palagay at base na rin sa aking narinig mula mismo sa bibig ng isang malalapit na kaibigan na nooy isang meyembro ng naturang samahan ng CPP-NPA, ay napag-isip-isip ko na ang ganitong paniniwala ay para lamang sa mga taong MATATALINONG-TAMAD.
alegadown:
Malamang na tama ka, meron dyan namundok dahil sa ibat-ibang kadahilanan. pero alam mo rin siguro dahil isa sa mga kababayan mo ay walang trabaho, naging biktima ng mapang-aping polisiya ng gobyerno, at malamang gutom parati dahil walang opurtunidad dito sa pilipinas. siguro hindi sila tamad na katulad ng iniisip mo at siguro di mo kayang gawin at pagtitiisan ang kanilang dinadanas.. ano sa palagay mo ang sitwasyon kung ikaw ay nagtitiiis sa gutom at init sa bundok para makipaglaban? di b mas mahirap yun? ikaw kaya mo bang humawak ng baril at makipag barilan sa pwersa ng pamahalaan na alam mong malakas at kumpleto sa gamit.. baka putok pa lang ay tatakbo ka na…kahit sino na pinanganak na pilipino, walang gustong maging rebelde, mangmang man o mayaman dahil ang tanging gusto nila sa buhay ay makakain, makapagtrabaho sa sariling bayan.. paaano kung isa sa kanila ay bahagi ng 12% na unemployed dito sa pilipinas.. kaibigan alegadown million sila, millions of unemployed and pinag-uusapan dito, isa lang yan sa maraming rason bakit hindi namamatay ang pakikibaka nila.. daynamic na ng lipunan yan, kahit saang bansa kahit saang sibilisasyon, kung may social injustices, inequality and deprivation, there is always an opposing force to revolt. malamang tama ka na sila ay matalinong tamad, pero baka yung kaibigan mo rin ang ibig mong ilalarawan, baka hindi mo alam marami sa kanilang sympatiser sa lungsod at kanayunan ay sya mismong dugo ng pinagkukunan ng kaban ng bayan.. di mo ba nakikita na marami sa kanila ay farmers organizations, labor unions, baka di mo alam na mas malaki pa ang tax na binabayad ng manggagawa kesa sa corporaasyon na pinagtatrabahuan. pumunta ka sa bundok para malaman mo ang tunay na katayuan nila, at ikumpara mo sa katayuan mo sa buhay bago mo sabihin na sila ay tamad.. Bigyan mo ng trabaho ang mga yan, hindi na yan mag iisip na mamundok.. pero dapat mo rin na malaman na yung sweldo na ibibigay mo ay yung kaya buhayin yung sarili at pamilya. So tulungan mo silang huwag mamundok,, sabhin mo dyan sa presidenteng pandak at fake na bigyan ng totoong opportunity ang mga pilipino dito sa sariling bansa at wag nakawin ang pera na dapat para sa sambayanan. walang bansang demokrasya na sinasabi mo na maraming nagugutom. walang demokrasya kung 50% ng mamamayan mo ay nagsasabing silay nagugutom.
ang tanging pag-asa upang makaahon ang ating bayan sa dusang kanyang kinalulugmukan ay ang pagkakaroon ng mga pinunong may paninindigan, marunong kumalinga sa mamamayang sa kanila ay nagluklok sa kapangyarihan at ‘yung magpapatupad ng batas nang walang kinikilingan. sila ang mga karapatdapat umugit sa ating pamahalaan, hindi ang katulad ng ngayon ay namumugad na anay sa malakanyang na walang iniisip kundi ang walang katapusang pananatili sa poder sukdulang maglubid siya ng buhangin ng kasinungalingan, “busalan at patahimikin” ang sa kanya ay ayaw. gayundin, dapat mawala ang mga taong nagbubulagbulagan sa lahat ng katiwalian at ipinagpipilitang mas mabuti nang manatili ang mandaraya, sinungaling at magnanakaw kaysa ‘yung mga taong tunay na hinalal ng bayan.
sapagkat silang mga pikit matang tagapagtaguyod ng huwad ay alipin din ng pagkagahaman.
I wouldn’t be surprised if Gloria is already planning for the arrest of Senator Jamby Madrigal for her association with Satur Ocampo and for spearheading the prosecution of Gloria in the Permanent People’s Tribunal in The Hague.
Sen Madrigal must be cautious.
Anna:
Di subukan niya! Madrigal has a Frenchie husband who can ask his government to intervene for her! Sabi nga ng mga kapampangan, “Subukan pa mu, para mabalu!” Ano kaya ang sasabihin ng mga pranses? “Mort aux tyrans!!!
Sa hanay ng mga senador ngayon, si Jamby ang isa sa kinaiinisan ng mga taga-Senado. Mismong staff niya asar sa kanya. Binansagang “mata pobre” at plastik kasi. Palibhasay laking mayaman at ginamit ang pera sa election noon. Nagtaka nga ang mga tao kung paano siya nanalo. Di ba inakusahan din siya ni Enrile sa isa sa nakinabang sa operasyon ni Garci noong 2004. Nagkataon lang na nasa oposiyon si Jamby kaya hindi natin binabanatan. Pero hindi ako bilib diyan. Pera lang niya ang nagpanalo sa kanya. Mantakin niyong pati si Judy Ann Santos na isang sikat na artista ay binayaran at ginamit niya sa kampanya. Di bale, basta patuloy lang niyang ipaglaban ang oposisyon at patalsikin si tiyanak.
Yuko;
Mort avant d’arriver!is the answer to Madrigal.
Thought this was funny. I took it from the column of Mr. William Esposo (03/18/2007 Philippine Star):
St. Peter asked the Lord why the Philipines was spared from the devastating effects of the 2004 Tsunami. The Good Lord said that an even worse fate has already befallen the Filipinos. They have a “TSUNANO!”
Ellen.
Tama ang binanggit mo sa iyong Malaya column na sumusunod sa batas ng Pinas si Satur Ocampo ng siya ay sumurender sa korte.
Maganda itong ehemplo sa mga pinoy na sumunod sa batas, pero masama sa Tianak at Assperon na walang sinusunod na Konstitusyon at batas. Naisahan na naman ang mga butchers na hilong talilong na kung paano i-counter propaganda si US Sen. Boxer!
Maugong ang balita na baka tumakbo sin sa wakas si Manang Susan Roces. Pero hindi sa ilalim ng GO kundi sa sariling party-list na FPJ. Noon pa man, sinabi na si Susan na hindi lahat ng nasa GO ay kursanada niya. Siyempre kabilang na doon ang mga nag-traidor sa kanyang nasirang asawa. Hindi naman natin masisisi ang biyuda.
“Di ba inakusahan din siya ni Enrile sa isa sa nakinabang sa operasyon ni Garci noong 2004”
Now i now kung bakit nabulilyaso ng ‘united opposition’ ang buong “Hello Garci” affair – tatamaan din sila kasi eventually
Walang duda na may nakinabang din sa oposisyon noon kay Garci. Pati nga si Biazon nakinabang at ang napahamak si Barbers. Kung hindi nagbanta si Biazon na ibubulgar niya lahat, baka siya ang nilaglag ng Malacanang noon. Ang issue ay kung nandaya si tiyanak. Siya ang nasa pinakamataas na puwesto. Siya ang higit na nakinabang. Ang puwesto ng Pangulo ay pinakamahalaga. Kung baga sa isang barko at eroplano, kapitan at piloto siya. Ang mga senador ay alalay lang na parang crew o assistants.
Artsee;
Bilib na talaga ako sa iyo,hindi ka lang pala pang milyonaryo,pang henyo rin pala ang utak mo.Biro mo parang pihit ng elise ng helicopter ang mga tirada mo.Hindi ako nagkamali na parang bunsong kapatid ang turing ko sa iyo.Pero huwag ka ng magkumapara sa akin,dahil kahit na ano pa ang sabihin mo ay ganda ako lalaki sa iyo.ha!ha!ha1.
Chi;
Sa palagay ko ay walang malinaw na constitution ang pinagbabasehan ng batas ang mga Pilipino.Hindi natin alam kung sa anong constitution dahil ang 1935 constitution na hinango sa batas amerkano ay ni-revised noong 1971 constitutional convention at isa na riyan si Dick Gordon na pinakabatang delegado at ginamit ni Marcos para sa pag-papairal niya ng batas militar.Gumawa na naman ng panibagong revolutionary constitution si Cory with her appointed protegee.Kaya confuse ang mga tao kung alin talaga ang mabisa at antigo na dapat sundin ng bawat Pilipino.Hanga’t wala tayong kongkretong constitution na ipatutupad mahirap nating mapasunod ang mga tao,mapalider man o mga ordinaryong mamamayan.Iyan ang dapat pagtuuanan ng attensyon pagkatapos ng halalan sa Mayo.
Tumatanda ng paurong si esperon, ibig sabihin ay lumiliit ang utak at sa hindi matagal ay maging utak kuto na lang. Di ba yan din ang panukala ni gloria na ihinarap sa kongreso – anti-terrorist act? Itong si esperon ay chuchuwa lang, walang utak na ginagamit. Wasto ang sabi ni Ana – si esperon ay shit head.
Galit si gloria sa mga dissenters dahil nabubunyag ang mga kaaliwaswasan na gawa niya. Kung hayaan lang niyang umiral ang rule of law, boto ako sa kanya kahit na maging prime minister siya. Kaya lang, makitid din ang utak ni glue gaya ni assperon. Kung gugulin niya ang mga milyones na kurakot tungo sa pagpatibay ng kanyang legacy, tulad ng pagpagawa ng kanyang libingan – ala pyramid ng pharaoh, higit ko siyang kilalaning marangal. Magkaroon ng employment ang maraming mamamayan, uunlad ang bayan at siya ay manatili sa isipang ng taumbayan sa mahabang panahon.
“Walang duda na may nakinabang din sa oposisyon noon kay Garci.”
“Ang issue ay kung nandaya si tiyanak”
no question. nandaya sya – ng winning margin. she padded her winning margin to make it look good. but her cheating never changed the outcome (meaning, even if she did not cheat, the result is the same)
You’d surely say “cheating is cheating, no matter the scale or magnitude”. So dapat din iladlad at parusahan yung mga “crew” at “assistants” na knabibilangan din ng mga opposition candidates
ibig palang sabihin kahit tae na ang ipinapakain ay buong lugod pa ring kakainin?
Whatever Lola wants, Lola gets! She has been consolidating the pillars of her power.
For a witch, her flight is boosted with a brew of eccentrics steering with canine loyalty from top to bottom and vice versa. The nemesis of the communists is one of her copilots. How much more when we embark on a unilateral setup? Lola would have taken everything and nothing left for us. To stop all these bizarre speculations we start with damage control at the polls. The GO will finish her. Its already programmed in its DNA.
“How much more when we embark on a unilateral setup? Lola would have taken everything and nothing left for us.”
valdemar,
pansinin mo at merong isa dito na mas gusto pang mala-impyerno ang kalagayan ng mga pinoy sa ilalim ng umaalingasaw na saya ni lola.
siya ‘yung 0.01% daw na nag-iisang marunong mag-isip sa bunton ng mga bloggers dito.