Skip to content

Ok ang unang listahan ng oposisyon

May kumakalat na text joke ngayon: “Tuwang-tuwa si Pichay sa Senate Survey ng Malacañang kasi number five na siya!”

Di ba nakakagulat?

Kasi naman ang ang na sa top ay l) patola, 2) lettuce, 3) sitaw, 4) patani.

Kaysa naman mainis ka di ba pagtatawanan na lang. Ganoon dapat ang attitude sa pinaglalandakan ng Malacañang na Unity ticket kuno na kinabibilangan ng mga nanaginip na mga kampon ni Gloria Arroyo.

Doon na lang pumili sa walong nasa listahan ng UNO: Ping Lacson, Loren Legarda,Chiz Escudero, Peter Cayetano, John Osmeña, Koko Pimentel, JV Ejercito, Noynoy Aquino.

Kung matutuloy si Tessie Oreta –Aquino sa Unity tiket kuno ng Malacañang, namimiligro itong si Noynoy dahil sigurado ipalista rin ni Tessie ang “Aquino” katulad ng ginawa niya ng siya ay tumakbo bilang senador noong 1998.

Kaya ang botong “Aquino” ay magiging invalido. Pareho silang matatalo.

Okay lang yan. Hindi naman magdadalamhati ang bayan kung walang Aquino sa senado.

Maganda itong mga nauna sa listahan ng mga oposisyon. Maliban kay John Osmeña na nakisayaw rin aky Gloria Arroyo noong 2004, maganda naman ang record nila bilang mambabatas nina Lacson, Legarda, Escudero, Cayetano.

Si Koko Pimentel ay bagong pasok sa pulitika. Bar topnotcher siya at kung susundan niya ang yapak ng kanyang amang si Nene Pimentel, makinabang ang bayan sa kanyang pagiging miyembro ng Senado.

Si JV ay mayor ng San Juan. Kung may maari siguro ikakaso sa kanya , di nakasuhan na siguro ng Malacañang katulad ni Peewee Trinidad ng Pasay City at ni Makati Mayor Jojo Binay. Ibig sabihin, walang makita ang Malacañang na pambato sa kanya.

Apat pa ang kailangan bago makumpleto ang buong tiket. Sabi ng mga namamahala sa UNO, nakipagnegosasyon para ang grupo mga re-electionist na sina Manny Villar, Kiko Pangilinan, Ralph Recto at Joker Arroyo.

Hindi ko talaga matanggap si Pangilinan. Hindi rin ako boto kay Recto.

Mas maganda pa sana kung masama si Sonny Trillanes ng Magdalo. Ang kanyang programa ay labanan ang corruption sa military. Malaki na ang puhunan ni Trillanes para sa kanpakanan ng bayan. Hanggang ngayon ay nakakulong pa siya.

Sana maisama rin nila si Adel Tamano sa listahan. Si Tamano ay batang Muslim na abogado. Nag-aral sa Harvard University at maayos ang personalidad . Anak siya ni dating senador Mamintal Tamano. Siya ang pag-asa ng sa mga kababayan nating Muslim.

Kahit hindi pa sila mataas ngayon sa survey, kung maririnig sila at makikilala ng taumbayan sa kampanya, tiyak akong makukumbinsi ang taumbayan na bigyan ng pagkakataon sa Senado.

Published inElection 2007Web Links

93 Comments

  1. Ellen:

    I just posted in the last loop about the announcement made by JdV on the addition of Recto, Joker and Angara in the administration slate. Good riddance!

    Now, the United Opposition can sit down hard, and pray for guidance as to who to finally present to the Filipino voters to vote for. They should not allow themselves to be sidetracked by the inuendoes, and publicity stunt of the dried veggies, but come up with the cremes of the crop! They should be able to come up with the best! No trapos, please!

  2. Ellen: Kung matutuloy si Tessie Oreta –Aquino sa Unity tiket kuno ng Malacañang, namimiligro itong si Noynoy dahil sigurado ipalista rin ni Tessie ang “Aquino” katulad ng ginawa niya ng siya ay tumakbo bilang senador noong 1998.
    *****

    Kawawang mga Aquino. Dati Cojuangco ang magkaaway, ngayon magtiyang Aquino naman! Susmaryosep. Ang sama naman ng ugali ng pamilyang iyan!

    I know the Ilocanos will not vote for them!!! 😛

  3. chi chi

    May kumakalat na text joke ngayon: “Tuwang-tuwa si Pichay sa Senate Survey ng Malacañang kasi number five na siya!”

    Di ba nakakagulat?

    Kasi naman ang ang na sa top ay l) patola, 2) lettuce, 3) sitaw, 4) patani.

    Hahahahhahahhhhh!!!! I love this joke. Can’t stop laughing!!!

  4. chi chi

    Totoo ‘yan, hindi kawalan ang Aquino sa Senado kung si Noynoy at Tessie din lang.

    Ang nasa listahan ko. Ping Lacson, Loren Legarda, Chiz Escudero, Peter Cayetano, Koko Pimentel, JV Ejercito, Noynoy Aquino (pwde an rin kung walang iba), Adel Tamano, Sonny Trillanes.

    Kung sina Kiko Noted, Ralph Santos at Villar din lang ay dito na ako kina Patola, Lettuce at Sitaw or Patani. Hayyy, salamat naman at napapraktis ko ang aking mga panga sa katatawa!

  5. Phil Cruz Phil Cruz

    Pati ba naman ang potential opposition candidates kukurakutin pa ni Gloria? This Malacanang bunch is hilarious. Parang mga Ali Baba Bunch and Keystone Cops combined. A really desperate tragic-comic group.

  6. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Anong text joke from the Philippines:

    Dahil sa lamig ngayon, apektado at mahal ang presyo ng gulay from Baguio.

    Ang mabili ngayon ay pechay dahil mura kumpara sa repolyo, patatas at sitaw. Come election time on Mayo 7, it’s summer na, itsa pwera naman si pechay.

  7. hindinapinoy hindinapinoy

    ystakei,
    totoo ang sinabi mo na hindi iboboto ng mga ilocano ang mga aquino. kasi ang mga ilocano ay maka-marcos pa rin kahit na ano ang mangyari.

    out of topic here, but this is connected to the issue about journalists discussed on a recent thread…..at parang history na rin ng kabulukan ng politika ng pilipinas…

    ang pananakot at pagsupil sa media ay nagsimula sa panahon ni marcos, ginaya naman ni erap at ni gloria….
    ——————————————
    Malaya means “free” in the Filipino language. Founded in 1981 as a Tagalog newspaper by Jose Burgos Jr., Malaya shifted to English when its sister publication, We Forum, was closed down by the Marcos government in 1983 after it came out with a story exposing the fake medals of former strongman. (click here:www.malaya.com.ph)

    ——————————————————–

    BUILDING CREDIBLE MEDIA: LESSONS FROM THE FRONTLINES

    BY EUGENIA DURAN APOSTOL, Publisher and Editor-in-Chief, Mr. & Ms. Magazine Click here.

  8. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Bakit ang haba haba pa ng poste ninyo dito. Sana doon na nalang ninyo ipinoste sa tamang sinulid at pupuntahan na lang gustong bumasa.

    Makatulog na nga.

  9. But Pinoy Times was a Gloria tool against Erap. Check out Mike Arroyo’s acount of Edsa Dos. He said he bought million copies of it and distibuted it to everybody to smear Erap.

  10. HNP, what’s the online address of Eggie Apostol’s speech. Can we just link it? it’s too long. I will have to cut it.

  11. hindinapinoy hindinapinoy

    sleepless,
    sana ang pag-usapan natin dito ay ISSUES, hindi messengers. salamat.

  12. hindinapinoy hindinapinoy

    But Pinoy Times was a Gloria tool against Erap. Check out Mike Arroyo’s acount of Edsa Dos. He said he bought million copies of it and distibuted it to everybody to smear Erap.
    ==============================

    kaya nga ang lahat na halos ng institusyon sa pilipinas ay bulok – kasama na ang PRESS.

  13. Tonight, in Strictly Politics, ANC, 8 p.m., all the first 8 opposition candidates will appear together for the first time on TV.It’s hosted by Pia Hontiveros.

  14. hindinapinoy hindinapinoy

    But Pinoy Times was a Gloria tool against Erap. Check out Mike Arroyo’s acount of Edsa Dos. He said he bought million copies of it and distibuted it to everybody to smear Erap.
    ==============================

    in fairness to PINOY Times or any other publications in that matter, have no control as to who should buy their paper.

  15. cocoy cocoy

    Ano ba ito,–Kantang bahay kubo–magiba pag bumagyo.
    Kaunting baboy may dining-ding na si Aling Gloria Labandera.

  16. My mother is Ilocano but she is a US citizen and she cannot vote because she has not adopted dual citizenship, and has not registered in SFO as a Philippine voter, but for sure, she will not vote for any Aquino, even Noynoy, not really because she is a relative of Marcos!

    My peasant friends in Tarlac won’t because of the massacre at the Hacienda Luisita. Noynoy has to clear up the involvement of his family in the massacre that a lot many of their apologists say must have been orchestrated by his own uncle, who is buddy-buddy with the Pidals. No, not Danding but his own Mother’s sibling or siblings or even perhaps the Aquinos!

    Kawawa naman. Maybe, he should just try being the leader of the Opposition in Congress where he can redeem his own family’s name there.

    Kawawang Pilipinas! PATALSIKIN NA, NOW NA!

  17. Sleepless in Montreal:

    Mas grabe ang kaso. The Pidals are importing vegetables from China. Dito iyan restricted kasi nalaman maraming bulate ang gulay nila na galing sa taniman na ang fertilizer ay tae ng mga intsik!!!

    I don’t know if the spinach in the US was contaminated by similar imports from China, and now you can’t buy spinach in the US without wondering if it has Ecoli!

    Pinapatay na siguro talaga ni Burot ang mga pilipino para sa mga dayuhang balak niyang i-swindle!!! 😛

    PATALSIKIN NA, NOW NA! VOTE OPPOSITION!

  18. chi chi

    O, meron na akong isa pang sigurado na iboboto.
    ***

    (UPDATE) Trillanes formalizes Senate bid

    Detained Navy Lieutenant Senior Grade Antonio Trillanes IV has filed his certificate of candidacy for senator.

    Trillanes arrived at the Commission on Elections head office in Intramuros, Manila at 9:30 a.m.

    He was given a three-hour pass by a Makati regional trial court, where he and 28 other junior officers and two enlisted men are facing coup d’etat charges in connection with the takeover of the Oakwood hotel on July 27, 2003.

    Aside from the coup case, Trillanes is also facing a court martial for alleged violation of Article of War 96 (conduct unbecoming an officer and a gentleman).

    The Navy officer had said that if elected, he would seek reforms in government and alleviate poverty.

    http://www.abs-cbnnews.com/topofthehour.aspx?StoryId=65811

  19. hindinapinoy hindinapinoy

    at tungkol nama sa CHINA,
    CHINA COULD ONE DAY PASS U.S. AS MAJOR ECONOMIC POWER, BOOK SAYS

    COLUMBUS, Ohio – The rise of the Chinese economy in the 21st century is reminiscent of that of another country, says Oded Shenkar. And that country isn’t Japan or some of its Asian neighbors in the 1980s – it is the United States a century ago.

    http://www.researchnews.osu.edu/archive/chinecon.htm

  20. ricelander ricelander

    I would rather that UNO form its own ticket and leave Villar and company create their own. Trying to please civil society by putting two groups alien to one another, in temperament and ideology, could lead to a coalition that is neither here nor there. Would Erap, for instance, be endorsing Joker and Kiko? Funny situation if you ask me. But it squeezed out the likes of Tito and Oreta, and the admin is rejoicing: “look how chaotic they are; these two hate us like no other but here they are!”. Soon the administration could be endorsing even Gringo and Trillanes. Stupid scenario but who do you think is making a score. I say: let go of Villar, Drilon, and company to form their own. Then the choices would be clearer.

  21. At least, we know for a fact that Binay, et al will not present a United Opposition of dried veggies wih Ecoli like the one Pechay wants to lead!!!

    Mabuhay ang Opposition! Ngayon pa lang alam na nating mananalo huwag lang dayain ni Abalos, et al!

    PATALSIKIN NA, NOW NA!

  22. chi chi

    Yuko,

    Na- Ecoli yata si Pechay kaya nagbarumbado na dahil sa Goma issue. Nakakatawa ang lineup ni bansot, isang gulay at isang goma! Paano mananalo ‘yan ng hindi babastusin ni Abalos!

  23. Sinong may sabing ang opposition ang humaharana sa grupo ni Villar? Neknek ni Burot! Sila ang nagboboluntaryo sa opposition na kunin sila sa totoo lang. At least, JdV has announced that Joker Arroyo is now with the administration slate together with Recto and Angara, who is said to have 48 hours to decide. So what?

    Puede ba, huwag nang manggulo kung wala ring alam! Publicity stunt ni Burot, huwag nang pansinin. Hindi naman ulol ang mga opposition sa totoo lang para mag-suicide na isama ang mga trapo! I like those crusading candidates! Sila ang dapat na iboto!

  24. Ingat kay Abalos kasi mekeni iyan! Mandaraya ulit iyan para sa amo niya!

    PATALSIKIN NA, NOW NA! Balik na ako sa trabaho! Tanghali na dito. Hindi pa ako kumakain!

    Tira lang tira, Chi. Alam ko sleeping time mo na! 😉

  25. chi chi

    Si Joker naman ay talagang maka-Glueria ah. Sino ba ang gumastos sa kayang candidacy noon, di ba si Pidal?!

    Recto, Angara, Villar, Kiko Noted, Joker. No way, a vote for these super balimbings will extend Glueria’s life!

  26. ricelander ricelander

    Villar and company may yet end up with Gloria, leaving UNO in shambles. They belong to each other in more ways: EDSA 2 forces all and election 2004.

  27. cocoy cocoy

    Ricelander;—-Now, these trapos are deserted, they are desperately looking for a refuge to cling, they are a ticking bomb ready to explode and evaporate in the atmosphere. Sotto, Oreta, Villar and Joker who cares about them, they are posses by there greed and ambiguity, it is now a code blue for them and they are fighting for the last grasp of there breath.–They are needing oxygen badly, their brains is in the edge of collapsing.–They need a life saver– Cloak and Dagger–game they are playing.

  28. cocoy cocoy

    Our national animal—Pig
    National export——-Supermaids
    National fish———Galunggong
    National Fertilizer—Water
    National pest———Bulate (Bolante)
    National vegetables—Pechay

    Does anybody has a complain of that?

  29. you might find this interesting, ellen.

    http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2007-02-06&sec=4&aid=8737

    Lapid `call’ sa debate kay Binay sa 1 kundisyon
    By: Marlon Purificacion

    LALABANAN ni Senator Lito Lapid si Makati City Mayor Jejomar Binay sa hamon nitong debate, ngunit sa isang kondisyon – Capampangan daw ang gagamitin nilang salita.

    Ayon kay Lapid na nagpahayag na tatakbo bilang alkalde ng nasabing lungsod, tatanggapin lamang niya ang hamon ni Mayor Binay na makipag-debate dito kung ang gagamitin nilang salita ay “Capampangan”.

    Sabi pa niya, hindi siya mahusay sa pakikipag-debate kaya tinatanggihan niya ang hamon ni Binay bukod sa kapos siya sa pinag-aralan pero handa siyang maglingkod sa Makati tulad ng ginawa niyang pamumuno sa lalawigan ng Pampanga.

    Aniya, hindi siya ang tao na maraming salita dahil mas nakilala siya sa pagiging “action man” nang ma-ging gobernador siya sa lalawigan ng Pampanga sa loob ng tatlong termino.

    hmmmm… does binay even know how to speak kapampangan? 😆

    That’s like a Fil-Chinese candidate who wants to run for Makati or Manila mayor insisting on the debate format be in Chinese/Fookien.

    Or like an outsider/carpetbagging Cebuano trapo candidate, who suddenly had the urge to run for local office in Makati or Manila, but treating the campaign as if he’s still running for office in Cebu.

    Maybe lito lapid should run for mayor or governor in pampanga, instead of Makati.

    To mayor binay, accept lito lapid’s silly condition na he be allowed to speak and debate in kapampangan during the debates (with interpreters if needed), to highlight the silly nature of Lito Lapid’s Makati candidacy.

    more on lito lapid’s candidacy, and mike arroyo’s role in it here.

    http://www.manila-election07.blogspot.com/2006/12/lito-lapid-confirms-hell-run-for-mayor.html

  30. Lito Lapid will only debate Binay — in Kapampangan

    http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2007-02-06&sec=4&aid=8737

    Lapid `call’ sa debate kay Binay sa 1 kundisyon
    By: Marlon Purificacion

    LALABANAN ni Senator Lito Lapid si Makati City Mayor Jejomar Binay sa hamon nitong debate, ngunit sa isang kondisyon – Capampangan daw ang gagamitin nilang salita.

    Ayon kay Lapid na nagpahayag na tatakbo bilang alkalde ng nasabing lungsod, tatanggapin lamang niya ang hamon ni Mayor Binay na makipag-debate dito kung ang gagamitin nilang salita ay “Capampangan”.

    Sabi pa niya, hindi siya mahusay sa pakikipag-debate kaya tinatanggihan niya ang hamon ni Binay bukod sa kapos siya sa pinag-aralan pero handa siyang maglingkod sa Makati tulad ng ginawa niyang pamumuno sa lalawigan ng Pampanga.

    Aniya, hindi siya ang tao na maraming salita dahil mas nakilala siya sa pagiging “action man” nang ma-ging gobernador siya sa lalawigan ng Pampanga sa loob ng tatlong termino.

    hmmmm… does binay even know how to speak kapampangan? 😆

    That’s like a Fil-Chinese candidate who wants to run for Makati or Manila mayor insisting on the debate format be in Chinese/Fookien.

    Or like an outsider/carpetbagging Cebuano trapo candidate, who suddenly had the urge to run for local office in Makati or Manila, but treating the campaign as if he’s still running for office in Cebu.

    Maybe lito lapid should run for mayor or governor in pampanga, instead of Makati.

    To mayor binay, accept lito lapid’s silly condition na he be allowed to speak and debate in kapampangan during the debates (with interpreters if needed), to highlight the silly nature of Lito Lapid’s Makati candidacy.

    MORE: lito lapid’s candidacy, and mike arroyo’s role in it.

    http://www.manila-election07.blogspot.com/2006/12/lito-lapid-confirms-hell-run-for-mayor.html

  31. jr_lad jr_lad

    National kamao – Mayor Pacquiao of Kampi

  32. John,

    If he can’t defend or answer questions concerning his platform in any language, Lapid had better remain a movie star. As a and action star, he can grunt grunt his way through a film and nobody will be the wiser.

    If he believes he wants to help the people of Makati, then perhaps he should organize a Salvation Army for Makati instead of wasting taxpayers’ money on him and on his bunch of bodyguards eventually.

    Why fix something if it ain’t broke. Makati is doing fine as it is.

    Another damn moron!

  33. BOB BOB

    I AGREE WITH JOHNMARZAN & PHILIPPINE VIGIL, KUNG KAILANGAN MAKIPAG DEBATE SI BINAY SA SALITANG CAPAMPANGAN (WITH INTERPRETER) GO AHEAD..TIGNAN NATIN KUNG LALABAN SA DEBATE SI LITO LAPID..IM SURE HINDI….I SUGGEST BUMALIK NALANG SIYA SA LAHAR COUNTY NIYA PARA MAPALIWANAG NIYA ANG MGA ANOMALYA SA LUGAR NIYA , HUWAG NA SIYANG PUMUNTA SA MAKATI AT MATATALINO ANG MGA TAGA MAKATI HINDI NILA KAILANG ANG BOBO SA MAKATI..HUWAG NA SIYANG MANGGULO. PUEDE BA .

  34. kitamokitako kitamokitako

    Aneurism as i know it is the bloating of a blood vessel near the heart, or the aorta. If it burst, naku, tama ka Chi, baka matepok siya. Sa isang banda, matagal mamatay ang masamang damo.

  35. BOB BOB

    TUNGKOL NAMAN SA PAGPASOK NI PACMAN SA PULITIKA.. MAGISIP-ISIP KA MUNA BAGO MO PASUKIN YAN..I’M ONE OF YOUR MILLION FANS HERE IN EAST COAST, NA UMAASA NA DI KA PUMASOK SA MAGULONG PULITIKA , CONCENTRATE ON YOUR BOXING CAREER..PLEASE, GAGAMITIN KA LANG NIYANG MGA PULITIKO PARA SA SARILI NILANG KAPAKANAN..OO MANANALO KA, PERO DI KA BA NAAAWA SA BAYAN MO, PABAYAAN MO NALANG SILA….

  36. BOB BOB

    ON KIKO PANGILINAN, HINDI KO MAKALIMUTAN SI MR. NOTED, I WONT VOTE FOR HIM MASKI NA KAUSAPIN PA AKO NI ATE SHAWIE, PARA SA AKIN OPORTUNISTA SIYA, HUAG NA SIYANG MAGPA CUTE EVERYTIME HE’S ON CAM….

  37. BOB BOB

    I AGREE WITH KITAMOKITAKO, MATAGAL MAMATAY ANG MASAMANG DAMO LALU NA KUNG MASAMANG MASAMA..I HOPE HUAG MUNA SIYANG KUNIN NI LORD (gambling) PARA NAMAN MAKITA NIYA KUNG PAANO SIYA MATALO SA ELECTION (KUNG DI DADAYAIN) KASI KUNG DADAYAIN BAKA MAKALUSOT.

  38. kitamokitako kitamokitako

    Well, si pa-tumbling tumbling Lito Lapid ay magbabakasakali lang, kung makalulusot sa Makati. Dapat itanong o hingin sa kanya ay ang kanyang accomplishment report sa senate. I doubt kung may na-accomplish siya kundi ang magbutas ng silya.

    Ito palang si Joker ay 80 years old na. Amoy lupa na – Bakit hindi na lang magpahinga iyan.

  39. tikbalang tikbalang

    Chi:
    Ipagtitirik na ba natin ng kandila si SABIT SINGSON?
    Pag nanalo si Lito Tinalapid sa Makati yan ay gusto ni Pangulong Gloria Dila Huwad. Sino kayang taga Makati ang boboto kay Lito Tinalapid na alam nang lahat na ang kanyang Puso at Pag mamahal ay para lang sa KAPANGPANGAN. Tapos biglang tatakbo ng pagka Mayor sa Makati, sino ba ang nag utos? Noted yan! Noted yan! Noted yan!
    Pwede si Pacman tumakbo bilang Mayor bagay sa kanya. Para naman yung Milyon niya ay maipamahagi sa mga mahihirap kaysa naman sa sabungan lang mapunta at lagi atang talo. Pero ang dasal ko sana matalo din sa eleksyon si Pacman. Mas maganda nga pala tumakbo siya bilang senador mas malaking pera ang mawawala sa kanya.
    UNO! UNO! UNO! UNO! UNO! lang po sa darating na eleksyon

  40. tikbalang tikbalang

    Oooppps Kapampangan.
    May jueteng pa ba? Ganda ng numero sa silid ni Sabit Singson 1024. Makataya nga bukas baka manalo.

  41. chi chi

    Kitamokitako, Tikbalang, Bob,

    katapusan na ni Sabit Singson. Pray hard ako na matuluyan, ora mismo, pronto!

    Debate of Binay vs. Lapid, hahahah! Latest is Lapid(a) doesnt’ want it to happen, kasi daw ay ni hindi s’ya high school graduate! Ganun naman pala at simula pa ay talo na ang tumbling Lapid, e bakit nag-aambisyon pa s’ya. He just lost the elections! heheh! Tsupi at isama mo si Dirty Mama G on your way out!

  42. kitamokitako kitamokitako

    From the column today of Maceda of Tribune:

    ‘Manny Pacquiao announced he is running for mayor of General Santos City under Kampi. He canceled his April 28 fight in Macau. Looks like First Gentleman Mike Arroyo won this contest.’

    Nabasa ko somewhere, hindi residente si Pacquiao ng Gen Santos City. Ano ba yan, basta hawak ni Fatso, puwede?

  43. Chi,

    Ipinagdasal ko na si Chabit Singson. Ipinagdasal ko na tapusin na ng Panginoon ang paghihirap ng mga pilipino. Sana isunod na rin iyong sparing partner niya sa betting sa laban ni Pacman, iyong baboy ng Malacanang! Amen.

  44. chi chi

    Ha?! 80 yrs old na si Joker? I’ll definitely retire him from my list. Kung kailan tumanda ay saka naging sipsip! What good will he deliver if ever he gonna win…goods ni Glueria at Mike Pidal again?! Hindi na ako natutuwa sa kanya! Buti pa ay tuloy na siyang mag-retire.

    Kaya natalo ang PIG sa Supreme Court was because of the people’s sentiments against it, not because of Joker! He is a ‘selective issue’ senator!

  45. chi chi

    Amen sa dasal mo, Yuko.

    Matapos na sana ang kalbaryo ng mga pinoy!

  46. Pabayaan ninyo na si Pacman. Iyan ang pangarap niya sa buhay. Sabagay, when he was interviewed here two years ago and I acted as his interpreter, he said he wanted to be a mayor of his town, and that the Fatso and the son, were encouraging him to do so. However, unlike the other candidates, hindi siya tutustusan ng mga Pidal, siya ang mag-uubos ng mga kinita niya sa boxing sa mga kasama niya sa KAMPI para manalo sila! Siguro sabi ni Garcillano sa kaniya, may 1M votes na siya basta magbayad siya!!!

    Kawawang Pilipinas! PATALSIKIN NA, NOW NA!

  47. Emilio_OFW Emilio_OFW

    Sorry, Ms. Ellen, can’t watch the live feed of Strictly Politics on ANC through The Filipino Channel. The ABS-CBN/TFC Global management made programming schedules which are not conducive to the viewing public in the Middle East.

    We missed all the live feeds from Manila (on ANC) which starts at 2:00 PM Saudi Arabia time.

    It is only The World Tonight News which is live at 5:00 PM.

  48. cocoy cocoy

    John:
    Si Lapid makikibagtibate kay Binay sa Salitang kapangpangan ba kamo?–Si Binay maraming dialect at foriegn languages ang alam niyan.Kapangpangan,ilokano,cebuano,chabakano,ilongo,ibanag,kahit na nga bisaya mahusay iyan.Ang masasabi ko,mabibinat si Lito at magpapagawa na rin siya ng Lapida,katapusan na niya sa pulitika.Wala pang makakaya na agawin ang Makati kay Binay.Ngayon pa!

  49. BOB BOB

    chi, ystakei,….tama kayo sabay sabay nating ipagdasal si chavit na matuluyan na para naman umasenso ang ilocos..im sure marami ring taga ilocos ang nagdarasal na mawala na siya….

  50. BOB BOB

    Emilio_OFW,, i suggest you record it (auto recording ).and enjoy watching after work.

  51. Emilio_OFW Emilio_OFW

    BOB: Got lost in the programming schedules of ABS-CBN/TFC Global transmission (ANC) because everytime I switched to the channel, the replay of the PBL basketball games is on the screen.

    How I wish the management will return their programming schedules as before – live feeds from Manila especially the May 2007 election is fast approaching and talk/variety shows discuss current issues.

  52. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Ei, John, guys, napanood ko sa late news sa GMA7 si Lito Lapid. He bumped daw into Jojo Binay yesterday and they exchanged a few pleasantries. Lapid was later asked what he planned to do with Makati by the reporter.

    Sagot ba naman, “Maganda, mayaman ang Makati kaya lang kulang sa saya. Let’s Makati happy!” Minsan lang nag-Ingles sumabit pa. Kawawa naman yung school bag ng anak ko. Nabugahan ko nang kape sa katatawa nung marinig ko yung campaign slogan ni Lapid.

    Imagine ninyo nga, malalaking bandera sa Ayala, sa Buendia, sa EDSA na nakalagay, “Let’s Makati Happy! – Lito Lapid” pwrsshhttu..nayahahaha! (bumuga uli yung kape ko).

  53. chi chi

    Gosh, ano kaya ang loobin ng mga Makati businessmen, kulang daw sila sa saya! heheheh!

    Hindi kaya umuurong ang $%@$%^& ni Lapid when he thinks that Makati voters are of different breed?!

  54. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Masama ang intensiyon ni Lapid, mukhang maglalagay ng mga casino ang dating nun sa akin. Sino ba ang nagregalo ng bahay niya sa Magallanes Village? Di ba si Ephraim Genuino!
    Ngayon, mukhang lumilinaw na ang pakay di ba. Di kasi makaporma ang Pagcor kay Binay sa ngayon.

    Kaya si Leon Guerrero ang tagapagsalba ng mga naaapi as sasagipin si Genuino.

    Pwe! Let’s Makati Happy daw!…hup..pwrsshtu!!…bwahaha uli (bumuga na naman yung kapeng nasa bibig ko).

  55. cocoy cocoy

    Tongue:
    Baka gusto kang gayahin ni lito para magkaroon siya ng slogan,
    Tongue-twisted,biruin mo sikat ka na di lang sa pinas kundi sa boung daigdig.Biro mo nga naman,di na Bomtarat-tarat ang uso ngayon.Ito ang sikat ngayon sa mga texter–Wr-R-U,D2-na-mi.Iyan ang uso ngayon dito.Ewan ko lang d’yan sa lugar ninyo.Bigyan mo ako ng commission,ha?

  56. jr_lad jr_lad

    tongue, napanood ko rin yun. ang ibig sabihin ni leon guerrero sa “LET’S MAKATI HAPPY” ay papasukan natin ng jueteng yan (kasama si kumpareng bong pineda) para maging happy. 🙂

  57. Mrivera Mrivera

    huwag namang ganyan. oo nga’t patong patong ang kasalanan ni chavit, pero ang ipagdasal na mamatay ang tarantadong ‘yun, sobra naman.

    pero, dapat pa bang mabuhay ng matagal ang salot na ‘yun?

  58. Mrivera Mrivera

    tongue, unawain mo naman si leon guerero. alam mo namang limitado lang ang kakayahan ‘nung tao sa pagsasalita ng inggles. kita mo nga’t kahit inilaglag na parang tae ang anak niya sa pampanga, kadali pa ring nauuto ng mag-asawang baboy at daga para tumakbong meyor ng makati. katanga talaga, ano?

  59. Sagot ba naman, “Maganda, mayaman ang Makati kaya lang kulang sa saya. Let’s Makati happy!” Minsan lang nag-Ingles sumabit pa. Kawawa naman yung school bag ng anak ko. Nabugahan ko nang kape sa katatawa nung marinig ko yung campaign slogan ni Lapid.

    Imagine ninyo nga, malalaking bandera sa Ayala, sa Buendia, sa EDSA na nakalagay, “Let’s Makati Happy! – Lito Lapid” pwrsshhttu..nayahahaha! (bumuga uli yung kape ko).

    the bad grammar isn’t a big issue for me. but how does he intend to make makati “happy”? I NEED DETAILS! 😉

    but kidding aside, is lito lapid really serious about his makati candidacy? makati is an international city and the center of business and commerce in the Philippines, being run by the 4th best mayor in the world in 2006, according to World Mayor:

    http://www.worldmayor.com/results06/wm_winners06.html

    can the people of makati afford to hand over the steering wheel of makati to leon guerrero? how can i take his candidacy seriously when he doesn’t have any concrete proposals or plans laid out for makati other than an empty slogan of making makati “happy”?

  60. Mrivera Mrivera

    kung ang binanggit sa unahan bago si pichay:

    1. kamote
    2. saging na saba
    3. baboy
    4. repolyo

    kumpleto na ang PUCHERO!

    he he he!

  61. Mrivera Mrivera

    john,

    kumbaga, proposals of leon guerrero to come later at the dictate of the pig-rat couple ng malakanyang.

  62. Tongue T:

    Ang intindi ko ng “Let’s Makati Happy!” ni Lito Lapid ay “Mangamot tayo sa Makati!” Siguro may allergy ang taong iyan at nasasarapan sa pangagamot sa kati! 😛

    Kawawa naman! Tiyo iyan ng isang kaibigan ko sa Bulletin. Pero sabi iyong sinabi niya tungkol sa pera sa Makati. Balak din yatang magnakaw kaya naglalaway na ang ungas!

    PATALSIKIN NA, NOW NA!

  63. chi chi

    JM,

    I think the significant part of speech that’s lacking in Lapid’s sentence was the verb. OK lang kung bad grammar, even native speakers of English don’t bother too much about grammar.

    Ayan, you supplied the verb “make”. Naintindihan ko tuloy :).

    Sabi na kasi na huwag na lang mag-spokening English kung hindi rin lang maiintindihan e! Ay naku Lito Lapid, pati pagsasalita mo e nagta-tumbling! Paano mo ipapaliwanag ang iyong plata-porma kung meron man. O baka ang “Let’s Makati Happy” na mismo ang iyong programa! Sus, pati Makati ay ibabaldado ng rehimeng ito! HELP!

  64. BOB BOB

    katanga talaga nitong si Leon Guerero, kaya nga di kumita yung huling pelikula niya na sinali niya sa MMFF..ni hindi naabot nang gross sale ang ginastos niya sa karosa na ginamit nila sa parada….

  65. chi chi

    Bob,

    Hindi na pala kumikita ang pelikula ni Lapid, paano pa siya mananalo sa Makati. Sobra naman talaga ang katangahan niya!

  66. myrna myrna

    Chi, kaya nga atat na atat sa Makati, dahil alam niyang pwedeng pagkwartahan niya. Wala na sa pelikula, wala na sa Pampanga, eh di sa Makati na!

    Tuso rin si Lapid noh! Sabagay, siempre mag iisip din yan kung paano magkamal na salapi, lalo na at kung kukulitin pa siya ni Melanie Marquez ng suporta man lang sa anak nilang si Miguelito.

    Hay naku mga politikong inutil!

  67. myrna myrna

    Opps, Manuelito pala yung pangalan ng anak nila.

  68. chi chi

    Myrna,

    Si Miguelito ay maliit na Miguel, kaya siya ay si Mickey de Horsey, di ba? Hahahah! Ang hirap tanggalin sa isip ang mga walang kwentang pangalan, ano?!

  69. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Hindi sa sinisiraan ko ang mga Lapid, pero tanga lang boboto sa kanya sa Makati. Katunayan dating kaibigan ko ang pamangkin niyang si Lloyd (Jess Lapid, Jr. sa pelikula) at asawang Liz Alindogan na dati ring artista. Madalas ako noon sa bahay ng biyuda ni Jess Sr., si Tita Bella, sa Guagua kasama ang mga barkada namin. Mabait at disente sila kahit mga sikat (at sexy si Liz, sobra), sa isang maliit na barung-barong pa lang nakatira ang pasikat pa lang noon na stuntman si Lito.

    Ang tingin ko diyan, inuuto nila si Lito Lapid para kumbinsihing umatras ang anak sa pinili nito sa halip na si Dennis Pineda ang kuning vice-gov. Kaya naman ang ginagamit, pera ng Pagcor para maipilit si Lito sa Makati, kasi kung hindi baka pag tumindi ang away, tumakbong governor uli ng Pampanga ang bobong senador siguradong malilintikan si Kumareng Baby nila Gloria at Lito. Sinusuhulan siya ng pagcor ng bahay at lupa at kwarta na ang akala naman niya humihingi ng kapalit na permisong mag-operate sa Makati. Kaya “LET’s MAKATI HAPPY!”, e.

    And di niya alam, itinatali lang siya sa lugar na hindi niya maapektuhan si Mareng Baby at Pareng Bong! Alam naman nilang walang panalo pero itinutulak pa rin.

    Kita ba ang koneksyon? jueteng=sugal=pagcor=kwarta=gloria!

  70. cocoy cocoy

    Mga inutil pala ang mga ito,tahimik na ang Makati,naging financial district tapos maglalagay ng casino.Pag naglagay ka ng casino sa lugar na iyan marami ng kaguluhan at katiwalian ang magaganap.Una,tambayan na iyan ng prostitution,drug pushing,snatching.Iyong mga addict sa sugal pag natalo gagawa ng paraan para magkapera at balik na naman kasi nagbabakasakali na makabawi.—Ang matitirang negosyo diyan bandang huli ay Pawnshop.Sanglaan ng nakaw na relo at cell phone.

  71. Lito Lapid’s venture into the mayoralty race is one big business. That’s all. It’s a win-win situation for him. He runs with I’m, I guess, huge fee from you- know- who. All his campaign expenses will be shouldered by this fat guy you-know-who.

    Surely he will lose. So he goes back to the Senate. What’s his loss? Kumita pa siya.

    That simply shows how low they think of Filipinos.

  72. BOB BOB

    Maiba ako…May Good News and Bad news !!!!!
    Good news —Si chavit inatake nasa hospital.
    Bad News — Mukhang makaka-recover !!!

  73. chi chi

    I would like very much to watch a debate between Mayor Binay and Lapid. Aba!, dapat lang na makipag-debate si Lapid dahil malakas ang apog niyang tumakbong mayor ng Makati! Ipapateyp ko kapag nagkaroon sila ng debate para hindi na ako kelangang manood ng comedy films. heheh!

    BOB,

    Ang sama naman ng news mo, “mukhang makaka-recover” si Sabit Singson!

  74. Mrivera Mrivera

    chi, bob, parang going bulilit, ha?

    pero sa kaganapan kay sabit singson, it’s going bullshit!

  75. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Parang pakulo lang yang kay Chavit. Alam nyo namang ekspertong magtahi-tahi ng kasinungalingan yan. Palagay ko natatakot rin ang hunghang na ilampaso ng oposisyon sa Mayo. Maaga pa may palusot na. Gusto yatang gayahin si Raul Roco.

  76. BOB BOB

    Ang kapal nga nang mukha ni Mang Sabit, Kaya lang daw siya tatakbong senador para di na siya pinagtataguan ni Jinggoy at lagi silang magkikita sa senado…sa statement niya akala mo sigurado na ang panalo niya .
    Kaya nga sana ay huwag muna siyang kunin ni Lord at humaba pa nang mahabang mahaba ang buhay niya lagpas 130 hanggang sa hirap na hirap na siya na gusto na niyang mamatay ay di parin siya mamatay..kailangan din ay magdusa siya sa lahat nang kasalanan niyang nagawa.
    Imagine, tinanggihan siya ni satanas ibabalik pa sa lupa !

  77. BOB BOB

    Kaya siguro tinanggihan ni Satanas si Mang Sabit, natakot si Satanas at baka madaig siya ni Mang Sabit mawala pa siya sa pwesto !

Leave a Reply