Plano ni Lt (s.g) Antonio “Sonny” Trillanes, ang nakakulong na spokesman ng Magdalo ay sa Feb. 6 o Feb. 7 mag-file ng kanyang certificate of candidacy para senador.
Ang nirekomenda na petsa ng Department of Justice ay Feb. 3 ngunit sabi ni Trillanes Sabado ang araw na yun at hindi sila sigurado kung bukas ang Comelec.
Naka-usap ko si Trillanes noong Biyernes sa Camp Aguinaldo habang naghihintay ng simula ng court martial trial sa kasong “conduct unbecoming of an officer and gentleman”. May koneksyun ito sa sinasabi ng administrasyon Arroyo na mutiny noong July 27, 2003.