Skip to content

Namamangka sa dalawang ilog

Mula ngayon hanggang Feb. 12, deadline ng pag-file ng certificate of candidacy sa mga kandidato parasa sa national positions, marami pang pagbabago ang mangyayari sa mga listahan ng administrasyon at oposisyon.

Katulad na lamang ng grupo nina Senate President Manny Villar na nasa listahan ng parehong administrasyon at oposisyon.

Ang grupo ni Villar ay kinabibilangan ng kapwa niyang re-electionist na mga senador na sina Kiko Pangilinan, Ralph Recto, Joker Arroyo at ang dalawang batang congressman na sina Alan Peter Cayetano at Gilbert Remulla.

Madalas si Villar sa Tanay kay Erap dahil nag-uusap sila na maipasok ang mga kasamahan niya sa tiket ng UNO.

Sina Villar, Pangilinan, Recto at Cayetano ay mataas sa mga survey kaya malaki ang kanilang tsansang manalo kapag maayos lang ang kanilang organisasyon at hindi madaya ng garapalan.

Si Alan Peter Cayetano ay sigurado sa tiket ng oposisyon.

Si Joker Arroyo ay hindi masyadong mataas sa survey. Baka na-apektuhan sa baho ng pangalan ni Gloria Arroyo. May nagsasabi rin parang pagod na siya sa pulitika.

Si Gilbert Remulla, kahit na magiting ang kanyang ipinakita sa Congress sa impeachment, sa imbestigasyon ni dating Comelec Commissioner Garcillano at sa Con-Ass, hindi pa masyadong nakikilala sa nasyonal na pulitika.

Nababalitaan natin ang pag-uusap nina Makati Mayor Jemomar Binay na pangulo ng United Opposition at ng Nacionalista sa pamumuno ni Senate President Manny Villar at LP, Drilon wing (dahil mayroong Atienza wing) sa pamumuno ni Sen. Franklin Drilon, at ang mga ilang miyembro ng LDP na tumiwalag kay Sen. Edgardo Angara.

Si Villar ay pinalakpakan ng marami ng ginawa niyang express ang impeachment complaint laban kay Erap. Ngunit mukhang napatawad na siya ni Erap. Kaya kahit medyo masama pa ang loob ng iba niyang mga supporters, hindi na lang kumikibo ang marami.

Ang malaking problema talaga ay si Pangilinan.

Hindi pa rin siya mapatawad ng marami sa oposisyon, lalo pa ang mga supporters ni FPJ, ang pagkuntsaba sa pandaraya ni Arroyo noong 2004 eleksyon. Di ba sa congressional canvassing noon, kapag gusto ipakita nina Sen. Aquilino Pimentel, Sen. Serge Osmeña, Sen. Tessie Oreta at Rep. Dinlanggalen ang mga dayaan sa Mindanao, sasabihin lang ni Pangilinan at ni Raul Gonzales ay “Noted”.

Hanggang ngayon hinihintay ng taumbayan ang paghingi ni Pangilinan ng paumanhin sa kanyang ginawang malaking kasalanan.

Nililigawan rin daw ng Malacañang ang grupo nina Villar at maa-ari silang dalhin bilang common candidates. Pwede ba yun?

Ano, mamamangka sila sa dalawang ilog?

Published inElection 2007Web Links

113 Comments

  1. Unwelcome yang si Pangilinan sa akin for sure. Traydor to the highest degree. Madali na lang ba tayo makakalimot kay Senador Noted?

  2. Chabeli Chabeli

    Joker Arroyo, according to an oppositionist will not run for the Senate. The Oppositionist has also said that because of his last name (which is Arroyo), he may suffer a backlash.

    The reason Manny Villar went into politics in the first place was to protect his businesses that was being foreclosed by the banks. I know this for a fact. That is the reason why I did not put his name in a draft I came up with in another thread (January 8, 2007 at 1:35 am). MANNY VILLAR IS LOYAL TO MANNY VILLAR. When he impeached ERAP, he was protecting his interests. I’m 101% sure of that.

    On the other hand, the loser of the lot is Kiko Cuneta-Pangilinan, or “Mr. Noted”. I agree with Ms. Ellen that, “Ang malaking problema talaga ay si Pangilinan.” He is a goner in my books ! His integrity was on the line each time he said, “Noted”, during the canvassing in ’04. Aside from Davide, siRAULo, KIKO CUNETA-PANGILINAN is one of the reasons WE HAVE GLORIA TODAY.

  3. mandirigma mandirigma

    Lumabas na ang statement ni Villar na sasali sila saan man partido huwag lang kay Arroyo at Malacanang. This now closes the issue saying namamangka siya sa dalawang ilog. Come to think about it, halos lahat ng pulitiko namangka ng dalawang ilog at one time or another. Marcos was with the Liberal Party. Hindi sila nagkaintindihan ni Macapagal because the latter didn’t keep his promise. Kaya lumipat si Marcos sa Nacionalista at nanalo. Masakit talaga ang ginawa ni Villar kay Erap but Villar might have been pressured so much at that time. Sino ba ang nag-initiate ng impeachment ni Erap? Si Tito Guingona na baka kasama din sa ticket ng opposition. Tulad ni Villar, pinatawad din siya ni President Erap. Ang mga Aquino active din sa participation sa Edsa Dos pero okay na din kay Erap. Huwag na lang tayo lumayo, pati si Angie Reyes pinatawad din ni Erap. Notice his Angie’s silence. He never and seldom criticizes Erap and the opposition. Medyo low profile siya di tulad ng mga ibang aso ni Arroyo. That’s Erap’s weakness. Sobrang bait at malambot ang puso. Isang kiliti lang okay na sa kanya. It was this ugali that destroyed his presidency. Kaya nagtatampo na din ang mga loyal supporters niya ngayon pati na ang mga journalists na tapat sa kanya. Tulad na lang sina Lito Banayo at Nixon Kua. You can ask Ms. Ellen Tordesillas about what I said.

  4. Chabeli Chabeli

    I remembered watching a show on ANC where RECTO was being interviewed. He said that he is not purely anti-Gloria & not purely pro-Gloria. I thought to myself, “What side is he on?”, or to put it aptly, “Ano, mamamangka sila sa dalawang ilog?” He should NOT BE VOTED !

  5. mandirigma mandirigma

    FYI…

    Any group but GMA camp; Erap OK vital — Villar

    By Angie M. Rosales

    Any political party to align with for the May 2007 elections will do except for any Malacañang-led coalition.

    In practically rejecting the Arroyo administration’s “invitation” for him to join its senatorial ticket for the mid-term polls, Senate President Manuel Villar Jr. yesterday said his group — Nacionalista Party (NP) — will not allow itself to be placed under the helm of the ruling Lakas-Kampi alliance even if “we may be a small party.”

  6. mandirigma mandirigma

    Kabayang Chabeli, you’re correct in your assessment of Recto. Katulad din iyan ni Kiko Pangilinan. But their wives are loyal to Erap. Unang-una, kapwa artista nila si Erap. Pangalawa, malayo at matagal na silang may pinagsamahan. I don’t know about Vilma Santos, Recto’s wife pero itong si Sharon Cuneta naapekto ang kanyang marriage kay Kiko dahil kay Erap. My source told me that they were in constant argument after Erap was ousted. Si Sharon talaga kay Erap pero si Kiko namamangka talaga. Remember when Sharon visited FPJ in St. Luke’s hospital? FPJ fans allowed Sharon to enter but not Kiko. Kiko might be strong in the survey but we’re not sure of the outcome. Baka matalo din siya dahil sa galit ng mga tao. Masuwerte lang ang dalawa (Kiko and Recto) dahil pawang celebrities ang mga asawa.

  7. You bet, Chabeli, you can’t sail two rivers at the same time. It is more attuned to the Biblical challenge to all about choosing between God and Mammon. (Luke 16:13, Matt. 6:24) Problem is that Filipinos choose only between Satan and Mammon that practically are one and the same.

  8. Forget about Recto. People should not trust this balimbing. He should in fact stop trying. Mamulot na lang siya ng kamote sa Batangas!

  9. chi chi

    Namamangka sa dalawang ilog, mga oportunists talaga. Si Noted Pangilinan, mag “I am sorry” man siya ay una pa rin siya sa aking listahan ng NO VOTE!

    If Villar is loyal to himself alone, this Noted Kiko Cuneta is a see-thru Glueria!

  10. Toney Cuevas Toney Cuevas

    Pilipino politic as usual! It’s of my opinion, no one can be trusted in politics and among other things in the Philippines. The only thing that matter in Philippines politics is the power of money, everthing else is secondary and for sale to the highest bidders. Of course, we know who got the resources. It’s a system that only exist through lying, stealing and killing. Honor and integrity as a human being has long been gone, so is fair justice. If it’s not the Arroyos it would be somebody else, e.g. Marcos, Aquino, Ramos, Estrada and now the worst of them all Gloria the Rapist, none come close to second. If we are to examine each one of them, none of them really worth 25 centavo. They have done nothing that realy meant to the populace, but to feed their egos and their appetite for greed.

    Summarily, only names has changed, but the greed and corruptin still remain constant, the denominator. Same shit only different days and/or characters. Philippines politics is so unpredictable as the Saddam scud missiles. And the only thing we can be for sure are the people’s being deprived of their sovereign rights, not mentioning poverty and hunger of poor folks.

  11. Baka pa nga sila namamangka sa tatlong ilog, Chi! Pati ang party-list suportado nila Gloria, hehehe!

  12. Chabeli Chabeli

    Based on the comments I received in a previous thread, here’s a list of the possible Senatoriables. Again, I’d like to reiterate that not all of these Senatoriables have either formally announced their candidacy, or will run for that matter. Based on what Ms. Ellen says, Feb. 12th is the “deadline ng pag-file ng certificate of candidacy sa mga kandidato parasa sa national positions..” in which case, “marami pang pagbabago ang mangyayari sa mga listahan
    ng administrasyon at oposisyon.”

    In the meantime, here’s Draft #2:

    1-J.R. Nereus “Neric” O. Acosta
    2- Alan Peter S. Cayetano
    3- JV Ejercito-Estrada
    4- Francis “Chiz” G. Escudero
    5-Roilo S. Golez
    6-Panfilo “Ping” M. Lacson
    7-Loren B. Legarda
    8-Satur C. Ocampo
    9-Oscar “Pareng Oca” Orbos
    10- Aquilino “Koko” Pimentel, III
    11- Gilbert C. Remulla
    12-Gilberto C. Teodoro, Jr.

    Sa #12 slot, inisip ko na instead of Rep. Imee Marcos (she was “absent” in the voting of first Impeachment of Gloria. Parang malabo yan para sa akin), I thought of inserting Cong. Gilberto C. Teodoro, Jr., kasi dapat may check & balance pa ren ang Senado. Hindi ren maganda kung 100% opposition. I remember that Cong. Teodoro wanted to oust then Chief Justice Hilario Davide. In hindsight, tama ang sulong nya. Davide was also the cause of this PHILIPPINE NIGHTMARE we have called, GLORIA.

  13. Dapat sa ilog na pinamamangkaan ni Gloria at ng mga sabit niya, lagyan ng maraming buwaya para sila sila magkainan sila!

  14. joeseg joeseg

    Namamangka sa dalawang ilog is the most recent description of:

    1. Political butterfly
    2. Balimbing
    3. Nababakla
    ==

  15. Yang si Ralphot pra syang si Ate Vi — gagawin ang lahat makapanalo lang para sa kanilang interes (remember sabi ng kanyang esposa na tatakbo lang syang gobernadora ng Batangas kung siguradong wala nang ibang tatakbo, is this a case of handing down something on a silver platter just like the illegal occupant of Malacañang?).

    Kulang na lang mag-impose sya ng kundisyon. Isa pang traydor tulad ni Senador Noted.

  16. Joeseg of the three definitions of “Namamangka sa dalawang ilog” I’d say the third one ang mas nababagay lalo sa mga alipores ng bansot na puro amorseko ang laman ng utak.

  17. Toney Cuevas Toney Cuevas

    At least Philippines politics give us folks something to talk about, I guess that’s all good for. What this blog would be like without such devious characters of Philippines politics, I hate to even imagine. What else can be said about them politics, except it seems each one of them are getting richer by the minutes. They got more money safely stashed away in foreign banks more than the money in the Philippines treasury. If only I have my way…..

  18. chi chi

    Anna & Chabeli,

    Ang grupo ni Villar ay parang nagbebenta ng mga sarili, no?

  19. Anna:

    Partylist lang ni SiRaulo Gunggonzales, who is trying hard to crash the other partylist and calling them “Communists” kahit hindi!

    On the other hand, Ocampo admits they were had by sweet talks by the Great Switik in supporting her power grab in 2001. Now, they are sorry they did.

    FREE KA BEL! LET HIM FINISH HIS TERM AS ONE OF THE MOST HARDWORKING AND LESS PAID CONGRESSMEN!!! PATALISKIN NA, NOW NA SI GREAT SWITIK, BUGAW NA ASTA PROSTITUTA PA!

  20. mandirigma mandirigma

    Villar came from humble beginning. Yumaman iyan sa real estate. Nothing much was said about he acquired his wealth. It looked legit but we never know. I’m sure may kalokohan din iyan. But compared to other notorious personalities, medyo low profile si Villar. Wala naman akong nabalitaan na matinding anomalya niya. Tutoo, pumasok siya sa pulitika to protect his business. Sa kanya to protect his business (just like Enrile) pero ang mga iba pumasok para gumawa ng pera.

  21. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Political butterflies cannot be trusted due to their questionable loyalty and hidden agenda. They are the usual suspects as Malacanang agents in the opposition. Multi-party system in the presidential form of government is like halo-halo or labo-labo system. That’s why the so-called united opposition has the difficulty to settle political differences in its senatorial line up. How to form a common political platform with different ideologies and personal interests? The revival of two-party system may solve labo-labo in choosing candidates. The opposition should learn a lesson from 2004 presidential election. Angara and Lacson camps cannot agree for a common candidate against Gloria Arroyo that led to fragmented votes for the opposition.

    Scenario: The problem in May 2007 election will be junking of candidates in the senatorial race. In case of Mr. Noted Pangilinan, FPJ supporters may remove his name in sample ballots and won’t vote for him. Senate President Manny Villar who is responsible for the speedy impeachment of President Erap may encounter the same problem. Most likely Erap supporters will junk him. Junking in the opposition line up may favor stronger administration candidates. Majority of Erap and FPJ supporters comes from low income bracket or the masa.

  22. mandirigma mandirigma

    Ang problema sa partido ni Villar, mga questionable ang background ng mga tao niya namely: Pangilinan, Recto, Joker. That’s the reason why nahihirapan sila makipag-alliance sa ibang grupo. Ganyan din ang nararanasan sa LP ni Drilon. Mismong sila ni Lito Atienza nagbibirahan. The true opposition has sacrificed and sufferd a lot. Sila ang nagsaing tapos itong mga huli na lang ang kakain? It would be good to narrow down the list to those who are true opposition. Let’s set aside these questionable characters. But in politics, it’s all about compromise and strategic alliance. Talaga pong ganyan mga kabayan.

  23. joeseg joeseg

    Anna,

    Ang nababakla:

    1. Hindi masiguro ang sarili, lalaki ba siya o lalakwe?
    In English: Macho men or ex-men?

    2. Hindi makapag-decide: Sasama sa PEOPLE (UNO) o kay GMA”
    In street lingo: ABS-CBN Channel 2 or GMA Channel 7?
    ==

  24. Joeseg mukang finofortify mo ung statement na ang bias ng GMA News and Public Affairs ay nasa bansot na utak-amorseko!

  25. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Noon si Aling Gloria ay namamangka sa dalawang itlog. Pero ngayon namamangka sa dalawang ilog sa kaso ni Danile Smith. Si Uncle Sam ang kanyang kini-kiliti dahil baka masipa.

  26. joeseg joeseg

    Pakshet101

    Obvious ba? Pero kay GMA din galing yon. Pinuri niya ang GMA sa isang live interview with Mike Enriquez. Hindi naman niya binanatan openly ang ABS-CBN pero although alam natin, she’s not in good terms with the Lopezes for sometime now.
    ==

  27. apoy apoy

    Mamangka na sila sa dalawa,tatlong ilog wala akong pakialam..Huwag lang silang mamangka dito sa Burnham Lake dahil teritoryo ko…

  28. pandawan pandawan

    The late Senate President Eulogio “Amang” Rodriguez said that Politics is Addition. So I guess Villar, Pangilinan, Recto, and even Joker may be included in the opposition ticket. Which for me means I will only have eight left to vote for Senator. Ok lang.

    I cannot never vote for Villar, the memory of his ramming down Erap’s impeachment is too vidid in my mind; all I can do for Kiko is just to say “Ok, Noted.”; si Ralph ay wala sa kalingkingan ni Claro; at si Joker ay Joker talaga.

    I hope no one in the administration ticket win and if I will have to complete 12 senatoriables to make this happen, I will.

  29. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Maisingit ko lang. Villar’s express delivery of the impeachment case to the senate simply expedited what was already inevitable. More than 120 have signed the petition and Erap’s boys may be blamed for allowing that to happen. He was merely being on the safe side of the rules.

    Don’t get me wrong, I do not approve of an impeachment based on tall tales, especially those woven by a perjurious governor who claims his wealth came from a one-night game of mahjjong where he won 300 million pesos, wow! Villar may have even thought that Erap’s impeachment is doomed since Erap has the Senate majority with him. Let’s always be reminded that it was not the impeachment per se that was responsible for Erap’s ouster, it was Mike and Gloria’s scheming with the generals, businessmen, trapos and church, and later, even the supreme court, that did him in.

    Villar’s recent actions, on the other hand, may be seen as a move to self-preserve. He knows Gloria’s kiss of death will not give him a second crack at the Senate presidency. But Erap’s blessings will. An inevitable senate majority by the opposition is not what any pro-gloria senatoriable-cum-senate-presidentiable would want. Plus, an imminent Gloria ouster may also prove more beneficial to him since president-in-waiting Noli De Castro may likely appoint him as his vice the day the bitch is removed. That’s why he has rejected the administration’s making passes at him this early.

    Of course, he was a successful businessman. From a small mom-and-pop hardware store to one of the biggest property developers, Villar knows his management well. Maybe just what the Pinoys need today. Maybe an inspiration to jummpstart today’s superhero-worshipping Pinoys to get moving. I’m keeping an open mind about Villar. He’s #8 to #10 in my list.

    Regarding the other Wednesday Group members? Nah, not even my longtime affiliation with the Cunetas, or Sharon, would make me vote for this opportunist, Kikay. Ang term na ginamit ng bading kong haircutter, user-friendly daw. Mang-gagamit, in short.

    Ditto with Ralph Recto, who is presently spending millions in primetime advertising while circumventing the law on political ads. He was conspicuously silent during the Hello Garci episodes and in the other bigtime scandals. I only remember him towing the opposition’s line when the People’s Initiative came around. He was also Gloria’s pointman in promoting revenue measures that hit hard on the masses such as the EVAT, RVAT, among others, while keeping business virtually unscathed. Attention: Zenzennai Recto is not getting my vote.

    Joker Arroyo is likewise a no-no. If Kikay and Sir Raul O. were noted for “Noted”, this joker deserves second (dis?)honors for making it very difficult for the objections and other manifestations of Oreta, Dilanggalen, Pimentel, and Eddie Villanueva’s Sal Panelo during the 2004 presidential canvass. He’s also a liar who thought he could deny his relation to the First Gentlepig at first but made a backward somersault (with two and a half twists) when a nosey reporter made a connection. I’ve always regarded Bicolanos as radicals and progressives, but not this type. He was always in Gloria’s side in major issues, displaying a bit of his self-touted “independence” only when the alternative was an unpopular, lost cause. He’s not getting any vote from my family, even if my mom is Bicolana.

    Of the lineups that have been listed here, I seem to kinda favor that of Chabeli‘s – very Black and White, right Cha? I am surprised to find Gilberto Teodoro’s name there. He heads the House’s NPC bloc and that’s what they’ve done to the 2 impeachment cases, and Garci’s inestigation – “blocked”. Their impeachment of Davide was at the time viewed more as an arm twisting tactic to get even for his unfavorable decision towards Danding’s coco levy holdings. They’ve achieved getting more compromises from Gloria for Danding in that regard and they pulled out quick.

    I personally like the inclusion of Roilo Golez, Oca Orbos, and Ner Acosta, though risky at this point. These men are known for principles. I especially espouse sacrifice as advocated by Orbos for all politicians. Golez, likewise has a stainless carrer in government, as Postmaster General during the corrupt Marcos years up to the time that he was still NSA for this most rapacious bogus president.

    I do not know Acosta that well but I find him very intelligent, morally upright and consistent. I think I will have to agree with at least one candidate from the left, but I would prefer the younger Teddy Casiño.

    My own fearless forecast:

    1. Panfilo Lacson
    2. Loren Legarda
    3. Francis Escudero
    4. Allan Peter Cayetano
    5. Oca Orbos
    6. Roilo Golez
    7. Gringo Honasan
    8. Tito Sotto
    9. Manuel Villar
    10. Teddy Casiño
    11. Koko Pimentel
    12. Gilbert Remulla

    Waitlisted:
    13. Benigno Aquino III
    14. Nereus Acosta
    15. Koko Pimentel
    16. Etta Rosales
    17. Dinky Soliman
    18. Christian Monsod

    This list is subject to change as the campaign goes on. Would love to hear your comments.

  30. jur_et_noir jur_et_noir

    Bonjour Ellen,

    I was away from my beloved Philippines for over 15 years now trying my best to earn a living first in Europe and then settled in North America. Hindi ako TNT ha!
    I enjoyed reading your article and most of the comments sent by your readers.
    Napapansin ko na magaganda lahat ang mga sinasabi nila.
    Gusto ko sanang malaman kung mayroon isa or higit pa sa isa na sumusulat sa iyo ang gumagawa ng paraan sa kanyang sariling kakayahan upang magawa ang gustong mangyari ng taong bayan.
    I hope that you will agree with me that “Action is better than Words” at sana hindi mangyari na “Action is bitter than Words”
    Hanggang dito na lang muna.

    Bon soir

  31. Tongue, to be perfectly honest, there are only 5 in your list I’ll vote for. For the moment, 7 spaces in my ballot are left blank blank. Find it difficult at this stage promise to cast my vote for people whom I’m not totally convinced have what it takes to be s e n a t o r s.

    Also, I don’t know much about the others (yet.)

  32. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Slip of the Tongue:

    I listed “Koko Pimentel” twice. That’s because I am having second thoughts ‘cuz of the names listed, he’s the one I don’t know anything about except from info posted here by Ystakei and others.

    Hey, if it’s anything, this is one method of cheating in the counting. Especially if the count happens when everyone in the canvass is sleepy. Some voters would list one name in the second or third then write again in the last or prior one. A sleepy tabulator wouldn’t notice at all.

  33. Para sa Kanto Mama Para sa Kanto Mama

    Ralph learned the ropes of politics from his dad Raffy Recto, a former assemblyman and loyalist/lawyer of Marcos. He must have read a lot about his lolo Claro but gold is thicker than blood. The Recto’s veered from the unbeaten path taken by the Tanada’s, the Diokno’s and the Constantino’s. If the old grand men of philippine politics would be invited from the afterlife, guess who’s not coming to dinner.

  34. joeseg joeseg

    jur_et_noir

    Allow me to answer your query to Ate Ellen.

    Mayroon nang gumagawa ng paraan as you would like to know from Ate Ellen. Matagal na po kaming nakatungtong sa lupa. Not only we participated in protests rally and demo, we belong to a small group with some modest investments attending to the the marginalized sector who needs help. We were in the calamity areas in the aftermath of the killer typhoons helping the victims and whenever we deem our presence can contribute easing the pains and suffering of our kababayans.

    So, we are scarce in words, but we take pride in our actions. We are doing it not only of the despicable governance of GMA but because we took it upon ourselves to share a little to those who have little in in life.
    =

  35. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    That’s fine with me, Anna. Although my choice is based on a couple of criteria, winnability being one of them, and extreme distrust as another, and of course, the intelligent choices, that makes me sure I’m not gonna hit 100% accuracy. I’m sure even the selecting group finds it difficult to balance which criterion gets priority.

    I’m positive that everyone in my list is anti-Gloria. Look, the puppets of the Donya are saying that loyalty to Gloria is the main criterion.

    Indeed, Ellen, “Si Gloria na ang Isyu”.

  36. apoy apoy

    TongueT,
    Your list is okay but may I point out one thing.? I think the number 8 (Tito Sotto) should make way for a newcomer..
    No offense to Mr Sotto but He surely would make a good manager/ supporter, if not a ‘political adviser’ to the final 12..
    He can still be a political entity without entering the battlefield..In other words,his influence is magnetic even if he is not a senator..

  37. joeseg joeseg

    TonGuE-tWisTeD

    Good combination you have there. Just a slight difference from my former list. But as you said, subject to change so as my list.

    I would rather have Koko Pimentel instead of Tito Sotto and Antonio Trillanes instead of Gringo Honasan.

    If Manny Villar will opt for a third party, Dinky Soliman could be it. But I wonder why nobody is batting for my bet from Mindanao, Dik Dilangalen.

  38. joeseg joeseg

    Apoy

    We share the same view with Tito Sotto. Sabi ko noon pa, his 12 years of stint in the Senate is enough. He can be of help in the executive being a business manager.

  39. joeseg joeseg

    By the way friends, Ate Ellen

    I asked my cousin who is close to Mayor Jojo Binay go into our blog for himself or his aides to monitor our selections. They may get some ideas how are analyzing, assessing and giving comments on the senatoriables.

  40. apoy apoy

    A good name from the south should complete the magic 12 of senators..We need representation for our muslim brothers from the south..That should be the final catalyst..

  41. Spartan Spartan

    Simula ng maging si “noted” itong si kiko pangilinan during the canvassing of the 2004 National Election, noted na rin siya sa mga Pilipinong meron talagang malasakit sa bayan. Kaya, todo appear na naman ang kumag sa TV kasama ang wife niyang Maga Star, kasi eleksyon na naman. Dapat diyan kay pangilinan at ralfh recto, itali sa isa’t-isa at ihulog sa isang balong malalim.

  42. joeseg joeseg

    A little way off the mark from si Gloria na ang Isyu.

    In my previous postings, I’m asking what excuses naman kaya ang gagawin kung sakaling hindi na naman matuloy ang ASEAN Summit sa Cebu? Another typhoon?

    Here’s some mixed news something is brewing.

    1. It may be all systems go for this week’s meeting of Asian leaders, but one of the main venues for the summit on the central Philippine island of Cebu is far from finished, a report by Agence France-Presse said on Monday.
    As rain pelted down Monday, the roof of the new $11.2-million Cebu International Convention Center (CICC) did not leak as it did following the abrupt cancellation in December of the ADSEAN Summit.

    2. While the government says it is all systems go for the Jan. 10-15 meeting of leaders of the Association of Southeast Asian Nations, reporters Monday saw workers still hammering at some portions of the CICC.

    At least the roof of the $11.2-million convention center, one of the main venues for the summits, did not leak when it rained Monday. It did last time it rained.

    3. REALLY READY?: If the fearful forecasts of pessimists are to be taken seriously, it looks like the government needs another super-typhoon to hit Cebu this week to justify the resetting, if needed, of the Asean and East Asia summit meetings set to open there tomorrow.

    4. And now, the latest from PAGASA.
    PAGASA: Expect rains during ASEAN summit

    Weather bureau PAGASA said Monday it expects rains in Cebu City for the duration of the 12th ASEAN Summit, ANC reported.

    [Starting] January 10 or 11, expect this kind of weather condition to prevail for the next three to four days. We are providing special forecasts for Cebu specifically for Cebu City during the duration of the ASEAN summit,” said PAGASA chief weather forecaster Nathaniel Cruz.
    ==

  43. Ralph Recto commissioned a survey (just for his own guide) that asked only two questions:

    1. Will you vote for him if he runs under the opposition ticket?

    2. Will you vote for him if he runs under the administration ticket?

    In both questions, the score is almost the same. He has a good chance of winning whether he is with administration or opposition ticket.

    That’s the reason why in his interviews, he says, he is neither administration os opposition. “I’m neutral,” he said. What’s that, no principle?

  44. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Langya ka, Spartan, Maga Star, wa-hahaha! As in maga ang mukha sa sobrang taba.

    Joeseg, Apoy, for me Tito Sotto is my compromise vote. I’m just making up for the risk in putting too many neophytes in the list. The main consideration in Sotto’s case is winnability and not to mention I once was witness to his devotion to his work especially his anti-drugs crusade. We cannot all be idealists and let the inexperience of the youth solely determine the path for the future.

    The trapo in me says Sotto is a good choice, the idealist says he isn’t.

  45. artsee artsee

    Akala ko ang titulo ng thread na ito “Namamangka ng dalawang itlog”. Tutoo po iyan. Baka sabihin na naman bastos ako. Peks man. Si tiyanak namamangka ng dalawang itlog…siyempre ni Mike. Hindi ko naisip na ilog pala kasi iisa lang naman ang ilog sa tabi ng Malacanang, ang Ilog Pasig.

  46. joeseg joeseg

    TonGuE-tWisTeD

    Admittedly, Tito Sotto is a sure winner. First place siya first time he run and second to Loren Legarda, in his second term. Sa name recall lang, sigurado na. And nobody aamong the senatorial candidates will have a free campaign on TV but Tito, with Vic Sotto and Joey de Leon clowning just to get Sotto’s name pronounced in Eat Bulaga from Monday to Saturday.

    I should know, kasama ako sa dalawang kampanya niya. We know him well but it hurt us when people, who don’t know him, are savagely criticizing him for being a mere comedian. Thanks you know his devotion to his work.

    In our own circle, my stand is he should not run anymore to stop all those unfair criticism. He can serve well in other capacity.

  47. artsee artsee

    Iyon survey na ginawa ni Ralph sa Recto kinuha ano? Maraming pekeng survey sa may Recto Ave.

  48. joeseg joeseg

    Ralph Recto knows pretty well of his good chances in winning but n the topic, siya ang numero uno na namamangka sa dalawang ilog. But I doubt if he will cast his lot with the administration ticket. How can he parry to questions on important issues like Hello Garci, etc., when he should support the stand of the small big boss of the party. Sa third party naman, their drawback is the political machine to run the campaign nationwide especially in the grassroots. So, my reading is, there will no third party but independents will be many. But that’s up to February 12, the deadline of filing candidacy. Up to this moment, everything is speculative.

  49. cvj cvj

    If the survey scores are almost the same whether he goes admin or opposition, Recto should have taken that as a signal that he is free to follow his convictions. That he has chosen to remain neutral may mean that he doesn’t have any well-formed convictions. Alternatively, it may also mean that the approval scores he got from each side were too low and he needs the support of both camps to win. Either way, it’s not a good reflection on him in terms of trustworthiness or courage.

  50. joeseg joeseg

    Ralph Recto is one of those who are eyeing their eyes to the presidency, some day soon. His number one advantage is bearing an illustrious name, Recto and number two is for having a celebrity and a topnotch movie star-cum politico as his wife. It’s part and parcel of a grandiose plan if things will not miscarry.

    But his being wishy-washy at present time will not augur well for his dream of becoming a president some day. AS CVJ stated, his being neutral means he doesn’t have well-formed convictions. Which conveniently put him of being neither here or there and rightly so, parang wala siyang yagbols. Nababakla. Boating in two river of no return.

  51. mandirigma mandirigma

    There are many eyeing for presidency in 2010 not only Recto. The others are Villar, Gordon, Pangilinan, Legarda, Lacson, Noli de Castro, and would you believe even Jinggoy Estrada? Matindi ang labanan sa 2010. Pero baka hindi umabot sa 2010 iba na ang sistema ng gobyerno.

  52. zenzennai zenzennai

    Thanks for the input, Tongue, re: Recto.

  53. Mrivera Mrivera

    namamangka sa dalawang ilog. uso sa bawat sulok ng lipunang pilipino. anumang antas. itaas, ibaba. tunay na edukado o nagdudunungdunungan. ang nakakatakot – mga edukadong pulitikong hindi alintana ang masaklap na kinasasadlakan ng kanilang mga abang nasasakupan. bahala kayo sa buhay ninyo ang labanan. maunang makarating sa finish line sakay sa balikat ng magkabilang pinapanigan. kung kaninong paa ang makarating sa hangganan, biglang igpaw at mas mauuna pa sa sinakyan!

  54. Tiago Tiago

    Uulitin ko, if our purpose is to depose Glueria, we should start looking seriously at the congressmen level. This is where the action starts, mapa-impeachment or retoke ng saligang batas man. Puno nga ang senate ng oposisyon, hindi naman aakyat ang ating sinusulong kung sa baba pa lang patay na!

    I suggest, Ellen, although alam ko malaking trabaho, i-post dito yung mga congressmen wannabees per district per province at kung ano ang kanilang stand sa mga mai-init na issues. Suggestion lang yun.

    Chabeli, your list consists of fine gentlemen who can get the job done, unfortunately, knowing how our kababayans vote, there is a question of winnability.

    I like Tongue’s list as well. Except for Mr. Sotto. Nothing personal.

  55. kitamokitako kitamokitako

    Definitely, we will not vote for:
    a) Kiko ‘NOTED’ Pangilinan
    b) Recto, the son of the only Recto who is not Claro, is sigurista
    c) Joker Arroyo, He is often referred to by Ninez Olivares as the ‘dishonourable shit’ because of his conduct, statements and whatever no good he did in the senate. He did nothing significant as senator and chairman of the blue ribbon committee, that i know of. He protected the PIDALs in the ‘Alam ba Toh ni Mrs’ expose of Lacson.

  56. isabel isabel

    HUWAG IBOTO ang sinumang kandidato na mahuling namamangka sa dalawang ilog. para sa akin ang namamangka sa dalawang ilog ay salawahan, alibugha, kaliwete, hindi mapagkakatiwalaan, hudas, walang paninindigan, hindi maasahan sa oras ng pangangailangan. pag sila ang pinahawak natin ng sagwan, tiyak lulubog ang bangka, sapagkat ang dalawang ilog ay magkasalungat ang agos, ang isa’y pa-silangan, ang isa nama’y pa-kanluran.

  57. Chabeli Chabeli

    TonGuE-tWisTeD, EXCELLENT comments & analysis ! I LIKED it a lot! Hee hee hee, I am, by nature, “very Black and White”, TonGuE-tWisTeD !

    I expected that there would be at least someone who would be “surprised to find Gilberto Teodoro’s name..” on the list. I just thought he would be a better alternative to Rep. Imee Marcos. What I was not aware of was the that the real reason behind the impeachment “of Davide was..viewed more as an arm twisting tactic to get even for his unfavorable decision towards Danding’s coco levy holdings. They’ve achieved getting more compromises from Gloria for Danding in that regard and they pulled out quick.” In my opinion-in light of having a check & balance in the Senate- we should pick ANOTHER pro-Glo. It is better than one who will be playing both sides !

    As a WARNING, we should also not be deceived by the so-called “Third Force.” Behind this group is someone by the name of GLORIA.

    All things being fair & square, any Senatoriables winning from Gloria’s ticket would be between 1 to 3 ONLY. IF there are more than 3 that win in Gloria’s ticket, it can oly spell C-H-E-A-T-I-N-G !

  58. Diwata Diwata

    Manong Mandirigma, Joese, Mrivera at Ate Chi;

    Tanong lang po, bakit pinatawad ni Erap dahil daw sa mabait at malambot ang puso? Nasaan na
    ba si Erap ngayon? O baka naman gusto lang talaga nyang mapalayas ang mga amoy-imburnal sa Malakanyang or meron pang mas malalim na dahilan kung bakit kailangan ni Erap magpatawad?

    Sa totoo lang po, isa lamang po ako sa mga nabiktima at nahikayat ng mga pulitikong amoy-lupa na magmartsa sa kalye mapatalsik lang si Erap sa puwesto. Pagkatapos nun sila na ang mga nakapuwesto lalo lang gumulo at nun hindi nila makuha ang gusto nila dahil mas TUSO pa pala ang pumalit, hayun galit-galit na naman sila! Heto pa ang mas nakakalungkot, ang mga amoy-lupang naglason sa aming isipan para mapalayas si Erap ay siya ngayon malapit kay Erap!

    Sina Cory Aquino, Aquilino Pimentel, Joker Arroyo, Guingona, Villar, Dinky Soliman, Cardinal Sin [snl] at maraming iba pa ang nagmulat sa amin kaisipan para makibaka laban sa rehimen Erap! Ngayon tsika-tsika na silang muli na parang wala lang?!

    Paano na ngayon ang mga masasakit na paratang, pang-aalipusta, paninira at mga salitang kahit baboy ay di makain na siyang IBINATO namin kay Erap? Sino at kanino ba talaga dapat humingi ng tawad ang mga amoy-lupa na yan? Hindi ba dapat sa amin mga nagmartsa sa kalye’t nabilad sa gitna ng araw at nalipasan ng gutom?

    Nararapat bang muli kaming magbitaw ng mga masasakit na salita at kabastusan laban sa pekeng pangulo na na-ipwesto lang dahil sa sulsol ng mga amoy-lupa? At ano pagkatapos, tsika-tsika naman sila uli?!

    Hindi na po kailangan sabihin kung bakit paunti ng paunti ang sumasama mag-martsa sa kalye, nakakalungkot isipin na nagagamit lang kami ng mga amoy-lupang pulitiko sa pang-sarili nilang interest at hindi para sa ikabubuti ng bayan.

    Naisip namin ng grupo ko na mag-abroad na lang kaysa magmartsang muli sa kalye, tutal pwede naman kaming makibaka ng hindi na kailangan magkalat pa sa kalye.

    Akma-akma po ang sinulat ni Manang Ellen at ni Mr. Lito Banayo ngayon araw na ito sa Abante na nagsasabing: HUWAG TAYO / KAMI MAGPAKASIGURO!

    Uulitin ko lang po; lalayas at lalayas din ang mga amoy-imburnal sa Malakanyang sa ayaw at gusto nila/natin. Lahat may katapusan, siguro nangyayari ang lahat ng ito sa Pilipinas para mas lalong mamulat ang mga kabataan Filipino tulad ko para sa mas magandang pangako ng bukas. Kaming mga KABATAAN ANG BAGONG PAG-ASA NG BAYAN!!!

    ALIS DIYAN MAY KILITI AKO DIYAN!

  59. Mrivera Mrivera

    diwata, ang desisyon ng tao ay dapat ginagamit ayon sa kung ano ang idinidikta ng sariling utak at hindi sa kung ano ang isinusulsol ng iba. nauntog ka na, huwag mo nang hintayin pang mahulog ka pa.

  60. mandirigma mandirigma

    Good question, Kabayang Diwata. Bakit basta na lang pinatawad ang mga kaaway niya? You’re partly correct in saying that President Erap wanted to get rid of Arroyo. Ang tawag diyan “unholy alliance”. Di ba noon sa dalawang Edsa nagsanib ang lahat na puwersa kahit hindi sila magkasundo? Even the Communists and their sympathizers joined all the groups in ousting Marcos and Erap. After ousting them, sila-sila naman ang nag-away at nag-aaway pa rin hanggan ngayon. That’s also what’s going to happen with these people forgiven by Erap. Pero may isa pang dahilan: Talaga lang maawain at mapagpatawad si Presidente Erap. Kulang sa pride kaya napagkakamalang mababa ang IQ o bobo. But in reality, that’s his nature even when he was still a movie star. Marami na siyang tinulungan kahit na mga kaaway.

  61. Diwata Diwata

    Mrivera,

    Kung ganun parang sinabi mo na rin na huwag ng makilahok or iboto kung magpilit man ang mga amoy-lupang pulitiko na kasalukuyan nagpapakuha ng pansin at namamangka sa dalawang ilog [administrasyon or oposisyon] tama po ba ako?

    Sa true life lang po, marami naman tayong pagpipilian ng mga bagong sibol na mga magagaling na pulitiko na nagmamahal na tunay sa bayan at higit sa lahat mga guapo at magaganda pa sila ha?. Extra wish ko lang po ang mga guapo at magaganda for a change kung pwede lang naman. Karamihan po kasi ng mga pulitiko natin ngayon nakakasuka ang hilatsa ng mga pagmumukha na para mukhang mga hapon na talunan sa giyera!

    Solidong bagong mukha, bata at magagaling na mga pulitiko na may malinis na pagkatao ang kailangan natin ang siyang mag-aahon sa kasalukuyan situwasyon ng bansa natin.

    ALIS DIYAN MAY KILITI AKO DIYAN!!!!

  62. Mrivera Mrivera

    diwata, hindi ganun ang ibig kong sabihin. para mo nang isinusuko ang lahat mong karapatan. kung ano sa palagay at nararamdaman mo ang tama, ‘yun ang sundin mo. markahan mo sa iyong isip at alaala kung sino ang noon ay luminlang sa iyong paniniwala at ibigay ang iyong pagtitiwala sa mga inaakala mong makatutugon sa iyong hinahangad na pagbabago para sa bansa.

  63. joeseg joeseg

    Manay Chi,

    Ikaw ha, isinama mo si Vilma Recto, dapat instead of Kiko Noted, should be Sharon Pangilinan!

    Johnmarzan,

    I’m a long time fan of Randy David. When he was on television, I wouldn’t miss an episode of his broadcast. The problem is, he shun politics. Gusto lang niya on the sideline with his in-depth analysis of events and go for what’s the truth. We need people like him, but unfortunately, ang mga katulad niya ang ayaw sa gulo ng politics.

    Mrivera, Mandirigma, Kitamokitako, CVJ, Tiago and the rest, we certainly have our own versions and approach of who should run to topple the pretender to the throne and it’s welcome. Wika nga ay may kanya-kanyang manok. But the ultimate goal is like Diwata is always saying or singing:

    Alis dyan, may kiliti ako dyan!

  64. chi chi

    Noted, joeseg! Can’t forget “noted”. Kahit siya na lang ang natitirang kandidato, hindi ko pa rin siya iboboto.

    Yeah, Randy D is sayang. I like him pa naman na ipalit kay Joker!

  65. mandirigma mandirigma

    Randy David is a nice grandpa. Mahal na mahal niya ang kanyang apo. He used to be anti-Erap and pro-Arroyo. Like the many others, nagbago ang position. There’s nothing wrong if one changes his position. David is Arroyo’s kabalen. At least, ang kanyang pagkontra kay Erap noon ay sa pagsusulat di gaya ng iba diyan na puwersahan ibinagsak si Erap. Tapos, ngayon bumabalik kay Erap at humihingi ng tulong. Okay si David. If I were him, I would run first for Congress. Kayang-kaya niya ito.

  66. joeseg joeseg

    Mandirigma

    Maybe some people like us who like Randy David are already thinking or actually approached him to run but he declined. Kasi dapat ngayon pa, alam na natin kung tatakbo because of the nearing deadline for filing of candidacy. A seat in the House representing QC where he lives could be ideal. He teaches at UP and could go on part time. Pero yon nga, ang pagkaalam ko, ayaw niya.

    Sayang talaga, Manay Chi.

  67. mandirigma mandirigma

    A normal practice would be just to file candidacy. Puwede naman mag-withdraw o umatras later. Maraming ganyan. Many are the so called nuisance candidates. May ilan diyan para lang manindak at manggulo. Tatakbo tapos aatras. Kaya si Randy David mag-file na lang siya ng candidacy. Wala naman mawawala sa kanya. But of course that’s his decision.

  68. Something on Tito Sotto:

    In 1997 (or was it 1996?), he was dragged into a drug issue involving a member of his staff. I have written about the case and I can say for sure that i was not true.

    Niyari siya ng tao ni FVR. I suspect Guingona also had something to do with it.

    If you remember, at that time Sotto was high in the popularity list and touted to be a runaway winner for vice -president. Remember, Gloria Arroyo and he formed Kampi?

    Guingona was eyeing the vice-presidency for Lakas. FVR’s people did the operation on Sotto, whose fault I think was not running a tight ship in his office.

    There was this guy ( i forgot the name). Tipong hustler who offered to help in Sotto’s anti-drug program. It turned the guy is involved with a drug syndicate. Sotto was burned big time.

    I’m not impressed with Sotto as a legislator (Jinggoy is performing better). But he is not corrupt.

    His popularity rating is good, so that should be a plus for the opposition.

  69. mandirigma mandirigma

    You were referring to a certain Tiongco, a drug lord. Maaring tutoo ang sinabi mo, Ms. Tordesillas. But do you know Sotto doesn’t come clean either? Madilim din ang nakaraan niya. His notorious combo group in the 60s called “Tilt Down Men” got involved in many troubles. Tumino lang si Tito nang ligawan at naging asawa si Helen. Before that, pakanto-kanto boy lang po si Sotto. Parang gangster. But that was past. Past is past. Sotto has now proven to be a good family man.

  70. Oh Ellen, speaking of Tito Guingona, he was also involved in the AFP procurement when he was FVR’s exec secretary – heh! Don’t trust this guy. He’s uugod ugod na but he is sharp when it comes to the clinking of silver dollars!

  71. mandirigma mandirigma

    Tama po iyon, Ms. Tordesillas. Just look at Guingona’s eyes and you would know what he’s thinking of. Grabe ang ginawa niya sa impeachment ni Presidente Erap. Lahat na salitang insulto binitiwan niya. But now, he’s in the arms of the loving Erap. Ay naku po itong si Erap…

  72. mandirigma mandirigma

    I meant Ms. de Brux. Pasensiya na po sa mali. Pareho ang style mo kay Ms. Tordesillas. Age is not a factor why Guingona should not run. It’s his political position and character.

  73. joeseg joeseg

    Ate Ellen

    Tama ang sinabi mo tungkol kay Tito Sotto. For vp na sana siya noon with GMA when they formed KAMPI with Peping Cojuangco. Niyari siya sa issue ng drugs but he was exonerated by being re-elected in 1998 second to Loren Legarda.

    The first time he run for senator, he topped the first 12 whose term will be for 6 years. GMA got the 13th slot of the last 12 which will only serve for three years. After 3 years, GMA run now sporting the Nora Aunor look alike in all her posters. She topped that elections and geared for the presidency with Tito Sotto. Sensing that she cannot get by Erap, she instead run vp candidate of JDV who was clobbered by Erap. The rest is disaster.

    As for Tito Sotto running again, he’s a sure winner being the only candidate who has a free TV advertisement from Monday to Saturday at Eat Bulaga. Vic Sotto and Joey de Leon while just clown their way, nakasingit na ang pangalang Sotto.

    But I posted here that his 12 years stint at the senate is enough na. Iba naman. He could be of help in other appointive position. It will end to the criticism that he’s a mere comedian which is not true.

  74. mandirigma mandirigma

    As I said, Tito has changed since his days as a member of the Tilt Down Men combo group of the 60s. Maganda din ang performance niya sa Senado noon. The only problem that I see even if it’s minor is his relationship with Senator Lacson. Isa si Sotto ang nagpahamak kay Lacson sa away ng huli kay Angara. Sotto sided with Angara which he now deeply regrets.

  75. joeseg joeseg

    One more thing for Tito Sotto.

    Rarely are or who used to be in the showbusiness have no stories to tell, good or bad. But when Tito Sotto became a public servant starting as the Quezon City vice mayor, he served well. Siya lang siguro ang isang vice mayor lamang ang naging senador sa and topping it in the first try.

    He could have easily jumped ship when Erap’s boat sunk following the likes of Drilon, Villar, Recto, Jaworski Defensor-Santiago and many others. But he didn’t inspite of GMA’s invitation. He stayed stayed and aligned himself with those who are opposing GMA.

    Why I am telling this? I’m a friend.

  76. chi chi

    Ellen & Anna, thanks for the info re Sotto and Guingona. Hindi ko naman talaga ipapaboto si Guingona. Si Sotto, acceptable sa akin.

  77. chi chi

    joeseg, friend ka pala ni Tito S. Ipakilala mo ako pag bisita ko sa Pinas, ha? OK siya sa amin dahil hindi mapupuno ang 12 senators ko pag nagtanggal pa ako. Joke only!

  78. mandirigma mandirigma

    I agree kabayang joeseg. Malaki ang ipinagbago niya simula nang maging asawa si Helen Gamboa. Naging ulirang ama at alam mo bang mahigpit sa mga anak niyang babae. We also never hear him flirts with other women unlike his younger brother Vic. His loyalty? Subok na iyan. He’s a true and loyal friend. Kaya nga mahal na mahal iyan ni Presidente Erap. Sana iyong tampuhan nila ni Lacson ma-solved na din. Tutal, exit na sa eksena si Angara. Angara’s political career has ended. All he could wish and hope for is for Arroyo to appoint him to her cabinet na talaga naman niyang hinihingi noon pa.

  79. joeseg joeseg

    Manay Chi,

    Si Tito Sotto ang hindi namangka sa dalawang ilog sa larangan ng pulitika sa panahong ito. Sa chicks siguro, baka pa.

    Huwag naman komo friend ko si Tito S kaya mo iboboto! Piliin mo rin, nating lahat kung sino ang dapat. Pero sana huwag na siyang kumandidato para hindi ako ma-invite uli to campaign for him kahit pakonti-konti. Sa name recall lang kasi panalo na siya. Sa TV, sa radio (andun si Ali Sotto sa DZMM) at sa pelikula, Enteng Kabisote, top grosser. Tapos gagawa pa ng pelikula si Vic Sotto at Dolphy ipapalabas bago mag-election (kung hindi ma-banned). Sa aminin natin at sa hindi, tindi ng dating ng showbiz personalities sa ating mga botante kaya nga andyan sa senado sina Sharon Pangilinan, Vilma Recto, Bong Revilla, Lito Lapid at Jinggoy Estrada.

    Pero kung uuwi ka, mapipilitan tuloy akong ipakilala ka siempre friend tayo. Tapos, magpapasama ka pa sa akin sa Eat Bulaga. Tapos ipapabati mo ang mga kasamahan na oy, nandito ako sa Eat Bulaga! Tapos, magpa-kodak ka kasama ang nandoong ta-artits. Joke lang, Manay Chim ha?

  80. mandirigma mandirigma

    Kasama si Tito Sotto sa final line-up ng opposition. Unfortunately, ang dalawang asungot na sina Pangilinan at Recto ay nakasama din. Hula ako nagmakaawa sina Sharon Cuneta at Vilma Santos kay Erap. They might have visited President Erap in Tanay then sang and danced for him.

  81. joeseg joeseg

    Bakit ba naging Manay Chim yon, Manay Chi sorry po, wrong typwriter.

    Mandirigma

    All I know, nag-patch na sila ni Ping Lacson. Naging matindi rin noong FPJ campaign ang hidwaan nila with Lacson.

    Buhat noong pumasok sa pulitika, medyo naging good boy na si Tito S. Si Vic, may pera kasi kaya habulin ng chicks. Parang si Dolphy, dinadaan sa biro ang chicks, pag kumagat, nagiging inahen. Oops, censor. Patawad po.

    Hindi mo napapansin kabayang Mandirigma, kapag ang usapan ay pulitika at artista, nagiging interesante? Kaya yan tuloy ang nagiging puhunan ng mga artistang gustong pumasok sa pulitika. Pero hindi naman lahat ay nagkakapalad. Let’s watch how far Edu Manzano can go kung matuloy siya sa tiket ni GMA. Weather-weather din, ika nga ni Erap.

  82. chi chi

    joeseg, the truth..we will vote for Tito dahil hindi niya iniwan si FPJ na na siyang tunay na presidente ng aming buong angkan!

    No vote sa amin sina Kiko Noted Cuneta, Vilma Recto. Pinag-iisipan ko si Joker at Villar. Sa amin, kung hindi type ay hindi type. Nakakatawa ang angkan namin kung bomoto, kapag dala ng isa ay dala ng lahat.

  83. mandirigma mandirigma

    Kabayang Chi, you’re like one religious sect that I know na kapag dala ng isa dala ng lahat. Kabayang Joeseg, magandang hintayin ang pagkikita nina Recto at Edu Manzano. Si Edu ang unang asawa ni Vilma. Ang nasa gitna ngayon ang anak nilang si Lucky. Recto is his step dad while Edu is his biological father. Sino ang ikakampanya niya. Who’s stage would he climb up to endorse? Kaya naman balak ilagay ng Malacanang si Manzano para pang-kontra kay Recto. Good for them. Para parehong matalo.

  84. chi chi

    mandirigma, iyong sekta na sinasabi mo ay hindi namimili kundi nabibili ng pangako at nag-uutos sa mga miembro. Ang aming angkan ay umuupo,nag-uusap at nagkakasundo. Sa pagkakataong ito ay pareho ang choices namin sa mga senador kaya masaya.

  85. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Yes, I thought listing Tito Sotto would cause a stir. But believe you me, Ellen was right when she said Tito Guingona, then Senate Chairman of the Blue Ribbon used a small oversight by Sotto’s staff to take samples of the shabu evidence that his TV program to discredit him and what is there that is more devastating than linking him to the drug trade which is the main target of his crusade. Jessica Soho was part of the show and that stunt by Guingona did not at all affect both Sotto’s and Soho’s credibility.

    The other controversies that have been thrown at him suffered the same fate. Like that of the Pepsi Paloma rape-suicide case which was later found to be caused by drugs and the sufferings she had to endure under her exploiter/manager/pimp, Dr. Rey dela Cruz.

    Or that of his alleged lovechild with starlet Angela Luz. As rumors have it, Vic had to claim the child as his own to save Kuya Tito, who was entering politics at the time, from his political opponents. Of course, it’s Vic’s child.

    When someone is squeaky clean, enemies usually hit you where it hurts most, like that in the drugs case and these supposed secret affairs.

    O di ba, pang-showbiz na rin ang blog ni Ellen!

  86. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Slip of the Tongue:
    Ellen was right when she said Tito Guingona, then Senate Chairman of the Blue Ribbon used a small oversight by Sotto’s staff to take samples of the shabu evidence that his TV program, with the court’s necessary permission, will take footages of, to discredit him…

  87. tikbalang tikbalang

    Tutal na pag-uusapan ang mga artista.Ito balita tungkol kay Nora Aunor believe it or not

    Babalik ng bansa si Nora Aunor at habang nasa LAX siya ay may isang babaeng mag-aabot sa kanya ng isang maleta na hand carry pero sa pangamba ni Ate Guy na may laman itong drugs ay tinanggihan niya at sinabi naman ng babae na para sa kanya talaga ‘yung hand-carry, pero tumanggi nga si Ate Guy at sinabi sa babae na, “It’s yours. I’m giving it to you”, at sa tuwa ng babae ay naglulundag ito sa tuwa habang itinatakbo ang hand-carry.
    “Bangag siguro ang bruha!” ani Ate Guy.
    Maya-maya ay nag-ring ang celfone ni Ate Guy. Si John Rendez ang tumawag. “Sorry I can’t make it, I wanna stay in Los Angeles. Ikaw na lang ang bumalik sa Pilipinas, wala naman akong career doon eh. Did you get the hand-carry bag? I sent it thru my new PA. Nandoon ang MILLIONS OF DOLALRS na na-jackpot mo sa Las Vegas slot machines! Hello! Hello! Naubusan ka ba ng load?” tarantang tanong ni John Rendez. Hindi po naubusan ng load si Ate Guy. Hinimatay po siya sa kinauupuan niya! Ako hindi naniniwala, pero nahulihan siya ng pinagbabawal na gamot sa USA yan ang tunay.

    PATALSIKIN NA! SIPAIN NA! NGAYON NA! HWAG MATAKOT SA TAONG KUMUKURAKOT SA KABAN NG BAYAN!

  88. joeseg joeseg

    Abot tenga ang ngiti ko habang binabasa ko ang kaalaman ni TonGuE-tWisTeD at Tikbalang sa showbiz. Sabi ko na sa iyo kabayang Mandirigma at Manay Chi, kapag showbiz at pulitika ang usapan, very interesting.

    Yan ang dalawang ilog na pwede kang mamangka.

    If things will favor some candidates in the senate, it will really make it a strange place of family reunion.

    1. Lucky Manzano could be the luckiest young man, halimbawang manalo si Ralph Recto at Edu Manzano bilang senador. A dad and an uncle-dad.

    2. Assuming manalo si JV Ejercito, mag-utol sila ni Jinggoy. Mabuti hindi na tatakbo si Loi at kung tumakbo at malamang manalo, there’s a mother, a son and a salamagan.

    3. Assuming na manalo si Allan Peter Cayetano, dahil nandoon pa si Pia, a brother and a sister.

    4. Assuming na manalo si Koko Pimentel, dahil nandoon pa si Nene Pimentel, father and son.

    O, di ba?

    Last time, it was Ramon Revilla and his son-in-law, Bobby Jaworski. Mabuti hindi sila nagpang-abot ni Bong Revilla. Disin sana, tatlo rin sila, a father and son and a son-in-law.

  89. chi chi

    joeseg,

    Wala akong hilig sa artista, sina Angelina Jolie, Daniel Craig and Clive Owen lang ang gusto ko. Sa Pinas ay wala na akong balita sa mga artista, pero natawa ako sa nagsabi na Maga-Star Sharon Cuneta, hekhek!

    May balita din ako sa ‘yo dahil binanggit mo ang kamukha ni Glueria na si Nora Aunor. Nasa Chicago kami noong August last year at nagkataon na may show si AA kasama si Willie Nep at ewan ko pa ang iba dahil nakita ko lang naman sa poster. Narinig ko, habang kumakain kami sa pinoy resto, na ang dami daw ng bakanteng upuan sa sinehan na pinagdausan ng show. Tapos ay sumabat ang aking tiyahin from Sanfo na nanood daw sila sa Sanfo show ni AA at kalahati lang ng mga upuan ang may laman. Hindi pala kumikita dito ang isa pang bansot na ‘yan e.

    Kaya palagay ko ay uuwi na naman diyan para mangampanya for Glueria’s ticket. How much na naman kaya from the kaban ng bayan ang ibabayad sa addict na ‘yan? Si Glueria at Nora ay kambal na traydor. Pinas politics and showbiz, kambal din.

  90. joeseg joeseg

    Naku Manay Chi,

    Wala nang career si Nora Aunor sa Pinas dahil sa pangyayaring pagtalikokd niya kay Erap. Kaya dyan siya sa nagsho-show sa Tate, nagkakaso naman. Ganun ba ang balita sa siya nila ni Willie Nepomuceno? Balita sa Pinas, hindi mahulugang karayom ang pipol!

    Puro lighter side na muna ang posteng ko. Hirap mag-english, sa totoo lang. Pero mga kasamahan natin dito, bilib talaga ako. Si Anna, Ystakei, Mandirigma, Tongue, Chabeli, lalo na si GSDC, basta halos lahat kasama ka na dun.

  91. ka skorpio ka skorpio

    tama kayo mga kasama yang c villar interest lang ang kanyang pinoprotektahan kaya gusto nya sureball sya sa oposisyon at administrasyon.dapat dyan kay villar ay itapon na parang basahan dahil sa dami ng kapalpakan ng housing project ng kanyang company.mga kasama ilaglag natin tong villar na opurtunista sa darating na eleksyon.

  92. nelbar nelbar

     
    Kapag may mga People’s Organization, Non Governmental Organization at Cause Oriented Groups na sumuporta sa kandidatura ni Manny Villar , isa lamang ang ibig sabihin nito?

    BANKRUPT NA ANG SISTEMANG EDUKASYON SA PILIPINAS!

    Hindi kayang tumbasan ang isang makataong pag-iisip ang mga pagpapakita noong 2004 ni Manny Villar na katabi nito si FPJ sa mga publikong pagtitipon.

    Dalawa lang ang sigurado kong kikilalanin ng kasalukuyang henerasyon na “Manny” sa ating lipunan: si Pacman at MVP ng First Pacific.

    Bukod dito isapa, ang Money na kwalta at wala nang iba!

     

  93. Chabeli Chabeli

    Taken from Jan. 10 issue of INQ7:

    “..the administration is determined to include members of the so-called “Wednesday group” in its senatorial line-up, a ranking official of the ruling Lakas-Christian Muslim Democrats said on Wednesday. The “Wednesday group” is composed of Senate President Manuel Villar, Senators Joker Arroyo, Ralph Recto, and Francis “Kiko” Pangilinan.
    Bukidnon Representative Juan Miguel Zubiri, secretary-general of Lakas, told INQUIRER.net that the administration was trying to convince the four senators to join them. “We’re still trying to court them. We are making several efforts to convince them to join our line-up,” Zubiri said in a phone interview. He could not say however whether there were concessions involved in the negotiation because the presidential adviser for political affairs, Gabrielle Claudio, was doing the talking for the administration with Villar’s group.”

    Wooing Manny Villar, Joker Arroyo, Ralph Recto, & Kiko Cuneta-Pangilinan to join the Administration’s ticket is a bad sign. What it seems like is that there are no takers for these 4 Stooges; & it also seems that the Administration cannot come up w/ their Magic 12 & have resorted to desperate measures by settling for the crumbs. Tsk..tsk..tsk..

  94. chi chi

    No way din these 4 stooges in my group, Chabeli. heheh!
    Hirap nga akong magpuno pa sa 12. Oopss, tatlo lang pala. Trillanes is here na!

    Hirap magbenta ng mga sarili, buti nga.

  95. Mrivera Mrivera

    kiko pangilinan, money villar, graft recto, joker aroymo sila ang mga “dapo” sa pulitikang pilipino. hindi ko sila iboboto. mga galamay ng baliw na babaeng mukhang daga sa malakanyang na ayaw umalis sa kanyang lungga? KALABASA!!!

  96. ka skorpio ka skorpio

    kabloggers,
    definitely this is the right time to inform our kababayan the fantastic interest of this mr villar.makasarili sya. dugo at pawis na pinagpaguran ng ating mga kababayan just to have their house pero palpak din at sub standard pa.tulad ni villar meron din kapalpakan yan beware of him.

  97. joeseg joeseg

    Latest from Abante Tonite sa mga namamangka sa dalawang ilog.

    Kiko out, Recto in sa Dream Team (Rey Marfil)

    Bagama’t buo na ang tinaguriang “Dream Team” ng oposisyon, wala pa rin umanong katiyakang makakapasok sa senatorial ticket ng kampo ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada ang mister ni Megastar Sharon Cuneta habang lumilinaw naman ang pagpasok ng esposo ni Lipa City Mayor Vilma Santos.

    Isang mapagkakatiwalaang source sa kampo ni Estrada ang nagkumpirmang nahihirapan ang United Opposition (UNO) na ‘ampunin’ si Senate majority floor leader Francis Pangilinan bunga ng matigas na pagkontra ng mga naiwan ni Fernando Poe, Jr. mula sa Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP).

    Habang isinusulat ang balitang ito, pasok pa sa senatorial ticket ni Estrada si Sen. Ralph Recto taliwas sa naunang napabalitang kontra ang mga taga-UNO dahil namamangka ito sa dalawang ilog at nakikipag-usap sa administrasyon.

    Sa listahan ng Erap camp, kabilang sa bubuo ng senatorial ticket sina Recto, Sen. Panfilo “Ping” Lacson, ex-Senator Loren Legarda-Leviste, Senate President Manuel Villar Jr., Cong. Alan Peter Cayetano, Cong. Noynoy Aquino, Cong. Chiz Escudero, Atty. Koko Pimentel III, ex-Senator Tito Sotto, ex-Senator John Osmeña at San Juan Mayor JV Ejercito.

    “Kung iyong kay Manny Villar lang ang pag-uusapan, plantsado na. Pasok na si Recto. Ang malaking problema si Pangilinan kasi pumapalag talaga iyong FPJ camp. Hindi pa rin nila makalimutan ang pag-Mr. Noted niya,” anang source ng TONITE.

    Bagama’t inalis sa listahan si Senador Joker Arroyo, hindi pa rin isinasara ni Estrada ang pintuan dito taliwas kay Sen. Edgardo “Edong” Angara na tuluyan nang ipinamigay sa administrasyon.

    “Si Joker ay hindi pa sigurado kasi hindi naman daw nakikipag-usap saka mukhang wala namang balak tumakbo, kasi nga siya mismo ang nagsasabing magpapahinga sa pulitika at apektado siya sa apelyido ni Gloria. Si Angara naman ay talagang wala na, ipinamimigay na nga sa Malacañang,” anang source.

Leave a Reply