Maraming pangyayari ang dumarating sa ating buhay ng sa ganun ay nagkakaroon tayo ng leksyon. Lahat naman tayo ay makasalanan ngunit ang mga masamang pangyayari , madalas ay panggising o “wake up call” para tayo matuto ay ayusin natin ang ating buhay.
Para kasing binibigyan tayo ng Panginoon ng pagkakataon pa na tumino bago tayo kunin.
Alam na natin ang sakuna na nangyari kay House Speaker Jose de Venecia nang masunog ang kanyang bahay bago ang Pasko. Kamuntik rin madisgrasya ang eroplano niyang sinasakyan noong isang biyahe niya sa Iloilo.
Kahapon napabalita ang nawalan ng preno ang maliit na eroplano ng Philippine Air Force na sakay an tatlong matataas na opisyal ng Philippine Army na nina Army Chief Lt. Gen. Romeo Tolentino; Col. Cesar Yano ng Operation at pinuno ng court martial trial laban sa 28 na opisyal na sangkot sa February 2006 coup; Col. Ramon Cabal ng Logistics; Capt. Louie Dimaala, at Chief M/Sgt Fidel Alegre.
Mabuti naman at nangyari ito bago hindi pa nakatake-off ang eroplano at nahinto kaagad ang pagtangkang paglipad ng eroplano.
Itong si Tolentino ang naala-ala kong nagwarning na “shoot to kill” sa mga miyembro ng military na sasali sa coup laban kay Gloria Arroyo, ang mandaraya na nakaupo ngayon sa Malacañang.
Ewan kung ang mga “wake-up” ito ay may epekto pa sa mga talagang nabalutan na ang budhi.
May sumulat sa akin na si JDV raw at pumunta sa Australia bago mag Christmas (hindi ako sigurado kung doon nag Christmas) si JDV sa rantso ni Eduardo “danding” Cojuangco.
Sinabi noon sa akin ng isang malapit kay JDV na hindi naman talaga nila pinagkakatiwalaan si Gloria Arroyo at alam nilang kayang-kaya syang traidurin nito. Ang talagang subok na maaasahan niya ang suporta sa kanyang pagka-speaker ay si Danding Cojuangco.
Ito ay napatunayan na naman ni JDV nang ilaglag siya ni Arroyo nang naging mainit ang a Con-Ass.
Sabi ni Samar Gov. Ben Evardone na aktibo sa People’s Initiative ng Malacañang na nakikita raw nilang, hindi nakakabuti sa kanilang kampanya sa charter-change si JDV.
Kaya ang nangunguna raw ngayon sa panibagong Cha-Cha ay si Interior Secretary Ronnie Puno.
Mukhang maling leksyon ang natutunan nitong mga kampon ni Arroyo. Tulog pa rin. Hindi nila nakita na walang tiwala ang taumbayan kay Gloria Arroyo. Ayaw ng taumbayan ang charter change na si Gloria Arroyo ang pasimuno.
Si Gloria Arroyo ang dapat ang palitan ngayon. Hindi ang Constitution.
I posted in another thread that as things are going on like the clearance of Garcillano by DOJ on several charges, it will not be surprising for us to wake up one day to see JDV out in the cold. And if chacha prevails after all kinds of hollow blocks on the way, Garcillano might be Prime Minister. It’s kind of a joke but expect the unexpected.
Ronnie Puno is now the top honcho of KAMPI and in the following days, I’m seeing plenty of political maneuvering and realignment. Puno was with FVR, then with Erap as DILG Secretary and now, well entrenched with GMA as DILG Secretary. Kitam! How lucky can one get. Aba ginang Gloria, punong puno siya ng grasa, I mean grasya!
Weird Meaning for Today:
Political Platform – A stage constructed entirely of springboards.
Nabanggit din lang si Puno, iyan ang isa sa pinakamautak na political operator. Siya yata ang utak ng Dagdag-Bawas scheme na inumpisahan sa pagkapanalo si Ramos. Puno is there where the gold is. So, Arroyo can’t be sure that this Puno would stick to her until her last days. By this time, JDV and his loyal followers might be in some kind of power struggle with Arroyo’s boys. Bakbakan ng husto ngayon sa bakuran ng Malacanang. Hayaan natin silang magkawatak-watak at taong bayan din naman ang makikinabang.
Walang makagagalaw ke Garci habang si Gloria ang Pangulo. Kailangan nila ang isa’t-isa. And whatever Gloria wants Gloria gets. She got away with a lot of illegal things because she was installed illegally and elected cheatingly. She will continue to do so UNLESS STOPPED.
Si JDV, matibay ang sinasandalan kung ganoon. Si Danding na yata ang pinakaloyal na kaibigang gusto mong magkaroon. Itatakwil niya ang isang kapamilya, pero hindi ang isang kaibigan.
Pero dahil kilala natin ang kalikaw ng bituka ng mga politiko sa ilalim ng pinamumunuang Lakas-CMD ni JDV, bukas makalawa’y Kampi na lahat iyan. O kaya’y Kampon.
Di mahihirapang mamili ng estribong sasabitan ang kay Danding namang Nationalist People’s Coalition o NPC. Sa sandaling mamiligro ang mga interes niya sa mga pagaari o negosyong kanyang pinoproteksiyunan, wala rin siyang natitirang opsyon kundi ilaglag si JDV.
Minsan na rin namang ginawa iyan ni JDV sa NPC. Todo-suporta ni JDV sa impeachment na isinampa ng NPC, sa pamumuno ng pamangkin ni Danding na si Gilbert Teodoro, Jr., laban kay Davide. Pero nang magsimula ng mag-aanyong People Power Cebu Edition ang mga protesta, agad niyang iniwan sa ere ang mga bata ni Danding, na nagbunga ng paglayas ni Darlene Antonino-Custodio ng Mindanao sa bakuran ng mga maka-administrasyon papuntang oposisyon. Gayundin ang pagka-dismayang dinamdam ng husto ni Wimpy Fuentebella ng Bicol na ibinalik na lang ang trono sa ama nang sumunod na eleksiyon. Itong dalawa, kasama si Gilbert ng Tarlac ang masigasig na nagtulak ng impeachment ng nakaupong Supreme Court Chief Justice na si Davide. Alam nating ibinasura ang impeachment ng Supreme Court mismo ng isampa ito doon ng nagreklamong inerereklamo. Ang dahilan ng pagbasura ay may anyong kasing-baluktot ng dahilan kung bakit daw nagresign si Erap.
Ewan ko kung saang pahina ng biblia tumulo ang laway nila nung umagang dinisisyunan ang pagbasurang iyon. Hindi ko rin alam kung biblia ng kung sinong diyos ang binabasa ng korte ni Davide, baka iyung sa may buntot.
Tama si Ellen, lagi na lang maling leksyon ang natututunan ng mga siraulong makasariling politiko na nagpapanggap na kinatawan ng taumbayan. Baka “kinawatan” pa siguro.
Maging ang nagpapanggap na pangulo, si Gloria, maling leksyon ang natutunan. Di ba’t nung mabuking na nandaya sa eleksiyon ang kutonglupang may kuto sa pisngi, ang “act of penance” ay ipinaexile ang baboy niyang asawa sa Amerika? Sigurado akong hindi ganyan ang itinuro sa kanya ng mga madre sa Assumption.
Maging iyang si Puno, hindi na natuto. Akalain mo bang kikilan niya ang Motorola. Ayun, at sa isang iglap lumayas ang malaking kumpanya it iniwan ang pabrika sa Carmona. Ngayon, may balita akong nangingikil na naman dahil hindi yata kasya ang bilyun-bilyong inihinda ni Pandak para punuan ang bulsa ng mga talamak at pusakal para sumuporta sa ChaCha – kapalit ng pagtanggap ng anumang hagupit ng mga botante sa susunod na eleksiyon. Kung nung Impeachment 2 ang tanong ay “Kuwarta o Kahon (ng ebidensiya)” Mukhang ang tanong ngayon e, “Kuwarta o Posisyon?”
On second thought, while still trying to figure out why Gloria jettisoned her chubby hubby into “exile” and let him live in uncomfortable five-star luxury, when she knows that the clamor of the people was for the punishment of the cheats. Does this mean that the First Gentlepig was the real brains behind the massive canvass-switching?
Nabanggit ang loyalty ni Danding Cojuangco. Tutoong subok ang kanyang katapatan kay Marcos hanggan sa pinakahuling sandali. When Marcos went exile, Danding left with him. Danding could have negotiated and compromised for his return to the country but he refused. Kahit na sabihin pang maraming pintas sa kanyang katauhan, isang tapat na kaibigan si Danding. Iyan ang dahilan kung bakit marami ang nagtitiwala sa kanya at patuloy ang paglago ng kanyang negosyo. We can say he is the better side of the Cojuangco family.
Patuloy na maling leksyon ang matututunan ng bogus Glueria at mga galamay dahil kung iyong tamang leksyon ang kanilang sinunod o susundin ay wala na sila ngayon sa kapangyarihan. Lahat ng tama at tumpak na leksyon ay kabaligtaran ng ginagawa ng mga buwayang ito.
Si Glueria at minions ay walang konsiensya kaya ang mali ay pilit nilang gagawing tama to suit their political needs.
ang lahat namang kamaliang ito ang pinagdurusahan ng nakararaming mamamayang nalinlang ng baliw na babaeng mukhang dagang ayaw umalis sa lungga niya sa malakanyang. sobrang tibay ng sikmura ng hidhid na gahaman! kapag nabubuking sa kanyang mga kapalpakan, mukhang maamong biik na may papungay ng mata at pagaralgal ng oink oink na may kasama pang “ay em sori” pero pagtalikod ay may buweltang beeeeh, nagoyo ko na naman kayo!
meron akong nasagap na binabalak nina nognograles, villabuwitre, cagaw, lagayman at salsalceda sa pagbubukas ng kongreso. magpapasa sila ng bill na papalitan ang ilang national symbols ng bansa:
papalitan na ang kalabaw bilang pambansang hayop, ang ipapalit – BABOY bilang parangal kay mike arroyo.
papalitan na rin ang pambansang bayaning si jose rizal, ang ipapalit – VIRGILIO GARCILLANO (sa pagiging instrumento niya sa pagkapanalo ni gloria bilang presidente)
papalitan na rin ang pambansang awit na lupang hinirang, ang ipapalit – BAKIT AKO MAHIHIYA.
papalitan na rin ang pambansang ibong agila, ang ipapalit – KUWAGO na simbolo ng walang bahid dungis na katapatan ni gloria sa sambayanang pilipino.
papalitan na rin ang sampagita bilang pambansang bulaklak, ang ipapalit – BOUGAINVILLA (bilang simbolo pag-alis sa mga tinik sa lalamunan ng sambayanang pilipino at pagbibigay parangal sa mahusay na pamumuno ni gloria.
papalitan na rin ang mangga bilang pambansang prutas, ang ipapalit – DUHAT (bilang simbolo ng maaliwalas na pamumuhay at kinabukasan ng mga pilipino sa ilalim ng pamumuno ni gloria.
papalitan na rin ang niyog bilang pambansang puno, ang ipapalit – BONZAI bilang simbolo ng mabungang pamumuhay gaya ng pangako ni gloria.
at nananawagan din sila kung sino pa ang merong mga rekomendasyon upang mapalitan ang iba pang simbolo na aayon sa pagpapalit ng sistema ng pamahalaan mula sa presidential tunbgo sa parliamentary.
Sa Islas Filipinas ang bagong Operation Omaha(NEBRASKA) Bitch – codename to reclaim BROWN Brother(RE-COLONIZATION) of the Orient.
gagawa sila ng konstitusyon na tataguyod sa isang Anti-US State of America sa Western Pacific o kaya naman ay Pro-US PROVINCE of North America in Asia.
28 December 2006
Kayo naman, babuyan na naman ba…….Hindi ba’t next year ay year of the pig, ayon sa chinese calendar/horoscope. Kaya babuyan na naman lalo na sa election…… hehehehehehe…….
Before anything else, i just like to greet each and everyone a prosperous new year and stay away from the fire crackers, baka kayo ang maputukan at maputulan, heheheheheh…
Kya ang masasabi ko lang ay maging mapag matsag para sa eleksyon sa myao para maiwan nating lahat ang BABUYAN na gagawin ng mga alagad ni leprechaun.
HAPPY NEW YEAR ULIT SA INYONG LAHAT!!!!!!!
prans
28 December 2006
CORRECTION…….
ELECTION SA MAYO PARA MAIWASAN NATING…….
hehehehehehehe sori po
prans
TonGuE-tWisTeD:
Re: exile of the chubby hubby. If we recount the interview he gave to the Philippine Graphic on 5th March 2001 where he boasted his involvement with their withdrawing support from Erap then its more than likely he could have been the brains behind the 2004 election scam with Garci also.
joeseg
I thought maybe Political Platform had something to do with the Miget and her shoes (smile).
Tongue T
Bakit “maybe”? The Fat Guy has been boasting about his role in the removal of Erap at least when the sailing for him and his Great Switik is smooth. Just get back to some archived interviews, and you get the answer to this “puzzle” (kuno) and pretence at being holy and innocent! Ang sarap gawan ng cartoon ng demonyong pretending to be an angel! Pwe!
Basta tuloy ang batikos, and yes, dasal, for I know that somewhere up there. Someone is listening and giving Filipinos their hard lessons to learn even when majority of them do not seem to learn from all their bad experiences. Wait for more lessons to come even in forms of natural disasters and calamities.
The situation in the Philippines has a similitude in the warnings uttered in Revelation 2:9-10, 22: “I know thy works, and tribulation, and poverty, (but thou art rich) and I know the blasphemy of them which say they are Jews, and are not, but are the synagogue of Satan. Fear none of those things which thou shalt suffer: behold, the devil shall cast some of you into prison, that ye may be tried; and ye shall have tribulation ten days: be thou faithful unto death, and I will give thee a crown of life. • • • Behold, I will cast her into a bed, and them that commit adultery with her into great tribulation, except they repent of their deeds.”
PATALSIKIN NA, NOW NA!
On Dec 23 Apoy posted a common message expressing concern for the poor and under-privileged Filipino people, and rightly so. Having had the Christmas break to reflect on the past year maybe now is a good time to think about what good we can do for others, however small, this coming year because the poor Filipino families struggling to survive are still there, struggling to survive.
I would like to inform Bloggers that there is a project appeal for Bloggers to ‘brainstorm’ on any ideas to assist in ways to fund the start of a mobile clinic to serve free medical aid to the poorest Filipino families. Anyone interested to ‘brainstorm’ to endeavour to obtain an answer to this problem :-
pls view. http://hoygising-pinoy.blogspot.com/ thanks WWNL
this will be my last post for 2006. will be away from my PC starting tomorrow to spend the EID AL ADHA up to 02 jan 2007.
hapi nyu yir sa inyong lahat en hapi birtdey tu mi!
assalaum allai kum!!!
pahabol galing sa tribune:
Arroyo confident of beating Arroyo confident of beating
12/28/2006
President Arroyo yesterday claimed she would stay in Malacañang until her term ends in 2010 despite numerous attempts by her political opponents to remove her from power by all means.
Mrs. Arroyo, during an interview with Bloomberg television station, likened herself to a “laser beam” that had never been out of focus on matters that needed her attention, and that if she has survived numerous attempts in the past critical years, she is more confident she would survive until 2010.
When asked how confident she is that she would stay in power, the Chief
Executive said, “Definitely. The fact that in spite of all the challenges, I continue to focus like a laser beam on the economy and well, my opponents get defeated at every turn.”
Mrs. Arroyo also raised the need to reform the Constitution in order to lay down the seal to all her detractors waiting to remove her from power.
“These challenges apart from the economy, these challenges are the culmination of many years of the deteriorating political system. The latest challenge is to reform the political system, aside from fiscal, education and power reforms. We need to do constitutional reforms: Fundamental, political reforms,” she said.
Political allies of Mrs. Arroyo have claimed that if the Constitution would be reformed under her term, she would be “automatically” absolved on string of impeachable offenses being filed yearly against her.
The President said the only solution to win against attempts by her opponents to oust her is to win the support of the masses by “removing them from poverty.”
Asked what legacy she wanted to leave the Filipinos when she finally steps down from power, Mrs. Arroyo said, “a high standard of living and we’re working when that day we have licked the problem of poverty.”
Mrs. Arroyo has been accused of engaging in a massive and systematic electoral fraud in May 2004 presidential polls, graft and corruption and a string human right abuses.
She has twice survived an impeachment in the House of Representatives. Sherwin C. Olaes
Tignan lang natin ang tigas niya, Mrivera! She should not make such challenges. Baka manigas siya!
PATALSIKIN NA, NOW NA!
“She has twice survived an impeachment in the House of Representatives.”
Oh yeah?! Kaya lang naman hindi natuloy ang impeachment dahil sa lagay niya. Tignan lang natin kapag naubos na ang mga kaban ng bayan at hindi na niya mabayaran ang mga ungas na inuutusan niyang hadlangan ang impeachment. Ngayon pang nasubukan na kung ano ang magagawa ng tinig ng bayan, with or without the efforts, etc. of the Opposition!
Huwag kasisiguro si Great Switik! There are many ways she can be removed before 2010! Ni hindi nga kailangan ang baril! Nadadala sa dasal sa totoo lang! Ang kailangan lang ng mga pilipino ay tunay na pananampalataya at tiwala sa Diyos at pati na sa mga sarili nilang kakayahan.
Just you wait and see! PATALSIKIN NA, NOW NA!
173-32 vote kills impeachment
THE PHILIPPINE STAR headline August 25,2006 VOL XXI NO.28
Yuko,
Nasa Japan ka na?
Tama ka, huwag pakasiguro ang Great Switik sa ikatlong impeachment move, kahit nandon pa si Hello Garci para mandaya. Baka doon sa harap ng Tongress matuloy ang milyunes na warm bodies. Nagbabago ang ihip ng hangin, umiikot ang bola, at palagay ko ay unti-unti ng nabubuhay na muli ang kamalayan ng pinoy tungo sa pinal na pagsipa sa pangit na Glueria.
Ate Chi, hindi mo itinanong kung nasaan ako at palaging si Japayuko na lang ang tinatanong mo. Ang chipag mo din sumulat dito sa blog ano? Puro laman ng mga sulat mo.
artsee,
alam ko na namamayagpag ka sa buong china dahil kapaskuhan ngayon, kaya hindi kita inaabala. anyway, wala akong mga kliyente ngayon at mahina ang mga stocks kaya machipag akong magsusulat. howdy ka na, don’t make tampo ha?