Skip to content

Nabaon sa sariling hukay

Nakakatawa panoorin itong zarzuela nina Gloria Arroyo at JDV .

Dapat kahapon nag-miting ang mga majority congressman at sinabi ni House Assistant Majority Leader Abraham “Baham” Mitra na sasabihin daw nila kay House Speaker Jose de Venecia na hindi pwedeng isulong ang Charter Change na wala ang Senado.

Bakit ngayon lang naiisip yan ni Mitra? Bakit hindi niya naiisip yan ng dalawang gabing magdamagan pinaglaban ng mga iilang minority congressman ang Constitution?

Nandoon si Mitra sa House session hall ng pinipilit nilang bastusin ang saligang batas. “Ginahasa” nga ang ginamit ng iba na salita. Nagsalita pa siya at nag-depensa sa kanilang ginawang pagyurak Con-Ass na hindi kasama ang Senado.

Nakaka-dismaya itong si Mitra. Bata pa naman, nawala na ang panindigan. Pati mga kaibigan ng kanyang tatay na si dating House Speaker Jose de Venecia ay nawalan ng gana sa kanya.

Wala siyang pinag-iba kay Rep. Dudut Jaworski, anak ng basketball player na si Robert Jaworski na nagging senador, na ngayon, kasama ng iba pang kongresista sa Metro Manila na kaalyado ng Malacañang, ay nagpahayag na gusto raw nila ituloy ang eleksyon sa Mayo 2007.

Bakit sila bumoto sa House Resolution 1450 na gumawa ng iligal na Con-Ass na mgka-kansel ng May 2007 election? Sabi nga ng kaptbahay naming, “Mga gago!”

Ito namang ULAP (Union of Local Authorities of the Philippines) ay nagpahayag na mas gusto raw nila ang Constitutional Convention. Nakakatawa talaga. I

Itong Ulap sa pangunguna ni Eric Aumentado, gubernador ng Bohol, kasama ang Sigaw ng Bayan ay ang gumawa ng pekeng People’s Initiative na binasura ng Supreme Court.

Alam naman natin na ang pakay ng pekeng People’s Initiative na pinunduhan ng Malacañang ay i- short cut ang proseso ng pagpalit ng Constitution dahil gusto nila hindi matuloy ang May 2004 election.

Gusto kasi ni Gloria Arroyo mapalitan ang Constitution para manatili siya sa kapangyarihan habang buhay. Takot siyang mawala sa kapangyarihan dahil sa pagbabayaran niya ang pandaraya, pagnanakaw at panloloko na kanyang ginawa.

Itong Constitutional Convention ay strategy lang ng Malacañang at ni JDV para maka-atras sila doon sa Con-Ass na sarili nilang kagagawan. Nakikita na nila ang galit ng tao. Sa takot nila, ay kung ano-ano pang panloloko ang kanilang ginagawa.

Sina Gloria Arroyo, JDV and ang kanilang mga kasamahan at nasadlak ngayon sa sarili nilang hukay. Kung ano-ano ngayong paraan ang iniisip para sila makaahon.

Papayagan ba ng taumbayan na makaka-ahon pa sila o hayaan na lang natin silang mabulok diyan? O tatabunan na lang kaya?

Published inWeb Links

90 Comments

  1. Chabeli Chabeli

    Every trick in the book will be used by Gloria, her Glorialets, JdV and the CON=ASSes just to stay in power! Talagang AT ALL COST !!!

    But many times over, and in many situations, it has been said that “YOU CAN RUN, BUT YOU CAN NOT HIDE.”

    I take this to mean that the reaction of the people on the recent events have sent these POWER-HUNGRY ANIMALS in DESPERADO MODE and RUNNING WILD !

    IT’S PAY BACK TIME, GUYS !

  2. artsee artsee

    Nakalimutan niyong isama si Ramos (FVR) na napakatahimik ngayon. Bata ni FVR si JDV.

  3. mike_dlc mike_dlc

    Si FVR ang taga hilot ng tenga ni JDV. Ito’y kanyang ginagawa dahil naiingit sya sa hugis ng tenga ni JDV.

  4. manuelbuencamino manuelbuencamino

    Sayang si Mitra. Dala miya ang pangalan ng tatay niya pero hindi niya dala kahit anumang katangian ng kanyang ama.

  5. parasabayan parasabayan

    This is exactly what I had posted a while back. They were digging their graves each time they had blunders(plunders too). Now time to be burried in their graves. THE END IS ANXIOUSLY WELCOMED BY THE CITIZENRY! NO MORE TRICKS, WE ARE NO LONGER BUYING THEM!!!

  6. norpil norpil

    ano ba itong nangyari sa pinas.iilang pamilya lang yata ang may-ari ngayon ng pinas, kung hindi magkakapatid ang mga politiko ay mag iina, o dili kaya ay magaama, mag pinsan.hindi bali sana kung may mga business sila na minana pero ang political position ba ay puedeng manahin?

  7. chi chi

    norpil,

    tingin ko ay minamana ang political position sa pinas dahil ang karamihan sa mga anak ng matatanda o patay ng politicans ay puro kunyos at bobos! wala silang mapupuntahan na iba! hindi naman kailangan ng tongress ang may brains. basta ang mga IDIOTS na ito ay marunong sumagot ng “aye” kay glueria at jdv, ayos na buto-buto para sa kanila.

  8. chi chi

    Malalim ang hinukay na libingan ni Glueria, JDV at minions, isinasama ko na si Fidel V. Ramos, para sa kanilang mga sarili.

    Bago natin hayaaang mabulok sa hukay ay siguruhin natin na tapyas-tapyasin ang mga gulugod tapos ay tabunan para makatiyak na hindi na babangon ang mga walanghiyang ‘yan!

  9. artsee artsee

    Ang mga anak ng mga dating hinahangaan at iginagalang na mga pulitiko noon ay iba na ngayon. Buti pa ang mga tulad nina Escudero patuloy na inaalagaan ang magandang pangalan ng kanyang ama. Kahit na naging tauhan ni Marcos ang matandang Escudero, wala tayong nabalitaan ano man masama sa kanya di ba?

  10. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    There’s no doubt that M/V Gloria Arroyo is fast sinking. The rats (shameless lawmakers) knew the ship is sinking but they needed an acceptable alibi to jump ship. Dropping House resolution # 1450 a.k.a. ABANDON SHIP # 1450 as a face saving and at the same time saving their uncertain political careers. The rats from a sinking ship like Reps. Baham Mitra, Dudut Jaworksi and 13 balimbings Metro Manila lawmakers are just fooling the people. They have no credibility left after supporting unlawful 1450 resolution-the rape of democracy. I believe that Arroyo’s allies are good as dead meat.

  11. chi chi

    artsee, ano ba ang pwesto ng matandang Escudero noon. agriculture sec ba?

  12. goldenlion goldenlion

    Ilibing na silang lahat!!! Isama ang mga kababuyang ginawa nila sa Pilipinas.Mabuhay ang Sambayang Pilipino!!! Good bye Gloriang Balahura!!! Sing your swan song!

  13. goldenlion goldenlion

    it should be: Sambayanang Pilipino. Grabe lamig dito sa US!

  14. chi chi

    goldenlion, midwest ka ba?

  15. alitaptap alitaptap

    Sa wakas ay nakatagpo rin si gluria at jdv ng magandang trabaho na bagay sa ambisyon nilang start from the top – ang gumawa ng sariling hukay.

  16. ocayvalle ocayvalle

    matagal na tayong niloloko ni GMA at mga alipores niya,mula kay fvr,jdv,gonzales,ermita,defensoralagman,villafuerte at halos lahat ng kaalyado ng malacanang!mula ng nakawin ni GMA ang pagka pangulo kay erap at ang pandaraya niya sa election noong 2004 kay FPJ gamit si garci at ang mga tiwaling heneral ng afp at pnp..di bat ng malaman nilang tatakbu si lacson sa pag ka pangulo ay lumitaw si mawanay,si rosebud at corpuz na kung anu anu ang binabatu sa kanya,si FPJ ay isang american citizen daw ayon kay manapatng archives na gumawa ng pekeng dokumento,si roco ay kanilang tinira at siniraan din,iyan ang style ng rehimeng ito!sinungaling at walang awa sa mga mamayang pilipino huwag lang maalis sa kanilang ilegal na posisyon.di bat si jdv at gonzales ay halos magpakamatay ma lukluk lang si GMA sa pag ka pangulo noong nakaraang canvassing sa kongreso!di pa ba sapat ang kawalanghiyaan ng mga ito para mapaalis at maparusahan sa kanilang kasalanan!si FG ay kasabwat din at pilit na ipanalo si barbers sa seanado at dayain si biazon!!today and beyond,let this be a lesson to us that this people GMA,jdv and their evil bums will do everything to deceived us!this people are evil and more evil than satan..they dont have any conscience at all.what they think is only for their survival..no amount of explanation from them to believe,they are all congenital liers..GMA should be booted out for he is the solution for all the mess and problem we are having now in this country!
    to stop the killing of innocent people,the journalist,judges,students,miltants,farmers,religious people,social workers and local and national politicians who expose their wrong doings!please don`t stop from here..we have to unite for a common good in this country to move on..and that is to oust the illegal tenant in malacanan..let us oust GMA!!
    God bless the philippines and the filipino people!!

  17. joeseg joeseg

    Hhihim,hhihim, it’s panic time in the city!

    Nagbabaliktaran na, mga kapanalig at EBs (Ellen Bloggers) ni Ate Ellen! Si Dodot anak ni Jawo, matapos mag biglang liko at sinabing Con-ass siya pero gusto niya tuloy ang election sa May 7, ayon sa report, nagbiahe na hanggang sa kalabang goal para lumeyap nang solo. Con-con na rin daw siya.

    Ito pa isang news. Despite Malacañang denials, Mayor Liberty Manzano of Candoni, Negros Occidental, admitted she had received P30,000 and a Christmas card from GMA during her Iloilo visit.

    Isang miembro ng ULAP yan.

    Multiply by 1,500 mayors, 1,500 vice mayors, some 12,000 municipal councilors, hindi ko na mabilang na governors, vice governors, board members, city mayors, vice mayors at city councilors na lahat binayaran para sa People’s Initiative, tuwing may pagtitipon at darating si GMA. Dyos ni Abraham! Namumodmod ng pera dahil malusog daw ang ekonomiya, kasing lusog ni Gloria.

    Pero ngayon, naudlot ang kanilang kaligayahan. Noon nasa cloud nine sila sa pagaakalang papasa ang People’s Initiative. Ngayon, unti-unti nang tumutungtong lupa, yong iba. Hindi magtatagal, karamihan sa kanila. Sumandali, nakalimutan nila ang awit na sa lupa nagmula, sa lupa rin babalik. Either the usual 6 feet under the ground or cremation.

    Tama ka Chabeli, the people’s reaction sent them running wild but in the end, saan sila pupulutin? Nakabaon sa sariling hukay!
    ==
    Remember RC: “I would like to say to you all (that) I am completely appalled by your collective gall. You’re totally bereft of principle that’s why you’re without shame.”

    Joeseg translation for Dec. 12: Tantanan na ninyo ang inyong mga buktot na hangarin. Ang kakapal ninyo para mangulekta ng gallon-gallon pera ng bayan! Panay ang birit ninyo, hindi na kayo nahiya!
    ==

  18. goldenlion goldenlion

    Chi,
    Southwest ako, nagbabakasyon lang……….

  19. chas_q chas_q

    Binantaan ni gunggongzales ang empleyado ng gobyerno na di pwede sumali sa rally… pwede ba yan kahit na Sunday??!!

  20. vic vic

    joeseg said : “Ito pa isang news. Despite Malacañang denials, Mayor Liberty Manzano of Candoni, Negros Occidental, admitted she had received P30,000 and a Christmas card from GMA during her Iloilo visit.

    Isang miembro ng ULAP yan.”

    Ang Sarap! Baligtad naman kami dito. Ngayon panay ang hingi nang manga Cadidato sa manga Botante nang Aboloy para sa darating na Election, na maari sa April of sa June or July. Ito nanga Email nang Email na ang party associations para sa contribution, kahit ilan lang. kong sa bagay i tax credit naman ng Gobyerno hanggang 70% kong hindi lalampas sa 7 hundred yon aboloy. PM namin dito hirap lang, de puede magkandidato kong hindi tutulungan ng Partido. Dyan naman ubod ng Yaman, nammigay pa ng Pera, asan kays si artsee, siguro siya and dapat ilaban sa kay Gloria of kay de Venecia.

  21. chas_q chas_q

    ilibing lahat yan!!! pero wag muna, bago ilibing dapat dahandahan munang patayin pra makabawi…sayang din pagod ng tao kakahintay ng tamang panahon pra magbayad yan si bans (bansot) =)

  22. chas_q chas_q

    grabe, haba nung tinype ko, isang error lang nawala lahat…kakapagod naman…

  23. chi chi

    goldenlion,

    malamig din pala diyan! sarap mo, bakasyon grande,
    vacation away from Glueria :).

    baka pag-uwi mo ng pinas ay nasipa na ang mga Pidals. sana!

  24. norpil norpil

    kapag gumastos ang isang pinoy na politiko ng piso, mahigit isang daan ang kapalit niyan sa kaban ng bayan.

  25. chi chi

    Vic,

    Looking for artsee? here from another loop, offering himself! heheh.
    ***

    # artsee Says:

    December 12th, 2006 at 1:42 am

    Mang Chabeli, kakaunti lang ang sinasabi mong “undecided”. Karamihan ay decided na patalsikin si tiyanak. Ang kulang na lang isang magaling na lider na mamumuno sa pagbagsak tulad noon ni Cory kay Marcos at Sin kay Erap. Eh ngayon, sino? Wala. Mismo sila-sila hindi magkasundo. Kung ako na lang kaya? Payag ba kayong ako ang mamuno? Kung pera lang ay marami ako niyan…

  26. carmona carmona

    ano ba mga pilipino at mga sundalo natin na dapat ipagtanggol ang ating saligang batas, paulit-ulit ko nang sinasabi at ipinaaalala na dapat bigyan na ng wakas itong pagyapak sa ating demokrasya at saligang batas. una sa lahat mga pilipino dapat maging alerto sa mga masasamang elemento o tao na ganito at pangalawa ang ating mga sundalo dapat pangalagaan ang ating saligang batas at huwag itong yapakan o bastusin tulad ng ginagawa nitong sila pekeng presidente, garabbit na tengang si JVC, walang alam na si prospero pichay o pechay na lang, prospero nograles na dapat lang prospero Noalames, FVR na nasa likod nitong mga demonyitong ito at sampu ng mga walang alam, bobo, sunodsunurang mga kongresistang nakaadministrasyon na lahat sila’y takot nang humabol sa eleksyon ng mayo 07 kasi sila’y siguradong talo. yanig ang mga itong matalo sa mayo 07 eleksyon dahil next year siguradong magkakaroon uli ng impeachment at tapos na ang maliligayang araw ng administrasyong ito pati na ang baboy na first gentleman. alam ko at may feeling ako na sila naman ang makukulong pagkatapos nitong administrasyong ito kasi lalabas ang kanilang mga ninakaw at kabalastugan na ginawa at lahat ng kasanib sa mga kasong nakabinbin ay isa-isang litisin at ikulong. sa akin ang mga nangyayaring sakuna o trahedya sa ating bansa ay karma ng administrasyong ito para makapag-isip ang mga tao at palitan na ang mga ito. tingnan ninyo daan daan ang mga namamatay o namamatayan, walang ginagawa ang lintek na pekeng presidente at mga kongresmen na sana’y asikasuhin muna ang ating mga kababayan na naghihirap at walang makain pero ano ang kanilang pinagaabalahan sa kongreso – na palitan ang ating presidential form of gov’t into a parliamentary form para ipahaba ang kanilang tungkulin o pwesto sa pamahalaan. alam din ng marami na natakot sila na baka maging people’s power ang binabalak na malawakang rally itong darating na linggo kaya nag-iba sila ng isip at biglang iginiit ang concon. dapat lang na ipagpatuloiy ang malawakang rally at ito sana’y maging umpisa ng malawakang poeple’s power para matigil na ang ating malawakang problema at para tayo’y mag-umpisa na naman sa ikabubuti ng ating bansa. marami parin tayong mga taong mapagkakatiwalaan na magbibigay sa atin ng magadang kinabukasan. sa atin nagsimula ang people’s power kaya’t huwag tayong titigil hanggang hindi natin mabago ang ating bansang PILIPINAS

  27. vic vic

    chi,
    nabasa ko rin yon posting ni artsee, kala mo? ang suggestion ko dyan dapat yong pera ni artsee gamitin para sa manga “dakilang oppositions”. And tanong saan ba sila? Marami dyan sa Pilipinas, maari kailangan lang nila ang resources na kahit hindi kasing dami kay Gloria, mayron lang na sigurado, dahil ang maraming supporters dyan, may manga conditiones pa yon ang manga tulong nila. Ang ibig sabihin tutulong sila, pera kailangan, may “balik” plus ganansiya.. asan kaya si artsee?

  28. artsee artsee

    A-chi, opo…Minister of Agriculture si Sony Escudero noon. Siya lang ang ilan sa mga matitinong tauhan ni Marcos noon. Kaya nga itong si Chiz eh medyo well behaved din. Okay din si Alan Cayetano pero hindi din masyadong maganda ang record ng nasira niyang ama. Sangkot din sa stock market scam di ba?

  29. chi chi

    Vic,

    artsee offers himself, not his money! hahahah!

  30. tikbalang tikbalang

    Wag munang ilibing, dapat dyan tinatalian sa dalawang kamay, tapos latiguhin ng MASANG PILIPINO lalo na yung mga pamilyang na biktima ng rihemeng pandak at ng kanyang mga alagad. Buhusan ng asin na may katas na kalamansi ang kanilang mga sugatang katawan. Yan ang dapat gawin sa mga taong nagpakasarap sa kaban ng bayan na hindi naman nila pera kundi PERA NG BUONG PILIPINO….. PATALSIKIN NA! SIPAIN NA! NGAYON NA! WAG MATAKOT SA MGA TAONG KUMUKURAKOT SA KABAN NG BAYAN!

  31. chi chi

    artsee,

    I asked kasi noong bata-batuta pa ako my eco high school teacher asked some of us classmates to interview Sec Sony Escudero re phil agri. our teacher arranged with him the sched interview.

    Only one of his answers to our querries stuck in my mind. Sabi niya ” if we can sustain a good harvest, and can put food in the tables of each family, there should be no worry about population unrest”. Amen ako diyan hangga sa ngayon.

    Ang bait-bait ng matandang Escudero. We stayed in his office for over an hour. Pinakain pa kami! Hindi kami pinalayas! Meron pa kaya na ganyang public official? I like his son better now that I know. Hindi nalalayo ang bunga sa puno. Thanks!

    I like Allan C, but not the father. Anyway, he’s not his father.

  32. Emilio_OFW Emilio_OFW

    According to JDV: “This is our initiative to unite the divided Filipino people”

    Now look who is talking. It is him, his master – the Tiyanak and his house crocs who continuously devise ways for disunity. Their policy: DIVIDE AND CONQUER. Very different from what he told the reporters after setting aside the CON-ASS. I must assert JDV that the Filipino people are united. We are all united to boot you all out of that august hall of Congress come May 2007 election.

    Napakahirap siguro nilang intindihin ang bagay na iyon kaya kung anu-anong kababuyan ang kanilang naiisip at pinag-gagawa!

  33. artsee artsee

    A-chi, kaya kong ialok ang pera ko pati katawan. Kung si tiyanak lang naman kahit nakahubad siya sa harapan ko, dedma lang ako. Okay si matandang Escudero. Maganda ang ginawa niya sa Agriculture noon…sumikat ang Green Revolution niya at ni Imelda. Si Escudero ang nag-implement ng programang iyan. Saka naging maganda ang culure natin noon dahil sa agri-culture. Alam niyo ba na maganda at sexy ang kanyang asawa? At di tulad ng ibang masawa ng mga opisyales, simple lang ang Mrs. ni Escudero na ina ni Chiz.

  34. artsee artsee

    Maganda ang culture dahil as agriculture…puwedeng gawin kanta di ba?

  35. miron miron

    Huwag namang latiguhin at baka pumanaw agad. Mas maganda siguro kahit tig-iisang kurot na madiin lang bawat Pinoy na inapi. Siguradong ang haba ng pila niyan. Milyon ang aabutin. Masahol pa sa dinumog ng putakte. O kaya puede ring pitik-bulag sa halip na kurot.

  36. Elvira Sahara Elvira Sahara

    JAWOHL!!! (a strong affirmation for Germans) Sariling hukay, sariling himlay, ika nga! Dapat lang! Dito sila mahuhusay! And because of this ONE RIGHT THING THEY HAVE EVER DONE…they all deserve from us a loud and strong CHEER…HEP HEP…HURRAY!!!

  37. parasabayan parasabayan

    WATCH OUT GUYS, binubuhay na naman nila ang PI. Hoping against hope that this time, the new Supreme Court Chief will reverse the decision. Maybe what the house is doing is a “diversion tactic” only. The real operation is underground. THIS IS WHY, DO NOT BE DECEIVED AGAIN! ITULOY NATIN ANG PROTESTA! Not just for the CHA-CHA but for all other the oppressive maneuvers of these trapos!

    BAKA ITO ANG LINALAGAY NILA SA GIFT BOX NATIN FOR CHRISTMAS-THE NEW PI SIGNATURES AND THE SUPREME COURT RULING IN FAVOR OF IT! You see, they still have the dirty tricks in their bag. LET US UNITE TOGETHER AND BOOT THEM OUT!!!

  38. chi chi

    Ano, binubuhay ang PIG? Kung makakalusot lang ‘yan! Wala na silang options kundi i-recycle ang mga isyu basta mapahaba lang ang mga oras ni Glueria. Bwisit!

    Nasaan na ba si Mike Pidal at nang maisamang makatay tuloy baon sa kanilang hinukay na libingan.

  39. chi chi

    Parasabayan,

    Heto ang sinasabi mo. Nakakakulo ng dugo talaga itong mga alipores ni Tiyanak. Inuubos ang ating patience!

    Let’s bury them all alive in a common grave they’re digging for themselves, pour gasoline and fire up!

    *****

    National (as of 4:57 AM), ABS-CBN

    Sigaw to launch new ‘initiative’

    By PERSEUS ECHEMINADA
    The Philippine Star

    A new wave of signature gathering for a second people’s initiative that will seek to abolish Congress and create a national assembly under a unicameral parliamentary government is about to be set in motion.

    Sigaw ng Bayan, one of the main proponents of the people’s initiative to amend the 1987 Constitution, revealed yesterday that a new movement is being formed to start the signature gathering by next week.

    Sigaw spokesman Raul Lambino said consultations were ongoing with multisectoral groups and the Union of Local Authorities of the Philippines, a co-petitioner of Sigaw in the people’s initiative case that the Supreme Court dismissed in October.

    “The fight for people’s initiative is not over. We will launch the second wave of signature gathering to dismantle the gridlock between the two Houses of Congress that is a major stumbling block to the country’s economic growth,” Lambino told The STAR.”

  40. Mike Uliling Mike Uliling

    Anong pakulo na naman ito ng isa ring bayaran na Lambino? Puwede ba, kayong mga walang maisip na mabuti sa Pilipino, tama na ang kahuhuthot ninyo ng perang pinamumudmod sa inyo ng dwendeng may nunal sa Malakanyang. Di nyo ba alam na pera ng bayan iyang nilulustay sa inyo? Ang kakapal ng mga apog ninyo. Dapat sa inyo, isama kayo sa grupo ni Joe Tenga at nang kaniyang mga tuta at ilagay sa isang kuwarto sabay sunugin. Sinabi nang wala kaming tiwala sa inyo, ba’t ang kulit ninyo? Ahh… alam ko na. Kasi nga mga wala kayong utak.

  41. chi chi

    Ooppps, nalimutan. News on second PI is dated 12/12/06.
    It’s a long story, I just cut it short.

  42. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Why the rush to elect delegates to Constitutional Convention? What’s the hidden agenda behind the sudden switch to Con-Con? The political survival of Gloria Arroyo and her congressional allies at is stake. They all STINK after the arrogant imposition of Con-ass at the House of the Representatives. House Speaker Jose De Venecia is fighting for political life in his Pangasinan congressional district. Former congressman and current Dagupan City Mayor Benjamin Saplan Lim is the man to beat. De Venecia can use his pork barrel development funds to “indirectly bribe” Mayor Benjamin Lim not to run for congressman. Anything can happen before the last filing of candidacy in May 2007 midterm elections. De Venecia’s political clout in Pangasinan province is waning. Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz is planning a big multi-sectoral prayer rally against the constituent assembly (CON-ass) on December 15, 2006 and Dagupan City Mayor Benjamin Lim will join the prayer rally. I think the Roman Catholic Church and the Chinoy business community are backing Lim’s candidacy. They way the current Pangasinan politics is going, Rep. Jose De Venecia is a dead meat walking. M/V Gloria Arroyo is fast sinking. The rats are abandoning the ship. Fourteen Metro Manila lawmakers and other shameless pigs are singing a different tune to save their asses. Who believes them? How to slaughter bunches of CROCODILES with private army? Any suggestion?

  43. bayonic bayonic

    DKG: How to slaughter bunches of CROCODILES with private army? Any suggestion?

    Work as a waiter/cook at Tsukiji or any expensive, popular restaurant that these PIGS go to spend the PEOPLE’s money … bring a lot of poison.

    Work as a GRO at one of the expensive KTV lounges in Quezon City where these TONGRESSMEN collect their tongs … bring a lot of poison.

  44. pandawan pandawan

    Sa pag-atras nila ay ginagago pa rin nila ang bayan. Ang tataas pa naman ang kanilang pinag-aralan at marami ay mga abugago, abugado pala.

    Ininsulto nila si FPJ na hindi raw nakatapos sa pag-aaral, pero ang puso naman ay nasa tamang lugar sa lahat ng oras, sa lahat ng pagkakataon na hindi kailanman gumalaw ng pera ng bayan upang tumulong sa taumbayan. Tumulong siya ng walang litrato, radio, at tv mula sa sariling bulsa at hindi niya ipinagyabang kahit kelan.

    Hindi katulad ng dalawang kongresista ng Bicol na ginugol ang panahon sa pagsusulong ng con-ass samantalang binibilang ang mga patay at nasalanta ng bagyong Reming sa Albay. Pagkatapos ay heto sila at iniuurong kunyari ang karumaldumal na ginawa habang natutulog ang bayan at tamaan naman ng malakas na bagyong CON-ASSHOLE. Hala, kayo naman ngayon ang binabagyo! Tingnan natin kung nakatayo pa kayo pagkatapos nito.

  45. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Bayonic,
    What kind of poison? Slow death or dead on the spot? Siguro mayroon din patriotic GRO. Puede na ang HIV o tulo. Cheers!

  46. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Langya namang, magpapasko na, nakapuwesto pa ang mga demonyo. Nakakasira ng spirit.

    I-carolling ko na lang kayo, baka gumanda ang mood ninyo:

    (12 Days of Xmas)
    On the first day of Christmas my true love sent to me,
    The Midget hanging in the fir tree…

    (Have Yourself A Merry Little Christmas)
    Gloria’s roasting in the open fire…

    (Give Love on Christmas Day)
    Why don’t you get lost on Christmas Day, on Christmas Day, oh,
    Even the Pig who smuggles everything,
    We’d be so crappy if you would grill,
    This Pig on Christmas Day…

    (Frosty the Snowman)
    Garci, the conman was a jolly happy soul,
    Yes, he talked to the ho’ and the kids all know,
    How she cheated us all one day…

    (O, Holy Night)
    Fall on your knees,
    O hear the people’s voices:
    Goodbye, goodbye
    O night, when Glo was burned…

    (Little Drummer Boy)
    Damn, they told me, parampa-pumpum,
    She wants to be a queen, parampa-pumpum,
    I’ll bring my gun for her, parampa-pumpum,
    rampa-pumpum, rampa-pumpum.
    Now, I’ll slay her, parampa-pumpum,
    Me and my gun, rat-tat-tat-tat, rat-tat-tat-tat…

    (Winter Wonderland)
    Sleigh bells ring, are you listenin’
    In the lane, snow is whistlin’
    A beautiful sight, we’re happy tonight
    Wala na si Pidal sa Malacañang!

    (Gloria in Excelsis Deo)
    Glo-ooooo-ooooo-ooooo-ria,
    In-exorcize ninyo,
    Glo-ooooo-ooooo-ooooo-ria,
    Pinaalis sa palasyo, Go!…

    Anymore?

  47. Atty CCastilloJr Atty CCastilloJr

    Ellen, huwag ka ng magtaka kila Mitra at Dudut Jaworksi. Ang mga akusado, pag dating na sa korte, parang mababait na tupa. Kuntodo tanggi sa mga paratang, kahit na nag-uumapaw na ang ebidensya laban sa kanila. Iniisip siguro nila Dudut at Mitra, na matutubos pa nila ang sarili nila, matapos ang kababuyan nilang ginawa. May pinagmanahan si Dudut. Matatandaan, ang tatay niya ay kuntodo suporta kay Erap nuong impeachment, pero ng mag-people power na sa EDSA, biglang lumitaw duon. Buti na lang pinagbabato daw ng bottled mineral water. Makakapal talaga ang mga mukha!

  48. Spartan Spartan

    “Nabaon sa sariling hukay”…at lalo pang “bumabaon”…hehehe. Like what I said itong sina “rat-headed” jdv at siyempre ang kanilang “reyna engkanta” na may maitim na gilagid ay parang “energizer bunnies”, they just keep on going, and going…and going…sa kanilang PANLILINLANG at PAGSISINUNGALING sa TAUMBAYAN, kailan sila hihinto? Well, that “pink bunny” in the popular battery commercial would only stop ones it’s battery is removed…hehehe, so dapat talaga dukutin na ang mga puso nitong sina gloria, jdv, et al…pukpukin ng martilyo, patakan ng ajinomoto, at ipakain sa aso(like what Michael V’s old song said)…tiyak, hihinto na nang panloloko sa taumbayan ang mga iyan. Tapos, huwag “ibaon sa hukay” ang mga katawan nila. Patuyin at i-preserba, tapos idisplay sa National Museum, at maglagay ng isang “gallery” na may pangalang “Philippine Political Mongrels”, para mag-silbing dag-dag edukasyon sa mga susunod na saling-lahi ng Pilipinas na iyon ang mga taong BUMABOY, UMABUSO, AT GUMAHASA sa TAUMBAYAN, SALIGANG-BATAS, at INANG BAYAN sa pag-umpisa ng BAGONG MILENYO. Sound morbid? Nahh…if genies are true, and I could be granted my 3 wishes, I would wish that what I said would happen on my first, second, and third wish.

  49. chi chi

    “Nahh…if genies are true, and I could be granted my 3 wishes, I would wish that what I said would happen on my first, second, and third wish.”
    ****

    OK Spartan, your wish is granted! heheh, joke only. Wish ko rin’yan!

  50. lokal vocal lokal vocal

    Mga kasama, ang sa kin lang ha. bago natin sila ilibing ibalot muna natin sila ng barbed wire tsaka ipa gulong nating sa slopes ng Mt. Mayon esp. itong si Siopao Villafuerte at si Ed Sell Lag(ay)man. Tsaka isunod nating itong si Nograles (devil ang face ano?) Pichay at itong si Coin stantino Jaraula.

  51. Mrivera Mrivera

    ano ba ang aasahan ninyo kay mitra? ubod lang ng yabang at kung saan siya may nakikitang pakinabang doon siya makikipagsiksikan! pero kapag nagkakagipitan, teka muna lang ‘yan. easing his way out sheepishly.

  52. apoy apoy

    dapat sa mga yan tadtarin at ipakain sa manok..
    ang resulta, magiging tae sila ng manok..
    sori, ganyan na kababa ang pagtingin ko sa mga yan.

  53. kitamokitako kitamokitako

    Baka kaya may utang din sa PNB si Dudut kaya bumaliktad. Ganoon ang tatay niya di bah? Siyempre to cover their base, gusto nilang magpabango ngayon. Talking of Jaworski(?), nothing significant he did while senator comes to mind, except that PNB loan of his. This Mitra, same, all i can recall was the balbas sarado of the old guy. Tama ka Atty Castillo, ang kakapal nila!!!

    Mr. Dudut Jaworski, ano na po kaya ang nangyari sa hospital sa Rizal sa Pasig na may mga batang kapapanganak lang ang mga namatay, may nangyari po ba doon?

  54. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Baka karma ito. Kapag may inutang dapat bayaran. May panahon pa para magbago. It’s payback time Dodot!

    Solon’s vehicle explodes; police rule out bomb

    By Joel Guinto
    INQ7.net
    Last updated 02:00pm (Mla time) 12/12/2006

    THE CAR of Pasig Representative Robert “Dodot” Jaworski Jr, exploded while cruising along the C-5 highway in Pasig City early Tuesday afternoon, police officials said.

    The Toyota Innova, with Jaworski on board, exploded at around 1 p.m., they said.

    There were no reported injuries, said Chief Superintendent Luizo Ticman, Eastern Police District commander in a phone interview.

    “Apparently, there was no bomb. There was faulty something in the vehicle,” Metro Manila police commander Director Reynaldo Varilla told reporters in Camp Crame.

    “There were no injuries,” Varilla said.

    The officials could not give additional details.

  55. nelbar nelbar

     

    >ano ba itong nangyari sa pinas.iilang pamilya lang yata
    >ang may-ari ngayon ng pinas, kung hindi magkakapatid ang
    >mga politiko ay mag iina, o dili kaya ay magaama, mag
    >pinsan.hindi bali sana kung may mga business sila na
    >minana pero ang political position ba ay puedeng manahin?

     
     

    INCUMBENTS TOLD TO STAY OUT OF CON-CON —-The Philippine Chronicle (IN THE SERVICE OF TRUTH AND FREEDOM)
     

    FORMER senator and labor leader Ernesto Herrera has called for an autonomous Constitutional Convention(con-con) whose delegates would be chosen by the people in a special direct balloting to be held simultaneously with the May 10,2007 mid-term elections.

    . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

     

    “A con-con is definitely the path of least resistance when it comes to charter reform,” said Herrera, secretary general of the Trade Union Congress of the Philippines.

    Herrera, however, said that in order to prevent a “backdoor” constituent assembly (con-ass), incumbent members of the House of Representatives and their relatives within the fourth degree of consanguinity or affinity should be expressly barred from running con-con delegates.

    Herrera said all the House members now holding office and their relatives should be disqualified from aspiring as con-con members, regardless whether the legislator is currently serving the first, second or third term in office.

    “Congress could conceivably instantly pass a measure calling for a con-con. This is perfect doable,” said Herrera who served in the Senate for 12 years.

    Critics have accused the pro-administration members of the House of driving Congress to convene into a con-ass to amend the Constitution so they could have their term limits lifted and stay in office longer.

    “If the House is truly after genuine and meaningful Charter reform, then(House) leaders should stop paying lip service to a con-con and pass forthwith a measure calling for it,” Herrera pointed out.

    Speaker Jose de Venecia Jr. on Saturday declared that “the House itself is prepared to produce at least two-thirds vote for a con-con.”

    “If that is the case, then the House should pass the measure now, so the people, and of course the Senate, can thoroughly inspect the provisions, and decide for themselves whether or not to support it,” Herrera said.

    Herrera warned that the House members, in the measure, should allow themselves or their relatives to run as con-con delegates, “then there is no way they can get the people to support Charter reform.”

    “A con-con is the most cost-effective solution to decisively break the Senate-House impasse over Charter reform and enable the country to move forward,” the former senator added.

    According to him, “a truly independent and deliberative body such as a con-con would be in the best position to draw up with proposed amendments that are genuinely in the national interest,” not Congress convening into a con-ass or a purported people’s initiative.

    Article 17, Section 3 of the 1987 Constitution provides that: “Congress may, by a vote of two-thirds of all its members, call a Constitutional Convention, or by a majority vote of all its members of all its members, submit to the electorate the question of calling such a convention.”
     
     

    News – page 3A , The Philippine Chronicle, Monday December 11,2006

     

  56. Stupid is as stupid does, Ellen. Con-Ass or Con-Con, it means nothing but to change the Constitution to accommodate the Great Switik’s dream of becoming the first queen of the Philippines even perhaps by another name with the name “Filipinas” scrapped from the map.

    I agree with the Novaliches bishop that Filipinos should continue to be vigilant. They should not allow themselves to be tricked once again by the Great Switik! PATALSIKIN NA, NOW NA!

  57. Mrivera Mrivera

    pasalamat si jaworski at nandito ako sa labas ng pilipinas noong bumalimbing siya, dahil kung nasa maynila ako, titiradurin ko siya sa ulo para matauhan. gunggong ang ama, gunggong din ang anak!

  58. chi chi

    Mrivera,

    parehong galung-gunggong and mag-ama. buti pa ang galunggong at may pakinabang ang mga mahihirap. ang mag-amang gunggong ay ni hindi masikmura ng mga nagugutom!

  59. Mrivera Mrivera

    from tribune:

    Palace slams surveys anew, says GMA shuns “popularity”

    12/13/2006

    Being consistent apparently is the better part of going visibly ballistic over a recent independent survey showing the people’s dissatisfaction with Gloria Arroyo as President.

    Responding to the -13 net satisfaction rating obtained by the Chief Executive in the latest Social Weather Stations (SWS) survey conducted Nov. 24 to 29 of this

    year, Malacañang yesterday said the presidency is a contest of performance, not popularity. It was noted that the same refrain was hummed by the Palace in reaction to earlier independent surveys particularly by the SWS and Pulse Asia also showing plunges in Mrs. Arroyo’s satisfaction ratings. It was however shown that it was precisely the President’s performance that the respondents were dissatified with.

    Before the latest SWS survey, the President had obtained a -13 net satisfaction rating in the third quarter survey also conducted by the same agency.

    Press Secretary Ignacio Bunye and concurrent presidential spokesman said they are leaving to other politicians the craving for popularity, adding Mrs. Arroyo is more concerned with her perfomance on the job specifically if it benefits the public.

    According to Bunye, the President is engaged in a “contest of performance” and hopes that the government’s gains would be appreciated by the public soon.

    “We are not engaged in a popularity contest but in a contest of performance for the benefit of the people. Our gains speak for themselves and although they may not be immediately appreciated by many of the people, we are not taking this against the public, considering the flak we are also taking for fighting for change,” the Arroyo aide said.

    Satisfaction ratings are seen as a measure of popularity.

    “President Arroyo wants to make a contribution to the future of the Philippines despite the ups and downs… and we believe that she is succeeding in this regard,” Bunye said.

    Executive Secretary Eduardo Ermita, for his part, also yesterday said during a radio interview that Malacañang has learned to be insensitive to every survey critical of Mrs. Arroyo.

    Ermita added they belittle negative surveys because what is important for them is the supposedly booming economy of the country.

    He described such surveys as unproductive in relation to planned reforms of the Arroyo government.

    Sherwin C. Olaes

    ############################################################################

    ano raw?

  60. norpil norpil

    gago yata talaga itong mga bata ni gma.papaano siya magiging popular kung laban sa mga tao ang ginagawa niya.buti pa sinabi niya na hindi naman beauty contest itong pagiging presidente.booming economy?

  61. Chi,

    I know Sonny Jaworski. Kapitbahay namin iyan noong maliit pa kami. Matanda sa akin ang ungas. Anak ng GI, pero walang utak iyan. Section kulilat iyan sa eskuwela. Kakataka nga paano naging Senador iyan e. Gumagawa pa ng batas wala namang utak!

  62. chi chi

    yuko,

    OK lang kahit basketbolita, pero iyon namag sanang meron utak ang iboto.

    I already e-mailed Ellen my phone, forward sa iyo :).

  63. npongco npongco

    Don’t take the news like real news. The young Jaworski might be making up the story and incident for his senatorial bid. The vehicle exploded only seconds after they jumped out? Ha, ha…it’s like in the movies. The Director yelled “cut” and it’s over. We all know that it’s easy to stage such an incident using today’s high technology. It’s like movie making. If his enemies really wanted him dead, he would have long been dead. And who was that young brother Ryan? The kid who got into trouble with another Tsinoy kid over some gambling debt? What ever happened to that case?

  64. Spartan Spartan

    npongco, nabanggit mo na rin lang iyang “eksena” ni Dutdut Jaworski…yup, saw it in TV Patrol last night, but upon hearing the whole segment about the “incident” involving him….hehehe…medyo nag-isip agad ako na “moro-moro” ito, lalo na nang “umeksena” agad si “tengang-daga” rat-headed jdv…na kesyo “dapat daw hulihin agad ang mga suspek”. Bwahaha, eh sino ang huhulihin? At ang pinaka strong fact that arose my suspicion about the “validity of the attempt” on Sonny Jaworski’s life was the car/vehicle he was using when the “thing happened”, a Toyota Inova? Com’on, at least with sanchez of the “Kapeng Barako” land, it was a brand new Hummer that “got blown up”. Etong kay Dutdut, INOVA? HE HE HE…andami nilang Expedition…siguor mahal masyado kung iyon ang gamitin sa “stunt”?…HE HE HE. Talagang parang mga “magicians” itong sina joe de bola, they always have a “distraction while doing their tricks”.

  65. npongco npongco

    Spartan, please be reminded that this Dudut is the son-in-law of former Congressman Peping Cojuangco, Cory’s handsome brother, who was also a crook in his time. Then, Dudut’s dad, the great basketball legend Robert Jaworski, was the son-in-law of the elder former Senator Ramon Revilla, a known GMA ally. Dudut was never a resident of Pasig. By a snap of a finger, he became a Pasig resident and ran for Congressman. He won. How he won? Please don’t ask me.

  66. kitamokitako kitamokitako

    Unbelievable – sumabog walang nasaktan? Paano nila alam na sasabog kaya sila tumalon? Spartan, pareho rin ang sapantaha ko – gimmik lang nila para mapansin. Si Jaworski hindi ba son in law yan ni Agimat Revilla na may anak ding senador na si Bong? Ano na ba ang mga nagawa ng mga yan, magdadagdag pa ng isang Dudut, ano sila sila na lang ba? Mga pinoy, huwag na natin silang iboto, for goodness sake!!!

  67. nelbar nelbar

    kitamokitako, papunta siguro sila ng Baghdad pero hindi umabot.

  68. Mrivera Mrivera

    spartan, kitamokitako, eto pa ang isa. di ba daming badigard ni dutdut jaworski? nakapagtatakang wala man lang nakabantay sa mga sasakyan kung saan sila humihimpil at laging yatang nakadikit sa amo nila? kung totoong marami ang nagbabanta sa buhay ni dutdut, dapat lamang na maging security conscious siya at palaging isipin na ang minsang pagkalingat ng sinuman sa kanila ay pagkakataon para “makasingit” ang mga kaaway.

    pagkatapos nilang mabuko sa dispalinghadong con ass saka biglang nangyari ang pagtatangka sa buhay ni dutdut jaworski? sarsuwela, moro moro o komedya?

    hu! hu! hu! hu! natatawa ako! aray ku!

  69. norpil norpil

    ano ba ito. talaga yatang mag kakamaganak itong lahat ng politiko. kailangan yata ay gumawa ng family trees para madaling matuntun kung sino sino ang dapat iboto at hindi.

  70. Mrivera,

    Baka they were after the insurance?

  71. chi chi

    So many conspiracy theory angles re Dudut J’s car bombing. What’s unbelievable is that they are all true! heheh!

  72. Mrivera Mrivera

    anna, maybe not insurance. it’s sympathy from the people especially of pasig electorate. tatakbong meyor si dutdut sa pasig in 2007 election and this is his one way of hurting eusebio’s credibility.

    iyan ang naaamoy ko sa palabas nilang ito!

  73. nelbar nelbar

     
    yeah lah Mrivera!talagang dispalinghado, kita mo naman ilang oras matapos ang insidente ay may press con na naman!

    iyong isang opisyal na pulis meron nang issue na statement na sinabi na diumanoy faulty electrical wiring ilang oras matapos ang insidente.

    sino ang paniniwalaan ng taumbayan nyan?
     

    saykolodyikal warpeyr?

     

  74. npongco npongco

    Back to Congressman Jaworski’s recent car explosion, the report was that he was being followed by a convoy of bodyguards totalling 10. Ten bodyguards? I thought there’s a limit to security personnel assigned to politicians!

  75. Mrivera Mrivera

    ang bomba, anumang uri, pressure release type, timed, electronically detonated basta huwag lamang de mitsang katulad ng dinamita ay hindi na umuusok bago sumabog. imadyin, wan hanggang tri minits pagkatapos kumalat ang usok saka sumabog?

    naku naman, dutdut, kadami mong gagaguhin, piliin mong isa isa. hindi lahat bibili ng bulok mong paninda! mana ka sa ninong mong jose tae-nga ng daga at ninang mong gloria mukhang ostrich! mga istayl n’yo, bulok!!

    at ikaw, nognograles, asineysiyon atemp? sayang ang isang bala sa iyo, iho. dapat sa iyo tinitiris na lang na parang kuto!

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.