Skip to content

Kapag umapaw ang salop

Mabuti naman at nagdesisyon ang ANC na i-broadcast live ang nangyayari sa House Of Representatives kagabi kung saan pinipilit ng majority na ipalusot ang resolution na masimulan ang iligal at immoral na Constituent Assembly.

Mabuti na makita ng taumbayan kung gaano ka-garapal ang kanilang naturingang “representatives”.

Ang nagulat ako sa lakas ng apog ay itong si Rep. Annie Susano ng pangalawang distrito ng Quezon City. Ipinagmalaki niyang nagbigay siya ng P4 million sa simbahan kaya lam niyang hindi magagalit ang mga pari sa kanyang pagbuto sa pagpalit ng House rules at pagbastos ng Constition. Tinawag pa niya si JDV na “Prime Minister JBC”.

Lahat na survey ay nagsasabi na karamihan sa mga Pilipino ay ayaw ng Charter-Change ngayon. Milyon-milyon na pera nag ininuhos sa propaganda ng Cha-Cha. Bawat bukas ng bibig ni Gloria Arroyo at Jose de Venecia ay nagsasabi na uunlad raw tayo kapag nag-palit ng Constitution.

Wala namang naniniwala. Alam naman ng lahat na kaya nila ginagawa ito dahil gusto nilang manatili sa kapangyarihan hanggang buhay sila. At wala silang atubili na sirain ang Constitution at ang mga batas para matupad ang kanlang masakiman.

Sa tagalog ang Constitution ay “saligang batas”. Iyan ang haligi ng ating sambayanan. Kapag sinira mo yan, bagsak ang ating bansa.

Sa kanilang determinasyon na maitulak ang kanilang matiim na balak, hindi yata napansin ng mga kampon ni GMA at JDV sa pagpalit ng patakaran sa patapos na kongreso (dapat ang patakaran sa simula) nawala na ang respeto sa patakaran at lahat maari nang gumawa ng lumabag sa patakaran.

Ngunit kahit hindi tama ang kanilang ginagawa, porke mas marami sila, nagagawa nila ang kanilang kagustuhan.

Paglabas ng kolum na ito, malamang ayos na ang Con-Ass ni GDV. Gagawa na sila ng panibagong Constitution na gusto nila na hindi kasali ang Senado.

Sinabi ng oposisyon at ng Senado na pupunta sila sa Supreme Court. Nagretiro na si Supreme Court Justice Artemio Panganiban. Kaya minus one na sa mga aninindigan laban sa immoral at iligal na mga gawain ni Arroyo at ng kanyang mga kampon.

Wala tayong maasahan sa konsyensya ng majority sa House. Mukhans nabalutan na ng pera ang kanilang konsyensya.

Sana ma-aasahan pa ng taumbayan ang Korte Suprema. Dahil kung hindi, hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari kapag magdesisyon na ang taumbayan na panahon na para kalisin ang umaapaw na salop.

Published inWeb Links

28 Comments

  1. chi chi

    Si Annie Susano, gusto pang talunin ang lakas ng apog ng amo niyang si Tiyanak. Ayaw ng ganyan ni Glueria, dapat ay siya lang ang reyna sa engkantasya!
    *****
    If Supreme Court under Puno will fail the citizenry, we have no recourse left but the parliament of the street! Mabuhay tayong lahat na nagmamahal sa bayan!

  2. vic vic

    Ang apog pag sumobra nakaka sunog. sana masunog yong congresswoman sa sariling apog.

  3. chi chi

    Ganoon ba ‘yon, Vic?
    Sana masunog si Susano at Tiyanak sa lakas ng mga apog!

  4. vic vic

    Tuto-o yon chi, nong bata pa ako palagi ako nakisali kay “naykika” , yong lola ko mag “mama”. yong buyo, bunga,tobacco at Apog. Pag sumobra ang lagay mong apog, nasusunog and dila. Ganyan din ang mangyari kay Susano At sa Ama nya, di lang dila ang masusunog, dahil subra,subra na ang apog, pinagyabang pa, pati Kaluluwa na nila. ay kawawa naman..

  5. miron miron

    Tama lang na kalusin ang salop pag umaapaw na. Kaya lang ang history natin ay para bagang yung nakalos ay pinupulot at ibinabalik sa palabigasan. Hindi magandang extended metaphor ito. Ang ibig ko lang ipahiwatig ay ito–pagkatapos ng mga People Power na yan, hindi naman nahahatulan ang mga sukab. Sana naman matutunan natin ang tamang aral. Parusahan yung dapat parusahan. Yung mga dati na at kasalukuyang mga politiko at opisyales na magnanakaw, may nakulong ba, maliban sa mga oposisyonista ngayon?

    Ang magandang gamit sa apog sa mga yan ay yung ihalo sa semento at buhangin, ilagay sa timba at ilagay ang mga paa nila, at pagkatuyo ay ihagis sila sa dagat.

  6. chi chi

    miron, ang galing ng suggestion mo, walang kawala!

  7. artsee artsee

    Kung ano ang gusto ni tiyanak, magagawa niya. Buti na lang nailabas ko na sa Pilipinas ang mga pera ko. Puro tawag nga sa akin ni Mike Defensor. Akala kasi tutulungan ko sila. Ano ako, tanga?

  8. vonjovi1 vonjovi1

    Sa palagay ba ninyo kung saan galing ang binigay na pera ni
    Kotongresswoman Annie Susano. Kundi sa Nakaw rin. Ipapagyabang pa niya eh nakaw at galing rin sa bayan ang pera na iyun. Sino ba siya at ganoon na lang kalaki ang pera niya at parang barya lang kung mag bigay ng milyon. Si TENGA ay ang masasabi ko lang ay F… >>>>>>sorry tutal wala ng batas sa atin eh.

    Ayun at iuupo pa nila si PUNO lalo na kawawa ang bansa natin ngayon. Kailan kaya magigising ang bansa natin. Naiingit ako sa FIJI ngayon dahil may MORAL ang mga sundalo doon sa atin ay walang ng moral at abusado at mukhang pera. Nakita pa ninyo ang picture ni THIEF ESPERON nag bibigay ng CASH ang Ambassador ng US at saan siya nakatingin kundi sa pera. Siguro ini isip ni Esperon kung papaanong nakawin rin iyun para sa mga nasalanta ng bagyo.

  9. artsee artsee

    Bawal magmura dito ng F…. Sa huling laban ni Manny Pacquiao, may isang Mexicano na laking Amerika ang sumigaw ng Manny F..yao imbes na Manny Pacquiao. Ang resulta tuloy binugbog siya ng isang grupong Pinoy doon.

  10. Humirit na naman pala ang House of RepresentaTHIEVES!
    Eh sangkaterbang mga magnanakaw ang mga tinamaan ng kulog na mga yan eh! Puro mga PORK! Pera ng Bayan yun ah!

    Mga abusado! Mga GANID! Mga SINUNGALING!

    Marahil nga…ORAS NA para kalusin ang salop!

    SOBRA NA! TAMA NA! BASTA YA!

  11. parasabayan parasabayan

    The House just passed the resolution to be able to amend the constitution. It is a day of mourning for all Filipinos and rejoicing for the Tongressman! WE ARE RAPED ALL OVER AGAIN

  12. apoy apoy

    Kapag umapaw ang salop,babalik ang probinsyano.Dahil walang malamig na tinapay sa mainit na kape.Di ba pakner?

  13. tong_gress tong_gress

    GANG RAPE! CHEER NI NOGRALES “GO JOE! GO!” “hawakan mong mabuti ang kamay” ANG SABI NAMAN NI YODA DE VENECIA “.. para wala nang kawala…” si PICHAY naman “CGE HAWAKAN KO ANG PAA… CIGE BIRA PA!.. WALA NANG KAWALA ITO!”

    ITO BA ANG GUSTO NG MGA PILIPINO?

  14. Mrivera Mrivera

    nang mauso ang cloning, lahat ng kopya ni lucifer ay itinambak niyang lahat sa pilipinas! karamihan sa kanila ay nasa congress, AFP, PNP, MMDA, DENR, DPWH, supreme court, ombudsman, comelec, customs, NBI, BID, BIR, DILG at iba pang mga sangay ng pamahalaang pinamumunuan ng hari at reyna ng impiyerno sa malakanyang!

  15. Kapag umapaw ang salop!

    Ellen, sinabi mo pa! Kaya, TAMA NA, SOBRA NA! PATALSIKIN NA, NOW NA!

    Anna, you said it. There is no time to dakdak anymore. Time to act. Unfortunately, my allergy reacted this morning and I had to rush to the hospital instead of joining the AI vigil at the Philippine Embassy, which is now going to get busy asking the police to guard its premises with these coming rallies against the Pandak’s bogus regime. Puro hapon ang pumunta kanina. One or two Filipinos lang ang kasama kasi they cannot spare the time and cannot be bothered with the problems back home. Kailangan kasing asikasuhin na pakainin ang mga pamilya nila sa Pilipinas.

    In short, over here, mga hapon ang aako ng problema ng mga pinoy!!! No need to the Philippines. Lagot ang ODA ni Pandak!!! Japanese tax money cannot be wasted on a bogus president, the Bitch, for her wiles and whims!!!

  16. This should read: No need TO GO to the Philippines. WE CAN DO SOME ACTION HERE, AND MORE EFFECTIVE. ALL WE NEED IS TO STOP JAPANESE ODA TO THE BOGUS REGIME!!! SAKA NA ANG TULONG KAPAG TANGGAL NA SI BANSOT!!!

    PATALSIKIN NA, NOW NA!

  17. npongco npongco

    Can people write and type better so we don’t always get to read “This should read:….”?

  18. tong_gress tong_gress

    “GO YODA JOE! GO!”.. “SIGE PA!” HE HE HE…
    kitang-kita na ang tunay kulay ninyo. sige magpakasasa kayo sa panggagahasa ninyo, he he he. hak hak hak.

    “GO YODA JOE! GO!” MAGPAKASASA KAYO SA PANANDALIANG LIGAYA NA NARARAMDAMAN NINYO! BWA! HA HA HA.. CGE TIRAHIN MO PA SA conASS, MALIGAYANG-MALIGAYA KAYO SA mgaASS, hak hak hak.

    the clock is ticking… tik tak tik tak

  19. soleil soleil

    pwe!!!…nag-aalangan nga ako kung babae o lalaki ang character na yun….i cannot imagine anong klaseng mga tao ang bumoto sa kanya judging by her image and what kind of words come out from her bad-mouth!…i cringed when this character mentioned nag-donate sya ng 4M…ganyan bang klaseng tao ang may ginintuang puso at may kusang loob? kailangan pang ipagsigawan at nakasalpak kahit sa imburnal ang mukha? tingnan ko lang kung pagharap nya kay San Pedro ay may mukha syang ihaharap!

Leave a Reply