Sinabi ni Pangulong Manuel L. Quezon, “My loyalty to my party ends, where my loyalty to my country begins. (Ang aking katapatan sa aking partido ay nagtatapos kung saan nasisimula ang ang aking katapatan sa aking bayan.)”
Hindi na uso ang ganoong panindigan ngayon. Hindi na iniisip ang partido at bayan. Sariling interes lang.
Tingnan nyo ang nangyari sa Pampanga.
Noong nakaraang linggo, umalis ang 17 sa 22 na mga mayor sa Pampanga sa Lakas-NUCD at lumipat mayos sa Kampi (Kabalikat ng Mamamayang Pilipino). Ang Kampi ay itinayo ni Arroyo at ni Jose “Peping” Cojuangco noong 1998 para sana sa presidential candidacy ni Arroyo. Kaya lang, nang hindi umaakyat ang kanyang kandidatura, bumaba siya sa pagka-bise presidente kay Jose de Venecia sa ilalim ng Lakas-NUCD.
Kahit lider ng Lakas si Arroyo, alam naman niyang sa pangalan lang ‘yan dahil ang nagpapatakbo talaga ng Lakas ay si De Venecia at si dating Pangulong Fidel Ramos. Siyempre hindi naman talaga siya nagti-tiwala dito sa dalawa.
Kaya buhay pa ang Kampi na pinmumunuan ni Interior Secretary Ronaldo Puno at ng kanyang bayaw na si Rep. Iggy Arroyo.
Sinabi ng 17 na kaya raw sila umalis sa Lakas dahil hindi nila nagustuhan ang desisyon ni Sen. Lito Lapid at ng anak niyang si Gov. Mark Lapid ang kanilang tatlong panukala.
Ang kanilang tatlong panukala ay dapat kunin ni Mark Lapid si Mayor Dennis Pineda na vice-governor sa May 2007 na eleksyon, kukunin ang mga mayor na hindi na maaring magpare-elect para candidato para provincial board at tanggapin ang hindi Lakas sa partido.
Si Mayor Dennis Pineda ay anak ni Rodolfo “Bong” Pineda, ang sinasabing jueteng lord daw.
Nugnit iba naman ang tingin ng mga sanay na sa pulitika sa paglipat nitong 17 na mayor sa Kampi. Gusto raw ni Arroyo na sirain ang lakas at ang Kampi ang magiging dominant party sa susunod na eleksyon.
Kapag dominant party kasi, kayo ang may mga watcher at bibigyan ng Comelec ng isang kopya ng eleksyon returns.
Sa oposisyon naman, si Angara ang lider ng LDP. Kaya lang naga-alisan na ang kanyang mga miyembrong may pangalan sa national election katulad nina dating Senador Tito Sotto at Tessie Aquino-Oreta.
Noong 2004 kumalas na sa LDP sina Butch Aquino. Ronnie Zamora at Sen. Ping Lacson. Sino ngayon ang natira kay Angara?Siya ang may hawak ng partido, wala naman siyang tao.
Ang LDP ay kasama sa KNP (Koalisyon ng Nagkaisang Pilipino), ang partido ni Fernando Poe, Jr. Nandiyan ang UNO (United Opposition) na pinamumunuan ni Makati Mayor Jojo Binay.
Nagsisimula na ang paghahanap ng partido. Marami pang lipatan ang mangyayari bago mag-eleksyon. Ganoong alaga ang pulitika sa Pilipinas. Walang permanenteng kaibigan o kapartido. Permanenteng interes lang.
Kung pagpipilian sina Dennis Pineda na marahil eksperto sa pagpapatakbo ng jueteng, at si Laus na nagpapatakbo ng Clark, mas boto ako sa huli, na siyang napipisil ni Mark Lapid para sa kanyang running mate. Kahit pa matalo ang opposition sa Pampanga, huwag lang sa isa sa mga kampon!
Ano’ng ikinapuputok ng butse ng mga meyor sa Pampanga? Yung hindi sila mabatuhan ng perang pangampanya na galing naman sa jueteng?
Ang kakapal ng mukha ninyo, mga pataygutom!
Iyang Pampanga at ang mga Pinedas et al, hindi kasama ang mga matitinong kapampangan, ang dapat ay iregalo ni Pandakekang kay Dubya, hindi ang Mindanao!
Dahil sa kapritsyo, kaya partido ang nilaglag. Mga ganid sa pwesto at kapangyarihan. The mentality of the Filipino trapo continues to pull the country down. At least now they have shown what kind of “public servants” they are. Philippine politics is nothing but a business to these people. Ayam maalis sa pwesto. And these hooligans want as to go along with their Cha-Cha?
Saksakan na sa likod…yan na naman ang namamayaning sitwasyon sa pambansang eksena-pultika sa atin ngayon. Ano pa nga ba’t talagang maglalabasan na naman ang mga “hunyango at balimbing” pagapasok ng Disyembre hanggang sa susunod na taon bago ang araw ng halalan. Pero ang masaklap pa niyan…marami rin ang “lilipat” lamang pansamantala ng “tribo”, pero oras na mahalal at makapwesto, ilalabas na naman ang “tunay na anyo at kulay”. Wala tayong magagawa…ito’s sistema na. May mga MANLOLOKO DAHIL MAY NAGPAPALOKO.
hindi bat si manuel quezon isa sa mga founding elders nating mga pilipino,di bat ganun din siya nung panahon niya!!ika nga niya”i would rather see the philippines run like hell by filipinos,than run like heaven by the americans”kung tunay noon ay nag referendum at pinapili ang ating mamamayan gaya ng ibang commonwealth ng estados unidos,anu kaya ang kalabasan??nuong panahon ni quezon,wala pang garci,manalo kaya ang kay quezon??sang ayon sa akin,mas marami sigurong pilipino na manatili na lang nuong panahon ni quezon sa commonwealth..simula ng ang pilipino ang na muno sa atin,wala pong kina hinatnan ang ating bayan..na sadlak lahat ang ating mamamayan sa utang at kahirapan..sang ayun sa mga survey karamihan sa ating mamamayan ay ang mas gusto nila na maka pag trabaho sa labas ng bayan..hanggat ang ating mga pulitikong ganid at suwapang,wala pung kakahinatnan ang ating bayan..kung ating babasahin ang ating nakaraan,mula nuong panahon ng kastila,amerikano,hapon at ngayon..ang nagpahirap sa taung bayan ay ang mga pilipinong ang interes ay sa kanilang sarile lamang..at ang kanilang na kukurakot sa kaban ng bayan ay nilalabas nila at pinupuhunan sa ibang bayan..mula sa pulitiko,sa negosyante,drug lord at mga huweteng lord ay nasa labas ng bayan ang kanilang puhunan o kaya ay may mga bahay at salapi na naka deposito sa europa o estados unidos!!
Wrong, Ocayvalle. Like you and me, who were born after WWII, and did not experience being under foreign rule, I had the impression that it would have been better if the Philippines remained a US Commonwealth but not after seeing the development of countries not occupied by any western countries not having their descendants being in the majority still.
Apparently, you and I have read a different story, especially regarding the occupation of the Philippines by the USA from 1898 to 1946 that to those who continued the fight for freedom never saw to be rosy unlike what the traitors and collaborators would naturally feel and say otherwise.
I am lucky in a way, because I have had the opportunity to make comparisons. I majored in History as a matter of fact, but what I learned during a project to interview a dying breed of Filipinos who were on opposite sides of the fence but ironically were in fact moved by the same love and spirit for freedom and liberty for the Philippines in WWII made me realize that I still have a lot to learn. I thought we missed a great deal learning all those propaganda especially about a glorified US occupation of the Philippines with no mention for example of the atrocities committed against the Filipinos at the turn of the 20th century, and the lootings of Filipino artifacts that would make us proud. Shades of Iraq? You bet, there were those same atrocities!
I actually thought of the need to revise the textbooks available there that are more propaganda than presentation of truths about the Philippines and the Filipino struggle for freedom and liberty. Yes, Philippine history books have to be revised, at least, to inculcate a real love of country and pride in Filipinos for what they have regardless of whether they have been made to look mediocre and inferior by these people who have stolen positions to be their masters rather than be their public servants.
Quezon was right when he said he would rather have a government run by Filipinos even like hell than be under foreign rule. That idea of freedom and liberty in fact is God-given.
God has given all of us that free agency to choose between good and evil, virtue and vice, pleasure and pain, truth and falsehood. However, with freedom, right and privilege go duty and responsibility. Regrettably, Filipinos have yet to learn all of these important principles.
ang kasaysayan ng pilipinas na naisulat mulang lumaya sa pananakop ng mga dayuhan ay iniakda ng mga taong “busog sa lahat ng bagay”. hindi sila ‘yung mga kumakalam ang sikmura ‘nung panahon ng pananakop. hindi sila ‘yung nakihamok nang diretsahan sa kaaway. mga “privileged class”, ‘ika nga. ang totoo lamang sa mga naisulat nila ay ‘yung kabayanihan ng mga taong buong giting na lumaban sa mga mananakop na kastila, amerikano at hapon.
kung meron pang dapat itama lalo na sa political history ng pilipinas, sa haba na ng panahong lumipas, ‘yun ay ang pagpili sa karapat dapat na tatayong lider. hindi iyong maniniwala sa mga pangako ng mga pulitiko na wala namang ginawa kapag naihalal na kundi ang bawiin ang mga nagastos sa kanilang kandidatura at hindi pa makuntento dahil ang gusto ay mapasakanila ang habangbuhay na kapangyarihan hindi upang makapaglingkod sa bayan kundi upang lalong magpayaman.
akin pang minumuni, ninanamnam sa damdamin
bago pa man ang pangarap ko’y katuparang tamasahin
pagsasakit ang ginagawa’t pinipiga ang mithiin
hinahabi ang marapat kung ako’y papalarin
walang akong ipangingimi, walang anumang di gagawin
sinuma’y aking ibubuwal kung sagabal sa landasin.
nang sumapit ang sandaling hinihintay na pagkakataon
waring sa mga pinaplano ko’y lahat lahat umaayon
kahit sino man ang lumagay sa lugar ko’t nilalayon
harangan man nitong sibat at palasong may’rong lason
haharapin maging tangke, APC, mortar man o kanyon
sisirin kung maaari lang ang lalim ng bulkang mayon.
subali’t ano’ng inam, sa tagumpay ko’y walang hirap
napa sa ‘kin ang palasyong laman ng diwa ko at pangarap
sa kunwari kong pakikilaban para sa kapakanan ninyong lahat
isang sigaw lamang ang ginawa’t sa entablado’y walang puknat
batikos ng pagkakanulo sa mahal ninyong pareng erap
kaya biglang ang nangyari, ako ngayon itong batas!
nakuha ko itong baton without exerting too much effort
(he he heh!) sa kumpas ng utos ko dapat lahat ay susunod
ako ngayon ang may hawak ng kapangyariha’t walang paltos
bawat isa’y tatalimang sa dibdib ay mayro’ng takot
iiwasang sa pagkakamali’y aanihin itong poot
kung hindi sa lalim ng hukay, ang bagsak n’yo ay kalabos.
mapatid man ang litid nila’t mamaos sila sa pagsigaw
na inagaw ko ang presidency ng “not only once but twice”
kahit inamin ko ang pandarayang sa akin ngayon ay naglagay
may papalag pa ba sa inyo, di ba’t inyo nang nagisnan
‘nung ako sa tungkulin ay manumpa ng madaling araw
me reklamo pa ba kayo, may magagawa pa bang hakbang?
bakit hindi ay hawak ko mga leeg ng aking kabig
mga pinuno ng sandatahan, kongreso, gabinete, hukom, huwes
maging alagad ng simbahan katapat lang ay sobre’t noodles
bibig nila ay ititikom, mga mata nila ay ipipikit
papasakan ang mga tenga upang wala silang marinig
kundi taginting ng salaping pantapat sa kontra’t usig.
Mrivera,
WOW, effortless kang sumulat ng tula, jealous ako sa ‘yo :).
chi kesa naman ibalibag ko sa inis itong computer ko, idaan ko na lang panghaharana sa pamamagitan ng tula. ano ba ‘yon? he he heh!
Suggestion Mrivera. I-collate mo lahat iyang tula mo. Pati na rin yung iba pang nagpadala dito sa blog ni Ellen. Magaganda rin yung kay alitaptap (ba?) Who knows, may mag-sponsor ng exhibit, meron nang initial content.
Elibs ako sa yo, bow lahat ng ulo ko. Napakalimitado ang bokabularyo ko ng Pilipino, pero pag nababasa ko ang mga tula ni Mrivera, nadadagdagan kahit paano!
Mrivera,
Kapag wala na si Glue, tingnan natin na ma-ipublish ang mga tula ninyong lahat. Kausapin natin ang bookstores sa Manila or publishers na willing to shoulder the expenses. Hit ‘yan!
You bet! Kaya nga ina-archive ko na. Proceeds should go to education para matupad na ang pangarap na gawing compulsory at libre ang elementary at high school sa Pilipinas para wala nang mangmang! And of course, a portion of it for the cure of Ellen. Kailangan kasi siya ng mga pilipino!!!
chi, tongue, ystakei,
humbled ako sa mga papuri ninyo. sa totoo lang, hinahalukay ko rin ang dapat na tamang pananagalog para hindi kahiya hiya ang mga saknong ko.
pero, pwede kayang perahin na lang ninyo? yeheheheyyyyy!! joke! joke ! joke!
ystakei,
a little bit of history
panahon ng kastila—– macabees
panahon ng amerikano— macabees
panahon ng hapon——- macabees
panahon ngayon——— macabees
yan ang lahi ng mga traydor..
palusot pa nila “indi naman laat”
hapuy, talagang indi laat. peru halam mu bang sila sila indi na rin magkasundu? nabalitahan mu na siguru kung pahanu nila hiniwan hang mag-hamang litu at mark lapid, di ba? peru may duda haku, nag-uugas kamay lang hang mag-hama hat kunyari hayaw nila sa mga uweteng lurd na hangkan ni bung pineda.
Mrivera,
pinatawa mo haku..
a-a-a-a-a-
Mrivera, ToungueT, ito naman ang tula ko..
mali pala …
Tula ni Ate Glo..
Ako ay may alaga baboy na mataba
Bahag niya ang buntot bilugan ang mukha
Mahal niya ako at mahal ko rin siya
At kaming dalawa naging mag-asawa
o pwede na ba?
apoy, okey ‘yan. pero mawalang galang na. ganito ang tamang banghay:
ako hay may alaga baboy na mataba
bahag ang buntot niya bilugan ang mukha
mahal niya ako, mahal ko rin siya
kaya kaming dalawa, naging mag-asawa!
o, di ba?
at mas maganda pa kung ang pangalawang talata ay ganito:
“bahag ang buntot niya, tulisan ang mukha”
para mas angkop sa kanyang kababuyan.
Mrivera,
NOTED!!
isang trak ng karneng baboy na pinasusunog ng DOH,pinagperahan sa Pampanga..
Gosh, kailan matatapos ang kababuyang ito?
Sigurado mo bang mga baboy iyon o aso? Ang alam ko lang sinusunog sa Pampanga mga aso. Kaya pala Apoy ang pangalan mo puro sunog ang nasa isip mo.
There you go again…using dog to describe Capampangan. What a prejudice against Capampangan this jerk is!