Dumistansya si Press Secretary Ignacio R. Bunye sa mga pulis na na pumunta sa Malacañang Press Working area para mag-aresto kay Mia Gonzales, reporter ng Business Mirror at correspondent ng Newsbreak Magazine noong Lunes.
Sabi ni Bunye na sana hindi nagkaroon ng kontrobersya ang pagpatupad ng batas tungkol sa warrant of arrest ni Gonzales kung nakipag-ugnayan ng maayos ang mga pulis sa kanyang opisina.
Ang opisina ni Bunye ay sa third floor ng New Executive building sa Malacañang compound. Ang press working area ay sa ground floor.
Sabi ni Bunye wala raw kinalaman si Arroyo sa mga pag-file ni Mike Arroyo ng mga kasong libel laban sa mga journalists. Umaabot na ngayon sa 43 ang bilang ng mga journalists na sinampahan ni Mike Arroyo ng libel.
Wala si Mike Arroyo sa posisyon na makapag-harass o mananakot sa mga journalists kung hindi nakaupo sa Malacañang si Gloria Arroyo. Kayang-kaya sabihan ni Gloria Arroyo ang kanyang asawa na tumigil sa kanyang panggugulo sa mga journalists kung hindi siya sang-ayon.
Ito ay nasaksihan ko mismo sa Malacañang. May live-interview kami noon sa Malacañang, sa talk show ni Pia Hontiveros sa ANC na Strictly Politics. Habang inaayos ang set, narinig kong nag-uusap ang mag-asawang Arroyo kay Pia tungkol sa isang report ng Daily Tribune.
Sinabi ni Mike Arroyo na parang ayaw niyang mag-sampa ng kaso dahil sisikat pa ang Tribune ni Niñez Olivarez. Ngunit sabi naman ni Gloria, “Hindi, dapat kasuhan mo para mabigyan sila ng leksyon.”
Iyan ang puno’t dulo nitong libel suits ni Mike Arroyo sa 43 journalists. Gusto nila magbigay ng leksyon. At sino siya para magbigay ng leksyon sa media? Asawa ng pekeng pangulo?
Ang pagpunta ng mga pulis sa Malacañang para arestuhin si Mia ay kasama sa kanilang iniisip na pagbibigay ng leksyon sa media. Para na rin nilang sinasabi na “hindi kami mangi-ngimi bumanat sa inyo kahit pa sa loob kayo ng Malacañang. Kaya tumigil na kayo sa pagbabatikos sa amin.”
May mga nagsasabi na baka naman raw gusto lang magpa-papel at sumipsip ng mga pulis at mga judge kaya mabilis sila umaksyon sa mga kaso na isinampa ni Mike Arroyo. Siyempre naman.
Alam naman natin na ang mentality ng ating mga nasa pamahalaan:“Follow the Leader.” Kaya sa pinapakita ni Gloria at Mike Arroyo na panunupil sa media, ganoon na rin ang kanilang ginagawa.
Ang ganitong pag-iisip at asal ay magpapatuloy habang iligal ang namumuno ng bayan.
Thanks, Ellen. I-kli-clip ko ang article na ito para sa mga ipapakita naming ebidensiya laban kay Pandak matapos kong isalin sa wikang hapon kasi ang palabas ng mag-asawang ito na nagtatakipan na kani-kanilang kabulastugan.
Sa totoo lang habang sinusulat ko ang sagot kong ito ay nabalita ang pagdakip sa isang gobernador dito sa Japan na hindi mabibisto ang ginagawa kundi na rin sa expose na ginagawa ng aming mas malalayang mamamahayag lalo na’t ang pag-iimbestiga ng kanilang mga ginagawang pagbabantay sa mga kabulastugan at pangungurakot ng mga nakaupo at mga kamag-anak nila ay dapat lang na ginagawa ng mga pulis. Kaya nasaan ang katarungan ng ginagawa ng mga mamamahayag na inihabla ni Tabatsoy? Napakabobo naman ng mga hukom na tumatanggap ng mga hablang ito at sila pa mismo ang kasamang nangha-harass ng mga inihabla ni Tabatsoy. Ang dapat na ginagawa nila ay utusan ang mga pulis na mag-imbestiga at tignan ang katotohanan ng mga expose ng mga peryodista hndi iyong sinasakyan nila ang ginagawa ng tabatsoy na mama na mukhang ibig pang pagdiskatahan ang mga mamamahayag na inihabla niya.
Mahirap bang gawin iyan lalo na’t may suspetsa ng pandaraya laban kay Pandak? Pambihira talaga ang nangyayari sa bansang sinilangan. Nakakaawa ang tayo ng Pilipinas na hindi kailanmang maaaring iangat sa pamamagitan lamang ng mga propagandang ginagawa, maging lamang sa mga blog at fora ng propagandist ng mag-asawang ito na hinala ng marami na nagpapanggap ngayon sa pangalang Daniellaperez80, ang salarin na nanakot sa iyo.
Tama ka Yuko, sa ibang bansa, pag nabasa ng pulis sa diyaryong may kabulastugang nangyayari, imbestiga agad, wala nang utos-utos. Dito baligtad, ang iniimbestigahan yung nagbalita! Nakakadismaya.
Saludo ako sa sinabi ni JB Baylon na sana yung mga nangyayaring paglaban sa mga mapang-aping rehimen sa ibang bansa ngayon, lalo na yung mga nandaya lang sa eleksiyon, mabasa rin natin sa pahayagan at maging katuparan sa Pinas. Sabi nga ni JB, sana “Also in the Philippines”.
Pero Ellen, bakit sa media mismo, walang makitang solid na paninindigan, maliban sa statements ng mga pinuno ng media associations, wala nang ibang aksiyon.
Panahon na upang kahit isang makarismang Pilipino lamang ang maging mitsa ng pagbabago, bakit hindi ang isang grupong kasalukuyang inaapi? Hindi ko hinihiling na maging ikaw iyon, alam ko naman ang kalagayan mo. Sagad ang takot ng taumbayan, at marahil takot din na mawalan ng pagkakakitaan sa service economy ni Bansot, alam ko. Ngunit ang isang maimpluwensiyang grupo gaya ng media ay sapat na upang pangunahan ang isang matinding hakbang sa pagbibigay-daan sa pagbabago.
Sa pagnanais ng mag-asawang hayup sa kagarapalan na bigyang leksiyon ang media, bakit hindi ang media ang magbigay ng leksiyon sa kanila?
Si Bunye nga Talaga! kaya ba ni Mickey mag-akusa nang ganyang karami kung hindi siya Asawa ni Gloria? Pakialam o Wala, ‘obvious’ naman na ginagamit n’ya ang poder ng misus. si Bunye Talaga. may pa lullabylaby pa.
mga kapatid, bago lang ako sa blog ni maam ellen. pinalad na makapag-abroad pero dugong Pinoy pa rin…ano na ba ang nangyayari sa Lupang Pinangako?
nag-aapoy ang aking kalooban dahil dyan.. kawawa naman si juan dela cruz.. Dahil hanggang ngayon sakop pa rin tayo ng mga kastila… Kastilang pandak at kastilang mataba.
Korekek, TongueT. Dito iyan, araw, tanghali at gabi babatikosin si Tabatsoy ng malakas na media sa Japan kung hapon iyan. Hindi iyan makakapaglakas ng loob at makakapagyabang na akala mo wala talagang kasalanang ginagawa.
Mismong mga promoter ng gambling, etc. sa Pilipinas nagsasabi na hinuthotan sila ni Tabatsoy noong eleksyon para sa kandidatura ng asawa niya. Kailangan nilang mandaya dahil alam nilang kapag natanggal si Bansot, baka matuluyan ang bakasyon nila habangbuhay sa Muntinlupa imbes na sa Tsina
Chance na ito talaga para magbuklod ang 43 journalists laban sa mga mapang-aping rehimen. Bakit, hindi pa ba sila kumikilos? Ang hina naman!
First hand din and info ko sa kotong sa mga gambling lord. Asawa ng kamag-anak ng ama ko ang isa sa pinakamalaking operator ng Horseracing bookies sa Manila. Sa laki ng inarbor nung eleksiyon, pati na yung P1M ni Atienza, at P1M din ng kung sinong Congressman sa distrito nila, pinabuksan yung PNB sa Pandacan kahit na araw ng Sabado para makapagwithdraw. Kilalang personal ni #1 Gentlepig ang bookie dahil parehong horseowner ang mag-amang Baboy/Biik.
Hindi na nabawi yung kotong dahil sa paghigpit sa jueteng nadamay pati karera. Sa ngayon hiwalay na ang mag-asawa at naubos na rin ang yaman. Di naman makapapel sa jueteng na siyang malakas ngayon kaya lang, di pwede dahil hawak na ng bata ni Taba at binabantayan pa ng MPD Pitbull (Pete B) at successor nito para siguradong walang ibang makakapasok na walang “bendisyon”.
Kung hindi garapal iyan, ewan ko na lang.
Pero eto ang latest, open na lahat ng sugal sa Maynila at buong bansa na yata. Kung hindi e saan hihingi ng pangkampanya ang mga nakaupong lokal para sa eleksiyon, nagalit na nga si Calderon at hindi na raw paco-coverin ang media dahil sa balitang umarangkada na naman ang mga sugal. Media pa yata ang sinisisi ngayon.
Nagwawala na nga si Bishop Cruz dahil sa STL mas naging doble ang nagwe-jueteng ngayon imbes mamatay ang naunang sugal.
Haaay! (Buntong-hininga na naman.
Sa mga magnanakaw na tulad nila, madaling lagyan at bilhin ang media. Hayaan niyo’t bibilhin ko ang lahat na media. Uumpisahan ko ang Manila Standard.
Pati nga media ay medya-medya rin kaya ang hirap magkaroon ng siklab. Sa panahon ng pekeng presidente na ito ay natapalan na ang mga nakakarami sa media. Konti na lang ang may natitirang paninindigan, tinatapunan naman ng libel case ng mag-asawang kleps. Sino ba naman ang maniniwalang hindi conjugal ang desisyon ng mag-asawang kurap na ito?
Ay salamat Artsee at uunahin mo ang Manila Standard, ito ba ‘yong kay Maxie? Pwede bang si Maxie mismo ay bilhin mo rin?
Paano ba naman hindi lalaganap ang sugal sa Pilipinas ay ang nagpapanggap na pangulo ay may asawang sugarol, kakosa pa ni El Jugador Chavit, ninang pa ni Gambler Pacman? ang buhay ni bansot ay pawang sugal……..sumusugal siya para lang manatili sa malacanang at ang kanyang mga kalaro ay mga walang prinsipyong generals, mga bayarang tongressmen, governors, mayors. Dapat siguro palitan na ang pangalan ng Pilipinas……..gawing Republic of Pigs, Piglets, and Dogs at ang reyna ay tawaging Queen Lilliput with matching Princess Luli. Ibalik ko kaya kay princess iyong tanong niya sa dating officer ng immigration sa NAIA- “do you know who you are?” Ito naman para kay queen “DO YOU KNOW WHERE YOU GOING TO?”
Sa mga magigiting na miyembro ng media, huwag matakot sa baboy!! Ang baboy ay madumi, mabaho, balahura, umaasa lang sa pakain ng tao.
Kapag malapit na ang Pasko at halalan, malakas ang jueteng. Dapat bayaran ko na lang ang lahat na jueteng lord para tapos na ang problemang iyan. Nahihirapan lang ako kay Bong Pineda kasi malaki ang asking price.
mabuti nga yan at puede nang pumasok ang mga pulis na may warrant sa malakanyang without any coordination sa concerned executive department.malapit na matapos ang ponente na warrant kay ate glue at kay kuya jose, puede nang i-serve sa kanila.
Guys,
Baka hindi ninyo makita sa previous thread. I’m impressed.
# TonGuE-tWisTeD Says:
November 16th, 2006 at 8:02 am
How about this Chi:
puputi ang uwak, iitim ang tagak,
labis kong ikagagalak,
kung itong baboy, si pandak,
malunod na sa darak!
chi,
ok yung thread mo+ toungue twisted…Hindi ako nagtataka kung puro kababuyan ang timbre ng usapan. Totoo pala ang pelikula ni Eddie Garcia..
‘Kapag Baboy ang Inutang…’
goldenlion Says:
Sa mga magigiting na miyembro ng media, huwag matakot sa baboy!! Ang baboy ay madumi, mabaho, balahura, umaasa lang sa pakain ng tao.
…
Hanga ako sa iyo, goldenlion. Ngayon ko lang napagmuni-muni na ang mag-asawa sa palasyo ay pakain ng tao. Kaya naman pala kapalmuks ay baboy pala. Ang baboy ay malakas kumain at sa matagalan lugi ang negosyo. Kaya tama ang sabi ni Yuko: PATALSIKIN NA SI ARROYO.. ngayon din .
TongueT:
Last year, I met Pacman in Tokyo, and I acted as interpreter for a magazine thatinterviewed him. He talked of his ambition of becoming a mayor of his hometown at the encouragement of the “GiEmE- and If-Gi-!” (puntong bisaya ang pagsalita!).” He also talked of being encouraged to run some bingo operation in preparation for the abolition of the jueteng and the “Pirst Pamily” planning to substitute Bingo for it. I forgot the name to be substituted for the Bingo but it was bingo that he was going to forefront while the son of Bansot and Fatso would direct him.
Wow, family corporation ang labas using the name of the Pacman who was elated by the attention given him by the Bansot that he claimed he had his personal phone no. Tatawag lang daw siya if he wanted to be treated to a sumptuous dinner with his family, may invitation na raw agad siya. In short, VIP daw siya with the Pidals!!!
Para sa mga galing sa wala, TongueT, very flattering ang ginagawa ng mga Pidals para sa kaniya kaya siya sipsip sa kanila! ;-(
Forgot to mention also the cockfighting operation given him to manage. Meron din niyon. No wonder galit na galit iyong archbishop nila sa Dagupan. Pero bakit hindi nadi-discipline iyan sa simbahan nila?
OK, mga ka-blog, sigaw na! One, two, three–PATALSIKIN NA,NOW NA! PATALSIKIN NA,NOW NA! PATALSIKIN NA,NOW NA! PATALSIKIN NA,NOW NA! PATALSIKIN NA,NOW NA! PATALSIKIN NA,NOW NA! PATALSIKIN NA,NOW NA! PATALSIKIN NA,NOW NA! PATALSIKIN NA,NOW NA! PATALSIKIN NA,NOW NA! PATALSIKIN NA,NOW NA!
Just for kicks, my sister sent this list of new jobs under the reign of the bogus president. She says, “Nakalista sa baba ay mga titulo ng mga posisyon sa English at ang bagong
nababagay na bansag sa kanila sa wikang Pilipino”:
President -Pasimuno
Vice President -Kunsintidor
Secretary -Palsipikador
Treasurer -Kubrador
Auditor -Kasabwat
Business Manager -Gastador
Public Relations Officer -Tsismoso
Sergeant-at-Arms -Pasaway
Representative -Pahamak
Observer -Usisero
Advocate -Taga-batikos
Spokesman -Bolero
Moderator -Taga-bulabog
Announcer -Manggugulat
Monitor -Taga-silip
Inspector -Taga-lapirot
Investigator -Mangangalkal
Enforcer -Tirador
Jail Warden -Sadista
Prosecutor -Tagapaglait
Judge -Pilato o Tagahugas-kamay
Aide -Taga-istorbo
Assistant -Galamay
Adviser -Sulsol
Consultant -Manggagancho
Contractor -Estapador
Expert -Punong-Yabang
Technical Writer -Manlilinlang
Spin Doctor -Taga-himas
Headhunter -Taga-silat
Headshrinker -Basagulero
Director0 -Taga-udyok
Manager -Taga-kulit
Boss -Busabos
Supervisor -Ambisyoso
Chief Accountant -Punong-Gahaman
Sales Vendor -Pirata
Collector -Mangingikil
Custodian -Taga-ligpit
Dispatcher -Taga-dispatsa
Distributor -Taga-kalat
Delivery Man -Taga-iwan ng Gamit
Circulation Head -Taga-bilog ng Ulo
Purchaser -Palengkera
Receptionist -Palikera
Clerk Typist -Taga-parami ng Papel
Messenger -Tagatulak ng Papel
Janitor -Taga-limas
Plumber -Taga-tagas
Repairman -Mambubutingting
Gardener -Damuho
Utility Man -Inutil
Watchman -Istambay
Security Guard -Bantay-Salakay
Doorman -Nagpapalusot
Driver -Kaskasero
Chance Passenger -Malas na Nakikiangkas
Comedian -Alaskador
Entertainer -Kerengkeng
No wonder, palpak! Mahilig lang sa palakpak! 🙁
gustong mangayari pala ng mag-asawang baboy ay gawing conjugal property ang pilipinas? mangyayari nga siguro kung ito ay magmimistula nang labangan ng baboy!!! at iyan ay dahil sa kanilang kababuyan!!
gustong mangyari……..
TonGuE-tWisTeD Says: “Kung hindi garapal iyan, ewan ko na lang.”
tongue, hindi lang garapal. kundi sagad butong kawalanghiyaan!
What can we expect of Bunyeta? Kung si JB Baylon pa, ni “I have two discs, the left and the right!” And speaking of the Baboy family, tama ka Mrivera, gusto nga nilang gawing conjugal family ang bansa: Can you imagine, more than 80 million ang trabahador nila at nag-eexport na rin sila ng foreign workers! Dito sila kumikita nang husto! Ika nga business is doing great for them. Dito, may gambling dens sila, sa abroad may domestic helpers, nurses, caregivers, yung “name it, we have it” baga. At saka sooner baka palitan narin nila ang pangalan ng Pilipinas: Baka gawing “Babuyan Republic o di kaya’y “Kingdom of Babuyan!” Iyan ay kung…papayag ang mga tao diyan. May possibility din naman..At the rate things are going on, people are quiet, media is becoming mute, except sa mga iilan katulad ni Ellen…disunited ang Opposition…o di ba, di malayong magigising na lang tayong mga bloggers, bubulaga na sa Blog ni Ellen ang: A New Republic is Born!!!
Ok rin ang list of new jobs mo, Ystakei, angkop sa Babuyan Rebpublic! Ay, ambot na lang!
ystakei tuwing naririnig ko boses ni glomacapagal sa tfc umiinit ulo ko, halos paliparin ko na kotse pagdrive para lang abutin ang tv patrol pero pagdating ko sa bahay yung pagmumukhang pacute na pungok lang pala makikita ko.
kulamin na now na!!! sama rin si pamada lolo siraulo at pidal.
(Ellen, I asked my friend-journalist for the following report which she’s just dug from her archives herself. I thought everyone might be interested to know that Gloria boasted herself during the interview with my friend that her government has access to 100 billion pesos a month from government coffers! Read on…)
“It’s important for us to engage Europe,” PGMA
By Vi Massart, Philippine Star chief European correspondent
13 September 2006
BRUSSELS, Belgium – In an interview with Philippine Star bureau in Brussels, the Philippine chief executive declared “It’s very important for the Philippines to engage Europe as much as we have been engaging the United States, our ASEAN brothers and OIC countries and the north Asian countries of Japan, China and Korea.”
Mrs Arroyo also stressed the importance of being “in touch with the European Union”.
“After all, Europe is our third largest trading partner and second largest investor in the Philippines so they matter a lot and I’m proud to hear that I’m the first incumbent president to actually visit the European Union officially. So that’s bringing the Philippines a step higher in our relationship with Europe so we have our trade relation with Europe, we have investment relations with Europe, we have our official development assistance from Europe, I hope this visit will give us a higher profile in their consciousness, like I mentioned about Denmark, coming and approaching us to do more in the area of energy. These are important achievements that we can make, not to mention our cultural exchanges.”
She also reiterated that measures are being undertaken by the government with regards the streamlining of bureaucratic red tapes which European investors and potential partners have found daunting when doing business with the Philippines.
“We have recognized that and is why I have formed a task force headed by Trade and Industry Secretary Peter Favila to cut down red tape and with the very active participation and membership of the Export Development Council and the Phil Chamber of Commerce and Industry,” Mrs Arroyo said.
“In fact, we’re going to have a competitiveness summit at the end of this month and there are five areas which will be addressed at the summit,” Mrs Arroyo added.
“One is making food plentiful and affordable to the workers so there would be no great pressure in the wages to keep the wages competitive, the other one is to reduce power costs, then the other one is infrastructure which, now we have money to spend because of our tax reforms, we’ll be able to spend 100 billion pesos a month more from government coffers not to mention our government corporations and private sector interest and local government because they are very dynamic,” the President announced.
Arroyo added the fourth is making technology the foundation of the country’s development saying, “We are strong in technology related fields, fifthth is red tape. That is recognized, there is a task force working on it and if and when they meet with me on September 28, I will tell them specifically add the cost and length of time of setting up business in the Philippines.”
When asked about the spate of extra-judicial killings, Arroyo told the Star, “I’m glad you asked me the question about the human rights issue and extra judicial killings, that’s a very grave concern. I want to begin by stating that as far as we are concerned we condemn, these killings, this mode of political retribution has a sad history in our country and in fact that history is a reminder because we are now about to enact into law administration measure compensating human rights victims.”
“I believe that such a spate of killing has no room in our democracy or in our government so I have escalated response of the government,” Arroyo said.
The President also said, “I’ve appointed a former Supreme Court Justice , Justice Melo to head a commission with the full powers of my office to investigate and cause the prosecution of cases to the full extent of the law. I told Justice Melo to pursue every path regardless of where it leads. I have also sought taken up this issue with Spain and Finland and with the help fof Spain and Finland, they will help us meet with members of international NGO communities to discuss the killings and the response of our goverment.”
“That’s why I sought this meeting through our friends in the European Union,” she added.
Meanwhile, Inga Verheart, member of the Federal Parliament of Belgium, challenged Mrs Arroyo’s government “to be transparent.”
“We addressed questions to Mrs Arroyo’s government about the treatment of members of Congress this year and we still have to hear from her government,” the Belgian parliamentarian said to the Philippine Star.
Mrs Verheart, a Socialist and elected member of the Federal Parliament was referring to a question that was tabled in the Belgian Parliamentary debate in March this year, when she raised the issue of the House arrest iof Mr Crispin Beltran which she said was subsequently endorsed by the Federal of Parliament to the Department Foreign Affairs through the Philippine Embassy.
“We hear of these incidents of killings and we are saddened to hear that Mrs Arroyo does not believe it’s worth her while to answer questions by members of the Belgian parliament concerning the situation in the Philippines.” Mrs Verheart told the Star.
Mrs Verheart joined the protest rally held last Tuesday in front of the European Commission during the visit of Mrs Arroyo. Speaking before a crowd of fifty protesters in front of the European Commission building on Place Schuman, the Belgian parliamentarian denounced the spate of killings of journalists, activists and labor union leaders in the Philippines.
Later in the afternoon, a group of Filipino, Belgian and Dutch protesters were dispersed by the Brussels police during a mass at the St Michael Cathedral attended by the President and the Filipino community.
President Macapagal is scheduled to leave fthe Belgian capital for Cuba, the third leg of her 12-day trip after lunch time today.
Ellen: “Siyempre nangingibabaw pa rin ang inggitan. Nakakalungkot nga, e.”
*****
Sabi ko na nga ba e. Kasi dito iyan, may mga isang dosena nang mga abogado ang kumakausap sa mga victim ng harassment na mga periodista para ipagtanggol ang kanilang karapatan na ibulgar ang mga anomalyang ginagawa ng mga crooks sa gobyerno. Libre serbisyo in exchange for free indirect promotion for those lawyers. Kaya dito walang puedeng umarte na katulad ni Fatso na akala mo tunay na bigatin kundi pa natin alam ang calibre.
Namputsa, hanggang kailan dapat magtiis ang mga pinoy? Kawawang mga nilalang! Golly, mukhang gustong pagkakuwartahan pati mga peryodista! Kung hindi siya guilty, bakit galit na galit siya at hindi niya ipakita sa ibang paraan na wala siyang ginagawang masama? Kung alisan ng karapatan ang mga pulis at militar na gamitin nila ang kanilang mga baril kung wala namang kalaban, pihado ko hindi matatakot ang mga testigong tumistigo laban sa Fatso.
Iyong nga na-meet kong gambling lord sa Pilipinas sinabi ang asking price ni Fatso 5M peso bawat isang gambling lord, minimum pa iyan ha, para sa kandidatura ni Bansot! Kundi daw sarado ang gambling operation nila. Alam ng lahat iyan bakit ang lakas ng loob ni Fatso na mag-deny? Kasi hindilang sara ang operation ng mga magsusumbong, sara na pati buhay nila kasi! Ano, dagdag pa doon sa 750 na ni-report ng Karapatan? Masaya sila!
Tama si Ellen. Nakakalungkot! Ugaling talangka, dapat talaga alisin na. Kung lalaki pa nga ang humihirit talangka, gosh, kumekembot pa siguro iyong talangka kasi bakla pa yata! 😛
Ellen,
A journalist from Manila (a mutual friend of ours) who’s also writing for foreign media has just arrived in town; we’re meeting for lunch and will make kwento about what’s going on in Pinas.
Will update you folks.
Sorry Ellen but can’t help but say this, “Tangnang Gloria!”
Instead of showing or leading the way to create an atmosphere of democratic harmony, siya pa itong VENGATIVA!
She has the mentality of one who grew up in a slum area or of a member of a hooligan gang.
And to think that there are so called experienced, travelled, learned, educated men and women in this sad country who support and CODDLE HER?
Despicable!
I am reposting it here from a previous thread for everyone to see.
LITO BANAYO, in his tuesday’s( Nov. 15) column in Abante has to say this of Ellen.
“Karuwagan ngunit malinaw na pananakot din ang ginagawa ng kung sinong galamay ng mga makapangyarihan ang nagpapadala ng mga death threats sa blog nitong si Ellen Tordesillas, kapatid natin sa pahayagang ito at sa Malaya. Walang takot kung magsulat itong si kaibigang Ellen, at isa sa
pinakarespetadong mamamahayag sa ating bansa. At dahil siguro hindi mapakiusapan, hindi mabili, dinadaan sa lantarang pananakot. Sobra na talaga ang administrasyong ito!
Kung akala nila ay matatakot nila ang lahat ng mga mamamahayag, maging sa pagsampa ng walang katapusang mga kaso ng libelo, o sa lantarang panggigipit, nahihibang sila. Lalong tinatakot, lalong makikibaka sa kasamaan, sa panggigipit, sa pekeng kapangyarihan.”
apoy,
ano ba ang tawag mo sa mag-asawa na nakatira stinking palace, di ba mga baboy, mababaho at sahula, kumakain ng lahat ng dumi para manatili sa pwesto. ano pa sila?
ellen, maaaring hindi lahat ay makatutugon sa materyal na pangangailangan ng isang tao lalo na at sa oras ng kagitipitan, subalit pakatandaan mo, walang idinarasal ang mga kaibigan mo at mga nagtitiwala at naniniwala sa iyo at gumagagalang sa ipinaglalaban mong prinsipyo kundi ang sana isang araw ay masumpungan mo ang tagumpay sa labang ito.
huwag kang susuko! kailangan ka ng sambayanang umaasa sa tunay at tapat na pag-uulat.
mabuhay ka!!!
Anna,
In 1992, through her classmate at Assumption, I was supposed to meet Pandak when she came here that was to launch her political career. I arranged for her to meet with the core of the Philippine Community in Japan composed of Filipinos self-employed or employed by some prominent Japanese and/or foreign companies in Japan. I was disappointed when I was told to come to a meeting instead arranged by the Philippine Embassy composed of all kinds of Filipinos, even those who are committing crimes in violations of Japanese laws. I decided not to go.
Aba hinanap daw ako, and asked if the reason for my absence was because I was declared persona non grata for saving Philippine patrimonies in Japan being peddled by the Aquino government at that time.
I could not believe it, and I told my representative that she must have heard wrong for I doubt if Luli and mother, being from the so-called “high society” would be too dignified to indulged in tsismis (rumor).
After the power grab, I realized that mother and daughter were nothing but ambitious gossipmongesr, power grabbers, liars, cheats, etc. etc. Now, we see that there are more baboy qualities these Pidals show and can be described with.
‘Kakasuka! Ganoong kawalanghiya ang mga dugong asong iyan. She would not even have the decency to refuse to glorify those who were violating Japanese laws. I have met a lot of Thai officials for example in Japan, but never have I met one who would invite lawbreakers from their country in receptions for Thais here in Japan. At least, despite the reputation of Thai women in Japan–those who come here to engage in prostitution for instance– the Thais are still respected here in general for such delikadeza. Filipino dignitaries? Tingin sa kanila ng marami dito, mga bugaw sila!
“I believe that such a spate of killing has no room in our democracy or in our government so I have escalated response of the government,” Arroyo said.
Can you believe this ARROVO woman?!!!
Escalated response? Where? All there is to see is escalated extra judicial killings!
Her Melo Commisssion is useless, propaganda lang kasi.
The Euro trip was months ago and the killings continue, pakendeng-kendeng pa rin si Glueria Arrovo! MENTALLY REMOTE talaga!
“Remember that all through history the way of truth and love has always won. There have been tyrants and murderers and for a time they seem invincible but in the end, they always fall — think of it, ALWAYS.”
~Mahatma Gandhi
ystakei, maniwala ka ba na noon ay merong fil dignitary diyan sa saudi na nahuli ng mga saudi pulis smuggling goods! Huh, ng buksan ng mga pulis ang likod ng diplomat car, apaw ang goods. Flash kaagad ang mokong ng kanyang diplomatic ID, at dahil meron siyang diplomatic immunity, e di walang nagawa kundi to let go of this another mantsa sa mukha ng pinas. kakahiya!
I believe you Chi. Just recently, a Bureau of Customs official supposedly on vacation was apprehended at the Narita Airport carrying about 10 guns that he was suspected of trying to smuggle to Japan to sell to some Yakuza. He got 12 years. I am just not sure if he is appealing his case.
There are others like a wife of an airline executive who was caught shoplifting. Fortunately, she was with a member of the Philippine Embassy and she was set free with a reprimand.
I can enumerate many more cases so that oftentimes, I don’t mention unless asked why I can speak Tagalog that I was born in the Philippines. I make emphasis though that I am a Nikkeijin so as not to be embarrassed further, and say that we migrated to the USA when I was 12, and then went back to the Philippines to finish college at UP.
Mahirap na kasing mapagkamalan! Nakakahiya talaga ang mga asal!!! :-C
josephs, i wish there is mahatma ghandi in pinas, pero kahit si mahatma ay baka mainip sa mga nangyayari sa ating bansa :).
Even if mahatma’s words are universal, he addressed his wise words specifically to his citizens in India then, mostly Hindus and Buddhists…the most patient meditators in the whole world.
Please correct me if i’m wrong, pero iba ang takbo ng tuktok ng nakararaming pinoy. Wala akong nabalita na sumugod ang mga pulis/mitary sa mga templo ng India, samantalang sa pinas ay ayan at kalulusob lang ng monasteryo ng mga madre.
ystakei,
Speaking of nakakahiya. Only last night, a local tv news station here focused its news on a Filipino nurse (I have the name, but can’t print it here) who raped and impregnated a retarded patient. Ayon under investigation ang gago. Ikukulong muna dito bago i-deport sa pinas. Kakahiya, ang screen ng mga TVs dito ay punung-puno ng kanyang mukha. Sabi ng hubby, buhat ngayon ay pansamantala muna tayo na vietnamese, hahahaha!
You bet, mga biktima ng mga berdugo ni Pandak, mga church leaders as a matter of fact. Si Ramento pinatay sa loob ng kumbento ng Aglipayan Church. Walang takot sa Diyos ang mga walanghiya.
You don’t actually have to go far, Chi. The Bansot has many times committed blasphemy when she claims that she is chosen of God or that she talks to God directly even when she cheats and lies. But for sure, she epitomizes all that God hates: “These six things doth the LORD hate: yea, seven are an abomination unto him: A proud look, a lying tongue, and hands that shed innocent blood, An aheart that deviseth wicked imaginations, feet that be swift in running to mischief, A false witness that speaketh lies, and he that soweth discord among brethren.” (Prov. 6:16-19)
He reminds me of a Filipino guy recently convicted for 36 years for raping 30 young Japanese girls aging from 10 to 18. He was overstaying with his Filipino live-in partner, Chi. Nakakahiya talaga! Baka isipin puro malilibog ang mga pilipino!
“Baka isipin puro malilibog ang mga pilipino!” Ano kala mo? Tingnan natin kung ano mangyayari diyan kay Smith at ibang kakutsabang kano na ikulong sa munti. Tiyak, maga ang tumbong mnila, hehehehe.
ooppps! sori folks, consider that as just a wild imagining.
Sakto, Yuko. P5M per bookie nga ang “orbit” bago mag-eleksiyon. Sabi nga ng pinsan ko, di lang pala si Atienza, pati #1 kalaban meron din, biruin mo, di pa nga nananalo, nanghihingi na! Siyempre, bibigyan mo rin, e kung makatsamba?
Yuko, kaibigan ko yung dating consul diyan, si Bong V. Ayun, nasa palamigan ngayon, unassigned dahil kalaban ng nakaupo pero ang asawa nasa PMS ni Mike Defensor nagtatrabaho. Fil-Jap din at hawig sa pangalan mo. Ang binabantayan ni Consul Bong ay iyong Southrail Project dahil siya ang nagtrabaho nito with the Koreans at baby niya iyon. Dahil straight, hindi niya papayagang mababoy ito gaya ng Northrail na bukod sa overpriced at underspec, sa China lang puwedeng litisin kung magkakakaso. Para sa mga hindi nakakaalam, yung Southrail, halos kalahati lang ang presyo compared sa Northrail at superior pa ang materials and locomotives na gagamitin. Pero dahil hindi pa nga nasisimulan, hindi pa rin sigurado kung hindi mama-magic ng Reyna Encantada. Kaya todo-bantay si Bong V.
At kaya naman minamadali yung Northrail, bukod sa doble ang presyo (kanino napunta ang kalahati? Tinatanong pa ba iyan!) para may ipantapal siguro kay Kababuyan, este, Kabayan pala na punong abala ngayon sa dengue outbreak sa relocation site ng mga sinipa sa tabi ng riles sa Northrail. Bilyon ang gastos para daw sa “makataong” tirahan sa mga dating rail settlers. Makatao ba iyong walang tubig, walang koryente, walang drainage, ayun di pa nagtatagal, pumutok na ang dengue.
Reklamo nga ng Cabuyao meyor mga two weeks ago e, dagdag gastos ng munisipyo sa paospital at pagamot, pa-fumigate, pati security, etc., tapos pag dating ng eleksiyon, sa Kalookan, Bulacan, Malabon, o Navotas boboto.
O di ba natahimik na si Kabayad, este, Kabayan? Kundi ba naman talagang mahina ang kukote, relocation lang ang ipina-handle, naubos na ang oras, palpak pa. Kaya di mo na marinig sa media.
Sabi nga, para mataranta daw si Noli, dalhin mo sa isang bilog na kwarto tapos paupuin mo sa sulok!
Sabi nang huwag tawagin siyang pandak dahil pandak din si Binay. Tiyanak na lang!
Tama nga naman si Artsee. Besides there’s nothing wrong with being pandak really but Tiyanak, ay masama ang dinig!
O kaya Immoral Dwarf!
Ellen,
Re: “Alam naman natin na ang mentality ng ating mga nasa pamahalaan:“Follow the Leader.””
Seems to show that Pinoys in the pamahalaan are either wanting in serious intelligence if they are not pro-military or has a deep culture of militarism.
“Follow the leader” is the oldest boys’ game in the world, very military like.
artsee, e tianak, hindi nga lang tiyanak, naman talaga ang tawag ko sa pandak na iyan ah! hehehe. kahit basahin mo pa ang mga earlier posts ko.
Iyan lang ba ang ginagawa ni Kabayad, ipakagat sa lamok ang mga mahihirap? Ang kanyang pekeng Tiyanak na pangulo naman ay ala-Houdini ang ginagawa sa mga matatapang. Baka wala ng matirang pinoy kapag nagtagal pa sa pwesto itong Pandakekang na ito! Kundi ma-dengue, mabaril naman. Ano ba ‘yan?
Pagkatapos ng napakalaking ginastos sa relocation site, para lang ma-justify ang kontratang illegal sa Northrail na siguradong pinagkakitaan na naman ng mga ganid sa gobyerno, eto’t ang subdivision, walang drainage!
Kahit tag-init, baha at maputik. Tuwang-tuwa ang mga lamok! Bakit di kaya hulihin ng mga residente ang mga lamok at pakawakan sa Malakanyang?
Sorry Ellen naligaw na ang mga posts ko sa topic. Sabagay taga-media din si Noli. Doon sa sinabi mo tungkol sa nakakalungkot na inggitan sa media, ano naman ang pinagkakainggitan? Ligaw na naman ako doon, a.
(Dapat pala kay Noli, doon sa topic na “Sabwatang Gloria, Mike at Media…”)
hawaiianguy,
sa tanong mo malilibog ang mga pinoy,
sagot ko syempre..tingnan mo si pandak pumatol sa baboy..ganyan kalibog ang pinoy…
ellen says:
“Sinabi ni Mike Arroyo na parang ayaw niyang mag-sampa ng kaso dahil sisikat pa ang Tribune ni Niñez Olivarez. Ngunit sabi naman ni Gloria, “Hindi, dapat kasuhan mo para mabigyan sila ng leksyon.””
ellen, my own observation is that GMA is not a good student of history. i know of no politician who, except pm stanley baldwin of england, ever succeeded in bringing down a newspaper or a journalist for that matter. there was a running feud between baldwin and press baron lord beaverbrook, the latter caved-in when the former accused the press of exercising “power without responsibility, the prerogative of the harlot throughout the ages.”
what a powerful admonition! the only reason i can think of why beaverbrook retreated in that fight is that, he could be among the rotten egg in the basket. God bless his soul if my observation is not correct!
don’t lose heart and stand your ground. history is replete with events that show the politicians are always losing a lopsided battle against the press. of course, the most celebrated is the washington post-nixon bout. the persistent reporting of washington post on the watergate break-in hasten nixon’s downfall. and no offense meant on erap’s followers in this blog, his very recent bout with the inquirer which indisputably contributed so much in bringing him down, figuratively, to his knees. when will the politicians ever learn?
in the philippines, if there is any sitting president who has the toughest and longest bout with the press and rabid critics, it was marcos. muds and brimstone thrown by the first couple’s fiercest critics splattered all over the wall down city streets and heard over the airwaves, consistently without let-up, during almost his entire reign as president but i could not remember a single libel case filed by either ferdie or imelda only for the purpose of sending a chilling effect on journalists’ spines. the couple and their children even have to endure foul and unprintable gutter languages, the one you can only hear uttered by some uneducated slum-dwellers. of course, in erap’s time, they did one subtle attempt to silenced inquirer through economic asphyxiation by encouraging (or maybe forcing) advertisers to withdraw their advertising contract with the newspaper, to be fair, done by erap’s avid supporters and friends. but to erap’s credit, no libel suit was ever filed by him although he has to endure daily badmouthing, too. he did attempt in the manila times case but after a dialogue and all things cleared and clarified, both parties settled amicably and parted their separate ways happily.
of course, there were unvalided allegations that instead of resorting to courts, the marcoses hired thugs, either from the military or police, to do the job to be compensated by promotions or juicy and choiced positions in other money-earning government agencies. if is up for those who have personal knowledge of these stories to validate.
i was even surpised when tita cory filed libel charge against ka louie beltran for a seeming innocent phrase “hide under her bed”. if i remember it right, i think he was convicted by the lower court, but on appeal his conviction was reversed, ka louie was dead by then and did not savor the sweet smell of his victory, but it was as well a victory of the press.
although there is no prohibition in the constitution or in the law, about a president, who is immune from suit by the way, from filing a personal case against any individual, the fact, which GMA and her subsequent predecessiors should care to know, that they have the power and authority to appoint these judges and prosecutors to higher positions should be enough to deter them from pursuing in courts their perceived enemies. even if they rightfully win their cases, such victory is as good as hollow victory because speculations will always remain in people’s mind that the court decided on factors other than the sole merit of the case.
many then posit a question, if tita cory lost her case against ka louie, can the latter file a counter-suit against the former assuming she is still in power at the time of filing the counter suit. that was an interesting question which the court had no opportunity to answer because ka louie was no longer around to file his case.
if one is the ultimate holder of a country’s power, what better way to vindicate one’s name than to publicly clarify perceived official short-comings and improved once’s governance? oh but then than kind of thinking and approach only reign in the mind of a power-holder whose intergrity and honesty are beyond question.
apoy, ikaw naman. hindi ako yung nagtanong. sumagot lang din ako.
cencia ka na hawaiianguy, sinumpong na naman ang lib_g ko.
gusto kong lang gawing luau ang baboy na yan..
o sige, log- off muna ako.. baka kasuhan ako ng libel..o kaya deadly threats to a pig….
TongueT:
Hopefully, may mangyari sa investigation dito tungkol sa mga Japanese constructors na kakutsaba ni Pandak isa na iyong mga kausap nila sa bentahan ng mga patrimonies dito sa Japan. At least, ang mga pulis dito maaasahan! Hintay lang tayo pag pumutok ito.
At least, dito ang media maaasahan. Tignan mo ang expose nila tungkol sa bentahan ng mga kidney. E di umamin ang mga magnanakaw sa Pilipinas! Hindi alam ng mga pinoy iyan pero alam na alam ng mga hapon. Risky kasi kaya worried ang mga authorities dito. Biro mo nga naman kung may sakit ang mga donors? Ang dami pa namang may sakit ng hepatitis sa Pilipinas. Kakalat iyan, delikado. Mahina na ngang mag-produce ng bata dito sa Japan kaya sabi ni Bansot nang magpunta dito, “Japan is aging. It should be rejuvenated with young Filipino blood!” Tangna, ibinubugaw iyong mga teen-agers na pinapadala nila noon sa Japan para daw ma-invigorate iyong mga DOM (dirty old men) sa Japan. Bilib ka rin ha!
“Japan is aging. It should be rejuvenated with young Filipino blood!”
Aba, e talaga palang pimp ang Bruhang ito! Nagbebenta ng kanyang kalahi. Hindi na ba siya nahiya sa mga kaharap na Hapones?! Basic good manners and right conduct, hindi alam. O, sabagay pinadadala nga pala niya overseas lahat ng pinoy para merong panggastos ang kanyang pekeng gobyerno at ng patuloy na may pansuhol sa mga Henerales.
Chi, iyan ang speech niya sa Diet. You bet, bugaw talaga! Hindi nga nahihiya na sinasabing iyan ang business ng Pilipinas, ang magbugaw ng mga pilipino sa ibang bansa regardless of whether they are prostitutes or super Atsay and Atsoy. Bugaw pa rin ang labas!!! I wish the cartoonist of Tribune and Malaya would make a caricature of the Bugaw with her big Nunal peddling all Philippine assets, pati mga etits, kips, and internal organs!
Palakpakan iyong mga matatanda! Retired na iyong iba, puede nang mag-rejuvenate!!! 😛
Ellen says:
“Siyempre nangingibabaw pa rin ang inggitan. Nakakalungkot nga, e.”
Iyan ang malungkot na katotohanan sa hindi magandang ugaling Pilipino. Dito rin sa US/Canada, hindi ko nilalahat, ganyan ang nangyayari, walang pagkakaisa kaya hindi nagiging maganda ang image ng mga Pilipino. Kapag may nagsimula na magtayo ng organization, gusto lahat sila presidente, at kung hindi ay kaniya-kaniyang tayo ng association hanggang sa iisa na lang ang natirang president/member. Napakaraming mga association ang natatayo, pero iilan lang ang natitirang mga member, yon lang mga kamag-anakan at mga ilang kaibigan. Nakakalungkot ngang isipin na nasa ibang bansa na ay dala-dala pa ang ugaling ganyan, dapat sana ay magkaisa pero dahil sa inggitan at walang bigayan, watak-watak ang community ng mga Pilipino.
Apoy,
“gawing luau ang baboy ..” That sounds familiar to me. “Luau” is Hawaiian term. Are you just around the corner?
hawaiianguy,
not this time my friend,but ive been around a lot..luau is the hawaiian style of cooking pig..binabaon sa lupa, bato at apoy sa ibabaw…
apoy, hg,
‘yan ang bibingkang baboy! tamang gawin sa pamilya pidal!
ANO NAMAN KAYA ANG POSITIBONG GINAWA/GINAGAWA NG PAMAHALAAN NG PEKENG PANGULO!
******
MEDIA SINABON
(Rose Miranda)-Abante
Sinermunan nang todo ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang media industry kahapon dahil sa aniya’y hindi balanseng pag-uulat at kabiguan na gawing prayoridad ang mga positibong balitang nagmumula sa pamahalaan.
Sa kanyang talumpati sa top level conference sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) sa Tagaytay City, pinagsabihan ng Pangulo ang mga mamamahayag na nais niyang maging tama at balanse ang pag-uulat ng mga ito o simpleng salita ay maging responsable sa propesyon.
“Hindi natin hinihiling sa media na ibalita lamang ang magaganda. But deliver the facts straight and accurate…Maraming magandang pangyayaring hindi kasing lawak ang balita sa media. Iyong napakaraming magagandang balita na halos nakikita lamang natin sa business page at hindi sa front page,” anang Pangulo.
Idinagdag pa nito na ang malaking kaibhan ng media freedom sa media license ay ang pagiging responsableng tagaulat.
******
SINUNGALING!
LIBEL SUITS
Jake Macasaet
Karapatan ninuman, kasama si Unang Ginoo Jose Miguel Arroyo, na magdemanda ng libel. Iyan lang ang depensa ng mga taong sa palagay nila ay nayurakan ang pagkatao.
Hindi na dapat sabihin na husgado lamang ang magdedesisyon sa kaso.
Sa kabila ng lahat ng iyan, dapat gumamit ng hinahon ang pulis sa pagsakote sa mga nakademanda sa pamamagitan ng warrant of arrest.
Hindi nabawasan ang paggalang sa pagkatao ni Mia Gonzalez noong siya ay puntahan ng limang pulis sa press room ng Malacañang para arestuhin. Sa halip, baka magsuspetsa pa ang mga tao na ang nagsampa ng demanda, si Mike Arroyo, ay gumagamit ng lakas.
Ang kaso ni Mia Gonzalez ay batay sa sinulat niya noong 2004. Ngayon lang nagdemanda si Mike. Ganun din ang dalawa kung kasong libel na isinampa ni Mike. Noong 2004 ko pa rin isinulat.
Ito ang unang dalawang libel case laban sa akin sa mahigit pang 40 taon ko sa media. Marami akong kaso, pero nasasama lamang ako dahil ako ang publisher ng Malaya.
Wala namang batas na nagsasabi kung kelan dapat isampa ang demanda. Kaya kung batas ang pag-uusapan, walang mali sa pagdemanda ni Mike pagkaraan ng higit pang dalawang taong masulat ang sa palagay niya ngayon ay nakasakit sa kanyang pagkatao.
Okay lang ‘yon, Sir.
Ang hindi namin maubos isipin ay kung bakit higit pa sa 40 sa amin sa media ang nademanda ni Mike sa loob lamang ng isang taon. Sunud-sunod.
Ano ba talaga ang pakay niya? Lahat ng kaso ay humihingi ng milyon para raw sa damages.
Kung manalo si Mike, pati kaluluwa namin kulang pang pambayad. Magpapakulong na lamang kami para makaganti si Unang Ginoo. Dapat masiyahan na siya roon.
Kaming mga taga-media ay nakahandang humarap sa maraming panganib. Katulad ng aming Chief of Reporter na si Ellen Tordesillas. Kasama rin siya sa demandang libel ni Mike.
May nag-email pa sa kanya na nabibilang na raw ang araw niya. Ibig sabihin papatayin si Ellen. Walang laban iyong babae. Wala siyang ginawa kundi ireport sa NBI ang banta sa kanyang buhay.
Uulitin ko ang malimit kong sabihin at sinabi rin kay Pangulong Gloria Arroyo sa sulat ng pagtanggi sa kanyang alok na maging member of the board ng Philippine Deposit Insurance Corp. ang aking anak.
Ang pinakamalaking banta sa demokrasya ay kung ang media at estado ay magkasundo. Mawawala na ang tinatawag na Fourth Estate, ang media.
Ang tungkulin ng media ay pumuna ng batay sa katotohanan, o ipinalalagay na katotohanan.
Kung aalisin pa ito sa pagkukutsabahan ng media at estado, lalong maraming abuso ng mga tao ang mangyayari. Wala nang hadlang.
Ang ibig kong sabihin ay ang mga nagsisilbi sa pamahalaan o kaya ay mga public figure ay hindi dapat balat-sibuyas. Kasama sa panunungkulan ang mabatikos. Kung hindi kaya ng dibdib mo na mabatikos, manaog na lang o mag-resign.
Ganun pa man, may karapatan ang lahat na sa palagay nila ay nasaktan na magdemanda ng libel.
Mahirap timplahin ang motibo kung sunud-sunod ang demanda tulad ng ginagawa ni Mike Arroyo.
Nakakatiyak ako na hindi pera ang kailangan niya. Kung hindi, e ano? Iyan ang tanong. Huwag lamang sana silang mag-isip na kami ay matatakot o natatakot.
Maling isip iyan.
Chi,
Hindi sinungaling kundi istupida! Balance report daw? E siya, balance ba ang ginagawa niya. Puro kabulastugan at kasinungalingan! Gosh, Filipinos want the truth not garbage! Batikosin lalo ang istupidang iyan.
Hawaiianguy is right. The issue is legitimacy. We all know the cheat was not elected by the voters of the Philippines. She cheated, and everybody knows it. There is the problem of illegitimacy. Patunayan muna niya iyan. Dapat nga disqualified iyan e kaya nga lang puro appointee niya ang nakaupo sa pulis, military and even the justice department that are supposed to be investigating her and her husband.
Sinong niloloko nila? Baba na siya. PATALSIKIN NA, NOW NA!
Etong si Japayuko hindi pa rin nagbabago. Mataray pa rin. Magaling ka ba kamo sa Judo? O baka Judos…iyon nanghudos kay Kristo. Hindi na “Patalsikin na, Now Na!” ang slogan mo. Dapat “Patayin na, Now na!”.
Bilib talaga ako sa mga journalists tulad ni J. Makasaet, Ellen at lahat silang idenimanda ni FG. At hindi lang ako kundi lahat ng mga taong may matinong pag-iisip! Bilib din ako sa mag-asawang ito …sa kakapalan ng mga mukha. Compatible talaga sila lahat ng bagay. pATI SIZES NILA MALAPIT NA RING MAGBAGAY…MATATABA daig pa ang mga baboy na darak lang at mga tira-tirang pagkain ang kadalasang kinakain! Sa height lang sila kailanman di magbabagay! Mabuti naman, dahil ito’y nagpapatunay laang na mapasakanila man ang lahat ng yaman sa mundo, isang bagay ang hindi madudugtungan ni Bansot bagkus (walandyo naalala ko pa ang mga hiram kung Tagalog noon) lalo siyang magmumukhang baboy na pandak dahil sa kanyang panlilinlang sa mga tao! Tama ka nga Apoy, lutuin silang mag-asawa na ala-Hawaiian style at ng makatikim naman tayo ng ibang putahe..iyan ay kung may lasa pa ang mga iyan dahil sa kasamaan!
o kita nyo na? kahit baboy din pala ay may puso ding nasasaktan..
sige pa mga kapatid…at nang matuluyan siya ng heart attack