Skip to content

Kailangan magtatago sa dilim

Naintindihan ko na ang pagka-sekreto ay mahalaga sa military. Ngunit alam ko rin na bawal sa military ang paglabag ng karapatang pantao. Kahit pa sa mga nakakulong.

Ano kaya ang kinatatakutan ni AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon na sinigurado niyang walang media na makakita ng paglipat ng anim na Marine colonels, kasama si Col. Ariel Querubin, sa Cavite noong Lunes.

Ang lima pang opisyal ay sina Col. Orlando de Leon, Lt. Col. Armando Bañez (birthday niya noong Martes), Lt. Col. Custodio Parcon,Lt. Col. Achilles Segumalian, at Col. Januario Caringal.

Bakit kailangan itago ni Esperon sa kadiliman ang kanyang ginagawa? Dahil ba sa takot siyang maraming sundalo ang magsi-simpatiya kina Querubin. Bakit magsi-simpatiya ang mga sundalo kung masama sina Querubin katulad ng gusto palabasin nina Esperon.

Ang pailalim na aksyon ni Esperon ay nagpapatunay lamang na alam niyang hindi solid ang hawak niya sa mga sundalo. Lumalabas ang kanyang insecurity. Pareho sila ng kanyang pekeng commander-in-chief na si Gloria Arroyo.

Sinabi ni Navy Spokesman Cmdr Giovanni Bacordo na ang paglipat ng anim na colonels sa Fort San Felipe sa Cavite mula sa Marine Detention Center ay dahil sa kanilang nadiskubreng plano na pag-escape ni Querubin.

Iba naman ang nabalitaan namin. May nagsabi sa amin na ngitngit na ngitngit si Esperon kay Querubin dahil marami pa rin ang nagre-respeto at nagmamahal sa Medal of valor awardee, hindi lamang sa military kungdi sa mga sibilyan. Siya wala noon. Di ba tinapunan pa siya ng itlog sa UP?

Naga-alala ang mga pamilya at kaibigan ni Querubin na baka gawin nina Esperon ang ginagawa ng mga pulis sa mga presong gusto nilang patahimikin. Kunyari nag-escape ngunit sa totoo, talagang ni-liquidate.

Dalawang insidente ang nasa isip ko. Ang isa ay ang kaso ni Col Baula, isa sa mga coup plotters laban kay Cory Aquino, noong 1988 na binaril habang nagtangkang tumakas kuno sa detention center sa Camp Crame.

Ang isa pang naala-ala ko ay ang nangyari noon kina Sen. Ninoy Aquino at Sen. Jose Diokno nang dinala sila sa Laur, Nueva Ecija na wala man lamang kasabi-sabi sa mga pamilya.

Kinuwento ng anak ni Sen. Diokno na si Jose Manuel “Chel” Diokno ang kanilang dalamhati noon nang isang araw, basta na lang dumating ang truck ng military at ibinaba ang lahat na gamit ni Diokno sa kulungan. Tinatanong nila kung anong nangyari, walang sinasabi ang mga sundalo. Basta lang ibinababa lahat na gamit at nang matapos, umalis.

Makalipas ng isang linggo, sa araw-araw na pangungulit nila sa military, sumakay ang isang opisyal sa sasakyan at sinabi sa kanila, “Sumunod kayo sa akin.”

Akala nila, sa Metro Manila lang. Lumampas na sila ng Munomento hanggang umabot na sila sa Nueva Ecija. Doon lang nila nalaman na sa Laur pala sina Ninoy at Diokno.

Sa ilalim ng Martial Law, alam natin ibinabasura ang karapatang pantao. Nilabanan na natin yun. Natumba na ang diktador. Bumalik na dapat ang demokrasya. Bakit nangayayari ito?

Published inMilitaryWeb Links

22 Comments

  1. Mrivera Mrivera

    Sa ilalim ng Martial Law, alam natin ibinabasura ang karapatang pantao. Nilabanan na natin yun. Natumba na ang diktador. Bumalik na dapat ang demokrasya. Bakit nangayayari ito?

    ellen, bakit nangyayari ito?

    mulang mapaalis sa kapangyarihan si marcos, walang hinangad ang mga pumalit sa pwesto kundi ang paghigantihan ang napaalis na. hindi man tuwiran ‘yung mga nakaupo sa malakanyang, ang mga taong nasa paligid naman ang kung umasta ay parang kanila na ang pilipinas. nawalan sila noon ng kagitna, subalit ang kinukuha nilang kapalit (mula sa pondo ng bayan)ay hindi lang kaban kaban kundi tone tonelada at kapag nagkakaroon na ng pagdududa sa kanilang garapal na pamamahala ang bubuntunan ng sisi ay ang mga nauna sa kanila gayung kaya sila napalagay sa pwesto ay dahil pinaniwala nila ang taong bayan na mas mahusay, matino at mas may magagawa silang makabubuti sa bayang magpapanumbalik ng maayos na pamumuhay ng mamamayan, pero lahat ng kanilang hakbang ay taliwas sa inaasahan. saan mang sangay ng pamahalaan, mabibilang sa daliri nang hindi lilipat sa kabilang kamay ang mayroong matinong panuntunan.

  2. Mrivera Mrivera

    benggansa sa tuwirang salita na ang dumaranas ng lupit ay ang mga karaniwang mamamayan.

  3. nelbar nelbar

    From Radio Free Europe:

     
    Wednesday, November 1, 2006

     
     
     

    Moscow, St. Petersburg Ban Nationalist Marches

    November 1, 2006 — City authorities in Moscow and St. Petersburg have banned marches planned by far-right and nationalist groups to mark Russia’s National Unity Day on November 4.

    Organizers of the planned marches say they will nevertheless push ahead with their plans.

    National Unity Day was created last year by President Vladimir Putin and was meant to demonstrate the unity of Russia’s multiethnic society.

    Last year, however, some 2,000 radicals took part in a “Russian march” in Moscow to demonstrate that “Russia is for Russians.”

    In televised comments on October 31, Moscow Mayor Yury Luzhkov said he would not allow a repeat of the march when radicals demonstrated with swastikas and Nazi-style salutes.

    Authorities in St. Petersburg today said they had turned down requests for similar demonstrations.

     

     

    (compiled from agency reports)

     
     

  4. Anna, in an earlier thread, you asked:

    “Would greatly appreciate it if you could tell me your opinion on the anti-terrorism law being proposed in the 13th Congress.Thanks.”

    Like charter-change the anti-terrorism law is not bad per se. But it would be dangerous to have it under this insecure and oppresive adminsitration.

    One of the dangers cited by Sen. Ping Lacson is the provision that a person can be arrested without a warrant of arrest and imprisoned for a week (I’m not sure if one week or two weeks) without charges filed.

    Just remember what happened to the Erap5. Could you imagine if we had the anti-terorism law. Baka gulay na yung Erap 5.

    There’s also the meaning of terrorism. It’s so broad, staging rallies can be an act of terrorism. If I remember right “undermining the administration” is a terroristic act.

  5. nelbar nelbar

     
     
    The Internal Security Act (ISA) refers to laws in Malaysia and Singapore. This law originated in the wake of World War II, when a number of countries around the world introduced legislation that severely curtailed the rights of known or suspected communists. The present law was first enacted in 1960.

    In practice, both countries have widely deployed the ISA to quash political opposition.

     
     
     

    Operation Spectrum was launched in 1987 by Singapore’s Internal Security Department (ISD) using its Internal Security Act (ISA). The security operation saw 22 young Roman Catholic church and social activists and professionals detained, without trial, under the internal security law, accused of being members of a dangerous Marxist conspiracy bent on subverting the PAP-ruled government by force, and replacing it with a Marxist state.

     
     
     
    source: wikipedia

     

  6. chi chi

    “Bakit kailangan itago ni Esperon sa kadiliman ang kanyang ginagawa”?
    Evil works best in the dark!

  7. There is a warning in the Scriptures in fact about some secret combination being of the devil. The military apparently is one!

  8. Dominique Dominique

    Have charges been filed against Col. Querubin and company? I dpn’t think there have been. So why are they punished now as if they have been found guilty?

    Esperon’s action shows a minion desperately preventing the downfall of his master. Because he knows that if Gloria falls, Querubin and company will really give to him.

  9. Thanks, Ellen.

    That was my thought too. Can’t trust the misfits in government today. Besides, they are also terrorists to my mind.

  10. Arroyo undermines whatever noteworthy undertaking.

    Even without the anti-terror the military and police authorities can cripple terrorist activities if they really want to. But with a tainted leader, there’s not much that they can do.

  11. Mrivera Mrivera

    dominique, esperon is over reacting. wala kasing bayag kaya ganun na lamang ang takot niya sakaling wala sa detention ang grupo nina general lim at colonel querubin. wala siyang kayang gawin kundi gamitin ang kapangyarihan ng apat na estrelya niya sa balikat. pero paghandaan niya ang oras na wala na siya sa poder pati na ang ninang niyang maligno, ipapakain sa kanya ang lahat ng pang-aabusong ginawa niya at sa pagdating ng sandaling iyon, maiisip niyang lahat ang kanyang mga gawang gahaman.

  12. artsee artsee

    Major Rivera (Mrivera), hindi ganoon ka grabe noong Martial Law ni Marcos. Itanong niyo sa mga nakulong. Mismong si Kong. Satur Ocampo umamin na di hamak na mas mabait si Marcos kesa dito kay tiyanak,

    Hindi natin alam kung anong nangyayari at ginagawa sa mga nakakulong na sundalo. Siguro puro pananakot at brainwashing ang ginagawa sa kanila. Sa napakaraming nakulong, ilan lang ang bumaligtad? At ang mga ito ay bumigay dahil sa sobrang pressure sa kanila at sa kanilang mga pamilya.

  13. Mrivera Mrivera

    artsee, sa panahon ngayon, ang ginagawa ng mga nakapaligid kay gloria ay parang paglilinis ng kanilang landas upang wala nang kokontra sakaling maipatupad nila ang chacha. asal berdugo sila lalo na ang punong asong si asoperon sa tulong ni romeo tolentino na kilalang kilala ko rin kung ano’ng uri ng pagkatao dahil matagal ko ring nakasama sa jolo mula 1970’s and late part of 80’s.

    parang iniisip nilang dalawa (asoperon at tolentino) na magiging habangbuhay na sila sa posisyon kapag nasupil nila ang mga kontra sa amo nilang buruka.

  14. nelbar nelbar

    Mrivera,

    Nai-feature kamakailan sa GMA TV News(24-oras) ang “Game of the Generals”. Naipakita duon sina Esperon (laki pala ng tiyan nito) at si Toletino na sumali sa pagbilisan at pagalingan ng pag-punglo.

     

    Ano kaya ang gagawin nila ngayong nagbaba na ng irrevocable resignation ang Defense Secretary?

  15. Mrivera Mrivera

    nakatingala sa kisame at naghihintay ng malalaglag na butiki, ano pa? kulang sa bait sa pagsunod sa aleng baliktad ang nguso at gilagid. biruin nga ba namang mawalan ng isang henyo ang national defense?

    siyanga pala, parehong katipunero ang mga ‘yan, takot sila kay gabriela silang. nakuha n’yo?

    paanong hindi lolobo ang bundat na si asoperon, daming nilamong pera nung siya pa ang task force commander sa mindanao.

  16. npongco npongco

    We don’t need to ask who would replace Cruz at DND. GMA will make sure it’s her man who is on her side on all issues including Cha-Cha. Cruz made the right and smart decision. Like Bush whose allies are now deserting him, this is also the trend in Malacanang.

  17. Mrivera Mrivera

    nelbar, ano’ng pag-punglo? pagbaril ba? kung pagbaril, sharpshooter si general tolentino being a former member of first infantry division shooting team in 1970’s and 80’s. ewan ko lang si asoperon. baka gamit niya de sabog na four barrelled specially designed for a crook like him.

  18. jose miguel jose miguel

    Reviewing the list of military detainees, I see The GMA puppet government of America is purging the AFP of quality officers. These officers are the ones they detected to have the capability to respond to the call of revival of Filipino nationalism started and suceeded during our spanish era, continued but was crushed by the Americans. One U.S. congressman came to the Philippines during that bloody Filipino American War and commented how the war ended and victoriously for America that there was nobody anymore to fight because there was nobody anymore! He was referring to between 250000 to 900000 Filipinos having died in that war. Filipinos did not succeed in their resistance against American invasion because of the aforementiond figure. Those who resisted or those who have the potential to resist have already been neutralized. America has continued to control our country thru puppet governments including that of GMA today. Those detected to have resisted or to have potential to resist this government have already been resisted. The same strategy is being used today. Those who have resisted or those who have the potential to resist but have not been detected must continue to be not detected. But they must continue, they must link up and they must synthesize and synergize. A concept can be worked out from: 1)how nationalistic people of France, Israel, Finland, Japan and Vietnam developed themselves as a nation; 2)How Andres Bonifacio, Gen Malvar, Gen Luna, Gen Artemio Ricarte, Claro M. Recto, Renato Constantino, Maj Jason Aquino, Capt Nicanor Faeldon etc. conceive the development of Filipinas; 3)The concept of Pilipinismo. A link up must be established to consolidate and coordinate reources effectively.

Leave a Reply