Nakakahanga itong si Chairman Purification Quisumbing ng Commission on Human Rights.
Ipinamukha ni Quisumbing sa Melo Commission kung ano talaga sila: tuta ng Malacañang.
Sa panahon ngayon na lahat ay sumisipsip o takot sa Malacañang, nanindigan si Quisumbing at ibinasura and subpoena ng Melo Commission para siya ay humarap sa kanilang imbestigasyon sa napakaraming extra-judicial killings o pagpapatay na hindi dumaan sa hustisya sa ilalim ng administrasyon ni Arroyo.