Skip to content

Ang kapangyarihan ni Arroyo

Malaking kahihiyan dapat para kay Gloria Arroyo ang mapasama sa listahan ng most powerful o pinakamakapangyarihan samantalang ang milyung-milyong Pilipino ay powerless sa kanilang kahirapan.

Para bang isang taong nagpatayo ng palasyo sa gitna ng squatter area.

Malaki sa dinadanas na kahirapan ng mga Filipino ngayon ay dahil na rin kay Arroyo na ginagamit ang kapangyarihan sa pansariling interes sa halip na sa kapakanan ng taumbayan.

Sa pinakahuling listahan ng Forbes magazine, isang business publication sa Amerika, nasa number 45 si Arroyo. Noong isang taon nasa no. 4 siya.

Sinabi rin mismo ng magazine noong isang taon, na ang kapangyarihan ay minsan parang hangin lang na dumadaan. Katulad sa dating Indonesia president na si Megawati Sukarno. Nasa listahan siya, tapos bilang nawala ng matanggal siya sa kapangyarihan.

Hindi malayo mangyari yun kay Gloria Arroyo.

Sabi naman ni Florry, palaging bisita sa aking blog, dapat number one si Arroyo. Kaya lang ibang listahan:

“Sa line-up ko dapat siya ang No. One. Ang aking mga criteria:
Sino sa lineup na yan ang may power na ma-kapag-utos sa mga generals, mga election officials na mandaya ng election para sa kanya? Si Merkel? Walang ibabatbat yan sa kaniya.

”Sino sa lineup na yan ang may power at malakas magnakaw sa kaban ng bayan?Wwala sila sa leaque niya.

”Sino sa lineup na yan ang tatalo sa kaniyang famous Smirk? Wala silang hugis ng kaniyang mukha at nguso.

”Sino sa lineup na yan ang tatalo sa kaniya sa pag sabi ng mga lies without batting an eyelash and look at you straight and direct, mata sa mata? Wala silang matang katulad niya.

”Sino sa lineup na yan ang tatalo sa kawalang hiyaan, manhid na kahit na ayaw na at pinapaalis na mga tao kapit tuko pa rin sa puwesto? Walang may kasingkapal ng mukha niya?

”Sino sa lineup na yan ang tatalo sa ginawang garapalang pagnakaw ng election at pagkatapos mag-I’m sorry sasabihin pang she won fair & square? Si Aling Glue lang yon. “

Published inWeb Links

22 Comments

  1. norpil norpil

    agree ako sa criteria ni florry at pati na sa no.1 nominee.

  2. luzviminda luzviminda

    In other words… GLORIA ARROYO IS THE WORST OF THEM ALL!!!OR THE WORSTEST!!! ( Kung pwede noh!)PWE! NAKAKASUKA NA TALAGA SI KAPALMUKS!!!

  3. Luzviminda:

    Read the notation in the description of Ale Boba. Kundi ba naman boba, bakit nagpasalamat sa Forbes Magazine e ang sagwa ng sinabi tungkol sa kaniya na sinabing powerful siya kasi nangagaling ang lakas niya sa kurakot for which the Filipinos are clamoring that she be subjected to an impeachment that she would not allow to happen.

    Tama ka, kapalmuks na walang kapareho! Pinaka!

  4. Katangi-tangi at nag-iisa ngang di hamak itong pangulo ng kasamaan na napunta sa may Malacanang at ninais na siya rin ay mapaupo sa luklukan ng kapangyarihan.

    OO at masarap ang hangin sa itaas, ngunit darating [at sigurado yan!] ang panahon na ang lahat ng daan na tatahakin ng isang nasa itaas ay papuntang pababa. Wala na kasing ibang daanan kundi iyon!

    Sige at mag-enjoy ka, magpakasawa ka sa lahat ng bagay.
    Tandaan, lahat ng bagay, may katapusan sa mundo!

    ALIS DYAN!

  5. I agree with florry. Forbes is wrong to drop Arroyo out of the top ten.

    politicaljunkie.blogspot.com/2006/02/pwedeng-mangyari-ito.html

  6. Mrivera Mrivera

    taipan88,

    nakarating na si glue sa tuktok at pagbaba niya, ang daraanan ay yun ding kanyang tinapakan sa pagpunta sa itaas at habang siya ay nasa itaas. dun masarap ang lagapak nya dahil habang bumubulusok sya pababa, may kasama pang tadyak at sipa!

    di nga ba’t sinabi ni Jesus Christ sa pangangaral sa kanyang mga apostoles, ang nauuna ay mahuhuli at ang nahuhuli ay mauuna?

  7. thepurplephoenix thepurplephoenix

    mabuti pa ang forbes na-recognize na bumababa ang power ni glueria arroyo. ang majority congressmen hindi pa. tsk. tsk.

  8. Chabeli Chabeli

    If BULOK had a face, it would be GLORIA’s!!! Aside, of course, from being the face of a CHEATER, a LIAR and a THIEF!!!!

    La Mentirosa (the liar woman) is so OUT OF IT! Does she actually believes that she has CREDIBILITY and ADMIRATION? Pobresita!

    As far as I’m concerned, she’s finished. SHE IS MERELY A HAS-BEEN CLINGING ON TO POWER LIKE HER FELLOW-TRAPOS! It’s over except for the burial.

  9. Ellen, that’s a good analogy, about the guni-guni fake imagining herself as queen who built a castle in the midst of the squatters! Pero hindi na nahiya! Pinawili kasi!

    I was watching the Erap movie and there was that portion when she had to be coached even that she was going to serve only as an acting president even when Davide, et al proved that Erap committed plunder then and even now. Then, there was also the portion where she was congratulating herself and thanking those who helped her toppled a legitimate government and really proud of it even when in more civilized and progressive societies where they follow strictly the rule of law such would be considered sedition that is punishable by death and/or imprisonment.

    Ang tindi! Kapalmuks talaga! Puro “f’s” pala iyan kung magsalita, ‘no?

  10. Mrivera Mrivera

    ystakei, di nga ba parang mga rhinoceros ang hitsura ng karakas ng bruhang hunghang na ‘yan tapos ang kutis kasing kunat ng balat ng elepante. kaya hindi nakakaramdam kahit konting hiya. sunugin man yan, kahit blue torch, hindi malalapnos, sayang lang ang gas.

  11. sarmierb sarmierb

    I also agree with Florry. I don’t know the criteria used by the Forbes Magazine in choosing the 100 powerful women. Whatever they are, power means money or position. In other words, whoever has much money or holding a high position has power. GMA has both. She can buy people votes, the military, the legislators or anybody who can help achieve her political goal. She uses her position to influence banks, world leaders, etc. A Bible verse states that “yung nagpapakataas ay ibinababa at yung nagpapakababa ay itinataas.” She is definitely going down.

  12. florry florry

    Ellen,
    Thanks for reprinting my comments in your column in Abante.

  13. I am told by a foreign correspondent in Tokyo that it is not the US that is helping the Ale Boba. It is the Chinese! They are also the ones giving her money to be paid by Filipino taxpayers of this and the future generations of Filipinos, but never to be kept in a bank in the Philippines. This is probably also how she is able to stash money overseas even under fictitious names. Magaling ang pinoy diyan in fact!

    BTW, Erap’s movie is now available for downloading in full in bittorrent file in all the filesharing websites like bittorent.com, etc. The movie is available in DVD file ready for burning in DVD’s. It is about 2.5GB in size. This will make it difficult for the Ale Boba and her many thieves to stop distribution of this movie even for free.

    Sorry for the bad language but tangna talaga ang porma ng magnanakaw na ito. Akala mo kaniya ang Pilipinas at atsoy at atsay niya ang lahat ng mga pilipino!

    PATALSIKIN NA, NOW NA!

  14. norpil norpil

    talagang makapangyarihan si gma. si alan yata ang patatalsikin niya.

  15. Mrivera Mrivera

    ngayon ako naniniwala sa sinabi ni rizal, “ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” ang problema lang at masaklap, nakakatakot, kapag ang bata ay lumaki, nakatapos ng mataas na pinag-aralan, napaluklok sa kapangyarihan, napasama (o nag-asawa) sa pusakal, tapos ka bayan ko sa dusa’t hirap lugmok ka’t gapang!!! huthot pa!!!

  16. Norpil:

    Baka maghalo ang balat sa tinalupan! Para ka namang bago ng bago sa mga Boba. The only way they can have Alan removed is to assassinate him. To remove him is abuse. The request must come from the people who voted for him, not the husband of a bogus president who does not even have a portfolio. Otherwise, talagang rebolusyon na ang hinahanap nila. Right now, tahimik palang ang mga taumbayan! If you really love the Philippine race, I think you should have more faith in what the Filipinos can do when they have come to their teethers!

  17. norpil norpil

    i cannot underestimate the power of gma. she is becoming more and more powerful as in the impeachment.she might even be able to remove the senate.maybe i donot have enough faith as in the bible but i always have hope.

  18. nelbar nelbar

    norphil:
     

    Nabanggit ni Teddy Locsin noong nakaraang araw sa ANC na sinabi ni FVR sa Council of State meeting noong January: “only popular people will get elected”.
     

    Ibig sabihin ba nito na ang pagkakahalal nila Kiko, Lito Lapid, Bong Revilla, Jinggoy at iba pa sa Senado ay hindi makabubuti sa bansa?
    Kaya isa ito sa mga dahilan kung bakit i-a-abolish ang Senado at magiging Parliament tayo?

    Diba ang slogan ni Flavier na “Let’s DOH It!” ay popular at mula sa hanay ng LAKAS-CMD?

  19. norpil norpil

    nelbar: ang gusto ko lang sabihin sa last posting ko ay kung maghatol ang supreme court na mag chacha ay maaaring mawala ang senado lalo na kung ang magiging klase ng botohan ay pagsasamahin ang senado at house of representatives sa iisang botohan.mas marami ang member ng house of representatives kaysa senado at alam naman natin na nabili na ni gma ang mga representante liban na lang sa 32 na lumaban.sabi nga ni npongco na galing naman sa malaya ay kung ano ang ginawa ng ama ay nagawa na ng anak pero ang nakakatakot ay ang mga hindi nagawa ng ama na maaring magawa ng anak.. pero ako sabi ko sa kabila ng lahat ay may hope o pag asa na mawawala din ang anak tulad ng ama.

Leave a Reply