Skip to content

320 Comments

  1. myrna myrna

    Ellen,

    Bakit hindi gawin o bigyang pansin ng mga nasa oposisyon yung iminumungkahi ni Conrado de Quiros. Pirma brigade din, SNAP (Say No to A Peke) Gloria.

    Siguro naman, marami rin pipirma niyan, at kung ibabase sa survey results na karamihan ayaw kay Bansot, bakit hindi gawin?

    Siguradong mas marami ang pipirma.

  2. Takot pa rin si gloria sa eraption na maaaring mangyari, dahil na rin sa sobrang kabahuan ng gobyerno niya,talagang melo amoy at puro kapalparan sila.

  3. manuelbuencamino manuelbuencamino

    Akala ko excessive obscenity, lewdness and violence lang ang basis ng x-rating.

    Did the MTRCB find the last part of Erap’s docu to contain all those elements? Of course.

    Because it shows Gloria screwing the public in an obscene and violent manner.

  4. artsee artsee

    Ang Erap factor ay naging X factor. Aminin man nila o hindi, napakalaki pa rin ang papel ni Erap sa hinaharap ng bansa. At siyempre, ang pagpapatuloy ni tiyanak sa kapangyarihan ay nakasalaylay din sa mangyayari kay Erap.

    Huwag magkamali tuluyang gawin X rated ang Erap documentary at siguradong lalo siyang sisikat. Noon, pilit na i-ban ang pelikula ni Marcos “Iginuhit ng Tadhana” kaya nanalo uli si Marcos sa election.

    May kinalaman kaya ang Maton ng Ilocos Sur sa documentary ni Erap?

  5. Mrivera Mrivera

    artsee,

    kung may kinalaman si sabit tsingtong, sigurado ako may kinalaman din sina ignacio punyeta, michael dependot, eduardo termite-a, gabriel bakulawdio at mga siraulong gonzalezes at ang master mind si san miguel dorobo.

  6. Chabeli Chabeli

    Some have said that Gloria is the “best recruiter of the NPA”.

    Because of the X-rating given on Erap’s docu, the MTRCB is the BEST PROMOTER of “Ang Mabuhay Para sa Masa.”

    Sabi nga ng abogado ni Erap that the former President’s website has been visited by more than 14 MILLION visitors! If its all about numbers, talong-talo si Gloria! At least hindi mga bayad yung bumisita sa website ni Erap!

  7. artsee artsee

    Kung may election ngayon at magharap sina Erap at tiyanak, siguradong lampaso itong tiyanak.

  8. norpil norpil

    giving an x only make this popular for the adult population since an x means for adults only.

  9. Ang MTRCB ay ginagawa lang ang trabaho nito, di ba? Pero mukhang di sila marunong at di karapat-dapat sa kanilang posisyon.

    Kung hindi nila ma-explain nang maayos ang kanilang desisyon ng pagbigay ng “X” rating sa pelikula/documentary ni Erap, eh dapat siguro patalsikin na rin sila. Malamang siguro sasabihin nila na bakit kami? sumusunod lang naman kami sa utos mula sa palasyo!

  10. Kung ang Singaw ng Bangaw ay pinayagan nilang magpalabas ng bastos na Choo-Choo commercial, dapat ay payagan din nila maipalabas yang docu ni Erap for the sake of fairness. Yung ngang kababuyang mga palabas ng Malakanyang at ng mga malaswang kongresista ay ipinalalabas din sa telebisyon, bakit ayaw nila ito i-censor?

  11. Baligtad ang epekto ng pag-rate nila ng XXX sa docu ni ERRap.

    Personally, I am no ERRap fan, but banning that would make the people more curious…Just look at Da Vinci Code. Banned sa Manila kaya dumayo sa karatig siyudad ang mga tao.

    TAKOT si gloria na makita ang kanyang ka-ek-ekan sa docu.
    This morning I viewed part 4 only, and I find gloria’s admission very, very incrimination!

    gloria must be gulping more Brandy becoz of that website!
    nginig sa takot?

    Bwahahahaha!!!!

  12. I remember reading somewhere that ferdinand marcos’ battlecry/slogan… against incumbent diosdado macapagal was:

    “ALIS D’YAN!”

    Maybe, it’s about time people make a repeat of that lines to the daughter of Cong. dado:

    gloria, ALIS D’YAN!

  13. Re Manuel’s “Because it shows Gloria screwing the public in an obscene and violent manner.”

    How so unmissionary of her!

  14. Golly, pati ba Movie Associations, pinakikialaman na ni Bakyang Bansot? Tarantada talaga ano? Takot na takot sa charisma ni Erap kasi wala siya niyon.

    I foresee a tragic end for this ambitious woman. It reminds me of the time someone tried to assassinate Imelda out of hatred for her. Pilipino pa? Ang damit run amok!

    Whatever, I pray that God will end the miseries of Filipinos soon. Kasi pati kami sa Japan, minomolestya ng mga animal na iyan sa totoo lang. Every month may ipinapadala dito si Pandak para mamalimos sa Japanese government ng perang ipangsusuhol niya. This is not tsismis. It is a fact. Tinatanong nga ako ng mga kaibigan ko sa media. May binabanggit pang binibiling property daw dito—nothing to do with the Philppine patrimonies! Sariling properties daw! Abangan ang pagkalkal ng mga hapon ng sekretong ito!

  15. Taipan88, “Alis Diyan!” ang slogan ng campaign ni Marcos noon 1966 or was it 1965. Sukang-suka na kasi ang mga pilipino sa tatay ni Pandak noon. Iyon ang tunay na umpisa ng paghihirap ng mga pilipino at nabaon sa utang ang mga pinoy. Kasi inaasahan na ipambayad ang pangakong reparations payment ng Japan na pinakamalaki ang tatanggapin ng Pilipinas because of Uncle Sam. Ubos ang kaban sa totoo lang! Kaya nga bakit hindi marunong madala ang mga tao sa bayang sinilangan? Iyan ba ay kabobohan o katangahan o takot lang!

  16. Thanks Ellen for the lead. Puede bang malaman kung saan masusulatan ang distributor ng movie ni Erap na iyan. We can reproduce it here, kung gusto nila. Iyong Garci tapes, ipinamumudmod namin pa rin dito. I have also provided a Japanese translation for concerned Japanese who are helping Filipinos through NGOs there.

  17. Toney Cuevas Toney Cuevas

    Another prime example of Gloria’s communistic regime. Democracy and free expression has been in trouble ever since Super Maid Gloria grabbed power and raped the Constitution along with her corrupt followers. Surely, Bogus Gloria doesn’t want the real truth to resurface. And it has been a game for Gloria in covering up her trails of crimes against the people. Until, we the people, start pulling together as one, Gloria will not stop, ever. Fake Gloria is insane with power and she doesn’t care about the welfare of the Pilipinos and the law of the land. Again, Gloria must be force out. It’s the only way we can get our country back and regain the international respect. We can’t wait for overseas to hand us back our govt.

    President Estrada still the legitimate president of the Philippines. What I don’t understand to why President Estrada isn’t more active in claiming his right given to him by the majority of the people. He should stop playing safe and start making loud noises in reclaiming his place in Malacanang, even if it’s costly.

  18. Toney Cuevas Toney Cuevas

    If no other legal recourse in accordance to the law of the land, revolution is the only answer. Liar Gloria has been taking away our rights as citizen of the country. Time to end it. Gloria must vacate our house, the sooner the better.

  19. Mrivera Mrivera

    since this lady on a ten inch pole entered the malacanan palace together with his buteteng husband, nawala na ang justice and freedom sa bansa natin. dami ngayon sa mga nag-akalang siya na ang pinakamagaling na lider ang crying in the rain dahil sa pagkaka-wrong nila. magsisi man sila, they still have their share of guilt.

  20. soleil soleil

    myrna..i like ur suggestion..starting up a SNAP campaign..then we will see who signs with real live people and not those who are long dead or not even here in the country…MTRCB are jst puppets what can we do..and so are the other govt agencies…wala akong itulak kabigin….puro naman nasa EO 646 ang mga tinamaan ng lintek d b..magtataka pa ba kayo…the EK decides with a thumbs up or a thumbs down kung sasagot ang mga boylets at baul-lets..for all we knw why Da Vinci Code was banned in Manila baka maerong may ari ng sinehan na kalaban or ka-competensya..while in the areas na pinalabas ay may mga tongressman na makikinabang kasi sa cut kaya pinalabas..alam nyo naman, everything is possible ONLY IN DA PILIPINS!!!

  21. Yuko, it’s Erap’s group who produced the movie. Please check in their website if there’s an email address.

  22. Emilio_OFW Emilio_OFW

    Ang makakapanood lamang ng x-rated film ni Erap ay ang mga Pilipinong mayroong access sa internet.

    Dahil nga sa desisyon ng taga-MTRCB na hindi ipalabas for public consumption ang nasabing documentary film ay isang controbersya na naman ang kinasuungan ng pamahalaan ni Pandak.

    Nakikita nila na ito ay tatangkilikin ng masang Pilipino at isa ito sa lalong magpapaalab sa kinikimkim na galit dito sa kasalukuyang sistema ng gobyerno.

    A POWDER KEG THAT IS SET TO EXPLODE!

  23. artsee artsee

    Kung hindi lang bawal at masama ang “voyeuring”, nagpakuha na sana ako ng secret video gamit ang spy cam sa mga romantic moments nina Batsoy Mike at Vicky Toh…pati na sina Gloria at Nani Perez noon (akala niyo ba beso-beso lang?). Iyan ang tunay na X rated.

    Lalo lang sumisikat si Erap sa kanilang ginagawa. Hindi kikilos ng ganoon ang MTRCB kung walang order mula sa Malacanang. Pero nag-backfire na naman. Nakatulong pa nga ito kay Erap.

    May tanong kung bakit hindi pinipilit ni Erap na kunin uli ang kanyang puwesto sa Malacanang…Paano magagawa niya eh nakakulong pa siya? At sa tutoo lang, parang wala nang gana at interest na bumalik. Malapit nang mag-70. Hindi na siya malusog at malakas. Mas gusto pa niyang manahimik na lang at maging adviser. Isa lang naman ang hangad niya: Linisin ang kanyang pangalan. Ang pinakamaganda pa rin ay Snap Election. Kaya lang siguradong ayaw ni tiyanak.

  24. fencesitter fencesitter

    i could care less on mtrcb’s rating on the erap documentary. it nothing but a mere political propaganda to sanitize his name, prop-up the chances of his allies getting elected in the next election and if they become successful in stuffing the lower house or senate with political animals sympathetic to him and his family, then it is easy to prevent any further public discussion of questionable deals he himself had authored and done in his brief stay in office.

    have we ever thought why the marcoses fight to the teeth every step of the way all the ill-gotten cases against them? the reason is simple. they need more time to manipulate their cases. putting friends in elective positions also take time. after a short while filipino people forget so easily. meanwhile, documentary evidences against these cases are stolen in pcgg’s vault one by one. when all damning evidence against them are gone, then it would be easy to win these cases hands down. the second, third, fourth marcos generation can still claim inheritance over a vast wealth when the most opportune time comes.

    no need to hurry. even if the family do not have access to billions of dollars of wealth amassed, the marcoses can still live luxuriously and in style. imelda can still staged a party and regularly treat her friends to an evening of dining and wining in five-star hotels.

    erap himself put the country’s economy in reverse and should be held answerable for that. the philippine stock exchange nearly went bankrupt because of his freewheeling and dealing in stock market where he earned hundred millions of money in stock manipulations in which he himself and his favorite crony dante tan were directly involved. the biggest corporate take-over happening during his time and facilitated by a friend he fondly called “financial wizard” earned him billions share in the form of commission. erap was the one who compelled sss and gsis to invest heavily in equitable-pci bank to boost epcib shares so he can unload millions of his shareholdings and earn hefty profits. these two institutions whose funds came from the hard-earned money of lowly working class both in the government and private sector are cash-strapped because of heavily losses in an investment doomed to fail from the very start. now sss and gsis members will have to wait longer for a twenty thousand salary loan because there is no more money left in the vault for their needs.

    the kamag-anak incorporatted during cory’s time, the centennial scandal and the pea-amari deal during ramos time are rarely discussed or never mentioned in any political discussion now.

    we, as a people, indeed have short memory. now we are preoccupied and more rabidly obsessed with the sitting president. gma could care less too. the many sins she and her family committed while in office can easily be forgotten and sweep under the rug when after she left office, people will be very busy lynching and crucifying the next sitting president in malacañang who, i am sure, like his predecessors, will be busy helping himself making money. this is the very reason why we could not put good political leaders because we have not developed or mastered the skills of scrutinizing candidates character and preventing or depriving the unfit of any opportunity to get an elective political seat just to screw us up later.

  25. artsee artsee

    fencesitter, dapat itawag sa iyo benchwarmer. Hindi ito name calling ha? Tama naman ang mga binanggit mo sa lahat na mga presidenteng nangurakot. Sino ba ang malinis? Ang tanong ay kung meroon din naitulong sa mga tao at mamamayan.
    Unahin natin si Marcos: Sa loob ng 20 taon, marami din siyang accomplishment at naitulong. Ang mga naiwan niyang magagandang projects ay binasura ni Cory. Isa na dito ang Bataan Nuclear Plant. May vision si Marcos dito. Alam niya na magkakaroon ng energy crisis at tutoo nga ngayon. Kung naipagpatuloy iyon, nakinabang na sana tayo. Pero hindi…sinayang ni Cory ang Planta at patuloy na binabayaran ang utang. Sa interest na lang milion isang araw. Sino na ngayon ang sisisihin?

    Si Erap naman, siya mismo ang aamin na hindi siya Santo. Nang kauupo pa lang niya bilang mayor ng San Juan, tinawag at tinipon niya ang mga gambling lords sa bayan ng San Juan. Nakipag-compromise siya basta sa ikabubuti ng mga taga-San Juan. At nagtagumpay siya. Ganyan din sana ang gagawin niya sa jueteng. Ang gagamitin niya iyon bang 2-ball. Eh kaso sakim ang mga tulad ni Singson dahil mawawalan ng dilehensiya. Iyan ang umpisa ng kanilang away.

    Kung minsan kasi, kailangan pikit mata na lang sa isang bagay na hindi maganda basta sa ikabubuti ng karamihan. Pero itong gobyerno ni tiyanak, puro kabig na lang…puro pasok at walang labas. Kaya mas masahol pa sa lahat na nakaraang pangulo itong kasalukuyan. May accomplishment ba siya? May naitulong ba siya? Kahit man lang kaunti sa mga ninakaw ng kanyang pamilya maibalik lang sa mga tao…wala.

  26. MALINAW lang ang alam ko:

    Cory may be not be the typical politician, but at least, she was the catalyst who speeded up change from dictatorship to normalization of government at that time.
    People that surrounded Cory may have dipped their fingers in hot moolah, but Cory was never corrupt. At least, give that respect to the Lady.

    In-between presidents? They were never clean, even if they want to project a good image….

    gloria is different. She is the spitome of corruption herself! Not only is she corrupt: she is the biggest Pinoy liar of all times! > a congenital liar

  27. Thanks, Ellen. Just sent an email to Erap on the video tape. One of our activities in fact is to educate Filipinos in Japan politically, and I have arranged for videos to be shown once every month. It for that reason that I bought a projector, etc.

    As for our Aug. 21 meeting, we opted for the meeting only at our venue because of tight schedules of the participants. Nagkasabay-sabay kasi ang concerns because of the Israel-Lebanon war. We did not go on with the street demo but had a peaceful rally at a park. We’re joining a big one though next Saturday to fight all inhumanities in the world today.

    We are touching on the rape of the Filipina likewise by US marines stationed in Japan to get Japanese support in case Gonggongzales continues protecting those soldiers than his own compatriot. I hope our contact in Singapore will get hold of me again because I need to coordinate with her when the opportune time comes. I am translating the documents in their website for the Japanese to know what this issue is all about. It is also one reason why I have been having a lot of sleepless nights. I need to translate documents from English/Tagalog to Japanese. Natambakan ako! Fortunately, natapos ko na rin ang bookkeeping ko and I am just waiting for my accountant to give me the bill for tax payment today as a matter of fact. Will send you pictures of our meeting with captions for your reference.

    We are thinking of coordinating with all Filipino groups all over the world for a worldwide protest against the Pandak one of these days. At least, the coordination will be better I hope with the fastness of communication via Internet now. I’m on fibric optics now and it is fast. I have bought HDs too to store big files.

    I’m actually using money for my cosmetics buying all the paraphernalia we need for our movement like projector, editorial tools for editing video files, etc. I can now actually make my own DVDs. I’ll give you one that we are preparing in fact for distribution to all friends around the world on the political killings in the Philippines.

    We have provided a crude copy in fact to the AI Japan Chapter. They are video files gathered by Japanese members of the Friends of the Earth, etc. Iyan din kasi ang kulang sa mga pilipino. Walang gamit kaya walang maipakita. Fortunately, we have Japanese friends long involved in this kind of advocacy that we are getting lots of help from them. We also learn from their good examples as a matter of fact like no more chat-chat, just do it. No time likewise for sulking as a matter of fact.

    Our motto here is, you’re welcome any time basta kaya mo. Otherwise, huwag kang magreklamo! Or better, mabulok ka na lang sa bahay mo! Mahirap kasing isama ang mga alanganin. Kailangang buo ang loob na sumama. Otherwise, sira ang grupo!

  28. artsee artsee

    Taipan, hindi man corrupt si Cory pero ang kapatid niyang si Peping ay garapal. Si Peping ang ulo ng Kamag-anak Inc. Si Peping din ang gumamit kay matandang Cong. De Guzman na naging fall guy sa gun smuggling. Kawawang matanda…nakulong at namatay salo ang kasalanan ni Peping. Alangan naman hindi alam ni Cory? Bakit hindi niya pinigilan ang corruption ni Peping? Puwede din ganyan ang palusot ng mga tagapagtanggol ni Gloria sasabihin si Batsoy Mike naman ang corrupt hindi si Gloria. Ganyan din ang mga tagahanga ni Marcos sasabihin si Imelda ang corrupt. Kaya taipan, hindi ligtas si Cory diyan. May alam siya at kinunsintidi niya.

  29. goldenlion goldenlion

    Pati MTRCB may virus na rin ni Bansot. Imagine!??Documentary film about ERAP’s life X-rated??? Kung hindi ba naman kagaguhan na iyan. Wala iyang ipinag-iba sa pelikula ni Faye Dunaway noon about the life of Evita Peron. Banned dito sa Pinas kasi ayaw ni Imelda Marcos ipalabas dahil pareho sila ni Evita. Paano ba naman parehong-pareho sina Evita at Imelda.

    Gusto ng MTRCB alisin iyong part na inagaw ni bansot ang position ni Erap. Hindi ba nila alam na iyon ang climax ng story?? Palibhasa mga sinungaling, mandaraya at magnanakaw ang mga nasa malacanang, gusto nila pati documentary film ay dayain. Baka nga may kinalaman doon si Sabit Tingson, kaya hindi pinayagan. Siyempre si Sabit at Bansot ay magkabagang!!! Pasasaan ba’t matatapos din ang kanilang mga kademonyohan! Hindi nila matatakasan ang parusa ng tadhana. Tamang panahon lang ang hinihintay.

    Infanta tragedy, flashfloods, volcano eruptions, oil spills, plus 2004 cheating, hello garci, joc-joc’s affairs, palparan’s human rights violations…….name it…bansot is the mastermind. To hell with them!!!

  30. artsee artsee

    Cool ka lang goldenlion at baka ma-high blood ka tulad ko. Baka maging silverlion ka.

    Kaya gustong i-ban ang buong Erap documentary dahil nga lang sa portion na inagaw ang puwesto niya. Dahil hindi puwedeng putulin, pinutol na lang ang buong video.

    Bakit hindi na lang sila gumawa ng video documentary din ni tiyanak? Wala bang artista ang gustong gumanap na Gloria? Gusto niya kunin niya si Jolina Magdangal basta malaki ang bayad. Hindi puwede si Kris dahil bukod sa maputi si Kris, di papayag ang nanay Cory.

  31. nelbar nelbar

    artsee,

    Sa palagay mo kaya gagawa rin ng sariling pelikula itong si GMA kasama ang kanyang pamilya, manugang at mga apo?
    Sigurado ako na si Lupita na naman ang gagawa nito.

    Si Eddie Gil may pelikula na rin ba?Ang pagkaka-alam ko ay may peluka sya 🙂

  32. luzviminda luzviminda

    Si Fencesitter hindi yata updated. Ang mga inaakusa kay Erap ay kanyang hinarap and i believe he has defended his case successfully based on the evidences presented. And the only way he will be convicted is if the court will NOT exercise Fair Justice. And it is but natural na si Gloria-Makapal-Arroyo ang binubusisisi sa kanyang kabulastugan sa pagnanakaw sa kaban ng bayan dahil totoo namang may nakikitang mga pandarambong! Huminto na yata ang wisyo ni Fencesitter! HOY GISING!!!!!!!

  33. Mrivera Mrivera

    time out muna! Luz, fence. may balita ako sa inyo. nakahanap na ako ng prodyuser na gagawa ng pelikula ni glue de cementado. and of course, kasama din ang loving dyowa niya si mike butete. big budgeted ito kaya lang nag-aalala ang produ dahil baka daw sobrang mataas ang singil ni glue sa life and love story niya. ang gaganap na glue hulaan nyo?
    si mahal!! ang mike butete? si jimmy santos!!!

    abangan ang susunod na kurakutan!!!!

  34. artsee artsee

    Luz, hindi natin maalis sa marami pati na ang ilan dito na maka-Cory, anti-Marcos at anti-Erap. Kung pro-GMA nga may nakalusot dito. Hindi nga updated si Fencesitter kasi laging nakaupo sa bakod. Walang mangyayari kung hindi gumalaw. Walang kaso laban kay Erap. Matagal na sanang acquitted iyan kaya lang talagang inipit para hindi makalaya. Isipin niyo kung mapawalang-sala ng maaga…paano na si tiyanak? Di kailangan niyang ibalik ang trono kay Erap? Ganyan din si Cory kahit alam niyang walang kinalaman si Marcos sa pagkamatay ni Ninoy. Gaya ng JFK murder, mananatiling unsolved ang Ninoy case upang mapangalagaan ang Edsa Uno. Kung noon pa lumabas na si Marcos ay walang kasalanan, di napilitan bumaba sa pagkapangulo si Cory. Halos pareho ang situation nina Cory at Gloria. Eto ang nakikita kong scenario: Kapag nagtagumpay ang Cha-cha at naging Parliament na tayo, saka nila palalayain si Erap. Ano pa ang magagawa ni Erap wala nang presidential form of government? Get niyo ba?

  35. nelbar nelbar

    tama ka artsee! kailangan talaga na makulong si erap kahit na walang kasalanan, dahil magiging balakid ang masang pilipino sa kagustuhan ng mga mayayaman, elitista at naghaharing uri(o ruling class).
    Gaya ng mga sinabi noon ni jorgee at npongco dito sa blog ni ellen, kung nasaan ang interes ng central intelligence agency(CIA) ay nandun din ang mayayaman, elitista at ang ruling class.

    Samantalang itong simbahan ay wala talaga sa kapakanan ng sambayanan ang ipinaglalaban nila kundi para sa Vatican.

    At ito namang AFP, nakakapagtaka na “swift and decisive” ang kanilang pag-aksyon laban sa pamumuno ni Erap samantalang kitang-kita naman noong 1998-2001 na mas gusto ng nakararaming mga Pilipino si Erap.
    Kitang-kita rin kung papaano tinatarantado ng mga pwersa ng nagpabagsak kay erap ang tinatawag nilang “rule of law”.

    Sa madaling salita, ang tinaguriang pambansang kapakapan dito sa bansang Pilipinas ay hindi talaga para sa nakararaming sambayanan.

    Ang ano mang papabor sa negosyo(business) at economic interest ng mga mayayaman, elitista at ruling class ay siyang matatawag nating STRATEGIC INTEREST OF THE NATION.

    Isang pagpapakitang tao at kaplastikan (o masahol pa sa orocan o tupperware) ang pagbabandera na ang Pilipinas ay isang ganap na malaya, samantalang ang ruling class dito ay nagsisilbi parin sa kapakanan ng mga bansang sumakop sa atin.

    Hindi na siguro iba sa inyo ang grupo na tinutukoy ko na patuloy pa rin nakikipagsabwatan sa dayuhan at ito ang mga COMPRADOR at TRAITOR CLASS.

  36. artsee artsee

    nelbar, ang mga grupong nagpabagsak kay Erap ay mga grupo din nagpabagsak kay Marcos. Dito lang ay malinaw na kung sino ang nasa likod ng mga iyan. Ang ilan sa mga grupo nito ang nag-iingay ngayon laban kay tiyanak. Bakit? Dahil ba hindi sila binigyan ng kendi at pinartehan ng tinapay ni tiyanak pag-upo niya?

  37. nelbar nelbar

    artsee,

    ang tinutukoy mo ba ay ang grupo ni Cory, Tito Guingona, Rene De Villa, Hyatt 11 at Evil Society?

    Itong huling binanggit ko na “EVIL SOCIETY” ay medyo hindi na ginagamit ngayon ng mga peryodistang kontra Gloria. Bakit kaya?May envelope na naman bang involve?

    Nagtataka nga ako noong bago bumagsak itong si Erap ay madali o maikling panahon lang ang ginugol ng mga kontra-Erap na mga manunulat.
    Samantalang ngayon ay mahabang panahon na ang ginugugol kung ikukumpara noon sa panahon ng mga kumontra kay Cory.

  38. artsee artsee

    Buti naitanong mo nelbar…tahimik ngayon ang Evil Society dahil may lihim na kasunduan. Kahit kailan naman wala akong tiwala sa mga etlistang iyan. Kahit na ang grupo ni Cory. Mga oportunista lahat iyan. Madali ang pagbagsak kay Erap dahil pag-upo pa lang niya may plano na. Etong tiyanak mas mahirap dahil balak pa lang alam na ng Malacanang. Kalat ng mga spies ni tiyanak. Kahit sa opposition ay may spies. Sa Senado na lang, hindi ka ba nagdududa kay Angara at Enrile?

  39. fencesitter fencesitter

    luzviminda Says:
    “Si Fencesitter hindi yata updated. Ang mga inaakusa kay Erap ay kanyang hinarap and i believe he has defended his case successfully based on the evidences presented. And the only way he will be convicted is if the court will NOT exercise Fair Justice. And it is but natural na si Gloria-Makapal-Arroyo ang binubusisisi sa kanyang kabulastugan sa pagnanakaw sa kaban ng bayan dahil totoo namang may nakikitang mga pandarambong! Huminto na yata ang wisyo ni Fencesitter! HOY GISING!!!!!!!”

    and you honestly believe with all your heart that Erap did not screw up the country? or any president for that matter? if an ordinary barangay captain can be so power hungry in his own small domain how much more a more powerful president?

    where were you luzviminda when Erap admitted in an interview with Pia Hontiveros on strictly politics that indeed the P200M money deposited in the account of the Muslim Youth Foundation was jueting money. one thing lamentable though is that his conspirator, chavit singson, was spared because the same successor government that replaced is no better than the predecessor. singson is safe in the meantime, but it will be last that long. he will soon be dumped like hot potato when the purpose for which he was used by the present government had been served.

    and have your ever invested your hard-earned money in the stock exchange and lost everything because your Idol manipulated it to allow share prices of his stock holdings rise sky high so he can unload his shareholdings in BW and EPCIB and rake in oodles and oodles of money in his bank account. i practically lost all my hard-earned savings in stocks investment where i thought i can help perk-up our dying economy. so i know what i am talking about.

    how about the $50M commission in a corporate take-over of metro pacific with pldt. do you know who get the lion share of it? come on luzviminda, you got to read some more.

  40. norpil norpil

    di ko maintindihan ang iba dito dahil parang ipinagtatanggol pa ang mga wala na, na sa madalit sabi ay tumakbo o namatay na. lahat naman sila ay hindi malilinis at mayroon pang iba na itinuturo ang mga taong malapit sa mga eks president na ito na wala na sa puesto. i agree with fencesitter na wala pang nag presidente na malinis dahil na rin sa atin.. kung maaalis si gma at ang kanyang mga kasama, ang unang dapat gawin ay kuhanin lahat ng pag aari ng mga nakaraang leaders. sa mga iyan kailangan ang special powers, wala ng democratic rights ang mga iyan dahil inabuso nila ang puesto nila.

  41. Just because Gloria Arroyo is evil doesn’t mean that Estrada was an angel. I believe Erap really bungled the presidency. Many of the acusations against him were true. accepting jueteng money,manipulation of BW stocks,etc. etc. With advisers ba naman like Mark Jimenez, what do you expect. In fact, it was more of katangahan. He has a good heart but he was really intellectually inadequate for the presidency. kaya madali siyang lokohin.

    But still, I would have wanted him removed constitutionally. Yung legal lang ba. Marami namang evidence and in fairness to him he was not suppressing opposition to him, the way Arroyo is doing now.

    We are now paying a price of that constitutional shortcut that we have allowed gloria arroyo and the civil society to do.

  42. Ellen: “In fact, it was more of katangahan. he has a good heart but he was really intellectually inadequate for the presidency. kaya madali siyang lokohin.”

    I agree completely. And if I might add, KATAMARAN!

    The man was bone idle.

    “But still, I would have wanted him removed constitutionally.” I agree without any reservation.

    Shortcircuiting Erap’s constitutional rights as the duly elected president of the Philippines and as a Filipino was the gravest, most serious offence that Gloria and her bunch of high-powered scalawags committed against the nation.

    They toppled not just a sitting president but the Constitution as well.

  43. Chabeli Chabeli

    Ms. Ellen, I agree with your comments 200%, most especially when you say that ERAP should have been “removed constitutionally. Yung legal lang ba. Marami namang evidence and in fairness to him he was not suppressing opposition to him, the way Arroyo is doing now. We are now paying a price of that constitutional shortcut that we have allowed gloria arroyo and the civil society to do.” Being in EDSA 2, I wasn’t prepared for Gloria’s oath-taking…what I thought was things were still being “ironed out.” Yun pala, atat na atat na si Gloria! One of the lessons I have learned, is that doing things impulsively, or swiftly, does not bring out the best results…Sadly, the country is where it is today, and we, too, are to be blamed.

  44. artsee artsee

    Ate Ellen, sa mga komento niyo napansin kong anti-Marcos at anti-Erap kayo at ngayon naman anti-GMA. Hindi ba kayo anti-Cory? Ibig bang sabihin tinatanggap niyong mahusay si Cory? Ano ba ang ginawa niya sa loob ng anim na taong panunungkulan? Magdasal sa kumbento ng mga madre? Maki-tsika kay Cardinal Sin? Mag-mahjong kasama ang mga amiga niya sa Malacanang? Gantihan at ipitin ang mga kaaway sa pulitika lalo na ang mga konektado sa mga Marcos? Aabot ka sa 100% credibility kung sinama mo si Cory sa iyong kritisismo.

  45. Yup, Ellen, amenado naman si Erap sa jueteng. For me, his case boils down to bribery rather than plunder because I don’t see it plunder when he accepts bribe, accepting of which in fact is considered a very serious crime in Japan, but apparently not in the Philippines.

    Matapang si Erap na tumanggap because everybody accepts such bribe and no one can say, “Ikaw lang” or “Ako lang kaya anong masama?”

    Pathetic, isn’t it? I don’t see it OK even when he puts those funds for charity that I can testify he does, because I have worked with a nun whose brother, a priest, manages an institution financed by one of Erap’s foundations to teach outpatient of Tala Leprosarium to be self-sufficient and self-reliant. My group and I actually helped sell handicrafts they produced there until the said priest was suddenly transferred elsewhere through the manipulation of the Pandak and the institution is now run I am told by one of her cronies and earning big from the handicrafts being produced by the lowly paid outpatients na may kapansanan na nga pinapagtrabaho pang parang kalabaw!

    At least, umaamin si Erap ng kaniyang mali, di tulad ni Pandak na lantaran na and worse, nagsabi pa ng “I’m sorry” pero ayaw umamin sa kasalanang ginawa na mas matindi!

    Kawawang bansa.

  46. For those who want to see the Erap movie na walang putol, I have recommended to Erap’s web team to have it uploaded in one of those bittorrent sites. There is no restriction there. Wala namang pornography iyon. On the other hand, I find the movie censorship in the Philippines odd. Even the Harry Potter movie has been oddly rated as a matter of fact for violence kuno e mas grabe naman di hamak ang mga violence sa Pilipinas kumpara sa ibang lugar. In other words, sobrang hypocrite!!!

  47. Artsee, you said, “Ate Ellen, sa mga komento niyo napansin kong anti-Marcos at anti-Erap kayo at ngayon naman anti-GMA. ”

    Artsee, I’m for truth and justice. If in upholding those two basic and important values make me anti- whoever it is, then so be it. But I’m not particular about personalities. I’m more concerned about issues.

  48. artsee artsee

    Pasensiya na po Ate Ellen sa opinion ko. Marami kasing taga-suporta ni Tiyanak na ngayon ay nagsisisi at marami diyan dati din pro-Cory. Idinudugtong ko lang ang mga nakaraan. Sa panahon ngayon, hindi na malaman kung ano at sinong tunay. Mabuti kung issues ang pinag-uusapan. Kadalasan personalities at may grupo…

  49. nelbar nelbar

    “tahimik ngayon ang Evil Society dahil may lihim na kasunduan. Kahit kailan naman wala akong tiwala sa mga etlistang iyan. Kahit na ang grupo ni Cory. Mga oportunista lahat iyan. Madali ang pagbagsak kay Erap dahil pag-upo pa lang niya may plano na. Etong tiyanak mas mahirap dahil balak pa lang alam na ng Malacanang. Kalat ng mga spies ni tiyanak. Kahit sa opposition ay may spies. Sa Senado na lang, hindi ka ba nagdududa kay Angara at Enrile?” -~artsee

     
    sa pananaw ko lang artsee, itong si JPE ay parang “quarterback ng status quo”. Iyong tinutukoy ko ay sa football?
    Samantalang itong si Edong naman ay wala pa akong maipaghahambingan dahil hindi naman significant ang role nya sa history ng philippine politics bukod sa pagiging ACCRA lawyer at role nya sa Senado.

  50. nelbar nelbar

    Anna,

    Nandito ka na pala? Sana maipost mo dito ang English Translation ng speech ni Lionel Jospin noong nakaraang linggo.
    Gusto ko kasi ang mga tipo ng expression ng speech na Mr.Jospin, iyon bang mukhang galit at seryoso.

    Dito kasi sa Pinas, ang mga speech ng mga lawmakers, halata at kitang-kita ang pambobola.

     

    Uyyy, syangapala, …napanood ko sa BBC News kanina ang speech ni Vicente Fox.

    KAHANGA HANGA ANG GINAWA NG MGA MEXICAN LEGISLATOR NA NAIPAKITA SA CABLE NEWS.

    Democratic Revolutionary Party (PRD) ng MEXICO MABUHAY KAYO!!!

  51. norpil norpil

    good ellen. stick to issues. maiba ako, ano ba ang ideology mo. left, right, center, left of center, right of center, green, nationalista, liberal. kung issues lang kasi, reactionary ang labas, kung may ideology involved ay parang mas active.

  52. artsee artsee

    Tinamaan mo ang target, norpil. Ano ba ang issues para kay Ate Ellen? Mas maganda sana kung ipaalam niya sa atin ang kanyang tunay na position. Moderate ba siya? Makakaliwa ba siya tulad ng maraming journalists at pulitiko ngayon na supporters ni Cory noon? Pro-US ba siya? Naniniwala ba siya kay Erap? Ano ang nagtulak sa kanya para labanan niya si tiyanak? Natanong ko ito dahil tulad ni Randy David na isa ding Kapampangang balimbing, dating pro-Cory iyan at anti-Erap. Noong una, puro papuri kay tiyanak iyan at tirada kay Erap. Ngayon, pro-Erap na rin at anti-GMA.

  53. Nelbar:

    Rest assured that the evil society you are talking about is not silent. Some of them, balik na sa fold ni Pandak, but a lot are definitely into a mea culpa trying to rally people like you and me to their new agenda. Iyong isa nga pinatawad ko na as a matter of fact just to show the Internet Brigaders that reconciliation and unification of Filipinos are not impossible.

    Maghintay ka na lang ng kaya nilang gawin kung hindi ka makikipagtulungan sa kanila at sa mga Opposition. Mahirap ang dada lang sa totoo lang. Kailangan ang mas careful planning sa totoo lang, with or without the help of Uncle Sam. I would prefer an entirely Philippine initiative on this than something done with the blessing of the former masters of the Filipinos.

  54. artsee artsee

    Careful planning? Hanggang kailan ang planning? Puro planning na lang ba? Ang kailangan ngayon ACTION. Oo huwag puro dada pero nasaan ang action? May plano nga palpak naman. Mali at kulang sa planning.

Leave a Reply