Sana sa panibagong security measures na ginagawa sa mga airport, hindi nila papayagan mag-handcarry ng cellphone. Dapat naka check-in.
Kasi maraminng matigas na ulo na Pilipinong pasahero. Kahit sinasabi ng nakaka-gulo ng communication lines ng eroplano ang paggamit ng cellphone habang nasa loob ng eroplano, gamit pa rin ng gamit ng cellphone kahit ang pinag-uusapan naman ay hindi importante.
Dahil sa nadiskubre ng mga British authorities ng panibagong plano ng mga terorista ng pagpapasabog ng sampung eroplano noong Huwebes, mas istrikto ngayon ang biyahe lalo na sa eroplano.
Kaya noong Huwebes, maraming flights ang kinansela sa Heathrow Airport sa London, lalo na ang papuntang Amerika.
Ang mas istrikto na patakaran sa airport ay pinapa-iiral ngayon sa buong mundo, kasama na na rin sa Ninoy Aquino International Airport dito sa Pilipinas pati na rin sa domestic airport.
Bawal na ngayon magdala ng mga liguid katulad ng tubig inumin, shampoo, gel, suntan, lotion at toothpaste.
Nadiskubre kasi ng mga British authorities na maaring I-smuggle ang ingredients ng paggawa ng bomba sa pamamagitan ng liquid. Pwede nilang i-handcarry. Kapag na sa ere na, doon nila iti-timplahin at pasasabugin ang eroplano.
Pwede namang magdala ng mga liquid items. I-check in lang. Kapag may kasamang sanggol na nanganga-ilangan ng gatas, kailangan ipatikman sa nakakatanda na kasama ng sanggol.
Ang pagdala ng liquid ay dagdag sa mga bawal na handcarried items. Ang mga dati pang pinagbabawal ay battery, fluorescent, baril, kutsilyo. Yan lang ang maala-ala ko ngayon.
Bawal na rin ngayon ang mga computer, Ipod, cellfone at kung ano pang bagay na may remote control. Kailangan naka-check in ang mga bagay na ito.
Kasi nga naman, isang isang laptop computer ay maaring magkalaman sa loob ng buong bomba.Maari ring gamitin ang mga cellphone para pang-switch on ng timer ng bomba.
Marami raw kabataan ang nagre-reklamo sa pagbawal ng I-pod kung saan nakikinig sila ng music.
Sa akin nakakabuti yan. Marami kasi sa mga kabataan ngayon ay maka-sarili. Basta nakikinig sila sa kanilang I-pod, wala silang paki-alam sa mundo. Mabuti yan para mabigyan sila ng pagkakataon na pansinin ang kanilang kapaligiran at kapwa tao.
Mahirap rin ang pagbabawal ng cellphone dahil malaking tulong ang hawak mo ang iyong cell-phone habang hinihintay ang iyong flight. Sobra dalawang oras din yun.
Kaya lang, sa akin mabuti naman yun kasi marami akong nakikitang matigas ang ulo na Pilipinong pasahero. Kahit pinagbabawal ang pagbukas ng cellphone habang nasa-ere pa ang eroplano dahil na apektuhan ang linya ng komunikasyon ng mga piloto, marami pa rin ang lumalabag.
Dati naman walang cellphone, nabubuhay naman tayo. Ano ba naman ang ilang oras na walang cellphone. Kung yun naman ay kapalit ng kaligtasan ng nakakarami.
It’s really a matter of discipline and self-discipline plus the desire to abide by the rule. You bet, Ellen, bakit kaya ang karamihan sa mga pilipino ay hindi makasunod sa patakaran, at sa katigasan ng mga ulo ay napapahamak iyon mga gustong madisiplina>
Dito, isang napansin ko ay hindi gumagana ang mga telepono sa loob ng eroplano o sa mga restricted areas. Palagay ko may usapan na ang mga autoridad dito sa mga telephone company na ganoon ang gawin para hindi magamit ng mga matitigas ang ulo ang kanilang mga telepono sa mga ganoong lugar.
Sa isang banda, ang mga cellphone naman ay nakakatulong din kung may mga hijacking na nangyayari gaya ng isang incident dito na nangyari mga sampung taon na ang nakakalipas. Isang sira ang ulo ang nag-hijack ng isang domestic flight dito na patungong Sapporo. Bago pa noon ang mga cellphone, at ilan sa mga pasahero ay mga artista na may dala-dalang cellphone. Ang uso pa nga noon ay pocketbell pa lang. Nakatulong ang pagsumbong nila sa mga autoridad ng nangyayari sa eroplano kaya nalamang isang tao lang ang suspect. Nakagawa ng paraan ang mga pulis na makaakyat sa eroplano na hindi namamalayan ng suspect, at nasabihan ang mga pasaherong huwag mabahala at ginagawa ng mga pulis ang kanilang tungkulin. Sa maikling salita, nakatulong iyong cellphone sa pag-solve ng hijacking na iyon. Ang maganda nga lang sa Hapon ay karamihan ng mga mamamayan ay masunurin at ayaw nilang sila lang ang naiiba kaya walang sira ang ulo na magmamalaki pang lalabag sa mga nakapaskel sa mga dingding na bawal halimbawang umihi kahit na saang may pader maliban na nga lang kung may sakit sa ulo o sakit sa bato! 😛
Isa pang nakakasuya sa Pilipinas sa totoo lang ay iyong mga immigration and customs officers na nagtetelepono sa oras ng trabaho. Dito iyan masasabon agad iyan!
Alam mo sa prison dito, bawal ang cellphone. Ipinapalagay sa amin sa labas ng inner gate ang aming mga cellphone sa mga lockers hanggang sa umuwi kami kapag may trabaho kami doon. Ang higpit pati sa mga civilian staff, lalo na sa mga nakakulong! Pero magtataka ka sa mga pilipino, mas gustong nakakulong sila kesa umuwi lalo na yata iyong wala nang uuwian doon! Nakakahabag, di ba?
You are right Yuko. Pwede naman magdala ng cellphone as handcarried items. But the moment you step into the plane’s door, dapat off na yan.
Ngunit marami talaga ang akala mo mamamatay kapag hindi makagamit ng cellphone sa lugar na bawal.
may nakasabay ako noon on a return flight from Singapore.Camera man ng ABS-CBN. Preparing for landing pa lang, tumatawag na sa susundo sa kanya. nang sinabihan ng katabi niya, galit pa.
Ang Tutuo, puede naman iblock and signal ng cell, pareho sa hospital, bawal din yon. Nag iiterfer rin yon sa manga Equiptment, kaya puede naman tumawag sa pay phone at kung emergency free call naman yon. Dati sa Pearson International Airport Terminal wala rin signal, ngayon puede na, allowed naman sa personal carry ang cell at laptop,pero pag announced nang airline staff na off, off talaga yon, at i announced naman nila kong puede na e On ang laptop at mp-3. kaya pagsinunod lang naman ang pabala, walang problema. i think my tagalog is slightly better than my english. right?
Here’s the feeback I got from our departing and arriving passengers at the airport.
Many caught by this sudden strict prohibition of handcarrying liquids and drinks had to leave or throw away these items. Many arriving passengers from abroad brought imported wines. Why should they be included in this ban when they have already arrived and landed? We can understand those who are leaving and about to board the plane; but not those who arrive. This is stupid and robbery. Those expensive imported ones intended as gifts for the passengers’ relatives and friends end up in the hands of the airport custom and police personnel. Do you think they would throw these away? How are they to dipose these imported wines and liquor? Either they bring these home or sell these. The authorities must now look at this matter seriously.
Sorry for the above wrong spelling: feedback, items (not ones), dispose. My hands were shaking in anger when I was writing. Some Filipinos are really good in taking advantage of a tragic or serious incident. That’s why they are among the most distrusted government workers in the world.
Don’t worry Npongco, those imported wines will settle in the hands of the queen of enchanted kingdom…bansot needs them for her daily feeds!!! May pulutan siya, liver spread!!!