Itong tula ay gawa ni Bienvenido Lumbera, National Artist .
Binasa niya ito sa rally sa labas ng Batasan Pambansa habang ginu-glorya ni Gloria Arroyo ang taumbayan na pinalakpakan naman ng mga tsonggo sa Kongreso.
Tunay na National Artist si Bien dahil dama niya ang naramdaman ng taumbayan at hindi siya nangingiming ilabas sa pamamagitan ng kanyang pagsusulat. Siya ay isa sa mga nagsampa ng panglawang impeachment complaint laban kay Arroyo.
Babala sa tuko
Noon nabosesan ka na namin.
Ngayon narito ka na naman para magsinungaling.
Binulgar ng Garci Tape ang iyong krimen –
Batas ng Diyos, batas ng tao dadapurakin,
Taong-gobyerno gagamitin,
Pondo ng bayan lulustayin,
Boto ni FPJ dadambungin,
Basta pagka-Pangulo tuloy-tuloy maangkin.
Dahil nabulgar na, ikaw mismo ang umamin,
Sa TV, nag-astang biktima, nagsori ang salarin.
Ay! pabalat-bungang paumanhin,
Binola-bolang pagsisinungaling,
Panis na pisbol kung baga ang hain
Sa bayang akala mo’y madaling linlangin.
Hanggang ngayon pinekeng totoo,
Inilalako pa rin, pero
Hindi mo na mabibilog ang aming ulo.
Pondo sa abono, pondo ng OFW,
Kurakot sa jueteng, pagbusal sa testigo,
Suhol sa konggresista, pati na sa obispo,
Pagkulong, pagpaslang sa tapat na tao,
Nakatalang lahat ang mga krimen mo.
Hayan, kinalawang tuloy ang bakal na sikmura mo,
Ang pagsisinungaling kasi may bagsik ng asido,
Kinakain ang bituka ng Pangulong
Pumipeke sa totoo.
Sa plasa, sa mall, sa mga barangay at baryo,
Pinagbabaga ang bayan ng mga kasinungalingan mo.
Isang araw, kasabay ng dilim at bagyo,
Sasabog na bulkan ang poot ng tao,
Kumukulong apoy at putik lalamon sa trono
Ng nagsasatukong pekeng Pangulo.
Galing ito sa www.arkibongbayan.org.
Ellen, is there any way the above could be translated to English? I’m sorry I must admit I’m rather weak in Tagalog.
BABALA SA MGA GAGAMBA
Kayong mga gagamba sa Palasyo,
Kahit anong gawin at sibihin niyo,
Sinungaling, pangbibilog ng ulo,
Si Juan ay di niyo maloloko.
Tama na, sobra na…
HOY, ANG BAYAN AY DI TROMPO!
Npongco,
The English translation could not capture the jab and the sting that are best expressed in Tagalog but here is the sense in English. Note:this is not a translation.
Babala sa tuko (warning to the lizard)
We heard you before and here you are again with your lies
The garci tape exposed your crime
The Divine law and laws of men to be trampled upon
Government men to be used
Public funds to be mis-used
FPJ’s votes to be hijacked
Just to capture the presidency
Beause it was exposed, you, yourself, admitted
On TV, acted the victim,the criminal apologized
a hypocritical apology
A pack of lies
Like serving spoiled fishball
you thought the nation could easily be fooled
Up to now, the fake is still being sold to us
You can’t fools ua anymore
Fertilizer fund, OFW fund
Jueteng anomalies,silencing witnesses
Bribing congressmen and bishops
Jailing ang killing the trustworthy
Your crime is being liste
There, your iron stomach has been infected with rust
Because lying is a strong acid
that eats on the instestines of a President
that fakes the truth
At the plaza, at the mall, in the brangays and in the barrio
The country is being inflamed by your lies
One day, when darkness and storm descends
The people’s fury will explode
Fire and lava will engulf the throne of
a fake president that clings like a lizard
Salawikain sa tagalog ang ” kapit tuko”, mahirap puknatin katulad ni Glue-ria.
E-mail galing kay Manny de la Cruz:
Tama ka kaibigan, lahat ng nakalahad sa tula ay pawang mga katotohanang naganap, nagaganap at gaganapin.
Pagsabog ng bulkan sa puso ng taong-bayan dun nila mararamdaman ang tunay init ng lava.
Mabuhay tayong lahat….bayan.
Paging MIDGET and her DOGS… Huwag kayong kukurap.. Isang pagkakamali lang…. TAPOS LAHAT ANG KAWALANGHIYAAN NYO!
This only proves that pen is mightier than the sword.
Kahit na anong kalapastanganan pa ang ibinibigay ni Pandak sa taong bayan ang lahat ng iyan ay babalik sa kanya at kanyang mga alipores.
Mabuhay kayong mga manunulat at palaging mag-ingat at magmanman sa mga kalaban. Lalo na ikaw Ms. Ellen, ikaw sa pamamagitan ng iyong blogsite ay nailalabas namin ang aming mga sintemiento.
Alitaptap:
I’ll be needing your expertise again in writing a song for our rally to launch the Amnesty International campaign versus the political killing in the Philippines.
This time, we have a bigger crowd since we now have 20 Filipino organizations in our coalition of enlightened Filipinos: left, right and in between, but we are definitely ALL law-abiding citizens of the Philippines and Japan, where even the communists are recognized as human beings up to prove his worth to his country and fellow human beings unlike in the Philippines where they label everybody opposing the Pandak at leftist and all unpalatable names that should have been attached instead to the wannabe criminal and the crooks supporting her!!!
OK na OK iyong ginawa mo noon para sa February demo namin! Maraming napapatingin sa amin. Pinalakpakan pa nga kami ng mga sympathizers when I translated it into Japanese and we sang both versions!
Sa totoo lang, nahirapan ako nang magturo ako ng Tagalog sa isang pamantasan dito. Napagtanto ko kung papaano binabastos ng mga pilipino ang pambansang wika nila lalo na ng isang titser na haponesa ay ituro ang mga salitang kanto sa mga mag-aaral naming hapon.
If Israel and the US are partners in crime, I think we have also two around here. These guys never stop, Ellen. They are sadistic. Instead of advising another to refrain from making side comments, this one seems to be encouraging him. Can we not conduct this blog in a more decent and professional manner? The behavior of two or a few reflects the whole group. If this unecessary comments are allowed to continue, I regret to say “silence” doesn’t speak well of this blog and why this was created.
Forgot to add na pinag-aralan kong mabuti na magsalita ng wasto sa wikang pambansa, at kung maaari lamang ay hindi ako magsasalita ng parang hinalong kalamay gaya ng nakakabuwisit na pagsasalita ng mga society girls daw sa Manila na pinaghalong ingles at tagalog na kay sasama naman ng accent gaya ni Pandak!
Ellen, just to let you know that as I write this note, I have been getting warnings from my browser that it is being monitored or being spied at!!!
One’s writing and choice of words tell who he is. If one has a clean conscience and doesn’t think or write evil of another, he doesn’t need to be paranoid.
Sa totoo lang
Sa totoo lang, Zenzennai, we are looking for groups in Shizuoka to spearhead this campaign there. Meron na sa Nagoya, Osaka, Fukuoka at Hokkaido. Kailangan namin diyan sa Shizuoka lalo na’t maraming Nikkeijin diyan na niraraket ng mga recruiter.
Get in touch with me kung kailangan ninyo ng tulong ko dahil iyan ang nilalakad namin ngayon sa pulis na ipahinto ang recruitment ng mga Nikkeijin na pinagsasamantalahan ng mga yakuza.
You may get hold of me through Ellen or if you know Benny, kay Benny.
You’re right there, Ellen, mahirap magtranslate lalo na kung punung-puno ng damdamin ang isinusulat ng isang makatang tulad ni G. Lumbera. Bakit hindi mo sabihan iyong mga hindi nakakaintindi ng Tagalog na mag-aral sila ng Tagalog para malaman nila ang ibig sabihin ni G. Lumbera. Kung tayo nga nag-aaral ng ingles at iba’t ibang wika, bakit hindi natin hikayatin ang ibang taong mag-aral rin sila ng Tagalog lalo na iyong mga intsik sa Pilipinas halimbawa na gusto pa nila sila ang hari sa bansa ng mga pilipino!!!
Sa university namin at least meron kaming about 15 students a year sa aming Pilipino class. Mahigpit akong guro lalo na sa tamang bigkas ng tagalog. Magandang pagkakataon at natuto ako mismong ng tamang pananalita ng tagalog. Medyo “perfectionist” kasi ako kahit na ano pa sa mga wika na kaya kong gamitin at ipahiwatig ang aking damdamin.
English ko nahasa sa America at UK, Spanish ko nahasa sa pakikipag-usap sa mga latinang nahuhuli ng mga pulis dito sa Hapon, French ko pinag-aralan ko sa ilalim ng isang katutubo ng Pransya, wikang Ilocano natutunan ko sa nanay ko, wikang hapon ay pinag-aralan ko noon pang nasa mababang paaralan ako, at ang wikang Tagalog ay siyang unang wikang natutunan ko!!! Kung ano ang paborito ko diyan, sasabihin ko ay kung ano talaga ang nagsisiwalat ng tunay na damdamin ko!!!
May nagtanong sa akin kung anong wika ang ginagamit ko sa panaginip ko. Ang sagot ko ay depende sa kung sino ang kausap ko sa panaginip ko!!! 😉
As those concerned may have noticed, I deleted comments on personal jibes. Personal insults do not do anybody good and definitely it doesn’t promote healthy and constructive discussion.
Please let’s respect each other here. We don’t have to agree all the time (that would be boring) but let’s respect each other’s opinion.
Nobody has a monopoly of righteousness.
You bet, Ellen. Ang ganda pa naman ng tula ni Mr. Lumbera. I’m actually printing it out for distribution at our August 20 activity to launch the AI campaign against political killings in the Philippines and commemorate the death of Ninoy Aquino. Sana ito na ang umpisa ng wakas ng pekeng administrasyon na ito.
At least, with your blog, no one can say that the issues that need to be addressed properly are not forgotten. Puedeng batikosin ng tuloy-tuloy even as a reminder to those who are up to their necks with these issues gaya ni Senator Pimentel na mabuti naman ay hindi pinagtatankaang patayin ng mga binabatikos niya para sa mga taumbayan.
Ikaw din, ingat!
Oops, mali yata ang sinabi ko. Dapat ganito ang sinabi ko: At least, with your blog, no one can say that the issues that need to be addressed properly ARE FORGOTTEN kasi patuloy na binabatikos dito!!!
Thanks Ellen. You might have read my personal message requesting you to take a little action. It’s different to exchange opinions and even be strong about one’s opinion; but it’s another to ridicule someone’s handicap such as weakness in one particular language. Sadism has no place in a decent blog like this. Again, thank you for your prompt reminder. The persons concerned should have learned by now…I hope so.
Masaya din ang biruan hindi laging serioso at madaling mapikon. Diyan nga kung minsan nag-uumpisa ang pagkakaibigan. Ang problema lang kung puro pahaging at may pinatatamaan. Diyan nag-uumpisa ang away.
“Isang araw, kasabay ng dilim at bagyo,
Sasabog na bulkan ang poot ng tao,
Kumukulong apoy at putik lalamon sa trono
Ng nagsasatukong pekeng Pangulo.”
Ang galing ni Bien Lumbera!
ystakei:
Noong November 2004, isang beses na dumalo ako sa foreign policy round table discussion dito sa isang eskwelhan sa Quezon City, pagkatapos ng program ay naitanong ko sa moderator(formerly a diplomat from Europe) kung pwede na maging “lingua franca” ang tagalog sa South East Asia. Ang sagot nya sa akin ay hindi raw pwede!
Naitanong ko rin sa isang Professor ng Asian/Japan Sudies(hindi ko na babanggitin ang name) kung kilala ka nya? Sabi nya ay naririnig nya raw ang pangalan mo.
Duon sa nasabing roundtable discussion, naiprisinta ang papers ni Mr.Almonte na nagsasabing kailangan na palaganapin ang pagtatagalog.
Nakakahinayang nga lang at hindi nakadalo si Mr.Teodoro(mula sa media) sa nasabing pagpupulong.
Napakinggan ko rin ang inspirational message ni Mr.Carandang tungkol sa NATIONAL PRIDE.
Nakakaingganyo talaga ang mapabilang sa ganitong klaseng round table discussion.
Sana ay dumami pa ang mga ganitong klaseng pagpupulong at dumami pa sana ang mga FSO sa bansa natin!