Skip to content

Anomalya sa nursing schools

Noong isang linggo nag-resign ang lahat na miyembro ng Technical Committee in Nursing Education (TCNE) ng Commission on Higher Education dahil nadismaya sa pagpawalang halaga ng pamunuan ng CHED kalidad ng nursing education.

Sabi ng mga nag-bitiw, mas mahalaga raw para sa pamunuan ng CHED ang negosyo at pulitika.

Ito ang mga pangalan ng mga nag-resign na board members ng TCNE. Dapat suportahan natin sila dahil naninindigan sila sa kanilang prinsipyo at pinapahalagahan nila ang kapakanan ng bayan.

Sila ay sina Carmelita C. Divinagracia, dean ng University of the East- Ramon Magsaysay Medical Center College of Nursing; Remedios L. Fernandez ng Board of Nursing; Amelia Rosales, chief of nurses ng Makati Medical Center; Zylma Sanchez, dati sa Philippine Heart Center; Glenda Vargas, dean ng University of Santo Tomas College of Nursing; at Rita Tamse, deputy director for nursing ng Philippine Heart Center.

Sa kanilang resignation letter, sinabi ng anim na, “hindi kami sinusuportahan ng CHED commissioners at ng mga regional directors sa pagpapairal ng kalidad ng nursing education sa Pilipinas, na siyang pangunahing naming misyon.”

Sinabi pa nila na sa halip ang mga CHED commissioners at mga regional directors , “madaling ma-pressure sa ng ma negosyante at pulitiko at ito ay nagre-resulta sa pagbaba ng kalidad ng nursing education.”

Matamlay ang sagot ni chairman ng CED na si Carlito Puno. Sabi niya, “I deny that. Kami dito sa Comission ay nag-iingat.Hindi yung sugod ng sugod.”

Para na rin niyang inamin ang mga sinabi ng miyembro ng TCNE.

Nagkalat na ngayon ang nursing schools dahil sa maraming pangangailangan ng nurses sa abroad, hindi lamang para nurse kundi na rin caregiver. Ang pagiging nurse ang pinakamadaling paraan para mag-abroad. Di ba kahit mga doctor ngayon ay nagiging nurse na.

Problema lang marami na rin sa ating mga nursing schools ay diploma mill. Ibig sabihin nun raket. Wala namang natutunan ang mga nag-aaral.

Umaabot sa 460 ang nursing schools sa bansa. Mga 12 per cent ang masasabing magagaling at halos 90 per cent ng kanilang mga graduates ay nakakapasa sa licensing exam para sa mga nurses. Mataas na porsiyento, halos umaabot sa 40 per cent ng mga nursing schools ay palpak. Walang nakakapasa or zero sa kanilang mga graduates ang nakakapasa.

Kawawa ang mga magulang at estudyante na naloloko nitong mga eskwelahan. Magastos ang kursong nursing. At sayang ang oras ng estudyante na naglulukhan lang pala sa classroom.

Dahil sa hindi nakakapasa ang kanilang mga estudlyante sa board exams, ang nilalakad naman nitong ma may-ari ng mga fly-by-night na nursing schools ay ibaba ang passing scores.

Ang mangyayari diyan, magkaroon tayo ng maraming licensed nurses na hindi marunong sa trabaho at responsibilidad ng nurse. Hindi lang palpak ang mangyayari. Disaster! Isipin mo na lang sa mga operating rooms ng mga ospital. Magkakaroon ng mga nurse na hindi alam ang ginagawa. Patay ang pasyente. Patay na tayo lahat.

Gustong ipasara ng mga nag-resign na miyembro ang committee itong mga eskwelahan ngunit hindi umaaksyon ang mga commissioners. Siyempre negosyo. May kasama na ring pulitika.

Published inWeb Links

34 Comments

  1. Isagani Isagani

    kailangan pa ba nating sambiting kung ano ang dahilan ng kabulastugan na iyan? “Pare ko, kausapin mo naman si kongressman tong na makalusot tong nursing school na tinatayo ko. Hapi-hapi tayong lahat diyan!” Need I say more?

  2. Kailangan pa bang i-memorize yan?

    Matagal nang nangyayari ang ganyang kalakaran. Just look at the Principals in Public Elementary/High Schools:
    Parang “little kingdom” ika nga ang bawa’t paaralan.

    I know. I’ve had the chance to work under several Principals and my! How GANID these principals are! Even now, my friends say these principals do not stop.Walang naiba sa mga nasa itaas ng ating Bureaucracy. Lahat hahamigin, hangga’t maaari.I used to describe them as the PRINCIPAL suspects.

    RE: those nursing schools, politics ang dahilan.
    Under-the-table transactions are common IN ALL AREAS of the government. No exception! Maganda ang modelo nila eh! Marahil, isip ng tao, gawa ng nasa itaas eh, eh di puwede!

  3. Ellen,

    I am transcribing presently interviews with kids as young as 13 years old being lured to attend some Junior Caregiver Courses in the rural areas in particular for a documentary on this new alternative to the unemployment crisis that the Bansot cannot solve but try hard to make her image look good by making Filipino manpower its main export industry.

    It actually makes me sick especially when it is obvious that this is a scam for how do you teach these kids to be good caregivers with a six-month crash course in setting up beds, washing linens, etc. that are mainly in fact domestic chores and some basic lessons in Japanese, French and Arabic (daw) when it took me years in fact to perfect my Japanese that I started learning in fact when I was 11 or 12 years old and continued on until I could read newspapers and books in Japanese.

    Anong mga kataranduhan ang pinaggagawa ng mga ito? In Japan for instance, free and compulsory educatio is imposed till the 9th grade, and children below 18 cannot work in any establishment in Japan, and by 18, if they want to do part-time work, they have to go through the educational board to get a permit to work until they reach 20, which is the age of majority here. Tangna (excuse the language) itong administrasyon ni Pandak, ang iniisip hindi bigyan ng education ang mga pilipino kundi gamitin ang mga pilipino para isaksak sa ibang bansa para pangtustos sa mga kawalanghiyaan niya at ng mga kasama niyang kurakot!

    Human trafficking pa rin ang ginagawa nitong hayop na ito bakit iyan sinusuporta ng mga pare? Mabuti na lang, maingat din ang aming pamahalaan dito sa Japan at hindi basta-basta papayagang makapasok ang mga iyan sa Japan na hindi makakapasa sa national board na ibibigay sa wikang hapon. Imagine kung bigyan ng one-year visa ang mga iyan at hahawakan ng mga dating recruiter at promoter na kumukuha noong ng mga Japayuki, tapos kapag hindi kuno nagustuhan ang mga trabaho ay lilipat sa mga bar at club? Aba, problema na naman ang ibibigay sa mga NGO na katulad ng grupo namin na tumutulong para ma-stop ang human trafficking na ito.

    Biro mo mga musmos ang pinupuntirya ng mga ungas para madaling maloko! You should write on this anomaly before it is too late.

    May mga tongressmen na kasabwat sa recruitment na ito as a matter of fact, iyong mga dating tongressmen din na involve sa recruitment ng mga Japayuki noon. You may try contacting our contact in Manila na maraming alam tungkol sa bagong pakulong ito ni Bugaw Bansot na akala mo santa pero Mama-san pala. I’ll email to you the contact in Manila dahil mahirap na baka ipadukot siya ni Bugaw.

    I know a lot many of the staff of DoLE are also into this recruitment that is why they are so eager-beaver to push through this kind of human trafficking being promoted especially in the provinces. Parang recruitment ng mga Japayuki ang dating sa totoo lang isa na iyong binanatan ko noong special correspondent ako ng isang news agency diyan na alam kong malakas kay Bansot dahil kapareho niyang kapampangan!

    Like the Japayuki recruitment, they are now luring especially children whose parents cannot afford to send them even just to finish high school. Tuwa naman ang mga magulang na walang kamalay-malay na ito ay isang uri ng human trafficking dahil anong klaseng mga caregiver itong pinag-aaralan lang ay kung papaano maglaba ng mga kumot, tuwalya, kobre-kama, etc. na puede naman ituro sa isang araw. Ang labas ay domestic helping hindi caregiver! At bakit mga teen-ager ang pinupuntirya na kailangan pang magkaroon ng tamang edukasyon.

  4. nelbar nelbar

    alam mo ystakei, gustong gusto nga ng mga pari na yan na magkaroon ng human trafficking. para na rin silang nagkaroon ng mga misyonaryo na palaganapin ang “pinoy christian values”.
    mas pabor sa simbahang katoliko ang magpabuntis(kung babae man) o mambuntis(kung lalaki man) dahil pag uwi nyan(mga supling) dito sa Pinas eh mga “Pinoy” nationality pa rin ang pipiliin nila. ibig sabihin nito dadami at dadami pa rin ang mga “kristyanong pinoy” , lalago ang tagasunod ng mga mandaraya.
    speaking of caregiver, bakit hindi ang mga apo ni GMA ang turuan nya na mag caregiver?
    lumalabas tuloy na si GMA ay butler ng western powers!

  5. Nelbar:

    It’s none of my business what these lay missionaries are doing for example in Japan with credentials coming from the CBCP. I am told that the dioceses sponsoring them are obligated to give these missionaries 300,000 yen as monthly allowances. May mga additional collections pa ang mga iyan.

    In other words, kurakot din ang CBCP! In our church, our missionaries are on their own, and they don’t meddle in politics, only in missionary works.

    Speaking of siblings of these trafficked Filipinos, there are lots of them without nationalities because their parents ignore the provisions of the law that their children are Filipinos. Ang daming pinay dito trying to have their children recognized as Japanese at napapahiya ang mga batang ipinapakita sa TV para maka-stay sila sa Japan and work here to support not just themselves but also their families in the Philippines for a lot of them have children and families in the Philippines. Kaya takot iyong mga hapon na pakasalan sila!

  6. In other words, useless ang mga misyonaryong ito, at ang nagiging papel lang nila ay maging social activists. Lalong sira ang pangalan ng mga pilipino dito sa Japan.

    Worse is the fact that right now there are about 45 children of these illicit affairs now in police, court and prison custodies for committing crimes as a lot of them somehow get involved with the Yakuzas who prey on these kids and use them for their illegal activities. Iyan ang isa sa kinahihinatnan ng human trafficking program ni Bansot at ng DoLE. Lalong nakialam ang pamahalaan ng Pilipinas sa mga recruitment na ito, lalo lang gumulo lalo na’t kung ang ginagawa at layunin ay pagkakuwartahan o gatasan ang mga pilipinong ito.

    Wala na ba talagang katapusan sa mga kabalbalang ito?

  7. Dominique Dominique

    Yuko, kahindik-hindik naman yang tina-transcribe mo. 13 years old tini-train para magcaregiver. Promotion of slave labor yan.

  8. Armand Rubio Armand Rubio

    Ang mga nursing graduates na sinasabi dito na kulang sa kaalaman, pero nagkamit ng diploma, ay para lang makapunta sa ibang bansa. Pagdating duon, kung saan man, hindi naman sila makapagtra-trabaho as nurses. Hindi sila makakuha ng Lisensya without passing a very rigid examination. Kaya ba nila? Kaya ang patak niyan ay care giver din. Sa Pilipinas lang baka hindi pa sila makapasa sa Board exam, sa US pa kaya, for example.

  9. Spartan Spartan

    Nakakalungkot, pero dapat natin tanggapin at harapin ang “nakakahiyang katotohanan” pero hindi lamang sa “antas” ng kalidad sa mga “Nursing Schools” ang “napakababa na” diyan sa ating bansa. Ika nga, “tig-si-singko” na lang ang eskuwelahan na nagbibigay ng “Nursing Courses” diyan, nuong nakauwi ako last February this year, while driving around Metro Manila, I can’t help but notice, “nagsulputan nang parang kabute” ang mga “nursing skuls” na ito. Imagine, AMA Computer School, now is “offering” nursing degree…LOL…LOL…bigat ano po? Kaso, nga dahil sa “BULOK NA SISTEMA” ng ating mga NAMUMUNO lahat ng bagay na ito ay “hindi” nila “prayoridad”…ang kanilang tanging “iniisip” ay kung papano “makapag-iimbak” ng “limpak-limpak” na “salapi” na gagamitin nila sa darating na “HALALAN 2007”.

  10. Dominique:

    I’m having the interviews burned in a DVD for distribution to concerned NGOs both here and the Philippines so we can stop this kind of child slavery.

    They call it Junior Caregiver Course and with the sanction and authorization of the DoLE. It is attracting kids from 13 to 17 years old to attend this 6-month course on domestic helping as a matter of fact!

    May binibigay kuno na mga certificate and small IDs to prove that they have attended the caregiver course. Raket talaga!

  11. Oops, this should read: I’m having the interviews burned in DVD’s for distribution to concerned NGOs both here and the Philippines so we can stop this kind of child slavery.

    Interested parties may write for a copy of the DVD to sytakei@yahoo.com

  12. Armand,

    Papaanong papasa ang mga iyan na katulad nitong mga caregiver kuno na ang pinag-aaralan lang ay kung ano ang trabaho sa loob ng bahay gaya ng paglilinis, at paglalaba! Aba, e pinaganda lang ang pangalan pero ang talagang gusto ni Bansot ay isalpak sila sa ibang bansa bilang mga katulong! Kunyari pa raw may language training in Japanese, French at Arabic! Ang laking kabalbalan talaga ang ginagawa nitong bugaw na ito!

  13. jorgie jorgie

    Ano ba ang walang anomalya sa atin? Lahat na. Pati law exams at iba pa. Etong huling scandal ng nursing tiyak na makakarating ang balita sa US at ibang bansa kung saan in demand ang nurses at gusto ang mga galing Pinas. Pero ngayon, siguradong mag-iingat na sila. Mantakin niyong buhay ng pasyente ang nakataya. Lahat na lang peke…palibhasa ang kasalukuyang pangulo peke din!

  14. goldenlion goldenlion

    Dapat imbestigahan ng Congress ang mga anomalyang ito. Ayon sa inpormasyon na nakuha ko isang computer school, particulary STI, that offers nursing course ay walang doctor na nagtuturo. The reason students there are transferring to other schools. Sabi nga noong isang former student nila, ni hindi daw sila naturuan kung paano kumuha ng blood pressure sa pasyente.Ang subject na Anatomy ang nagtuturo ay Psychology graduate.

  15. That’s true, golden lion.Nauso na ngayon ang “flying deans”. Yung dean na maraming schools ang covered. Isang dean ay tatlo o apat ang schools na hawak. Kaya isang araw sa cebu siya. Bukas sa manila. What kind of supervision is she goig to give to the schools. It’s the life of human beings, not only Filipinos, that these people are playing with.

  16. nelbar nelbar

    goldenlion:

    more on STI ….
     
     

    STI inks pact with SM for its medical center project
    By Zinnia B. Dela Peña
    The Philippine Star 07/10/2006

     

    Computer technology school STI has signed an agreement with the SM Group to lease a space in Megamall for its planned medical and wellness center.

    STI president and chief executive officer Monico Jacob said the group is investing P100 million for the proposed health and wellness center which will be located in a 2,100 square meter space on the fourth or fifth floor of SM Megamall.

    Jacob said the center will provide medical services including diagnostics, lab services, and physical therapy.

    The move, he said, is part of the group’s plan to put up satellite clinics all over the country.

    STI recently ventured into healthcare services via the acquisition of the De Los Santos Medical Center, now named DLS-STI Medical Center.

    It plans to put up a Medical Arts Building and a state-of-the-art operating facility to add to the existing infrastructures of DLS-STI.

    Jacob said STI plans to acquire more hospitals to strengthen both its nursing program and the system assuring graduates of jobs.

    The buy-in is part of the company’s initiatives to strengthen a scheme which allows STI students to immediately land a job after graduation.

    STI has invested more than P100 million in its nursing program. Part of the amount was spent to hire accredited faculty and facilities for its nursing skills laboratories which are designed to stimulate the actual hospital setting in each STI campus offering the nursing program.

    Together with PHNS, STI recently acquired a majority stake in Summit Technologies Inc., a local medical transcription company. This is in line with its goal to capture a slice of the promising medical transcription services industry.

    Medical transcription refers to the conversion of the medical records dictated by health care professionals into typed documents. These records can be diagnosis, progress reports, chart notes, physicals, histories and even letters.

    PHNS is a medical transcription company operating in the United States.

     

    * * * * * * *

    From Manila Times:
     

     
    Friday, January 13, 2006

    STI ventures into call centers

    System Technology Institute (STI), an information technology school, is set to start a call-center business next month that will open jobs to its own graduates.

    “The idea really is to bring affordable education to the students and employment to the people,” Monico Jacob, STI chairman said.

    Jacob said that some 80 STI campuses, which operate as education and training institutions by day, will be transformed into call centers by night. Once established, these call centers are expected to create at least 4,000 seats.

    “We’re going to awaken those computers at night and use them to help secure employment for our students first and for the public in general. By February [we will start] in Makati [campus] and roll it out [nationwide] within the year,” Jacob said.

    A pilot call center will be established in the STI Makati College campus next month.

    Jacob said STI’s plan to open a call center business unit affirms the school’s confidence in the strength of the Philippines as a hub of the $100-billion global customer care operations.

    STI recently tied up with California-based solutions provider Five9 and John F. Kennedy (JFK) Center Foundation to provide world-class training to Filipino students wanting to work in contact/call centers. The long-term goal is to turn the Philippines into a global-customer care capital of the world next to India.

    Jacob said the support of Five9 and JFK puts STI in the best position to provide the infrastructure and human resources in developing the call-center business as a cottage industry in the provinces.

    Under the agreement, 80 centers will be put up in STI facilities, each with a minimum of 50 seats, with Five9 providing the technology and JFK the training of STI graduates prior to their employment as call center agents.

    The plan to open call centers, Monico said, is consistent with the school’s “enrollment-to-employment” vision, wherein students are fully prepared for actual working conditions to ensure their chances of getting hired.

    Plan to develop SME call centers

    Rigoberto Tiglao, Philippine ambassador to Greece and former Presidential Management Staff chief said the partnership was forged to develop 400 to 500 small to medium-sized call centers in the countryside that will generate an additional 88,000 jobs by 2008.

    The Jobs Generation Office, under the Office of the President, signed a memorandum of agreement with Five9, JFK Center Foundation-Philippines and STI to drive employment activities in ICT sector.

    Under the agreement, the government will provide the policy environment; Five9, the technology; JFK, the training; and STI, the infrastructure and manpower.
    –Darwin G. Amojelar

  17. nelbar nelbar

     

    GRABE NA TALAGA ANG MGA SCHOOLS NGAYON, BASTA MAKAGAWA LANG NG PERA!
     

  18. nelbar nelbar

    From abs-cbnews.com
     
     

    PRC confirms leakage in nursing exam

    The Professional Regulation Commission confirmed Thursday that test questions in the nursing board examination last month have been leaked, ABS-CBN News learned.

    A PRC fact-finding committee tasked to probe the leakage also said that the leakage during the test from June 11-12 was traced to two members of the Board of Nursing. The committee recommended the filing of administrative charges against the two.

    The committee, however, did not identify the board officials. They were earlier directed by the board to inhibit themselves from the processing and release of the results pending the investigation.

    “This leakage irregularity shall be referred to the National Bureau of Investigation for its own investigation and determination of all persons and parties involved and their criminal prosecution under the law,” the fact-finding body said.

    The report was signed by Leonor Tripon-Rosero, chairwoman, and commissioners Avelina de la Rea and Renato Valdecantos.

    Talk and news reports of the test leakage came out after an examinee, who declined to identify herself, said that a review center in Baguio City handed out test questions that would appear in the exam.

    The PRC earlier denied the rumors, saying that the examination system has been improved to prevent leakages.

    The exam results are expected to be released next week.

     

  19. jorgie jorgie

    Kapag ganyan ng ganyan, baka dumating ang araw na ang mga nurses natin maging prosti na lang sa ibang bansa. Eh baka nga bilang caregiver hindi pa sila pumasa kung tutoong dinadaya lang nila ang kurso sa Pilipinas.

  20. nelbar nelbar

    ibig bang sabihin nito Jorgie kahit na magkaroon ng dayaan ay pumapayag kang magproliferate ang “caregiving industry”?

  21. Ellen,

    Regarding the caregiver raket, dito sa Japan, ang kinokolekta sa mga prospective crash course taker ay 150,000 yen, at ang pinag-aaralan lang ay kung papaano maglaba ng mga sheets, maglaba ng tuwalya, mag-ayos ng kama, etc. na mga domestic chores! Mga pilipina ang karamihang victim ng mga dating promoter yata itong may pakana ng bagong raket na ito. Sa Pilipinas ang mas grabe dahil mga dalaginding at binatilyo. I checked with the Ministry of Justice on this, and I was told that the Japanese government has given a limit of 200 to 300 caregivers a year only on condition that they can pass the national exam for caregivers, and that no minor below 20 will be allowed to work here as such in accordance with the provisions of the Child Welfare Law.

    Tbis kind of deployment of Filipinos overseas should be stopped. It is human trafficking!

  22. Government priority now is how to make slaves out of its people, while they sit back and relax and wait for the remittances of our OFWs. Then of course, they will brag about how they’ve created jobs and how “dollars” are coming in from supposedly “foreign investors” when in reality, these dollars are the hard-earned salaries of our OFWs.

  23. Gaya ng sabi ko, Schumey, nagtra-transcribe ako ngayon ng mga interviews na gagamitin sa isang special documentary tungkol sa caregiver program ng gobyerno ni Pandak na kasabwat ang DoLE. Shocking ang mga interview lalo na doon sa isang domestic helper na nagtratrabaho sa Lebanon na sinabing pinagtangkaan siyang halayin ng amo niya kaya nga lang daw ay nakalaban siya. Pero alam natin na ilan nang mga pilipina ang napapatay doon subalit hindi nabibigyan ng hustisya ang kanilang pagkamatay, pero hindi pa rin natitinag ang mga pilipinang ito na makipagsapalaran dahil sa mahigpit na pangangailangan gawa nang wala namang ginagawa itong si Pandak para bumuti ang mga buhay nila kundi itulak sila sa ibang bansa para doon humanap ng kanilang kasaganahan.

    Hindi ko naranasan iyan at hindi ako dumaan sa ganyang mga pagsubok pero alam ko ang mga problemang iyan gawa ng ginagawa kong pagsama sa mga advocacy tungkol sa mga human trafficking na ito mula pa noong 70’s. Noon pa ay nagshe-shelter na ako ng mga pilipinong tumatakbo sa mga abusadong amo na mga dayuhan lamang dahil hindi puedeng kumuha ng katulong sa ibang bansa ang mga hapon.

    Dapat talagang ihinto na ang human trafficking na business na ito ng pamahalaan ng Pilipinas. Patalsikin na ang pinaka-bugaw na Mama-san na si Pandak.

Leave a Reply