Skip to content

Lahat biktima

Kahapon ay isang taon ng pagkalas ng tinaguriang Hyatt 10, ang sampung miyembro ng cabinet ni Gloria Arroyo, na nag-resign at nanawagan kay Arroyo na mag-resign rin.

Noong July 8, 2005, mga alas 10 ng umaga, nag-press conference sa Hyatt Hotel sa Roxas Boulevard sina Social Services Dinky Soliman; Finance Secretary Cesar Purisima; Trade Secretary and Industry Secretary Juan Santos; Education Secretary Florencio Abad; Budget and Management Secretary Emilia Boncodin; Peace Adviser Ging Deles; Agrarian Reform Secretary Rene Villa; Imelda Nicolas, National Anti-Poverty Commission; Alberto Lina ng Bureau of Customs; at Guillermo Parayno ng Bureau of Internal Revenue.

Ito ay isang buwan pagkatapos lumabas ang “Hello Garci” tapes na winagayway ni “I- have- two- discs” Ignacio Bunye”.

Sinabi ng sampu na lahat raw na desisyon ni Arroyo ay hindi na para sa kapakanan ng bayan kung di para lamang mai-salba ang sarili.

Isang taon na ang nakaraan at noong Biyernes, pinagyayabang nina Presidential Chief of Staff Mike Defensor at National Security Adviser Norberto Gonzales na si Arroyo pa rin ang nakaupo sa Malacañang at humihina na raw ang oposisyon.

Hindi nila sinabi kung nalutas na ang isyu ng pandaraya ni Arroyo noong 2004 eleksyon na siyang ugat ng krisis pampulitika na yumuyugyug sa administrasyong Arroyo. Hindi nila masasagot yan dahil buhay na buhay pa ang isyu at hindi yan mamamatay hanggang hindi lumabas ang buong katotohanan ng kanyang pandaraya sa 2004 eleksyon.

Marami ang nangyari nitong nakaraang taon ngunit wala tayong nakitang pagbabago kay Arroyo. Manhid talaga. Bagkus, lalo pang naging garapal at marahas.Gamit ang pera ng taumbayan, binibili niya ang maaring bilhin na mga congressman para patayin ang impeachment complaint laban sa kanya.

Pinagpipilit niya ngayon ang Charter Change para lalong siyang maging makapangyarihan at mananatili siya sa pwesto habambuhay.Kapag wala na kasi siya sa pwesto, siguradong katakot-takot na kaso ang kanyang harapin at delikado siyang makulong katulad ni Erap.

Kahit wala pa ang charter change, pinapa-iral na ni Arroyo ang pagka-diktador. Maraming nang pinapatay at tino-torture sa mga kumakalaban sa kanya.

May statement ang Hyatt 10 sa malalaking diyaryo. Sinabi nila na sa gatinong sitwasyon, walang winners. Kahit si Arroyo hindi niya masasabing panalo siya. Lahat ay biktima.

Ang isa nilang panukala ay magkaroon ng amendment sa Constitution para mabalasa ang Comelec at magkaroon ng snap election para sa posisyon ng presidente at magkaroon ng eleksyon para sa Constitutional Convention sa May 2007.

Iyan ang simula ng pagbabago. Kung hindi magagawa yan, patuloy ang ganitong krisis. Lahat biktima.

Published inWeb Links

106 Comments

  1. Dominique Dominique

    Wala talagang winners. GMA thinks that since she is losing, she might as well bring everybody down. She is already out of her mind.

  2. “Ang isa nilang panukala ay magkaroon ng amendment sa Constitution para mabalasa ang Comelec at magkaroon ng snap election para sa posisyon ng presidente at magkaroon ng eleksyon para sa Constitutional Convention sa May 2007.”

    –I agree with this proposal. Since legitimacy is the problem, a snap or special elections is the solution. The Constitution does not even have to be amended. All it takes is for Mrs. Arroyo and Mr. de Castro to step down to pave the way for the holding of a special elections. In the meantime, the Senate President will act as acting President. The problem is of course both GMA and Noli. They know for sure they can’t win in any election.

  3. jinxies6719 jinxies6719

    09 July 2006

    Yes, I agree, there will be no winner unless a snap eletion is conducted as early as possible. We should put more pressure on gloria and noli for a snap election, for they hold the key decision for the country to move forward. I have been saying ever since that the only solution for us to move on if a snapa election. I suggest we put a lot of pressure on noli, for he cannot make a decision. for he don’t know a thing in governance, we should put pressure on noli (kasi nga tanga!!!) for him to resign his position so that gloria will be pressured to call a snap eletion. That my friends is the only way/solution to our problems right now.

    SNAP ELECTION NA, NOW NA!!!!

    jinx

  4. jorgie jorgie

    Bale wala sa mga alipores ni tiyanak ang usapang election sa isang taon dahil sigurado daw nila na matutuloy ang pag-amenda ng constitution. At naniniwala sila na walang election na mangyayari. Bakit sila ganoong kasigurado? Dahil matagal na nilang na-plano ang mga iyan.

    Legally and technically, the midget’s term ends in 2010. Unless the constitution is amended, she cannot remain in power. So, this Cha-Cha thing and other changes in the form of government are being worked out to ensure her continuance in office. Why is it so important for her to remain in power? Kasi kapag wala na siya sa poder, wala na siyang immunity at kailangan na niyang harapin ang isang tambak na kaso laban sa kanya. Iyon na lang na wala siyang kasalanan ay hahanapan siya ng kasalanan para gantihan siya ng kanyang mga kaaway. Matutulad din siya kay Erap. Hindi lang siya…pati si Jose Pidal sampu ng kanyang mga pamilya’t tauhan na nagnakaw sa bayan. What’s in the mind of this midget is beyond 2010 and not only until 2010.

  5. men0k men0k

    The gov’t is trying to banner now that they can unmask those who are behind the coup plot (civilians and military) and they will be charged. No matter how hard they try to divert the issue, the bottom line is they cannot fool the people nor the military. It doesn’t matter if they can pinpoint the people behind these coup rumors today, tomorrow, next month, etc.. does knowing these people behind the coup plot make MIDGET a legitimate president? Maski mahuli pa nila lahat ang nagpapakana ng coup, mga civilian man or sundalo o general man, still hindi pa rin ito magpapatunay na hindi nandaya at hindi sinu-supress ang katotohanan ng gobyernong ito… coup plot is one story BUT the bigger and more serious story is the legitimacy of MIDGET… NO MATTER HOW HARD THEY TRY TO DIVERT THE ISSUE OF MIDGET’S LEGITIMACY, THE PEOPLE WILL STILL CRY FOR TRUTH! Mahuli nyo man ngaun lahat ng Magdalo, lahat ng civilian supporters, lahat ng NPA, lahat ng tao man sa Pinas ikulong nyo… IT WON’T CLEAR OUT THE DOUBT ON LAST PRESIDENTIAL ELECTION! And that is the root of emergence of another group like Magdalo, another General like Lim and Miranda, another Bishop like Yniguez, another mediaman like Clavio, another People Power… You can’t hide the TRUTH from us.

  6. MenOK,

    Do you believe these crooks cracking all the time about destabilization, and framing up people to prove that there are these destabilizations that they themselves plan but spins to be some plot being concocted by the Opposition? I don’t, especially with the apparent insolence and disregard for the rule of law!

    The problem in the Philippines is that they are easy to say so and make such claims because no one can complain and say, “Foul!” with the lawbreaker being able to cheat her way into the palace by the murky river, and take full control even of agencies that are supposed to be running after her and her minions!

    From my place, what I see in fact is a chaotic state that is past beyond the stage of possible negotiation and persuasion, especially because ordinary Filipinos have no place else to go to file their complaints against these abuses, even the abuse on human rights, with those people, who are supposed to be catching criminals and lawbreakers, being themselves in cahoot with these criminals and lawbreakers! And what do most Filipinos do?

    If they are not fearlessly marching with the leftists, communists, etc., they just say, “Wala ako diyan!” And worse are the people who say, “Pabayaan na lang natin siyang magnakaw! Total aalis din iyan sa 2010!” Oh yeah!

    On the contrary, this crook wants to be queen! Before Filipino know it, pinalitan na niya ang Constitution, and declares herself queen with a forged document from the National Archives verifying her claim that she was descended from some chieftain having dominion over Manila before the Spaniards made it the capital of the land they conquered in the meridian of time. Then, we hear likewise of how her equally illusionary father said they were descended from Alexander the Great! Nangkupo!

    Now, we even hear of some religious leader claiming to be all knowing and powerful to influence even non-members of his church to decide on the fate of the nation, but I don’t think so, especially with claims that the Bansot cried when she learned how the members of this religion, despite three of them getting killed in some march, supported her in the last election despite such evidence as the Garci tapes to prove that she actually cheated, and not because of votes given her by the members of this religious sect, especially when according to my friend, a deaconese of INC in Tokyo, they did not vote because they were not given instruction to do so in 2004!!!

    Even the impeachment is not because of this religious leader but because of the money rolled to the crooks in the Philippine Congress whom Filipinos jeer and call “tongressmen.” This religious leader is giving himself too much credit for something evil not befitting a man of God.

    Anyway, for me, the more the Bansot’s tutas in Congress refuse to acknowledge the will of the majority and the people, the more the Bansot pushes herself deeper in the mire, for she cannot deny that she has committed crimes against her people that she has to answer for legally someday if not today.

    Meanwhile, these Scriptural verses will be good reminders to all, including the Bansot!:

    “For the wrath of God is revealed from heaven against all ungodliness and unrighteousness of men, who hold the truth in unrighteousness;” (Rom. 1: 18)

    “Let no man deceive you with vain words: for because of these things cometh the wrath of God upon the children of disobedience.” (Eph. 5: 6)

  7. lca lca

    ystakei Says: Amen ako diyan’naku kapatid” baka mag react nnman sila’ ung grupo ng mga anti Christ. alam mo nman kapag may mga verses sa Bible tayung nababangit e para bang nag iinit ang kanilang paningin sa pag babasa. ewan ko ba sa ating ibang mga kababayan’ parang ayaw nilang makaka basa ng salita ng Diyos, sabagay sabi nga ay ang salita ng Diyos ay parang tabak na mag kabila’y talim… hindi kaya tumatalab sa kanila ang salita ng Diyos’ kaya sila nag-re-react.Praise God’ pero bakit kaya ang Pang-gulo’ ng Pilipinas at kanyang mga kampon, parang bale wala na ang kanilang naririnig na hinaing ng mga tao’siguro talagang pinatigas na ng kasinungalingan, ka-garapalan, kasamaan ang kanilang mga puso. pero umaasa parin ako na darating ang araw na maliwanagan din ang kanilang isipan sa mga ginagawa nila. just pray,pray & pray para sa mga taong ito. all thing are possible to God, there is nothing he can’t do… GOD BLESS PHILIPPINES

  8. Jinx, All:

    OK lang ang snap election, but with Abalos there and all the appointees of the Midget, I doubt if it will help at all.

    The Election Code in fact provides for disqualification of anyone who has violated it and cheated in the election. The Garci tapes are proofs enough of some cheating done, but then no investigation can be conducted because the police, military, and the justice department are headed by appointees handpicked by the violator they are supposed to investigate!

    The problem in fact is how do you remedy this situation. How many of these officers in the police and military or even the justice department would have the guts to defy this criminal suspect! Tignan mo nga ang nangyari kay Lim, Gudani, et al?

    Ang kailangan ni Bansot sa totoo ay isang matinong tao na gugulpi sa kaniya! Tinawag namin iyan na “Dorobo” sa street demo namin. Palakpakan ang mga hapon!

  9. Like I said in my blog, this administration is afflicted with moral decay and to a certain point, morally devoid. The arrogance of this administration has trampled upon each and every right we, the Filipinos are afforded in the Constitution. Social injustice despite this administration’s proclamations has continued unabated since their takeover back in 2001. Even the basic institution which is the family has been destroyed by this administration with its policy of human trafficking.

    While this administrations bask in its “laurels”, we as a nation continue to flounder in this quagmire they created. We are at the twilight of anotherl ie-ridden SONA, will we once again live another year under this corrupt dispensation? Unless we,as a nation put our feet down and stomp this administration into oblivion, we will suffer the same affliction this “MORALLY DEVOID” administration is suffering from.

    I agree, we must set everything right in the name of justice and true democracy. Let’s push for a snap election to put a morally upright administration in office. But this time around, let us be at the forefront of securing our vote and safeguard it from this administrations evil tentacles.

  10. Schumey:

    If they are going to have a snap election, hindi na dapat pang pasalihin si Bansot at Noli. Dapat sa mga iyan i-disqualify!

    At saka dapat paalisin si Abalos at iyong iba pang in-appoint ni Bansot doon.

    Bakit hindi ba iyan magawa ng mga local government na dapat ay may listahan ng mga nakatira doon at listahan ng mga botante?

    Still, dapat ituloy ang impeachment kundi nila puedeng i-disqualify si Bansot for violating the Election Code kahit na iyong lang provision tungkol sa electioneering and over-expenses na ginawa niya na nilustay pa niya ang OWWA funds na binayad ng mga OFWs.

    Kami nang umalis ng Pilipinas, walang mga ganyan na kikil na sinisingil ng walanghiyang pamahalaan. Tapos imbes na gamitin para sa mga OFW, ginamit sa eleksyon para pangloko niya.

    Isa pang hindi ko na maintindihan sa utak ng mga taong ginugutom ng pamahalaang ito ay kahit sino iboboto nila basta bayaran sila. This is the kind of message I got nang mamatay si FPJ. May mga fans siyang pumunta sa buro niya at nagsabi nang tanungin sila kung binoto nila si FPJ, “Hindi po kasi naging aides po kami ni GMA at ang sabi po kung iboboto namin siya ay baka maging permanente po kami!” Shocking, di ba?! Nakakalungkot! Unthinkable para sa akin!

    Dito hindi kami napre-pressure kapag bumoboto kami. Napapag-aralan naming mabuti ang mga platforms ng mga kandidato. Kung hindi nila matupad ang pangako nilang gagawin nila, gagawa at gagawa kami ng paraan na bumaba sila!

    Hindi kami ang magpapasalamat sa binoto namin. Sila ang nagpapasalamat sa amin! Ganyan sana ang maging attitude ng mga pilipino sa mga kandidato nila para matoto silang magtrabaho para sa bumoto sa kanila at hindi para sa bulsa nila.

    Snap election, OK lang, pero naiintindihan ba ng lahat ang ibig sabihin niyan? Now, hindi mo naman maturuan ng tama ang mga taong iyan kasi baka ipadampot ka sa militar, pagbintangang komunista at patayin! Ano ba iyan, walang katapusang kademonyohan?

    Kawawang Pilipinas! Kawawang mga pilipino!

  11. juanmapagpalaya juanmapagpalaya

    isang mapagpalayang pagbati sa iyo ate ellen… dati na akong sumusulat sa iyong blog site… mula kasi ng mabiktima ka ng hacking at nagkaroon ng proseso ng pagrehistro dito sa website mo nawalan ako ng gana na magkomento pero di ko mapigilan ang aking sarili na magkomento uli… naiinip na rin ako na magkaroon ng resulta ang ating pag ayaw sa rehimen ni arroyo.. ayoko siyang tawaging presidente o isang ginang… ang titulo ito ay para lang sa mga matuwid na tao lalo na ang salitang “ginang”…

    hanggang dito na lamang ba ang ating pag iingay sa internet? nasaan na ang mga maiingay na oposisyon? hindi pa rin ba sila nagkakasundo? upang magkaroon ng malinaw na plano upang mapatalsik na si arroyo at ang kanyang mga pamilya sa gobyerno natin? at ang mga asong gutom sa kanyang tabi? kailan pa kaya tayo kikilos ng sama sama sa iisang layunin? hanggang ngayon ay nakikiramdam pa rin tayo kung kailan sisiklab ang ating mga damdamin na matagal ng nagpupuyos sa galit na mapaalis si arroyo at ang mga asong gutom! isa isa na tayong inaalisan ng karapatang mabuhay at inaalisan na rin tayong magsalita ng ating saloobin sa lansangan!

  12. men0k men0k

    I am more for a Caretaker Government.. which in turn will take the lead in the holding of the Snap Election… Biazon, Orbos are good choices for the Caretaker Government.. this is my personal opinion.. i’ve been through many elections.. i voted for these two but, as they say, the rest is history…

    Before the Snap Election, COMELEC should be revamped.. The Senators and Congressmen SHOULD ALL resign and, if they want, can seek re-election. I believe there are many ‘common tao’ who are more capable of leading and drafting laws for our land compared to much of what both the Lower and Upper House have.

    Though, I admit, attaining nor drafting a foolproof election system is almost next to impossible, i believe that if we just put ourselves into the thought that we have to do something to help our country be proper and right again, i think we can have a government all of us can be proud of and a government we can respect again.

  13. Menok,

    I like your idea. But it seems that this suggestion does not sit well with others because some tend to be drowned in power. I would like a reform of the Partylist provision. Being representives of marginalized sectors of society, they should not be limited to a few seats. We must remember that these partylists are nationally elected. Sectoral representaion should be given more emphasis. This also will give these sectors more voice in the halls of congress. The way the locally elected tongressmen look down on these partylists is appalling. We must bear in mind that the partylists represents even the very constituents these tongressmen (mis)represent. Maybe this is the reason why these tongressmen are threatened by the partylists because somehow sila yung lumalabas na saling-pusa and not the other way around.

  14. Welcome back, Juan.

    Thanks you for having the patience of going through the process of registering again.

    Anyway, we all know that Gloria Arroyo will not call a snap election. She will have to be pressured the way Marcos was in 1986.

    Paano kaya? I hope that whatever happens in the impeachment, some action will follow.

  15. juanmapagpalaya juanmapagpalaya

    maraming salamat po ate ellen…

    speaking of biktima… buhay na buhay pa rin pala ang mga MAKAPILI dito sa bansa natin… ang grupo po ng MAGDALO na nahuli ay BIKTIMA ng mga MAKAPILI! Hay… kailan pa kaya magigising ang ating mga kapatid na hudas?

  16. Ronnie Mabini Ronnie Mabini

    Juan,

    May bago pa pa eh, likas na sa pinoy yan? Wag kang pakasisiguro sa mga inaakala kakampi mo ngayon ay kakampi mo parin bukas. Ang pinoy pag hinigpitan pumapalag, pag binigyan naman ng laya inaabuso. Hindi marunong tumanggap ng pagkatalo at ayaw magpatalo… lahat dinaya at nandaya, onli in da pilipins lang!!!

    Tama ba ako Ate Yoko?

  17. men0k men0k

    Several years ago, policemen were respected and being honored.. Now, they are not getting the same kind of respect and honor they use to get.. Several years from now, the same thing will happen to our soldiers because of the corruption MIDGET has done to them just for her to be in power. I have never imagined a midget creature like her, who has an irritating smile and bragging of being religious, could be so numb and immoral and, honestly, i cannot think of any word that would still fit her on the things she is doing now… Marcos and Erap were accused of being dictators and of against the people but what they did don’t even measure halfway to what MIDGET is doing now.. and when they felt that the people don’t like them anymore, they went down and not hang on to the presidency… to the people who still fool themselves that everything is OK, i hope you don’t have any children who, in the future, will have to live in the country corrupted and destroyed by the same person you are defending now.

  18. magdalo_you magdalo_you

    Ellen,

    Una sa lahat, tayo ay nasa demokrasyang bansa malaya tayong nakakapagsalita ng ating saloobin, kaya hindi mo ako pwedeng turuan kung ano ang gusto kong sabihin o murahin ko ang gusto kong murahin, dahil tayo ay bansang malaya, gaya rin yan ng ginagawa mong pagtira sa gobyernong arroyo.

    Malaya mong nagagawa yan, di ako naniniwala na lahat ay talo,
    ang mga kumakalaban lang sa gobyerno sila ang nakikita kong talo as in asar talo pa nga, hyatt 10 asan na ba sila, sabi mo nga isang taon na, kung may kridbilidad ang mga yan, noon mismong bumaliktad sila, tumaob na rin sana ang gobyerno ni arroyo, pero hindi still going strong, dahil wala silang kwentang tao, kaya walang naniwala sa kanila.

    bakit nong si gloria ang nanawagan para pababain si erap, lahat ng tao ay lumabas para, nagkapit bisig sila para pababain si erap, yan ang taong may kridibilidad, pinaniniwalaan, kita naman natin andyan pa sya,

    pero yung isa ale na ang pangalan ay corazon aquino, simple lang, bakit nong nanawagan sya na pababain si marcos di naman lahat ng tao nakinig sa kanya, si FVR enrile at cardinal sin ang tunay na nagdala ng tao, at hindi sya , bakit ika mo, nong nanawagan sya na pababain si Pres arroyo may nakinig ba sa kanya, dahil wala rin syang kribilidad,

    Di sana nong panahon nya nahuli sana nya kung sinong nagpapatay sa asawa nya, presedente sya wala syang nagawa.

    Mga kababayan sawang sawa na tayo, sa mga ginagawa nila araw araw bangayan ng bangayan, lahat ng kabutihan gagawin ng administrasyon kokontrahin ng oposisyon, nakakasawa na,
    nakakapagod na, wala na akong makitang liwanag pa, na maaring bumuti ang ating bansa kung patuloy ang mga hayop na oposisyon sa kanilang ginagawa,

    Isa lang ang maipapayo ko mga kababayan, manahimik na lang tayo sa ating mga tahanan, tayo na lang ang gumawa ng paraan para tayo mabuhay, at maghanap ng ating kakanin sa araw araw,

    wag na nating pansinin kung anuman ang kanilang ginagawa, bahala na sila sa buhay nila. wag na sana nila tayong gambalain pa, na pumunta sa kalye at sumama sa mga putang inang yang sina escudero, drillon at kung sino simo pang mga hayop na nanggugulo lang. mamatay na sana kayo, iyan lang ang paraan na makikita ko para manahimik ang ating bayan.

  19. men0k men0k

    one advice my father gave me which I always remember is this, “Kapag ang halaga mo Piso, Huwag kang papatol sa Singko”… This is for all the bloggers here… don’t worry, we will be fine.

  20. Kanino bang idea na ginawang sa ilalim ng military ang police ng Manila, etc. Lalong napalpak! Tama iyong Amerikanong sundalo sa Iraq na nagsabing ang kailangang imbitahing magturo sa mga Iraqi ng pagpupulis ay hindi militar kundi mga professional policemen. Ang sabi niya ang mga sundalo ay tini-train para pumatay, pero ang pulis ay tini-train para mangalaga ng buhay ng tao. “They cannot be the same, and that should be taken into consideration,” ang sabi niya. Ngayon lalong sumama kasi nasa ilalim ng militar ang pulis, at hindi lang isa kundi ang dami-daming police agency ang nakikialam! Gaya-gaya sa Amerika e ang liit-liit naman ng Pilipinas! Hindi pa nga kasinglaki ng isang State sa America!

    Pero bakit hindi ito inirereklamo ng mga pilipino at maging iyong mga pulis na alam kong hindi kumporme sa pakikialam sa trabaho nila ng mga militar at noong Bansot na oversquatting sa Malacanang na bobo de la yuca naman?

    Wala tuloy krimen na nalulutas sa Pilipinas na hindi maaaring pagdudahan na hindi makatarungan! Tignan mo na lang ang ginagawa ng mga ito na niloloko ang Hustisya tulad ng ginagawa nila sa kaso ni Estrada. Wala namang makuhang ebidensiya, ayaw bigyan ng karapatan niyang humiling na mapiyansahan samantalang iyong mga katulad ni Blanquita Pelaez na may parusa na ay pinayagan pang makalabas ng Pilipinas para makapagpatuloy ng paggawa niya ng estafa kasi malakas siya sa administrasyon ngayon!

    Kaya iyong mga pilipinong nakaranas ng tunay na katinuan ng palakad sa pamahalaan ay ayaw nang magsipagbalik sa Pilipinas kahit na sila ay walang bala (visa) sa ibang bansa katulad ng mga kaso ng mga pilipinong nahahawakan ko bilang isang legal interpreter sa korte ng Hapon. Aba, mas gusto pang makulong noong iba!

    Ang sabi ng isang nahawakan ko ang kaso, “Ate, kahit na makulong ako, ayokong umuwi sa Pilipinas lalo na ngayon! At least, dito kahit papaano nakakapagtrabaho! At saka alam mong walang manloloko sa iyo. Sa Pilipinas, mismong pangulo, magnanakaw!”

    Nakakaiyak!

  21. men0k men0k

    ystakei, if i remember it right it was Cory when she created PNP by merging the Philippine Army tsaka ung mga pulis (am not sure if that was the metrocom) pero i am sure that it was Cory who created PNP.

  22. Pagod na rin kami pero bakit kaya ‘di kami tumitigil? Pahinga ka na lang at huwag mo na rin kaming gambalain. Unahin mo narin ang pagkayod mo para may makain ka. Kung sa tingin mo ay walang kredibilidad si Ellen, bakit ka nag-aaksaya ng pagod mo para mag-komento dito. May mga norms and ethics na sinusunod sa blogsphere. Sana ay sundin mo ang standards na iyan. Kung tunay na nasa demokrasya tayo, ay ‘di bawal ang mag-rally, magpahayag ng hinaing at magsabi ng saloobin. Walang tinuturuan dito kung ano ang sasabihin, walang diktaturya sa site na ito. Paalala lamang ang kay Ellen. Nasa iyo na yun kung maging sibilisado ka o hindi.

  23. Ronnie Mabini Ronnie Mabini

    Hay, pano nga ba tatahimik ang Pilipinas eh, marami parin mga Pilipino na nakapangibang bansa na at nagbago na rin ang nasyonalidad [nationality] ay dala-dala parin ang ugaling makisawsaw sa gulo natin dito?!

    Sobra na kaming magulo rito para makisawsaw pa kayo! Ang gagaling pang manghusga wala naman maipakitang pruweba! Pinagsamang moralista, hukom at banal kung bumanat, pwede ba second class citizen parin kayo sa bansang kumakandili sa inyo!

  24. men0k men0k

    dumarami na naman sila… pero sabi ko nga so long as we kow ourselves, our objectives.. we will be fine, guys 😉

  25. men0k men0k

    oopps, sorry.. so long as we know ourselves…

  26. Schumey:

    Ang ginawa ko minamarkahan ko ang mga taong alam kong spy ni Bansot na kunyari para sa kabutihan ng Pilipinas ang layunin ng pagpo-post dito pero hindi naman. Hindi ko binabasa ang mga basura nila. Kasi unang-una mas authentic ang mga sources ko.

    Alam naman ng mga ungas iyan e kaya hindi makahirit, idinadaan na lang sa mura, di bale kung ang minumura ay iyong dapat nang bumaba na ang kapal ng muhka at ayaw bumaba kahit na bistadung-bistado na.

    Alam mo Schumey, sa totoo lang, sa dinami-dami ng mga nakakatagpo kong pilipino dito sa Japan at maging sa USA na mukhang kawawa at handang magpakaaba para lang kumita ay akala ko ay wala nang pilipinong katulad mo. Salamat naman pala at may mga pilipino pang may dangal kahit na nagkamali ka kamo na sinuportahan mo ang EDSA 2!!!

    MenOK,
    Salamat sa impormasyon mo. Si Cory pala ang pahamak sa nangyari iyan na demoralized ang Philippine police. Sa totoo lang, marami akong kamag-anak na naging pulis. Iyong pinsan ko na Chief ng POLCOM noon ay maaga nang na-retire dahil frustrated siya sa nangyayari sa pulisya diyan lalo na kapag ikinukuwento ko sa kaniya ang efficiency, etc. ng Japanese police na magmumukha talagang hoodlum at gangster ang mga pulis sa Pilipinas lalo na ngayon.

    Nasabing matatalino ang mga pilipina pero hindi puwedeng maging pangulo lalo na iyong mga paarte-arte lang na mga alta-sosyedad daw kundi ko pa alam na marami sa kanila ay burot! Ito ngang si Bansot, palandi-landi pa e. Bakyang-bakya ang kilos! Mama-san na mama-san sa isang bar dito sa Hapon ang dating! Ang hilig pa niyan sa intriga sabi ng kaibigan ko na kaklase niya. Madalas nga daw nilang pikonin iyan noon lalo na noong high school sila at ang bukang bibig ay presidente ang kaniyang ama! Baka daya din ang pagkakaboto noon sa ama niyan, di natin alam dahil sa kurakuyan ng mga dokumento ang gagaling!!!

    Back to work na ako at marami pa akong translation na ginagawa! Hindi ko pa tapos ang pagsasalin ko sa wikang hapon ng mga interview sa mga prospective caregivers na mga dalaginding na ipapalit sa mga Japayuki ni Mama-san Bansot na ipapalabas sa NHK sa Nobyembre dito.

    So, hanggang sa muli. Huwag ninyong papayagan ang mga spy ni Bansot na murahin kayo dito. Ewan ko kung tatalab sa mga walanghiya ang sinabi ni Jesus Christ na kapag binato kayo ng bato, batuhin ninyo ng tinapay, at kapag sinampal ka sa isang pisngi, pasampal ka pa sa isa. Iyan ay nagagawa ko sa mga kapwa ko hapon, pero sa mga pilipino kundi katulad ni Schumey na may dangal, e mukha yatang hindi uubra! Cheers! 😛

    Kawawa naman iyong mga grupo ni Trillanes na ginagaya pa ang pangalan nila ng mga na Internet Brigade ni Bansot. Golly, kapag nagka-guerra sa Pilipinas, pihado talo ang mga pilipino gawa nang puro kawal ng AFP ngayon ay mga sundalong kanin labas ang mga tumbong at parang private army ni Bansot na ginagawa silang mukhang pataygutom. Balita ko nga iyong mga sundalong nagbabantay sa kaniya kung tawagin niya muchacho niya. Masaya siyang kriminal siya! Dito iyan, hindi uubra ang yabang niya. Media dito ang lakas! Hindi siya tatantanan hanggang hindi siya nasisibak, hindi lang baba! Maski tanong ninyo kay Zenzennai!

    Golly, balik sa Middle Ages ang takbo ng buhay sa Pilipinas—panahon ng mga kastila at ni Lakan Dula na inaangkin ni Bansot na lolo daw niya samantalang ang talagang lolo niya ay iyong dugong-asong si Macapagal na pumatay kay Andres Bonifacio, et al. Great grand-uncle namin na si Antonio Luna, iyan din yata ang pumatay! Kaya siguro mabigat ang dugo ko diyan!

  27. vonjovi1 vonjovi1

    Hayaan ninyo magsalita ang mga “Maka magnanakaw” dahil kahit ano naman sabihin nila ay wala ring katuturan dahil kamo hindi nila alam kung ano ang ginagawa nila. Iyan ang nangyayari kung ikaw ay kapwa magnanakaw dahil kahit na ubod ng sama ang ginagawa ng amo mo ay patuloy mo pa rin pinag tatanggol at ang utak mo ay burado na. Gumawa sila ng kasalanan ay sa isip ng mga ito ay mabuti. Tama at hindi natutulog ang diyos dahil balang araw ay uusigin rin kayo sa mga kabalastugan na ginagawa ninyo.
    Itanong ninyo sa mga taga tanggol ni Reynang magnanakaw kung anong kabutihan ang ginawa niya sa bayan. Sa sobrang ebidensiya na nanloko at sa inyo ba ay tama iyun…
    Tama kayo at may kanya kanya tayong opinyon at malaya kayong mag bigay rin dito at malaya rin kaming mag bigay at sabihin ang katotohan dahil kayo ay mga bulag at pipi at hindi alam kung ano ang tama or mali.

    Kay MAGDALO_YOU kung nakakasawa sa iyo ang mga binabasa mo dito dahil hindi mo matanggap na halos buong bansa natin ay wala ng pag asa sa amo mong magnanakaw at talamak sa dayaaan. Ano ang gusto mong isulat ng iba dito na kabutihan ni Arrovo na wala naman kaming nakikita. Iyung bang kabutihan na ginawa niya sa ibang bayan na gumawa ng tulay sa gitna ng bukiran at ang kalabaw lang ang nakaka punta roon (ginawa nila iyun para makakurakot) iyun ba ang gusto ninyo ni Mabini na mabasa dito. Kahit papaano ay alam pa rin naming tama at mali kayo alam ba ninyo iyun. Kung gusto mong manihimik MAGDALO_YOU ay ikaw na lang dahil alam naman namin na ang kapwa magnanakaw ay nagagalit kapag ang kanilang AMO ay napupuna. Sa sinabi mo ay bakit hindi ikaw ang MANAHIMIK at sayang lang ang pagod mo sa pagsusulat dito dahil wala naman katuturan. NAsasaktan ka dahil alam mong tama ang mga pinag sasabi dito tungkol sa Amo mong MAGNANAKAW…. Malaya kang mag bigay ng comment pero hindi ka malayang mag sabi na manahimik na lang… Ano ka GAGO….

  28. lakay lakay

    sabi ni menok “…one advice my father gave me which I always remember is this, “Kapag ang halaga mo Piso, Huwag kang papatol sa Singko”. I think this is a good advice.

    Kung papatol tayo sa hindi ka-level or ka-wave length (not necessarily kakampi dahil kung walang kontrabida, eh wala ring bida), the quality of the postings in this blog will deteriorate.

    Let us discuss about issues objectively. Walang pikonan o personalan. Each one is entitled to his own opinion kaya kahit to some, such opinion is garbage, let us give the opinion giver respect. We are all humans here.

    Kung puwede lang naman.

  29. lakay lakay

    Pahabol: Alam kong some bloggers here are really boiling hot with anger with what is happening to our country pero siguro para mas maganda kung iwasan nang kaunti ang name calling and even using physical defects or attribute to refer to some persons na gustong batikusin. Huwag nating gawing Singko ang ating halaga.

  30. jorgie jorgie

    menOK, ang nag-umpisa sa pag-merge ng pulis at militar ay si Marcos na tinawag na INP (Integrated National Police).

  31. batong_buhay batong_buhay

    Nakakainggit ka Ronnie M. Biruin mo first class citizen ka pala ng isang bansang ang namumuno ay palsipikado.

  32. Lakay:

    The point is ang daming nagmamarunong, bobo naman. Meron ngang isa diyan siguro may tinatanungan na marunong ng Japanese, e mali naman! Ayoko namang magmayabang na marunong akong magsalita ng Hapon gawa nang I learned it as a child and I have been speaking it for decades. Maski nga Tagalog hindi ko nakakalimutan. Mga pilipino dito kilalang-kilalang foreigner kung magsalita ng wikang hapon, pero ako ang tanong pirmi ay “Bakit ka marunong ng Tagalog. Saan mo natutunan iyan!” Hindi sila makapaniwalang sa Pilipinas ako ipinanganak! Looks, kulay and usage ng wikang Hapon, parang natural-born Japanese!

    Tama si Zenzennai na ako lang even among the mestisos ang ilan sa mga maituturing na first class Japanese although there is no such thing as second class citizen in Japan. It is just you are either a Japanese or a foreigner. Mine is in the registration for Japanese only! My Japanese surname now is Takei, but our original Japanese name is Waki, which I am told is a member of the Taira Clan of the famous “Heike Monogatari” tale.

    Dalawa ang listahan dito. Iyong para sa mga hapon at iyon para sa mga dayuhan. Ang isa pang special at iyong sa Imperial Family. Iyan ang hindi mapapasok ng hindi napapangasawa ng mga prinsipe na siya lang sa ngayon ang may lubos na karapatan sa trono ng Hapon.

    Now, ang mga pilipino mahilig sa bastusan sa totoo lang. Hindi ubra sa kanila ang prinsipyong itinuro ng Panginoong Hesukristo sa kanila dahil marami sa kanila ay hindi naman naiintindihan sa totoo lamang ang kanilang mga relihiyon. Dito ang prinsipyong pasampal mo pa ang kabila mong pisngi o pabato ka ng bato at gantihan mo ng tinapay ay tumatalab dahil manipis ang mga balat ng mga tao dito. Sa Pilipinas, karamihan ang kapal ng mukha. Hindi puede ang prinsipyong nabanggit ko kasi ubod ng yabang at palalo ang marami sa kanila. Lalo kang aapihin kapag mababa ang loob mo.

    Kaya, Lakay, patuloy ang ligaya, tawagin Bansot, Pandak, Magnanakaw, Sinungaling, etc. iyong nagmamagaling na kriminal na ayaw pang bumaba at hindi naman mahuli dahil ayaw namang hulihin noong mga lameduck na ina-appoint niya para hindi nga siya mahuli. Kung tatahimik ka o ang more than 83% na mga pilipino na nagdarasal na bumaba na siya o atakihin siya ng kahit na anong sakit para matanggal lang siya, e baka pare ko pati ari-arian mo kung meron ay kunin niya balang-araw gawa nang ang gusto niya ay masabing kaniya ang buong Pilipinas! Ganid, gahaman at sakim ang taong iyan!

    As they say in Ilocano, “ukini nana nga switik, apay haan pay nga natay idi nga nagsakit-sakitan isu na!” In Japanese, “Abazure onna, shine! Honto ni mukatsuku yo!”

  33. jorgie jorgie

    Lalaki ba o babae itong si menOK. Siguro babae dahil OK day sa kanya ang men. Pero puwede din bading di ba? Ystakei, lahat na ng pangalan nagamit mo na sa pagtawag kay Madame Prime Minister Arroyo. Pero nakalimutan mo ang: tiyanak at unano. Isama mo na lang iyan next time ha?

    Teka ano ba ang paksa dito? Lahat biktima…hmmm. Oo lahat tayo biktima kasi pinapayagan nating maging biktima tayo. Dapat malaman kung sino ang bumiktima sa atin? O baka naman ang mga nag-iingay ngayon ang sila ding bumiktima sa atin noon. Pagmasdan niyo ang mga kaaway ni bansot ngayon…di ba iyan din ang mga nagpatalsik kay Erap?
    Kung minsan tuloy mas hanga pa ako sa mga may paninindigan kahit kakampi kay bansot. At least, may consistency at may ipinaglalaban kahit mali. Ang delikado iyon mga balimbing. I’m sure may ilan dito na balimbing at nakiki ride on lang sa issue. May ilan dito na kasama din sa pagpapatalsik kay Erap. At ang iba din ay anti-Marcos. I know Ellen for one was anti-Marcos in the past. But like the many other journalists, Ellen might have long changed her views of Marcos now that she sees the comparison between Da Apo and this midget.

  34. Me? Biktima? No, I don’t consider myself a victim, but lahat ng nagpaakyat sa Tsunanong iyan dahil noon pa sinabi ko nang may defecto iyan! Ang lakas ng bagyo niya katulad noong kabagyohan ng asawa!

    Now, biktima ang mga pilipino, pero hindi pa huli para ituwid ang kamalian! Kailangan lang talaga lakas ng loob! Andiyan ang Panginoon na tutulong kung nararapat. Right now, kailangan pang lalong palakasin ang Opposition. Hindi ako naniniwala sa mga kabulastugang sinasabi ng mga Internet Brigade ni Bansot at ng kaniyang propagandists. Lahat ng Opposition kahit na hindi nagsasama-sama sa lakaran ay iisa ang layunin, ang patalsikin si Bansot!

    Sabi nga ng kaibigan ko diyan, “Ma’m Yuko, hindi totoong watak watak kami dahil iisa ang diwa at adhikain namin–PATALSIKIN SI BANSOT, NOW NA! Kaya nga natatakot sa kanila si Bansot kaya panay ang kabig talangka niya!!! Ngayon sino ang utak talangka? Di itong si Bansot na nanghila ng paa ng legitimate president para siya umangat! Pero tignan mo naman kung tumaas siya!

    Oops, mag-a-alas 3 na dito ng umaga. Gotta go to bed! Kalimutan ko muna si Tsunano kasi baka ako mabangungot!!! Impakta, alis diyan!

  35. Emilio_OFW Emilio_OFW

    Ang makararanas ng epekto ng kapalpakan ng kasalukuyang gobyerno natin sa ngayon ay ang ating mga anak at mga apo. Ginagawa ko itong pagbibigay ng opinion bilang isang mamamayan na nakaranas hirap at ginhawa sa iba’t ibang pamunuan ng mga politiko.

    Maituturing ko na tayong nandito sa blog ni Ms. Ellen ay pinagpala dahil sa ating pagtitiyaga at pagsusumikap ay nalaman natin ang kahalagahan ng instant communication sa pamamagitan ng internet. Kanya-kanyang opinion ang naibibigay ng bawat isa sa iba’t ibang talakayin ni Ms. Ellen na nailalathala din sa Malaya at Abante. Mas lalo sigurong marami ang magbibigay ng pagbabatikos sa pamahalaan ni Bansot kung karamihan ng mga Pilipino ay mayroon access o kakayahan sa information technology. Kaso hindi iyan ang direction ng namumuno – inuuna niya ang kapakanan niya na tapalan ang kanyang mga kaalyansa upang manatili sa poder. Saan pa nga naman ilalagay ang mga computers sa eskuwelahan na wala ngang upuan ang mga estudyante!

    Ang kinabukasan ng mga kabataan (mga anak natin) ang mga biktima sa pamamalagi ng pamahalaan ni Bansot. Kaya muli akong nanawagan kay Congressman Nograles at kanyang mga kampon na hayaan ninyong lumakad ang impeachment process sa tamang tahakin upang malaman ng taong-bayan ang katotohanan!

  36. concern_citizen concern_citizen

    Totoong walang winner sa kasalukuyan….pero malapit na manalo ang katotohanan at mamamayan… sa mga nangyayari ngayon… malapit na talaga ang wakas ni bansot pati mga alipores nya siguradong nahihirapan sa desisiyon kung papatayin ang impeachment 2. pag pinatay ang impeachment 2 sa daming nag aalburoto at naghahanap ng katotohanan siguradong sasabog, ngayon pa na pati mga puno ng simbahan kasama na ng mamamayan ay naghahanap ng katotohanan. nakakatakot lang dahil sa kapal ng mukha ng bansot at mga alipores na ayaw bumitaw dahil sa pera at possisyon baka maging marahas ang mga darating na araw, di man natin alam ang nangyayari sa loob ng sandatahang lakas nararamdaman naman natin ang tensyon sa loob nito at nakakatakot na baka sila’t sila mismo ang magpatayan… Prinsipyo kontra sa PERA AT POSIYON . Wag naman sana na madamay ang mga inosenteng tao dahil lang sa walang kakwenta kwentang pekeng pangulo na ipinaglalaban ng iilang ganid sa kapangyarihan at mukhang kwarta na hanggang ngayon kayang lunukin ang pagsisinungaling para iligtas ang reyna. manalamin kayo!!!

    Manahimik yan ang sabi ng isang tao dyan… yan ang katwiran ng isang kuntento na mabuhay ng para sa kanya lang at di iniintindi ang kapwa..parang yung reyna at alipores ang nagsabi..tulungan nyo na lang ang gobyerno kaysa batikusin ako at umunlad tayo… para lalo akong yumaman at mga malapit sa akin at maging ligtas sa mga asuntong isasampa sa akin !!! yan naman ang saloobin nya. Pinakapal at pinatigas ang mukha ng kanyang takot. Ang di ko lang alam kung nakakatulog pa sya. Kung totoong walang kasalanan dapat sumagot na yang mga yan at di manuhol ng mga kongregista. Nakakaawa naman yang mga congressman na alipores ng bansot…halos lahat na yata ng tao ang tingin sa kanila BAYARAN… Ang sarap ulit ulitin pakinggan ang mga kongregista na bumoto ayon sa kanilang konsensya kahit sa administrasyon pa sila…yung mga kongregista na di nabili at nasilaw sa kinang ng pera… wag kayomg mag alala dahil di kayo nalilimutan ng tao ganon din naman sa mga nabili di rin namin kayo malilimutan…

    Lumabas na sana ang katotohanan sa mapayapang paraan at di na umabot na militar sa militar ang magpatayan at madamay ang mga inosenteng tao…

    KATOTOHANAN !!! PAG LUMABAS YAN … TApos na ang gulong ating inaalagaan ng halos ilang taon na…

  37. Tedans Tedans

    I’gan Ronnie Mabini, kawawa ka pala at nasa Pinas ka pa. Yang mga tao sa administrasyon lalo na yang mga Arroyo, pag may nangyari diyan sa inyo takbo sila kaagad sa Yo-Es-Ey dahil may pera na sila. Yong iba nga may mga investment na sa ibang Bansa. Kagaya ni Puno, may rancho siya sa Virginia, Yo-Es-Ey. Ikaw na simpleng tao lang e sori ka na lang. So sinong kawawa?

    Ikaw naman Magdalo-You, wala naman akong nababasa na maganda na ginawa ng mga naging Pangulo natin. Wala naman talaga … pero hindi sila yong nag-HELO GARCI ba!! Nag-sori pa si Glorya so ibig sabihin siya yon at pilit pang pinasisinungalingan ng mga alipores niya. Ako simpleng tao lang at nakakaintindi. Kung si Gloria man ay talagang matinong tao, dapat siya ay bumitaw na. Sabi niya idaan sa tama ang mga reklamo natin, so nag-file sila ng impeachment. Ano ang ginawa nila? Nabisto pa na yong pera na nabawi nila kay Marcos ay inubos din niya at kung anu-ano pang kabulastugan ang lumabas na katarantaduhan na pinag-gagawa nila. Ilan na ang mga pinapatay, wala ka man lang marinig sa kaniya. Wala siyang budhi. Inutil siya. Ako’y isang Simpleng Pilipino na naghahanap ng mga kasagutan sa mga gulong kanyang ginawa sa aking Bayan. Sana’y ang kasagutan ay malapit na.

  38. jorgie jorgie

    Bago lang ako dito sa grupo pero napapansin kong kulang yata sa monitoring at disiplina ang iba. Bakit pinapayagang magmura ang ilan lalo na itong Magdalo_you? Nawawala tuloy ang credibility at pagkadisente itong blog na ito. Let’s talk about issues and stick to issues. Kahit na magbanatan ng husto at tirahan below the belt okay lang pero ang magmura…aba, si Gloria lang ang puwede niyan!

  39. vendictimus vendictimus

    Ronnie Mabini !!!!! pagyamanin mo ang iyong talino` harinaway lumawak pa ang iyong pananaw sa lahat ng aspeto sa lupain ng sangkatauhan!!!

  40. goldenlion goldenlion

    Oo nga’t lahat tayo ay biktima, pero si gloria lamang at mga kasama niya nag mapaparusahan pagdating ng tamang panahon. Ang taongbayan ay mabibigyan ng hustisya para makalaya sa kuko ng mga mandarambong, mamamatay-tao, mga sinungaling, mandaraya, mga manhid, mga ganid, mga balahura. Mabibigyan din sila ng hustisya-para pagbayaran nila ang kanilang mga kasalanan sa diyos at sa Tao. Sila ay biktima ng sarili nilang kasamaan.

    Alisin na ang mga tampalasan, makakapal ang mukha. Kilos na Bayan!!!

  41. vendictimus vendictimus

    humingi ka ng kapatawaran ng taos puso sa D’yos at ika’y patatawarin, ganoon kalawak ang pagmamahal at pang-unawa nya. . . Pero sa batas ng tao: In a Normal proceedings ng Trial Court: “PEOPLE OF THE PHILIPPINES VERSUS GLORIA MACAPAL ARROVO” pinagtaguan nya ang preliminary hearings, kaya ang kaso nasa ARCHIVES at kahit kelan hindi mabubura. Sa batas ng tao dapat yan magkaron ng COURT RELEASE ORDER, The End ng kaso. Bakit si GMA nag “I AM SORRY!” ibig sabihin may ginawang kasalanan! palaisipan!!! mga degree holder, GMA at alipores nagbulagbulagan (maliban sa hyatt 10 na umiral ang prinsipyo). Tandaan: “voice of the people is the voice of God!” hindi titigil ang bugso ng galit ng mga Pilipino! maliban lang pag mawala ang regimeng GMA! kung matapos ang kanyang Termino may hinahon. Abah! ibig pang palawigin? kaya di malayong lalabas ang teoryang ASSASSINATION ang huling option ng galaiti ng Masa!!! naka-archives sa isip ng Masa ang kaso ni GMA, TANGA! kelan man HINDI MABUBURA, tahimik lang kumukulo ang damdamin, hintayin nyo kapag sumabog!!! sasabog din yan! Tandaan mo Ellen at mga bloggers!!!

  42. goldenlion goldenlion

    To Magdalo_you,
    Hindi tayo pwedeng manahimik. Hindi rin pwedeng sundin si gloria kasi hanggang ngayon ay hindi pa malinaw ang nangyaring dayaan noon eleksyon. For God’s sake, paano mo susundin ang isang taong inakusahan ng pandaraya at pagnanakaw sa pwesto ng mga lehitimong ibinoto ng sambayanan. Bakit hindi siya mananatili sa malacanang hanggang ngayon, natural ginagamit niya ang pera ng bayan para takutin at ikulong ang mga naghahanap ng katotohanan. Kung ikaw ay pumapayag na lokohin, hindikami. May mga prinsipyo kami.

    Ang isang lider kung mandaraya, ano sa palagay mo ang maging gawain ng mga taong nasasakupan niya? E di mandaya din? Hindi sila matatakot gawin iyon, dahil nakikita nila ang lider ay ganun din. Kailangan nating linisin ang mga dumi sa paligid para makapamuhay tayo ng matuwid. Ang mga anak natin ay pinag-aaral natin upang matutunan ang tama at mali at gumawa ng kabutihan hindi ng kamalian. Dapat ba natin kunsintihin ang isang lider na masamang ehemplo? Mag-isip ka naman! For the 5 years that the bogus president is around, can you think of something she has done for the good of the people? Tell me? What she has done: created division in the military, made the cost of energy high, poor quality of education in terms of facilities, wasted money in travels, gunned down militants, and so on. She is no longer respected by the populace.

    Cheating and lying are bad things–and these characterize her. We cannot live in illusion much of terrors. Just remember, government officials should be the protectors of the people………not the oppressors. Do you feel protected now? do you feel your children are secured in the coming years?

    Wake up!!! Had she been a good leader, we might forget how she grabbed the presidency (not once but twice). but there is no good things that she can be proud of. Inalis nila si Erap dahil masama daw, madumi daw. eh ano siyan ngayon? Hindi ba siya masama? hindi ba siya marumi?

  43. jorgie jorgie

    Alam mo goldenlion, tutoong marumi itong si Pandak. Marumi ang ugali…marumi ang utak…marumi ang kaluluwa…at marumi din ang pulang panty niya!

  44. Spartan Spartan

    Batong Buhay, sumakit naman tiyan ko sa “sagot” mo dun sa “isang nag-iingay” dito na gustong ipakita na “siya lang ang sumasalungat sa agos” ng ating “talakayan”. I would have commented too, but you already “HIT IT RIGHT IN THE HEAD” so to speak. Yup, he’s that “good to consider himself, a 1st class citizen”…at yung mga kababayan natin na “nagtatrabaho” na “namumuhunan” ng pawis, lungkot, at minsan “pati dugo” ay “mga 2nd class” lamang “sa paningin niya”. Ganiyan talaga ang mga taong “nasusukol” na sa “palitan” ng “kuro-kuro”, babanat na ng “below the belt”, para kung “mapikon” nga naman kausap nila, sasabihin nila “ang mapikon talo”…I think it’s about time that we stop “noticing” or “replying back” to their comments, bayaan na lang natin sila…katulad ng sinasabi ng marami sa atin dito sa “forum” ni Ellen, ALAM NATIN KUNG ANO TAYO. So please pardon my “suggestion” Menok, Florry, Ystakei, Lakay, at yung iba pa na katulad ko ay “pilit pa ring naghahanap” na KATOTOHANAN, huwag na natin SILANG PANSININ. Katulad ng ginagawa ko kapag si Gloria at ang kaniyang mga “alipores” na ang “nagsasalita” sa telebisyon, kung hindi ko inililipat ang “channel”, I just “MUTE” the TV…”see no evil, hear no evil”. 😛

  45. Spartan Spartan

    Ma’m Ellen, yun bang si Arnold Clavio na “pinang-gigigilan” nung isang “blogger” dito ay that commentator and host for GMA 7, yung sa Unang Hirit na may “puppet” kunyaring “kausap”?

  46. Dominique Dominique

    Ganoon din ang ginagawa ko, Spartan. I mute the TV to save myself from being stressed out.

  47. goldenlion goldenlion

    Ayon sa Biblia: 2Timoteo 3:2-3,5, 13- “Tandaan mo ito: mababatbat ng kahirapan ang mga huling araw. ang mga tao’y magiging makasarili, gahaman sa salapi, palalo, mayabang, mapang-alipusta, suwail sa magulang, walang utang na loob at lapastangan sa Diyos. Bukod dito, magiging malupit sila, walang habag, mapanirang puri, mapusok, marahas at mamumuhi sa mabuti. Hindi laman iyan, sila’y magiging taksil, walang taros, palalo, at mahilig sa kalayawan sa halip na sa mga bagay na ukol sa Diyos. Sila’y magkukunwang may pananampalatay ngunit hindi naman makikita sa buhay nila ang kapangyarihan nito. Ang masama’y lalong magpapakasama, ang mga manlilinlang ay patuloy na manlilinlang at SILA MAN AY MALILINLANG.”

    Lahat ng iyan ay makikita mo sa mga tao sa malacanang. Sila’y mapagpanggap. Darating ang araw na matutupad ang lahat ng ito. Kaya ang reyna ng ilusyon, ng engkatasya, reyna sinungaling, mandaraya at magnanakaw ay mahuhulog din sa bitag ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ang hulang iyan ay galing sa mga salita ng Diyos!!

  48. Spartan Spartan

    “Manang” Yuko, off topic again…I was able to watch in DVD that movie “V for Vendetta”, it was shown in the theatres I think earlier this year. Magandang “ihalintulad” yung “plot” na pelikula sa “real life” plot ng ating bansa ngayon. Hope you already seen that movie, if not yet…sana mapanuod mo. I got “teary-eyed” near the end of the movie, I remembered when I was still in college ca.87′, the time of the “real” EDSA Revolution. Sana may “V” din ngayon na “sumulpot” sa Pilipinas. 😉

  49. goldenlion goldenlion

    Dominique, Spartan,

    Whenever i see gloria and her cohorts on TV, I don’t mute it. Pag naka-mute kasi you are still tuned-in with the station, e di magri-rate pa rin iyon. What I do, lipat ko ng channel or I turn it off. Hindi ko kayang tingnan ang mukha ng reyna ng kasinungalingan. Masusuka ako.

  50. Spartan Spartan

    goldenlion, usually I also switch the channel..kaya lang si Misis, nagagalit kasi minsan nakakaligtaan kong ibalik sa TFC, “lumalampas” yung “Star Patrol” ni Phoemela Veranda, showbiz tsismis ba…hehehe, eh yun ang “inaabangan” ni Kumander….LOL…LOL.

  51. men0k men0k

    have you read the headline in inq7.net?.. lahat pla ng panggagapang sa bishops ng CBCP ginagawa ng ng gobyerno… kasi alam nila once the CBCP gives a firmer and more direct stand, it will send this issue to a higher level already..

    and read my handle as ‘menok’ po, not men-ok.. kasi po nku-question n yta ung gender ko.. siguradong-sigurado po akong lalaking-lalaki ako.. oopps, don’t get me wrong, i have nothing against other ‘genders’ kya lang ung iba kasi dito wla na ytang masabing thought-worthy kya pati handle na ginagamit dito binibigyan ng issue mailayo lang sa topic ung blog.. NICE TRY GUYS.. 😉

  52. Jefferson Chiong Jefferson Chiong

    Ellen is correct, LAHAT BIKTIMA, some are on SELF-DENIAL, simply because they react below their level? Naturingan mga “mataas ang pinag-aralan”, born with golden spoon or words to that effect pero hindi mapigilan magmura, manlait at magsabi ng kung ano-ano salita na maririnig mo lang sa mga taong mal-edukado?

  53. Jefferson Chiong Jefferson Chiong

    To menOK,

    Please leave CBCP alone; huwag na natin silang gambalain at ihalo sa maruming pulitika. The priest is not asked to be an expert in economics, construction or politics. He is expected to be an expert in the spiritual life.

    I will assure you CBCP will not support the impeachment this time… it’s a waste of time!

  54. men0k men0k

    Was it also a waste of time when Cardinal Sin told the Catholics to go to People Power 1, Jefferson?

    You said, “The priest is not asked to be an expert in economics, construction or politics. He is expected to be an expert in the spiritual life.” In EDSA 1 & 2, does the participation of the Bishops during those times not a waste of time? Were they “experts in the spiritual life” before and not anymore now once they support the impeachment?

  55. men0k men0k

    The CBCP does not support the impeachment bid, as per abs-cbnnews.com. The bad effect of a circumstance like this is, people will even doubt already the CBCP.. They might think that CBCP was bribed or what-have-you, all because people now does not respect and believe in anything that has something to do with MIDGET… Every time they will think that MIDGET has corrupted the institution that supports her. So, for these things to stop, just let her put an end to this issue.. let an investigation on the allegation that she cheated be started and finished.. One by one, the institutions in our country is being doubted already just because of the ‘cover-up’ the gov’t is doing. It is very simpple and yet MIDGET cannot do it.. Just put a closure to the issue. And the only closure is let there be an investigation. Un lang… Sabi nga ng panganay kong anak “Daddy, bakit ba ayaw ni gloria magkaroon ng imbestigasyon?”.. Hanggang ngaun ayaw ko syang sagutin kasi ayokong pati utak ng anak ko ma-corrupt na rin dahil lang sa pagkapit-tuko ni MIDGET sa upuan nya… Alam ko, we are better than this, mga kapwa ko PILIPINO.

  56. Jefferson Chiong Jefferson Chiong

    menOK,

    The CBCP said it respected “the position of individuals or groups that wish to continue using the impeachment process to arrive at the truth,” but added that unless “unless the process and its rules, all participating parties, pro and con, are guided by no other motive than the genuine concern for the common good, impeachment will once again serve as an unproductive exercise, dismaying every citizen and deepening the citizens’ negative perception of politicians left, right and center.”

    Your only ultimate ambition lang naman mapatalsik si GMA, I don’t think na matatanggap nyo ng maluwag sa dibdib kung mapatunayan na hindi totoo lahat ng putik ng ibinato nyo kay GMA, kasi nga GUILTY verdict na agad ang sa inyo!

  57. Jefferson Chiong Jefferson Chiong

    Where is the Hyatt 6 now? Eat your heart out… magiging Hyatta 3 na lang sila. As the saying goes TRUTH WILL SET YOU FREE!!! It’s politics my dear fellow Filipino.

    May kasabihan kung galit ka sa kaibigan mo; itulak mo siya sa pulitika, sigurado magugulo ang buhay nya. Attention; Former Finance Secretary Cesar Purisima!

  58. men0k men0k

    I only have one question for you Jefferson, is the issue of legitimacy of MIDGET closed already or not yet? Then tell me why such is your answer. If you may please, and I will wait for your answer.

  59. men0k men0k

    You may cry your heart out as much as you want to.. But I’m better-off not the one laughing now.. as the saying goes, “he who laughs last, laughs the loudest…”

    Me, as well as the others here, i know are happier now though we are not laughing because we know that deep within us, still we have our conscience and we still can distinguish between right and wrong, between proper and not, between sane and insane, between truth and lies.. we will be fine, guys…. don’t worry.

  60. Spartan:

    Matagal ko nang napanood ang “V for Vendetta” hindi pa ipinalalabas sa Japan. I recommended it as a good training material in underground resistance or even open resistance if necessary. I have a collection in fact that I use to inform members of my group for better advocacy.

    Iyong iba pang must-see movies na dapat panoorin ng mga pilipino ay iyong “Amin: Rise and Fall” and “Hitler” featuring Robert Carlyle, who impersonated Hitler. Doon mo makikita ang comparison ni Bansot at ng mga salbaheng mga despots na ito.

    I don’t watch Philippine TV kasi ayokon mag-subscribe sa TFC or GMA kasi marami namang akong makukuhanan ng mga news tungkol sa Pilipinas lalo na iyong mga isinasalin ko sa wikang hapon. Mas detalya pa nga dahil hindi naman lahat ay ipinapalabas sa TV. Ganoon din ang mga napapanood ninyo sa TFC or GMA na edited versions na. Ang masama filtered according to instructions from Malacanang!

    Iyong ngang isinalin ko minsan for a Japanese TV, ang linaw-linaw ng pananakot ni Defector doon sa mga ABS-CBN na kakasuhan sila kung lahat ay ipapalabas nila at hindi nila ii-edit ang palabas nila na magiging laban sa administration. Lastik di ba? Dito iyan, bukas na bukas din may mga subpoena na iyan ng pananakot at infringement of human rights. Iyan ang wala ngayon sa Pilipinas. Kaya bakit kumakampi ang mga supposedly guardians of the people for God dito sa ulupong?

    On the other hand, what is happening now is an early sifting of Filipinos and perhaps invitation for them to search for the truth to be a better people, even a search for the true God! “No man can serve two masters: for either he will hate the one, and love the other; or else he will hold to the one, and despise the other. Ye cannot serve God and mammon.” (Matt. 6: 24; Luke 16: 13)

  61. One thing I have observed is that Filipinos in general do not have a say in their government. Kaya ang labas nila uto-uto especially with the brainy ones mostly no longer there and even are no longer citizens of the Philippines. On the other hand, I don’t know what good it will do the Philippines to grant dual citizens to Filipinos overseas especially during times of war when the countries of their citizenship go to war with the Philippines.

    Baka makatulad doon sa isang pilipinong na-meet ko sa Tokyo na transit passenger na galing sa USA at citizen ng USA. Tinanong ko kung kakampi siya sa Pilipinas kung sakaling magkaroon ng guerra between the Philippines and the USA, aba e ang sagot: “Siyempre sa US kasi wala namang ibubuga ang Pilipinas kung sakali.”

    Sagot ko naman sa kaniya nang balikan niya ang tanong ko, “Well, it depends kung sino ang nagsimula ng laban. Kung alam kong mali ang Japan, bakit hindi ko susubukan ituwid ang mali. Hindi naman ako puedeng kumampi sa Pilipinas ng lantaran dahil citizen ako ng Hapon, but for sure, hindi ako sasamang makipaglaban dahil alam kong mali. Pero kung mali ang Pilipinas, hindi ako mangingiming kumampi sa Hapon. Doon ako sa tama kahit na matalo!”

  62. Jefferson Chiong Jefferson Chiong

    MenOK,

    The truth GMA won fair & square! But if you insist, NANDAYA kailan ba meron natalo sa Pilipinas?

    To be fair, MAASAHAN mong kasama mo KAMI kung napatunayan nandaya si GMA pero pano kung napatunayan naman hindi, meron bang puwang sa puso mo ang magpakumbaba at tumulong pano susulong ang bayan Pilipinas? Mas naniniwala akong madaling manira kaysa magbou!

    Just wait for the result of CEBU ballot counting… so far nanahimik si Loren Legarda, preparing herself for incoming senatorial election, unti-unting nahimasmasan bakit kaya? I hope your guess is as good as mind 🙂

  63. men0k men0k

    Jefferson, what is your basis that she won FAIR & SQUARE? Me, my basis for my doubts on her legitimacy are, “Hello, Garci”, EO 464 which prohibits the generals and cabinet men from attending inquiries, CPR (Calibrated Preemptive Response), crushing the impeachment case (why doesn’t she want this to be forwarded to Senate) and, the Classic one, the “I Am Sorry”…

    You don’t know me so please don’t be prejudicial by saying na hindi ako nakakatulong sa bayan ko ngaun.. And bakit hindi ako magpapakumbaba kung mapapatunayan kong hindi nga nandaya si MIDGET? You see, my friend, if in case still now things are not clear for you. It’s not about MIDGET nor anybody else. It is the question of her legitimacy and why does she prevent the investigation regarding the Garci tapes.. No matter how hard you try to veer away from the topic, still alam ng mga tao ang totoo.

    Papano kaya sya mapapatunayang nandaya kung lahat ng avenues na pwedeng maptunayang nandaya sya eh hinaharang, at all cost.

    Bakit kaya nya ginagawa un, Jefferson?.. Well, I know your guess is as good as mind.. errr, mine pla… 😉

  64. Jefferson Chiong Jefferson Chiong

    menOK,

    Have u ever notice kung bakit “atubili” sumama ang mga nakakaraming pinoy sa ipinaglalaban yong “patalsikin” c GMA at all cost? Is it because there is no GENUINE concern for the common good from your ranks? Nakatatak na sa isipan ng maraming pinoy na kung sila/kayo naman ang pumalit kay GMA, wala parin magbabago [mukha at pangalan lang magbabago!], masisi mo ba kaming magduda sa mga motibo ng mga gustong magpatalsik kay GMA?

    Sa totoo lang, the truth you looking for is to OUST GMA, para yun manok naman nyo ang maupo, magpakatotoo ka na lang! 😉

  65. men0k men0k

    Sir Jefferson Chiong, pakisagot po muna ung mga tanong bago po ako magbigay ng opinyon tungkol sa mga sinasabi nyo… Wala po yta kayong sinagot sa mga tanong ko sa huli ko pong post tapos po nagbubukas na naman po kayo ng bagong topic.. isa-isa lang po.. klaruhin muna natin isa-isa bago po tayo mag-iba ng topic.. pasensya na po kayo kung sa mga huli nyo pong ipo-post ehhindi na ako magre-react kung hindi nyo po sasagutin mga tanong ko.. aral na aral po kayo sa amo nyo ah 😉

  66. MenOK,

    Bakit nga ba ayaw pailalim ni Bansot sa imbestigasyon kung talagang wala siyang ginagawang masama? Dapat gayahin niya ang ehemplo ni Erap na humarap sa mga nag-uusig sa kaniya. Kaya nga lang ay palpak ang hustisya sa Pilipinas dahil na rin sa kagagawan ni Bansot lalo na.

    At least, ngayon may babatayan ang mga pilipino ng kung sino talaga ang matino at hindi, at kung sino ang walang kasalanan at meron! Iyong takot na maimbestigahan ay walang dudang may itinatagong lihim na kawalanghiyaan!

    Garci tape, inamin naman niyang siya iyong kausap kaya nga nagsabi siya ng “I’m sorry.” Pero alam mo naman ang taong ito na walang palabra de honor, binawi ang sinabi sa pamamagitan ng sinasabing kabit niya ngayon at sinisi pa iyong Hyatt 10! Iyan ang tunay na tarantado!

  67. men0k men0k

    Hindi ko nga alam Ystakei kung bakit my mga tao pang gustong bigyan ng kapaliwanagan ang mga ginagawa ni MIDGET.. Yung anak ko, 8 years old lang un pero sabi nya “dapat Daddy para hindi na magalit mga tao kay gloria, hayaan nya munang magkaroon ng imbestigasyon..” sinasabi ng anak ko un maski wala pa syang alam sa pulitika, etc.. kaya siguro naman hindi sya mapaghihinalaang may motibong mapatalsik si MIDGET, unless miyemro ng opposition bloc ng congress ang anak ko which I doubt kasi hindi pa nga marunong bumiyahe mag-isa ito eh.. 🙂

    ilang taon na kaya ung ibang nagpo-post dito sa blogsite na ito.. siguro mga 7 years old lang sila kasi mukhang mas maliwanag pa mag-isip ung anak ko kesa sa kanila eh…

  68. Jefferson Chiong Jefferson Chiong

    MenOK,

    Nagsalita na ang korte suprema, ano ba ang gusto nyo? Natalo kayo sa impeachment in a legal manners [numbers game], nag-people power, or lahat-lahat ng pang-gugulo at paninira ginawa nyo na pero hayan parin kayo hindi kayo mapatahimik ng paghahangad nyong mapaalis si GMA.

    Sorry, hindi ako maka-GMA, ang sa akin lang hindi na maka-move on ang bansa sa walang katapusan bangayan at batuhan ng putik! Panahon ang huhusga kung talagang nandaya si GMA but please give our country a break.

    Ang hindi ko lang maintindihan sa kontra-GMA ay yun sobrang “HATE” na dinadala nyo, pag komontra sa gusto nyo bayaran na, walang pinagkaiba dun sa mga talunan na dinaya/ninakawan sila kaya sila natalo. Bakit hindi na ba kami pwedeng magsabi ng saloobin namin na hindi iisipin bayaran ng Malacanang, anong pruweba nyo na bayaran kami. Yan ang dapat nyong paka-isipin sa kabila ng kaliwa’t kanan banat nyo sa gobyerno ni GMA ay meron parin Pilipino na hindi basta-basta nagpapadala sa emosyon bagkus nag-iisip ng mabuti.

    Kung mapatalsik nyo si GMA, congrats for a well job done lang sasabihin ko at pagkatapos noon wala na, ganun lang para maka-move on na ang bayan natin. Sana nga ang bayan Pilipinas ang naiisip nyo sa ginagawa nyong pang-gugulo at hindi personal na motibo. Sobang personal “HATE” kay GMA na kasi ang mas nakikita ko, PANO NAMAN KAMING NASASAGASAAN NYO? God bless us all 🙂

  69. jorgie jorgie

    CBCP? Ano ba iyan? They never speak with one voice. Their pastoral letters and statements are as vague as their teachings and practices (sorry to say this). They are a bunch of hypocrites! That’s all I have to say…And yes, I think if INK comes out with their own pastoral letter, it carries more clout and influence. Unfortunately, Manalo is held captive by this midget…or vice versa?

  70. concern_citizen concern_citizen

    Jefferson…. Ang galing ng ilag mo… pero naitanong mo ba kung paano naman ang mga taong naghahanap ng katotohanan? TAMA KA DI LAHAT BAYARAN… PERO MAY NABAYARAN KAYA? dI KA MAKA gma HA? PERO NANINIWALA KA NA NANALO FAIR AND SQUARE SI PANDAK…. MAY HELLO GARCI TAPE… WALA YUN …KASI ANG ORIGINAL HAWAK NI IDOL KO DATI SI BUNYE !!!YUNG LUMABAS SA KORTE TAMPERED YUN KASI MAY TUNAY NA GARY NA PARANG BABOY NA GUSTONG SALUHIN YUNG BOSES NI GARCI…SINO MAY PAKANA NON? SIGURO OPOSISYON JEFFERSON? PALAGAY MO? PABAYAAN NA LANG NATIN NAKAUPO YUNG PANDAK KAHIT MAY TANONG KA SA ISIP MO NA LEGITIMATE NA PRESIDENTE BA YAN? dI KO BINOTO SI ERAP PERO MAY NAG ISIP BA NA NANDAYA SI ERAP? O MAY LUMABAS BA NA ISSUE NA NANDAYA NGA SYA? EH KUNG GANON… BAKIT KAILANGAN PA NG BOTOHAN? BAKIT KAYA KUNG ANU ANO NA ANG GINAGAWA NG MALACANANG PARA DI MATULOY ANG IMPEACHMENT? KUNG LEGITIMATE NA PRESIDENTE NGA YAN SI GLORIA SAMA TAYO JEFFERSON MANAHIMIK AT TUMULONG SA GOBYERNO… YAN DIN ANG GUSTO KO EH AT NAKAKARAMI TAHIMIK AT MAUNLAD NA BAYAN NA PINAMUMUNUAN NG TUNAY NA HALAL NG BAYAN… HIND KWESTYUNABLE.. SIMPLE LANG NAMAN… HARAPIN NA YUNG IMPEACHMENT AT SAGUTIN ANG PARATANG… EH KUNG NANALO NGA SI GMA ….ABA SA KANGKUNGAN DADAMPUTIN YANG MGA OPOSISYON NA YAN. PERO KUNG HANGGANG NGAYON UMIIWAS AT GINAGAWA ANG LAHAT NG PARAAN PARA DI MASAGOT ANG MGA KATANUNGAN… WAG TAYO UMASA NA MANANAHIMIK ANG ISSUE…ANG NANGYAYARI LANG NGAYON… PINUPUNO MUNA NI PANDAK ANG GALIT NG MGA TAO, MAGHINTAY KA AT PAG SUMABOG YAN…
    SANA NGA UMUSAD NA TAYO… PAGKATAPOS SAGUTIN NI PANDAK ANG LAHAT NG ISSUE… GUILTY KAYA SYA? SA MGA NAGLALABASAN AT MGA PANGYAYARING NAGAGANAP…GUILTY SYA !!! PERO SANA SAGUTIN NA NYA PARA MAPATUNAYAN NYANG DI SYA GUILTY…KAWAWA NAMAN ANG MGA ANAK NYA…ANG MGA APO NYA… MASAKIT MARINIG NA ANG KAPAMILYA EH MARINIG NA MANDARAYA, MAGNANAKAW AT GANID SA PWESTO…. SA APO NA LANG…LOLA….MAGNANAKAW KA BA? NAKU HINDI APO… DI NILA NAPATUNAYAN KASI MAGALING ANG LOLA MO. SA ISIP LANG NILA YON… BAKA ANG ISAGOT EH….SECRET APO… O KAYA PAPALUIN NA LANG ANG APO…SABAY SABI…ISA KA PA DYASKENG BATA KA !!! MABUTI NA LANG AT DI AKO KAMAG ANAK NI PANDAK KASI SIGURADO ITATATWA KO RIN SYA… NAKAKAHIYA EH… DI LANG NAMAN SA KANYA NAG RE REFLECT YAN EH… KUNG MAKAPAL ANG MUKHA NYA… PAANO NA YUNG MGA MALALAPIT SA KANYA NA HINDI NAMAN. DATI DI NAMAN HATE ANG NARARAMDAMAN NG TAO EH, CURIOSITY KUNG NANDAYA NGA PERO NGAYON…TAMA KA …HATE NA NGA.. SINO MAY KASALANAN? OPOSISYON BA KASI KUNG ANO ANO ANG PARATANG KAY PANDAK? O MISMO SI GLORIA NA AYAW SAGUTIN ANG MGA PARATANG? GOD BLESS JEFFERSON… NAIINIS NA RIN AKO SA GULO EH ANG TAAS PA NG MGA BILIHIN SABAYAN PA NG TAX NA DI KO MARAMDAMAN KUNG AKO ANG NAKIKINABANG SIGURO KUNG INIPON KO YON MAS OKAY PA. KAYA GALIT AKO KAY PANDAK KASI SYA ANG DAHILAN NG GULO EH…PALAGAY MO JEFFERSON?

  71. jorgie jorgie

    Jefferson Chiongo: Supreme Court nagsalita? Para kanino? Sa taong bayan o para kay amo mong tiyanak? Simula pa kay Cheap Justice Davide hanggang dito kay Panaginipan este Panganiban na cabalen ni Pandak, tama ba ang naging mga decisions? Hindi ba halos lahat pabor sa administration? Mula sa mababang korte hanggan sa SC, mabilis silang kumilos kapag kalaban ni Pandak ang mga kaso. Pero kung kaibigan at kakampi ni Pandak, binabasura!

  72. Spartan Spartan

    Jefferson Chiong…para sa akin kaya “atubili” pang sumama sa “pagpapatalsik” kay PANDAK ang “ibang” kababayan natin ay…una, likas na matiisin ang pinoy…kaya sinasamantala ng mga “kawatan”. Pangalawa, dahil nga sa “hirap ng buhay” na dinaranas ng napakarami nating kababayan, na talagang “they are struggling just make ends meet” ika nga, inuuna nila ang pag-gawa ng paraan to “survive”. Ikatlo, dahil sa kabaitan ng mga pinoy, often times they “serve as lambs for the slaughter”, likas sa ating kultura ang pagiging mapagpasensya at mapagparaya, na again, those with “criminal minds” like Gloria and her “co-horts” are taking advantage of, pero me kasabihan din tayong mga noypi, “KAPAG PUNO NA ANG SALOP, ITO’Y KINAKALOS”. So, the “critical mass” that alot of us are already praying for might still be far, BUT……when that time comes, tandaan mo Jefferson Chiong, sumabit ka na sa saya ni Gloria, siya yung “second coming” ni Marcos, mapapanuod din niya kung papano SAMPALIN, LURAAN, at SUNUGIN ang kaniyang LITRATO ng galit na galit, at gigil na gigil na “TAONGBAYAN”.

    Si Erap, kahit sinasabi nilang BOBO, BABAERO, at NANGUNGURAKOT ay nasaan? Nandiyan pa sa ating bansa, at “hinihiyawan” at “iniiyakan” pa rin ng marami kundi nakararaming pinoy, dahil katulad nga ng sinabi ko na nuon, kung ikukumpara ang lahat ng KAWALANGHIYAANG PINAGGAGAWA ni Gloria, sa nagawa ni Erap, aba’y baka later on in our “political history”, si Erap ay maging “SANTO” talaga. 😀

  73. men0k men0k

    See Jefferson?.. Hindi na nga ako nag-react sa sinabi mo kasi hindi ka naman sumagot sa tanogn ko eh. kya lang my ibang mga kababayan natin dito na hindi kinaya ung ‘paliwanag’ mo.. Jefferson, naiintindihan mo ba kami?… Siguro kya ka ganyan kasi kamag-anak k ng mga Congressmen ni MIDGET o maski sinong nakakakuha ng grasya sa kanya.. kasi hindi ko maubos maisip na meron pa ring tao ng hanggang ngaun eh iniisip na nanalo si MIDGET ng FAIR & SQUARE?…. tsk, tsk, tsk….

  74. Jefferson Chiong Jefferson Chiong

    Spartan, menOK, concern citizen sa kaguluhan;

    Yan ganyan mga kaisipan nyo kung bakit “atubili” ang mga mamayang Pilipino sumama sa pakikibaka nyo! Hindi lang umayon or makiisa sa layunin nyo ay itinuturing nyong kaaway, bayaran at kamag-anak at kung ano-ano pang masasakit na salita. Pano nyo mahihikayat ang mga tao sumama sa adhikain nyo kung KAYO mismo sa sarili nyo HINDI nyo magawa?

    Yan din ang labis kong ipinagtataka kung bakit, kung saan at kailan kayo nagkaroon ng pananaw ng lahat ng sumalungat sa inyo ay bayaran at kamag-anak na ni GMA? Ganon na kayo nalason ng tinding galit kay GMA?

    Sana lang naiisip nyo na hindi lahat ng sumasalungat sa inyo ay pro-GMA at hindi rin lahat ng umaayon sa inyo at anti-GMA. Meron parin mga Pilipino na higit na nag-iisip kung ano talaga mas makakabuti sa bayan at hindi basta-basta nagpapadala sa mga ingay na walang kabuluhan at katuturan!

    Mas magandang isipin na lang na mawala ang lahat ng masasamang elemento ng pulitika sa ating bayan. Kung kailangan mapatalsik si GMA or lahat ng pulitikong nagsasamantala sa bayan natin para umusad ang Pilipinas bakit hindi? Pero kung nag-aalsa lang kayo sa galit kay GMA para ipalit ang ini-idolo nyong pulitiko, sinisigurado ko hindi kayo makaka-usad. Pano yan 2006 na pag-iingay lang ba kaya nyon gawin? Our country deserve a break! :))

  75. nelbar nelbar

    Jefferson Chiong:

    Pano yan kapag napatalsik si GMA sa pwesto, magdedeklara daw ng mga sariling bansa ang taga Davao, Cebu at Ilokos?Saan ka papanig dito?
    Isa ka siguro sa kikilala sa Davao, Cebu at Ilokos republic?

  76. Jefferson Chiong Jefferson Chiong

    jorgie et all,

    Yun katotohanan na hinahanap nyo ay ang MAPATALSIK si GMA? Yan ang katotohanan, so magpakatotoo na lang kayo. sana lang you’ll be “GUIDED BY NO OTHER MOTIVE THAN GENUINE CONCERN FOR THE COMMON GOOD.”

    “For unless the process and its rules as well as the mindsets of all participating parties, pro and con, are guided by no other motive than genuine concern for the common good, impeachment will once again serve as an unproductive political exercise, dismaying every citizen, and deepening the citizen’s negative perception of politicians, Left, Right and Center,”

    God bless you all 😉

  77. Jefferson Chiong Jefferson Chiong

    Nelbar,

    Kala ko ba maraming ayaw kay GMA? Bakit parang takot na takot kang magsarili ang Davao, Cebu at Ilokos? Ikaw naman kasi kala mo Metro Manila lang ang Pilipinas!

  78. nelbar nelbar

    Jeff:
    South East Asia SAN FRONTIERS!!!

    regardless of sex, race, color, religion, creed, culture, nationality or ethnic identity 🙂
    basta based on meritocracy!

  79. men0k men0k

    Cge nga Jefferson, may punto ka.. mag-suggest ka nga ng gagawin?… hintayin nlang ang 2010 pra sa election?.. or charter-change?.. OR ANO BA TALAGA ANG NASA ISIP NG KATULAD MONG “HIGIT NA NAG-IISIP”… Alam mo there are things which are EASIER SAID THAN DONE… Again, all I am for is payagan ni GMA na magkaroon ng imbestigasyon… Pwede ko bang mlaman posisyon mo about the situation Jefferson, masyado kang maraming palabok eh.. pati pagkatao namin hinuhusgahan mo.. EH NI HINDI MO PA NGA NASASAGOT UNG MGA TANONG KO SA IYO SA ITAAS!

  80. men0k men0k

    Huwag mong ilayo ang isyu… Ang isyu hindi ung kung mapatalsik ba si MIDGET or HINDI.. ANG ISSUE EH BAKIT HINAHARANGAN ANG IMBESTIGASYON TUNGKOL SA ‘DAYAAN’ SA ELEKSYON.. notice the quotes i put kasi hindi p naman napapatunayan na nandaya or hindi si MIDGET.. ang siste, nagkakaroon tuloy ng judgement ang mga tao na nandaya sya kasi OBVIOUS nman pare na hinaharang ang imbestigasyon.. Huwag mo akong daanin sa nadurog ang impeachment complain sa Kongreso because of numbers game.. HAS IT PROVEN ANYTHING ALREADY? NA PORKE WALANG 79 SIGNATURES UNG IMPEACHMENT COMPLAIN EH HINDI NA NANDAYA SI MIDGET?… masyado mong nilalayo eh… maski siraan mo pa pagkatao namin alam namin ang gusto namin… hindi rebolusyon, hindi gera, hindi coup d’etat.. kundi ung magkaroon lang na imbestigasyon sa maayos at tamang paraan.. ngaun dahil sa sobrang panggagago na ng ginagawa ni MIDGET sa tao na as if NOTHING IS WRONG at parang sinasabi tuloy na MANDAYA NA KAYO, OK LANG UN… dun kami galit na galit.. kasi ayaw naming mabuhay ang mga anak namin sa isang bansa na pinamumunuan ng isang tao na gagawin lahat para lang manatili sa pwesto…

    “GUIDED BY NO OTHER MOTIVE THAN GENUINE CONCERN FOR THE COMMON GOOD.” ok tong line mo na to ah.. so guided ka ng what motive?.. ano ba kasi talaga suggestion mo?.. o naggagaling-galingan ka lang?….

    tsaka Snap election nga gusto ko eh, tapo sassabihin mo gusto ko lang kasi iupo ang pulitokong gusto ko.. ang pulitiko na personal ko lang kilala ay ung kabesa namin sa barangay.. eh hindi nman siguro sya pwedeng iupo kapalit ni MIDGET kasi wla syang perang pantustos sa eleksyon… kuha mo ba jefferson or gusto mo lang mag-post ng mag-post dito ng mahahaba to prove na updated ka sa mga pangyayari…

    alam mo jefferson, commment k ng comment sa ibang bagay tungkol dito pero sa mga tanong ko hindi ka sumasagot at inilalayo mo.. ngaun nadagdagan n naman ung tanong ko ng ano ba suggestion mo?…

  81. Jefferson Chiong Jefferson Chiong

    menOK,

    Teka nga, anong imbestigasyon ang sinasabi mo? Kailangan pa ba ng imbestigasyon kayo na mismo ang nagsabi at humusga na nangdaya si GMA, para saan pa yun imbestigasyon kung GUILTY na sa inyo?

    Ang suggestion ko b kamo? Simnple lang MAGPAKATOTOO KAYO SA MGA SARILI NYO! Gusto nyong mapatalsik si GMA no matter what it cost, ginagawa nyo ang lahat ng paraan para guluhin ang gobyerno nya at lalong magalit ang taong bayan sa kanya! Bakit hindi nyo tanggapin sa sarili nyo na ayaw nyong magtagumpay si GMA? Kay GMA kayo galit na galit pero sino ba ang higit na naapektuhan sa mga pang-gugulo nyo? Pwede naman kayong komontra sa tamang paraan hindi b? Pero hindi ang gusto nyo talagang bumagsak ang gobyernong Arroyo kesehodang lumayas ang mga “investor” at hindi na makabangon ang ekonomiya ng sa gayon si GMA ang sisihin ng taong bayan tama ba ako?

    Siguro naman nasagot ko na yun mga tanong mo, sobra-sobra pa, MAGPAKATOTOO K NA LANG, menOK? 🙂

  82. MenOk, Spartan, Schumey, et al:

    Careful kayo ng mga sinasagot ninyo kasi iisang tao lang mga iyan and one or two from the palace by the murky river sent by the guy from Batangas and Cebu.

    Frankly, there is this guy who has been kicked out of the blogs, and egroups because he is definitely a schizophrenic Internet addict posting in his many personalities. I have actually written Schumey, Emilio, et al about him and the clues on how to spot him.

    He is definitely sick and you should ignore him, and better still, don’t read his notes so you will not have to answer him. Pag walang pumansin sa kaniya, mananahimik iyan. Multiple personalities ang loko. Minsan babae pa nga iyan!

    Ang tawa ko nga nang magkamali minsan, and Ellen noticed it! I was in fact playing tootsie with him, although I recognized him and his style of writing! Sa dinami-dami ng kriminal na na-meet ko sa pulis as an interpreter in Japan, I know a criminal when I see one.

    In other words, konti lang sila compared to the number of those wanting to get rid of the Bansot because she is in fact a criminal for in the Philippines, perjury and violating the provisions of not just the Election Code but other criminal codes in the Philippines are crimes, and the Bansot have committed a lot of crimes against the people of the Republic of the Philippines. Nakakaligtas lang iyang kasi puro appointee niya ang nagpapalakad ng pulis, militar at hukuman sa Pilipinas, at pati na iyong simbahan Katoliko ay nagbalimbing na rin nang takotin siguro na puputulin na ang rasyon mula sa PCSO, jueteng at iba pa!

    Tuloy ang pakikibaka! Mas marami ang gusto nang bumuti ang Pilipinas.

    PATALSIKIN NA, NOW NA!

  83. Jefferson Chiong Jefferson Chiong

    Ms. Ystakei,

    Be realistic, hindi lahat ng gusto natin sa buhay ay makukuha or magagawa natin, sa totoo lang, kasama ka sa mga dalangin ko na pawiin NIYA ang sobrang galit sa puso mo. Marami pang magagandang bagay sa mundo ang higit na dapat bigyan ng pansin. Ang mga ganitong palitan ng kuro-kuro hindi dapat samahan ng galit at pagdududa sa kapwa. Ganun pa man hindi rin kita masisi, maaring naging biktima ka rin ng masamang sistema ng kasaysayan!

    God bless you 😉

  84. men0k men0k

    I think nsa North ako, nsa South ka Jefferson… papano ngang hind iiisipin na GUILTY sya eh hinaharangan nga ung imbestigasyon… hay naku.. ang hirap gisingin ng taong gising.. tulad din ng ang hirap paliwanagan ng taong nag-gagaling-galingan…

    Tsaka, pareng Jeff.. wala kang sinagot sa tanong ko.. iniliko mo lang ung tanong ko para mapunta sa sinasabi mong ‘galit kay MIDGET’, ‘hinusgahan na agad si MIDGET’, ‘hindi matanggap si MIDGET’, ‘magpakatotoo’ at kung anu-ano pa… hindi mo po ba binabasa ung nsa itaas, hindi po ung pagpapatalsik kay MIDGET ang gusto ko… ang gusto ko hayaan nyang magkaroon ng imbestigasyon… no matter how vainly yo utry to mislead and misguide the people here, at the end of the day, nilalayo mo sa point namin ung mga bini-brint out mong arguments…

    MAGPAKATOTOO KA NAMAN JEFFERSON 😉

  85. men0k men0k

    Jefferson, bakit ba pinipilit mong gusto naming palitan si MIDGET? Dun napupunta sa pagpapalit kay MIDGET kasi gusto naming maayos na gobyerno ang namumuno sa amin and not the one which is hounded by issues of credibility and legitimacy.. kung nagkataon na si erap ang gumawa nun, ganito rin kami, ngangawa rin kami… kasi we are for TRUTH.. pinalalabas mo na galit lang ang dahilan namin kya kami nandito and ikaw valid ung reason mo and credible ung motive mo to site your opinion while kami ung opinion namin is based on HATE and ANGER kay MIDGET.. Un ang pinalalabas mo to make it appear that what we are fighting for here is based on HATE and not of concern for the people.. alam mo, nagagaya na ung mindset mo kila defensor, bunye, etc… akala nyo ang mga pilipino habangbuhay nyong mapapaniwala at maloloko.. akala nyo ang mga nagbabasa nitong blogsite na ito eh mapapaniwala nyo pa na personal ang dahilan namin kung kya kami bumabatikos kay MIDGET… pero nagkakamali ka, kayo.. hanggat hindi napapatunayan na hindi nandaya si MIDGET noong nakaraang eleksyon at walang basehan ung “IM SORRY” nya.. hindi AKO titigil in posting here.. maski ano pang scenario ang i-paint out mo na kesyo HATE ang reason kung bakit ako nandito.. na kesyo may gusto lang ako ilagay, etc… if given a chance na pwede akong mkipagpalit ng katayuan sa iyo ngaun.. hindi ko pa rin gagawin.. kasi masaya ako sa ipinaglalaban ko dito, maski ano pa iparatang mo.

  86. jorgie jorgie

    Jeff Chiongo: Stop defending the Monkey Queen in Malacanang. Mahihirapan ka lang pare. When people want to impeach her, it’s not merely to oust her. Impeachment is a legal process allowed by law. Hindi porke na-impeach na may kasalanan agad at tanggal na. Impeachment is the only means to know the truth other than snap election and violent overthrow. Impeachment will give your fake president the chance to explain and defend herself. Kung wala siyang kasalanan talaga, di tuloy ang ligaya niya. At kung may kasalanan naman, dapat lang maparusahan siya at umalis na siya sa kinauupuan niya. Iyan lang naman ang hinihiling ng mga taong bayan. Bakit siya takot? At bakit ayaw? At bakit pilit na hinaharang at pinapatay?

  87. Jefferson Chiong Jefferson Chiong

    jorgie & menOK,

    Magandang araw s’yo or kung gabi man ngayon dyan sa inyo. Gusto ko lang malaman nyo na hindi ko intensyon makipagpa-pagalingan sa inyo. Binibigay ko lang ang opinion sa abot ng aking kaisipan, ang sa akin lang pwede tayong magtalo at magpalitan ng kuro-kuro ng hindi kailangan magkasakitan. Hinihingi ko ng PAUMANHIN kung meron man akong nasabi na hindi nyo nagustuhan, sana lang mapanatili natin yun pagiging maginoo sa pakikipagtalo. Ganun talaga, hindi lahat nagkakatugma ng pananaw at damdamin sa bawat issue. Dahil kung pare-pareho lahat tayo, eh, hindi sana tayo nagtatalo ngayon dib?

    Just remember, there’s a right way and a wrong to do everything, and the wrong way is to make everbody else to make things a right way!!!

    God bless us all 😉

  88. men0k men0k

    Uuyyy, Jefferson.. bago k naman mag-graceful exit, sagutin mo naman ung mga tanong ko.. nage-graceful exit k naman eh… hindi po ako nakikipagtalo at hindi rin po ako nananakit ng damdamin.. nanghihingi lang po ako ng opinyon nyo sa mga tanong ko.. kinukuha ko lang po ang nsa isip nyo… as tingin nyo po ba hinaharang ang impeachment?.. sbi mo po palitan ng kuro-kuro.. eh hindi ka naman nakikipagpalitan ng kuro-kuro eh.. umiiwas ka sa mga tanong.. straight-forward naman po ung tanong.. bakit hindi po staright-forward ung sagot mo.. wala kang nasabi na hindi ko nagustuhan.. kya lang kita kinukulit kasi agn dami-dami mo ng sinabi pero hindi mo pa rin sinasagot na kung sa tingin mo ba eh hinahahrang ung imbestigasyon o hindi and prove your point.. un lang po… simple lang po naman di ba?…

  89. jorgie jorgie

    menOK, pagbigyan mo na si Chiongo. Kanino ba magmamana iyan kundi kay tiyanak. Kapag tagilid at talo na, biglang kambiyo at kunwari aamo. Di ba ganyan din si Tiyanak at ang mga taga Malacanang? Pansinin niyo sila…kapag may iskandalo puro denial at tanggi. Kapag bisto na sasabihin destabilization attempt at black propaganda. Kung bistadong bistado na sasabihin nilang misquoted lang ng media at reporter. Iyan ang paulit-ulit na nangyayari. Pero sa tutoo lang, baka naman nagising na si Chiongo. Wala naman masama kung magbigay siya ng kanyang pananaw. Kaya nga discussion group ito. Alangan magkamutan na lang tayo ng ating mga likod. Kung minsan siyempre may tatahol at kakagat sa atin lalo na kung pakawala ni Bansot dito. Ang hirap lang kay kaibigang Chiongo banat ng banat siya ng wala sa lugar. Talo na hirit ng hirit pa din. Pero lahat naman ng tao may pagkakataon pang magbago. Kung tuluyan nang magbago si magdalo_you este Jeff Chiongo, di mabuti. Kung ganyan eh di aalisin ko na ang letrang “o” sa kanyang apelyido para magmukhang tao na siya.

  90. Jefferson Chiong Jefferson Chiong

    menOK,

    Read between the lines;

    If your absolutely convinced that is the means to get to the truth, then so be it, provided the rules are complied with. And the rules clearly require them [congressmen] to produce enough signatures.”

    WALANG HUMARANG at HINDI HINAHARANG! Pano masasabing hinarang kung wala naman makuhang tamang suporta mula sa congressmen? Kung lahat ng congressmen nagkaisa sa impeachment at hindi sumunod si GMA, dun lang masasabing hinarang… kaso wala as is wala naman humaharang dib?

  91. men0k men0k

    Have you got any idea on what congressmen have gone through after they signed the impeachment case last year?.. hirap n hirap silang kumuha ng pork barrel nila after that.. hindi inaaprubahan ni MIDGET while ung mga pumirma at pipirma pa ngaun, hindi lang pork ang ibinibigay.. BEEF pa!.. ala mo ba nangyayaring gapangan ngaun para sa impeachment?… ETO PA.. nung nkaraang presidential elections, alam mo bang pinatawag ni MIDGET lahat ng kagawad at kabesa ng Barangay sa Malacanang. baka sabihin mo pano sila magkakasya sa malacanang?.. syempre po iba-ibang araw.. naka-schedule sila.. Nag lunch sila dun and after that my mga sobreng inabot sa kanila, i think ang laman 2000 sa kagawad at 5000 sa kabesa.. Para saan un, pamasahe?.. Eh ung mga transpo nila kuniha na ng bawat barangay sa barangay budget nila un.. alam ko kasi barangay official ako dati… This is a FACT kasi kumpare ko mismo ung kabesa namin at pinsan ko ung kagawad nya… ilang kagawad meron sa isang barangay? at ilang barangay meron sa bansa?.. daang-libo?.. ganu nkalaki ung pera ng bayan na ginamit para lang sa mga barangay officials ha.. lalo pa kaya ung sa congressmen.. I know magde-deny ka o kung sinopaman, pero gagamitin ko na rin ang Diyos kasi ginagamit mo na eh.. GOD KNOWS kung sino ang nagsisinungaling at kung sino ang nagsasabi ng totoo.. hindi lang kasi mahusgahan pa si MIDGET kasi may mga taong katulad mo pa na kunyari for the good of the people ang nsa isip and yet keep on suggesting na hindi naman hinarang ung impeachment and si MIDGET tlaga ay nanalo…

  92. Jefferson Chiong Jefferson Chiong

    menOK,

    If that is the case at kung totoo man, naniniwala parin akong HINDI NATUTULOG ANG DIYOS. Don’t worry lahat naman may hangganan!

    Kasaysayan ang huhusga. Pero dahil sa kakaibang klase ng pulitika sa atin hindi mo na alam kung ANO TALAGA ANG TOTOO. Ang napansin ko lang at ang ipinagtataka ko sa mga anti-GMA, bakit lahat ng hindi sang-ayon sa inyo ay pinag-hihinalaan nyong bayaran, kamag-anak at kung ano-ano pa?! Hindi ba naisip ng mga ANTI-GMA na maraming “miron” or nagmamasid na mamayang Pilipino na sobrang nalilito at naguguluhan… ‘ika nga, naiipit sa gitna at naghihintay lang kung kanino papanig?!

  93. jorgie jorgie

    Hmmm…may katuwiran ka din Chiong. Mahirap humusga ng kapwa. Sabi nga sa biblia…don’t judge ’cause it’s God Who judges (mali ba?). Pero si Bansot kailangan pa bang husgahan? Naghihintay na nga si Lucifer sa impiyerno eh…

  94. Bentong Bentong

    ANG MGA TUNAY NA BIKTIMA
    Para sa hindi marunong ng salitang Bicol,
    > 83 NA ANG NAPATAY NA BICOLANONG AKTIBISTA

  95. jorgie jorgie

    Bicolano ka ba? Mother ko from Oas, Albay.

  96. Bentong Bentong

    OO, Bicolano and proud to be one. Me pumutol sa ni-clip kong padala sa akin ng isa sa mga tunay na biktima sa nangyayari sa ngayon dito sa Pinas…

    Date: Tue Jul 11, 2006 5:59 pm
    Subject: Re: [KAIBAnews] 83 na an nagagadan na mga Bicolanong aktibista scorpina0174

    Bakit ang binibilang lang ninyo ay ang mga namamatay na aktibista pero ang mga
    hina-harrass at pinapatay ng mga NPA ay hindi? Hindi ba ang katarungan ay para
    sa lahat hindi lang para sa mga kaliwa/rightist? Mas marami ang inaabuso ng mga
    rebelde kaysa inaabuso (daw) ng mga militar/pamahalaan. Buti nga ang mga kaliwa
    ang lakas sumigaw ng laban sa pamahalaan kahit wala namang maipakitang
    ebidensiya pero ang mga tao lalo na ang mahihirap sinasarili na lang ang
    paghihirap ng loob laban sa rebelde dahil takot baka kung ano ang mangyari sa
    kanila. Sana maging pantay ang katarungan sa pag-report ng mga karahasan at
    abuso at hindi lang kaliwa ang titingnan.

  97. jorgie jorgie

    Saan ka sa Bicol? Madalas din ako sa Naga at Legaspi noon.
    Family friends din namin ang mga pamilyang CEA.

    Sa hirap ng buhay sa Bicol, tutoong maraming kaliwa doon. Kasalanan ng gobyerno at militar. Paano masisisi ang mga taong bayan kung patuloy silang inaabuso? Masisisi ba natin na sumanib at tumulong sila sa rebelde? Kung hindi tutulong ang gobyerno, saan sila pupunta?

  98. vendictimus vendictimus

    MAGDALO_YOU
    Hindi ka kaya yun isa sa mga Obispong dispalinghado?

Leave a Reply