Skip to content

Caregiver ng mundo

Ipinagmamalaki ni Gloria Arroyo na ang isang achievement ng kanyang biyahe sa Vatican, Italy at Spain noong isang linggo ay ang pirmahan ng kontrata para makapasok and 100,000 na Filipino health workers sa Espanya.

Sinabi ni Labor Secretary Patricia Sto. Tomas na siyang pumirma ng kontrata kasama ni Spanish Minister for Labor and Immigration Jose Caldera na dumating na ang 40 na caregiver sa Madrid at mga 60 pa ang darating sa Septiembre.

Marami raw ng mga Filipino ang makikinabang sa kontrata dahil marami nga ang gusto mag-apply noon pa kaya lang mahigpit ang Espanya at mga domestic helper lang noon ang pinapayagan.

Hindi ako natutuwa. Nalulungkot ako.

Balik ako sa matagal ko ng isyu na bakit ba kailangan malayo sa pamilya ang Filipino para mabuhay? Ang description doon sa kontrata ng pinapayagan ng Espanya na magtrabaho sa kanila “health workers”. Ang 40 na unang dumating doon ay “caregivers.”

Ano ba ang caregivers? Tagapag-alaga. Ang Spain, katulad ng maraming bansa sa Europe, ay ageing society. Maraming matanda at kukunti lang ang mga bata dahil nga sa kukunti lang ang mga anak. Karamihan pa sa mga katabataan nila ay ayaw ng “service” careers katulad ng nursing. Gusto nila ngayon ay nasa technology at finance.

Sa mga mayayaman na bayan, kawawa ang mga matatanda dahil nasa homes for the aged lang sila. Kaya kailangan ng mga bayan na yan ang caregivers.

Hindi basta-basta ang trabahong caregiver. Nag-alaga ako ng aking nanay. Malaki ang pasalamat ko sa taga-pagalaga ng Nanay ko.

Marangal na trabaho ang caregiver. Ngunit sa bawat Filipino caregiver na lumalabas ng bansa, ibig sabihin noon may mga anak na naiiwanan ng kanilang Nanay. Bakit hindi sariling anak ang alagaan ng isang ina? Bakit ibang tao sa ibang bansa?

Siyempre ang sagot nun ay kahirapan. Sinabi nga ni Press Secretary Bunye ay sobra raw P80,000 isang buwan ang sweldo. Halos isang taon kakayurin yan ng isang nurse dito sa Pilipinas.

Ang isa pang kinababahala ko ay ang epekto ng ganitong mga kontrata sa ating sariling mga hospital at health centers. Sa ngayon, maraming hospital sa probinsiya ang nagsasara dahil wala ng mga doctor at nurses. Marami sa mga doktor ay nag-aaral maging nurse. Caregiver rin ang bagsak nila sa abroad. Lahat nasa abroad.

Hindi naman masisisi ang mga doktor at nurses na pumuntang abroad dahil para sa kanila, walang pag-asa nga dito sa Pilipinas.

Policy na ng administrasyon ni Arroyo ang manpower export. Sa halip na padamihin ang mga factory dito sa Pilipinas at mag-export ng mga produkto, Filipino ang ini-export ng administrasyon ni Arroyo.

Hindi yata yan makatao.

Published inWeb Links

322 Comments

  1. Ipag-yayabang din ni pandak na yan ay parte ng kanyang ipinangakong 10M na trabaho. Palibhasa ay mga kurakot sila kaya ‘di nila kailangang mawalay sa pamilya upang may ipang-tutus. The social effect of this program of the administration will be felt by the next generation. Mawawala ‘din ang values ng ating mga kabataan. Magiging sakim sa salapi at kawalan ng sense of family. Okay talaga si pandak, pati ang basic unit of society ay winawasak tulad ng pagkasira ng mga institusyon ng pamahalaan.

  2. Ellen:

    Dito sa Japan, mahigpit ang requirement para makasiguro na hindi mga dating Japayuki ang pupunta dito na kunyari caregiver pero sa club din pala babagsak. Kailangang marunong magbasa at magsulat sa wikang hapon at kumuha ng national board exam sa wikang hapon.

    Kaming mga NGO na siyang tumulong na mapahinto ng human trafficking ng mga Japayuki dito ay inaabangan ang maaaring mga problema o suliranin pagdagsaan ng mga bagong uri ng human trafficking na ito na naman. Imagine kung itong mga pilipinong ito na nawawalan na ng moralidad ay magdagsaan dito at magpabuntis sa mga matatandang hapon para lang makapanuluyan sila sa Japan habang buhay at inaasahan ng mga bugaw na tulad nina Bansot at Sto. Tomas na maging salbabida ng kanilang walang kuwentang pamahalaan.

    OK, nandiyan na ang mahirap ang buhay sa Pilipinas, pero kasalanan ba ng ibang bansa na magkaganoon ang Pilipinas? At saka bakit sa ibang bansa itinatambak ang mga ito pagkatapos kinukumbida ang mga matatandang retiro ng ibang bansa na diyan manuluyan sa Pilipinas hanggang sa mamamatay sila?

    Hindi ba nakikita ng mga pilipino ang masagwang policy ng kanilang pamahalaan ngayon na sila ay sa totoo lamang ay itinataboy sa ibang bayan at pinipilit na ipaalipin sa ibang mga tao. Dito sa Japan ay pambihira ang nabubugbog ng kanilang mga amo, pero sa ibang bansa, hindi ba pinapatay pa sila katulad noong mga babaing nagtratrabaho sa Middle East?

    Bakit hindi nakikita ito ng mga pilipino na mali? At saka palabigasan na ng mga walanghiya sa gobyerno ang mga ito? Tama ba iyan. Bakit pati paglabas ng mga ito kumikikil ang mga walanghiya. OWWA fund nila ninakaw na kaya iyong isang caregiver sa Canada hindi na naipadala pabalik sa Pilipinas at wala raw pondo. Kung tunay ang gobyernong nagpapaalis sa kanila, hindi ito dapat pinakikialaman ng DoLE, at ng mga lintang recruiter! Passport nga, pagkuha niraraket pa! Wala na bang katapusan ang kawalanghiyaang ginagawa sa mga pinalalayas nila ng bansa?

    Dito, mga hapon pagpunta sa ibang bansa para magtrabaho, hindi pinapakialaman ng Ministro ng Labor. Kung lokohin sila ng placement company na pinag-aplayan nila, pumupunta sila sa pulis para hulihin ang mga walanghiya. Sa Pilipinas,mismong mga DoLE kasabwat sa mga tiwalian.

    Kawawang mga pilipino. Wala na bang katapusan ang pangloloko sa kanila ng mismong mga bugaw na namamahala ng bansa nila?

    At least, kami hindi dumaan sa ganiyang proseso. Pagpunta namin sa America, nagbayad lang kami ng passport namin at saka iyong mga medical examination wala na! Kasi noon naman, hindi naman nakikialam ang gobyerno sa pag-alis ng mga pilipino ng bansa. Tinataliwas nga noon ang brain drain sa America kasi nag-aalisan ang mga professional noon. Pero walang magagawa. Hinuhubog ang mga pilipinong kasuklaman nila ang kahirapan sa kanilang bansa pati na ang kanilang bansa at pati na ang kanilang pagiging mga pilipino.

    Ngayon grabe, ang tawag pa nila sa mga pilipinong itinutulak nilang mangibangbansa ay “No. 1. Export Commodities”! Talagang mga walanghiya! Ganid! Nakakakolo ng dugo!

  3. Ellen,

    Off topic: Just read a report that says 38 AFP officers, 27 men face raps for Feb. 24 coup
    By Jaime Laude
    The Philippine Star 07/04/2006

    A military inquiry has recommended the court-martial of 38 military officers, including a major general and a brigadier general, for their alleged involvement in a coup attempt in February that prompted President Arroyo to declare a weeklong state of national emergency.

    This is preposterous. There was no coup attempt. Technically, there was no coup d’état attempt or foiled. Absolutely ridiculous!

    The Armed Forces of the Philippines and Gloria Bansot are inventing a new definition for coup d’etat.

    Articles of War Philippine or otherwise, the mere utter that there was a coup d’état attempt will make the rest of the military world internationally laugh at the Philippines. Their DVD or power point presentation and fabrications did not have substance.

    The mere fact that Nelly Sindayen brought it up as a coup attempt does not make it one. It is flabbergasting in the extreme.

    Anyway, that’s Gloria’s call: her and her husband’s downfall!!!!

  4. vonjovi1 vonjovi1

    Hi Ellen,

    Lahat na yata puntahan nitong Reyna ng Magnanakaw ay may nangyayaring masamang or may namamatay. Ayun katatapos lang pumunta sa Spain (Madrid) at may sakuna na nangyari (Train accident). Nsa buntot yata niya at ang masama ay dinala pa sa ibang bansa ang karma niya.
    Pinag mamalaki nila iyan pero hindi nila alam na inumpinsahan na ng pamahalaan Spain (noong pang isang taon)na kumuha ng Caregiver dahil nga sa walang mga kastilaloy na gustong ganoon trabaho. Kahit naman sa Canada or sa U.S. ay puro immigrant at illigal immigrant ang kumukuha ng ganoong tranaho.
    Sigurado nga magyayabang sila pero dapat ay unahin nilang bigyang ng trabaho ang mga tao na hindi kayang mag aral ng caregiver lalo na iyun may edad sa atin. Kaso ang inu una ay ang mangurakot eh. Anag nabibiyaan lang ay ang mga hinayupak na “house of Kotongress” at mga Germs-neral.
    Eto rin ang masasabi ko sa Fall Guy nila na si Comm. Borra. Eto na ang tamang panahon na tumayo ka sa sarili mo at sabihin ang mga kalokohan lalo na si Comm. benjamin Abalos. Simula pa s Mandaluyong ay magaling mandaya at bumili ng balota iya. Bakit kamo. Iyun kapit Bahay namin na wala naman alam at alalay ni Abalos ay nakapuwesto na ngayon sa barangay at ilan pa ang kotse na halos lalampas ng milyons. Abalos ay magaling sa dayaan at alam ko na may basbas si Garci kay Abalos at si Abalos ay may Basbas kay reynang magnanakaw.

    Kaialan kaya gigising ang mga Junior Officer at ang taong bayan. Sabi nga Ni Presidente Fernando Poe Jr. (Tunay na nahalal kung hindi nadaya) ay kailangan ng kalusin ang mga abusado.

  5. Anna,

    Two generals are said to be involved. The administration seems to believe that they have the monopoly of truth. Not only can they create stories, they can also see the future and of course make the wrong right.

  6. O bakit iyong mga kurakot na heneral at mga sundalo hindi nila ipahuli. Kasi ang sasabihin ng mga iyan, sumusunod lang sila sa utos. On the other hand, bastos na talaga ang justice system sa Pilipinas. Iyong mga abogado na dapat kumikilos sa pagpapasunod ng batas, walang magawa. Entonces, isa lang ang dapat gawin diyan—armed revolution na kundi madala sa mapayapaang paraan! God, patawarin tayo ng Diyos for our indifference!

  7. goldenlion goldenlion

    Ellen,
    anong nangyari kahapon sa blogsite mo? After I placed my comment hindi na ma-access ang site? Anyway, tungkol sa mga caregivers natin na pupunta sa Spain….nakakalungkot isipin na dapat pa nilang gawin ang mag-alaga ng mga matatanda at sakiting citizens ng ibang bansa. Sa hirap ng buhay dito sa Pilipinas ay napipilitan ang ating mga kababayan na gawin iyon. Akala ni gloria na reyna ng engkantasya ay siya ang bida sa pagpayag ng Spain na mag-hire ng mga health workers. Ilusyonaria!!! Hindi pa siya nagpa-plano na magpunta sa bansang iyon ay marami ng Filipino health workers ang natatrabaho doon. May kakapalan talaga ang mukha niya. Nakuha pa niyang ipagmalaki ang bagay na iyon……hindi ba niya naisip na iyon ay kasiraan sa kanya? Dahil, hindi niya mabigyan ng trabaho dito kaya niya ipapadala sa ibang bansa?

    Palagay ko, kaya pati nagpunta doon si donya sinungaling, magnanakaw at mandaraya, mamamatay-tao at pandak ay dahil naghahanap siya ng magandang lugar kung saan siya titira kapag pinatalsik na siya sa malacanang. Hindi niya alam, iyong mga health workers na ipapadala niya doon ay siyang uusig sa kanya kapag andoon na siya.

    Galit-galit na siya aky bishop Iniguez dahil nag-file ng impeachment case laban sa kanya. Pero bakit si Oliver Lozano, na siyang kauna-unahang gumawa noon ay hindi niya inaway? Ginastusan pa niya ng milyong-milyon pera ng mga filipino ang kasong iyon? Bakit ngayon ay protektado pa si Lozano ng mga security ni gloria? Hindi ba kahibangan talaga iyan? Isang kabaliwan?

    Natutuwa ako sa laban ni Pacman at Larios—napatunayan ko na si Larios ay isang maginoo, mabait at charming. Gusto ko sanang ipagmalaki si pacman kaso kahapon narinig ko sa TV sa interview sa kanya na sinabi niya “gusto kong pasalamatan si madam gluria”, ayy!! nawala ng tuluyan ang aking paghanga sa kanya. Pero nakakatuwa talaga ang nangyari, hindi nakapapel sina jugador chavit at fatman mike sa ring!!!! Mabuhay si Larios!!!!

  8. Bentong Bentong

    Mabuhay ka PACMAN dahil sa accomplishment mo. Huwag naman sanang magkaroon ng ARMED REVOLUTION dahil mas nakararaming nag dadasal na huwag mangyari ito. Kawawa naman kaming ordinaryong FILIPINO. YUKO, it’s easy for you to say dahil safe ka diyan sa Japan protektado ng U.S. Forces. Pagdasal na lang natin ang mga sundalong natiktikan at hinuli..mahirap isipin kung anong kinabukasan naming mga Pinoy kung sakaling nag rambulam ang mga nag-hahabol sa Malacanan. Baka bawat isla ay may Presidente! Siguro blessing in disguise na hindi nangyari at kaya hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin tayo. “Happy Independence Day sa U.S.A”

  9. jinxies6719 jinxies6719

    04 July 2006

    I agree ms. ellen on your observation, everytime a member of a family leaves to work abroad, the family is left without a mother or a father, sad state of the Filipino family, but I cannot just take it away from them, right???simply because they have find money to feed their hungry family, that is why they have to swallow the bitter pill. My question right now is???what happened to the promise of the leprechaun to create 10 million jobs for the Filipinos???I thought all the while that she is creating 10 million jobs here in the Philippines, instead she is sending Filipinos to work abroad, is she really trying create 10 million jobs???or is she really destroying the family of every filipinos??? instead of giving P1 billion each to the military to combat the CPP/NDF/NPA and to the PAGC, who is doing nothing to implicate the hoods and goons of the leprechaun, why not give it to basic soicla services, like health and education, etc., etc., etc.,…. or why not create or improve infrastructure heree in the Philippines to help boost the tourism industry in the Philippine, so that we can create more jobs in our country, instead of sending them abroad. Better yet what happened to the marcos money that went to nowhere???it could have been used to bloster our sagging agriculture industry.

    jinx

  10. Bentong Bentong

    Mas berde kasi ang nasa kabila. Walang sinabi ang mga tourist spots sa atin kumpara sa iba, kaya lang takot ang tourist ma kidnap. Takot din mag invest ang dayuhan dahil na rin sa ingay natin. Yun namang kayamanan ni Apo Lakay ay maraming kontra na ipamahagi na..nagkapatayan na ang mga biktima hindipa rin naibibigay. Kung tutoo man na kayang bayaran ang utang nating Pinoy sa mga pinagkakautangan OK sana, pero hindi pwedi, maraming hahadlang.

  11. vonjovi1 vonjovi1

    To jinxies6719 – what happened to the promise of the leprechaun to create 10 million jobs for the Filipinos???

    Ang nangyari ay nagkamali ang scriptwriter niya dahil ang ibig sabihin ni Leprechaun ay tig P10 millions sa “House of TONGRESS” para hindi ma impeach. Iyun ang na create niya at lumampas pa nga dahil ang ibang Tongressman ay masisiba at gusto ay mas malaki ang mapunta sa kanila. Silipin mo kung napunta ba para sa city nila ( siguradong sa bulsa ).

    MABUHAY SI GENERAL LIM AT SA MGA JUNIOR OFFICER.

    IYAN ANG BATAS NATIN KUNG IKAW AY ISANG MARANGAL NA SUNDALO AT GUSTO AY KATOTOHANAN AY ANG BAGSAK MO AY KULUNGAN AT HARASSMENT SA MGA ARROVO.
    PERO KUNG IKAW AY ISNAG GERMS-NERAL NA SUMUSUNOD AT HALOS HALIKAN ANG PUWEST NG MAG ASAWANG ARROVO AY INSTANT MILLIONER AT WALA KANG KASO SA GOBYERNO.
    PATI NA ANG KATAAS TASAAN HUKUMAN NATIN AY WALA NG NAG TITIWALA SA KANILA.

    ANG BATAS SA PILIPINAS AY ANG MALI AY SIYANG GINAGAWA AT ANG TAMA AY SIYANG HINUHULI.

    TANONG KO SA IYUNG LAHAT DITO SINO ANG MAS GUGUSTUHIN NINYO NGAYON KUNG MAIBABALIK SA NAKALIPAS.
    1) MARCOS 2) CORY 3) TABAKO 4) ESTRADA.. OR 5)MADAM GLURIA MAKAPAL ARROVO PIDAL.

  12. soleil soleil

    hello Ellen,
    yes this is so depressing….my sis tried to work in HK as DH even if she is a med-tech. she has 2 young girls below 8yo to leave behind…whats interestting ay pinagmamalaki pa ni bruha na 10M na work ay pra sa bayong nila sa palasyo yun, pam-bonus sa mga pulis and firetrucks na nambobomba sa mga kawawang rallyist na hindi takot ihayag ang saloobin nila.
    as u said yuko, walang katapusan ang kurakot in every corner of the govt here, mula pagkuha ng birth certificate to driver’s licence. example is the LTO in Pasig kapitolyo, grabe ang fixer at lantaran talaga. kaming on the otherside of the window sa labas have to wait for 2 hours to have a file verified while from the window outside, kitang-kita mo may mga amuyong at makakapal na puro 100 and 500 ang nakaipit sa mga papel at ito ang inuuna. sa dfa naman ganun din, pagka sa travel agency ka dumaan, may special line whereas kung sariling kayod ka, u have to be there around 5am to be sure of early queing. in fairness, not all LTO and other agencies are also the same. i am frm Makati and i can say na in the CityHall, kung sinabi nilang this afternn or tomorrow am mo makukuha ang docs u need ay talagang ganun kung walang problem ang papeles. and in LTO makati, within 1 hour tapos ang registration without lagay.
    ur right ellen na talagang mahirap mag-alaga ng matanda lalo na may sakit for my mom was bedridden for 6 yrs and cant move an inch by herself. saludo ako sa caregiver namin. if i have the means i will still keep her but she has to move on to greener pastures as well her a better future. sino sa atin ang hindi naghangad ng progress sa buhay? kahit magtataho ay may ambisyon para sa anak niya. ang hirap sa mga nasa gobyerno ay pati buong angkan at apo sa tuhod nila ay pinag-iipunan na nila lalo na si bruha at fatso, pati mga kabit nila ay busog to death hanggang hukay pa siguro…grrrrrrr, pweh,pweh….tamaan sana talaga sila ng kidlat…wala silang katakot takot sa karma…sana sukluban na sila…look at all the past presidents. wag nalang nating imention kung ano ang mga karma na bumagsak sa kanilang mga pamilya. sad to say ang tindi ng black magic ni bruha kc ang pilipinas at taombayan ang binabagsakan ng malas hindi sila…puro pasasa parin sila!!!!!

  13. Bentong Bentong

    Bakit naman tayo pipili ng past Presidents, si GMA ay present pa rin hindi pa pwedi. “TANONG KO SA IYUNG LAHAT DITO SINO ANG MAS GUGUSTUHIN NINYO NGAYON KUNG MAIBABALIK SA NAKALIPAS.
    1) MARCOS 2) CORY 3) TABAKO 4) ESTRADA.. OR 5)MADAM GLURIA MAKAPAL ARROVO PIDAL.” Ang dapat siguro ay sinong pipilihin ng mga Filipino para sa susunod na Pangulo example lang ”
    1. Lacson
    2. Jinggoy
    3. Ka Roger
    4. Joma
    5. Susan
    5. Kuya Eddie
    6. Lim
    7. Ellen
    8. Binay
    9. Gringo
    10. Bayani
    11. Roxas
    12 Dinky
    ………at marami pa. Sana sinuman ang mapili ay suportahan..tama na ang mentality na kaya natalo ay nadaya or kaya nanalo ay nagdaya..sarili lang natin ang dinadaya. Huwag naman tayo manalanging ng masama sa kapwa..sa atin din nababalik tuloy. PEACE!

  14. goldenlion goldenlion

    kung ako ang tatanungin mo Vonjovi, I prefer Estrada. Why? he has the experience..sad experiences with the generals, at least alam na niya kung saan siya papalag. May mga long term plans siya for the masses, na hindi kinagat ng mga elitista dahil mae-enpower ang mahihirap na hindi kayang tanggapin ng mga mayayaman. Iyong mga pambabae niya, well, meron ba tayong mapipiling walang bahid dungis? Siya lang ang nahalal ng malinis……Among Erap’s friends and kumpares wala akong nakitang inilagayniya sa mga juicy positions to enrich themselves. Marcos was once said to have betrayed the Liberal Party and cheated the plebiscites, el Tabako was also said to have cheated Miriam, Cory was not the actual winner in the election….so much of gloria who stole the presidency not once but twice. Marcos made the country advanced in terms of infrastructures……but then Imelda abused the power. El Tabako and Cory finished their terms without any sign of progress. Had Erap was given the chance to finish his term, I believe there will changes.

    Let’s face it… Erap is still acceptable. If he is no longer interested, then let’s have an honest and clean election. Let the people decide who will replace the black magic woman. People from the so-called Communist Party are pro-people, but then, as we know they also have some hidden agenda. Some people from the B&W movement are pro-elitists and pro-businessmen.

    What we need now is to remove the usurper together with all her minions from the judiciary to the executive department should be cleaned. People power or coup? Decide now, so we can have snap elections.

  15. nelbar nelbar

    HUWAG NINYO NANG PANSININ SI BENTONG!!!

    dun sa mga 12 personalidad na nai-post niya sa itaas … halatang halata ang pagka bias niya!

    bakit hindi niya isama ang sarili niya sa listahan.

    Gago na nga ang Pinoy nanarantado ka pa!

    Get real pare!

  16. Bentong Bentong

    Pare ko sama naman ng timpla mo. Sabi ko na nga example lang. Wala na nga akong binangit sa kabila..mahirap ng mapunta sa caregiver government. Yan ang REAL. Sabi nga ni madam Ellen kanya kanyang opinyon lang. Mali pala ang example ko. Dapat siguro ang example ko ay “SINO KAYA ANG GUSTONG UMUPO SA MALACANAN” sa incumbent na susuportahan para sa kaunlaran natin at aalisin ang hidwaan ng isa’t isa.

  17. vendictimus vendictimus

    schumey & vonjovi1 have similar word as they describe the woman in the dark palace. Let me add please! everytime she smiles & exposedsher gilagid on print media headlines? “sxxxchucks” my whole day! pwede ba mongggoloid? malas nyo naman!

    To Bentong, sa pananaw ko ngayon wala akong mapili na politico. himutok lang sa kalooban ko kung bakit ganito ang island Philippines. Sana wala na lang ang isang Dr. Jose Rizal at kapatid na nakibaka laban sa mga kastila sa panahon nila, sa tingin ko mas maunlad tayo ngayon. bakit? dahil na-establisa na sana ang sarili nating kultura, salita, ugali, (nasira kase pati ang sarili natin titik) na syang pundacion ng hubog sa economia. disiplinado sana ang mga jeepney driver at pedestrians sa calsada, hindi mabahiran ng pulitica ang ating hukom,legislatura,kapulisan,municipio at ibang mataas at mababang katungkulan ng buong agencia ng gobyerno.

    hindi mo na sana kailangan pa na itago muna sa estados unidos ang iyong pamilya bago mo ilantad ang isang delicadong sulidong ebidensya laban sa isang akusadong bilionariong pulitico(kundi kidnap aabutin nila)dahil ang Bureau of Investigation ng Spania ang syang hahawak ng kaso.

    Iniwanan din tayo sa ere ng America ang buong itsura ng pulitica ng Pilipinas, binaklas pati ang teknolohiya. Ngayon, nagkumahog na parang asong ulol nagkanyakanya na, dagdagan pa ng ilang mga bobong Law Maker daw, hayun isang tonggresman nadawit at akusado sa kidnapping (ano kaya ang naibahagi nya?)eng eng magsalita, umarte lang sa pelikula, pulitico na!!!sayang ang pasahod sa mga hinayupak!

    MADALAS KO marinig”Create Jobs” ultimo kampania ng Baranggay Captain “i will create jobs”(handicraft kuno!) na nakadaupang palad lang ang may ari ng comapany naibida na! hayun namasukan ang isang ale, PER PIECE worker di pa nabayaran. welga dito welga doon, kurakot walang takot sa Dyos (wala naman firing squad at canning,dahil wala na mga kastila). “Create Jobs” wow!!! FYI : Arts & Trades Schools sa buong Pilinas pinunduhan ng mga bansang America,Japan,Germany,Francia, donasyon makinarya na ang iba nakatiwangwang na!!! asan na kaya ang ibang Pondong pera??? may pakinabang totoo sa mga kabataan na ngayo’y mga magulang na. subalit kulang ang suporta ng gobyerno.

    sa totoo lang hindi malikhain ang kaisipan ng mga pulitico sa Pilipinas(bulsa muna bago likha tulong) kung meron man apat sa sampung pulitico lamang. Prudukto export hirap na! furniture wala ng kahoy mabilis pumutol ang mga pulitico hindi pa ako pinanganak may smuggling na ng kahoy matagal ng ginahasa ang bundok at dagat ng pilipinas, kahoy,copper,zinc,aluminum,sea grass(plastic)fish,rubber at iba pa. nagbayad ng tax ang mga taiwanese,americans,japanese investors kaso nakurakot naman ng 100 decada na. ngayon makinarya na dati nakatirik sa pilipinas lipat na China, Vietnam. gawa tsinelas,sapatos,damit,lahat hardware,household,bicycle,kitchen tools at iba pa. industrious ang mga pilipino kaso pulitico krakot, hit & run to america & retire! sarap buhay! hinihintay ni satanas!

    Sana meron makaisip na pulitico: (1) To build a huge self suficient warehouse (electricity run by solar energy -cheap na now yun solar panel ah!) to house all Designers, Carpentry, jewelry, shoe, dress, panday bakal, toy makers, inventors, young scientist & scholars. each will run their own small booth, they will conceptualized & produce the product, private sectors will help by sponsorships & will result in low labor cost, huge order will be consign to bigger contractor & housewives as per piece workers-copyright applied. tingnan ko kung hindi dadayuhin ng local at international market just to check new innovations. (2) To create a big area for green farming, may makitid na kalsada,patubig,micro houses(no electricity)for farmers, chapel,small public market, 4 school rooms for farmers children. lahat ng worker must be a volunteer or mandatory to some squatters. they plant & harvest to market. Same concept apply to fish farming.

    Walang gutom walang angal, ang pagkain sa lamesa dapat iyong pagpagalan, Macpagalan mo bawat sentimo wag ka mangurakot! Mr. M. Gimenez pwede ka ba mag donate sa concepto ko?

    Brain drain na ang Pilipinas, Totoo ito!!! Sa lahat ng industria nadama ito! Gumuhit ang kaba sa aking dibdib dahil ibig sabihin ang matitira na laang mga sira ulo, tamad, instant pera ang hanap, sipsipan para makapasok sa Ahensya ng Gobyerno. Matatanda na ang mga mahuhusay na mga Law maker. Heto ang isa mas bata akala ko mahusay, Abah! Cabinet member daw sya! Si Totoy hindi sigurado ang sinasabi, binabawi pa kadalasan. Parang kausap mo lang yun tambay sa kanto pag ikaw ay nagtanong dahil ikaw ay naligaw. Eto, dito kayo kabahan dahil sya ang salamin ng susunod pang Low I.Q. na mga politico. Lahat ng scholars, scientists umalis na ng Pilipinas. Wala ng Brain sa gobyerno, may mga Brain naman nandun lahat sa Private sectors. MAG-MIGRATE NA KAYO!!!

  18. Iyang si Pandak, mahal ang bayad niyan sa mga Internet Brigade niya kaya mukha ng mga iyan makapal kahit tapuan mo ng ihi at tae.

    Anyway, hindi na nga nahiyang sinasabing patrabaho niya iyong mga trabahong ayaw ng mga katutubo sa mga bansang pinagbabagsakan ng mga pilipinong wala nang magawa kundi makipagsapalaran at itaya ang mga buhay tapos wala ring palang mahihita.

    Dito nga ang daming mga pilipinang patapon, nakukulong sa dami ng mga pinapalamon sa Pilipinas.

    Don’t read the messages of the members of the Bansot’s Internet Brigade. Baka pa nga iyan iyong anak na babaing mahilig makialam sa mga egroups ng mga pilipino. Nonsense ang sinasabi at halatang mga bayaran.

  19. Ellen,

    A coup d’état attempt must have a striking element to it:

    That a coup d’état was launched but failed.

    Coup d’état as a military crime is one committed by a faction in military that was already in movement, in armed uprising, in open armed rebellopn, i.e, armed rebel troops in action, placed and stationed in strategic areas like airports, government offices, TV & Radio stations, etc. prepared to fight it out with military forces loyal to the Republic. (The Oakwood military uprising was a COUP D’ETAT ATTEMPT and not just a mutiny in military parlance.)

    In the last so-called coup d’état attempt by General Lim, we didn’t see any of those actions. What we saw was a group of Marines led by a Marines colonel in the act of insubordination but insubordination is not a coup d’état attempt, least of all a coup d’état.

    Moreover, a video recording purporting a military officer’s act of exhorting his comrades to withdraw support is not an evidence of a coup d’état attempt until it’s out on the air and hitting every home through their TV screen because a coup d’état was not even attempted.

    That’s why I said Gloria and her lackeys in the AFP backed up by her minions in Malacanang are re-inventing the military term of COUP D’ETAT.

  20. Anna:

    The Oakwood attempt was called mutiny and did not escalate to a full-blast coup d’etat. In fact, I remember the TV producers were agonizing about how to call it when it finished with nothing but a lousy surrender. On the other hand, it was good that it did not end in any bloodshed. At least, those gentlemen of the Philippine military made sure that no civilian were left in the vicinity, especially when most of the residents of Oakwood were foreigners.

    I got the opportunity to watch it from midnight till about 5 pm as we waited for better transmissions from Manila for better material to be included in all the morning, noon, afternoon and evening news flashes on TV. I could not help sympathizing with Trillanes, et al who were tricked into surrendering by that guy who went to Iraq with Seguis to negotiate for the life of Angelo dela Cruz. I forgot his name, whom I noticed then was being flirted with by the Bansot na talaga namang lagkit na lagkit ang tingin e hanggang baywang lang siya! Napakalandi talaga! Nababakyaan ako talaga!

  21. Anna,

    Like I said, the administration has its own interpretation/version of the law. The rule of law and due procress has been subverted by these A**holes so many times. The constitution does not mean anything to these devils too. Haven’t you noticed even the chain of command has been repeatedly abused by the pretender? Morality rating of these maggots is zilch, nada, zero.

  22. vonjovi1 vonjovi1

    LALONG PINALAKAS NG MGA ARROVO ANG KANILANG POSISYON PARA HINDI MATANGAL SA PUWESTO AT NGAYON AY IUUPO NILA BILANG HEPE NG PILISYA ANG KAMAG ANAKAN NI MIKE BULLDOG ARROVO PIDAL. SI GERMS-NERAL CALDERON AY ISA RIN NABALITA NA INSTANT MILLIONER NA GENERAL SA PULISYA AT MARAMING ARI- ARIAN. MAGALING RIN TALAGA SILA SA KASUWAPANGAN PARA LANG MA STAY SA KINALALAGYAN NILA.

    SI LOMIBAO AY MAG RERETIRO NA AT ANO KAYA ANG PUWESTO NIYA SA GOBYERNO NI ARROVO NGAYON DAHIL SIYA AY ISANG DAKILANG SIPSIP AT NAKA PAHID NG PUWET NG MGA ARROVO.
    PURO EX-GERMS-NERAL NA ANG NAKA UPO SA GOBYERNO NATIN NA ANG KARAMIHAN AY HINDI KUWALIPIKADO SA PUWESTO AT PANG BAYAD UTANG-INA NG MGA HINAYUPAK NA ARROVO.

    TOTOONG MAHIRAP PUMILI NG IPAPALIT NGAYON DAHIL ANG NAKALIKASAN NG MGA PULITIKO NA UUPO OR PAPALIT AY ” KAMI NA NAMAN ANG MANGUNGURAKOT AT TAPOS NA KAYO”. IYAN ANG NAKASANAYAN NA NG MGA MATATANDANG OR BATANG POLITIKO SA BANSAN NATIN.

    ANO ANG SOLUTIONS.
    UNA AY PALITAN ANG MGA NASA COMMELEC, SA KATAAS-TAASAN HUKUMAN (WALA NANGYARI SA MGA KASO NA SINAMPA AT HANGAL NG TAONG BAYAN LABAN SA MGA ARROVO)., SA HEAD NG AHENSIYA NG GOBYERNO ETC.
    AT KAILANGAN MAG BIGAY NG BAGONG LAW NA SISILIPIN OR IPAPAKITA KADA TAON SA TAONG BAYAN AT HINDI LANG SA KANILANG TANGAPAN ANG KANILANG MGA ASSET AT KUNG SAAN NANGALING ANG KANILANG KAYAMANAN. KITA NAMAN NINYO SI IGGY ARROVO PIDAL “DAW’. ANO NA ANG NAGYARI AT HINDI NAG BAYAD NG TAMA SA TAX NIYA (P50 THOUSAND LANG ANG BINAYAD) PERO ANG ASSET AY MILYON (HANGGANG NGAYON AY HINDI MAKASUHAN AT PINAGYAYABANG NI REYNANG ENGKATARANDA NA SUCCESS SILA SA MONEY LAUNDERING EH ANG BAYAW NIYA AY HINDI MAKASUHAN).

    IBALIK ANG BITAY ( GINAWA LANG ITO NG MGA ARROVO DAHIL PAPOGI SA PAG PUNTA KAY POPE AT SA TAKOT NA SILA ANG SUSUNOD NA MABITAY). BAKIT KAMO IBALIK ANG BITAY DAHIL AKO AY NANINIWALA NA KUNG ANG BUHAY ANG KINUHA MO AY BUHAY MO RIN ANG DAPAT IPALIT. SA MGA AGAINTS SA BITAY AY KARAMIHAN SA KANILA AY HINDI NAKAKARANAS NA MAWALA SA KARUMAL DUMAL ANG KANILA MAHAL SA BUHAY. MASAKIT PARA SA MGA TAONG NABIKTIMA NG KARUMAL DUMAL NA KRIMEN AT ANG TAONG NAGKASALA AY NATATAWA LANG SA KULUNGAN AT PALAMON PA NG MGA TAX PAYERS.
    SUSUNOD NA LAW AY SUNUGIN NG BUHAY ANG MGA ARROVO 🙂

    ETO AY OPINYON KO LANG…. DAHIL NAWAWALAN NA AKO NG PAG ASA SA BANSA NATIN.

  23. Apparently, with this appointments, the Bansot and her minions are earning more enemies than supporters lalo na iyong mga tinatanggal niya to accommodate those she thinks are more trustworthy. Kapag ang isang tao ay nagumon sa kawalanghiyaan, everything is warped, and then it leads to confusion, chaos and anarchy. Kung hindi pa siya bumaba, humanda na lang siya sa mangyayari. Sa dinami-dami ng mga ginagalit niya, walang ibubuga ang mga chuchu sa kaniya!!!

    Prediction nga diyan hindi na iyan tatagal ng 2007. Hopefully, the Philippines will not turn a killing field like Cambodia, Uganda, etc. Panoorin ninyo ang Idi Amin: Rise and Fall. Mahilig din mag-sex ang hinayupak na Amin! What happened then in Uganda is what is happening to the Philippines now.

  24. Kaya nga nabubugok na ang Pilipinas, iyong mga matatalino, pinapalayas ng hinayupak! Di bale sana kung ang trabaho namang pinapasukan ay katumbas ng mga kakayahan nila Golly tignan mo naman, doctor na-demote sa pagka-nurse, teacher naging katulong. Ironically, iyong mga pamilya din nila sa Pilipinas may katulong din na mas mababa ang sahod! Ipinagmalaki pa ni Bansot na accomplishment niyang palayasin ang mga pilipino sa sarili nilang bansa habang ipinapalit naman sa kanila ay matatandang dayuhan na gusto ni Bansot na sipsipin ang mga dugo at pinagpawisan! Golly, please patalsikin na, na now!

  25. Emilio_OFW Emilio_OFW

    Let’s admit it – Bansot can not provide local employment and decent jobs to Filipinos. As a result she’s busy as a bee hopping from one continent to another. Two months ago, she was in the Middle East and recently to Europe. There’s nothing to brag about the agreement between the Philippines & Spain for the influx of 100,000 Filipino caregiver workers in the labor force of Spain. Mainly this is a cover-up to her 10-point plan that includes creation of 1 million jobs per year. Job creation should be concentrated in the local/domestic arena and not the overseas employment/deployment.

    BTW – Four months past and it’s only now that the events of February 24th Philippine Marines stand-off is being shown in TV and those overseas viewers – through the ABS-CBN ANC channel. Strange! Strange! – the timing was bad, is the rocket-scientist, propagandist of Malacanang justifying the declaration of state of emergency during that time?

    The military hierarchy is too cautious in issuing statements. They don’t know what’s brewing up on the junior officer’s mind if ever they will touch the Philippine Marines’ leaders they love. That move might spark the powder keg!

  26. lakay lakay

    Ellen
    OFF TOPIC:
    Iyong “PHILIPPINES” sa itaas ng webpage ay walang “S”. Hindi lang siguro napansin ng webmaster mo.

  27. nelbar nelbar

    lakay,
    ito ba ang tinutukoy mo?
    “Hosted by plogHost – Philippine Web Host” .
     
    ystakei:
    iyong sinasabi mo na “who were tricked into surrendering by that guy who went to Iraq” … I FORGOT HIS NAME
    — Roy Cimatu ba?
     
    Kung matatandaan noong 1992 Presidential election mayroon tayon “PEPSI 349 issue”. Noong 2004 Presidential election naman???Ano sa palagay nyo?

    Sa aking palagay, “nandyan si Angelo Dela Cruz”.
    Kaya ang 1998 election ay pinagbigyan lang talaga ang masa dahil nga sa “spirit of 1896-1898”.  
     
    Ellen,
    Ano ba ibig sabihin ng “Iklan oleh Google”???

  28. Nelbar, i don’t know what that “iklan oleh google” means. Baka another asian language.

  29. myrna myrna

    Hi Ellen,

    makapagtanong nga po uli. anong kayang dahilan at hindi ma-access ang commentary section ng daily tribune sa internet version nito?

    di kaya ginagapang na naman ng mga alipores ni gloria at alam niyang puro no-nonsense ang mga naisusulat nina ninez and company?

    please lang, paki-inquire.

    salamat!

  30. Email from Omar Santos:

    Tama ka kabayan sa iyong opinyon.
    Isa sa pinakamalaking tanong ng mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa ang “bakit ba kailangan malayo sa pamilya ang Filipino para mabuhay?”.

    Isa akong OCW dito sa Taiwan, inaamin ko na ang dolyar na sinusweldo ko dito ay di sapat na kasagutan sa tanong na…bakit kailangan kong magtiis at malayo sa aking pamilya.

    Napakahirap po ng malayo sa pamilya. Ngunit dala ng kahirapan sa ating bansa, isa ako sa mga Pilipino na pilit nilulunok ang pangungulila at pagkalayo sa pamilya.

    Sa halip na ibenta nila ang mga Pilipino sa ibang bansa, bakit di isipin ng mga namumuno sa ating gobyerno na lumikha ng trabaho sa sarili nating bayan.

    Trabaho at sweldo na kayang ipangtustos sa mga pangangailangan ng isang pamilyang Pilipino.

    Mabuhay ka! Sana’y hwag kang magsasawa na isulat ang iyong KAPRANGKAHAN patungkol sa bulok na sistema ng ating gobyerno.

    Omar Santos
    OCW, Taiwan.

  31. You bet, Nelbar. Si Cimatu nga pala. Observation lang naman. I see transmissions from Manila for showing on Japanese TV in the raw tapes and I can observe better than watching the edited version, and my comments were based on what I actually saw and observed. Pa-alembong ang dating ni Pandak!

  32. Yuko,

    Re: “Si Cimatu nga pala. … Pa-alembong ang dating ni Pandak!”

    Paano pareho silang bansot!

  33. No, Anna, ang impression ko mataas si Cimatu kasi parang hanggang beywang lang niya si Bansot!

    BTW, I just got a contract to translate some videos of interviews with Filipinos being groomed to work overseas as caregiver. Golly, ang mga batang pinoy,hinuhubog na maging caregiver lahat! It reminds me of the time when it was popular to breed future Japayukis. I actually met a friend whose 7-year-old daughter told me outright when I asked her what she wanted to be she wanted to be a Japayuki, and thinking that I was once one, said she wanted to be like me with fair skin, etc.

    Gusto kong sampalin sa totoo lang because I was never a Japayuki. And the fair skin is not because I was one and using Papaya soap as most of these Japayukis did/do. Gosh, nakakaliit ng pagkatao!

    Kaya sabi ko sa bata, “No, dearie, ang tita mo kaya maputi kasi haponesa hindi Japayuki!!!”

  34. Ellen:

    Glad to know that there are lots of people like Omar Santos who think like I do—that it is absurd, even obscene—that this government is not creating jobs for Filipinos even just to save their families from breaking but merely PIMPING Filipinos overseas. Ngayon, ginugutom ang mga pilipino para mapilitang umalis para mabuhay nila ang kanilang mga sarili at pamilya. Worse is when they succeed in conditioning the minds of Filipinos that what this government does is right and noble even when the very foundation of their society is eroded, the broken families!!! Why can they not see that?

    Another thing that I abhor about this deployment of overseas Filipino workers is the fact that a lot of people, both Filipinos and foreigners have used them even for promoting and financing their less popular causes as some fake NGOs and NPOs here do especially when they are given the needed financial help to run their organizations by some foundation as the Japan Foundation. They actually do not want the problems solve. Come to think of it. It is definitely the reason why the problems besetting the Philippines are not solved! They do not want them solved!

  35. Talagang likas sa pinoy ang mag alaga ng mga lolo at lola.

    Yun nga lang hindi na nila lolo at loa ng aalagaan nilang mga nagabroad.

    Yung nang A_ _ wipe mura na ngayon na pinalit sa A _ _ hole.

    pag sinabing mura needless to say that it is very degrading.

    I have a first cousin,who was a successful med rep,mas pinili pa nyang maging care giver,sa bagay patay na ang lolo at lola namin at madami syang kapatid para alagaan ang tita ko.
    He can afford naman,kaya hindi ko maintindihan kung ano motivation nya to go abroad.Madami din palang ganyan, me kaya naman, makaalis lang dito.

  36. Karl, I also know of a lot of people whose reaction to the unpleasant happenings here is go abroad, no matter what kind of life they have there. I can understand people who are very poor, risking it there in a foreign country. They have no choice.

    But I find it hard to understand with Filipinos who live comfortably here and still would prefer working abroad, earning large amount of money, of course, but doing jobs which I consider not emotionally uplifting.

    Oh well, iba-iba tayo.

  37. Yuko,

    I know Cimatu and have worked with him in the past.

    Actually he is not that short. He is about 5’7. When I meant bansot, I was referring to his being morally bansot.

    I used to think of him as one good officer – he earned his stars correctly but he’s gone very low in my book.

  38. I think so, too, Anna. Anybody who can work for and/or with the Bansot must be a sorry lot, allowing themselves to turn to assholes if they are not such in and out! I have no sympathy for Cimatu and the like as a matter of fact. Just thought the Bansot was trying to flirt or give him the hint. I just don’t know kung kumagat! Pero iyong younger guy na halos kasing-edad ng anak ni Bansot, talaga namang sipsip! Baka maski sa UP ganyan ang gawain ng taong iyan!

  39. Yuko,

    Bagay naman silang dalawa. One is buck-toothed while the other is bingot. And they are both bansot in both sense of the word.

  40. Karl,

    Strong sense of family is one of the most admirable traits of the Filipino. But I was brought up in a different manner by my parents. They constantly reminded me that I do not have an obligation to them but they have an obligation to me. Whatever I would give is not demanded but should come from my heart. Since I am married, I now have an obligation to my kids and wife. Kaya hindi mo maririnig sa amin yung phrase na “utang na loob” as it was their decision to give me life. You may call my upbringing different but this is also what I teach my kids. Radical ba?

    This is the reason why I try not to ask for any favors from anybody. In that way, I cannot be beholden to anybody. My destiny is my own and I should be content with what I have and can afford. I guess parents like me wants the best for their kids that is why most would work abroad. But let us not sacrifice our parenting with monetary rewards. We just have to teach our kids that happiness is contentment and that being there when your kid needs you can never be replaced with any amount of money.

  41. Schumey:

    I consider myself lucky, too, for having parents like yours. They taught us also that it was their responsibility to bring us up as stated in the Scriptures: “….. for the children ought not to lay up for the parents, but the parents for the children.” (2 Cor. 12: 14)

    I share your sentiments likewise about taking full responsibility for your children. I had a case before of a Filipino who wanted to give the best for his children that he was lured to come to Japan and try his luck here even when it meant breaking the laws of this land. He incurred a lot of debts in coming over, and was not able to pay his debts on time because he could not find a job easily with his illegal status. When he failed to go back home as he promised after two years overstaying in Japan, his wife ran off with another man and took all the money that he remitted to her. In despair, he started hating women and fell in love with another man, his roommate. When the roommate found a woman to love and live with, he ran amuck and killed him with a rock breaker. He pound the head when the roommate was sleeping. Sabog ang utak!

    He was given 12 years’ imprisonment, a lighter sentence than what the prosecutor asked out of consideration for his state of mind at the time he committed his crime. Inside the prison, he had enough time to repent, and he tried his best to get good points so his sentence could be shortened.

    In one of his letters to his children he said: “Nagsisisi ako sa pagpunta ko sa Japan. Siguro kung hindi ako nahikayat na mag-ibang bansa, buo pa sana ang pamilya natin. Pag uwi ko, pipilitan kong mapunuan ang mga pagkukulang ko sa inyo. Mahirap na kaming magbalikan ng ina ninyo, pero para sa akin ay asawa ko pa rin siya at siya ang inyong ina! Patawarin ninyo ako mga anak ko!”

    Nakakaiyak, di ba?

  42. Yuko,

    Its really sad when families are sacrificed for a better future. That’s why I try to teach my kids that money is not everything. It should not be the center of our lives. What is important is we are together and content in life. But with the kind of bogus leaders we have now, I doubt if our society will have the outlook as we have.

  43. Akala ko matangkad si Cimatu kasi itong si Bansot kasi halos hanggang beywang lang niya! Ganoon ba kapounggok ang sinungaling na iyan? Never met her in person. Just email with her and the daughter for a time because of a friend of hers who told me to link up with her when she announced that she was going to run for the Senate. But one or two mails and I was sensing something wrong, I quit especially when she failed to live up to my high standard as when she met with the overstaying and lawbreaking Filipinos instead of those who abided by the law as I had observed the more proper Thai officials would do. Worse was when I was told to coordinate with her KOMPIL to address the issue of the streetchildren especially when I said that I could ask for funding for it from a part government foundation. Ganoon katindi ang pagkaganid nito sa totoo lang. Nagtuturuan pa sila ng dambuhalang asawa niyang tignap!

  44. Itong si Dambuhala ang hilig mag-file ng libel suit. I wonder kung may ni-libel suit siyang tinawag siyang pangit! Pag iyan nanalo sa korte sa Pilipinas, pihado ko kaibigan o nilagyan niya kasi talaga namang pangit! Aba e, puedeng ipasok sa contest ng mga pangit dito sa Japan e!

    You bet, there is likewise a contest in Japan for the ugliest, the stoutest (fattest), the slimmest, etc. Iyong mag-asawang squatter sa palace by the murky river, dapat sumali sila sa mga contest na ito!

    Kahit anong retoke sa mukha nila, lumalabas ang tunay na pagkapangit dahil sa mga ugaling burot, etc. Sabi nga ang mukha ay salamin ng puso!

  45. jorgie jorgie

    Obviously, the midget’s recent European trip was mainly to sell our OFWs. Italy and Spain are among the biggest market. Mantakin niyo na imbes na tulungan ni tiyanak na makauwi ang mga OFWs para makasama na ang kanilang pamilya ay nakiusap pa sa mga pinuno na bigyan ng amnesty ang mga illegal na Pinoy doon. Palibhasa kasi walang maitutulong sa mga kababayan natin. Ayun…ang pekeng lider ng isang bansa ang siya mismong nakikiusap na huwag nang pauuwin ang mga kababayan natin!

  46. graveh talaga mangurakot ang pandak na ungoy na 2!!!mula noong maupo siya sa pwesto, lahat ng presyo ng bilihin ay tumaas…..”Buti pa ang mga presyo tumataas,eh siya kaya????????may pag-asa pa kyang tumaas??????????????

Leave a Reply