Skip to content

Ang sinungaling sa Vatican

Ano naman kayang kasinungalingan ang isasabog ni Gloria Arroyo sa Vatican sa kaniyang meeting kay Pope Benedict XVI?

Maala-ala natin noong Abril 2005, hindi pa nalilibing si Pope John Paul II, kung ano nang kasinungalingan ang kanyang ibinida sa CNN nang siya ay dumalo sa funeral rites ng yumaong Santo Papa.

Sinabi niya sa CNN, pinasigla ni Pope John Paul II ang kanyang kalooban sa kanyang planong makipagkalas sa administrasyon ni Estrada na noon ay binabatikos tungkol sa exposé ni Ilocos Sur Governor ng payola sa jueteng.

Iyun raw sabi niya ay para ma-promote niya ang moralidad sa Pilipinas.

Mabuti naman at hindi bumangon si Pope John Paul II sa kanyang kabaong kasi malaking kasinungalingan ang kanyang pingsasabi. Hindi niya siguro akalain na madali naman ma-check ang date ng kanyang pakipagkita kay Pope John Paul II at ang kanyang pagkalas sa Estrada administration.Ang totoo, nakipagkalas na siya kay Estrada bago siya nakipagkita kay Pope John Paul II.

Wala talagang pinapatawad itong si Arroyo.

Sa biyahe niya ngayon, siguradong ipagyayabang niya ang kanyang pag-repeal ng death penalty law.

Tama naman talaga na mapawalang bisa na ang death penalty. Ako ay naniniwala na wala taong may karapatan kumitil ng buhay ng kapwa tao, kahit gaano kabigat ang kasalanan.

Ngunit malaking kaipokrituhan ang pagpa-walang bisa ng death penalty ni Arroyo dahil hinahayaan naman niya ang kanyang mga tarantadong heneral na magpapatay ng mga tao hindi sumasang-ayon sa maling palakad ni Arroyo.

Wala na ngang death penalty law ngunit may all-out war naman siya sa mga sinasabi niyang komunista. Ano ba mangyayari kapag all-out war? Di magpapatayan?

Mayroon pa isang despalinghado na order si Arroyo. Binigyan niya ng warning ang mga kumpanya o mga taong nagbabayad ng revolutionary tax sa New People’s Army. Marami kasing kumpanya kasi ng mina, telecommunications katulad ng Globe at Smart, bus at logging na napipilitan magbayad ng revolutionary tax kung hindi ay papasabugin ang kanilang mga pasilidad.Kakasuhan raw sila na sumusuporta sa NPA.

Sa halip na bigyan ng proteksyun itong mga kumpanyang naiipit, sila pa ngayon ang parusahan. Unang-una, bakit ba namamayani ang NPA sa mga lugar na yun. Dahil rin sa kahinaan ng pamahalaan.Kung maayos ang palakad ng pamahalaan sa mga lugar na yun, hindi maghihirap ang mga tao at hindi mamayani ang NPA.

Kung ang mga kinurakot ba naman nila na pera, kahit ang mga ginastos ngayon sa pamasahe at hotel ng mga kasamang opisyal na bitbit ang mga asawa,ay ginamit para mapabuti ang kalagayan ng mahihirap, di sana mabawasan ang impluwensya ng NPA. Di sana hindi na magpapatayan.

Published inWeb Links

238 Comments

  1. Una sasabihin nya.

    Dalawang araw namilipit ako sa sobrang sakit ng tyan,dahil pupunta lang ako dyan para ipagmalaki na mawawala na ang death penalty pero ang katotohanan ay gusto ko sanang mangumpisal at kanino pa nga ba mas maganda magkumpisal kundi sa santo papa.

    pagkatapos ko mangumpisal sasabihin ko na naniniwala ka na ako ang sugo para sa Pinoy tulad ng naunang Papa.

    ay ayoko ko nga
    bakit di pa kasi namilipit sa sakit yan ng mas matagal pa.

  2. Speaking of the death penalty, Ellen, we all know that the main beneficiary of the law to repeal the death penalty is the Bansot herself and those who are plundering the treasury and have committed treason with her now!

    Pag nahila kasi siyang hindi lang pababa kundi palabas ng palasyo na katabi ng mabahong ilog, e siya ang unang-unang mabibitay! At least, ngayon makakatulog na siya!

    Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi i-suggest ng Papa na mangumpisal siya para makunsensiya. Hindi kasi Catholic, kundi susulatan ko ang Papa para sabihin na i-excommunicate iyan lalo na doon sa ginawa niyang pangangalakal sa namatay na Papa. Doon na lang kitang-kita ang pagkawalang budhi ng taong iyan. Sanay na sanay na magsinungaling at magnakaw!

  3. Karl:

    Ang balita ko hindi naman totoo iyong claim na sumakit ang tiyan niya dahil sa food poisoning. Natae lang dahil sa ininom na Diet pills! Tapos siguro sabay na nagparetoke ng mukha! Kasi tignan mo ang itsura, medyo iba doon sa dati niyang mukha! Naagnas na kasi ang dating retoke ng mukha niya kaya kailangang ipagawa para sa European trip niya.

    Itong mga kumag na iyan ang hihilig mamasyal kahit walang pondo ang gobyerno dahil sa totoo lang naman kung hindi gunggong na mga appointee ang mga nakaupo sa mga embahada ng Pilipinas bilang ambassador ay puedeng sila na ang makipag-usap kung may man dapat na ipakiusap. Hindi, ang ginagaya kasi ng kumag na iyan ay iyong tatay niya na siyang unang presidente ng Pilipinas na naka-around the world na libre at gastos lahat ng gobyerno kahit na walang pera ang bansa, at unang-unang nakarating ng Africa!

    Bakit pinababayaan ng mga pilipino na isinasama pa iyong mga asawa ng mga walanghiyang mga kasama niya hindi naman sila nagbabayad ng pamasahe nila? Dito nga maski asawa ng Prime Minister, hindi isinasama para makatipid lalo na kung may crisis kahit na sa totoo lang ay mayaman ang bansang Hapon!

    Abusado talaga. Bakit hindi iyan mapahinto! Kawawang Pilipinas!

  4. Diet pills ba?Akala ko buntis!

    At baka nga, nagparetoke na din.

    At bakit nga ba tuwing nagaabroad kahit sinong presidente,ang daming kasama sa entourage?

  5. Hindi na mabubuntis iyan kasi menopause na unless na magpa-artificial insemination siya katulad noong mga baka, etc. Sorry, I forgot the right term for those test tube fertilization tapos ikakabit sa ovary para manganak kahi matanda na gaya noong 62-year-old na nanganak dahil bata pa ang asawa niya at gusto nilang magkaroon ng anak. Ginamit ko na lang ang technical term sa ginagawa sa mga hayop!

    Dapat ang bayad sa ospital sagutin ni Fatso at hindi itataga ng malaki sa kinalkal na treasury ng Pilipinas. Pag may ganyang mahigpit na patakaran na hindi komo nakaupo ka puede ka nang makalibre, sa palagay ko wala nang magiging ambisyosong maging presidente para lang makapagnakaw!

  6. Uy kayo ha, hindi kayo naawa sa kanya.

    Those congressmen and local officials whom gloria arroyo brought along together with their wives.Imagine using people’s money so they can see the Pope. What kind of values is that? They think their sins would be expunged by having an audience with the Pope on our money?

  7. Manuel Buencamino in Uniffors makes us remember Susette Pido, that woman who shouted “shut up” to Dilangalen when he was pointing out the irregularities in the 2004 election results. Buencamino said, “That was two years ago and, in a way, Suzette Pido’s battlecry became the mother of all cover-ups.”

    What could Pido be saying now after the “hello Garci” tapes?

    Check out http://www.uniffors.com/?p=214

  8. Ellen:

    Bakit ako maaawa diyan e hindi naman siya naaawa sa mga kababayan niya lalo na doon sa mga mahihirap na binastos nila at tinuyang mga “bungi at hindi naliligo”! Anyway, ang sarap inisin iyan para maagnas ulit iyon pinaretokeng mukha! Yehey! Oops, time to go. May simba pa kami. Kailangang humingi ng dispensa sa Panginoon. Ito kasing si Bansot demonyo talaga! Temptress na katulad noong amo niyang si S! Imagine ang daming pilipino, et al ang nagkakasala ng pagmumura sa kaniya. 80 milyon ang sabi ni Ka Mentong! E kung mapunta lahat iyan kay S? Mahirap na! 😉

  9. Aha, parang katulad noong mga Aboitiz during the impeachment trial of Estrada na akala mo tunay na nagmamalasakit sila sa bansa e gusto lang nilang makaupo si Bansot para malakas din sila! Gosh, wala na bang katapusan ang mga kagaguhang iyan! Maliit pa ako puro alingasngas na-raket doon, raket dito, pero hanggang ngayon raket pa rin at mas masahol pa.

    Dapat kasi talaga nagkaroon ng tunay na land reform para itong mga landgrabber na ito hindi na puedeng magyabang!

    On the other hand, bilib pa rin ako sa mga pilipino kasi kahit na walang kuwenta ang gobyerno nila, mahal pa rin nila ang bayan nila. Nakatali sila sa dusa!

  10. Ellen,

    I’m not a Catholic, so I don’t believe in the power of the Pope. Maski nga leader ng church namin hindi namin sinasambang katulad ng pagsamba namin sa Dios Ama at kay Jesus Christ. Tama na ang maniwala kaming ang mga admonitions at counsels niya ay galing sa Panginoon at igalang siya.

    Tao lang ang Papa kaya wala siyang karapatang magpatawad ng kasalanan ng ibang tao sa iba at wala namang kasalanan sa kaniya. Patawarin man ng Papa si Bansot at iyong mga kasama niyang kurakot, pihado kong hindi naman sila papatawarin noong nasa itaas!

    On the other hand, ano kayang kabulastugan ang sasabihin sa Papa? Dapat kasama iyong Archibishop ng Pangasinan para siya ang magsabi doon sa Papang sinungaling si Bansot! :-p Gosh, talagang ang tatapang ng apog!

  11. florry florry

    Ellen ikaw ha, bakit kami maaawa sa isang taong ubod nang sama!
    Pagbalik ni pekeng pres. dyan ipamamalita sa buong bansa na hangang-hanga at puring-puri sya ni Pope sa kanyang pamamalakad sa gobyernong malinis, walang corrupt at walang crimes na nagaganap sa Pinas.At sinabi pa raw sa kanya ni Pope na binabati sya sa kanyang malinis at walang daya na pagkapanalo sa pagkapresidente noong 2004.Hi Ann! mas ok ang pwesto ko sa pag-iinternet ikaw nasa veranda ako nasa backyard sa lilim ng apricot at plum tree ko.At pinagmamasdan ko ang unti-unti pag tubo ng ampalaya, kamatis, sili at cucumber.

  12. Florry, apricot, plum tree ampalaya, kamatis, sili at cucumber. where is that?

  13. manuelbuencamino manuelbuencamino

    Ellen,

    Unang una, thanks for the plug.

    Ikalawa, nakatanggap ka na ba nitong mga nakakatawang texts?
    1. There’s a new destabilization group called – Bowel Movement
    2. Talagang mandaraya. Tignan mo tinamaan ng daya-rrhea.

  14. Manuel,

    Great one. Bowel Movement and Daya-rrhea. Hahaha.

    Ellen,

    Pareho din pala sila ng idol niyang si Meldy. Ang daming bibit na alipores kada biyahe. Wala naman si Pacqiao, bakit pati yang si Atienza ay kasama? And the nerve of this pretender to ask the country to tighten our belts while she gallivants with her wards on a European holiday at our expense. She had lived in a dreamland for the past 5 years, its time for us to make her live our nightmares.

  15. FB FB

    Malakas humigop yang si Atienza grabe.. siyempre he would like to get GMA nod para sa anak niya… baka tumakbo Mayor…

    Nagpaospital nga ba yang si GMA? kitang kita naman sa mga photo ops na walang sakit eh kuntodo MAKE UP…

    Ragnarok nga ba yung nilalaro ni GMA sa laptop niya while staying sa hospital? Or Pinball hek hek hek

  16. FB,

    Pangya yata dahil golf yun, she plays golf din. Baka naman Generals to give her an idea on how to destroy the NPAs. Puwede din Warcraft kasi may monsters and magic powers dun.

  17. Tigas talaga ng ulo ninyo. Sabi ko na sa inyo, natae lang si Bansot kasi uminom ng pampayat. Balita ko uso sa Philippines iyong “Ballerina” at “Kankunes Tea.” Pag iyan ang ininom bago ka kumain ng para kang elepante at balyena, pihadong tatakbo ka sa kobeta habang kumakain ka pa.

    Ang daming kabulastugan pati iyong mga doctor na sinabing acute diarrhea ang sakit ni Bansot! Acute? E bakit di namatay o na-ICU lamang. Ang sabihin ninyo, may nagsabi sa kaniya doon na lang siya matulog sa ospital dahil lalagyan nila ng bomba ang Malacanang lalo na nang magtangka ang mga abogadong pumunta ng Mendiola para ibintang sa kanila kung sakali magpumilit sila. Papuputukin ang ilang labintador, tapos ibo-broadcast sa programa ni Mike Enriquez na binomba ang Malacanang ng mga abogadong ka-alyado ni Ka Roger!

    Golly, hindi pa ba kayo nadala kay Bansot at kay Ermita, o Defector, Bunyeta, et al. Ginagawang mukhang inutil na katulad nila ang sambayanang pilipino! Sobra na iyan a! Tangna talaga! Oops, sorry, kasisimba ko nga lang pala!

    Isa pang theory ko diyan ay nagparetoke para sa trip niya sa Europe. Ang sagwa nga naman tignan iyong unano na pangit pa!

    Dapat kasama sa entourage niya si Arch. Cruz ng Dagupan! Pero sa palagay ko naman alam ng Papa iyan kaya baka nga naman magbigay ng malaking abuloy si Kurakot! Sayang din!

  18. No, she was not playing. Nagbabasa siya ng mga sulat natin dito sa blog ni Ellen! Kaya nga nakasimangot si Defector! Tignan mo at saka iyong ngiting Judas ni Bansot ay halatang inilapad lang niya ang bibig niya para magmukhang tuwang-tuwa siya! O baka nabasa niya iyong mga sulat noong mga binayaran niyang manggulo dito!

  19. John Marzan posted the names of the national and local officials who are using up our hard-earned money to, in the words of Schumey, gallivant in Europe:

    Here’s from John’s blog:http://politicaljunkie.blogspot.com

    Ang listahan ng “palakpak boys” na kasama ni Arroyo sa junket niya patungong Italy

    Also joining the President are congressmen Juan Miguel Zubiri (Bukidnon), Ma. Amelita Villarosa (Occidental Mindoro), Eduardo Veloso (Leyte), Emmy Lou Talino-Santos (North Cotabato), Mary Ann Susano (Quezon City), Danilo Suarez (Quezon), Lorna Silverio (Bulacan), Rizalina Seachon-Lanete (Masbate), Victoria Reyes (Batangas), Herminia Ramiro (Misamis Occidental), Francis Nepomuceno (Pampanga), Roger Mercado (Southern Leyte), Hermilando Mandanas (Batangas), Uliran Joaquin (Laguna), Cecilia Jalosjos-Carreon ( Zamboanga del Norte), Del de Guzman (Marikina City), Arthur Defensor (Iloilo), Rodolfo Antonino (Nueva Ecija), Jesus Reynaldo Aquino ( Pampanga) and Rodolfo Albano III (Isabela).

    Governors on board are Ben Evardone (Eastern Samar), Erico Aumentado (Bohol), Miguel Rene Dominguez (Saranggani), Adolph Edward Plaza (Agusan del Sur), Luis Raymund Villafuerte Jr. (Camarines Sur), Josephine dela Cruz (Bulacan) and Pax Mangudadatu (Sultan Kudarat).

    Manila Mayor Joselito Atienza is also flying with Mrs. Arroyo.

  20. So, guys, alam ninyo na kung sino-sino ang haharang sa Impeachment this year. Iyong mga constituents ng mga palpak este palakpak gang ng ito ay dapat sulatan nila! Godwilling, the Impeachment will succeed this time! I pray that God will pave the way.

    Sabi noong isang blogger, puro lang daw daldal ang karamihan at si Bansot lang ang nagtatrabaho! Ipakita nating mali siya!

  21. Golly, Ellen, doble ang value ng pera doon kesa sa dolyar. Iyon ngang pound, 3 or 4 times ang value kesa sa dollar! Di bale kung ang mga ungas ay sa B&B (bed & breakfast) tutuloy at hindi doon sa mga deluxe at 5-star hotels at sila ang magbabayad ng mga airplane, train, bus, taxi fares, board and lodging, etc. nila! Kung sila ang magbabayad ng mga gastos na iyan sa palagay ko hindi na sila sasama!

  22. Now, I know kung bakit nasa France si Anna ngayon. Sasalubong siya kay Bansot doon! Anna, ingat, at may kakamping French ito na bumatikos sa critic ni Bansot sa isang blog! Puede bang ipakiusap ni Mr. Hill na doon manggulo sa harap ni Bansot iyong mga helter-skelter na taga-England kesa doon sa World Cup sa Berlin?

  23. Ronnie Mabini Ronnie Mabini

    Ate Yuko, hinay-hinay lang ang blood pressure mo, your health will suffer. Your so consume by too much hatred, it’s not healthy anymore. We can attack the gifted small lady without being sound/looked paranoid, we still have a long way to go… we need na talaga siguro ng Divine intervention kasi hindi na napapakinggan ang dasal natin bakit kaya? Let us see ourselves in the mirror baka may kulang pa sa dasal natin.

    Marunong din magdasal ang mga kalaban, mas galingan natin magdasal baka-sakali pakinggan NIYA tayo dib? Ang ipinagdadarasal ko ay sana ay magbago sila for the better, for the common good at hindi para sila maghirap or masira! Mabait ang Diyos hindi NIYA tayo pababayaan!

  24. Off topic pero relevant sa mga issues dito galing sa isang kaibigan ko:

    —–Original Message—–
    From: Deleted to protect the sender
    Sent: Sunday, June 25, 2006 8:10 PM
    Subject: Re: One Voice

    One Voice may be anti-Cha Cha, but do we see any call for ouster of the
    illegitimate power-grabber? Many there actually are using this anti-Cha Cha
    as a diversionary tactic to lure away the people from the ouster campaign
    and the restoration of Vox Populi — which is the only thing that can save
    the country from the growing factional and fratricidal conflict. One Voice
    is the voice of the stratus quo who want nothing changed except that one
    embarassing piece of brat gone amuch that they installed themselves in
    2001… I am persisitng in calling for the short return of the ligitimate
    elected leadership to launch a thorough program of cleansing of the Comelec,
    Judiciary, and then a genuine reform Con-con elected but first nominated
    three for each social sector, by a People’s Council led by the elected
    leadership with proven and demonstrated responsible leaders of the different
    sectors…

  25. Ellen,Anna, Schumey, karl, ALL:

    Kita ninyo ba ang litrato ni Bansot sa Inquirer? Parang natatae pa rin!!! 😉

  26. Sabi ng Inquirer, 32nd trip na ito ni Bansot since she grabbed the presidency that is an average of 6 foreign trips a year. Wow! Sikat ha daig pa si Koizumi na halos hindi umaalis ng bansa para makatipid! Buti na lang hindi siya kinumbida sa Buckingham Palace kundi susulatan ko iyong kaklase ko sa House of Commons para batikosin ang bisita ni Bansot doon!

  27. Yuko,

    Nakita ko, tama ka. Kulang nalang umiri. Hahahaha. Sana tulad ni Pope John Paul II si Pope Benedict, hindi kasi siya nangingiming punahin ang isang leader na baluktot ang pamamahala.

  28. lca lca

    pero kung buhay siguro si Mr clean’ este cardinal sin pala’ e hindi na punta si ate glo sa vatican, kasi sa ngayon e wala ng malapitan si ginang arroyo sa mga kaparian para mag sumbong, e lahat ng pare at mga bishop e alam na ang mga ginawa niyang katiwalian e’ kaya hindi na niya ma bobola pa’ e doon sa papa sa roma baka sakali pa na mabola niya’ para hikayatin na pag sabihan ang mga pari at bishop na huwag ng maki halo sa gulo ng politika ang mga alagad ng simbahan. kung iisipin mo e wala namang anumang importanteng gagawin iyan doon e’sayang lang baka maistorbo pa si pope’ imbes nag papahinga yung tao e guguluhin pa niya. walang magagawa si pope sa magiging kapalaran niya, baka nga kung malaman pa ni pope ang mga ginawa niya at maging ng mga kasabwat niya sa pag nanakaw, panloloko sa taong bayan e baka doon palang sa vatican e hatulan na siya ni pope ben’ kaya sana ngaun pa lang ay pag sisihan na niya angf kanyang nagawa sa mamamayang Pilipino. dahil malapit nang matapos ang maliligayang araw niya at ng kanyang mga kampon.

  29. Ronnie Mabini Ronnie Mabini

    Majority of Japanese lawmakers surveyed say World War II apologies sufficient
    06/25 4:26:52 PM

    TOKYO (AP) – A majority of Japanese lawmakers polled in a newspaper survey released Sunday said the country has apologized enough for its World War II-era atrocities, amid a row with Asian neighbors over interpretations of Japan’s past aggression in the region.

    The Mainichi newspaper said it sent questionnaires to all of Japan’s 720 parliamentarians and received responses from 384, or just over half.

    Of those who responded, 51 percent said Japan’s apologies following the war were sufficient, compared with 33 percent who said the nation hadn’t fully atoned.

    Nine lawmakers, or 2 percent of the respondents, said there was no need for Japan to apologize over its wartime conquest of Asia. The paper didn’t give a margin of error.

    Though Japanese prime ministers and emperors have expressed regret and remorse over the country’s past, Tokyo’s Asian neighbors have often questioned the depth of Japan’s remorse.

    Ate Yuko, learn the art of forgiveness, for you to have a peace of mind!

  30. Don’t worry, guys, hindi naman magkakaintindihan si Bansot at ang Papa kasi itong English ni Bansot mga kapampangan lang ang nakakaintindi, at iyong English naman ng Papa ay hindi rin malinaw kasi German naman siya. Pero baka naman may interpreter!

    Sana mag-brown out ulit para hindi matuloy ang mga party-party para sa mga pilipino doon na hahakotin by bus paid by the Philippine Embassy gaya noong hindi natuloy na reception sa Rome para sa mga pilipino dahil nga nag-brown out. Tapos hindi rin nakausap ang Papa dahil masama ang pakiramdam.

    Kaya pupunta ulit doon si Bansot para magpasikat na siya lang ang nakaharap ng Papa na presidente ng Pilipinas na nakapuwesto kahit peke. Personal visit dapat sinisingil iyan! Sa Japan iyan, sinisingil ng gobyerno ang mga ganyang lakad. Hindi puedeng makalibre ang mga wala namang silbing mga Tongresista at mga asawa nila.

    Kailan kaya mababago ang mga ganyan abuso at kawalanghiyaan?

  31. Gago anong forgiveness ang sinasabi mo, a. k. a Ronnie? Bakit ako ang magpapatawad? Ang korte ang dapat na magdesisyon kung ano ang gagawin sa kriminal na gumawa ng krimen laban sa sambayanan, hindi ako! Sira pala ang ulo mo e.

    At saka wala kang pakialam kung ano ang gusto kong gawin o sabihin, dahil I am a free agent. Please magpakalalaki naman kayo!

  32. Unless of course ikaw iyong anak ni Bansot na nagbababad sa mga egroups para ipagtanggol ang nanay niya na dapat ay sabihan niyang umuwi na sa Pampanga o sa Iligan o sa Bacolod para matahimik na ang Pilipinas! Magsabi ka ng totoo, sino ka ba, a.k.a Ronnie? Iisa ang tuno mo doon sa ilan pang nandito at sa iba pang mga egroups. Next time na mag-post ka at pinatatamaan mo ako ay hindi kita na sasagutin dahil nonsense sa totoo lang. Maligaya pa ako.

  33. Ronnie Mabini Ronnie Mabini

    Ate Yuko, sorry talaga, hayaan mo titigilan ko na magco-comment, basta peace na tayo ha?

    Nate-tempt lang akong magcomment kasi napapansin ko masyado kang “obsessed” kay Bansot. Cool k lang, lahat naman may katapusan… whether we like it or not, ganun talaga. life is too short para mangunsumi sa mga bagay-bagay na wala naman sa control natin.

    Sorry sa lahat sa mga comments ko na hindi naman talaga marahas. That’s is the essence of democracy kasi, until then, God bless you, your still my Ate parin!

  34. Lahat welcome dito sa blog. Pero pakiusap ko, mag stick tayo sa isyu. Walang personal na insultuhan.

    Kung hindi kayo sang-ayon sa opinyon ng ibang tao, ipahayag nyo ang inyong opinyon. Walang personal na insultuhan.

  35. florry florry

    Ellen, dito sa aking backyard, mayroon akong isang puno ng apricot at isang plum. Pagpasok ng spring magdadahon at mamumulaklak na sila at in a few weeks time nagiging bunga na ito at napakarami, kumpol kumpol na parang duhat. During this time naman magsisimula na rin kaming mag-garden at magtanim ng mga gulay tulad ng mga kamatis, talong, ampalaya, kalabasa at marami pang iba. Ang buhay ng mga ito ay tatagal hanggang sa early fall, na kung saan malalaglag na ang mga dahon at parang patay na nga. Iyan ang life cycle ng mga puno na iyan. Ang mga gulay naman ay mga patay na rin pero ang nakpagtataka lang within a period of more or less three months, naapakarami momg ma-aning prutas at mga gulay. Sayang nga at maraming nasisira dahil kahit na marami kang mapagbibigyan dito, talagang napakarami, at hindi maubos-ubos. Hindi mo tuloy maiwasan ang malungkot na kung sana sa Pilipinas ito marami kang mabibigyan. Ito naman ay once a year lang, kaya naman ang mga tao dito ay parang nakakawala sa coral pagdating ng summer, kasi mas mahaba ang tag-lamig kaysa tag-init in the ratio of 7 to 5. Kaya nga sa ngayon doon ako nag-iinternet sa lilim ng aking mga puno, kasama ko yong mga tanim kong mga kamatis, talong, ampalaya, sili at cucumber at pagdating na late-fall, in-door na naman kami. Ganyan lang ang buhay namin dito, dahil ako ay retired na sa pagtratrabaho, I mean I applied for an early retirement, and my husband is still fully employed, di sana nasa Pilipinas na kami na nag-e-enjoy ng retirement, pero as long as Mrs. Pidal is in-charge, no way kaming magreretire diyan. Tama na lang muna yong mag-spend kami ng one month vacation every year diyan.

  36. Ellen:

    To your question as to what more lies the Bansot is going to spread in the Vatican, we know now what it is—sainthood for the relative of the Fatso to make him look santo, too!

    How can people who do these things claim they are the select of God when the truth is “These six things doth the LORD hate: yea, seven are an abomination unto him: A proud look, a lying tongue, and hands that shed innocent blood, An heart that deviseth wicked imaginations, feet that be swift in running to mischief, A false witness that speaketh lies, and he that soweth discord among brethren.” (Prov.6:16-19)?

    May takot pa ba ang mga ito sa Diyos?

  37. bongjr bongjr

    this note from the chairman of INTEL will be for you guys. You have continiously destroying the image of our country by reacting to all the negative side of the good work of the present administartion.Ano wal na ba kayo masabi kundi yong masama sa namamalakad? What a shit thing to do!!!!!!!!!!

    THE BETTER SIDE OF THE PHILIPPINES

    The following was written by INTEL General Manager Robin Martin about the Philippines:

    Filipinos (including the press, business people and myself) tend to dwell too much on the negative side, and this affects the perception of foreigners, even the ones who have lived here for a while. The negative perception of the Philippines is way disproportionate to reality when compared to countries like Columbia, Egypt, Middle East, Africa, etc.

    Let us all help our country by balancing the negative with the positive especially when we talk to foreigners, whether based here or abroad. Looking back and comparing the Philippines today and 1995 (the year I came back), I was struck by how much our country has progressed physically.

    Consider the following:

    1. The great telecom infrastructure that we have now did not exist in 1995. 1995 was the year the telecom industry was deregulated. Since then billions of dollars have been invested in both fixed line and cellular networks producing a system with over 5,000 kms of fiber optic backbone at a world competitive cost. From a fixed line capacity of about 900,000 in 1995 we now have over 7 million. Cellular phones practically did not exist in 1995; now we have over 11 million line capacity.

    2. The MRT, many of the EDSA flyovers (including the Ayala Avenue flyover), the SKYWAY, Rockwell and Glorietta 4, the Fort, NAIA terminal 2 and most of the new skyscrapers were not yet built in 1995.

    3. If you drive to the provinces, you will notice that national roads are now o f good quality (international quality asphalt roads). I just went to Iba, Zambales last week and I was impressed that even a not so frequently travelled road was of very good quality.

    4. Philippine exports have increased by 600% over the past eight years. There are many, many more examples of progress over the last eight years. Philippine mangoes are now exported to the US and Europe.

    Additional tidbits to make our people prouder:

    1. INTEL has been in the Philippines for 28 years. The Philippines plant is where Intel’s most advanced products are launched, including the Pentium IV. By the end of 2002, Philippine operations became Intel’s biggest assembly and testing operations worldwide.

    2. TEXAS INSTRUMENTS has been operating in Baguio for over 20 years. The Baguio plant is the largest producer of DSP chips in the world. DSP chips are the brains behind cellphones. TI’s Baguio plant produces the chip that powers 100% of all NOKIA cellphones and 80% of Erickson cellphones in the world.

    3. TOSHIBA laptops are produced in Santa Rosa, Laguna.

    4. If you drive a BENZ, BMW, or a VOLVO, there is a good chance that the ABS system in your car was made in the Philippines.

    5. TREND-MICRO, makers of one of the top anti virus software PC-Cillin (I may have mispelled this) develops its “cures” for viruses right here in Eastwood Libis, Quezon City. When a virus breaks in any computer system in the world, they try to find a solution within 45 minutes of finding the virus.

    6 . Today a majority of the top ten U.S. Call Center firms in the U.S. have set up operations in the Philippines. This is one area in which I believe we are the best in the world in terms of value for money.

    7. America Online (AOL) has 1,000 people in Clark answering 90% of AOL’s global e-mail inquiries.

    8. PROCTOR & GAMBLE has over 400 people right here in Makati (average age 23 years) doing back-up office work to their Asian operations including finance, accounting, Human Resources and payments processing.

    9. Among many other things it does for its regional operations network in the Asia-Pacific region here in Manila, CITIBANK also does its global ATM programming locally.

    10. This is the first year ever that the Philippines will be exporting cars in quantity courtesy of FORD Philippines. (I have an idea this article was written between 2001 – 2002, so this operation should have been on-going for the last 3 years or so. CYN)

    11. The government is shedding off graft and corruption slowly but surely. This is the first time i n our history that a former president is in jail and facing charges of plunder. Despite all odds, we are still pursuing the ill-gotten wealth of Marcos now enjoyed by his unrepentant heirs.

    Next time you travel abroad and meet business associates tell them the good news. A big part of our problem is perception and one of the biggest battles can be won simply by believing and by making others believe.

    This message is shared by good citizens of the Philippines who persevere to hope and work for our country.

  38. soleil soleil

    …i do agree with “The Better Side of the Philippines”…as written by GM Robin Martin. Although we must never forget…all the things mentioned are for the economic wheel and with capitalistic nature. and there’s nothing wrong with that. We really indeed came a long way, where the LRT and MRT were just a project in my school durinf those times and i was dreaming na sana i could commute with ease kung napa-aga lang ang pagpapatayo. Now is it my children who are reaping the benefits, not bad right. On the otherhand, we cannot help but feel that the nationalism and love for country and respect for government officials are nowhere. YEs maybe we, bloggers here muttering disgust over the “encumbent”, are just frustrated but could not do anything(s) bec our voices are but mere speck, compared to those who can afford to advertise like expalining their sides of such and such project endeavours. But dont tell me that there were no hokus-pokus with any of the projects undertaken during those times??..every administration has its own agenda, whether it was Cory’s, FVR’s, Erap’s, and need we say more GMA’s….lahat sila may kanya kanyang baho.
    I guess the real thing to do is to make the best in our own backyard. I always believe in the value of being a true person with heart – compassion, respect and humility. I cant say Filipino, Asian, or whatever cz i am a mix-mix having brought up the Filipino-Chinese-
    Spanish way…what we do have to push is for our children to love our flag, our country and make our own name for a better Philippines. I, and i guess mostof us here, dont have the privilege to apply for dual citizenship and to keep houses here and vacation houses in EU or the USA(like majority of the govt officials – i think 98%!!!!)…it all starts from our own backyard kahit paikot-ikutin pa natin ang usapan…gaano man ka-baboy ang mga officials natin, hanggang hindi tayo kumilos para sa kapakanan natin, kahit ilang administration pa tayo magpasalin salin, if we dont make ourselves wiser, doer, and better examples for others, it will just be a vicious cycle. So in the end, what we need now is love for our country and citizenship, being nationalistic pero not naman super OA like parang tayo na ang pinakamagaling sa lahat, coz honestly we still have a long, long, long way to go…(sadly my kids are asking me why cant we change citizenship, coz most of their friends have dual:

Leave a Reply