Hindi na matago ni Gloria Arroyo at ng kanyang mga kakampi ang kaba sa nalalapit na pagsampa ng panibagong impeachment complaint.
Sabi ni House Majority leader Prospero Nograles kailangan raw maharang nila ang impeachment complaint sa House of Representatives kasi kapag pumasa sa kanila yan, tagilid si Arroyo sa Senado.
Sabi ni Nograles, “Pag lumampas sa House ‘yan, si JDV out na rin pati ang majority leader. Pati mga committee, ire-revamp.”
Kahit kasi sinasabi ng Malacañang na mas okay si Senator Manny Villar bilang Senate president, mas marami pa rin sa mga senador ang hindi kampi kay Arroyo. Alam ni Arroyo at ng kanyang mga kaalyado yan. Sabi ni Nograles: “It’s a numbers game. The senators are hostile to GMA. If we send the case for trial, GMA won’t stand a Chinaman’s chance. She will be convicted. Do we want it? (Padamihan lang naman yan ng bilang. Karamihan ng mga senador, ayaw kay GMA. Kung magkaroon ng trial, walang panalo si GMA. Maku-convict siya. Gusto ba natin yan?”)
Yan ang gusto ng taumbayan.
Tingnan mo naman ang argumento ni Nograles. Hindi niya sinasabing hindi guilty si Arroyo sa mga kasalanan na binibintang sa kanya. Ang mahalaga sa kanila ay manatili sila sa kapangyarihan. Kasi kung wala siyang kasalanan, dapat hindi siya matatakot sa impeachment trial dahil yan ang kanyang pagkakataon na ipatunayan na mali ang mga akusasyon sa kanya. Kaya lang alam nilang guilty siya. Kaya hinaharang ang paglabas ng katotohanan.
Sana ayusin ng oposisyon ang kanilang strategy ngayon para naman makarating sa Senado.
Ang pinakamahalaga sa ngayon ay dapat mauna sila sa pag-file ng impeachment. Kasi, sa Constitution natin, isang impeachment complaint lang ang maaaring i-file sa isang taon. Kung mahinang klaseng impeachment complaint ang naka-file, katulad ng ginawa ni Oliver Lozano noong isang taon, madali makakita ng butas ang mga kakampi ni Arroyo para ibasura.
Itong si Lozano kasi ay mukhang ginagamit nina Arroyo para panggulo at maharang ang totoong impeachment complaint ng tunay na oposisyon.
Makipag-ugnayan raw ang mga oposisyon na congressman at mga lider ng simbahan at iba pang organisasyon na magbantay para hindi sila maunahan ni Lozano o kung sino mang bata ni Arroyo na mag-file ng impeachment complaint.
Maglalamay sila doon bago ang June 26, na siyang araw ng pagsimula ng pagtanggap ng impeachment complaint para sa taong ito. Lahat raw na pintuan at daanan ay babantayan nila. Paglampas ng alas-dose ng June 25, dapat nandoon na sila sa harapan ng receiving clerk sa Congress para ipa-receive ang impeachment complaint.
Gagawa sigurado sina Arroyo ng paraan na mauna rin sila para panggulo.Dapat paghandaan yan.
Ha, ha, ha, ha!!! Nakakatawa si Congressman Nograles. Talagang aminado siya na kailangang maunahan ang oposisyon sa pagsampa ng impeachment case laban ke gloria. Hindi ba maliwanag na kababuyan ang ginagawa ng mga nasa house of congress?? Pilit nilang hahanapan ng solusyon para pagtakpan ang mga kasalanan ni gloria?? Iyan ba ang labanan ngayon? Unahan? Grabe ka Nograles! Tamaan ka sana ng kidlat. Ayaw nyong paawat sa mga kataksilang ginagawa nyo sa bayan? Sige, hintayin mo ang galit ng taongbayan ay igawad sa iyo. Gugutay-gutayin ka namin. Sakim sa kapangyarihan, mukhang pera!!!
Baka naman hindi natin alam, naka-file na ang bogus impeachment case at pagdating ng June 26 (26 nga ba?) ay sasabihin ni Nograles nauna silang mag-file. Kapag nangyari iyon, dapat wala ng impeachment process, sakalin na lang si gloria, pugutan ng ulo si Nograles at lahat ng mga alipores ni gloria ay ipakain sa buwitre!! Mga anak kayo ng jueteng!!
Baka nakatago na sa drawer ang bogus impeachment complaint. Tapos, pag bukas ng pinto, habang tumatakbo sina Randy David, Chiz Escudero at Peter Allan Cayetano, ilabas na ng clerk at sabihin, “Naunahan na kayo!”.
Mismo!!, Ellen. To hell with them!!
I suspect all these disturbing activities of Gloria like all-out war against the communists, cha-cha and even these bombings in Metro Manila are part of their to derail the second impeachment complaint.
I bet she is already preparing the funds to pay the congressmen and everybody who would block the impeachment complaint.
We should also frustrate her efforts to destroy democracy and this country.
Hi! Ellen
Tama ka nanaman diyan sa sinabi mo na baka naka file na ang bogus na complaint nina Aling Gloria the only thing that the clerk will do at that day is hit the enter key and it’s all over and ther’s nothing that Randy,Chriz and Caetano can do about it.Then tatawanan lang tayo ng mga galamay ni Gloria.
Alam po ninyo “can i call you ate if you don’t mind”
ate Ellen hindi ko maintindihan kung bakit sa dami ng kawalanghiyaan,pagnanakaw,kasinungalingan at panloloko sa taong bayan bakit hirap na hirap ang mga senado mapaalis si Gloria huwag naman nilang sabihin magpapatalo sila sa isang babae lamang.Kaya kung ako sila doon na ako matutulog sa kung saan man nila kailangan i file ang complain dahil sabi mo nga baka nandodoon na ang bogus na complain.
Icbocalan:
Iyan din ang hindi ko maintindihan kung bakit hindi nila mapaalis si Bansot when all that they have to do is disqualify her as provided by the law. Golly, ang linaw-linaw namang nandaya, kung ano-ano pa ang sinasabi na kesyo “a person is not guilty unless proven otherwise.”
Dito iyan, pag sabi niya ng “I’m sorry” sa TV, an hour after may warrant of arrest na iyan. But the problem in the Philippines is that the Chief of Police is beholden to the criminal suspect kasi siya ang nag-appoint, at iyong head the Supreme Court, siya rin ang nag-confirm at kakutsaba niya sa pagtanggal noong ninakawan niya ng puwesto. Presto! Walang hulihan, walang squeal-an!!!
Taumbayan naman hindi kumikilos! Ang galing nga ng strategy ni Bansot kasi nakaabang agad siyang iilitin ang mga ari-arian noong mga tutulong sa mga mahihirap na mag-aalsa gaya ng ginagawa doon sa Hacienda Luisita pagkatapos na sumama si Nongnong sa impeachment noong isang taon. Kaya iyong mga duwag na may pera, hindi gumagalaw. Binabantayan na lang ang mga pera nila at baka nakawin pa. Ang sabi nga ng isang kamag-anak ko, “If you can lick ’em, join ’em!” Anak ng tipaklong!
22 June 2006
Isn’t it funny to hear it from the majority leader of the lower house???Tha’ts how LOW they could be, very simple meaning, they are there to stop/kill the 2nd impeachment on the leprechaun, simply because they want to hold on to their borrowed power, it only means that they will do everything to protect their own personal interest, and that my friends is to stay in power.
Does it mean that the impeachment has the tendency to move forward???? all I can say is, it might, perhaps it might move forward, kasi nga natatakot na itong si NOGNOGrales, if they are really for the truth why not let the impeach case to prosper and be elevated to the senate, They are afraid, kasi baka malaman ang kanilang mga kalokohan, hehehehe That is why my friends, the leprechaun, her hoods and clowns will do everything in their arsenal to stay in power.
Shock ako kay Lozano. Kilala ko iyan kasi Marcos Loyalist iyan na akala ko galit kay Bansot. But then, siguro dikta ni Imelda kaya siya nandiyan dahil ito namang si Imelda ang iniintindi lang ay mabalik sa kaniya ang kaniyang mga alahas. Hindi niya alam na ang magnanakaw ay magnanakaw hangga’t kaya niya. Kaya hindi ligtas ang mga alahas niya. Ang kailangan niya lang namang iprueba ay hindi nakaw ang mga alahas din niya!
Nakakaawa naman si Lozano kung nawala na ang idealism niya gaya noong Unggoy na spokesman ni Bansot na bata na kung magsalita ay parang hindi nag-graduate sa UP at nonsense ang pinagsasabi! Ang labas ng loko, rumor mongerer!
Goldenlion, All:
Kaya nga sabi ko sa inyo sulatan ninyo ang Prime Minister at Ambassador ng Japan sa Manila (lunurin ninyo ng sulat ninyo) na huwag ibigay ang grants para sa development Pilipinas kay Bansot na isang magnanakaw na sinungaling pa. 8M dollars ang hiningi ni De Venecia dito kaya siya ang mamamahala ng perang iyon. And you know who this guy is?
Iyong ngang funding para sa bombero ng Makati hindi niya ibinigay o di nagbayad na mahal ang pamilya niya! Nasunog iyong kawawang anak niya. May she rest in peace! Niligtas ng Diyos sa halimaw niyang ama!
Iyan si Nograles, dapat hindi na iyan iboto ng mga kaprobinsya niya. Ang yabang ng walanghiyang kurakot na iyan. BTW, puede bang ilista ang mga pangalan ng mga walanghiya sa Congress at ikakalat namin dito na huwag iboto ng mga kamag-anak ng mga boboto sa 2007 at 2010 dahil ang alam ko senador lang ang puedeng iboto ng mga OFW (Overseas Filipinos Worldwide).
Itong si SiRaulo Gonzales pala ay gustong maging partylist Congressman kaya gusto niyang tanggalin sina Ka Bel, et al sa Congress by framing them up! Unbelievable ang mga kawalanghiyaan ng mga ito!
Next time, itong sina Cayetano, huwag silang aalis ng upuan nila sa Congress na nagkaroon lalo ng pagkakataon ang mga ungas na ibasura ang Impeachment claim nila. Dapat may dala silang placards at banners doon at hindi na mga flower pot dahil no effect naman ang kagandahang-loob sa mga walanghiya.
Ipakita nilang galit na sila gaya ng mga taumbayang kinakatawan nila.
Iyon namang mga pilipino na kinakatawan ng mga tulad ni Nograles ay dapat nang magpakita kung sino ang boss—na sila ang boss at hindi itong mga ibinoboto nila sa Congress para i-represent sila. Anak ng Pating, itong si Nograles kung umasta akala mo hari siya at hindi isang public servant! Dito iyan, matagal nang nakakulong iyan!
Psa 1:6 The righteous are guided and protected by the LORD, but the evil are on the way to their doom… ganito ang mangyayare sa ikalawang Impeachment, gagabayan ng Panginoong ang mga taong nag hahangad ng katarungan at kaayusan ng ating bansa’… at kaparusahan sa mga taong nag-tatago ng mga kasamaan. sa sinabi ni Nograles e hindi tayo mag tataka na hindi katotohanan ang nais niyang lumabas’ kundi itago at pag takpan ang katotohanan na gustong malaman ng taong bayan. nariyan ba siya sa kanyang posisyon ngayon para sa isang tao lang? sayang ang kagalang-galang na hitsura ni Nograles’ sa likod ng napakagandang lapat ng kanyang kasootan ay may itinatago pala ang mamang ito. makikita mo na agad ang kanyang magiging hakbang para maipag-tanggol ang taong hinahabol ng kanyang sariling multo. hanggat may pagkakataon pa ay mag isip-isip kayo’ mga taong takot malantad ang katotohanan, makaligtas man kayo sa hatol ng batas ng tao’ sa mga kasamaang ginagawa niyo ngayon’ pero sa hatol ng Panginoon ay malalantad lahat ang mga kasamaang ginawa ninyo. at katulad ng sabi…Psa 1:6 The righteous are guided and protected by the LORD, but the evil are on the way to their doom. ganyan ang mangyayare sa inyo. Lord bigyan mo po ng sapat na katalinuhan ang aming mga mambabatas na nag nanais mailantad ang katotohan na matagal ng hinahangad ng mamamayang Pilipino, pag tagumpayin mo po ang mga taong nag hahangad ng katarungan, kapayapaan at katotohan…salamat sa iyo Panginoon na mayroon pang mga taong nag nanais na makasunod sa iyong naisin, that the truth will prevail. at buksan mo po ang kaisipan ng mga taong nag tatakip ng mga kasinungalingan, Lord huwag mo muna silang kunin para papanagutin sa kanilang mga kasalan, bigyan mo pa po sila ng pagkakataon na mag bago sa kanilang masasamang gawa. in JESUS Name Amen.
Sabi ni Dominique, “Walk the Talk” si Randy David. Sana LAHAT ng mga pilipino, walk the talk na rin laban kay Bansot at doon sa mga alipores niyang bayaran!
Ica:
I say, “Amen!”
You bet, God cannot be in cahoot with those who are in league with the devil. And sure enough, those who are true and righteous can never be deceived. As stated in Proverbs 3: 1-5, “MY son, forget not my law; but let thine heart keep my commandments: For length of days, and long life, and peace, shall they add to thee. Let not mercy and truth forsake thee:bbind them about thy neck; write them upon the table of thine heart: So shalt thou find favour and good understanding in the sight of God and man. Trust in the LORD with all thine heart; and lean not unto thine own understanding.”
These six things doth the LORD hate: yea, seven are an abomination unto him: A proud look, a lying tongue, and hands that shed innocent blood, An heart that deviseth wicked imaginations, feet that be swift in running to mischief, A false witness that speaketh lies, and he that soweth discord among brethren.” (Prov. 6:16-19)
The Bansot has all these attributes that God hates!
To ICA & ystakei:
Please lang wag na nyong isali c Lord s usaping pulitika, masyadong marumi ang pulitika para ikaladkad c Lord s ganitong usapin. The best u can do is pray; my question is pakikinggan b kayo?
Sa isyung pulitika nalang magbatuhan ng putik; pano naman dadami ang kakampi natin laban kay bansot kung kayo mismo ay marumi maglaro sa pulitika. It’s so ironic, panay ang banggit nyo kay Lord pero hinahaluan nyo naman ng masasamang salita!
Kung pwede lang wag n kayong makisimpantiya sa mga kumunista/NPA dahil Godless ideology yan, kailangan bang gawin dahil kalaban nila c Bansot? Isip-isip lang please!!!
Naniniwala parin ako na pwede tayong manalo laban kay Bansot sa paraan malinis at maganda sa paningin ni Lord. Makisawsaw tayo sa maruming laro ng pulitika pero hindi ibig sabihin nun magtatampisaw din tayo s maruming labanan, ang masakit pa yan isinali p nyo c Lord!
Jefferson Chiong ‘ may nangyayari ba kung ang tao lang ang kikilos sa problema ng ating bansa, ilang taon na ba’ na ang kasamaan, katiwaliaan, karumad-dumal na mga krimen ang nangyayari at patuloy na gumagalaw sa ating bansa? maraming batas ang ginawa ang tao’ mula pa noon’ na ipapatupad ba? na susunod ba? kung titignan natin ang sitwasyon noon at ngayon e mas lalung lumala ang sitwasyon ngayon. ano ang nangyari sa batas na ginawa ng tao’ wala!!! sino pa ang lalapitan natin ? mga pulis sundalo senador congressman etc” kaya nga may kasabihan na… NO GOD NO PEACE, KNOW GOD KNOW PEACE. sapalagay ko hindi masama na isali si Lord kung siya nman talaga ang dapat na lapitan. pero iyan ang gusto mo e ekaw ang bahala, gawin mo yung sa alam mung tama’ at gagawin ko ung alam ko na tama, ang salita ni Lord ang ilaw sa mga taong na-dirimlan ng kaisipan’ at hindi ung sinabi mo na makisawsaw sa maruming pulitika, hindi ka narin naiba sa kanila kapag ganyan ang gagawin mo’ mang uurot ka lang ng damdamin ng tao. at wla kang maitutulong. God bless you
Oo nga!!! Bakit ayaw ni Jefferson isama ang God, samantalang sabi niya ay mag-pray na lang. E di kasama din ang Lord God. Unless ibang lord ang nasa isip ni jefferson. Hmmm……ang isang demonyo ay mapaparam lang sa tulong ng Diyos. Sa lahat ng bagay na ating gagawin, kailangan laging naka-ukol sa Diyos. Meron ba tayong ginawa dito sa mundo na hindi alam ng Diyos? Kahit anong plano ang gawin natin kung hindi sang-ayon ang Diyos walang mangyayari. OK ba, Mr. Chiong?
Ang linaw-linaw ng sinasabi ng Bible bakit ba nanggugulo itong si Chiong?
This is not the kind of meddling in politics by those in frocks and habits who are not supposed to meddle in politics according to an international standard of separation of church and state. But we are not like them, and there is no reason why we should not include God in this discussion especially when many Filipinos are being pushed to be evil because of their desperation and feeling of helplessness because of an evil regime.
What’s wrong with reminding people about God and His Words and being good, and telling them to pray even in this blog?!
Sorry, Chiong, but your slip is showing! You have no right to tell me or Ica or anybody here what to say and do. We are free agents, you know.
As long as we keep some decorum here, I don’t suppose we are breaking any rule, even heavenly rule, posting our sentiments against a corrupt government that we are in fact, I believe, being moved to fight with the blessing from up above to bring back reason and sanity where graft and corruption is no longer an exception but the rule.
Chiong reminds me of the Pharisees who condemned Christ when he “went into the temple of God, and cast out all them that sold and bought in the temple, and overthrew the tables of the moneychangers, and the seats of them that sold doves, And said unto them, It is written, My house shall be called the house of prayer; but ye have made it a den of thieves.” (Matt.21:12-13)
I can’t understand why this guy would find displeasure at the mention of God even in discussing the problems besetting the Philippines today even just to convince all to be not weary but have more courage to try to topple an evil regime and bring back sanity and peace to all.
Gosh! Sa mga binitawang pananalita ni Majority Floor Leader Nograles ay makikita na siya ay nandoon sa pwesto upang pangalagaan ang pansariling kapakanan ni Bansot. Wala talagang pakinabang sa kanya ang lalawigan na naghalal at nagluklok sa kasalukuyang kinalalagyan niya!
Huwag naman sanang maganap ang pinangangambahan ng karamihan na mayroon ng naunang nakapag-file ng impeachment complaint sa Lunes. Iba’t ibang antas na ng lipunan ang nagbabalak na magbabantay at maglalamay sa opisina ng receiving clerk ng Congress upang hindi sila maunahan ng kung sino man sugo ng kampon ni Bansot.
Mr. Chiong – mabuti nga sa amin ay isinasama namin ang Lord God bilang guidance. Eh, si Bansot ipinangangalandakan pa na kinakausap daw siya ng Lord God. Matigas lang ang ulo niya dahil ang sinasabi sa kanya ng Lord God ay BUMABA NA SIYA SA PWESTO DAHIL NAGHIHIRAP NA ANG BANSANG PILIPINAS DAHIL SA KANYA!
Naalala ko nung explanation of Votes bago patayin ang imnpeachment last year na sinabi ni Congressman Boying Remulla na bako taon taon na lang ay mag uunahan sa pag file ng impeachment.
Baka nga nasa drawer na lang nga at bubunitin at parereceive na lang.
Wag naman sana.
Karl:
I believe in miracles. Sa dami nating magdadasal para hindi maunahan ang mga righteous na magsasampa ng impeachment, I doubt if God will not listen to us dahil unang-una, hindi naman tayo bayaran, and I, for one, would depend on God and do things according to His Will especially when I know that there is a purpose for everything that we see happens now.
Kaya sa totoo lang, I try to follow the 10 Commandments, etc. I check my activities for the day and see where I need to make amends and restitution.
The time has come I guess for the reckoning that we see is reflected in the face of the Bansot, who must be bothered by her conscience, but that is, of course, if she still has one! Baka kaya kumukunot ang mukha niya ngayon kasi hindi siya makanakaw ng husto at walang mananakaw hangga’t hindi dumadating ang pangako ng Japan na 80M dollars, US na 21B dollars at iyong sa World Bank (magkano ba iyon?) on time for the pork bayaran!
Kung may konsensiya iyan, magkukusa na iyang bumaba. Now dahil sa alam niyang delikado siya,hindi siya bumababa. Alam niyang makukulong siya sa mga kurakot na ginagawa niya at ng mga Pidal. Pipirmahan niya iyong law repealing death penalty para hindi siya mabitay! Wise, di ba?
Palagay ko, nakikipag-usap na iyan doon sa mga kano na ilipad din siya sa America—most likely sa San Francisco where they now own properties valued at several million dollars. At least, over there I can join movements to demand her extradition to the Philippines in case she escapes there with the Fatso. Kaya panay ang sipsip niya kay Dubya!
Iyon din yata ang purpose kung bakit niya pinirmahan ang Dual Citizenship Law. Baka mag-US citizen na rin siya para may protection siya ng US.
Ellen, All:
Tribune’s report states: “Meanwhile, lawyer Romulo Makalintal yesterday said he will move to block a new impeachment complaint against his client, Mrs. Arroyo through a legal technicality.
He insists that the first impeachment complaint is still a live one since this is still pending before the high court for resolution.
He said under the law, there can be no two impeachment complaints filed for the year.
The law is very clear: you cant file another impeachment complaint against the President while another one still hangs, Macalintal noted, adding that he will ask the House to dismiss any new impeachment bid against the President until the high court rules on the issue.”
Iyan ang gagawin ng mga mandaraya, I think—insist that last year’s impeachment, not being acted upon by the high court, is still binding so there is no need for a second impeachment.
Bakit hindi na lang i-disqualify ang ungas since legally she was not president when she ran for president in 2004 but only an acting one, and with proof that she has been cheating, she can be surely disqualified according to the provisions of the Election Code!
Ang problema kasi ay mga sundalo naman ang mga police diyan kaya walang alam sa pag-iimbestiga talaga ng mga kasong pangkriminal.
At saka iyong mga abogadong alam ang mga bagay na ito takot kumilos dahil baka mangyari sa kanila ang nangyari kay Alan Paguia na tinanggalan ng lisensya dahil mas alam niya ang batas kaysa doon sa mga gunggong ng nakaupo sa korte ng Pilipinas.
Kawawang bansa! Kawawa talaga ang mga pilipino kung hindi nila papaspasan ang pagtanggal kay Bansot! Pag dumami ang pera niyan lalong lalakas iyan! Kaya please harangin ninyo ang mga inuutang sa Japan, US, ADB at World Bank!
To Goldenlion;
S’yo n rin nanggaling “kahit anong gawin natin kung hindi sang-ayon ang Diyos walang mangyayari.” Para ka lang dumura s langit s mukha mo rin pala babagsak!
Gusto ko lang ipa-alala sa lahat; “kung lahat pare-pareho mag-isip ibig sabihin wala talagang nag-iisip” ang sa akin lang, pwede tayong sumalungat kay Bansot ng parehas. C Ystakei, n nasobrahan naman s galing kung pano galitin ang damdamin ng makakabasa ng sulat nya. Pwede ba walang magagawa ang galit dito, dapat paganahin ang utak at tamang katwiran kung pano labanan c Bansot. Baka ma-stroke n lang ang makakabasa ng mga sinasabi mo, wala k naman sinasabing sulusyon. Magbigay k n lang suhestiyon baka-sakali maging epektibo p kung pano mapalayas s palasyo c Bansot!
Palibhasa sitting pretty k lang s Japan, tapos kaming narito s ‘pinas ang tunay n komukontra ang nagdurusa! Madalas n lang kaming mahihirap ang biktima ng mga mayayaman tulad nyo, kami ang humaharap s mga rally-rally pero pag tapos ng laban kami pala ang maiiwan!
To Emilio_OFW; anong sumanib s’yo at nalaman mo n sinabihan ni Lord God c Bansot n bumaba s puwesto? Mas maganda mag-isip n lang tayo epektibong paraan kung pano papatalsikin c Bansot, tigilan n un mga pala-palagay at kung ano-anong haka-haka ng pinagsasabi ni Ystakei di naman tutulong yan pag na-stroke ang makabasa ng mga sinasabi nya. Ano b yan n parang tayo-tayo rin ang naglolokohan?!
Let me remind you ang ginawang laban ni Mahatma Ghandi againt British imperial… napatalsik nya. Wala yun mga ginagawang pang-gagalit at pangsu-sulsul na ginagawa ni Ystakei [na nagpapasarap naman sa Japan]. Hindi ko sinabing gayahin natin ang ginawa ni Mahatma Ghandi [pwede rin why not?], ang gusto kong gayahin ay un tamang pag-iisip ng mapayapang paraan kung pano bababa s pwesto c Bansot!
Isipin n lang kung magkagulo eh, di lalo n lang kaming malulubog s kahirapan. Paulit-ulit n lang mula kay Marcos at etong huli kay Bansot. Sigurado rin naman na pag napatalsik c Bansot, ganun n naman!!! Nasa dugo n yata ng pinoy yan!
Guys,guys,
Pabayaan na lang natin ang pamaraan ng bawat isa kung pano ilabas ang sama ng loob.pero tama ng dalawang side na kailangan ang dasal sa anumang sitwasyon.
If we agree one one thing and disagree on some other things
then there is no consensus….
pero kung consensus ang kinakailangan natin anong masasabi nyo sa One Voice na nilaunch ngayong araw nato.
Consensus kasi ang hinihingi ng one voice.
mangyayari kaya ang consensus at five step program ng one voice?
ano sa tingin nyo?
You bet, Karl. Hindi dapat pansinin ang mga magugulo.
Pakialam ba ng ungas na ito na iba’t ibang pangalan ang ginagamit sa mga egroups na ito na masarap ang buhay ko sa Japan na akala mo hindi sasarap ang buhay ko kung hindi ako magja-Japan.
Kahit naman noong andiyan kami sa Pilipinas, masarap ang buhay namin kahit na maraming kurakot din lalo na nang maging president iyong tatay ni Bansot kaya nga nagkaroon ng Kabataang Makabayan, etc. na nag-escalate na lang noong maging presidente si Marcos!
Halata naman kung sino ang taong ito. Lumang tugtugin na. Parang basag na plaka! Hindi na dapat talagang pansinin!
No, I don’t think there is any disagreement among those who clamor for the removal of the Bansot for the return of the rule of law in the Philippines. The disagreement comes from the members of the Bansot Internet Brigade who are very tricky in trying to give the impression that those who are protesting against her administration are not unified, even try to create some unnecessary confusion by messing up discussion here and other egroups; something like throwing a stone into the pool to cause a ripple!
Tama si Ica to remind us of the counsel of God about being righteous in all the things we do so that God will always be there to guide and help us succeed in what we do. Kaya nga si Bansot hindi na nakakatulog at iyong si Nograles ay parang ulol na nagpa-panick na tungkol sa gagawin ng mga laban kay Bansot na mas marami na ngayon kesa noong isang taon!
I am confident that we in this blog, and those in the front in the Philippines marching fearlessly and defiantly against the Malacanang Squatter are speaking with only ONE VOICE, and are in fact UNITED regardless of political affliations, religion and creed, and all are moved by one thing—a conscience and even a love of God, truth and right!
Ate Yoko, huwag kang mapikon kay Jefferson na akala mo kung sinong santo mangaral. Hindi na pwede yun sinasabi nyang mapayapang paraan para mapaalis si bansot s palasyo! Tulad ng sinabi ko dun sinabi ko s kabila, kung kinakailangan gumamit ng dahas kahit pa maraming magbuwis ng buhay basta sigurado lang mapapaalis si bansot gawin na. Matinding pagkilos na ang kailangan wala ng maraming debate lalo lang nagtatagal at nagpapasasa sa kapangyarihan si bansot, patay kung patay! Sa paraan lang eto sigurado tatahimik ang bayan natin at mahihinto na yun kontrahan at magkakaisa na tayo dahil wala na yun mga masasamang elemento ng lipunan!
Ipagpatuloy ang rebolusyon, kahit pa dumanak ng dugo basta mapaalis lang natin sa palasyo ang mga eskwater!
Salamat Ronnie. Hindi ako pikon dahil wala naman akong dapat na ipikon. Inis lang ako sa mga nagpapanggap na kasama sa adhikain ng maraming pilipino ngayon at nanggugulo sa mga usapang matino.
Tama ka siguro sa sinasabi mong kudeta kung talagang wala nang magagawa ang mga paraang ginagawa ng mga katulad nina Randy David, Romeo Capulong, Teofisto Guingona at magigiting na sundalong tulad nina Gudani, et al lalo na ngayong may order na itong salbaheng magananakaw na patayin ang sasalungat sa kaniya sa pamamagitan ng pagle-label na komunista sila, e para sa akin e mas walanghiya siya kesa doon sa mga tinatawag niyang destabilizer katulad ni Ka Beltran na inaapi nila dahil akala nila kaya nila komo hindi na yumaman ang mamang iyon dahil hindi magnanakaw kahit na nakaupo siya sa Congress bilang kinatawan ng mga pilipinong manggagawa.
Sobra manglait itong mga salbaheng ito na akala mo naman ay talagang mga mayayaman kundi pa nating alam na galing sa kurakot ang mga yaman nila! Pwe! Magtrabaho nga sila ng mahusay na hindi mangungurakoy? Tignan ko lang kung yumaman ang mga ungas!
Another group emerging to show discontent with the present dispensation which includes well-known personalities – Christian Monsod and Benipayo.
One Voice will be another thorn along the path of Bansot and she needs a lot financial resources for black progaganda to counter this group.
Can’t she read the message?
SHE is the problem of the Philippines and she needs to step down!
I met Benipayo in 2002 when he came here with the group of Senator Angara regarding the OAV Bill that we were asking to be passed as a law to give the millions of Filipinos overseas a chance to vote like the citizens of Japan, Bangladesh, Pakistan, etc. who had gotten theirs earlier than the Filipinos.
I had dinner with him, Senator Pimentel and his fellow Comelec Commissioner Tuason, but prejudiced as I was even then with the Bansot knowing how corrupt she was, I could not imagine how a fellow UP graduate like him could agree to work for her.
At least, now, he can try to make amends, and that his motives are true and sincere in launching this new movement. Hopefully, it will not be a deceptive movement like the ones they had in 2001.
Yeah! Baba ka na Bansot! Tuloy-tuloy sa Muntinlupa!
Speaking of Lozano, nagtaka ako nang sabihin ng ate ko na may mga bantay na military si Lozano kapag lumalakad. Ang gamit pa nga raw ay military van. Kaya pala! Tuta rin pala ni Bansot!
No wonder hindi siya sumasagot sa mga panawagan ko tungkol kay Bansot!
Kawawang nilalang! Na-corrupt na rin!
Emilio,
I’m wary about this “One Voice” group because of many of the signatories.I don’t think they are working for GMA’s ouster.
This is what we are going to do. An actual road race among the following: Randy David, Chris Escudero, Peter Cayetano, Nograles and Raul Gonzales(Representing Ms Arroyo). Distance: to be debated by both Houses.
Reward: (only one winner) Winner’s impeachment complaint will be the one to be considered for filing this year. May the best man win..
Unbelievable, Vic! Why is this impeachment being turned into some game and competition?
E-mail from Omar Escalante:
Hello Ms. Ellen,
I hope this time the opposition does their homework well.Like Norgales is saying it’s all a number Games in Congress.
I find ironic the timing of Billions of Money being released by GMA for so called fighting graft and corruption and for fighting the NPA (she must be on Shabu and dreaming big time).
I think if the people fails to figure out what’s all this money for, talagang stupid na tayong mga Pinoy.
It’s an Impeachment Suppressor.Happy na naman ang Crocodile diyan Congress and AFP just like the song “Happy Days Are Here Again”….
How can you fight corruption by giving them billions, it’s like adding more oxygen and fuel to the fire.
Omar Escalante
San Francisco, Ca.
Ystakei, that is what Nograles is planning to do. He already made up his mind to block the filing, and the administration to pre-empt it by filing a fake one and call it off on technicalities. For the Administration and its supporters in the congress is a game won. Ms Arroyo just dispensing the Taxpayers money left and right, to the congress, to the military, so sarcastically, my suggestion may have a better change of winning, much better than Randy’s “impeachment of illusion” as he admitted it in the first place.
Vic, the name is Yuko. Kung ganyan ang mangyayari, magdadasal na lang ako kung ano ang gagawin ng Panginoon kay Bansot ngayon. If she gets home tomorrow, then binibigyan pa ng pagsubok ang mga pilipino kung gaano sila katibay. If not, then, as Anna says, let the country go on to progress and recovery sans the crooks who have caused the country to go in shambles in the first place!
I’m going to our temple tomorrow, and pray for God’s help and guidance be granted to the future leaders of the Philippines, iyong mga matitino lang!
Congrats to Yuko, no longer a commenter but a blogger.
Ang magnanakaw ay nahuhuli sa sarili niyang bibig. Kaya lang, sa sobrang kapal ng mukha ni Nograles, bale wala sa kanyang aminin na posisyon at kapangyarihan lamang ang kanyang habol. Dito lang talaga sa atin na ginagawang hanapbuhay ang pulitika. Kung hindi man natin makamit ang impeachment dahil sa katarantaduhan ng mga “tongressmen” ng administrasyon, gantihan natin sila sa 2007 election. Ngayon palamang ay ipadama na natin sa kanila yan. Tignan natin kung hindi mangatog ang mga yan. Let’s pressure them into signing the impeachment or we will put and end to their political ambitions come election time.
Paraphrasing Santayana, “Those who do not learn from past mistakes are bound to repeat them.”
I hate to rain on anybody’s parade but IN A CLOSE FIGHT ONE SHOULD NOT TELEGRAPH HIS PUNCHES. A lot of punches were telegraphed during the impeachment of 2005. Malacanang blocked them all successfully because they saw them coming. But we did not learn. We are telegraphing our impeachment punches again. Malacanang have already started blocking the telegraphed filing of the second impeachment against Gloria. I hope we have something else up our sleeves.
Pandawan:
You bet! They should not be announcing their every step and have the crooks have the chance to stop them unless they have something bigger to knock these crooks out, and what they actually offer them are booby traps!
Oliver Lozano is being used by the Marcoses, walang duda, dahil ang mga Marcoses ay palihim na kaalyado ni gloria macapagal arroyo. Kahit si Imee ay isang “mole” lamang sa hanay ng oposisyon. Eto ay napatunayan noong magbotohan sa impeachment complaint sa Congress noong isang taon kung saan si Imee ay pumuslit papuntang Singapore. Sa mga hindi pa kumbinsido sa premise na eto, MAGLAHAD NGA KAYO NG MGA DAHILAN UPANG KUMONTRA ANG MGA MARCOS KAY gloria! MERON BA SILANG DAHILAN? Kaya kailangang pag ingatan ng hanay ng oposisyon si Imee!
Re: One Voice
If you read closely their stand, it’s pragmatist. I find it unprincipled.
They are saying, stop People’s Initiative. Let’s have clean election in 2007. Let’s have Constitutional Convention to amend the Constitution. Sounds good, right.
But then, they are also saying, if the opposition cannot muster enough votes to impeach gloria in the 2007 elections, let us stop opposing her.
That’s similar to the stand of boo chanco mentioned by randy david in his speech.
Randy said that reasoning assumes that you are dealing with a well-meaning and principled person.
What happens now to the crime that arroyo committed. Kalimutan na lang natin just because we don’t have the numbers. If we donn’t force arroyo to answer for her crimes, why are we running after estrada and others?
Here’s the link from Manila Bulletin: http://www.mb.com.ph/MTNN2006062367514.html
One Voice’ launched, proposes 5-pt program vs political impasse
With the rallying cry “We don’t need the proposed Charter change. We need real change,” “One Voice,” a group of concerned citizens led by former Commission on Elections chairman and 1986 Constitutional Commission member Christian Monsod, was launched yesterday to offer a five-point prescription to end the political impasse in the country.
In a press conference at the Ramon Magsaysay Center on Roxas Blvd., the group proposed the following:
1. Discontinue the present “people’s initiative.”
2. A social reform program now.
3. Elections in 2007 as scheduled, as an indirect referendum on the current administration.
4. If necessary, a Constitutional Convention after the elections.
5. A collective effort to rebuild the trustworthiness of democratic institutions.
Monsod said many of those with him in One Voice have not joined rallies while some have, but all agree that the country is divided, that there is a need for unity around peaceful and constitutional process, that the solutions being offered appear to serve personal or group interests and endanger, not strengthen, democratic institutions.
“There is growing alienation, even distrust, of democratic institutions and tendencies to test constitutional limits,” Monsod warned.
Archbishop Angel N. Lagdameo, who came to the press conference and led the opening prayer, said he came to the media launch in support of One Voice. Aside from Lagdameo, other religious leaders who signed the One Voice position paper were Archbishop of Lingayen-Dagupan Oscar Cruz, Archbishop of Cagayan de Oro Antonio Ledesma, Archbishop of Caceres Leonardo Legaspi, Archbishop of Cotobato Orlando Quevedo, Archbishop of Lipa Ramon Arguelles, Bishop of Iba Florentino Lavarias, Bishop of Dumaguete John Du, and Bishop of Caloocan Deogracias Iniquez.
Among other prominent individuals at the meeting were Ramon Magsaysay Awardee Jesse Robredo; Lourdes Quisumbing, chairwoman of the Board of Trustees of Miriam College; Fr. Bienvenido Nebres, president of Ateneo de Manila University; Antonio La Vina, dean of the Ateneo School of Government; Solita Monsod, professor of the UP School of Economics; former Sen. Wigberto Tañada; and former Solicitor General Alfredo Benipayo.
“This is my expression of solidarity and communion to what I feel is going on in civil society today. . . Our priority at this time is not Charter change,” Lagdameo said.
Writer and historian Manuel L. Quezon III, another One Voice convenor, emphasized that Cha-cha distracts the nation’s attention from urgent priorities, saying there is nothing in the present Constitution that prevents the government from doing what is should be doing.
“In other words, under the present Constitution, the government has enough powers to reform the educational system; lower the cost of medicines and improve the health care system; ensure food security and clean water; undertake agrarian reform; promote livelihood and generate jobs; modernize the electoral process; protect human rights; stop corruption; and promote peace and order nationwide,” Quezon said. “Let’s solve the real problems first, not create new ones,” he added.
Benjamin Tolosa Jr., chairman of the Ateneo de Manila University political science department, said that One Voice, in the next few weeks, will conduct forums, symposiums, and round-table discussions in university and college campuses to educate and inform the people on its position and proposal, as well as on why the current people’s initiative should be discontinued. Three such events have been scheduled, he said, adding that the group is open to other invitations.
“This is in keeping with the educational exhortation of the CBCP in its pastoral statement last April,” Tolosa said.
Asked what One Voice meant when its says the 2007 elections should be an indirect referendum on the present administration, Monsod said One Voice rejects the position of antiGMA forces that the summary nature of the dismissal of the impeachment complaint closed the door to any closure of the legitimacy issue within the constitutional time as well as the position of the proGMA that the dismissal of the complaint is the closure itself to the issue.
“These positions both miss the point of the accountability system in the Constitution. These positions are not the terminal points of the system. We at One Voice believe that the terminal point of the system, the final verdict, is the people’s vote,” Monsod said.
“Thus, we have to agree to accept the results of the 2007 elections, provided the elections are fair, honest, and credible. That’s why we are for electoral reforms now, to make the results acceptable. We have to trust the people,” Monsod said.
* * * * *
>What happens now to the crime that arroyo committed.
>Kalimutan na lang natin just because we don’t have the
>numbers. If we donn’t force arroyo to answer for her >crimes, why are we running after estrada and others?
HINDI PAREHAS ANG BATAS SA PILIPINAS!!!
HINDI NAKAKAPAGTAKA KUNG BAKIT NAG-AALISAN ANG MGA TAO SA PILIPINAS AT NAG MA-MIGRATE NA LANG SA IBANG BANSA!!!
Ellen, that is the problem with our attitude. Selective amnesia or you can say easy come easy go. We forget that criminal acts have no Statute of Limitation. You can pursue criminals until you can nail them. Crime files don’t come to closuse until they are closed. And thief of govt. funds, plunder, violation of right to life are all serious Crimes. By the Way, I saw a picture of Ms Arroyo having dinner with a “getleman” Chavit Singson. What gives??
Is she now so desperate that she has to mingle with “satan” herself. I’m pretty sure, you’ll see her shaking hands with the Marcosses. Same feather, get together and start dancing the Cha Cha..
GMA is showing her true colors. GMA, Chavit, Mark Jimenez, William Gatchalian – they belong together. They deserve each other.
Vic, Gloria has already made a deal with the Marcoses. PCGG’s Abcede won’t do anyting without her approval.
Korek k dyan Vic, meron selective amnesia or talagang likas na yan sa mga oportunista at mandarambong. Sana nga lang, magdilang anghel si Ate Yuko na sumabog ang lahat ng mga bulkan sa Pilipinas at sabayan ng malakas na lindol at tsunami dun sa mga distrito ng maka-bansot! Wala kaming pakialam kung maraming mamatay at magsilayas ang mga dayuhang mamumuhunan kung yan ang mas magpapabilis ng pag pagbaba ni bansot sa pwesto. Syempre kay bansot ang bagsak lahat ng sisi, yun lang naman ang gusto namin mapaalis sa pwesto si bansot!
Si Ronnie Mabini halatadong galit sya sa mayayaman, siguro mahirap na tao yan o baka naiinggit lang. Kasalanan naman nila kung bakit sila naging mahirap pano karamihan sa kanila mga bayaran. Binebenta nyo ang boto pag panahon ng eleksyon or karamihan sa mahihirap bayaran din sa mga hakot-crown ni bansot! Yan mahihirap n ayan ang unang magrereklamo pag hindi napagbigyan ang gusto nila, eh, bayad naman sila!
Ang mahihirap na tulad ni Ronnie Mabini ay siya pang makakapal ang mukha magbilang ng anak wala naman maipakain at pangpapa-aral kaya lalong magulo sa Pilipinas. Sana unang tamaan ng lindol ang mga lugar ng mahihirap para maubos na sila!
Ronnie Mabini, bakit ganito ang comments mo? Binabanatan mo ang iyong sarili. Sa dami ba ng login name na ginagamit mo, nagkamali ka sa pag-login?
Ate Ellen,
Sinadya ko po yun kasi sigurado maraming magre-react, kumbaga baka lalong maraming magalit sa akin. Hindi na nila magagawang magreact dahil sarili ko mismo yun. Kumbaga, sa kabayo ang hataw sa kalabawa ang hataw, kuha nyo b?
sori again, SA KABAYO ANG HATAW SA KALABAW ANG HATAW!!!
SA KABAYO ANG HATAW SA KALABAW ANG LATAY!!!
Hala! ano iyan ronnie mabini?? Bakit ka gumagamit ng iba-ibang names? Ayan, nahataw mo ang iyong sarili!! Isa ka rin palang baliw!!! Punta ka na sa St. Luke’s hospital, magsama kayo ng iyong reyna engkantada. Hmmm…….kaya pala kung banatan mo kaming mahihirap ay ganun na lang. Isa ka palang impostor. Excuse me ronnie, hindi kami bayaran. Lahat ng ibinoto namin noong nakaraang eleksyon ay nanalo, iyon nga lang natalo sa dayaan. kayo ang mga bayaran!!! Nauubos ang pera ng bayan sa inyo. Magdasal ka na…..isasama ka namin sa paglisan ni gloria. Hungkag!!, tamaan ka rin sana ng lindol.
me pahataw-hataw ka pa sa kabayo??…..hatawin mo si bansot para lumatay sa fafa niang baboy!!!!!!
May nahalata ako dito kay Ronnie Mabini. Kunyari anti-GMA ngunit actually maka-GMA siya. Panay, giyera, civil war at kung anong kadahasan ang pinagsasabi. Mana sa amo niyang si Gloria Arroyo. He is provoking us into his line of “war”, “war”, “war”.
Mukhang pakawala ito ni Reyna Engkantada.
May proverbs diyan, “Nahuli sa sariling bibig ng kabayo!” Palusot pa ha! Itong mga ispiya ni Bansot mahihilig pa sa mga text vocabulary na suyang-suya akong binabasa sa totoo lang. Unang nakita ko ang mga ganitong text ay doon sa kulungan kasi lahat ng mga sulat doon ay kailangang isalin sa wikang hapon. Noong una, hindi ko maintindihan talaga, kaya pinagsabihan ko iyong pilipino na sabihan ang anak niyang magsulat ng tama at hindi iyong parang stenography na hindi naman ang mga sulat. Nabobo tuloy lalo ang mga ito! Kasi kung talagang matalino ang isang tao, sa palagay ko naman ay hindi tatagal na kasama si Bansot na lukaret!
Ang isang napansin ko sa mga ispiya ni Bansot na tinatawag kong Internet Brigade ay ang ubod na kayabangan nila. Gusto nilang ipakita na IT experts sila at magaling silang mag-text at mamahalin ang kanilang mga cellphone na pangsuhol ni Bansot.
Sa tinagal-tagal ko ng pagtatrabaho sa pulis sa totoo lang ay madali akong makakilatis ng mga kriminal tulad ng mga alipores ni Bansot, ang Master Criminal, na maaaring mga ordinaryong tao lamang noong una na sinanay at hinubog na maging kriminal. Hindi nga lang sila mahuli dahil kasosyo nila ang mga pulis at militar na maaaring kasali rin sa Internet Brigade ni Bansot lalo na iyong mga nasa ISAF na sinasabi dahil sa totoo lang wala naman silang ginagawa doon kundi mag-imbento ng krimen para ibintang sa mga galit kay Bansot!
Iyan ang tinatawag na Criminal Mind! Ang nakakainis akala nila gunggong din ang kausap nila! :-p
Ate Yuko, wag mo naman akong isama sa kanila, pwede mo naman i-research ang email files para malaman mo kung kasama ako sa mga sinasabi mong text brigade n yan!
Destabilization tactics ni Bansot bistado na hindi pa rin nadadala. Pati sa Internet, ginagamit ang kagaguhang ito. Puede ba. Serious ang pinag-uusapan dito guguluhin nitong mga unggoy na ito. Nakakapika talaga!
Itong si Bansot, tatakbo pa lang sa Senate, wala na akong tiwala. Noong una, sabi na kaibigan kong naging kaklase niya sa Assumption, sulatan ko at mag-tie-up ako sa kaniya dahil nga tatakbo sa Senate para makatulong kami sa Pilipinas. So, gumawa ako ng core group ng mga pilipino sa Japan para makipag-dialogue sa kaniya. Aba ang kumag, ang nakipag-meet doon sa mga overstaying and lawbreaking Filipinos dahil may nagsabi sa kaniyang mas marami sila kesa doon sa mga professional na pilipino na mas may clout sa lipunan ng Hapon. Doon ko ngayon nakitang bobo na wala pang respeto sa batas ng ibang tao dahil iyong mga dignitaries ng Thailand halimbawa na pumupunta dito ay tunay na mga magagaling at matitino. Nunca na makipagkita sila doon sa mga lumalabag ng batas di lang ng Hapon kundi pati na batas nila.
Ito ngang mga pilipino marami peke pa ang mga passport at hindi lang batas ng Hapon ang nilalabag kundi pati batas ng Pilipinas. Noon pa lang alam ko nang utak kriminal ang aleng ito. Tapos sasabihin mayaman daw siya kaya mas mataas ang estado nila kesa kaninong mga pilipino lalo na doon sa mga mahirap.
Ang katwiran ko, hindi naman maligo iyan ng isang araw sa init ng Pilipinas, mamamaho din ang ungas! Mahirap at mayaman pagdating diyan pantay-pantay!
From then on, wala akong tiwala sa kumag na iyan. Kaya nagtaka nga ako kay Erap kung bakit binigyan ng posisyon sa gabinete niya iyan tapos sinaksak siya sa likod!
Me, I fear none but the Lord above. Ganyan kami dito sa Hapon kahit na hindi mga Kristyano ang mga tao dito. Karamihan marunong sumunod sa batas di tulad nitong mga ungas na bastos na akala mo naman ay may utang ang mga hapon sa kanila.
Oy bayad na ang utang ng Hapon sa Pilipinas! Kung nawala ang ibinayad namin, problema ng pamahalaan ninyo iyon na ang mga lider ay puro magnanakaw. Patalsikin ninyo sila at baka makita ninyo ang ibinayad ng Japan. Malaki nga ang utang ng Pilipinas sa Japan na balak pa yatang balasubasin!
Pati mga pilipinas ibinubugaw sa kung sino-sino. Shock si Schumey at Karl!
Sa palagay ko Ellen, hindi na kailangang magpadala ng sulat doon sa mga kinatawan sa Congress. Dito na lang sila sumulat sa blog mo ang lahat nang gusto sa impeachment at nang matanggal na si Bansot dahil balita ko binabasa ang mga isinusulat mo sa blog mo at sagot namin noong mga tongresistang may computer. Kaya, guys, ibuhos ninyo ng madamdamin ang mga damdamin ninyo dito tungkol sa mga issues na dapat batikosin lalo na ang impeachment para na matuloy!
The group styling itself as One Voice is presumptuous. No one among them who did Erap in can unite people into ONE VOICE by calling for it. We don’t trust their judgement calls because they the ones responsible for putting us where we are now.
But then there are people who have lots of temerity and gall who presume that people look up to them and will do things on their call. During the elections they shouted “Anybody but Erap” but today I say “KUNG SILA LANG, SI ERAP NA!”
Up to now the 11 million that voted Erap into office has not left him. But the people now claiming One Voice had left Gloria whom they placed in Malacanang illegally and is asking her to resign and to put somebody from their ranks instead. They made mistakes and yet they want us to follow their call. Ano sila, hilo?