Skip to content

Utak pulbura na si Arroyo.

Nakakatawa na nakakabahala itong deklarasyon ni Gloria Arroyo na all-out war laban raw sa mga komunista.gmautakpulbura1.jpg

Nakakatawa dahil kung yung pagpatay sa mga journalists at sa mga militante ay hindi nila ma-solve, ito pa kayang problema ng rebolusyon ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army?

Ay kung hindi nga nila mahuli-huli ang nangbu-bomba dito sa Metro Manila, malilipol kaya nila ang libo-libong mga armadong NPA sa buong Pilipinas? O baka naman totoo ang hinala ng marami na sila ang may pakulo noong kaya hindi nila mahuli-huli ang gumawa noon?

Ang NPA, na siyang armadong hukbo ng CPP ay nagsimula noong 1969 sa 60 na miyembro na may 35 na armas. Bakit ba lumago sila? ‘Yan ang dapat alamin ni Arroyo kung gusto nila malipol ang CPP-NPA.

Maala-ala natin na noong panahon na yun, ay talamak na ang kurakutan at pang-aabuso ng rehimeng Marcos. Saan ba lumalaganap ang komunismo? Kung saan matindi ang kahirapan at kawalang hustisya.

Kung kahirapan lang, hindi basta-basta, aalsa ang Pilipino. Matiisin tayo. Ngunit kapag wala nang makitang hustisya, lalaban na yan.

Sa halip na malipol ang CPP-NPA sa bakal kamay ni Marcos, lalong lumakas. Humina na lang sila ng magkaroon na rin ng pag-iiba ng pulitika sa ibang parte ng mundo katulad ng Soviet Union at China. Malaking bagay na rin ang pagbagsak ni Marcos.

Tama ang ginawa ni Pangulong Cory Aquino na nakipag-usap sa mga komunista. Ginawa ring legal ang komunismo. Ang ilegal lang ay ang paggamit ng dahas para magpalit ng pamahalaan.

Tama rin ang ginawa ni Pangulong Fidel Ramos na ipinatuloy ang pag-usap sa grupo ni Jose Ma. Sison. Sabi nga ni Ramos, mabuti na ang “tok- tok-tok kaysa bang-bang-bang.” Kahit sabihin mong magastos ang pagbibiyahe ng mga negotiators, ano ba naman yan kung ikumpara mo gastos sa giyera. Maliban sa gastos sa baril at bala, ang mga nalalagas na buhay. Kahit saang panig yan, Pilipino pa rin yan.

Nakakabahala itong deklarasyon ni Arroyo na lipulin ang mga komunista sa loob ng isa o dalawang taon dahil nagpapakita lamang na talagang desperada na siya at hawak siya ng mga military na utak pulbura.

Gusto palabasin ni Arroyo na CPP-NPA ang ugat ng problema ng Pilipinas kaya kapag nalipol sila, wala ng problema ang Pilipinas.

Bakit, CPP-NPA ba ang nandaya noong 2004 eleksyon? Bakit si Joma ba ang tumawag kay Virgilio Garcillano?

Ngunit masaya ngayon ang mga utak pulbura na mga opisyal ng cabinet at military dahil may isang bilyon silang kurakutin. Ang kawawa ang taong bayan na lalong maghihirap. Lalo pa ang mga mamamatay dahil lang sa kabaliwan nitong si Arroyo.

Published inWeb Links

30 Comments

  1. Ellen,

    Si FVR ay professional na militar. Alam niya ang problema ng guerra (galing na siya sa Korean war at Vietnam War)…

    Ang guerra ay and pinakahuling solusyon sa isang problema na walang katapusan. Ganoon pa man din ang guerra ay doktrina na ginagamit ng isang bansa sa kaaway niya na banyagang bansa at hindi dapat sa kapwa niyang taongbayan!

    A military man usually tries to avoid war as much as possible dahil alam niya ang consequences ng guerra:

    Primo, ang guerra ay MAGASTOS (ang isang rocket lang ay napakamahal na, iyon pang ibang armas)!

    Segundo, hindi ka sigurado na mananalo ka o kung manalo ka man, talo ka pa rin dahil sa collateral damage!

    Tersyo, ang guerra ay papatay ng ekonomiya dahil ang mga genuine foreign investors ay ayaw na mag-invest sa magulong bansa (pwera lang ang mga gun runners).

    Ang huli ay, alam na alam ng mga militar, maski sila ay professionals na ang pumatay ng kapwa tao ay hindi madaling gawin maski na ano pa ang sabihin!

    Pero itong si Gloria ay bale-wala sa kanya ang apat na punto na sinabi ko! Bakit? Tanga kasi at walang kaluluwa!

  2. ystakei ystakei

    Tama ka, Ellen, nagiging attractive ang communism ni Mao Tse Tung kung ang sitwasyon ay kapareho rin ng Tsina noong bago sila bumalik sa pagka-kapitalismo! Dito sa Japan, ang mga sumasali sa Communist Party sa tingin ko ay iyong mga masigasig na makibaka at hindi dahil sa naghihirap sila. In other words, nadadala ng indocrination gawa na halimbawa hindi makontento sa palakad ng mga lider ng bansa. Ganumpaman, maganda ang naging palakad na sila ay ni-recognize para magkaroon sila ng representante sa aming Diet, at para hindi masuya ang mga tao sa kanila ay ginagawa nila ang kanilang magagawa na hindi makapag-abuso iyong mga nakaupo.

    Meron din kaming Socialist Party na iba sa Communist Party. Walang pumupula sa bawat isa sa kanila di tulad sa Pilipinas na iyong mismong may kapangyarihan ang nagsisimula ng mga bastusan at pagwalanggalang sa mga kapwa nila mga politiko. Nakakaawa halimbawa si Crispin Beltran na akala ni Pandak komo marami na siyang nanakaw ay kaya na nilang ipakulong ng walang hustisya dahil mahirap si Ka Bel na hindi yumayaman dahil hindi magnanakaw! Dapat iyan mga ganyang masipag at may malasakit sa bayan ang ibinoboto ng mga pilipino para maayos ang bansa nila.

    Isang magandang asal dito ay hindi nagsisiraan ang karamihan sa mga politiko dito. Graft and corruption madaling mapansin dahil kakaunti ang mga gumagawa ng kurakot. Sa palagay dahil na rin iyon sa pag-indokrina ng mga mamamayan. Walang batuhan ng putik!

    Sa totoo lang, halimbawa, noong mga sampung taon na ang nakakaraan ay isang oras lang na ipinalabas ang advertisement ng Pepsi na pinipintasan ang Coca-Cola. Nagreklamo agad ang mga TV viewers nang lumabas ang advertisment na iyon. Naging malaking issue na sinabon ng Ministro ng Hustisya ang Pepsi Company. Sa America puede iyon pero hindi sa Hapon kasama malaking impact at influence niyon sa utak ng mga nanonood na makakasira sa kagandahan ng mga asal nila. OK lang sa mga Amerikano iyon at sa mga pilipino din pero hindi papasa sa mga hapon.

    Kaya dito ang eleksyon ay nagiging malinis kasi ang concentration ay plataporma. Iyong mga bumoboto ay nagkakaroon ng sapat na panahon at pag-iisip na suriin ang mga plataporma ng bawat partidong tatangkilikin ng mga botante. Kapag walang magandang plataporma, hindi bumuboto ang mga tao dito. Kapag marami ang nagboycott ng eleksyon dito, alam ng mga politiko na galit ang tao sa kanila. Kaya dito ang mga mamamayan at nagbabayad ng mga buwis ang nasususnod.

    Itong si Pandak walang ginawa kundi manira ng kalaban niya, lalo na ngayon, paglipol at pag-ubos pa ng mga kalaban niya ang sinasabi niya at mga galamay niya. Ang masama nagnanakaw pa ng mga boto!

    At ito pang mga ito ay ang lalakas ng loob na tawagin ang mga sarili nilang mga banal na Kristyano sila! Por dies por singko! Ang masama sinasabi pang kinakausap ng isang utak kriminal ang Diyos. Madre de Cacao!

  3. Its a good thing that the senate has chosen to study closer the implications of the prosposed “Anti-Terrorism Bill”. However, what is really obvious now is the diversion of this administration from what the root of the insurgency really is. Social injustice and poverty is what has to be addressed. Disillusioned citizens wanting just a fair shake has no other recourse but to embrace an ideology which gives them some hope. Mga bobo talaga itong mga nasa administrasiyon dahil imbes na harapin ang problema ay ibig pang palalain ito.

    Another is the administration’s view that the citizens are mere statics and can easily be written off as numbers on a tally sheet therefore making us all inconsequential in terms of collateral damage. We are not in Iraq where military and civilians alike walk a thin line everyday between life and death. Nor do have an insurgency who would bomb malls to exact maximum effect to distabilize the entire country.

    GMA had ran out of people to blame our current situation on, what she should do is just look in the mirror and she’ll find the solution to our continuing woes.

  4. alitaptap alitaptap

    Anna,
    Huwag na huwag mong underestimate na tanga si Bansot. Walang kaluluwa, yes, but never tanga. On the contrary people are biting on her ‘katangahan’ and Bansot is laughing all the way to the bank. Di mo ba nahalata na ginagaya niya ang modus operandi ni FVR? P6 bilyon ang naglaho noong panahon ni FVR na umano ay para sa modernization of the AFP. Magikero yang si FVR, summa cum laude. Ngayon si Bansot ay maglaan ng P1 bilyon para sa armas gamitin sa paglipol sa NPA. Yan ay chapter one sa tinatawag na LIGPIT FUND. Susunod ay iproklama ni Bansot na kailangan additional P3 bilyon para sa LIGPIT FUND. Sa katunayan, ina-algaan niya ang military upang alagaan si Bansot na manatiling reyna-balyena hanggang sa hukay. Ang malungkot nito ay ginigisa ang pinoy sa sariling manteca.

    Gising na bayan kong pilipinas
    Lupain ng ginto’t bulaklak
    Huwag hayaang mag reyna si pandak
    Panahon nang iwagayway ang tabak.

  5. Marianne Marianne

    Gandang umaga sa yo Alitaptap!

    Di dapat underestimate si Gloria. Lalo na kung tanga dahil baka and desisyon niya talagang tanga at mapahamak pa tayo.

  6. Agree ako sayo Mariane, “fools do foolish things and stupid people do likewise”. Tama si Ellen, baka kung anong katangahan ang gawin niyan, pati tayo madamay pa.

  7. ystakei ystakei

    Alitaptap:

    Ganda naman ng tawag mo kay Bansot–Reyna Balyena gawa ng paghabol niya sa katabaan ng asawa niya!

    Itong litrato niya dito, ang pangit! Naaagnas na iyong niretoke ni Bello-Bello sa mukha niya apparently. Iyan ang alam kong tunay na mukha niya noong hindi siya makapasok sa UP at galit na galit ang tatay niya kay President Cinco!

    Enganyo akong kantahin ang parody na ginawa mo. Kakantahin namin iyan sa susunod namin rally dito sa Japan.

    Tanga pa rin ang dating ni Balyenang Bansot, Alitaptap, kasi nagdudunung-dunungan lang! Idinadaan lang sa pananakot pero sa tingin ko duwag iyan.

    Golly, ang sagwa ng ginawa doon sa Secretary of Education niya! Dito sa Japan iyan, binatikos na iyan ng media, at iyong secretary niya magre-resign na pati para balikan siya!!!

  8. octavian octavian

    talagang hindi ko lubos maisip na meron palang taong ganyan gaya ni glueria. merong bata sa amin na umaasa na madagdagan pa ang height nya dahil pandak pero nang sabihin ng kalaro nya na “di bale nang pandak ikaw, tingnan mo si gma. pandak pero presidente” ang sagot ng bata sa kalaro nya. “ngeek! kung si gloria lang hwag na lang”.. “eh bakit? ano ba si gloria?” ang tanong kalaro nya. “sinungaling si gma!”, “di naman ako sinugaling eh” …
    hak hak hak .. natawa ako nang marinig ko ‘yon. palibhasa usap-usapan lagi ng matatanda sa amin ang pinaggagawang kalokohan ni glueria, ultimo bata ayaw maging idolo si glueria.. hak hak hak.

  9. goldenlion goldenlion

    Talagang nakakaalarma ang deklarasyong ito ni gloria. Para bang ang mga miyembro CPP/NPA ay mga baboy na basta na lang nila babarilin. Excuse me po, manang gloria, ang mga komunista ay tao hindi hayop. Pero alam ko po ang ibang mga tao sa malacanang ay hayop. Hindi talaga pwedeng maging pangulo si gloria. War freak eh!!! Mala-Hitler ang dating. Si bansot ay isang anti-Christ. Imagine lahat ng naiisip niyang paraan upang umunlad daw ang ekonomiya ng bansa ay patayin lahat ng kanyang kritiko.

    Aba!!! donya gloria alyas engkantada alyas black magic woman, kung ipapatupad nyo pa iyan ay walang matitirang Filipino, maliban sa iyo, your big fafa, the gonzaleses, defensor, ermita at bunyeta. Saka siguro ang iyong mga asong generals. iyon lang, wala ng iba pa!!! Gloria is baliw, kriminal, sinungaling, magnanakaw at mandaraya. Hmm, nadadagdagan ang kanyang katangian!!

    Hindi ba alam ni gloria na siya ay pinaglalaruan din ng mga generals niya. Imagine, si Honasan, hindi nila mahuli, pero sa mga camps lang naman ng mga sundalo naglalagi? Kung kaya ni gloriang itago si garci, kaya din ng mga tauhan niya na itago si honasan.

    And now the end is near
    And so you face the final curtain
    My friend i say it clear
    You did it your way!!!

    Wakasan na ang ulupong!!!

  10. ystakei ystakei

    Octavian, salamat sa kuwento mo. Tawa ng tawa iyong anak ko nang sabihin ko sa kaniya. Wala siyang pakialam sa politika ng Pilipinas pero kilala niyang sinungaling si Glue Bansot! Nakita niya iyan noong hindi pa presidente iyan. Tama si Anna, baduy na baduy ang itsura parang tanga! Maliit pa sa akin!

    Kasingtaas ng ano ni Clinton tapos pinagsasabi sa mga tao dito naging boyfriend daw niya si Clinton. Iyan ang sabi ng isang journalist na hapon na naka-attend ng presscon niya dito sa akin. Pero ang alam ko nag-deny na si Clinton tungkol dyan.

    As for her claim that it was the late Pope John who gave her the blessing to oust Estrada, Ellen is right, hindi iyon totoo kasi ang sabi ng Senador na kasama niya sa Vatican nang magkaroon ng brown out doon at hindi natuloy ang reception sa kaniya para sa mga pilipino ay nagkasakit ang Papa at hindi nila nakausap! Pinagbibibigyan na lang sila ng rosario! Ganoong kasinungalingan ang ungas. Pati Papa ginagamit!

    Dito nga pag nagpapaalam iyan sa mga pilipino kapag nakikipag-meet siya sa kanila sinasabi niyang makikipagkita siya sa Emperor na ang schedule ay nakalinya na bago pa mag-isang taon. Kinukulili ang ambassador para makahingi ng audience sa Emperor pero isang beses lang nga napagbigyan, pero iyong asawa walang maisuot at akala puede siyang makipagkita sa emperador na naka-jeans lang siya. Iyan ba ang mayaman na hindi marunong ng tamang mga social graces? Para namang barbarian!

    May naniniwala pa ba sa kumag na sinungaling na iyan? Sabi nga ni Susan Roces, sinungaling na magnanakaw pa!

  11. ystakei ystakei

    Speaking of the guns in the picture above, ilan kaya ang mananakaw diyan at ibebenta sa mga Yakuza. Ipapakita ko ang picture iyan sa mga kaibigan ko sa police at customs dito sa Japan. Alam na alam ng mga tao dito ang mga smuggling ng mga baril na ginagawa ng mga pulis, militar, customs, at iba pa mula Pilipinas.

    Noong isang araw nga may kaso ako ng pilipinong dating taga Customs ang nahuling nagdala ng baril para ibenta sa mga Yakuza. 6 years ang parusa. Iyong kaso na nahawakan ko pang isa 12 years kasi sampu ang baril na dala ng dalawang seamen na bilin daw ng isang opisyal ng Philippine Navy at Customs na may mga contact na Yakuza sa Japan.

    Tanggal na sila sa trabaho kulong pa sila. Dahil sa nadiskubre ang kaso nila, hindi tuloy sila kumita. Para sa akin ay walang pinagkaiba iyan doon sa mga papasok na mercenary sa Iraq!

  12. CNN this morning reported on the private military contractors in Iraq. According to them, they total to 25,000 operatives currently deployed. They however are not answerable not even to the US authoritie regardless of what they do. It was reported that 5 big contractors now operating there. Guidelines still has to be made by the authorities with regards to sanctions. Apparently, some abuses had been perpetrated by some operatives. The more recent documented one was by Aegis, wherein they videoed how they shot at civilians. The merc they call “Gonzo” confirmed the huge salary they receive. That excludes the insurance benefits and other perks. His pay is directly sent to his family. Board and lodging is shouldered by their company.

  13. ystakei ystakei

    But Schumey, Filipinos are going to be paid only a thousand dollars including all supposedly fringe benefits! Ang liit! That’s the reason why these companies are thinking of getting these mercenaries from 3rd world countries so they can be paid less because Americans would demand much larger fees because of the risk! In short, it is another exploitation no matter what these victims say and are willing to get into with great risks!

  14. Yes Yuko, its exploitation and slavery of a different kind. But according to Filipino merc “Sniper”, he earns around $2,500 a month. Unless the Filipinos change their mindset and morals, we just have to include them in our prayers.

  15. Rhesa Rhesa

    an daming commie lovers dito… sana tumira sila sa china during the cultural revolution or sa soviet russia sa panahon ni stalin… Or magmigrate na lang cla sa cuba…
    matikman naman nila ang socialism at ang social order dun… Isama na nila ang mga ilk ni joma.
    Joma is the root of philippine ills. Insurgency inspired by him brought us miseries… economic loss and stunted our progress… He espoused violence in his evil dream of installing himself and his cohorts to power…
    Philippine politics is corrupt… Gloria may have cheated in the 2004 election… the AFP and PNP are human violators… But is Sison beyond censure and condemnation for the 40 year troubles that he and his minions spawned?
    I will pray for his immediate demise… I may be unchristian… but he does not believe in Christ…

  16. ystakei ystakei

    Commie lover, who? Wasn’t Gloria surrounded by these communists when she plotted the removal of the duly elected president of the Philippines who did not cheat to win? EDSA 2 I remember was streaming with red flags!

    Another Internet Brigade member of the Bansot again?

  17. I think she was talking of Gloria whose best friend Satur Ocampo is no longer in her good graces coz he stucked out his tounge at her…

  18. ystakei ystakei

    Schumey,

    2,500 dollars lang? Maliit pa rin! I won’t stake my life for even that amount. Frankly, I can earn that amount in 3 days without risking and/or periling my life as an interpreter!

    It’s also simply being evil. “But evil men and seducers shall wax worse and worse, deceiving, and being deceived.” (2 Tim. 3: 13)

  19. ystakei ystakei

    Schumey,

    2,500 dollars lang? Maliit pa rin! I won’t stake my life for even that amount. Frankly, I can earn that amount in 3 days without risking and/or periling my life as an interpreter!

    It’s also simply being evil. “But evil men and seducers shall wax worse and worse, deceiving, and being deceived.” (2 Tim. 3: 13)

  20. ystakei ystakei

    Frankly, the only real Filipino Communist I know is Joma Sison, but he’s a Maoist, and different from the Russian trained commies I have met in Japan.

    Now, if they go to the mouhtains to hide, it is because Filipinos have a government that does not work for the benefit of Filipinos but a satellite of some government that refuses to recognize that Communism is simply just another ideology! If that is not being stupid, what is?

    Over in Japan, we have a Communist Party that none of us bother to worry about becoming bigger than what it is at the moment. We have had enough suppression of freedom and liberties, and militarism prior to WWII to try making an oppressive ideology stronger than necessary and expedient.

    Frankly, I don’t see any difference between the Philippines today, politically speaking, and China before the latter has turned to capitalism once again with a criminally inclined running the Philippine government by her wiles and whims as if she owns the whole Philippine archipelago.

    I actually don’t see any difference between the Philippines now and China during the Cultural Revolution when China was 40 years behind any country in Asia as a matter of fact, and Russia before the collapse of the Soviet Union. If you call that progress and being democratic, you must be nuts!

  21. E-mail from Arvilyn Tan:

    Howdee !
    I feel sorry for all the people in Philippines,esp. the poor due to anomaly of Pres.Arroyo,her immediate families and cronies.

    Looks like Pres.Arroyo,doesn’t have conscience at all,so our main resort is to pray hard to Almighty God,and to Holy Spirit,to enlighthen her to end the sufferings of our people.

    She is a mad, selfish president. A total nightmare for the Filipino people.Mabuti pa ang Cuba kahit communist country,Education and health system are all free.In Philippines,problem mo na kakainin mo problema mo pa,pagpapaaral,at problema mo pag nagkasakit ka.

    Sana the one billion funding ni Pres.Arroyo for insugency and one billion funding nya for Corruption ay sa health system and education nya ilagay. For sure those billions “she said funding for insugency”will go to her familes,cronies pocket,anyway,alibi lang nya para mailabas yon pera..correct?Kawawa naman ang mahihirap.

  22. E-mail from Jerry Almojallas:

    Mabuhay po ang lahing Filipino ano mang
    idolohiya o paniniwala meron siya…!

    Pero sana mamatay (ibig kong sabihin matapos na ang termino nya) ang bulilit sa palasyo (joke lang po pero totoo!?)

    Inalis ni Lola ang death penalty bakit daw? sapagkat gusto nilang makuha ang simpatiya ng mga makabuhay at para na rin siyang pro-life kuno? Eh bakit siya nagpalabas ng all out war versus sa armed-wing ng NDF? dahil ang totoo po ay pro-death siya….? di po ba..? Magkasalungat ano? kasing-gulo ng ulo ng security adviser niya at ung isa si mr. CD si
    bunye. paiba-iba ang mga isip! kaya tingnan natin iba-iba ang galaw at direksiyon ng bansa.

    Sa dami ng nangyayari sa ating bansa bakit kailangan pa niyang dagdagan na may buhay na mawala dahil lang sa ambisyon niya’t ng mga alipores niyang militar na kakutsaba niya sa pandaraya noong eleksiyon 2004.

    Bakit di na lang ituloy ang pakikipag-usap sa lahat…? Desperado na talaga po Madam Ellen ano? Nakakapanghinayang na maraming buhay na naman ang malalagas (militar man o mga komunista) dahil lang sa walang katiyakang pamumuno ng Lola Labandera.

    Nakakapanghinayang na sa ating sariling bayan kapwa Pinoy nagpapatayan dahil lang sa kung ano ang gustong patunayan na wala namang katuturan…

    Sana baguhin ng Diyos ang kaisipan nating lahat. hindi lang ke Gloria (heaven pa naman sana pag yan ang naiisip ng kahit sino pero sa totoo lang pala impyerno ang ang ibig ipahiwatig sa kasalukyang panahon natin).. lahat … lahat.

    Bakit ba tayo magpatayan kung pwede naman tayo magkasundo kahit iba-iba ang paniniwala at idolohiya…..di ba pwede un? pag-usapan uli saan ba pwedeng magka-isa… di ba pwede itulak ni Gloria un….! ano ba ang gusto niyang iwanan na legacy sa susunod na henerasyon… hala cge magpatayan kayo kasi kami noon ganoon din? ganoon ba ang Pinoy? di
    cguro! mapagmahal sa kapwa ang Pinoy kaya nga gusto tayong trabahador ng mundo dahil beyond that … matiisin tayo at maunawain… di ba pwedeng
    gawin ni Gloria un!

    God Bless the Philippines and am praying na He will heal our motherland.Dalangin naming mga OFW na pag-uwi namin sa Pinas isang bayan tayo na nagkakaisa at walang giyera saan mang panig ng kapuluan.

  23. octavian octavian

    pagsama-samahin ba naman si fighting for survival glueria, war maniac ilusyonistang palparan, ass-licker craulong gonzales, bunyeta, ermita at mga heneral na kikita sa gyera, kumpleto na! gyera na lang ng gyera! collateral damage? tangna nyo! palibhasa busog lagi kayo! mamamatay rin kayo. sana kapag bumagsak na at sinipa na sa malakanyang ang mga ito, pagsama-samahin na ang mga ito at isa-isahing paluhurin at barilin na sa batok bago pa makapagpalit ng kulay ‘pag nagpalit na ng gobyerno. salot sa bayan ang mga ito eh.

  24. ystakei ystakei

    Come to think of it, the Bansot is busy these days having photo-ops at all those emergencies drills at schools, etc. being conducted more as preparation I guess for the mock battle she and her cahoots are about to conduct to make it believable for the US and Japan to send the promised grants for fighting terrorism in the Philippines.

    Compared to drills of such sort we have in this volcanic island, I thought the drills in the Philippines were crude and outmoded, and would not really be helpful when disaster strikes when the Philippine government does not actually do its share but only waits for what other countries would provide and give to the Philippines unlike in Japan, where the government keeps warehouses to store emergency supplies for immediate distribution to those who would need them.

    I bet you they do not even have shelters to accommodate the evacuees. Baka tipirin pa nga ang mga nangangailangan para iyong mga abuloy makurakot ni Pidal!

    Golly, iyong mga nurses kuno nagtago sa ilalim ng desk kasama ang mga sanggol. E kung gumuho iyong ospital. Di pipi sila doon!

    Sa mga eskuwelahan na lang sa dami ng mga students e baka ma-wowwowee sila kung magtakbuhan lahat ang mga iyan pag nagkaroon ng disaster!

    One thing sure is unang-una si Bansot na tatakas para iligtas lang niya ang sarili niya matapos na masegurong walang mawawala sa mga nakaw at nanakawin pa niya!

  25. ystakei ystakei

    Come to think of it, the above picture is taken and being shown to the public to frighten and intimidate Filipinos who join protest rallies and being called “commies” even when they are not. If that is not being sick, what is? Kaya lang patayin kapwa nila pilipino! Yuck!

Leave a Reply