Buti nga na binastos si Gloria Arroyo nang pumunta siya sa Philippine General Hospital noong Huwebes.
Akala niya siguro dahil tahimik lang ang mga tao, natutuwa sa pinaggagawa niyang kasinungalingan at katarantaduhan. Mabuti yan na may matatapang na Pilipino na nagpakita sa kanya ng galit ng sambayanan.
Ang nangyari sa PGH noong Huwebes ay parang nangyari rin noong Abril sa commencement exercises ng Cavite State University kung saan sumigaw siya ng “Patalsikin si Gloria Arroyo” at nagladlag ng streamer na “No to Cha-Cha”.
Nasa PGH si Arroyo para sa inawgurasyon ng Sentro Oftalmologico Jose Rizal sa PGH na ginastusan ng Spanish government. Kuwento sa akin ng mga taga-PGH, naka-upo siya sa labas ng Sentro kasama ang ibang bisita na galing sa Spanish Embassy nang biglang lumadlad ang streamer na “Patalsikin” mula sa third floor ng isang building. Ang pinanggalingan ng streamer ay operating room. Di siyempre, hindi naman basta-basta pumasok ang hindi taga PGH.
Ang PGH ay parte ng University of the Philippines na alam natin ay malalim ang pag-intindi ng ma estudyante ng kalagayang pulitikal ng bansa.
Nang palabas na si Arroyo, marami ang sumigaw ng “Patalsikin si Gloria” a may mga naglabas ng streamer na “No to Cha-Cha”.
Hindi raw mapinta ang mukha ni Arroyo at dali-daling sumakay sa kotse. Habang tumatagal si Arroyo sa kanyang inagaw na pwesto, mangyayari ulit yun. Darating ang araw, hindi lang sigaw ang aabutin niya.
Isang electrician ng PGH at dalawang estudyantre raw ng Mapua ang nahuli. Sampahan raw sila ng inciting to sedition.
Ganyan ang sagot ni Arroyo sa tumitindi na galit ng taumbayan sa kanya. Manghuli at magkulong ng tao. Magpapatay pa.
Pinaglandakan na naman niya noong Biyernes na uubusin raw niya ang lahat na komunista sa bansa sa loob ng isa o dalawang taon. Nagbigay siya ng budget na isang bilyun. Ibibili raw ng mga helicopter at iba pang sasakyang pamhippawid para raw maubos ang komunista.
Ang mga komunista ang sinisisi niya sa problema ng bansa.
Isa, legal na ang partidong komunista dito sa Pilipinas. Ang mga NPA lang ang hindi legal. Pangalawa, bakit ba may naakit ang mga komunista? Dahil sa kawalang hustisya sa pamahalaan. Tapos pwersa at bala ang solusyon ni Arroyo.
Kahit na medyo nakakabahala ang kanyang utos laban sa mga komunista, may punto rin si Joma Sison, ang consultant ng CPP-NDF na malaki na namng kurakutan ang mangyayari sa isang bilyon na yan.
At di ba noong simula ng kanyang administrasyon, nagyabang si Arroyo sa mga Abu Sayyaf na “Isang bala ka lang”? Ilang toneladang bala na ang naubos, nagtutugis pa rin ang military ng Abu Sayyaf hanggang ngayon.
Talagang brokenhead (siraulo) si Bansot. NPA naman ngayon ang dahilan ng kanyang sleepless nights.Inuusig siya ng kanyang budhi gawa ng naglipanang hirap at gutom ng mamamayan. Kung gugugulin ang one bilyon fund para sa kapakanan ng taong bayan, mabawasan o dili kaya mawala ang sigalot laban sa kanya. Ang katunayan ay gusto niyang kupkupin ang PNP at MILITARY upang sanib sa kanyang baluktot na hangarin na manatiling reyna-balyena. Lalong mabusog at mabundat ang mga pulis at military generals sa one bilyon fund na iyan. Ulolin pa ang taong bayan na ibibili raw ng helikopter at armas! By the way, what happened to P6 billion fund for modernization of the armed forces. Itong one bilyon fund ay lumalabas na kopycat sa milagro ni FVR.
Ellen,
Politically, I’m affiliated to the Socialist party in Japan, but that does not make me illegal as I suppose I would be if I were a citizen of the Philippines. Legal na pala ang Communist Party sa Philippines bakit pa sila ginugulo ng bobong magnanakaw naman ng boto ng mga botanteng pilipino.
Dito iyan binatikos na iyan ng mga diyaryo kasi sa totoo lang ang mga peryodista namin dito ay non-conformist at marami sa kanila ay kapareho kong Socialists! But that does not make us Communists or leftists. In fact, I consider myself as a rightist since I abide 100 percent by the existing laws of the land, written and unwritten!!!
Iyan ang hirap sa gobyerno ng isang criminally-inclined. Gusto niya siya ang batas!
3 cheers doon sa mga matatapang na hinuli ni Pandak dahil ayaw nilang magpa-ilalim sa kaniya na nagnakaw ng puwesto at boto ng mga mamamayang pilipino!
I encourage all members of the UP Alumni Association to support them in protecting their rights, duties and responsibilities to express their opinions against an oppressor, sinungaling at magnanakaw on UP grounds na alam kong dapat na iginagalang kahit na sino, lalo na ng isang alam naman ng lahat na nagnakaw ng 1 million votes mula sa boto para sa mga nakasagupa niya noong halalan.
Mabuhay itong matatapang na mga kabataang pilipino. Sila ang pag-asa ng bayan, hindi iyong nagre-reyna-reynahan ng isang Enchanted Kingdom na ang mga mamamayan ay nagiging ass (donkey)!!!
PATALSIKIN NA, NGAYON NA!
Belonging to any political party or any ideology is not a crime or illegal. Communist Party still run Candidates in our Elections. What is illegal and codified into our criminal laws, is membership or belonging to A terrorist organization or an organized criminal gangs. How about the Assassins that’s killing journalists and activists? Should Ms Arroyo got rid of them first? The NPAs are insurgents or rebels and they are fighting a shooting war with the army or police. They should be treated as such. Whatever their crimes in violation of the Penal Code or Criminal Code should also be treated as such. The same with everyone in the whole society. If you can’t beat them on the battleground or in the mountains, then maybe you can, at the peace table. But just the idea of kill them all, well there’s a child born every minute and the killings won’t last in TWO YEARS but forever.
dear ellen,
umaapaw na ang galit ng taumbayan kay ms.arroyo.kung ikaw ang nasa situation ko ngayon ellen,maramdaman mo kung ano ang pinaghihimagsikan ng kalooban ko,ang kapatid ko ay victim ng extra judicial killing diyan sa pilipinas under arroyo’s administration.ganyan na ba madaling magpapatay ng tao?ipapatay niya lahat ang hindi sumasang-ayon sa kanya?
Ellen,
Gloria is extremely lucky that she was only heckled at PGH.
She should thank her lucky stars because Filipino students are extremely kind.
Elsewhere, say in France, she wouldn’t have just been heckled, she would have been pestered, pelted with tomatoes, and hounded out of office till her government falls.
Philippines students are very kind to Gloria!
Ellen,
Gloria is going for broke! Pero para ano?
Nang sinabi niyang all-out war against the LEFT, matindi iyon dahil hindi appreciated iyan ng mga left-leaning ideologists maski sa Europe kagaya ni Tony Blair (who is a Socialist and left-leaning!) at marami pang politicians.
Dito nakikita ang kitid ng isip ni Gloria. Intellectually, ang kanyang reach ay maliit.
At isa pa, ano ang gusto niyang mangyari? Killing Fields scenario pareho sa Cambodia noong under Pol Pot? Akala ko ba a Christiano itong si Gloria at anti death penalty pa? Ordering the wiping out of leftists through intermediaries is exactly the same as inflicting death penalty. Walang pag-kakaiba.
Isang billion pesos to hunt down communists/leftists/npas?
What? Kill each one of them? How will the AFP identify a “red”? By a dog tag?
Our AFP must re-read Karl von Clauswitz “On War”. The philosophy of war then and today are similar.
Clauswitz cites three important conditions to consider when attempting to vanquish the enemy and one of them is the power of resistance!
Power of resistance is not only in terms of arms or weapons. It’s power of resistance that’s in the mind, one of the most difficult elements of resistance that even the most sophisticated army cannot vanquish with weapons.
The wall of Berlin fell not because we dropped an atomic bomb on Eastern Europe but because the power of resistance of the people in Eastern Europe never waned. They wanted freedom.
Same thing with the “reds” in the Philippines. Educate ’em guys in the boondocks, feed them, clothe them, care for them and they will surrender without a fight! The political poseurs/leaders in their midst will buckle under too.
But my suspicison is that Gloria and her government of political poseurs don’t really want the “reds” to go away so will keep using the communist bogey – they make a convenient excuse for Gloria and her useless government to look useful, sound useful, feel useful, etc. since she has absolutely no clue how to manage the country.
anna,
Au Cotraire our students would just love to meet and shake hands with our current Prime Minister. He is young, good looking, and he is not what he was purported to be being the Leader of a Conservative Party. But at the moment when we have alleged terrorists among us, our politicians are little careful now when it comes to free accessibility as before.. I remember the time when someone threw a pie on Prime Minsiter Jean Chretien face and there were no security personnel to even arrest the assailant. It was the PM himself who tackled the pie thrower. But even today our members of Parliament and mayors still go around without bodyguards or security at all, anytime.
The war against the communists in the Malaya peninsula under the Brits worked not because the Brits and the Malayans killed each one of the communists… The strategy was simple – they quarantined them – they baited them with food, clothes, medecine, etc. therafter.
Those communists then became some of Malaysia’s most succesful capitalists (and politicians too!).
How extraordinary that at this day and age and backed by a “civilized” and modern nation like the US, Gloria still believes that committing fratricide is still the best course of action to stay in power.
Doesn’t she realize that she is likely to be dragged to the Hague and stand accused and in the International Criminal Court for crimes against humanity?
She must NOT take world opinion lightly. Bush will not be able to do anything for her when he’s gone and by that time, she will be alone, facing her accusers to answer charges of HUMAN RIGHTS ABUSE if not GENOCIDE.
Vic,
Same here in Europe!
Queen Elizabeth walks around, shaking hands with the public and does not go around in a bullet-proof limousine.
Utter nonsense to be hiding from the very public a leader purports to serve and to love!
The French President and Prime Minister of France could be seen walking around with very discreet bodyguards in tow.
Every politician and leader in Europe is and feels FREE – I mean literally free while Bush and Gloria are SO HATED they cannot even trust their shadows, they walk around in cages!
When a leader can no longer walk around freely, time to throw in the towel – it means, he/she is not loved and must go…
Ellen,
I beg to disgress. Hindi pa talagang galit ang taungbayan kay Gloria.
Kung talagang galit na sila ay matagal ng bagsak ang gobyerno ni Gloria.
Para sa akin ay kulang pa sa galit ang taong bayan. Suwerte si Gloria at mabait ang Pinoy sa kanya kaya naabuso niya.
Dito, sa mga estudiyante pa lang, tapos na siya!
Anna:
Salamat. I enjoyed your messages. They all expressed the same sentiments I feel inside kahit hindi na ako Filipino by citizenship. Deep in the core of my heart, nagmamalasakit pa rin ako.
Inuubos ko nga ang mana ko sa mga advocacies for Filipinos here, in the Philippines and everywhere. Ang hindi lang ako madaling maglabas ng pera ko ay kapag alam kong ang dapat gumastos ay gobyerno na ninanakawan ni Bansot. Hindi ako nagbibigay doon sa mga Fil-Am na hilig mangolekta ng abuloy kuno pero pamasahe nila sa Pilipinas pagdeliver kuno ng abuloy doon bawas sa collection nila. This is what I have been told by someone I know who does the same thing. Sabi ko, hindi ganoon ang style ko.
Iyong mga student activists, huwag silang matakot na kumilos. We’ll raise funds for legal fees and get them the best legal help and counsels kung kailangan basta ipagpatuloy nila ang “pambabastos” nila sa isang kriminal!
It’s a free country. Basta ba hindi nila babarilin o sasaksakin ang ungas, anong masama na sabihan nilang magnanakaw at sinungaling iyong Bansot na nandaya ng boto nila!!!
Mabuhay silang lahat! Ikaw din, mabuhay ka! PATALSIKIN NA, NOW NA!
You are right Anna about the Filipinos being not so enraged yet. I don’t know. Have we lost the capacity to be enraged?
Pero alam ko maraming inis kapag makita ang mukha niya sa TV. Minumura siya. Kaya lang hanggang doon lang.
Kaya bilib ako sa mga katulad ni Ma. Theresa Pangilinan at mga estudyante ng PGH.
Ms. Ellen,
It’s nice to be back!
Wow! – mahigit na isang linggo rin na nahirapan akong makapasok sa iyong blog site. Palagi na lamang na dns_server_failure ang error message na natatanggap ko.
Maraming salamat sa tip ni Yuko – sa ngayon ay Netscape na ang browser ko. Sana nga ay tuluy-tuloy na ito.
Nangingiti pa rin palagay ko si Dr. Jose Rizal dahil mayroon pang katulad ng dalawang estudyante ng Mapua ay nagpakita ng kanilang paninindigan at maging pag-asa ng bayan. Kaya sa inyong mga kabataan ipadama ninyo sa mamamayang Pilipino na kayo pa rin ang pag-asa ng bayan! PATULOY NA MANINDIGAN!
Welcome back, Emilio. I used your joke for my Malaya column June 19. I changed PNP to ISAFP to make it close to reality.
Hi Ms. Ellen,
Thanks a lot for the accomodation. Yes, the replacement from PNP to ISAFP is atuned to the current events – more realistic!
E-mail from Jeffrey Chiong:
Magandang araw, nagawa kong sumulat sa inyo para itanong kung ang pambabastos ba ang tamang paraan para ipahiya ang Presidente?
Nakakalungkot isipin na sa mga tulad nyong manunulat ang pagsang-ayon sa ganitong masamang ugali. Paano kung isang araw meron taong galit sa inyo at bastusin kayo dahil lang sa isang paratang na hindi naman napatunayan? Magagalit ba kayo sa taong bumastos sa inyo?
Hindi ho ako maka-Gloria, maka-Erap or FPJ, sana lang kung pwede mas pairalin natin ang tamang katwiran s pagsasalungat s mga bagay na di natin gusto, sabihin man mali or masama ang ginawa ng isang tao. Magagawa natin sabihin ang saloobin sa isang isyu sa tamang paraan, sa puntong hindi makaka-impluwensya s mga kabataan. Paano natin ipapaliwanag sa mga kabataan na tama ang gawain ang bastusin ang Presidente dahil masama sya at magnanakaw? Sino ang nagpapatunay na totoong nagnakaw or nandaya ang Presidente Gloria Arroyo?
Mas kailangan po natin ang responsableng manunulat sa mga panahon na eto, yun magbibigay ng tamang kaisipan at gabay sa mga panahon ng kaguluhan.
Lubos ng gumagalang,
Jefferson Chiong
Jeffrey,
Respect is earned. Ang isang taong gumawa ng krimen ay dapat parusahan. Kung ang isang tao ay nambastos, dapat lang bastusin rin.
Maraming nang pambabastos ang ginawa ni Arroyo sa taumbayan. isa na ang pandaraya sa eleksyon.
Responsableng panunulat at ipagtanggol ang katotohanan at hindi payagan ang panloloko ng taumbayan.
E-mail galing kay Anthony Reyes:
Dear Ms. Ellen
Ang aking pong komento ay ganito kelan po ba matatapos ang krisis pampulitika sa ating bansa? ano ba ang mga naayon na solusyon nang sa gayon ay matupad ang ating mga pangarap? Sakali mang mapalayas natin o mag resign ang ating pangulo anong kinabukasan ang ating kinakaharap?
Sinong indibidwal ba ang nararapat na maging pangulo ng ating bansa? Bakit lagi na lang ang gobyerno ang may kasalanan? Sinu-sino ba ang bumubuo ng gobyerno ng pilipinas? Ang mga senador ano ba? Ano na ba talaga ang
kanilang tungkulin na dapat nilang gampanan? Gayundin ang mga kongresista, gobernador, mayor, ang simbahan at ang mga pribadong samahan?Ano ba ang naging kontribusyon nila sa ating lipunan?
Anong sistema at solusyon ba nararapat? Ang dami nagsarang kompanya/pabrika dahilan sa mga welga na kung ating susuriin ay isang dahilan kung bakit ang daming nawalan ng hanapbuhay. Sa mga pangako rin ng mga lider ng union na ang nasakripisyo ay ang mga kaawa-awang mga miyembro.
Ang kaunting dagdag na halaga na kanilang hinihingi ay naging panghambuhay na pagtitiis. Nasan na ang mga pangako? Handa ba sila na isakripisyo ang kanilang mga posisyon alang-alang sa kinabukasan ng ating bansa?
Handa ba kayo, tayong magsakripisyo? Ang isang pangarap ay maaaring maisakatuparan kung ang lahat ay magtutulungan at magkaka-isa. Ang kaunlaran na ating pinapangarap ay ating makakamtan kung ang bawat isa ay handang magsakripisyo, itigil na ang pamumulitika, isulong ang mga pangarap at kaunlaran na nais nating matupad.
Maraming salamat po..
Anthony
Unbelievable! How can these people still call the Malacanang Squatter as “President” with all the proofs that she cheated in the last election, and worse, violated rules of law that would be enough to disqualify her if the police there has not been manned by military officials, who should not have been given any right to meddle in civil affairs?!!!
Even in the US where they use National Guards from the military during state of emergencies and/or national calamities are not given the responsibilities to check on criminal activities committed by civilians and officials.
Why should it be a desecration to condemn and call the criminal suspect names if it is the only way left for the people to express their anger and frustration, especially when even the only venue left for them to seek redress for their grievances like the Philippine Senate is now being reduced to nothing but a nuisance that the criminal suspect now pushes to be scraped to oblivion?
You bet, Ellen, the Bansot does not deserve to be respected. Her supporters have the same reasonings as this Mr. Chiong, who says that he is neither pro-Arroyo or pro-Erap, but is very defensive of this criminal who has herself committed sedition and other violations of the Constitution and existing laws of the land, especially the Election Code that provides for violators to be automatically disqualified, not impeached, as a matter of fact.
Frankly, the situation at the moment is no longer a matter of being pro-Arroyo or pro-Erap as a matter of fact. It is more now a call for justice and sanity to bring down an oppressive regime of a criminal suspect who has defied convention and rule of law, and is able to remain in power only because of appointments of cronies, friends and kin to strategic positions that can insure her hold to power as the Supreme Court, the Philippine Congress that is more aptly called now as “Tongress” with majority of its representatives now depending on the porks distributed by the crook and her consort as bribes, the corrupt police and the military, and media people, et al, who are equally bribed and/or suppressed!
Luckily we have now the Internet that no hacking or attempts by the criminal suspect’s Internet Brigade can stop the tide of truth, justice and vengeance that will eventually sweep her off to where she should have been installed— a prison or a mental hospital!!!!
Maybe with the speed of communication now, bringing down an oppressive regime can be faster than the 18 years it took to bring the Marcos regime down enraged though majority of Filipinos there are now.
Besides, I am of the opinion that those involved in this exercise are being wiser to insure that they do not commit the same mistakes they did when they removed Marcos and replaced him with the same crooks who surrounded him and were the main cause or causes of his failure to fulfill his election promises resulting in a divided nation that is hopefully being united now with more than 80% of the Filipinos expressing their sentiments against the crook, who has shamelessly reduced the Filipinos into export commodities being peddled in the world market, and denied as a form of human trafficking!
Welcome back, Emilio! I am glad that you are now able to log in with your Netscape. I was using Internet Explorer with my computer at the office, and I got the same problem when logging to this kind of blog, and I did an experiment on my other computer at the same office using Netscape (V.8.1) and lo and behold, the hook-up is faster.
This is not a plug-in for Netscape, but I find its new security capability to be ideal likewise. Over here, most houses now are hooked to the Internet by fibros optics called “hikari fiber,” and providers have installed a special gadget recommended by the Ministry of Communication here.
In the case of my provider, subscribers like me are even asked to participate in a government experiment to filter and monitor hackers for possible prosecution under a new Internet law. As a police, court and prison interpreter, I have actually volunteered to this experiment.
Antonio,
If Gloria wants an all out war… the Filipinos should give it to her. Yes, make the sacrifice today for a better tomorrow.
For as long as you guys don’t get in there and put your foot down and say, TAMA NA… you will be abused from here to eternity.
War Freak talaga si gloria.!!!Imagine ang lakas ng loob niyang maglabas ng P1 bilyon para ubusin ang communista (daw) dito sa Pilipinas? Naku!!, gloria sinungaling, mandaraya at magnanakaw, pwede ba iyang perang gagastusin mo ay ibigay na lang sa Department of Education para makapagpatayo ng mga buildings for our students? Manhid ka talaga bansot!! Ilang araw pinag-uusapan ang kakulangan sa rooms ng mga eskwelahan, ang ginawa mo dinoktor mo mga figures, para lumabas na mali ang DepEd.
At sino sa akala kaya ni gloria ang maniniwala pa sa kanya na kaya nilang patayin lahat ng members ng CPP/NPA??? Kung iyong ngang mga pumapatay ng journalists at mga militante, hindi niya mapahuli, iyon pa kayang NPA? Mayabang ka gloria
Malaki na talaga ang galit ng mga Filipino ke gloria. Patuloy siyang makakaranas ng mga pambabastos at hindi lang iyon, baka pagtangkaan pa ang kanyang buhay. Kasi, ang isang katulad ni gloria ay dapat nang alisin sa mundo. Doon siya nararapat sa dagat-dagatang apoy kasama sina defensor, gonzalez y gonsalez, ermita, bunyeta at de venecia, the fat man and the generals.
Sa halip na dinggin niya ang daing ng mga mahihirap ay gagantihan niya ng bala?? Tama ba iyon, gawain ba iyon ng isang leader ng bansa. Kaya ng ahindi siya ibinoto ng mga Filipino na maging presidente dahil hindi siya karapat-dapat talaga, kaso nandaya, ayun, patuloy na nagpapasasa sa yaman ng bayan at patuloy na nagpapahirap sa mga mahihirap.
Ang nakakainis sina cory, fidel, sin(ful) cardinal(RIP) at iba pang mga nagkamali ay wala ng magawa para paalisin ang kanilang reyna ng engkatasya. Si Erap lang pala ang kaya nila eh. Palibhasa mabait at masunurin sa batas si Erap kaya nagawa ng mga “evil society” ang pagtataksil sa bayan.
Ang tanging magpapalaya sa bayan ay ang masang Filipino na kinabibilangan ng mga manggagawa, magsasaka, at iba pang sekta ng lipunan na tunay na nagmamahal sa bayan at hindi sa pera.
For gloria, alis na dyan sa malacanang, malapit ng sumabog ang mga bulkan, malapit na rin lumindol ng malakas, nakaamba na ang malaking tagbaha, sinasabi ko sa iyo, lilipulin kayong lahat sa palasyo ng malacanang. May panahon pa para magsisi at ituwid lahat ng pagkakamali. Paging supreme court, ito ang tamang pagkakataon—itama na ang mga maling nangyari noong 2001 habang may tao pang nagmamahal sa mga miyembro judicial!!!
Arya Goldenlion! Type ko ang bira mo! Ingat lang kasi ang pinagbibintangan ngayon ni Gonzales na bomber daw kahit na sila ang nag-uutos na gamitin iyong bombang supply na nasa Camp Aguinaldo, etc. na rightist daw, hindi na leftist!
Sira di ba? Nalito tuloy si Anna! Bagay, parehong Gonzales na tuta ni Pandak ay wala namang pinagkaiba—parehong sira ang ulo!
Inuubos nila ngayon iyong mga lumang supply na bomba gawa nang nagsabi si Dubya na magbibigay daw siya ng pera kay Pandak para bumili ng mga bagong armas sa Dubya corporation para ubusin naman daw ang mga communists na leftists (as if there are rightist Communists)!
Gosh, papaano nakakalusot ang mga kumag na iyan? Dito sa Hapon iyan, balik ulit iyan sa Diet para gilingin kahit na maysakit siya. Kailangan kasing ma-satisfy ang mga taong gustong malaman ang katotohanan.
Dito ang session ng Diet, naka-televised kaya hindi makakaloko! Hindi puede ang istilo ni Bansot na ayaw papuntahin ang mga tinatawag nina Biazon sa Senate. Kundi pati siya may subpoena kasi hindi nga public servants sila. Hindi pa Reyna si Bansot asta Reyna na! Dapat diyan hilahing pababa para magtanda!
OK ngarud! Bira ka lang!
Kung sabagay, sabi naman siguro nina Senator Biazon masasayang din ang pagod nilang gilingin ang may tupak sa ulo! Dapat kasi ipinasok na lang sa Mandaluyong para doon na lang magngangawang may bomba kung saan-saan.
Sayang nga lang iyong mga pulis at sundalo ay wala na ring magawa kundi magnakaw na rin, at iyong mga mababa ang mga rangko, payag na maging mouthpiece kuno ni Bansot in exchange for extra money na ipinagtatanggol ang Filipino workers for sale program ng mga recruiters posing as officials of the Philippine government. Bakit hindi makita na kahangalan ng ginagawa sa kanila ng mga ungas na itong nakaupo?! Tapos galit sila pag tinawag mo silang bobo! Wala na ba talagang pag-asa?
Did the US succeed in Vietnam? Did Russia win in Afghanistan? Socioeconomic and judiacial reforms are what we need to win the hearts and minds of the rebels. Blood begets blood, violence should “never be an option”.
Hindi nahihingi ang paggalang ng mga mamamayan kung ang pinuno ay walang paggalang sa kanyang kapwa-tao. Ito ay ibinibigay ng kusa sa loob maski na ang pinakamahirap na tao ay maipakikita sa iyo ang paggalang kung nakikitaan ka ng pagmamalasakit sa kanilang kalagayan. Ang mga mahirap na tao ang pinaka-sensitibong tao sa lipunan dahil na rin sa kanilang kalagayan. Bastusin at kutyain mo pa sila ay talagang magwawala ang mga iyan! Sila ang mga tunay na tao dahil alam nila ang pagpapahalaga sa kanilang sarili at sa kanilang pagkatao! Subukan mong ipaabot ang tulong na lubos sa iyong puso sa isang taong mahirap na lumapit sa iyo at tatanawin niya ito habang siya ay nabubuhay.
Ganyan ang ginawa nina FPJ at Erap sa mga nangangailangan kaya mahal sila ng taong bayan. Kaya nga noong wake ni FPJ ay marami ang mga nagbigay ng testimonials sa kabutihang ginawa sa kanila. Ang sabi nga, eh – “Ang ginagawa ng kaliwang kamay ay hindi na kailangan pang malaman ng kanang kamay”. WALANG PHOTO OPPORTUNITY DAHIL ALAM NAMAN NG NASA ITAAS KUNG ANG NANGYARI!
Kaya ba ni Nano, ito?
E-mail from Ronnie Mabini:
Nabasa ko po ang artikulo nyo sa Abante na tuwang-tuwa sa ginawang pangbabastos sa Presidente. Alam nyo medyo nalilito lang ako. Kung nagawang bastusin ng kung sinong mamayan lang ang Presidente, tama rin po ba na bastusin rin namin ang ibang kilalang pulitiko, artista or personalidad na sa palagay namin ang nabastos rin kami?
Parang sa palagay ko po tama yata ang solusyon nyo na magbastusan na lang kahit man lang dun ay makaganti kami. Alam nyo po gustong-gusto rin namin bastusin si Mrs. Cory Aquino [pinalaya nya ang mga kumunista] na syang pumatay sa aking kamag-anak dahil tumiwalag sa kanilang organisasyon. Binastos ni Mrs. Cory Aquino ang damdamin namin. Yun pilantod na dating Senador na Ernesto Herrera, Senador Dick Gordon, Senador Rene Saguisag, Senador Mirriam Santiago at Mayor Sony Belmonte ay talagang gusto-gusto ko silang bastusin kung may pagkakataon lang!
Maraming salamat sa inyo dahil po sa pagbibigay nyo ng lakas ng loob na mangbastos ng mga taong sa palagay namin ay nabastos kami.
Ronnie Mabini
Ronnie,
E di bastusin mo sila kung gusto mo. Walang makakapigil sa iyo kung talagang kaya mo.
Kailangan yata ay focused tayo – kung si Gloria ang kaaway, kailangan siya ang idiin dahil kung kung saan-saan ka lulusob at walang focus, talo ka.
You will stretch yourself thin… Para sa akin ay has been na si Cory. Si Cory madaling idiin kung talagang gugustuhin dahil wala na siya sa pwesto. Ang mahirap ay itong nasa pwesto – siya ang problema ng bayan ngayon: si Gloria.
If you persist, you may win a battle (against Cory) but you will lose the war (against Gloria).
Na obserbahan ko na ang maraming Pinoy ay madaling mag-kulang sa FOCUS… madaling ma-distract kaya natatalo madalas.
Buti na lang ang mga chess players natin ay focused.
Tama ka, Anna, at madali pang madiktahan kasi may mga hidden agenda din. Nasanay sila sa ganoon. At saka masama talaga ang indocrination sa Pilipinas na ang mga taxpayers (supposedly) ang tumutungo sa politiko na akala mo mga hari’s reyna na wala namang mga titulo! Palibhasa naman kasi marami ang hindi nagbabayad ng buwis gawa ng takot na baka ninanakaw lang ang buwis na ibabayad nila.
Graft and corruption kahit saan. Sabi nga noong isa doon sa kabila—kaniya-kaniyang raket daw! Madre de Cacao! Racketeer pa ang gustong ipalabas sa lahat ng kapwa nila! Bakit sila nasanay sa ganoon? I wonder! Shocking! Sa totoo lang, napipika ako sa mga ganiyang mga pilipinong halang na ang mga kaluluwa na handang magpakababa at magpakasama para lang sila magkapera! Nakakaiyak! Ganoon na ba talagang kamiserable ang buhay ng mga pilipino?
Ako magalang sa taong dapat igalang pero kapag kurakot, nunca na mangimi akong mambastos. Kaya lang para wala na lang gulo, hindi ako uma-attend sa mga function ng mga pilipino dito kapag dumarating dito si Pandak. Not worth!
Wait, wait, what is the technical difference between a PANDAK and a BANSOT.
Ok, for me BANSOT is derogatory but PANDAK is merely a technical descriptive term for someone who is short but not necessarily stocky, pugilist looking 2 foot nothing persona whom I am inclined to call a BANSOT.
Am I right?
You see, I am a good head taller than Gloria even when I stoop yet I am not tall by European stadard (am almost 5’6) so to me, Gloria is technically pandak (by my standard) which is a fitting description of her height.
However, I find that she is actually not only very much below the average Pinay height (which I reckon is 5’2 or 5’3) but also very stocky and pugilist looking (thickset looking appearance with fat and very shorty legs, heavy-looking arms, thick waist and disproportionally wide hips), that’s why I call her BANSOT because the appearance of her anatomy likens her to a French bulldog or a Pug if not a Chinese bulldog or perhaps a Bull Terrier (all of these breeds are stocky are of the thick-set tiny bulldog variety except for the Bull Terrier which has a long pointed muzzle).
Now, which is the better term for her, PANDAK or BANSOT? I find it kinda embarassing to liken her to short people by calling her PANDAK when short sized people can look infinitely charming because of their kind and gentle countenance which, unfortunately, Gloria the Bansot doesn’t possess (being taray and all that!).
Anna,
Pug nalang or bulldog, ‘di naman kasi tao yang si bansot, este, pandak, este unano…….
Anna,
Bansot o Pandak, parehong hindi ginagamit iyan kung ayaw mong masuntok bagamat hindi maaabot ng Bansot o Pandak ang mukha mo dahil mataas ka! Sa degree o bigat ng insulto dating, mas grabe sa palagay ko ang Bansot! Iyong mga kulang sa sukat ang tawag Unano, iyong bang may Dwarfism na sakit pala.
Pero ang alam kong galit na galit si Bansot at iyong mga kababayan niya ay “Dugong Aso” para doon sa mga traydor na mga kapampangan na isinusuka ng lahat ng mga pilipino! Tabi tabi sa mga kapampangan na hindi traydor kahit na iyong ang typical impression sa kanila.
Bagay you mentioned the bulldog, ganoon na rin iyon!
Hay, salamat naman sa pagsusuporta natin sa gawain pangbabastos, at least, ngayon hindi na kahihiyan mangbastos ng mga taong nangbastos ng boto at karapatan natin. Bastusan na lang ang labanan ngayon!
Kumbaga a tooth for a tooth, an eye for an eye! Kung mabibigyan lang ng pagkakataon gusto ko rin bastusin ang mag-inang Gng. Cory Aquino at Kris Aquino [naturingan tapos s Ateneo pero bastos ang babaeng nang-aagaw ng asawa] dahil sa babaeng eto maraming babae ang na-inspired gawin ang ginawa nya. Hindi nga nahiya si Kris Aquino na isang edukado bakit nga naman sila mahihiya dib?
Mahaba ang listahan ko sa mga gusto kong bastusin number one ang Pilantod na Senador Ernestor Herrera na kunyari maka-manggawa pero demonyo pala. Sumunod na lang ang mga pulitikong maraming kabit [idolo nila si Erap kasi!], dahil s mga pulitikong maraming kabit, lalong lumalala ang mga buwaya s Gobyerno. Si Loren Legarda gusto ko rin bastusin, ginamit lang nya ang Leviste para sa pangarap nya. Bastusin rin natin c ang mga opisyales ng PCGG, ang taga-PNOC, ang ipokritang si Senador Jamby Madringal n mandayara rin pala s botohan, kundi pa kay Senador Enrile di mabubuking ang ipokritang senadora! Isa pang karapat-dapat bastusin ang dating Senador Rene Saguisag, kapal ng mukha magtulisga ng gobyerno pero tagapagtanggol naman ng mga kriminal tulad ni Mayor Sanches, Jason Webb, Senador Dick Gordon [Subic days], at ngayon ipinatatanggol ang number one babaero, sugarol at magnanakaw na si Erap.
KALIMUTAN NA UN MAGANGANDANG ASAL NA TURO NG MGA MAGULANG NATIN, MAGBASTUSAN NA LANG PARA MAS MADALING MARINIG ANG MGA HINAING!!!