Sa larangan ng kalusugan, malaking balita ang pag-aprub noong Huwebes ng US Food and Drug Administration ng Gardasil, ang vaccine na makaharang ng cervical cancer.
Ang Gardasil ay produkto ng Merck&Co at maraming taon na rin nila itong pinag-aralan. Kapag aprub na ng FDA, ibig sabihin noon, maari nang maibenta sa mga botika.
Dahil sa daming research na ginigugol para sa pag-aaral ng cancer, marami na ring mga gamot ang nadiskubre at ang cancer ngayon ay hindi na naituturing na hatol ng kamatayan.
Maganda itong Gardasil dahil vaccine o bakuna. Preventive ito. Ibig sabihin, kapag nabakunahan ka nito, hindi ka na makakapitan ng cervical cancer. Para rin bang bakuna sa measles o tigdas. Maa-ari itong ibigay sa mga babae mula sa 9 hanggang 26 na taong gulang.
Ang cervical cancer ay pangalawa sa pinakamaraming biktima sa sakit na cancer. Ang number one yata ay breast cancer. Taon-taon, mga 290,000 na kababaihan ang namamatay sa cervical cancer.
Napag-alaman sa mga research na ang cervical cancer ay nanggaling sa isang virus na kinilalang human papillomavirus (HPV) na nakukuha sa sexual contact. Ang HPV ay nagdudulot ng pamamaga at pagkasugat sa mga ari ng mga babae. Maraming mga babae at kahit mga lalake na nai-infect ng HPV ngunit ang iba ay nawawala na lang. Ang iba naman natutuloy sa cancer.
Dahil sa vaccine na ito, sinabi ng Merck & Co na maaaring mabawasan na ng 30 porsiyento ang mamatay sa cervical cancer. Libo-libong buhay rin yan na maliligtas.
Ang tanong: magkano naman kaya ang halaga nitong Gardasil?
Sa website ng Merck & Co, ang manufacturer ng Gardasil, nakalagay doon na $120 isang dose. Pagdating dito sa Pilipinas, hindi natin alam kung magkano ang patong. Tatlong injection ang kailangan sa anim na buwan kaya hindi bababa siguro sa P20,000.
Halos lahat naman na gamot sa cancer ay mahal. Ako nga noong nagke-chemo ako dahil sa aking ovarian cancer, isang vial ng Taxol ay P42,000. Anim na beses ako nag-chemo. At hindi lang naman yan ang ang aking gamot
Dahil sa mga bagong gamot na nadi-diskubre, marami na sa mga may cancer ang nabubuhay. Nag-aabante na ang research at ngayon ay vaccine na. Haharangin na ang cancer.
May mga nag-alala na baka lalo raw magiging sexually active ang mga kabataan dahil sa Gardasil. Kasi daw iisipin ng iba na kapag nabakunahan na sila ng Gardasil, hindi na sila kakapitan ng cervical cancer kaya hindi na sila masyadong maging maingat sa kanilang pakikipa-talik sa iba’t-ibang lalaki.
Ito naman siguro ay sa atin na lang at sa pagturo na lang natin sa ating mga anak ng kahalagahan ng pagmamahal sa Diyos, sa tunay na pag-ibig, dignidad, at respeto sa sarili at sa kapwa tao.
Ellen:
I hope and pray that God will prolong your life because your country and people needs you.
Over in Japan, cervical cancer is now curable even by proper nutrition. I have heard of the experiments and researches done on the effect of eating mushrooms of the special kind (the white ones I think) deemed effective for curing cancer of all kinds, especially cervical cancer.
Ken Watanabe, the Japanese actor nominated for an Oscar for his role in Tom Cruise’s “The Samurai” for instance is a leukemia survivor. It is why he has learned to cook and control his diet.
Now, as for US apprehension about more promiscuity on the part of those getting the vaccine in the USA, for me, it is nothing but proof of a sick society that merits chastisement from Up Above. On the other hand, I don’t worry about the members of our church over there who live up to their commitments to God and live according to His Will and Commandments.
Thanks, Yuko.
I’m happy for you, Ellen.
Wala ka ba talagang makitang kahit anong matino tungkol sa USA, Yuko? Pati itong tila positive news ay nakuha mo pang gawing negative. Eto ang part ng article ni Ellen above: “May mga nag-alala na baka lalo raw magiging sexually active ang mga kabataan dahil sa Gardasil. Kasi daw iisipin ng iba na kapag nabakunahan na sila ng Gardasil, hindi na sila kakapitan ng cervical cancer kaya hindi na sila masyadong maging maingat sa kanilang pakikipa-talik sa iba’t-ibang lalaki.” Wala namang binanggit na “US apprehension about more promiscuity on the part of those getting the vaccine in the USA . . .” Kung may nabasa kang ibang article about “US apprehension . . .” maigi sigurong i-post mo dito. Dahil ito lang ang source ko ng info on the subject at wala akong time para sa malawakang pagbabasa/research, kung meron ngang ibang articles on “US apprehension,” I will stand corrected. Otherwise, tila nag-i-introduce ka ng material na wala sa present discussion.
From reading your posts, obserbasyon ko lang, ang laki yata ng hinanakit o galit mo sa America, o kay Bush in particular. Maging sa pagbasa ko sa mga response mo to one pringemilyn, kahit na akong walang kinalaman sa discussion ninyo, naiintindihan ko ang feeling niya na tila may bastusan dito. Matanong nga kita, gaya ng tanong mo kay pringemilyn, “Bakit Pringemilyn, Iraqi ka ba? Pakialam mo sa mga Iraqi na siyang may karapatang husgahan si Sadam. Wala namang ginawa sa iyo si Sadam, meron ba?” Just substitute Yuko for Pringemilyn, Amerikano for Iraqi, and Bush for Saddam.
Masarap ang miron lang, walang stress.