Skip to content

Kinukuha sa yabang

Nakakatawa itong si Gloria Arroyo. Ipinagyayabang niyang success raw ang kanyang biyahe sa Saudi Arabia dahil binigyan raw siya ng assurance ni King Abdullah ng patuloy ng supply ng langis.

Akala niya siguro hindi natin alam na basta may pera kang pambili ng langis, may supply ka. Kung wala kang pera, ni isang litro,hindi ka bibigyan ni King Abdullah at kahit sino mang sheik na may langis.

May rason naman si Arroyo na magsaya dahil sa pagpalaya ng 138 na Pilipino na nasa kulungan ng Saudi Arabia. Sinabi ni Arroyo na hiningi raw niya ang pardon ng 50 ngunit dinagdagan pa ni King Abdullah ng Saudi Arabia ng 88, kaya naging 138.

Ang hindi niya sinasabi ay ilan pa ba ang naiwang Pilipino sa kulungan ng Saudi Arabia? Libo ang mga Pilipinong nakakulong sa Saudi. Bakit hindi naipalabas lahat? Wala siyang sinasabi tungkol diyan.

Dapat naman lakarin mapalabas sa kulungan ang manggagawang Pilipinong nakakulong. Trabaho ng pamahalaan yan. Dahil kung hindi palpak ang palakad ng pamahalaan ng bayan, hindi na tumulak sa Saudi ang mga ‘yan para magtrabaho.

Ang tanong nga ay, bakit ba nandoon sa Saudi ang libo-libo at umaabot na nga ng milyon na Pilipino sa Saudi? Isa lamang ang kasagutan diyan: para magtrabaho dahil walang makuhang trabaho dito sa Pilipinas.

Ang daming nakakulong ng Pilipino sa Saudi ay nagpapakita lamang na hindi paraiso ang “abroad”. Dahil nga sa hirap ng buhay dito sa Pilipinas, pati na rin ang paningin natin sa buhay ay naiiba. Karamihan sa ating kababayan, ang akala nila masarap ang magtrabaho sa abroad. Kasi ang tinitingnan nila ay ang dolyar na dumadating sa mga pamilya. Akala nila siguro pinupulot lang sa abroad ang dolyar.

SA aming barrio, sa Guisijan, bayan ng Laua-an, Antique, may kababata akong ang asawa ay napugutan ng ulo sa Saudi. Hindi na niya nakita ang bangkay. Ngayon, namamasyal siya na palaging may gumamelang pula nakasabit sa tenga.

Isa lamang siya sa mga kuwentong trahedya ng mga kababayan natin sa Middle East. Sinasabi ng mga opisyal na walo sa sampong mga babaeng nagta-trabaho bilang domestic helper ay ina-abuso. Kaya maraming sa mga nakakulong ay nanlaban sa kanilang amo. Ang ilang naman siguro tinitiis na lang. Kung mabuntis, pinapalaglag. Ito lahat ay para lamang mabuhay.

Sabi nga ng isang aplikante sa trabaho sa Iraq, alam raw niyang delikado ang buhay doon ngunit nagpupumilit pa rin siya dahil kung dito lang siya sa Pilipinas, mamatay siyang dilat ang mata sa gutom. At least naman raw, kung mag-abroad siya, mamatay man siya, may pera ang kanyang pamilya.

Ganyan kahalaga ang pamilya sa Pilipino. Ngunit tinitiis nilang magkakahiwalay para lamang mabuhay.

Sa report ng Arab News tungkol sa dalaw ni Arroyo sa Saudi, sinabi ng isang OFW, si Romeo Patricio na “Sana ang pagdalaw dito ni Arroyo sa Jeddah ay magkaroon ng assurance ang mga Pilipino na mawawalan ng biglaang trabaho dito sa kanilang pag-uwi sa Pilipinas.”

Mukhang malabo yan. Kaya nga halos itulak na ni Arroyo ang mga Pilipino na mag-abroad para lang may pantustos sa kanyang kurakot na pamahalaan. Nakakalungkot.

Published inWeb Links

49 Comments

  1. bfronquillo bfronquillo

    Si gloria ay parang isang taong nalulunod na kakapit sa kahit anong makakapitan, kahit kakampi o kaibigan, upang mailigtas lamang ang sarili.

    Sino pa ba ang kakampi niya? Nagulat ako sa survey sa Ateneo at La Salle na nagsasabing 94 porsiyento and gustong umalis na si Gloria at 24 porsiyento ang gustong ibalik si Erap sa halip niya. Wow!

    Pero ang gusto ng marami sa kanila ay people power. Ang gusto ko naman ay SNAP ELECTION. Gusto ko ng isang lider na ihahalal ng mas higit na nakakararaming mamayan sa isang malinis at malayang ELECTION. Kahit sino ay handa kong sundan basta halal ng bayan.

  2. luzviminda luzviminda

    bfronquillo, pwede rin naman yang gusto mong snap election. Pero kailangan muna ang people power o coup d’etat, then temporary revolutionary transition government hanggang mag-declare ng snap election para ma-stabilize ang bagong gobyerno. Pero habang nasa transition period tayo eh dapat baguhin na ang mga dapat baguhin, una na ang Comelec, ang AFP/PNP leaderships, cabinet members at iba pa. At syempre huwag kalimutan na parusahan ang mga kurakot at nagpahirap sa bayan sa pangunguna ng Mga Arroyo(GMA&Mike), Raul Gonzales, Mike Defensor, JdV, bad generals & officers of AFP/PNP, etc.

  3. biboy biboy

    Ang hirap kasi lahat ng sisi tinuturo sa iisang tao, parang ang lahat ng kahirapan dinadanas natin simulat simula pa ay nag-ugat lahat sa iisa.

    Si Cory anong nagawa niya nung mga panahon niya sa Gobyerno? Naging simbulo lang siya dahil sa naging masaklap na kapalaran ni Ninoy pero wala siyang naging silbi. Sa panahon ng panunungkulan niya nagsimula ng umalis ng bansa ang mga pinoy at “makulong”.

    Matagal ng maraming nakukulong na OCW sa ibang bansa. Ngayon tinatanong mo kung ilan ang natitira sa kulungan at hinahamak ang 138 na napalaya? at bansagan pang “kayabangan”? Parang awa mo naman, kahit anong galit natin sa kanya, bigyan mo naman “kaunting” pasalamat itong maliit na pagtulong at magandang balita.

    Ang maganda binabale wala, hirap pa lalo minsan pinalalabas pa na pangit? huuh?

    Ang problema sa atin ang galing natin maghanap ng butas, pero sarili mismo butas butas.

    Hindi niyo ba nakikita? Kahit anong paghihimagsik ng mga grupo na ayaw sa kanya, andyan pa rin siya? Nananatiling makapit, makulit, “mayabang”?.

    Pero sa kabila kasi ng lahat, naitutulak parin ang mga magagandang proyekto na ngayon lang natin naririnig lalo na ang mga ukol sa ekonomiya kahit nasa gitna tayo ng krisis. Hindi nyo na marahil napapansin dahil sarado na ang isip sa mga haka haka at mga “eksperto” niyong pananaw na kabuktutan at “kayabangan” na ginawa, ginagawa at gagawin pa niya sa hinaharap.

    Maigi pa sabihin ko na sa inyo, di ko alam kung susuot pero sana masakyan niyo. Ang “mayabang” na presidente na ito ay may magandang plano para sa ikakabuti ng pinas, matigas siya dahil alam niya may pinatutunguhan ang mga reporma na itinutulak at ginagawa niya higit lalo ukol sa ekonomiya.

    Maliban siguro sa pagbasa sa Abante at Blog na ito, subukan niyo rin sana magbasa ng mga balita ukol sa tinatakbo ng ating ekonomiya, mga importanteng pagbabago na nangyayari sa ngayon, kumpyansa ng negosyante, pagtaas ng export, koleksyon ng buwis, pagkukumpune sa Custom, pagtitiwala ng MILF, pagtibay ng piso at iba pa, proyektong inprastraktura, badyet surplas. Ibig lang sabihin, sa kabila ng NAPAKARAMING SAGABAL, kumakayod at umuusad parin tayo. Bigyan sana natin ng halaga ito.

    Ano pa kaya kung titigil ang mga maiingay at tutulong? Lalo siguro mapapabilis.

    Babala ko lang sa inyo na may simpatya sa mga maiingay sa kalye, may sari-sariling ambisyon ang mga yan na mas MASAHOL, MASAHOL pa kesa sa sitwaston natin ngayon kung mangyayari.

    NPA, REVOLUTIONARY GOVERNMENT? DRILON? IMEE MARCOS? GUINGONA? MAGDALO? Sino pa?

    BATASAN 5, di nila maikaila na nasa likod parin nila ang NPA, oras na i-denounce nila, “katapusan” tigok sila.

    Ang patuloy na pagiingay ng mga ito ay mga pananagutan nila sa kanilang sinumpaan na kailangang nilang sundin. At ang patuloy na paghikayat at paghingi ng simpatya sa ating mga ordinaryong pilipino sa pamamagitan ng “pag-eere” kuno ng ating “hinaing” ay isang propaganda lang upang mapanatiling buhay ang NDF/CPP-NPA. Programang matagal ng gumagana.

    Samantala, patuloy ang extortion, pagpaslang, pagsusunog, at pangingikil sa mga ordinaryong negosyante.

    Hayan sige, suportahan natin sila at ang pinaglalaban nila, nimsan iniisip ko na sana hind binaba ang 1017 at natuloy ang dapat sanang nangyari, kamusta kaya tayo nun?..

    haaay..

  4. Propaganda lahat ang “magandang” plano ni Arroyo. Wala siyang tunay na magandang plano para sa bansa dahil ang interes lang niya ngayon ay matakoan ang mga krimen niya katulad ng pagnanakaw ng pera ng bayan at pandaraya.

    Magandang programa ba yang i-encourage mo ang pagpadala ng Pilipino sa ibang bansa kahit na delikado ang trabaho sa halip na ayusin ang ekonomiya dito (alisin ang pangungurakot) para dito ang trabaho sa bayan.

    Hindi maaring magnanakaw at mandaraya ang lider ng bayan. Maaari lamang tayo magsimula sa pamamagitan bagong eleksyon. Yung malinis at credible.

  5. alitaptap alitaptap

    Ang gawaing magpalaya ng mga bianggo sa ibang bansa ay sa balikat ng foreign affairs, hindi ang presidente. Komo hindi naman siya presidente at squatter lamang, kaya niya ginawa ang gawain ng squatter.
    Lubos na nakakahiya at walang mukhang iharap sa Saudi kundi ang hamak na kalagayan ng bilanggo at domestic helper. Kung makipagpanawam ka sa head of state, dapat may leverage ikaw na ibubuga. Ang mga bilanggo at domestic helper ay nakakahiyang banggitin na dahilan ng state visit. Pinagtatawaman ang squatter dahil walang stature for state visit, kaya ang nangyari ay parang domestic helper na rin ang turing sa kanya.
    Napatunayan ng people’s court (CCTA), citizens council for truth and accountability, na quilty ang squatter sa mga pandaraya at pagnanakaw noong nakaraang eleksiyon. May dahilan na ang CCTA na mag-akyat ng reklamo sa suprem court na pawalang bisa ang nakaraang eleksiyon at idisqualify ang squatter. Hndi na kailangan ang snap elecsiyon. Ang nakahanay na maging presidente ay senate president, ayon sa constitution. O sige na Gloria, good bye na. Maawa ka sa sarili mo … di mo na kayang dalhin sa langit ang mga ari-arian mo dahil lubhang mabigat ang dala mong mga ginto.

  6. jinxies jinxies

    11 May 2006

    11 May 2006

    Now it can be told (again) that in 2000 there was this conspiracy to topple the legitimate administration of erap, as claimed by aragoncillo. In the previous discussion, I mentioned that in the last half or quarter of 2000 when then congressman defensor visited thailand, he mentioned that they are planning to impeach erap or worse have him removed from office. Then came the fateful January 2001, when the elite mob forced erap to leave the palace.

    Now, if this is true, what is it that the administration trying to tell us???? simple, its okay to impeach, worse removed the sitting president then, than trying to impeach the questionable mandate of gloria today. It is okay to railroad everythin then, but now, you will slapped with CPR, 1017 and 464.

    Before, as claimed again, erap did nothing to the group of gloria, when she was meeting with the elite mobs and the prostituted AFP. Now if there is a rumor of of a meeting, the administration will slapped them with everything.

    Whew!!!!! talaga naman. Kaya nga ako ang aking panawagan ay SNAP ELECTION NA, NOW NA!!!!

    jinx

  7. Text from Men Sta. Ana:

    GMA trip to the Middle East: walang oic observer status, walang cheap oil, pero meron naman chartered flights para sa mga criminal.

  8. biboy biboy

    Based on a much credible report (published on PhilStar, today issue), the bid of the Philippines to be given the observer status in the OIC has been granted, and around $1 billion worth of investments to be pumped in by KSA into the Philippines were discussed during talks between the our delegates and the Saudis. These investments includes telecoms, tourism, mining, oil refineries possibly in Mindanao to name a few.

    The release of almost 200 prisoners can be considered as the surprise bonus.

    Start thinking of the short and long term benefits that we can achieve as a result of this “one” visit. Of course this could translate to more jobs in the future. Perhaps, more importantly is the help it will provide for the development of Mindanao.

    To sum it up, IT WAS INDEED A FRUITFUL effort..

    Again please dont blind yourselves and start getting your facts straight, (Men Sta Ana)

  9. diosdadojjavier diosdadojjavier

    Hindi gawain ng foreign affair ang magpalaya ng bilango sa ibang bansa. Tandaan natin may batas ang bawat bansa na dapat sundin, ito man ay maging hindi katanggap-tangap sa ating mga dayuhan sa ibang bansa.
    Tandaan din natin na di natin dapat tawagin na HAMAK ang mga bilango o kaya ay mga DH na naghihirap sa ibang bansa. Kahit pa sabihin mong squater ang nagpalaya sa mga bilangong ito, dapat ay maipag-pasalamat natin ito. Tandaan natin ang bilang nila ay 138, pero hindi lang 1000 kapamilya nila ang matutuwa dahil sa pag-laya ng mga ito. Isa pang dapat natin tandaan hindi lahat ng nakulong na ito ay may mga kasalanang nagawa. Maaring ang iba ay napagbintangan lang, kaya lang wala silang kakayahang ipagtanggol ang kanilang sarili. Hindi ako kapanalig ni GMA, pero ipinapag-pasalamat ko ang pagbibigay niya ng atensiyon sa mga kababayan nating bilanggo at DH sa ibang-bansa. Maari nating may pansarili siyang interes sa bagay na ito, subalit ito ay isang napakalaking bagay sa mga ka-pamilya ng mga ito.Tandaan natin sila ay mga bagong bayani ng Pilipinas na nag angat ng ekonomeya natin, SILA AY HINDI HAMAK NA BILANGGO AT DH.

  10. Biboy,

    Ang problema ngayon ay si Gloria, hindi si Cory.

    Ang may problema ngayon sa atin ay ang mga tao na iniipit ni Gloria at hindi ang mga tao na “inipit” ni Cory.

    Ang problema natin ngayon ay hindi ang Batasan 5 kung hindi si Gonzalez na ulol.

    Ang problema ay bakit hindi maipabalik ang mga NPA sa lipunan at hidi ang Batasan 5. Base sa sinabi ng mga AFP generals ni Gloria, 8 libo lang na mahigit ang NPA et bakit wala silang magawa? Ang AFP ay mahigit na 110 libo pero wala silang magawa laban sa 8 libo na NPA lang na sa palagay ko ay dumadami araw araw hanggang si Gloria ay na ka squat sa Malacanang.

    Dapat aminin ng mga supporters or sympathizers ni Gloria na itong si punggok ay ang pinakamalaking PROBLEMA ng ating bayan ngayon. Hangat hindi nila aminin iyan, walang mangyayari maski isumpa mo na si Cory at ang Batasan 5.

  11. Tedanz Tedanz

    To Biboy & Diosdadojjavier,
    Ang isang mandaraya at magnanakaw kahit pagbabalikatarin natin ganon pa rin. Ang isang kriminal kahit anong gawin niyang pagbabago kriminal pa din. Aral natin yan magmula pa noong bata pa tayo. Kahit anong gawin ng Punggok na yan na mabuti, mandaraya at magnanakaw pa din. Kung kayo ay ayon sa kanya nasa sa inyo na yan. Dati pabor ako diyan dahil nga edukado at mukha namang kagalang galang kumpara mo sa lahat ng politician pero noong narinig ko yang “GARCI TAPE” na yan naging tae na siya. Tignan niyo na lang na halos magmaka-awa doon sa 1M na dagdag. Nong nag-sorry siya dapat isinabay na rin niyang mag-resign pero hindi niya ginawa. Tapos napag-alaman na yong nabawi na pera kay Pres. Marcos ay winaldas din sa wala. Sampol lang yan mga ‘igan ang mga pinaggagawa niyang kabulastugan, diyan lang puwede na siyang i-firing squad.

    Ang mga pinaggagawa nilang batas na hindi pala ayon sa ating saligang batas, hindi rin puwede yan. Mga batas na pinag-gagawa niya ay para lang sa kabutihan niya mga ‘igan. Pero bilib ako sa kanya, KAPAAAAAAAAL NG MUKHA!!!!!!!!

    Isa rin akong OFW mula pa nong mid-80’s at tama kayo na hindi dapat sisihin si Punggok dito. Unang una ako ay nagtrabaho sa ibang bansa para makamit ang matagal na naming pangarap ng aking asawa. Kung nakatulong man ako sa ekonomya ng ating bansa oks lang pero hindi dahil diyan para ako ay umalis at wala sa isip ko yan. Ang aking pamilya muna. Kahit ano pa ang ganda ng labor sa ating bansa pag may nag-alok na mas maganda ang suweldo, ang Pinoy ay lilipad pa din. Kahit naman nagtatrabaho ka sa atin kung may alok na mas mataas ang suweldo lilipat ka di ba? Ganyan ang Pinoy. Kung nakakatulong sa ekonomya ng ating bansa ang konting tulong ng isang OFW, nasa mga namamahala na kung papano nila gamitin sa maganda.

  12. biboy biboy

    Manong Tedanz, paki intindi pong mabuti ang sinasabi ko, iyon ay patungkol sa mensaheng pinadala ni “Men Sta. Ana” kay Ellen.

    Wala akong binaggit na malinis itong kasalukuyang pangulo, ngunit pagnilayan at tanggapin nyo rin na walang sinumang luluklok sa pwestong yan na mananatiling sagrado at banal pagkatapos ng kanilang termino.

    WALA..Wag na kayong umasa, dahil wala talaga. Maging sa ibang mauunlad na bansa, sa Estados Unidos, sa Singapore, sa China, sa Europa..WALA

    Ang lohikal na basehan lamang kung paano nakukunsiderang “Epektibo” ang kasalukuyan o mga nagdaang na liderato ay sa pamamgitang ng pagsiyasat sa kanilang naging “AMBAG” na nagreresulta patungo sa ikauunlad ng antas ng pamumuhay ng kanilang mga nasasakupan.

    Etong si Gloria, bansagan ng hayop, mandaraya at kung anu ano pa, hindi rin yan naiiba sa hanay, baho at kabulastugan ni kay Erap, maging ng mga nakalipas na pangulo..

    Para sa akin, marahil ang rason kung bakit nananatili sya sa pwesto ay dahil sa mayroong magagandang resulta na nakukuha sa kanyang itinutulak na reporma pang-ekonomiya na ikinatutuwa at tinatanggap ng ilan nating kababayang pilipino maging ng mga dayuhan.

    Sa madaling salita, nagagampanan niya ang kanyang tungkulin at pananagutan sa bahagi ng ekonomiya.

    Eto marahil ang dahilan kung bakit hati ang tao na nag-rarally sa kalsada bago pa man ipatupad ang CPR.

    Ngayon saan ka?

    Opsyon 1 : Balewalain lahat ng mga senyales, itoy mga pakana at propaganda lamang upang mapawi ang ngitngit ng taumbayan. Patalksikin, resign o kudeta at magsimula tayo muli kahit sa baba para lang sa moralidad ng pagkapangulo.

    Opsyon 2 : Tanggapin na may baho lahat ng pulitiko, ngunit dahil maganda ang senyales ng ekonomiya, resulta ng kanyang mga reporma at proyekto, hayaan natin hanggang saan aabot at tumahik muna.

  13. biboy/men sta ana:

    the way you view a particular event depends on the lens you are using. kung ang range ng view mo ay short term, the Middle East visit of Gloria in the Palace was indeed successful. why? me promises ka ng investments, oil plus a bonus of 200 freed Filipino prisoners.

    but if your view is long term and you dug a little deeper, you found the “successful” trip as nothing but a beautiful package wrapper. 1. me investments ka nga, para sa ano naman? at kanino mapupunta ang kita galing sa investments? sa pilipinas o sa foreign investor? 2. me trabaho ngang mage-generate from investments. ano’ng klaseng trabaho? magiging regular ba ang mga manggagawa na papasok? tama ba ang pasahod? okay lang ba ang magiging atmosphere sa trabaho? 3. me pangako ngang langis, libre ba? 4. napalaya nga ang mga tao pero ano ang epekto? nalinis ba ang pangalan nila — ibig sabihin, kasabay ba ng paglaya nila ang pagpapatunay na di nga sila nagkasala?

    ang investments, hindi hinihingi. ang negosyante ang kusang lumalapit kung maganda ang business environment mo. at dahil ikaw ang nagmamakaawa na mag-invest sila sa iyo, you should follow their terms.

    hindi rin solusyon ang basta na lang magkatrabaho. quantity cannot replace for quality. me trabaho ka nga, treated like a pig ka naman. remember: your brother is not a pig!

    ang langis, binibili rin. hindi hinihingi. ano’ng terms, kung ganon, ang hihingin nila para suplayan ka ng langis? kaya mo ba?

    tungkol naman sa paglaya, try this links:
    http://philippinepage.blogspot.com/2006/05/to-release-or-not-to-release.html
    http://philippinepage.blogspot.com/2006/05/gloria-in-palace-happy-to-be-insulted.html

    o siguro magandang basahin din ang sinulat ni Jose W. Diokno na “A Nation for Our Children”. Isang magandang passage doon ay ganito ang sinasabi: Ang kailangan ng tao ay hindi lang pagkain, damit at tirahan dahil kaya namang ibigay yan ng mga bilangguan.

  14. jundelprado jundelprado

    hindi ako naniniwala na lahat ng politiko ay demonyo,
    natatalo lamang sila dahil sa sistema ng mga diablo,
    kailangan lang mag umpisa ng bayan natin sa square uno,
    para walang nakaupong mga ganid sa yaman ng bayan mo.

  15. Emilio Emilio

    Tatlong bagay daw ang dahilan ng pagpunta ni Nano dito sa Saudi Arabia: (1) Langis (2) OFW at (3) OIC

    Kahit na hindi sabihin nI Haring Abdullah na patuloy ang pagdating ng langis at talagang tuluy-tuloy ang pagdating ng langis dahil sa interest ng Saudi Aramco sa Petron. Nabanggit sa isang pahayagan na sasabihin daw ni Nano kay Haring Abdullah na pababain ang halaga ng langis. Ang yabang talaga! Sino ba siya para pakinggan ni Haring Abdullah? Ang dapat niyang gawin (bilang isang economist) ay pulungin niya ang kanyang economic team at pag-usapan nila kung papaano maipapahatid sa kinauukulan na tanggalin sa New York Stock Exchange ang langis bilang commodity share. Ang halaga ng langis ay nakabase sa future trading na ginagawa sa NYSE. Kaya nga nasabi pa lang na tataas ang presyo ng langis ay naka-deklara na ang mga oil companies diyan sa Pilipinas na magtataas sila ng presyo ng langis.

    Ang Pilipinas lamang naman ang bansa sa buong mundo na ginagawang kalakal ang pagpapadala ng kanyang mga mamamayan sa iba’t ibang bahagi ng mundo dahil HINDI KAYA NG MAYABANG NA SI NANO NA MAG-CREATE NG TRABAHO upang hindi na mangibang bansa ang mga mamamayan. Kung ang job creation ay isa sa 10-point plan ni Nano sa kanyang (TRUE)State-of-the Nation Adddress, malamang ang OFW ay isinasama niya diyan. Ang job creation ay local employment at hindi overseas employment. Ang dapat nilang pinuntahan dito sa Saudi Arabia ay ang mga bahay na kung saan naninirahan ang mga run-away domestic helpers at doon ay malalaman ni Nano lalo na si Patricia Sto Tomas kung ano ang kinahinantnan ng mga kababayan sa kagustuhang magtrabaho dahil wala ngang trabaho diyan sa Pilipinas. Yabang talaga niyang si Nano!

    Walang bagong balita sa pagiging observer status ng Pilipinas sa OIC.

    Karamihan sa mga bumalik kahapon ay hindi mga OFWs kundi mga pilgrims na nagpunta dito sa Mecca, Saudi Arabia upang mag-Hajj. Hindi sila nagbalik at sinubukan na maghanap ng mapapasukan pero bigo hanggang inaabutan sila ng pag-expire ng bisa hanggang mahuli ng kapangyarihan dito sa Saudi Arabia. Iba ang iniyayabang ni Nano at iba ang katotohanan sa talagang naganap.

    Ano pang aasahan mo eh, sanay siya sa ganyang gawain!

  16. diosdadojjavier diosdadojjavier

    To Tedanz,
    Tama ka sa sinabi mo, ang mandaraya at magnanakaw kahit anong gawin ganon pa rin sila, ang kriminal kahit anong pagbabago kriminal pa rin. Pero ang punto dito paano na yung HINDI KRIMINAL na nakulong. Pakibasa na lang sa sulat ni Ms. Ellen Tordesillas sa taas, sabi ng mga opisyal walo sa sampung kababaihan ay ianaabuso. Ngayon mo sabihin na sila ay kriminal, para sa akin sila ay biktima, hindi kriminal. Kung may magandang pangyayari dito ay para sa pamilya nila ito hindi pare kay GMA. Uulitin ko kung may pansarili siyang interes dito o kaya ay NAGPAPAPOGI lang siya dito wala na akong paki-alam diyan. Naniniwala ako na karamihan sa mga bilangong ito ay biktima ng pang-yayari. Sabi mo dati kang OFW, siguro kung ME ka nggaling makikita mo ang kaibahan ng batas nila at batas natin. Kung sinasabi mo maka-GMA ako yan ang maling akala mo. Anmg isyu natin dito ay kung ano ang mabuti. Kung ako ang tatanungin mo kay GMA dapat noon pa talaga siya nag-resign (kapag nag sorry ka, siguradong may kasalan ka). Alam ko na hindi gaganda ang ekonomy natin kung ang mga tao ay walang tiwala sa namumuno ng bansa. Ang malaking tanong dito SINO????? ang papalit??? Sigurado ba na siya ay gagawa ng mabuti. Sabi natin winaldas niya ang pera ng bayan. Ang tanong ulit dito sino ang dapat humabol sa kanya? Di ba ang mga mambbatas natin? Eh paano nilang hahabulin yan sila-sila (hindi naman lahat) ay may pansariling interes. Dito sa pinawalang bisa ng husgado na kautusan ni GMA. Alam nating labag sa batas, pero may mga mambabatas ba na nag-habla sa SC. Kung may-roon man suportado ba ng nakakarami?? Dapat unahin nating alisin pamahalan yang mga mambabatas na hindi kayang gawin ang kanilang trabaho. Maraming palpak na cabenet member, pero bakit nakalusot sa CA?? Kailan lang sa us ng ina-apoint Ni Bush isang opisyal sa Justice. Hinarang ng CA sa sinado, pinalitan ng iba. Sa atin may kasong naka-isyo sa iyo. pero nakalusot sa CA.

  17. Diosdadojavier,

    Ang punto ni Punggok at nang kanyang mga kasamang demonyo ay pareho ng punto mo: “Sino ang ipapalit?”

    Maraming puwedeng pumalit kay Punggok. Ang nangyayari ay nakukumbinse niya at ng kanyang mga kasamang demonyo ang mga Pinoy na good thinking sa kanyang punto na siya lang ang puwedeng mag-presidente. Sabi mo na nga ay magnanakaw at sinungaling itong si Punggok, bakit kailangan pa natin na paniwalaan ang kanyang mga hallucinations? Bakit kailangan nating akseptahin ang isang singaling at magnanakaw? Di lalo napabaon ang bayan?

    Kailangan ibagsak talaga itong si Punggok para magkaroon ng eleksyon. Hindi ako naniniwala na walang tao na puwedeng maging mahusay na presidente sa ating bayan. Kailangan tayong maging alert at vigilant… Itong mga hangin ni Punggok ay hindi dapat paniwalaan!

  18. diosdadojjavier diosdadojjavier

    anne de brux,

    Huwag ka naman pikon sa akin!!! Ang tingnan natin ay ang reyalistikung maaring mangyari. Hindi ko sinabi na dapat nating paniwalaan siya!!! ikaw ang nagsasabi niyan. Hindi ko rin sinasabi na tinatanggap ko siya!!! Pakibasa lang ulit ng kuminto ko sa taas!! uulitin ko dapat noon pa siya NAG-RESIGN. wala akong sinasabi na tinatanggap ko siya!!! sABI MO MARAMING IPAPALIT!!! Naabot ko mag mula sa tatay ni niya., si macoy, cory, si erap, at si glorya, ang tanong ulit dito may nakita ba tayong naging matinong administrasyon. lahat kurakot. Ito ang itaga mo sa bato, Hindi lang dapat si Glorya kundi pati ang walang kwintang pulitiko ang mawala. Hindi ako naniniwala sa kanya pero dapat maging reyalistiko tayo. Pabor ako sa sinabi mong patalsikin!!!! PAANO??????? Uulitin ko ulit ang dapat na mambabatas na mag-alis sa kanya ay hindi nagkakaisa!!!!! Maliwanag pa yan sa sikat ng araw!!! Mag-mula ng Hello garci, sino lang ba sa mambabatas ang talagang masigasig na lumalaban sa kanya??? Sa opinyon ko,,,, sa sinado si Ping lang,,,, sa kongreso si escudero lang,,, yung iba lulubog lilitaw. Ngayon tatanungin kita, sino ba ang mag-papatalsik sa kanya??? ikaw??? ako??? malabo yata,,,, dapat mag-mula legeslatura, suportahan ng justice at ng sulidong mamamayan.

  19. Diosdado Javier,

    Hindi ako napikon sa iyo. Hindi naman kita kilala eh paano ako puwedeng mapikon (pikon ako sa kilala ko dahil puwede kong batukan siya).

    Agree ako sa iyo na pag hindi nag kaisa ang taong bayan walang mangyayari – si Punggok matitira ng habang buhay niya sa Malacanang courtesy ng OFW money dahil sa 13 billon dollars boost sa ekonomiya ng bansa. Kaya nga kailangan kung hindi kaya ng legislature, eh di tao ng bayan ang kailangan mag alsa pareho ng nangyari sa France noong rebolusyon ng 1789. In effect, hindi ang parliament noon o ang legislature ang nagpatalsik kay Louis XVI kung hindi ang private bourgeoisies dahil walang mangyari sa parliament. Maski na ng mag grant si Louis XVI ng concessions sa parliament para ma save ang kanyang monarchy, wala na – nag alsa na ang taong bayan.

    Ngayon, kung ang sasabihin mo ay takot ang taong bayan kay Gloria kaya hindi sila magkaisa sa pagpatalsik sa kanya, e puwedeng bumilib ako.

    Huwag nating ilagay ang responsibilidad ng pagpapatalsik kay Gloria sa legislature. Sabi mo na nga ay ilan lang ang may bayag sa kanila para mag alsa. Ang taong bayan ang kailangan ang mag umpisa!

  20. Ang isa pa, siguro kung ang taong bayan ay talagang mag kaisa upang husgahan ang masamang politiko (ibitin sa poste ng baligtad, for example, o kaya lunurin sa Pasig River) sa palagay ko ay puwedeng matakot ang mga tulad ni Gloria at ng kanyang mga demonyong kasamahang politiko na gumawa ng pambababoy sa ating gobyerno uli.

    So puwede sigurong magbago ang political landscape sa atin.

    Kasi, hanggang ngayon, wala pang nahusgahan na politician or high level sa government kund hindi lang si Jalosjos na child rapist, Sanchez ng Calamba at Jimenez ng tax evasion sa Amerika (siguro dahil talagang caught in the brazen act of a crime). Pero kung ang taong bayan ay dumugin itong mga tarantadong baboy na politicos na magnanakaw at sinungaling at husgahan nila pareho ng ginawa kay Caucescu ng Romania, baka mag dalawang isip ang politician bago babuyin ang ating batas.

  21. biboy biboy

    Anna, ganyang klase ba ng POLITIKA at HUSTISYA sa kalsada ang pinaglalaban mo? Ganyang uri ba ng karumaldumal na gawain ang tinutulak mong mga paraan tungo sa pagbabago?? Dahil base sa kasaysayan??? Ayos na maging hayop!?? Sino pa kayo?

    Kung ganyan lang ang kayang maisip, ideya para sa ikalulutas ng mga problema natin sa lipunan at pulitka, paumanhin sayo, sarilinin mo na lang.

    Wala ng basehan para balikan at ipilit ang mga “karumaldumal” na pangyayari sa kasaysayan pagkat hindi na naaayon ang mga ito sa kasalukuyan kabihasnan at pangkahalatang moralidad ng tao.

    magisip.

  22. diosdadojjavier diosdadojjavier

    anna de brux,

    Bilib ako sa tapang mo, huwag mo naman ibitin o lunurin,,, baka ang matira sa pulitiko isa o dalawang % na lang!!!! Pag-kakaisa ng Pilipino sana mag dilang anghel ka!!! Sa realistikong pananaw,, sigurong malabong mangyari. Katunayan na yan sa nag-daang eleksiyon. Siguro ang pagbabago ng gubyerno natin,,, dapat sa ating mamamayan mag-mula. una pagkakaisa, pangalawa,,, maging matalino sa pag-pili ng kandidato. Nabanggit mo si Jalosjos, kung naging matalino ba ang mga mamayan natin diyan,,, alam na nating nakakulong sa bilibid,,,, pero kung hindi ako nagkakamali,,, nanalo pa rin siya sa eleksiyon. iginagalang ko ang pasiya ng mga bumoto sa kanya dahil sarili nilang pasiya yan… Pero kung iisipin mo mali,, Bakit???? may magaqawa ba ang isang convected para gampanan ang tungkulin na dapat niyang gawin… Ngayon babangitin ko ulit yung sinabi ko sa taas… ito ang matatawag na kriminal,, ito nag-karoon ng tamang proseso sa pag-dinig. may-roong mga magagaling na abogadong tagapag-tanggol… Yung mga kababayan natin na nakulong sa ME,, Nagkaroon ba sila ng tamang proseso sa kanilang kaso??? nagka-roon ba sila ng abogadong dapat mag-tanggol sa kanila??? napag-kalooban ba sila ng tulong pinansiyal para sa kanilang mga kaso????? siguro wala??? Ngayon yung magagaling nating mga kaibigan diyan na magaling mag-husga,,, maging maliwanag o malawak sana ang pang-unawa natin sa kanila. Ang punto ko dito sana,,, dapat unawain ninyong mabuti doon sa kuminto ko sa taas.. Ang kuminto ko sa taas ay hindi si GMA kundi doon sa tingin ko ay maling pananaw ng mga magigiting at malakas ang loob na tawaging hamak,,,, kriminal yung mag kababayan nating ito. Nasabi ni Ms Tordesillas ito,,, HINDI PARAISO ANG ABROAD!!!! Kaya sana maunawaan ito ng mga magagaling mag-husga.. Si GMA nan-diyan hanggang ang mga PILIPINO ay hindi mag-babago…walang pagka-kaisa. Kung hindi mo pa rin ito mau-nawaan…. sorry na lang!!!!!!!!

  23. batong•buhay batong•buhay

    Ang Philstar credible? Siyempre, numero uno yatang sipsip ito kay pandak. Shades of Daily Express, Marcos time. Mabuhay ang tagapagbalita ng KATOTOHANAN. Mabuhay ang TRIBUNE, Mabuhay ang ABANTE, Mabuhay ang ibang taga-MALAYA at ibang taga-INQUIRER. At Mabuhay rin ang PCIJ at BULATLAT. Sa mga kampon no pandak, kung ipinagbili ninyo ang inyong kaluluwa para lang kayo guminhawa, nasasa-inyo iyan. Matakot sana kayo sa magiging hatol sa inyo.

  24. ELLEN,

    Sa mga tanga-hanga pa rin ni Dakilang Reyna ng MAgnanakaw.
    Ito ay aking opinyon lang dahil may kanya kanya tayong masasabi at nakikita natin ang mga nangyayari sa ating bansa ngayon.

    Una sino ba ang dapat natin sisihin. Ang iba diyan ay sinasabi na dapat sisihin rin natin ang mga nakaraang “TUNAY NA PRESIDENTE”. Pero itong “PEKENG PRESIDENTE” ay hindi dapat husgahan. Ano nga ba ang nagawang kabutihan nitong Reyna ng MAgnanakaw. OO pinalaya ang 138 na OFW pero dapat ba natin siyang pagsalamatan sa ginawa niya. Karamihan na nakakulong ay “BIKTIMA” ng mga arabong malulupit at hindi sila dapat makulong kung titignan mo ang kanilang kaso. Dahil sila ay pinag malupitan ng mga ARABO. Sila na ang mga na api sila pa rin ang makukulong. Hindi naman sila natutulungan ng embahada ng pilipinas doon. KAramihan sa mga OFW na naka usap ko ay ang yayabang pa raw ng mga nasa Embahada at kung tignan sila ay parang hayop.

    Proyekto sa bansa natin ano nga ba ang nakikita ninyo na ginawa nila para sa bansa natin. Ah iyung tulay sa “GITNA NG BUKID” na ang dadaan lang ay mga kalabaw dahil hindi naman public road or daanan para papunta sa bayan or sa baryo. Itong tulay na ginawa nila ay kurakot pa at milyon rin ang ginastos at na bulsa.

    Iyung tindahan ni Gluria par sa mahihirap. Ayun ang tindahan ay nasa loob ng CRAME. Sino ang bibili kundi ang mga nakatira sa loob.

    Ano nga ba ang proyektong na dapat natin siyang pag malaki.

    Sa mga TANGA-HANGA ni Reynang MAgnanakaw paki sulat nga ninyo kung anong Proyektong or anong kabutihan ang nagawa ni Gluria Makapal Arrovo Pidal sa bansa natin.

    vonjovi

  25. alitaptap alitaptap

    Hindi na kailangan ang bagong eleksion o snap eleksiyon. Napatunayan ng people’s court, CCTA na malaki at matindi ang pagkakasala ni Malakanyang Squatter (MS). Bukod sa pandaraya sa election, pagnanakaw sa fertilizer scam, pagnanakaw ng Marcose millions, pagnanakaw sa pondo ng DPH, pagnanakaw sa pondo ng Calamity Fund, atbp, tuloy pa rin ang krimen na nililipol ang mga kasapi sa BAYAN Muna at mga kasapi sa media. Kailangang lang mag-file nn petition sa korte suprema na pawalang-bisa ang nakaraang eleksion. Talsik ngayon si MS at ayon sa constitutional succession ang senate president ang magiging presidente.
    Kung hindi kikilos and mga mamamayan, mananatili si MS habang buhay. Walang magagawa ang CBCP at si UncleSam na matulongan ang pinoy kung di nila tulongan ang sarili nila. Alam ni MS na maamong tupa ang mga pinoy kaya tawa siya ng tawa all the way to malakanyang.
    Ngayon ay takeover na naman ni MS ang PAGCOR at PCSO. Hindi pa rin kikilos ang maamong tupa – halakhak naman si MS.

  26. Email from Maria:

    Hay Kumusta na po kayo . nabasa ko po sa abante .com
    ang inyong sulat tungkol sa Saudi na hindi paraiso ang abrod )

    Isa po akong OFW .tama po lahat ng isinulat ninyo hindi po kami namumulot ng pera dito sa abrod . at marami po akong kaibigan na ginagahasa at binubugbug ng amo kapag hindi pumayag ..

    Gusto ko po sa ng sabihin ang lahat ng mga nangyayari dito sa gitnang silangan.Parami po ang mga nahihirapan dahil sa mga pag mamalupit ng mga Arabo.

    Meron akong kaibigan na sinagasaan ng arabo at walang nagawa ang philippines embassy natin dito . Ginawa pang katulong ang kaibigan ko nung lumapit ito sa embassy natin.

    _

  27. ed gil ed gil

    wow yabang daw, eh ikaw me nailigtas kahit isa…wala!! puro ka lang gatong..mga barbero lang naman naniniwala sa yo..

  28. Anonymous Anonymous

    hindi ako barbero pero naniniwala ako sa kuwento
    kumakain ako kaya nakaka intindi ako
    marami sa kababayan natin sumasablay sa pagkain
    pano sila makakapag isip kung laman ng tiyan ay hangin
    maawa kayo sa sarili nyo kayong magugulang sa kapwa
    sapagkat hindi tutuong may purgatoryo sa kabila
    si taning man ay magbabayad ng kanyang mga kasalanan
    sinong maysabi sa inyong mali libre kayo sa kabayaran

  29. Anonymous Anonymous

    bakit kaya naging anonymous ang ngalan ko?
    sino kayang salbahe ang may kagagawan nito?

  30. Anonymous Anonymous

    i believe my posting was deleted is this a free country panay lamang ba mga sira ang puwede dito kaya pala bulok ang sistema natin e.

  31. I’m sorry for the technical glitzes that caused a number of comments, even one of my posts, to disappear. We are in the process of upgrading this blog.

    To the one who posted this(Anonymous Says:

    May 13th, 2006 at 11:25 pm (Edit this comment)

    bakit kaya naging anonymous ang ngalan ko?
    sino kayang salbahe ang may kagagawan nito?), please re-post so you can be properly identified. Thanks fro your patience.

  32. umiinom ng sadiki umiinom ng sadiki

    Ano bang ipinagmamalaki ng bansot na yan??? Ewan ko ba kung bakit ang dami pa ring nahuhumaling sa mayabang at showbiz personality na yan. Ako’y isang OFW at nagpapakahirap dito sa Saudi Arabia dahil hindi ako umaasang may maganda pang magagawa ang kapal mukz na yan. I have not even a single and little respect for such a president who brags a lot of her supposed accomplishments!!! When I look at her, I see something so disturbing — i see bullshits written all over her face. Lahat ng mga galamay nya gaya ni Gonzales, para na silang mga baliw… tama nga ang mga nag-de-demonstrate na magbandera ng straight-jacket kasi nababaliw na yang matandang yan.

    akala ng mga tao sa Pinas maganda ang buhay ng mga OFW dito sa Saudi…. kayo ay maling-mali. marami sa amin dito ay nagpapawis ng dugo para lamang makapagpadala ng maayos para ang aming pamilya ay hindi magugutum. kami ay nakakaintindi ng sitwasyon… kung meron lang magandang pasahod dyan sa Pinas ay marahil hindi na namin nanaising pumunta dito. may ilan dito na lumalagpas na sa tamang pamamaraan makita lamang ng extra… ang nais ko lamang ipabatid sa lahat na hindi na po ginto ang minimina dito kundi barya na lamang. magkano na ba ang isang riyal???? halos 13.00 pesos na lamang at malaking kabawasan yan sa aming sahod. sabi nila tumataas ang ekonomiya, bakit ang bilihin tumataas pa rin…so, ano pa ang kahahantungan ng pera na pinagpapaguran namin dito???? barya na lamang po yan…

    ang masasabi ko lang, kung walang nagawang kagila-gilalas ang mga nakaraang presidente para maayos ang lagay ng pilipinas… mas lalo namang pinalala ni kapal mukz na bansot na showbiz personality…

  33. umiinom ng sadiki umiinom ng sadiki

    ITONG SI BIBOY UTAK BIYA…A PEASIZE BRAIN HE HAS… BULAG ATA ITONG SI BIBOY AT PANAY TANGGOL KAY PUNGGOK!!!

    BULAG ATA ANG MGA MATA NITO AT ANG NAKIKITA LAMANG NG TAONG ITO AY ANG MGA PALABAS NG KANYANG PRESIDENTE…

    GISING BIBOY…. MATAKOT KA SA DIYOS … DAHIL PARA KA NA RING NASASANIBAN NG UGALING MAGNANAKAW!!!!

  34. Mabuti naman at galing mismo sa isang OFW ang nagsabing hindi masarap ang buhay ng isang OFW sa Saudi.

  35. pringemilyn pringemilyn

    totoo ba na may mga tindahan ng lutong ulam at kanin (turo-turo) sa ating bayan na kumukuha ng mga itinapong pagkain sa basurahan, lulutuin at ititinda ulit?

  36. jundelprado jundelprado

    quoted hereunder is portion of a news item in malaya zeroing in on claudio’s and bunye’s comments:

    “Con-ass is Palace’s new
    Cha-cha tune

    Shift seen as admission people’s initiative route is doomed

    ‘IT IS IN THE BEST INTEREST OF THE PEOPLE FOR SENATORS TO SUPPORT THE CAMPAIGN FOR CONSTITUTIONAL REFORMS INSTEAD OF BOYCOTTING THEM. It takes only a majority of senators to pass a counterpart resolution to convene a constituent assembly,’ Claudio said.

    He welcomed Sen. Miriam Defensor-Santiago’s statement last week that she would support a constituent assembly along the lines proposed by the House leadership if it is declared constitutional.

    Press Secretary Ignacio Bunye said Santiago’s ‘display of selflessness’ opens the doors to ‘POLITICAL RENEWAL.’

    ‘IT IS REALLY TIME TO SET ASIDE SELF-INTEREST. Sacrifices are called for as we travel the road to economic and political stability that we need to take this nation forward in the 21st century,’ he said.

    …” (emphasis supplied)

    sino namang taong nakakapag isip ng tama ang maniniwala sa dalawang nilalang na ito? alam na alam mo naman na pinuprotektahan lang nila ang kanilang mga puwesto … sa palagay ko lang ay IT IS IN THE BEST INTEREST OF GMA AND HER COHORTS AND NOT OF THE PEOPLE kapag nag materialize ang chacha at conass … kung sinasabi ni bunye na IT IS REALLY TIME TO SET ASIDE SELF-INTEREST, dapat siya ang unang magbigay ng ehemplo … gusto naman nila taumbayan ang magsasakripisyo para ma perpetuate sila sa kanilang mga puesto … meron naman akong sentido komon at hindi ako naduduling sa gutom

  37. Anonymous Anonymous

    Ellen bakit nawala ang mga postings ko dito sa blog mo. Nagtataka nga ako dahil lahat ay nawala at pati users ID ko nawala rin at ng minsan sinubukan kong magsubmit ito ay na-deny. At ng makapasok naman ako naging anonymous ang pangalan ko. Hindi naman anonymous ang pangalan ko kundi ako ay si Florry. Thank you at sana magkaroon ng arthritis ang mga kamay at daliri ang mga hackers na gumugulo dito sa blog mo.

  38. Florry, I’m sorry for the inconvenience. We are in the process of upgrading this blog. There arre still some things that we have to work on.

    I was told that for the meantime, no need to register. Just post your comment and sign your name.

    Thanks for your patience and continued support.

  39. umiinom ng sadiki umiinom ng sadiki

    nalipat ko gali, ang isara pa ka galamay ni PUNGGOK nga si Defensor d’ little president… daw sa gago lang bala sya sige depensa man sa iya nga presidente. ay ambot sa inyo nga mga kawatan kag butigon … kon wara ron kamo ti mayad nga mahimu, abi parigus kamo ka mayad kag magsimba kag mangayo sa Diyos kang kapatawaran sa inyo mga sala…

    kon abi wara ron it direksyon ang akon nga pagpangabuhi rugya sa kalibutan… ay sows, pamatyon ko tanan dya nga mga butigon kag kawatan sa gobyerno. unahon ko gid rang punggok nga ri-a, sunod si Manong Gonzalez nga buang-buang, sunod rang si Bunye nga puro pagwapo kag sige man dipensa kay pungak-pungak nga punggok… kabay nga kilatan kamo tanan nga mga gago dyan sa gobyerno ni punggok.

Leave a Reply