Skip to content

Ikinahihiya ang sariling gawain

Akala ng Malacañang naloko nila ang taumbayan sa Mayuga Report na nag-abswelto sa mga opisyal ng military na nagpaggamit kay Gloria Arroyo sa pandaraya noong 2004 eleksyon.

Hindi naman e. Sa pinakahuling survey ng Ibon Foundation na nilabas noong isang araw, mas maraming Fiipino (75 %) ang naniniwala na nandaya si Arroyo noong 2004 eleksyon. Mas mataas ito kaysa 67 per cent noong Enero.

Ang lumabas na biktima dito ay si Vice Admiral Mateo Mayuga, na siyang gumawa ng imbestigasyon (kuno) at napakalusaw na report. Ang pangalan niya ngayon ay nakakabit sa isang gawaing nanloko sa taumbayan.
Ang tawag nga ng isang sumulat sa aking blog na gumagamit ng pangalang Von Jovi sa kanya ay “May-luga.” Mas masakit pa ang sinasabi ng iba.

Sabi ni Parañaque Rep. Roilo Golez (dating Philippine Navy rin) at retired Commodore Rex Robles, kilala nilang magaling na opisyal si Mayuga.

Sabi ni Golez, nakakalungkot tingnan si Mayuga sa Channel 4, estasyon ng pamahalaan, na nagbibigay matwid sa kanyang report. Dahil kaya alam niyang hindi kapani-paniwala?

At ang ginawa niyang pagtatago pagkatapos nilabas ang report noong Miyerkoles Santo. Para bang siya mismo ikinahihiya niya ang kanyang ginawa.

Siyempre alam naman natin na ang karamihan sa mararangal kuno sa military ay nawawala ang dangal kapag promosyon at iba pang premyo ang pinag-uusapan. Pinaala-ala nga ng isang kaibigan sa aking blog na si Anna, na ang pinalitan ni Mayuga na si Vice Admiral De Leon ay nag-retire ng maaga (ginawang ambassador sa Australia) para ma-promote kaagad si Mayuga.

Sabi ni Vonjovi ang talagang kawawa ay sina General Francsico Gudani at si Col. Alex Balutan na nagsasabi ng katotohanan. Sila pa ngayon ang nasa alanganin dahil sa court martial.

Sabi ni Von Jovi: “Ito ang nangyayari sa bansa natin kung ikaw ay military at tapat sa bayan, ang bagsak mo ay kulungan. Kung ikaw naman ay militar na panig sa mga Arrovo, ang bagsak mo ay sa ulap at instant millionaire ka pa.

“Hindi lang ‘yun. Gumawa ka na ng kasamahan, may pabuya ka pa sa katungkulan mo katulad ng star sa balikat.
“Kung tutuusin ay sila lang naman ang naniniwala na walang nangyaring dayaan noon. Pero ang taong bayan ay hindi nila maloloko. May araw rin ang mga ito at mas masakit ang mararanasan nila.

“Nakakahiya ang pamilya ninyo General May-luga. General May-luga, isa kang kriminal ng bayan.”

Published inWeb Links

28 Comments

  1. goldenlion goldenlion

    Nakakaawa naman ang mga generals natin lalung-lalo na si Mayuga ng ginamit ni gloria para muling pagtakpan ang kanilang pandaraya. Ewan ko ba kung bakit ang mga opisyal ng ating militar ay nagpapagago? Ibinebenta na nila ang kanilang dangal, dignidad at pangalan. Dahil lang sa pera ay tuluyan nilang winawasak ang kanilang karangalan. Paano sila ipagmamalaki ng kanilang maiiwan na mga anak? Paano sila hahatulan ng kasaysayan? Masakit isipin na ang mga lalaking ito ay nawalan ng bayag. Sayang ang pinaghirapan nila noong bago pa lang sila nagsisimula sa kanilang career hanggang maabot nila ang kanilang mga ranggo.

    Esperon, Senga, Mayuga…tanong lang po: bakit nyo ipinagpapalit ang inyong karangalan para lang protektahan ang isang sinungaling, mandaraya at magnanakaw ng pekeng presidente?? Hanggan kailan nyo siya isasalba? Alam naman natin na lahat ng bagay at gawain ay may katapusan. Paano kung dumating na ang knayang wakas, saan kayo pupunta?

    Hangga’t may panahon pa ay gumising na kayo, mga sundalong nagagamit ni gloria. Andyan kayo sa inyong posisyon para maging tagapagtanggol ng bayan hindi na isang tao lamang. Alalahanin ang inyong sinumpaang tungkulin.

    Para sa CBCP, isa pa kayo. nag-sorry na nga si Bishop Tobias, sinasalungat nyo pa. ano ba?? nawala na rin ba ang inyong dangal at karangalan.? Talaga bang mas mahalaga ang pera kesa moralidad?

  2. Tedanz Tedanz

    General May-luga … Pi-Em-Eyer ka rin ba? Hey kayong mga MISTAH’s, yan ba ang mga Seniors niyo? Kakahiya??? Ilan pang mga Seniors niyo ang madadamay sa kalokohan na ginagawa ng mga Arroyo? Kayo ay nandiyan para sa taong-bayan hindi para sa iisang tao lamang. Ano kayo PRIVATE ARMY? Hindi dapat tawagin si May-luga na GENERAL.

    May-luga, isa kang HUDAS BARABAS .. Binigyan mo ng kahihiyan ang iyong pamilya na hanggang buhay sila ay dala dala nila. Sabihin ng tao, yan ang anak/apo ni May-luga na nag-Hudas sa Sambayanang Pilipino noong panahon ni Arroyo. NAKAKAHIYA DI BA???

  3. jinxies jinxies

    20 APril 2006

    The problem right now with the AFP, it has been said a lot of time, IT HAS BEEN PROSTITUTED!!! What do you expect from the MAyuga report??? NADA!!!

    It took the Mayuga fact finding mission almost a year to release the report, and when they do, they release it on holy wednesday, what does it mean???your guess is as good as mine. Bottomline the report says nothing to implicate the generals who are mentioned in the GARCI tape, now mayuga is in hibernation, talking to nobody, except perhaps to the LEPRECHUAN and to the prostitues in the AFP.

    Unless the leprecahun is removed or has resigned, together with noli “KAYABANG” de castro, nothing will happen.

    By the way, ermita says that parang bata na naghahamon si erap para sa snap election, of course they will say parang bata sila erap, if that’s the case, what do they call mike defensor??? diba sya ang nagumpisa maghamon??? all of them should resign NOW NA!!!whether from the administration or from the opposition and call for snap election NOW NA!!!

    jinx

  4. anna de brux anna de brux

    Hi Ellen,

    Off topic but Tribune website seems unaccessible… Wonder if anyone could tell me whether the site is still on http://www.tribune.net.

    Thanks.

  5. leo leo

    huwag na kayu’ng mag taka, mga kabayan’ sa resulta ng imbistigasyon ng ating magigiting na Henetal ( kuno ) iyan ba naman ay pinag-tatakhan pa natin? ang gawin natin ngayon ay ‘ tandaan natin ang lahat ng tao na nakipag kutsabahan sa administrasyung ito’ isulat natin sa papel ang mga pangalan ng mga kamote na iyan’ at ipakilala natin sa ating mga anak’para hindi pamarisan’ at hindi maihalal ( kung may halalan pang magaganap ) ng mga anak natin. sa darating na panahon. yun nalang ang pag asa natin’ para hindi na sila maka puesto sa ating gobyerno. at salamat naman sa ating mga lingkod bayan na nananatili parin tapat sa ating bayan’ Mabuhay kayo.

  6. anna de brux anna de brux

    Ellen,

    Re: “Sabi ni Golez, nakakalungkot tingnan si Mayuga sa Channel 4, estasyon ng pamahalaan, na nagbibigay matwid sa kanyang report. Dahil kaya alam niyang hindi kapani-paniwala?”

    Ahhh, but what ex naval officer Roy Golez is forgetting is that Mayuga is an ambitious man. What would Mayuga not do to obtain the post that he’s dreamed of since their cadet days?

    I stopped trusting military officer Temmy Mayuga since he became Angie’s golden boy back in the 90’s.

  7. anna de brux anna de brux

    Ellen,

    Ano na ngayon ang mangyayari? Pereho ng Hello Garci? Lilimutin na lang ng taongbayan?

  8. Sangayon sa “DAVIDE AND RULE DOCTRINE” ni GMA gumawa si
    Mayuga ng “Constructive Investigation” ng mga anomalya sa
    halalan sa Mindanao.

    Ang tanong mo Anna, ano ang mangyayari ngayon? Si Mayuga
    ay magiging Chief of Staff ng AFP, pagkatapos niyan pag
    reretire niya, nonombrahan siyang embahador katulad ni
    Davide.

  9. Siyempre naman. marami namang tayong embassies na pwedeng tambakan ng mga heneral na pinakautangan ni Arroyo ng loob.

    Anna, Tribune’s website is being upgraded.

  10. Ferdinand Ferdinand

    yan ang problema ni GMA at ng Pilipinas later on..
    ang mga ambassador puro heneral kelan ba mapuputol itong ganitong gawain..
    hanggat may pagkakautang ng loob si GMA patuloy itong mag a appoint ng mga Heneral…

    tama na…

  11. anna de brux anna de brux

    Elen, alam mo ba na may plano na si Ed Ermita para kay Mayuga sabi ng Inquirer?

    Puwedeng maging successor ni Senga si Mayuga pag retire ni Senga sa puwesto niyang CSAFP sa Julio 2006 maski si Mayuga man ay retirable (mandatory retirement) sa Deciembre 2006 or 5 months later.

    “Pakapalan na lang” at HORSE TRADING ang modus operanda ngayon sa Malacanang ngayon!

  12. ELLEN,

    ANG KAILANGAN NATIN AY PANIBAGONG LAW NA ANG MGA NAG RETIRED NA “GUNGONG GENERAL” AY HINDI PUWEDE SA PUWESTO SA GOBYERNO PARA HINDI MAGAMIT PA ANG IBANG SUSUNOD NA GENERAL NG IBANG POLIT-IKO. KUNG GUSTO PA RIN NG MGA GERM-NERAL NA MAG LINGKOD SA BAYAN AY PUWEDE SILANG SA NON-PROFIT OR PRIVATE ORGANIZATION NA HINDI KONEKTADO SA GOBYERNO AT HINDI GALING SA GOBYERNO OR SA BAYAN ANG PERA NA GAGAMITIN NILA. ITO AY PARA LANG HUWAG NG MAGAMI ANG MGA GERM-NERAL SA POLITIKA AT PARA NA RIN HUWAG MA “GAGO: ANG ATING AFP AT PULIS. PURO NA LANG MGA RETIRED GERM-NERAL ANG NAKA PUWESTO HALOS SA GOBYERNO NATIN AT ISA MAN LANG AY HINDI MO MATUTURING NA MARANGAL NA SUNDALO EH. DAHIL NAG PAGAMIT SA KUMANDER IN CHEAT-S CHEAT.

  13. badong badong

    WALA NA TALAGA AKONG MASABI… HIHINTAYIN KO NA LANG ANG ARAW NA SUMABOG ANG GALIT AT POOT NG TAUMBAYAN AT LAHAT NG NANINIRAHAN AT NAGTRATRABAHO SA MALAKANYANG AY IBITAY. WALANG PAG ASA ANG PILIPINAS HANGGANG SILANG MGA BUWAYA SA PAMUMUNO NI GLORIA MAKAPAL ARROYO AT KASAMA NG KANIYANG MGA KAMPON AT PATI ANG WALANG BALLS NA NOLI AY NANDIYAN PA SA PUWESTO. YUNG MGA MAGIGITING AT MAPRINSIPYONG SUNDALO, IBABA NYO NA ANG MGA BALLS NYO SA LEEG AT MAGISING NA KAYO. HIRAP NA ANG TAUMBAYAN.

  14. anna de brux anna de brux

    Hi Ellen, hi Ambassador Cruz,

    Noong napag-usapan ninyong dalawa ni Ellen (sa isang blog niya) ang potential nomination ni Davide sa UN, ako ay umaasa na hindi iyon magkakatotoo. Ngunit ngayon, wala ng sorpresa. Talagang pakapalan na lang ang nangyayari sa Foreign Affairs na parang tapunan na lang ng mga personal “awardees” ni Gloria.

    Bakit walang mga Pilipino na nag-aalsa sa mga pangyayaring ito? Nasaan na napunta ang moralidad ng taong bayan?

    Hindi lang ang Foreign Affairs ang binababoy ni Gloria at ng pamahalaan niya kung hindi na rin lahat ng institusyon sa Pilipinas na ginagawang personal horse trading repository sa ilalim ni Gloria.

    Ang meritocracy ay patay na sa Pilipinas ngunit ang kleptocracy ay buhay na buhay. Kailangang ibagsak na talaga itong si Gloria bago niya mabababoy ng tuluyan ang demokrasiya sa ating bansa.

  15. Anna,

    Malaki din ang sala ng mga career officers ng DFA. Kailangan dalhin nila sa husgado ang kaso ng mga over aged
    retirees na sa serbisyo. Noong 2001 tinulungan namin ang
    mga miyembro ng Unifors. Naikuha namin ng mabuting abogado
    sa Greenhills na maghaharap ng asunto sa korte pro bono. Matatapang ang miyembro ng Unifors sa salita lang pala. Nang dumating na ang araw ng pirmahan walang lumagda sa petition. Pinayl namin bilang tax payer law suit ang kaso. Pinirmahan ko kasama ng tatlong retired career officers. Pero ang tax payer law suit walang nangyayari sa Pilipinas. Ang case no. ay CPL 01-02-1171 sa docket ng Ombudsman. Noon pang Disiyembre 4, 2001 naka file.

    Kulang sa giting at tapang ang mga taga DFA. Noong 1971
    nagmartsa kami sa Malacanang, lahat kaming junior officers at rank and file, dahil walang aksiyon sa aming request na
    taasan ang suweldo. Nagalit sa amin si CPR ayaw niya kaming mag demonstrasyon. Hindi namin siya sinunod. Pagkaraan ng isang taon nakuha namin and salary increases
    kasama pa ng allowances sa Home Office. Wala namang
    nangyari sa amin. Walang pagtiggil and paggamit ng
    Foreign Service bilang tambakan ng mga grafters at corrupt na tao pag hindi kumilos ang DFA career people.

  16. jinxies jinxies

    21 April 2006

    Amb. Cruz,

    I agree with your observations regarding the career officials of the DFA, right now their thinking is to protect their own, I dont know what is happening there, they dont have the guts or balls to say anything against their status, DFA claims to be the premier agency of the Philippines, bakit ganun, they just keep quiet, when there is an appointee who doesnt deserve to be appointed as ambassador, tapunan na ang DFA ng mga pinagkakautangan ng babae sa malakanyang. Dont they feel demoralized, pulos ngawa sila, pero wala namang ginagawa. Take for example, the assignement to the embassies or consulates general of the people at the DFA, before, its the personnel division/office who handles their deployment, now they have to get the permission of the heads of posts first before they could be deployed, what is really happening to the DFA. That agency, who used be independent and apolitical, now becomes apolitical agency, you have to lick the ass/es of these so called officials of the DFA before you could be deployed. Kawawa naman ang mga empleyado ng DFA.

    What does these DFA officials think of the DFA??? a corporate, do they own the DFA???with the meager salary that these DFA employees receive, aabusuhin pa ba ng iba.

    That is why the mentality of the DFA corps is to save my own ass.

    jinx

  17. batong•buhay batong•buhay

    Sana kung ma-appoint na amba si Mayluga huwag itapon dito sa NZ. Masaya kami kay Amb. Tejano (dating bata ni Erap). BTW, dahil sa katarantaduhan ni pandak, halos lahat ng immigration applicants ay naghihintay ng naaaaaaaaapakatagal para maaprubahan, minsan nababawi pa. Ang dahilan – ang Pilipinas ay isa sa mga ‘high risk’ na bansa along with Iraq, Iran and Libya o mga bansang with abusive governments and human-rights violations. May bagong ahensiya ang gob na tinatawag na Immigration Profiling Group (IPG) ang sumasala ng husto sa mga aplikante. Akala ni pandak porke dumalaw diyan si helengrad ay buddy-buddy na sila. Pwe!

  18. Jinx,

    The DFA people talks and gripes endlessly about their problems, but when it comes to deeds they are zero. What they need is an organization that will truly speak and fight for them. The Unifors has become a company union.
    In 2001 there were a lot of junior officers who were ready to sign the court documents. They were waiting for the senior officers of Unifors to sign. None of the senior officers did. Not long thereafter, the senior officers got
    promotions and choice assignments. So the Unifors performed
    exactly like a company union. Uniffors the dissident group,
    has the same program as GMA. Uniffors advocates that officials who did some good work for the service should be
    above the law and exempt from RA 7157. GMA is using the same reasoning. Those who did her administration a good turn like Davide, are above the law and are being rewarded
    with choice posts in spite of violations of RA 7157.

    The DFA as premier department of the government is premier
    only with respect to corruption and violations of law.
    It has become the dumping ground for people who have
    performed shadowy operations for the government.

  19. anna de brux anna de brux

    Alam mo Ambassador, I believe the press can help trigger a much needed check into the shenanigans being committed in the DFA.

    Kaya lang, kailangan ang media ay umatake in unison dahil kung isa isa lang at paminsan minsan lang ang atake ng isang problema na talagang labag sa batas, baka wala din influence.

    Isang istorya: Noong madinig ko na si Doronila ay slated na gawing ambassador ni Gloria sa Paris, ako ay talagang nagalit. Tinawagan ko ang isang matalik kong kaibigan na journalist na malapit na malapit kay Gloria at sinabi ko ito: “I will personally make life hell for Doronilla if he becomes ambassador to France.” Ang aking banta ay base sa aking magagawa sa France dahil noon, ako ay nagtratrabaho pa sa gobyerno ng France. Kinulit ko ang aking kaibigan na kulitin si Gloria tungkol dito. Ginamit ko ang tool na alam kong puwedeng bumanat kay Doronila. It paid off. Sabi ng marami na may ulterior motive daw itong aking kaibigan na ilagay ang asawa niya sa puwesto pero alam ko ang totoo.

    Ang ibig kong sabihin ay kung ang legal avenues ay sarado dahil sa pambababoy ni Gloria ng ating batas, kailangan gamitin ang tools para ipukpok sa mga lumalabag ng batas. Hindi naman labag sa batas na gamitin ang mga tools upang maideretso ang isang gawain ng isang institusyon na sa palagay natin ay talagan labag sa ating moral conviction at sa batas ng bayan.

  20. anna de brux anna de brux

    Alam mo Ambassador, I believe the press can help trigger a much needed check into the shenanigans being committed in the DFA.

    Kaya lang, kailangan ang media ay umatake in unison dahil kung isa isa lang at paminsan minsan lang ang atake ng isang problema na talagang labag sa batas, baka wala din influence.

    Isang istorya: Noong madinig ko na si Doronila ay slated na gawing ambassador ni Gloria sa Paris, ako ay talagang nagalit. Tinawagan ko ang isang matalik kong kaibigan na journalist na malapit na malapit kay Gloria at sinabi ko ito: “I will personally make life hell for Doronilla if he becomes ambassador to France.” Ang aking banta ay base sa aking magagawa sa France dahil noon, ako ay nagtratrabaho pa sa gobyerno ng France. Kinulit ko ang aking kaibigan na kulitin si Gloria tungkol dito. Ginamit ko ang tool na alam kong puwedeng bumanat kay Doronila. It paid off. Sabi ng marami na may ulterior motive daw itong aking kaibigan na ilagay ang asawa niya sa puwesto pero alam ko ang totoo.

    Ang ibig kong sabihin ay kung ang legal avenues ay sarado dahil sa pambababoy ni Gloria ng ating batas, kailangan gamitin ang tools at our disposal para ipukpok sa mga lumalabag ng batas. Hindi naman labag sa batas na gamitin ang mga tools upang maideretso ang isang gawain ng isang institusyon na sa palagay natin ay talagan labag sa ating moral conviction at sa batas ng bayan.

  21. Emilio Emilio

    Marami ang hanga kay Vice Admiral Mateo Mayuga sa kanyang prinsipyo nguni’t ito ay biglang naglaho nang siya ay magpagamit sa administrasyon ni GMA.

    Pero hindi natin siya mahuhusgahan dahil mayroon din siyang ambisyon na gumanda pa ang pwesto basta sundin lamang ang iniuutos nina GMA at kanyang mga Generals.

    Hindi dito matatapos ang usaping ito dahil sa pagbubukas ng regular sessions sa Senado ay asahan natin na kakalampagin muli nina Senators Biazon at Pimentel sina GMA at ang kanyang mga Generals.

    Abangan natin ang mga darating na pangyayari.

  22. SA MGA GERM-NERAL NA NAG PAGAMIT SA KUMANDER CHEAT-A THIEF AY OO MAGANDA ANG PUWESTO MAPUPUNTAHAN NINYO AT INSTANT MILLIONER PA KAYO DAHIL TINULUNGAN NINYO ANG DAKILANG MAGNANAKAW SA PILIPINAS. PERO KAPAG KAHARAP NINYO ANG MGA IBANG TAO NA MAPA MAYAMAN OR MAHIRAP AT SIGURADONG ANG INI ISIP NILA AY “ETO NA ANG ISA PANG MAGNANAKAW” AT HINDI NGA LANG NILA MASASABI NG HARAPAN SA INYO MGA GERM-NERAL.
    GERM-NERAL MAY-LUGA HINDI NA BA KAYO NAAWA SA BAYAN AT ANONG KLASENG PMA KAYO NA NANGAKO NA ANG BAYAN ANG IYUNG PAGLILINGKURAN AT HINDI ANG ISANG BABABENG MAGNANAKAW. NAKAKAHIYA RIN KAYO DAHIL TINALO KAYO NG BABAENG MAGNANAKAW AT KAYANG KAYA KAYONG UTUIN AT UTUSAN AT GAWIN MASAMANG TAO. OKEY LANG KUNG SUSUNDIN NINYO AY PARA SA IKAKABUTI NG BAYAN AT OKEY RIN KUNG ANG BABAE ANG MAG UUTOS PARA SA KABUTIHAN KASO HINDI EH. HINDI NA KAYO NAG ISIP AT NAG HANGAD KAYO. MAY ARAW RIN KAYO AT TIGNAN NATIN KUNG SINO ANG HULING HAHALAKHAK…. TAPOS NA BA ANG SPECIALNA KULUNGAN NA PINAGAWA NINYO DAHIL DOON KAYO MAPUPUNTA (KITA NINYO MAS MABUTI PA ANG HANGARIN KO AT SA MAGANDANG KULUNGAN KO PA KAYO GUSTONG ILAGAY). MGA GERM-NERAL MAHIRAP KAYO PATI ANG PAMILYA NINYO AY NADADAMAY SA KAWALANGHIYAAN.
    DIYOS KO KAYO NA PO ANG BAHALA SA MGA HINAYUPAK NA ITO.

  23. anna de brux anna de brux

    Emilio, Vonjovi,

    What is truly sad (and maddening) is that these officers began their career with the most honorable of intentions: serve the country and serve it well even at the cost of losing their life.

    That they are mentally induced, morally forced to trade their sense of honor for a miserable political pat on the back as well as for what is now a morally worthless “pin” on their shoulders because of the general crookedness of our political system and the corruption that runs in the blood of our civilian leaders is downright degrading to the military insitution as a whole and discouraging in the extreme for the next generation of military officers of the nation already born and yet to be born.

    Having said that, I have no sympathy for a top ranking officer who, after a lifelong service to his country, chooses to dishonor his uniform and the tenet of military honor, integrity, valor and in so doing loses his moral courage just so he could cap his career with some dubious glory. What a terrible waste!

Leave a Reply