O, ayan. Hayagan na ang sabwatang Arroyo at Davide.
Nagtataka pa ba kayo kung bakit pinasumpang presidente ni Hilario Davide, Supreme Court Justice noong 2001, si Gloria Arroyo nang inagaw niya ang pwesto ng pagka presidente kay Joseph Estrada noong Enero 2001?
Sinumite na ng Malacañang sa Commission on Appointments ang nominasyon ni Davide bilang ambassador to the United Nations, kapalit ni Amb. Lauro Baja, balae ng yumaong si Sen. Robert Barbers.
(Sa kanyang kumpirmasyon, tatanungin kaya siya nina Sen. Loi Estrada at Jinggoy Estrada tungkol sa paglabag niya sa Constitution na pinasumpa niya si Arroyo na presidente kahit walang bakante sa Malacañang?)
Sinulat ko ito noong Enero sa Malaya dahil balita nga sa Department of Foreign Affairs na hiningi ni Davide itong posisyon bago pa siya mag-retire. Inis ang mga taga DFA dahil lampas na sa retirement age si Davide na dapat hindi pinapayagan sa ilalim ng Foreign Service Act.
Bago pa siya mag-retire, sinigurado na ni Arroyo kay Davide na kanya ang posisyon ng U.N. ambassador sa New York. Kaya lang bago, siya ipadala sa New York, hiningi muna ni Arroyo kay Davide na tulungan siyang takpan ang baho ng kanyang pandaraya noong 2004 eleksyon. Kaya ginawa siyang senior adviser for electoral reforms. Isa naman sa pagkukunyari ni Arroyo na hangad niya ang malinis na eleksyon.
Paano naman magkaroon ng reporma na nandyan naka-upo sa Malacañang ang number one na mandaraya. Nakalagay ba yan sa rekomendasyon ni Davide? Siyempre, wala.
Sa pagtanggap ni Davide ng posisyon kay Arroyo, kung ano man ang natirang kredibilidad ng Supreme Court nawala na. Kaya huwag na tayong umasa na makakuha tayo ng hustisya sa Supreme Court sa mga paglabag ni Arroyo ng Constitution katulad ng Calibrated Responsive Response na sumisikil sa ating karapatan magtipon-tipon, ang E.O. 464 na humaharang sa paglabas ng katotohanan sa mga imbestigasyon ng Senado, ang Proclamation 1017 na dagok sa ating demokrasya, at itong People’s Initiative ni Gloria Arroyo para siya manatili sa kapangyarihan habambuhay.
Ang laking ipokrito itong si Davide. Kahit na nilalakad niya ang kanyang appointment sa U.N. noon, sinabi niya sa media na ang plano raw niya kapag mag-retire na siya ay mag-farming.
Sabi ni retired Ambssador Hermie Cruz, ang sweldo raw ni Davide sa U.N. ay $30,000 (dolyar yan, ha) sa isang buwan. Kasama na raw diyan ang $20,000 sa housing at $10,000 na kanyang sweldo at allowance. Kaya mga $360,000 sa isang taon. I-multiply mo sa P51. Tumataginting na P18,360,000. Eighteen million, 360 thousand pesos.
Ang swerte namang farmer ito.
Ellen,
Sa simula’t simula pa lang ay ambisyosong politiko talaga iyang si Davide. Di nga ba’t tumakbo yan sa eleksyon nuon pa sa kanyang bayan. Hindi naman dapat talaga naging Chief Justice yan eh. Dahil palagay ko ay hindi sapat ang kanyang mga credentials para maging Chief Justice dahil hindi sapat ang kanyang experience as judge. Kaya hindi ako magtataka kung BOPOL siya mga desisyon nya sa Supreme Court. Nag-umpisa na ang KABULUKAN ng SC mula nang maupo siya! At ang KAPALMUKS nya na hingin ang pwesto bilang UN Ambassador ha. Baka naman may ‘aayusin’ siya duon sa pupuntahan niya!!!!
Ellen, bakit, di ba ang New York, malaking farm yan, maraming aanihin diyan. Kaya, let’s give Davide the benefit of the doubt, na sabi niya, once he retires, he will go into farming. Ayun, inumpisahan niya ang pagsasaka bilang pinuno nung commission ng electoral reforms. Tama nga na sinabi niya na revamp ng commissioners (pati chairman siempre) ng Comelec, ang problema, nagbulag-bulagan na naman sa katotohanan na ang numero unong dapat i-revamp ay ang office of the president.
Sino pa ba ang naniniwala na walang bahid kaipokritohan o kasinungalingan ang bawat galaw ni Gloria, ni Davide at ng mga alipores na sipsip sa Malacanang?
Ito namang si Angara, ang sarap sapakin, sinabi pa na sumasang-ayon siya sa cha-cha. Hay naku, ni hindi nga siguro sila marunong magwaltz, cha-cha pa!! hahhahah.
Nakakapika na talaga!!!
At siyanga pala, yung Daily Tribune, hanggang ngayon, di pa rin ma-access sa internet. Bakit kaya?
Just talked with Niñez. She said they are upgrading their website during these holidays.
Talagang walang respeto sa UN yan si GMA. Si Baja ay lampas din retirement age nung inappoint niyang UN ambassador. Ngayon si Davide naman. Hindi bale sana kung meron sinabi yun dalawa eh ang talento lang naman nilang dalawa ay humalik sa pwet ng nasa poder.
Ang sakit mo magsalita, Manuel. I like your essay on Favila and Sto. Tomas.
With Baja, at least you can say he is competent in foreign relations matters. But still he has no monopoly of competence. It still works against professionalism in the DFA.
It’s ironic that one issue against Baja is his past-retirement age. He is 69.
Davite is past 70.
An oldie being replaced by an older oldie.
I posted something about Davide’s holy week appointment here…
http://politicaljunkie.blogspot.com/2006/04/davide-appointed-to-un-post-during.html
Palagay ko mahirap makalusot si U.N. ambassador designate Hilario Davide sa Commission on Appointments (CA). Dadaan ito sa butas ng karayom. Malamang tanungin ni Senador Jinggoy Estrada at mga opposition ang tinatawag na “constructive resignation” ni Pangulong Erap noong 2001. Isa pa siya’y lampas dalawang kelendario sa edad 70 at ito’y labag sa Foreign Service Act of 1991. TKO ang laban sa CA.
PURO NAMAN KALOKOHAN ANG NANGYAYARI SA BANSA NATIN NGAYON. WALA NA BANG MATITINONG HUSGADO AT MATITINONG NAKA UPO SA GOBYERNO NATIN. PATI SA MILITAR AY PURO MANDARAYA RIN PARA LANG MAKA STAR SA BALIKAT. KAILAN KAYA NATIN MATITIIS ANG MGA ITO AT KAILAN TAYO KIKILOS PARA MAKABANGON SA BAHO. LAHAT NG BANSA AY NANINIWALA NA DINAYA NI ARROVO ANG ELECTION SA TULONG NG MGA HENERAL , SA MGA COMELEC, SA MGA HUSGAGO SA SUPREME COURT AT LALO SA MGA KOTONGRESS NA NAGLALAWAY SA BIYAYA NG NAKAW NA PERA. NGAYON ANG MAYUGA REPORT AY LUMABAS AT WALA DAW GINAWANG MASAMA ANG MGA HINAYUPAK NA HENERAL ( WALA PALA BAKIT NGAYON LANG NILA NILABAS,, DAHIL NGAYON LANG NILA NAKUMBINSI SI MAYUGA PAGKATAPOS MALAGYAN NG STAR SA BALIKAT PARA HINDI MAGSALITA). IKA NGA NG LOLO KO MGA HINAYUPAK NA LINTEK KAYO.
Alam kasi nila bakasyon ang mga tao, kaya walang reaksyon. They are hoping that come Monday, luma na ang Mayuga report story at makalimutan na ng lahat.
EH DI BA NILAKAD DIN NI DAVIDE ANG APPOINTMENT NIYA PARA MAGING CHIEF JUSTICE! SI LUCIO TAN ANG NILAPITAN NIYA PARA MAGING PADRINO!!!
Ang nakadadami nating mamayan ay maniniwala na ngayon na
ang “constructive resignation” doctrine na ginamit upang
alisin sa katungkulan si Erap Estrada ay bunga ng kasunduan
nina GMA at Davide. Ang puwestong embahador sa UN ay
kabayaran kay Davide sa kaniyang imbensiyon.
Kailangang magkaisaisa ang oposisyon na hadlangan sa Commission on Appointments ang nominasyon ni Davide.
re-cycle ito sa wastong lugar:
jay cynikho Says:
April 12th, 2006 at 5:25 pm
Oy appointed na ba si Davide as
permanent rep natin sa UN? Wala
na ba tayong taong may dangal na
puedeng ipadala sa UN?
Although UN is a huge organization,
ang lakas ng tsismis diyan, alam nila
ang record ng mga opisyal at empleyado
diyan, pati kanilang kamag anak at
bakit sila napadala sa UN. Si Paeng
Salas na nagbigay ng self-sufficiency
sa Rice noong mid sixties, na iniwan
si Marcos ang pinaka respetadong
Pinoy sa UN, si CPR may bahid pang
brown American.
Si Davide pag natuloy sa UN, magiging
paksa lang ng bulung-bulungan sa UN,
kahit na sabihin niyang dating Chief
Justice siya. Pagtatawanan lang siya
sa likod niya.
Si Kofi Anan, may bahid na dahil sa
anak niya, maaring hindi na ma renew
ang pagka SG niya.
manuelbuencamino Says:
April 13th, 2006 at 11:33 am
Talagang walang respeto sa UN yan si GMA. Si Baja ay lampas din retirement age nung inappoint niyang UN ambassador. Ngayon si Davide naman.
KAYA NAMAN SA UN BASAHAN ANG FILIPINO.
MABABA ANG TINGIN SA ATIN NG MGA TAGA
UN DAHIL BULOK ANG NAKIKITANG NILANG
IPINADADALA NATIN, SA HEADQUARTERS
PA NAMAN. SI GLORIA LANG ANG GUMAGAWA
NIYAN. NAPIPILITAN LANG SI GLORIA
DAHIL KAHIT NA MALIIT NIYANG KILOS
AY BAYAD UTANG, O KAYA AY PAMBAYAD
NAMAN PARA MANATILI SIYA PWESTO.
HINDI BA SI GLORIA MISMO NAGSABOG
DIN NG KAHIHIYAN SA UN NOONG HULING
PUMUNTA SIYA DOON.
Si Davide ay in-appoint ng pekeng Presidente so papano lulusot sa CA. Kung ikinokonsidera natin na si Punggok ay Peke, dapat lahat na ina-appoint niya o ginagawang batas ay dapat ibasura lang. Ang dami na nating sinasabi o pinag-ngangakngak, dapat ang unang gawin natin ay palayasin ang pinakawalang kuwentang tao sa buong mundo. First in History of the World na may Presidentiable na humihingi ng 1M na dagdag sa kanyang boto sa isang Election officer. Only in the Philippines. Hindi tama ang pag-so-sorry niya, dapat lang siyang mag-resign. Tama ka Ellen insulto talaga sa atin na sabi wala daw ipapalit sa kanya. In the first place, bakit siya papalitan? Hindi naman ibinoto yan.
Kung in-aapoint yang Davide na yan ng tunay na Pangulo, tanong bakit siya pa? Amoy lupa na yan kasama na rin yong mga Tongressman at Senatong na nakaupo pa mula pa noong panahon ni Pres. Marcos. Please naman mag-resign na kayo lahat. Kayo ang ugat ng kanser na name-merhuwisyo sa ating Bansa. Kumalat na ang kanser na yan at isa na diyan si GLORYA. Tapos mag-uugat na naman yan at kakalat. Papano pa makakaligtas ang ating Bansa?????
ETO NA SIGURO ANG PINAKAMABIGAT NA KRIMEN NA NANGYARI DITO SA LUPA. HINOSTAGE NIYA ANG BUONG BANSA (86M TAO) SA TULONG NG MGA NAKAKATAAS. PINA-ALIS NIYA YONG PRESIDENTE AT IDINEKLARA NIYANG SIYA DAW ANG PRESIDENTE. KUNYARI MAY ELEKSIYON PERO ANONG GINAWA NIYA, DINAYA NIYA. NGAYON GUSTO PANG MAGING PRIME MINISTER FOR LIFE. HELLLLLPPPPP …. ANYBODY THERE TO HELP US????????????
Papaano makalulusot si Davide
sa CA? May tiwala pa ba kayo sa
Congreso ng Pilipinas? Papaano
nakalusot si Angelo Reyes, Si
General Palparan, si Hello
Garci? Baka otsenta posrsiyento
nakalusot sa CA, di makakalusot
king mag a apply na security
guard sa Australia.
May tiwala pa kayo sa Congreso,
sa COMELEC, sa Supreme Court,
sa BUONG GOBIERNO NI GLORIA?
Dapat isumbong natin si Punggok sa HAGUE yon kung saan nilitis si MILOSEVIC. Ano ang crime na ginawa niya, alam ko na OPPOSITION CLEANSING. Nauna na si FPJ at yong mga liders at mga reporters …. who’s next … we don’t know .. para lang matigil na yang Punggok na yan at bago maubos ang mga taga-oposisyon. Mahirap na.
Kasi pag wala ng oposisyon di wala ng dada ng dada. Para silang mga manok na putak ng putak. Pag me bagong batas o ginawa si Punggok puro hinaing na naman ang nababasa parang wala na talagang tama. Pero talaga naman, kahit gaano kaganda ang plano ni Punggok, sino ang maniniwala sa kanya. Si Bunye, Defensor at Ermita lang ang naniniwala sa kanya.
Tama yong isang kasama natin dito sa Blog ni Ellen na ang sabi, dapat meron na silang itapat kay Punggok. Hindi yong kanya-kanya. Kita niyo yang sila Lacson, Golez strike & go sila. Nakikiramdam lang sila. Ala rin silang kuwenta. Etong Pimentel pa puro ngakngak ng ngakngak. Yang si Enrile, puro yong mga illegal na business niya lang ang kanyang prinoprotektahan. Si LAPID … hahahahahaaha … anong ginagawa mo diyan sa Senado?
Panindigan niyo kung ano ang ipinaglalaban niyo. Kagaya ni NINOY. Dapat kung ano ang paninindigan ni NINOY noon ay dapat doblehin o triplehin niyo dahil tong Pekeng Presidenteng ito ay mas BRUSKO pa kay Pres. Marcos. Hawak niya lahat sa bayag ang mga Secretaries at Generals na nakapaligid sa kanya. Hawak yata ng mga taga oposisyon e yong peks lang nila.
” DAVIDE AND RULE” DOCTRINE. That is the new invention of
GMA in governance. The doctrine has an ironic twist.
a) A duly elected president, Erap, was removed from office
under the fabricated doctrine of “constructive
resignation.”
b) What should have been an illegal act, removing a duly elected public official, was declared legal under the
constructive resignation doctrine.
c) Erap, the official removed from office by extra-legal means, is now facing charges of plunder.
d) The ironic twist is evident. Now the person who concocted the constructive resignation doctrine, has put himself in a position were he can plunder the public treasury based on his illegal appointment as Ambassador.
He is over 70 years old in violation of Sec. 23, RA 7157.
Davide, at the rate of $30,000 per month in emoluments, will
have received the neat sum of Php78 million pesos if GMA
lasts until 2010.
Thus Davide who is instrumental in effecting the plunder case against Erap, is now the one who is going to plunder the public treasury.
I believe former Supreme Court Justice Hilario Davide put her in office and so it’s logical for Gloria’s bayad utang na loob. Unfortunately, its payback time at the expense of people’s tax money.
i pity chief justice davide if he accept the offer ng maliit na tao sa malacanang…what honor will he get than being a (former)chief justice of the republic? money? lets just see what will happen in the next days or weeks…because it would become pretty obvious to the people that he sworn arroyo into power because of that lucrative offer…despite erap’s claim that he did not resign but merely went on leave…davide recieved a copy of that “leave”? well people has the final say?
Bilib talaga ako sa kaDEMONYOHAN itong pandak sa Malakanyang. Gusto niyang ilagay yang BOPOL na Davide na yan para pagtakpan siya sa UN community at siyempre gawin niyang cosmetics. Wala na talagang pag asa ang Pilipinas kung pati itong sira ulong Davide na ito ay makakalusot pa sa commission on appointments.
Paano magpa-farming si Hilarious Davide ay ubos na ang “fertilizer fund”? Hmm., kayo naman ang bilis nyong maniwala. Noon pa man ay hayagan na ang sabwatang gloria/hilarious. Sa kapal ng mukha ni davide lahat ng kahihiyan gagawin niya, makuha lang ang mga biyayang tinatamasa din ng mga walang dignidad na generals. Money talks!!! Satan works!!! gloria’s allies rejoicing!!!! Pasasaan ba at pagbabayaran din nila lahat ng mga pambabastos nila sa Saligang Batas, pang-aapi sa mga tao, pag-alipusta sa Inang Bayan at higit sa lahat ay ang kanilang mga pagsisinungaling, pandaraya, at pagnanakaw. Mamatay silang walang madadala kahit piso, iiwan nila ang mundo na lalait sa kanilang pagkatao, iiwan nila ang kanilang mga anak at apo na ikahihiya sila. Higit sa lahat, tatamuhin nila ang hatol ng ikalawang kamatayan-doon sa dagat-dagatang apoy. Tuwang-tuwa si Satanas, mga justices, mga doctorates, mga lawyers at mga pinagpipitaganang (kuno) mga tao ay naloko niya. Dark years of Philippine history–the gloria era.
Davide has lost credibility. He is as trapo as Arroyo and JDV.