Skip to content

Hindi magandang ehemplo

Sorry sa mga fans ni Manny Pacquiao ngunit nawalan na ako ng gana sa kanya.

Unang-una, yung kanyang pagsuporta kay Gloria Arroyo. Pangalawa, ang kanya pambabastos kay Joanna Bacosa, kung saan may anak siya.

Kahanga-hanga sana si Pacquiao sa kanyang narating na tagumpay mula sa isang simpleng buhay. At talaga namang tiyaga at sipag ang kanyang ipinunla para makamtan niya ang kanyang tagumpay ngayon.

Ngayon tinitingala siya ng buong bayan. Ngunit maganda ba talagang ehemplo si Pacquiao para sa Pilipino?

Mahalaga sa sports ni Pacquiao ang walang dayaan.Kaya nakapagtataka kung bakit pumayag siyang magpagamit sa isang mandaraya.

Pagkatapos ng kanyang matagumpay na laban kay Eric Morales, hinikayan niya ang taumbayan na magkaisa kay Arroyo? At bakit? Parang sinabihan niya ang mga taong dinaya ni Arroyo noong 2004 eleksyon na kalimutan na lang na dinaya at suportahan ang nandaya.

Kung siya kaya ang dinaya sa kanyang laban, ganoon din ba ang gagawin niya? Di bamagpu-protesta siya o kaya humigi ng re-match?

Ito namang kaso ng anak niya kay Joanna, ang laki namang insulto ang ginagawa niya kay Joanna na ngayon ay kailangan pa ipa-DNA ang bata. Parang sinasabihan niya si Joanna na nanlalaki.

Hindi naman dini-deny ni Pacquiao ang mga kuwento at litrato na nilabas ni Joanna na kasama pa niya ang bata. Ngayon hindi siya sumisipot sa hearings sa korte, ayaw niya makipagkita sa mag-ina. Ayaw niya ngang kausapin.

Anong nangyari sa kanya? Nabalutan na ang konsyenya ng yabang at pera?

Alam ni Pacquiao na anak niya ang dalawang taong bata. Kung dati kinilala niya at binigyan pa niya ng pera, bakit tinalikuran niya ngayon? Bakit biglang kailangan ang DNA ngayon? Dahil pa milyunaryo na siya at ayaw ng pamilya niyang makinabang ang anank niya kay Joanna?

May rason na magalit ang nanay ni Joanna na si Marissa Bacosa-Yamamoto. Pupuntahan niya si Pacquiao sa America kung saan nagti-training para sa susunod niyang laban. Siyempre mahirap ngayon makausap si Pacquiao at napaligiran ng maraming tao.

Madali para kay Pacquiao ngayon na hindi pansinin si Joanna at ang kanyang anak dahil sikat siya. Malahal siya ng media. Pinapalakpakan siya. Ngunit hanggang kailan ba siya sikat at champion. Hindi naman habang buhay.

Ang kanyang anak ay tao. Sariling dugo niya. Paano naman maatim ng konsyensa niya na naghihirap ang bata samantalang masarap ang buhay niya? Dapat matakot siya sa karma.

Published inWeb Links

22 Comments

  1. di pa man nanalo si pacquiao, parang
    nahulaan ko na, di pa man nabibisto yung
    anak niya sa labas. ang basihan ko
    ay ang tanging handler ni pacquiao, kaya
    naman binild ap siya ng media.

    magkano kaya ang ibinabayad niya
    BIR tuwing mananalo siya; nandoon
    ang lakas ng protector niya, gagawin
    pa siyang politiko. the corruption of
    pacquiao is a done thing. if he does
    not cooperate he is done dog.

    si pacquiao is the latest victim ng
    ating bulok na sistema, ng mga bulok
    na malalakas at makapangyarihan.
    isa siyang kasangkapan na madaling
    pakinabangan. nalasing si pacquiao
    sa adorasyon ng mga tangang Pinoy.
    sabi ko nga noon, paano naging bayani
    yan ay nanalo sa boksing yan, ni
    walang iniuwing championship belt.
    non-title bout yun laban niya.
    daming estupido sa media at sa
    elitong tao natin.

    sa atin lipunan, nagkalat na ang
    mga putok sa buho. ayun may umpisang
    contribusyon na si pacquiao, dadami
    pa yan pag naging politiko yan.

  2. Tedanz Tedanz

    Puwede ba huwag na nating pagusapan ang taong yan. Araw niya ngayon bukas hindi na. Gaya ni GLORYA. Ganyan lang naman ang buhay, pero yong Pacquiao na yan wag ng pansinin. He’s nothing!!!!!

  3. goldenlion goldenlion

    Hindi ko suportado ang pangalawang laban niya ke Morales. Wala na akong gana sa kanya kasi nagpagamit siya ke Mike at Chavit, tapos sumigaw pa siya ng “mabuhay ang prisidinti” magdusa siya. Itanggi baga ang sariling anak?? Iyan kasi ang napapala, dumikit siya ke gloria, eh virus iyong si pandak. Ayan, sira na ang credibilidad ni Manny. sorry, guy. suntukin mo na lang kaya ang mga hayop na nakapaligid sa iyo!!!

  4. myrna myrna

    Hay salamat, at naka log in na ako sa blog na ito. Several times I attempted na mag log in, di talaga. Bakit kaya?

    Anyway, talking about Pacquiao, oh well, mukha ngang naging idolo niya na ang dalawang satanas na si Pidal at Singson. Kangino pa ba siya magmamana? Ang itakwil ang kanyang anak na alam niyang kanya, nang dahil sa pagkaganid sa pera ay isang halimbawa kung hanggang saan magiging bulok ang kanyang pagkatao.

    Ang nagagawa nga naman ng pera…..

    Personally, kahit hinangaan ng mga pilipino si Pacquiao dahil sa pagkapanalo niya sa isang non-title bout, ni hindi man lang ako nakumbinsi. Ano ba ang nagawa niya sa mga kapwa mahirap na pareho niya dati? Sumipsip pa siya sa prisidinti niyang unano?

    Ah ewan….

    Ellen, hayaan na lang nating karma ang humusga sa kanya. Lalaki rin ang anak niya, at balang araw, tingnan natin kung anong mangyayari pag ubos na ang pera niya. Hanggang kailan ba siya mananalo sa mga labanan? Hindi naman habang buhay talaga…..and that we do know as a fact!

  5. Para sa Kanto Mama Para sa Kanto Mama

    Sports figure lang si Pacquiao at hindi bayani. Parang mga OFWs na kunwa’y ginawang bayani ng pamahalaan dahil daw sa sila ang nagpakahirap sa labas ng bansa para kumita ng dolyar na siya namang tumataguyod sa ating bansa. Sa tutuo lang, nagsilabas sila dahil walang oportunidad dito sa Pilipinas. Wala silang choice. Wala rin silang choice na tanggihan ang pagsisinungaling ng pamahalaan na tawagin silang bayani.

    Walang bayaning nakipagsuntukan ng hindi nakataya ang kalayaan ng bayan. Ilang beses na siyang nagwagi nguni’t di pa rin tayo nakalaya sa sumpa ng duwende. Sa halip nga, tuwing mananalo siya, ipinagdidiinan pa niyang makiisa ang mga Pilipino sa duwendeng nagpapahirap sa kanila. Isa siyang sports figure na ginawang manok ng mga politiko upang mapagpustahan. Ginawa rin siyang entertainment figure upang may mapaglibangan ang mga taong namumulat na sa baho ng pulitika. At siyempre pa, ginawa rin siyang isang idolo para mahilig magbasag ng mukha ang mga mahihirap laban sa kapwa mahirap kaysa magsalita laban sa pamahalaan.

    Hindi masamang hangaan ang tapang niya sa ring. Boksingero si Pacquiao. Sa ibabaw ng ring ang suwerte at malas ng isang boksingero. Sapat ng palakpakan siya habang nakikipag-suntukan sa ring nguni’t hanggang duon na lamang. Huwag na nating patulan si First Gentlemoney at Moneyla Mayor na nagsasabing bayani si Pacquiao. Ang target naman nilang maniwala sa kanila ay ang mga nagugutom nating mga kababayan. Tayo, hindi nila inaambisyon na maniwala sa kanila. Boksingero din sila. Alam nila ang pipitsugin sa de-kalidad na boksigero.

  6. Bong Bong

    Bago husgahan iyong taong it,MANNY PACQUIAO, mabuti pa magsalamin kayo at tignan nyo naman ang sarile nyo mga kababayan.Marami na kayong nasabi dito sa simpling taong ito (na mas papolar pa sa presidente na hingaaan nyo, aka artista)pero di nyo maalis na sya ang nakapagdulot ng di maimagine na katanyagan ng Pilipinas sa mundo.Naawa ako sa inyo mga kababayan na nagsasabi ng mali sa isang taong hero sa sports. sa harap ng salamin, magtanong kayo sa sarile nyo. at ito tulungan ko na kayo sa isang tanong ” ano ba nagwa ko sa lupang ito na ikakarangal ng Pilipino? Puro kayo daldal lang. Ni sa kalye yata di kayo makapulot ng basura . mabuhay si paquiao.

  7. Bong Bong

    Bong implies to Emilio Mason, OCW Taiwan

  8. Bong Bong

    Nakita ko ang mga nagkomento dito mga taga hanga ng dating presidente Estrada. Mas makakagawa kayo ng pangalan pag nakomento kayo doon sa mga gawain nyang pabababae. Nadyan kaliwa, kanan, harap, likod, taas, baba, su ginoo. Huag na kayon magmalinis pa, Mas brutal ang sa inyo kaysa sa IDOL ng PILIPINO sa sports. May aangal ba?

  9. anna de brux anna de brux

    Personally, I believe we should leave Pacquiao alone. He is not a member of congress and has no influence on national politics and decisions.

  10. Sagot kay BONG

    Bong, grade one pa lang ako tinuruan na akong ng nanay kong magsalamin araw-araw, para makita kung may dumi sa mukha ko. Si erap muntik ko nang maka eskuela, noon pa man hindi ko siya hinangaan, nang maging presidente siya galit din ako tulad ng marami sa kakulangan niya ng moralidad. Marami ding tulad ko Bong, na hindi nagising at pinalaki ng dirty money.

    Ako’y naging OCW rin. Di man ako nakapagbigay ng katanyagan sa mundo ng ating bayan, sa mga nakilala ko at nakilalang mga
    opisyal at kawani ng gobierno sa abroad, sa pagkatao ko tulad ng maraming OCW, nakilala nila ang mga Filipino pala ay honest, marangal at may integrity Natural lang na meron Pinoy
    iba ang sirkumstansya ng buhay kaya nakukulong sila. Pero mas marami ang marangal sa OCW at dito sa atin napakarami din, setenta porsiyento ang marahil ay hindi nabahiran ng dirty money ng corruption. Sila yung mga mahihirap sa kabukiran at sa kabundukan na ating katutubo.

    Ang tulad namin BONG ay may karapatang
    mag dada at mag dadakdak laban sa mga buhong sa ating bansa.

    Tumingin ulit ako sa salamin, sa buhay ko nasunod ko ba ang sampung utos na diyos? Hindi ako nagnakaw, hindi ako nandaya, I have not committed adultery, wala akong anak sa labas. Hindi ako yumaman, hindi ko nakuha
    ang mataas na pwesto sa pamahalaan sapagka’t iniwasan kong ipagpalit ang dangal na minana ko sa magulang ko. sa marangyang walang kwentang buhay.

    Bong, ikaw ba tumitingin din sa salamin araw-araw? Anong bang katanyagan ang naibigay mo sa bansa natin? Meron tatlong sumusulat dito: isang OCW, isang middle class, at isang concerned citizen. Tulad mo, parang
    pareho ang dating ng galit nila. Parang peke din tulad ni Gloria. Sabihin mo lang sa amin na hindi ka pakawala ni Luli at maraming rerespeto sa mga sinasabi mo.

  11. anna de brux anna de brux

    To Bong, I say you are getting it all wrong.

    You must join the crusade against Gloria Macapagal.

    This crusade here is NOT AGAINST ESTRADA but AGAINST GLORIA MACAPAL-ARROYO.

  12. badong badong

    Manny, sayang ka. Nagpapagamit ka sa mga dorobo. Talagang ang utak mo ay nasa kamao mo lang. It hurts but that’s the truth. Wala na akong ganang magbayad ng $50 para lang mapanood ka sa HBO. Dapat ang title ng kanta mo ay “Para sa iyo ang sustentong ito” at idedicate mo sa naaanakan mo sa labas. At kung puwede lang, huwag ka nang kumanta.

  13. pabayaan na lang ninyo si Manny dahil hindi naman habang buhay ay palaging nasa ulap siya. Alalahanin ninyo na may bisyo siya (Sabong ,babae etc) kaya babagsak rin iyan dahil hindi naman marunong humawak ng pera at hayaan na lang natin siya. MArami naman na dengoy ang mga arrovo at naloko kaya hindi na iba kung nagagamit si Manny.

  14. johnmarzan johnmarzan

    the worst thing manny pacquiao’s handlers did was to allow pacquiao be used as a propaganda tool for the administration.

    the managers should have told mike arroyo, “thanks for the financial support, pero off limit ang politics sa kanya. I hope you understand, Big Mike.”

  15. ystakei ystakei

    Isang nalaman ko kay Pacquiao mismo ay ang pagsusugal niya at balak na pamamahala ng ipapalegal na lotto ng mga Pidals bilang gantimpala sa pagtataguyod niya ng mga magnanakaw at mandarayang ayaw nang umalis sa Malacanang!!!

    Katwiran niya ay nakikinabang din siya sa kanila. Wow, breakfast sa Malacanang kasama ng kaniyang buong pamilya at priority sa mga bet sa kaniyang laban ang matabang ungas na akala mo talagang si Pacquiao lang ang pakay kapag nanonood ng kaniyang laban. Aba lahat ng mga nasa junket nga nakabet din courtesy ni Pandak na binabawi sa balato ni Pacquiao!!!

    Direct line daw siya sa Malacanang!!!

  16. ystakei ystakei

    FYI, marami nang lumalabas na artikulo sa mga dyaryo tungkol kay Pandak dito sa Japan. Apparently, Japanese newspapers are not buying propaganda by her lobby agent in Japan paid highly with funds coming from the Philippine treasury, and OWWA fund!!! Bistado na ang ungas ayaw pang bumaba. Ang kapal naman talaga!

  17. florry florry

    HAPPY EASTER muna sa lahat!

    Tedanz, you’re right . Pacquia is NOTHING!
    Sabi nga ni ellen sorry sa mga tagahanga niya.Pero totoong asar na ako sa kanya dahil sa kampi nya si Gloria arrovo PIDAL.

  18. mar mar

    hi po,
    kakilala ko po c joanna bacosa..
    na meet ko sya dito sa japan,mag kapitbahay po kami ngayon dito.. dati ayo kung maniwala na anak nga ni manny ang anak nya,pero nong nakita ko,kamukha talaga ni manny ang bata.
    sa ngayOn andito si ate joan sa japan,kasama mama nya.
    salamat po..

Leave a Reply