Skip to content

Namumuro na si Gloria Arroyo

Sunod- sunod na ang dagok kay Arroyo ng mga institusyon na noon ay ayaw maki-alam sa kanyang pambabastos sa taumbayan.

Noong Miyerkules naglabas ng editorial ang ma-impluwensyang New York Times na nagsabing madilim na araw para sa demokrasya ang nangyayari sa Pilipinas sa mga pinaggagawa ni Arroyo mula sa mga alegasyon na nandaya siya sa eleksyon, sa kanyang paglabag ng karapatang pangtao, at sa kanyang pag-usig sa media.

Hinikayat ng New York Times si President Bush na warningan si Arroyo dahil kapag nasira ang demokrasya dito sa Pilipinas at magkagulo, maapektuhan ang kanilang kampanya laban sa terorismo.

Nakikipag-partner ang U.S. sa pamahalaan laban sa terorismo, na siyang pangunahing isyu para sa pamahalaang Bush. Kapag terorista rin ang tingin ng mamayaang Pilipino kay Arroyo, anong mangyayari sa kanilang kampanya?

Kahit sabihin na ang New York Times ay pribadong pahayagan, marami nang ehemplo katulad ng panahon ni Marcos, na dinadaan ng pamahalaan ang kanilang mensahe sa diyaryo. Alam nina Arroyo yan kaya nangingining ang kanilang tumbong sa editorial ng New York Times.

Hilong-hilo pa ang Malacañang sa banat ng New York Times, nandito na naman ang pastoral letter ni Jaro Archbishop Angel Lagdameo, presidente ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, na nagpahayag ng kanilang pagka-alarma sa garapalang pagbaluktot ng Constitution sa ginagawang People’s Initiative kuno ng Malacañang.

Tumbok ni Lagdameo ang sitwasyon sa kanyang sinabi na ang mga pirma na pinagyayabang ng mga tauhan ni Arroyo na basehan ng Charter Change ay kinukulekta kahit hindi naiintindihan ng mga tao. Kulang na lang sabihin ni Lagdameo na lokohan ang nangyayari.

Sabi ni Lagdameo hindi tutol ang CBCP sa Charter Change ngunit ito ay dapat para maging magkaroon ng tototong reporma sa ating pamahalaan at para sa kabutihan ng taumbayan, lalo pa ang mga mahihirap.

Kaya lang sabi ni Lagdameo, “It seems that the changes as they are being proposed now will benefit mainly those who already hold positions of power and privilege in the current political system. (Parang ang lumalabas, ang mga pagbabago na gusto nilang isulong ay para lamang sa kabutihan ng mga nasa kapangyarihan ngayon).”

Dati kasi nagdi-distansya ang mga obispo sa krisis pampulitika at tuwang-tuwa naman si Arroyo dahil yun raw ang utos ni Pope Benedict XVI. Ngayon, sabi ni Lagdameo, “”The Church must not remain on the sidelines in the fight for justice.(Hindi maaring mannood lamang ang simbahan sa laban para sa hustiya.)”

Ang pagpahayag ng Estados Unidos at Simbahang Katoliko ay masasabi nating simpleng pagtulak kay Arroyo na sana naman ay bumitaw na siya bago magkagulo. Siguro kung hindi pa siya makinig, baka sipa na ang susunod.

Published inWeb Links

37 Comments

  1. ANG MGA PUMIRMA SA YES FOR CHA-CHA AY MGA WALANG UTAK NA TAO, NI HINDI NILA INALAM KUNG ITO AY PARA SA BAYAN OR PARA KAY GLORIANG MAGNANAKAW LANG. KAYO RIN KUNG TATAGAL SI GLORIANG MAGNANAKAW SA GOBYERNO AY LALO LANG TAYO LULUBOG AT
    ANG MGA ALALAY NILA AY PATULOY NA MAGIGING MILYONARYO DAHIL PATULOY PA RIN SILA MAGNANAKAW. KAYA SA MGA PUMIRMA PARA SA CHA-CHA AY PURO KAYONG MGA SIRANG ULO AT WALANG UTAK…. KUNG SABIHIN NI ARROVO PIDAL NA KUMAIN KAYO NG TAE NIYA AT BABAYARAN KAYO AY GAGAWIN NINYO. PURO KAYONG MGA TANGA (ANG PRO-CHA-CHA).

  2. THE KUMANDER CHEAT-A THIEF…….. SOBRA NA KAYO…. MAY PA SIGAW NG BAYAN MOVEMENT PA KAYO. IBIG SABIHIN NG SIGAW AY …
    S-SALOT
    I-INANG
    G-GLORIA
    A-ARROVO
    W-WALANGHIYA

    N-NANGURAKOT
    G-GINAGO

    B-BINULSA
    A-ANG
    Y-YAMAN NG TAO
    A-AT
    N-NANGLOKO

  3. peace4all peace4all

    namumuro na ang “Magna-(cumlaude)nakaw” at malapit ng bibinggo ang mga mamamayang pilipino kapag nasipa palabas sa kanyang kastilyong buhangin.

  4. peace4all peace4all

    Kumakalabog na ang dibdib niya sa mga isunulat ng new york times laban kay “donya”,malas niya hindi niya mabayaran at ma-arrest ang mga taga new york times.

  5. Emilio Emilio

    Wala naman nagsisisi sa simula. Palaging sa huli ang pagsisisi. Ang lahat ng kaguluhang sa bansa ay dahilan sa dalawang tao – sina Raul Gonzales at Francis “Mr. Noted” Pangilinan. Si Raul Gonzales ay nasa maganda ng poder dahil sa ginawa niyang pagmani-obra sa pagdinig ng bilangan noon sa Congress, iginantimpala sa kanya ang (In)Justice Secretary position. Samantalang si Mr. Noted ay nagngangangawa ngayon sa Senado sa mga pinag-gagawa ng kanyang pinagsilbihan dahil hindi siya naipuwesto, eh.

    Kung pinagkinggan at inimbistigahan ang mga reklamo noon ng mga kinatawang manananggol ng mga nagrereklamong mga kandidato sa dayaan ng halalan noong Mayo 2004 kaysa sabihin na “Noted!” ay hindi natin nararanasan itong mga ganapan na ito! It’s too late, Mr. Noted – you don’t cry over spilled milk! See what you’ve done!

    Mabuti naman at sumambulat na sa buong mundo ang kabuktutan ni GMA at ng kanyang administration. Simula pa lamang iyan at hindi diyan matatapos.

    Napapanahon na ngayong Cuaresma ay baka magtika si GMA at ang kanyang mga alipores. Di ba madalas sabihin ni GMA na maka-Diyos siya? Malay natin gigising tayo bago mag-Easter Sunday at sabihin niya na kina-usap siya ng Diyos at sinabi sa kanya na tigilan na niya ang patuloy na pagpapahirap sa Lahing Kayumanggi – BUMABA NA SIYA NG PWESTO! BILIS!

  6. emilio,

    nabumbo mo sa ulo ang pako, you hit
    the nail on the head wika nga.
    talagang leader si Gonzalez at si
    pangilinan sharon, sa pagdaraya sa
    85 milyones na Filipino. leader din
    ang dalawang yan sa pagwasak ng katiting
    na dangal na natitira pa sa kongreso.
    kasunod nila ang lahat ng miembro
    ng canvass committee.

    sa paghuhukom ng bayan dapat magtago
    na ang dalawang yan at miembro nila sa
    kanilang pinangalingan. Pag nasampol
    ang dalawang yan, baka tumino ng
    kaunti ang kongreso.

  7. pinoy_gising pinoy_gising

    The much-revered British-based Financial Times has also slammed Gloria in its April 4, 2006 editorial, which said:

    “”Flawed individuals and constitutions, not inappropriate political philosophies, are to blame for the latest crises afflicting the democracies of south-east Asia. The problem with Gloria Macapagal Arroyo, the Philippine president, is not democracy but the way she subverted it by secretly talking to an election official during vote-counting in 2004 and refusing to explain herself when damning recordings of her telephone calls were leaked.”
    http://news.ft.com/cms/s/cfc7048a-c376-11da-a381-0000779e2340.html

    Isama pa natin ang Asian Development Bank, which refuted most of GMA’s deceptive economic claims.

    Plus the fact that the new US ambassador Kristie Kenney had a closed door meeting with Senate President Drilon. We can only imagine the juicy things that Drilon revealed to her.

    The noose is tightening.

  8. Tedanz Tedanz

    Sabi daw ni GLORYA “Appoint men of integrity and capability to the Commission on Elections in order to make the poll body credible once again”. Alam ba niya ang sinasabi niya???? May amnesia na yata siya. HELLO GARCI!!!!
    Aling GLORYA pupuwede ba mag-bigti ka na lang. Walang naniniwala na sa iyo kahit anong sabihin mo. Lalo mo lang pinapalubog ang aming Bansang Pilipinas. Lahat ang galaw mo kailangang may lagay kaya tuwang tuwa sa iyo ang mga Tong-ressman na nakapaligid sa iyo. Para kang nagpapakain ng mga manok Aling GLORYA.

  9. luzviminda luzviminda

    Namumuro na talaga si Gloria! Ilang baraha na lang ang hawak niya at malalantad na ang mga kartada. At sa huli, paglabas ng kanyang baraha…SIYA AY BOKYA!!!!!!

  10. bfronquillo bfronquillo

    Actually Ellen, matagal nang PURO si Gloria sa atin, pero IWAS PUSOY SIYA. At hanggang ngayon ay nakakalusot pa siya. Pero hanggang kelan siya makakaiwas?

    Nakapaglaro ka na ba ng TAGUAN (Hide & Seek), Ellen? Hanap nang hanap ng mapu-pung si Gloria, pero ang hindi niya alam ay iniwan na siya ng lahat ng mga kalaro niya. Bagoong na siya. Madilim na ang paligid subali’t naglalaro pa rin siya. Isang araw ay mayroong bubulaga na lamang sa kaniya.

  11. goldenlion goldenlion

    Matagal nang bingo sa akin iyang si gloria. Hinahanting ko na nga siya. sige na nga, kahit medyo late na ang pastoral letter ng CBCP, natutuwa na rin ako kasi sa wakas nagising sila. Ang tagal!!!! o baka naman talagang nagtulug-tulogan sila noon. Ang Iglesia ni Cristo, gising at mulat din at binigyan na instruction ang mga miyembro para ibasura ang PI ni gloria, kaya lang ayaw magbigay ng pahayag sa publiko. Talagang manginginig ang tumbong ni sinungaling, mandaraya at magnanakaw na gloria sampu ng kanyang mga bulag at makakapal na tagasunod. E di tingnan natin kung hanggang saan ang kakapalan nina Defensor(mike), Raul G. Ermita, Bunyeta, Esperon, Puno, etc. Hay naku!! ayaw ko nang isulat kung sinu-sino sila sayang ang space. Pwede ba magbalo-balot na kayo, mga kampon ng kadiliman!!! Banaag na ang liwanag, huwag ng hintaying lumaganap ang umaga, dahil baka kayo ay matunaw at kumalat pa ang inyong mga dugo sa lansangan. Magiging mabaho ang bayan. Bitaw na!!! Alis na dyan sa malacanang.

  12. jinxies jinxies

    10 April 2006

    In today’s issue of most newspapers, de castro has been mentioned as one of the best leader to lead us. I would agree with that, IF, only if, he would make his stand today, regarding the issues that surrounds gloria legitimacy, etc…

    Fact is de castro is clinging to gloria’s skirt, shows that he cannot make a decision or contradict gloria, de castro is afraid of getting the wrath of gloria.

    Fact, if the so called “wednesday club” of his (members, joker, pangilinan, recto and villar) would only pressure de castro, things might have been different nowadays.

    But as I said only “IF” he would make a stand.

    De castro seems to only mind his political survival, he claims that he is not a politician. May we remind him, during his TV patrol days and magandang gabi bayan days”, he was already playing politics, much more when he entered or filed his candidacy for the senate seat.

    Fact, if he is a good leader, why is it that personnel at the office of the vice president is becoming demoralized, his able (???) chief of staff is doing nothing, not wanting to sacrifice his juicy position at the GSIS. second, his niece (by her wife) what does she know in running the office (her niece is the head of the administrative and finance, two very important division at the OVP being held by one in-experience person), it seems that these two, as long as they don’t crosses each other, its ok by them (its my turf and your truf).

    Anyhow, our two so called leaders and the rest of our politicians (elective or appointive) should reflect this lenten week, and find for themeselves the true meaning of sacrifice as the Lord Jesus Christ made his sacrifice to save the leives of all the people, the same thing should be done by us, to reflect on our soul/s on what is to be done and to sacrifice for the better of our country.

    jinx

  13. cocopilot cocopilot

    A cornered wild animal can be vicious. That is what we will expect of Glue when threatened to vacate Malacanang. Instead of suffering the fate like Ceaucescu, she should now play it rationally by calling for a snap election. She will then lose “fair and square” and fade away. We will even “promise” her that the people will leave her alone just so that she will be banished from our sight!

  14. cocopilot

    our society is sick, it’s dying now
    because of such Filipino trait of
    forgetting and forgiving criminals.
    we, our children and grandchildren
    now are suffering because of this.
    promise to forgive gloria and let
    future generations of Filipinos
    be damned. a BIG NO

  15. to continue.

    cocopilot

    A BIG NO TO THAT. THANKS
    God you are only CO-PILOT
    YOU CAN FLY US FROM
    PURGATORY TO HELL. IF YOU
    MEAN WHAT YOU SAID.

    let us not be afraid of
    vicious animals, it’s
    better to kill them than
    suffer their presence all
    our lives.

  16. cocopilot cocopilot

    I really don’t care what happens to her. I just wish anything will happen to get rid of her as quick as possible by hook or by crook! WE CAN’T TAKE IT ANYMORE!

  17. anna de brux anna de brux

    I agree with cocopilot – it’s got to be a snap election. Another so-called Edsa 2 is not going to produce the constitutional requirement we all need to move.

    Having said that, I believe that Gloria and her cabal of erring officials should be prosecuted to show the world we mean business.

    Perhaps, only then we establish a real Republic.

  18. Tedanz Tedanz

    Pinaghahandaan na naman siguro ng mag-tiyuhin (DAVIDE & GLORYA) yong darating na eleksiyon (if any?). Pinag-iisipan na nila kung sinong mga GARCI na naman ang ilalagay nila sa COMELEC. Kahit anong gawin mo ate GLORYA walang maniniwala na sa iyo. Binaboy mo na lahat, COMELEC, AFP, SC …. MAigi talaga sa iyo ay mag-bigti na lang. Alanganing mag-resign ka dahil hindi ka naman talaga nanalo sa eleksiyon. Sabi nga ni Susan Roces hindi lang daw inagaw mo minsan ang pagkapangulo kundi dalawang beses daw. Di ba masakit yon Ate GLO?? Hindi ko alam kung anong mukha ang inihaharap mo pag kausap mo ang mga Pangulo at mga Diplomats ng ibang Bansa. Ang normal na tao na mapagbintangang magnanakaw ay kung pupuwede ay magbigti na … napagbintangan lang yan ha. Ikaw ATe GLO huling-huli sa akto, di ba nakakahiya???

    Pag dating ng araw ng HUKOM kaawa-awa ka. Ang mga ganid na mga kakampi mo ngayon ay isa-isang magsi-laho. Kaya kung ako sa iyo, umalis ka na lang diyan. Bahala na kung sinong uupo kagaya rin nong inagaw mo kay ERAP yang trono. Sabi namin bahala na kung sino basta’t maalis lang si ERAP. Yon pala ay planado niyo na nila TABAKO na aalisin niyo talaga ang inihalal ng BAYAN na walang pandaraya. Siniraan niyo siya sa mga taong bayan. Lahat na lang ng kasamaan ibinato niyo sa kanya. Ngayon ikaw naman, pero hindi ka ibinoto ng mga tao ATE GLO, inagaw mo at dinaya mo!!! Kaya dapat lang na UMALIS KA NA PATI ANG PAMILAYA MO, HINDI KAYO KAILANGAN NG MGA PILIPINO!!!!

  19. Thunderbird010 Thunderbird010

    ako po ay nasa labas ng bansa nagtratrabaho. nasa singapore. i have time to read your column lately kasi i’m not loaded with work. para sa akin, wala pong magagawa ang isang pinuno kung hindi tutulungan ng sambayanan. kailangan pong tanungin din natin ang mga sarili natin kung ano ang ating maitutulong sa bayan. hindi ba natin kayang tulungan ang ating pamunuan para umangat ang antas ng ating pamumuhay? paano tayo magkakaroon ng pagkakaisa kung laging may kokontra? subukan po natin, bigyan daan ang pagbabago para sa lahat. pag tayo ay nagkaisa, gagabayan tayo ng may kapal.

  20. Bong Bong

    to Thunderbird10

    Mabuhay ka kabayan eh. Natumbok mo ang ulo at sentro pa. Dapat para sa atin na wala naman alam kundi magdakdak ng masama tungkol sa adminitrasyon, tumulong na lang para umungat naman tayo. Mga hanap buhay yata ng nga ito eh yong mambastos sa mga nakapwesto. Ano ba talaga mga kaibigan,sayang ang bayad nyo sa internet cafe pag ganito ring pambabastos ang sinusulat nyo. Sinabi na nyo lahat ng masama sa presidente pero sabi ko nga magsalamin kayo at tignan nyo kung sino kayo at ano ang nagawa nyo sa bayan. AkO? OCW nagpapadala ng dolyar sa kaban ng bayan. lalo na sa iyo kabayang “VONJOVI” kono. Ang sama ng dila mo. Sayang ang pangalan mo. Mabuhay ka THUNDERBIRD10.

  21. Bong Bong

    Open Letter to Our Leaders
    Dear Tita Cory, Senators, Congressmen, Businessmen, Media people,
    Leftists, and all Bleeding Hearts Out There:

    I am angry. And I know that there are many out there who are angrier
    than I am for the same reason. And that reason is simple. I am sick
    and tired of all you guys claiming to speak for me and many
    Filipinos. I feel like screaming every time you mouth words about
    fighting for my freedom and my rights, when you obviously are just
    thinking about yours. You tell me that the essence of democracy is
    providing every citizen the right to speak his or her mind and make
    his or her own informed judgments, but you yourselves do not respect
    my silence and the choices I and many others have made. In other
    words, your concept of democracy is limited to having your rights and
    your freedoms respected, at the expense of ours.

    I am utterly flabbergasted that you still do not get it: we already
    responded to your calls, and our response has been very clear – we
    chose not to heed your calls to go to EDSA or to Fort Bonifacio not
    because we do not love our country or our freedoms or our rights, but
    precisely because we love our country even more. Because quite
    frankly, we are prepared to lose our freedoms and our rights just to
    move this country forward. You may think that is not correct, you can
    tell me all the dire warnings about the evils of authoritarian rule,
    but quite frankly all we see is your pathetic efforts to prop up your
    cause. You tell me that you are simply protecting my freedoms and my
    rights, but who told you to do that? I assure you that when I feel
    that my rights and my freedoms are at a peril, I will stand up and
    fight for them myself.

    You tell us that GMA is not the right person to lead this country
    because she has done immoral acts. As someone who sees immorality
    being committed wantonly in many ways every day and by everyone (yes,
    including the ones you do), I may have become jaded. But you have not
    been able to offer me any viable alternative, while GMA has bent over
    backwards many times to accommodate you while continuing to work hard
    despite all the obstacles and the brickbats you have thrown her way.
    From where I sit, she is the one who has been working really hard to
    move this country forward while all of you have been so busy with one
    and only one thing: to make sure she does not succeed. So forgive me
    if I do not want to join you in your moral pissing contest. Forgive
    me if I have chosen to see things from another perspective. You say
    she is the problem. I say, we are the problem, more to the point, I
    think you are a bigger problem than she is. Taking her out may solve
    part of the problem, but that leaves us with a bigger pro blem: you.
    That is right, YOU!

    While I felt outraged that she called a Comelec official during the
    elections and that she may have rigged the elections, I have since
    then taken the higher moral ground and forgiven her. Yes my dear
    bishops, I have done what you have told me to do since I was a child,
    which you say is the Christian and moral thing to do: forgive.
    Especially since she has asked for forgiveness and has tried to make
    amends for it. Erap certainly has not apologized and continues to be
    defiant, continuing to insult us everyday with his protestations.
    Cory has not apologized for her incompetence but we have forgiven her
    just the same because like GMA, she has worked hard after all.

    I know you do not think that GMA’s apology was not enough, or that
    she was insincere, or that that apology should not be the end of it,
    but please spare me the hypocrisy of telling me that you do so for
    the sake of protecting th e moral fiber of society. The real reason is
    because you smell blood and wants to go for the kill.

    Well, I have news for you. I do not like her too. I did not even vote
    for her. I voted for Raul Roco. But as much as I do not like her, I
    do not like you even more. I may not trust her, but guess what; I do
    not trust you even more.

    You know why? Because all you do is whine and sabotage this country.
    You belittle every little progress we make; conveniently forgetting
    that it is not just GMA who has been working so hard to achieve them.
    Every single day, we keep the faith burning in our hearts that this
    country will finally pull itself out of the mess and we work so hard
    to do that. Every little progress is the result of our collective
    effort, we who toil hard everyday in our jobs. Yet, you persist in
    one and only thing: making GMA look bad in the eyes of the world and
    making sure that this country continues to suffer to prove your sorry
    point. In the process, you continue to destroy what we painstakingly
    try to build. So please do not be surprised that I do not share your
    cause. Do not be surprised that we have become contemptuous of your
    antics. You have moved heaven and earth to destroy her credibility,
    you have convened all kinds of fora and hearings and all you have
    done is test our patience to the core. For all your effort, you have
    only succeeded in dragging us further down. I say enough.

    Don’t get me wrong. I am not asking that we take immorality lying
    down, or that we let the President get away with anything illegal.
    But you have tried to prove your accusations all these time and you
    have not succeeded, so it is time to let things be. Besides, you are
    doing something immoral as well if not utterly unforgivable. The
    Magdalo soldiers are consorting with the communists – the same people
    who have been trying to kill democracy for years. Co ry has been
    consorting with Erap and the Marcoses.

    So please wake up and take a reality check. In the absence of true
    and genuine moral leadership, many of us have decided to cast our lot
    with the President, even if we do not like her. A flawed leader is
    better than scheming power hungry fools who can not even stand up for
    their convictions in the face of an impending arrest.

    Your coup attempts and the denials that you have consequently made
    only underscore what we think is true: you are spineless and
    unreliable people whose only defense is to cry suppression when your
    ruse do not work. You are like bullies who taunt and provoke, but cry
    oppression when taken to task for your cruelty.

    I would have respected you if you took the consequences of your
    actions like real heroes: calmly and responsibly instead of kicking
    and screaming and making lame excuses. You say you are willing to die
    for us, that you do all these t hings for the country and the
    Filipino, but you are not even willing to go to jail for us.

    Come on, you really think we believe that you did not want to bring
    down the government when that is the one and only thing you have been
    trying to do in the last many months?

    We love this country and we want peace and progress. Many among us do
    not give a f*&k who sits at Malacanang because we will work hard and
    do our share to make things work. If you only do your jobs, the ones
    that we elected you to do, things would be a lot simpler and easier
    for every one.

    The events during the weekend only proved one thing. You are more
    dangerous and a serious threat to this country than GMA is. We have
    seen what you are capable of doing – you are ready to burn this
    country and reduce everything to ashes just to prove your point. If
    there is something that we need protection from, it is protection
    from you.

    Success is going from failure to failure without loss of enthusiasm – Abraham Lincoln

    Addendun from OFW

    I wish that Madam Aquino shall refrain from any future noisy moves as it shown that she is being used by the “oppositionists” which means opportunists who want to grab power and they don’t care about the welfare of every Filipinos. Mrs. Aquino, you called GMA to resign several times and she don’t resign, I would suggest that is enough from you, PERIOD! That is your democratic freedom to talk your view BUT don’t expect to bite all your word by somebody like GMA. Afterall, she is the president and you was the president.

    Why the oppositions has no economic agenda? This is what our country needed most! Everyday they talk politics! Violation of this and that! They don’t understand that democracy means welfare of the majority. We know, whatever the president implement has POSITIVE AND NEGATIVE effect like the BATTERY TO PRODUCE ENERGY. Could you imagine if the battery has only positive pole! As it says that “you can’t please everybody”.

    To ALL lawyers, will you try to perform your profession in the international arena to prove your gut! You study basic law but every one of you has different definition in it! So I would suggest that everytime you craft a LAW – define it clearly not to interpret it later on.
    To ALL journalists, will you also crarify the meaning of the “FREEDOM OF THE SPEECH / PRESS”. Is it JUST even if you are insulting somebody, hurting anybody? I know some are responsible press people.

    To ALL MILITARY MEN especially the PMAers. You should remember that the government spent a lot of money to you during your study! Therefore, it is your noble duty to serve the government. You should refrain from military adventurism.

    To ALL MARALITA (like I am), when you start working productively to feed your family? When you stop accepting money (PHP500~PHP1000) to vote for corrupt politicians? When you stop attending rally with pay? You always like instant money! Others are noble-poor.

    May the Lord put a his hand in our land, AMEN.

  22. Bong Bong

    Bong refers to Emilio Mason. OCW Taiwan

  23. Tedanz Tedanz

    BONG – ang isyu ay yong pandadaya niya, yong ibang isyu ay lumabas na lang dahil doon sa una. HINDI BA MALIWANAG YAN? Alam natin na kahit noon pa naman e may dayaan ng nangyayari, pero yang GLORYA na yan ay parang nagmamaka-awa pa doon sa 1M na dagdag boto niya. Siya pa mismo ang nakiki-usap. YAN BA ANG PRESIDENTE MO???? BAHALA KA SA BUHAY MO!!!!!!!

  24. anna de brux anna de brux

    Bong should write to Mrs Aquino.

    We are talking here of ousting Gloria Macapagal and not Mrs Aquino.

  25. cocopilot cocopilot

    We are all trying to earn an honest living, at least I am, and expect our government officials expecially GMA to run the government fairly. But this is not happening! There is bigtime cheating, lying, and stealing. How can we tolerate a government that is manipulating the justice system, patronizing the military, fooling the masses, threatening the media, and bullying anyone that tries to speak against it?
    I voted for Roco and if ever I’ll be given another chance to vote for a new leader, I’ll continue to pick one who I think will do a good job. But all along, we were cheated and there is the perception that we will be cheated again and again. Does that make you frustrated to the max or what? Surely we don’t want this kind of leadership. It seems that we are doomed to suffer under a government that only wants to take advantage of a “docile” people…those who are gypped on believing that this government is trying its best to work for our good. ASA KA GOOD?

  26. bfronquillo bfronquillo

    Na mayroon pang nagtatanggol kay Arroyo ay okey sa akin. Pero dapat tanggapin ang katotohanan na ngayon lang nangyari na karamihan sa bawa’t kulay ng bahaghari ng ating LIPUNAN ay nagpapahayag ng pag-ayaw kay Gloria. Kamangha-mangha na pati nga ang mga taong kasama sa pagluklok kay Gloria ay nagsasabi ngayong NAGKAMALI sila.

    ANG PANANAGUTANG PAG-ISAHIN ANG BAYAN ay nasa balikat ng Pangulo ng bansa, hindi ito pananagutan ng bawa’t isang mamamayan. Bagkus, ang PANGULO ang siyang dapat maging SIMBOLO NG PAGKAKAISA. Ang Pangulo ay pinanunundan at iginagalang, ito ang kaniyang KATANGIAN. Sa sandaling hindi na siya panundan at igalang bagkus maging dahilan ng pagkakawatak-watak ay hindi na siya ang PANGULO NG BAYAN, halal man o iniluklok sa masamang paraan, kahit ano pang PR Job & Hype ang gawin upang iligaw ang paningin ng bayan.

    Ang pananatili sa Malacanang ay hindi siyang magtatakda kung ikaw pa ang PANGULO NG PILIPINAS bagkus ang pagtanggap ng buong bayan. Ang magtatakda nito ay kung sino ang gusto ng bayan. Sino ba ang takot sa isang MALINIS NA SNAP ELECTION? KAKASA BA SI GLORIA? Kung ako siya ay kakasa ako. Pero ako ay hindi si Gloria at hindi rin kayo. UNIQUE siya. Tanging-tangi. Parang si Prinsipe Paris, walang kaparis. Wala tayong magagawa kundi magtiis, HANGGANG MATITIIS.

  27. Emilio Emilio

    Ang tinatalakay sa article ng blogsite na ito ay ang mga kapalpakan na ginagawa ni GMA at kanyang mga alipores. Katulad din ng ginawa ni Bong na sa halip na idirect niya ang kanyang liham sa mga kinauukulan ay ipinadala niya sa pamamagitan ng e-mail sa kanyang mga kaibigan.

    Ang mga sumusulat dito ay mayroon kanya-kanyang opinion at ito ay dapat igalang. Pero kung sasabihin na tingnan muna ang sarili sa salamin ay nanganaghulugan na naghahamon ng mainit sa palitan ng kuru-kuro. Ang naoobserbahan ko ay kung sino ang mga “maliliit” ay siyang malakas ngumawngaw, eh. Ito ang kanilang “defense mechanism”. Sabi nga ay “maliit” ka na hindi ka pa ngumawngaw – hindi ka mapapansin!

    Napanood siguro ng karamihan lalo na sa mga TFC subscribers noong na-interview ni Ricky Carandang si Bong sa programang Viewpoint sa ANC. Si Ricky Carandang ay matangkad at mapapansin natin na si Bong ay malaki lang ng konti kay GMA.

    Para kay Bong- paki-address mo ang iyong liham kay Ginang Aquino at sa ibang kinauukulan.

  28. florry florry

    Bong, Pwede bang magtanong? May commission ka rin ba from KABAN NG BAYAN? Tanong ko lang ito ok? Thanks!

  29. isagani jose isagani jose

    Ever since Gloria Arroyo ran for public office, I never voted for her. Precisely because there is something that i received from her. (I am referring to her vibration). I never liked her. And I was right, correct and true. Gloria Arroyo doesn’t have the cachet, so how could she and her cohorts claim that she won the 2004 election? She sowed dishonesty and mendacity and now she’s reaping them. Doesn’t she know how the Filipino people abhor her? She is indeed callous. MRS. ARROYO, YOUR TITLE AS “PRESIDENT OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES” WAS GRANTED TO YOU (ASSUMING YOU WON) BY THE FILIPINO PEOPLE. You are beholden to all of us. So, please be heedful to what we say and suggest!

Leave a Reply