Skip to content

Mabuhay si Keanna

Fan na ako ni Keanna Reeves ngayon.

Bilib ako sa kanya pagkatotoo. Maganda ang ehemplo na pinapakita ni Keanna sa kanyang tagumpay bilang winner sa Celebrity Pinoy Big Brother ng ABS-CBN. Pinapakita ni Keanna kung paano gamitin sa makabuluhan na bagay ang tagumpay. Marunong siya tumanaw ng utang na loob.

Binisita ni Keanna noong isang araw ang Batasan 5, sina Liza Maza ng Gabriela, Bayan Muna representatives Satur Ocampo, Teddy Casiño, at Joel Virador at Rafael Mariano ng Anakpawis na nanatili ngayon sa Batasan para maiwasan ang pagka-aresto sa kanila. Napasama kasi sila sa mga inaakusahan ni Gloria Arroyo at ng kanyang mga kalamay ng rebellion nang siya ay nagdeklara ng state of national emergency.

Ang Gabriela kasi ang sumuporta kay Keanna nang ibinulgar niya na ilan sa kanyang mga customer na siya pa ay escort girl ay mga pulitiko. Tinulungan din ng Gabriela si Keanna sa mga text votes. Ginawa ni Keanna na beneficiary ng P1 million na premyo ang Gabriela. May P1 milyon rin si Keanna.

Marami kasi sa ating mga artista na kapag nagtagumpay ay pumapasok na ang hangin sa ulo at nakakalimutan na ang ang pinanggalingan. Mahalata mo ang kagandahan ng pagkatao ni Keanna sa kanyang mga pahayag. Pinapakita niya na hindi kailangan mataas ang pinag-aralan para maging mabuting tao. Ang mahalaga ay ang totoo.

Mukhang malalim ang kanyang pangunawa sa nangyayari sa bayan. Pasaring niya kay Gloria Arroyo na ang akala ay magmukha siya “strong” at kahanga-hanga kung siya ay mananakot at magpapahirap ng mga naghahanap ng katotohanan tungkol sa kanyang pandaraya. “Strong din akong babae mula noong maliit ako. Akala ko okay na weapon to, mali pala, dapat may puso.Walang masamang kabayo sa mabuting kutsero,” sabi niya Keanna.

Karamihan sa mga maykaya sa atin, pinapairal ang utak ang at materyal na interes. Parang naninigas na ang kanilang puso. Kaya tuloy nawawala na ang prinsipyo. Isinasintabi na para lamang maisulong ang materyal na ambisyon. Kaya tingnan mo ang mga sinasabi ng karamihan ng mayayaman. Kung alisin si GMA, sino ang papalit? Baka mas corrupt pa?

Hindi dapat yan ang considerasyon. Ang isyu ay nandaya, nagsinungaling, at nagnakaw. Maraming pruweba na diyan. Totoong hindi tayo makakasiguro kung ang papalit kay Arroyo ay matino. Maaaring mas magaling, maaring kasing sama. Depende sa atin yan kung papayagan natin lokohin tayo.

Ngunit ang katotohanan sa ngayon ay isang mandaraya ,sinungaling at magnanakaw ang nakaupo sa Malacañang. Kung ikaw ay desente na tao, bakit mo dapat yan suportahan.

Sa kaarawan ni Arroyo, ang wish ni Keanna, “Open your heart. Intindihin ang iba.”

Sana nga hindi pa naging bato ang puso ni Arroyo.

Published inWeb Links

16 Comments

  1. Ellen,

    Ang masasabi ko lang ay sana tularan ng iba pang Artista or mga kilalang tao ang ginawa ni Keanna. Totoo naman ang mga sinasabi niya eh at talagang lumulubog na ang pilipinas dahil sa mga MAGNANAKAW na naka upo ngayon. Sana ay lumabas rin sila para magsalita at sabihin ang katotohanan.
    Huwag na kayong umasang gagawin ni Gloria Makapal Arrovo Pidal ang ginawa ng Prime miniter ng Thai. Dahil kung tutuusin ay Hindi masyadong grabe ang ginawa ni Thaksin pero inuna pa rin niya ang kinabukasan ng bansa niya. Etong si Magnanakaw ay malayong ang ugali kay Thaksin dahil napaka suwapang nito sa pera at power. Lahat ay gagawin para lang manatili sa puwesto kahit na sukang suka na ang bansa natin sa kanya.Saka alam niya na maraming kaso ang babagsak sa kanya.

    Isa pa Ellen, Ang ganda ni Keanna ah.. sayang may siyota na ako eh… More power sa iyo Keanna at sa iyo rin Ellen.

  2. jinxies jinxies

    06 April 2006

    HEHEHEHEHEHE……..gawing ba namang ikumpara si keanna kay leprechaun. Ang pagakakiba nila, si keanna marunong tumanaw ng utang na loob at marunong umamin sa kanyang mga nagawa, e si leprechaun ba marunong ba syang tumanaw ng utang na loob at marunong din ba syang umamin sa kanyang mga nagawa???? hinde .

    Kaya wag nating ikumpara ang taong may kunsensya sa wala, manhid na si leprechaun at wala na tayong magagawa kundi patalsikin, sampu ng kanyang mga alipores.

    Kaya dapat ang panawagan natin ay THAKSIL RESIGN!!! NOW NA!!!!

    MAG SNAP ELECTION NA TAYO!!!!!

    jinx

  3. myrna myrna

    vonjovi,
    hanggang panaginip na lang tayo kung aasa pa ang mga pinoy na mag ala-thaksin si gloria. siempre pa, sasabihin na naman ni bunye at ni defensor at ni ermita at siguro si de venecia pa, na di naman thailang ang pilipinas at magka-iba ang dalawang bansa. pero sa totoo lang, nakakahiya na talaga dahil ipinapakita ni gloria na wala ni isang gabuhok na delikadesa sa pagkatao niya.

    sa balita rin na ginawa ni ms luli sa isang media person, noong bday ng unano, — o di ba, saan pa magmamana ang atis, di sa atis din, alangan naman sa bayabas!!!!

    pare-pareho lang talaga sila sa pamilya.

  4. Pero ang ganda talaga ni Keanna ano??? He,he,he, kahit papaano ay nabawasan ngayon araw ang inis ko dahil sa pag basa at sa ginawa ni Keanna at lalo na ang amo ng mukha niya. Ang suwerte ng panpapangasawa ni Keanna dahil totoong tao siya at hindi takot mag salita ng katotohanan at galit rin sa mga MAGNANAKAW sa gobyerno.
    Myrna, Sina Bunyeta, Ermit-a , Defector ay mas mabaho pa ang bibig sa imburnal or sa ilog pasig eh. Ni isang salita ay walang lumalabas na katotohanan at tinalo pa nila ang mga bata sa kasinungalingan. Lalo na si Bading SiRaul-o Gonzales na galit sa mga babae na mas maganda sa kanya. Bading na Gurang…

  5. Walang mangyayaring pagbabago, sa Malacanang di uso ang hiya, siguro naghihintay pang magkaroon ng susunod na martyr na kilalang tao para kumilos ang lahat na nakamasid at tahimik na mga kababayan natin.

  6. Tedanz Tedanz

    Kaya pala ayaw magbitiw si ATE GLO gaya ng ginawa ni THAKSIN kasi:
    – Hindi naman daw siya nanalo sa eleksiyon kung hindi
    niya INAGAW at NANDAYA
    – Kulang pa ang nakulimbat ni MR. PIDAL hindi gaya ni
    THAKSIN na dati ng may pera hindi na niya kailangang
    mangulimbat pa
    – Graduate siya sa Amerika si THAKSIN hindi
    – Walang Girlfriend na General si THAKSIN siya may BF
    – Si THAKSIN ay walang BUNYE, DEFENSOR, ERMITA,
    CLOUDIO, REYES, PUNO, GONZALESES na mga bayaring
    sexytaries.
    – Siya daw ay itinalaga ng DIYOS na maging Pangulo
    etcetera…etcetera..etcetera
    AY NAKU ATE GLORYA DI MO BA ALAM NA AYAW NA SA IYO NG MGA MADLANG PIPOL HUWAG KA NG MAGGALING-GALINGAN PA. KUNG TALAGANG MAGALING KA E DI SANA WALA ANG MGA GULONG ITO. MAAYOS SANA ANG BUHAY NG TAO. INAAMIN KO NA WALA TALAGANG PAPALIT SA IYO SA NGAYON KASI NGA PARE-PAREHO TALAGA KAYO. KUNG MADRAYA KA, MANDARAYA RIN SILA, KUNG MAGNANAKAW KA, MAGNANAKAW DIN SILA. KAYA “MABUHAY, IBOTO NATING SI KEANNA” (sino nga ba siya?)

  7. goldenlion goldenlion

    See? Ang tunay na pagkatao ay wala sa pinag-aralan. Hindi na kailangang maging PhD, o maging lawyer. Lalong hindi kailangan ang maging anak ng kung sinong leader ng bansa para maging tunay na tao. May pararangaln ko pa si Keanna, sa kabila ng kangyang pinagdaanan hanapbuhay ay hindi siya sinungaling, hindi nagnakaw para lang mabuhay at palagay ko ay hindi rin nandaya. Mabuti pa siguro si Keanna ang ipalit natin ke gloria. At least siya may puso, may utang na loob. Alam ang pintig ng bayan. O di ba?? Alisin na ang mga makakapal ang mukha sa malacanang!!1

  8. Ferdinand Ferdinand

    THE REASON:
    Mukhang may katotohanan nga naman pala na PAANO MAGBIBITIW SI GMA SA PAGKAPANGULO eh HINDI NGA SYA PANGULO?

    Paano mo nga naman hihilinging mag resign sya???
    In the END ang sasbihin niya bakit ako mag reresign eh hindi naman ako PANGULO ngek ngek..

    lusot…

  9. sorry, out of topic ito pero mabuting mabasa
    ng marami sa atin. NAPAKABIGAT NITO
    EDITORIAL PA, NG HINDI BASTA BASTANG
    PERIODIKONG KILALA SA BUONG MUNDO.

    From the New York Times
    Published: Wednesday, April 5, 2006

    Editorial

    Dark Days for Philippine Democracy
    Filipinos thought they had put an end to electoral chicanery and governmental intimidation when they overthrew the Marcos dictatorship two decades ago. Unfortunately, President Gloria Macapagal Arroyo has completely lost touch with the ideals that inspired that 1986 “people power” movement.

    Mrs. Arroyo is no Ferdinand Marcos, at least not yet. But this onetime reformer is reviving bad memories of crony corruption, presidential vote-rigging and intimidation of critical journalists. Unless the Philippine Congress and courts find ways to rein in her increasingly authoritarian tendencies, democracy itself may be in danger.

    This was not the outcome people expected five years ago when Mrs. Arroyo, then the vice president, was swept into power on a wave of popular discontent with her discredited predecessor, Joseph Estrada. In those days, Mrs. Arroyo, a professional economist, was seen as an earnest reformer. She won further credit by pledging not to run for a new six-year term in 2004.

    But then she changed her mind, and her style of government as well. Her narrow re-election victory became tainted after a tape revealed her discussing her vote totals with an election commissioner while ballots were still being counted. She survived an impeachment attempt over that incident. But she was forced to send her husband into exile over charges that he took bribes from gambling syndicates.

    Earlier this year she briefly declared a state of emergency in response to allegations of a coup threat that others disputed. Since then she has been intensifying pressure on a wide range of political critics and especially on the press. Government officials have warned news outlets that they will be held to restrictive new guidelines, the justice secretary talks darkly about a journalistic watch list, and the staff members of a well-known center for investigative journalism have been threatened with sedition charges. No Philippine government has made such efforts to muzzle the press since the Marcos era.

    President Bush has repeatedly hailed Mrs. Arroyo as an important ally against international terrorism. He now needs to warn her that by undermining a hard-won democracy, she is making her country far more vulnerable to terrorist pressures.

  10. balik sa TOPIC tungkol kay Keanna:

    There is absolutely no comparison between
    keanna and gloria. Mababangit ba si Keanna
    sa EDITORIAL ng NEW YORK TIMES? na isang
    masamang lider ng kanyang bansa? Sinong
    Filipina ang kayang gawin ANG MGA GINAWA ni Gloria na magsinungaling, mandaya, magnakaw, mang alipusta, manloko sa 80 milyon Filipinos.

    Aba, sa ibang bansa tulad ng mga babaing
    lider Margaret Thatcher, Indira Gandhi,
    Au Sung Su Kyi, Golda Meir, pag nakumpara
    kay gloria, si gloria ay isa lang pekeng
    talipandas. Magmula pa kay URDUJA at GABRIELA
    SILANG hanggang sa lahat ng nakulong at
    ngayon nakakulong sa ating Corrrectional
    Institution, SA LAHAT NG FILIPINANG ISINILANG MERON PA BANG SASAMA SA PINAKAMASAMANG FILIPINA NA SI GLORIA. SHE IS PROBABLY
    THE WORST fILIPINA WE WILL HAVE IN TWO THOUSAND
    YEARS.

  11. Tedanz Tedanz

    Aruy ko po, PINAKAMASAMA BA JAY??? .. sabihin mo FOREVAHH .. Ganyan daw ang mga UNANO magtapang-tapangan pero pag-naipit para silang ibong pipit. Ako ay minsan naa-awa sa kanya … papano … pag dumating na ang araw ng paghuhukom, nag-iisa na lang siya pati asawa itatakwil na siya. Pero pakiramdam ko hiwalay na naman talaga ang mga yan … taking advantage lang si PIDAL. Totoo ba na tinanong daw ng isang reporter kay PIDAL ang relasyon niya doon sa hipag niya? Ano ba yan? Pabling din pala ang tabachingching na yan. Pati hipag kinakana. Ilang mg kaya na bayagra ang iniinom niya bago ooops…… Kaya mag-resign ka na ATE GLO bago mabuking lahat ang sikreto mo, ipakita mo na matapang ka talaga na kaya mong harapin lahat pati ….. K …… iliti!!!!

  12. sabi ng ama sa anak na babae, “Don’t mind him,
    don’t mind him,” sabay talikod dahil hindi
    nila masagot ang tanong ng reporter. Masama
    ang dating sa anak ng salitang, “DON’T MIND THEM,” ano bang yung reporter, asong kumakahol or isang patay gutom na nanghihingi ng limos?
    parang bang sabing: “huwag mong pansinin
    walang kwenta tao yan.”

  13. florry florry

    Salamat Keanna sa pagtulong mo kay Liza Maza and her company. Nakakalungkot nga dahil till now hindi pa ri sila makalaya.While in Soliman’s case one day lang nakalaya na sila. Sana makalaya na rin sila.
    Magkaroon lang ng PGKAKAISA ang LAHAT at HUWAG PASISILAW sa SUHOL may chance na mapatalsik yang si BANSOT.
    Kaso nga may nasisilaw pa rin sa SUHOL.Kase alam na nating lahat at may ebedensyang totoo sa pandaraya ni Bansot;Some Journalist STILL ADDRESSING this BAnsot as ” PRESIDENT or PANGULO NG PILIPINAS”Mabuti na lang may Ellen at NInez pa tayo
    Thanks to two as well.

  14. myrna myrna

    arogante ang dating ng sinabi ng ama sa anak: don’t mind him. lalo na at English pa? tama nga, parang halos ipagsigawan na siguro ang ganito: tayo mga Somebody, ako first (gentle)man, ikaw first daughter…di natin ka-level ang mga yan…….SO DON’T MIND HIM!!!

    ganun yun….

  15. mattdls mattdls

    Si keanna ba ay kapatid ni Christopher Reeves.

Leave a Reply